Chapter47
Chapter 47
Lying
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang singsing sa kulay pula na box. Sobrang nangungulila ako kay Sebe. Sobrang kailangan siya ng sistema at katawan ko.
Hindi birong adjustment ang ginawa ko masanay lang na wala siya. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Patuloy ang buhay ko na wala siya. Kaya ko na kami lang nang anak ko.
Binalik ko sa drawer ang box nang singsing. Simula nung umalis ako,hindi ko na iyon sinusuot.
Lumipas pa ang dalawang buwan at sa susunod na buwan ay manganganak na ako.
Mahirap man pero kinaya ko.
Hindi ako nagambala sa huling sinabi ni Kylie sa akin na alam na ni Sebe kung saan ako. Dahil wala naman akong maramdaman na kakaiba.
Kumpleto na ako sa mga gamit pang bata. Yung plano ko lang ay bago pa ang due date ko ay doon na ako sa hospital magpapa admit kung saan ang nag aalaga sa akin ay Si dra. Dela torre at Dr. Mendez.
Tumunog ang aking cellphone sa isang tawag.
"Hello beautiful mommy. It's your check up day! I am waiting.." Shawn Mendez said on the other line.
Napahalakhak ako.
"Yeah.. Yeah.. My doctor." Tumayo na agad ako at nag ayos.
Sa nagdaan na dalawang buwan na pagpapa check up ko at pag process ng papeles ko bago manganak ay si Shawn ang naging katuwang ko.
He's so good to be true.
Mula sa laboratory ko at ultrasound ay siya ang kasama ko. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya.
We've been good friends.
Palagi niya akong dinadalhan ng pagkain at prutas sa aking unit. Alam niya kung saan ang condo ko dahil minsan nang sumakit ang aking tiyan at tinulungan niya ako makauwi.Pagkatapos kong magbihis ay sumakay na ako nang taxi.
Hawak ko ang cellphone ko at ' nagtitipa nang reply kay Shawn.
To Shawn:On my way.
Tinago ko iyon sa bag ko at hindi sadyang napatingin sa salamin sa itaas lamang ng ulohan nang driver.
A black shimmering car. Kanina pa ito sunod nang sunod sa amin a.Tumalikod ako upang masdan nang klaro iyon pero saktong lumiko din ang taxi at nakita kong hindi na iyon nakasunod.
Ang kaba ko ay unti unting nawala.
No, imposibleng si Sebe iyon. Hindi, hindi pwede.Sa entrance palang nang hospital ay agad ko nang nakita si Shawn.
Umaamba na yayakapin ako. Well. Sanay na ako sa mga kahambogan niya minsan. Sa dalawang buwan na lumipas ay ang dami ko nang nalaman tungkol sa kanya.
He's twenty three years old. Single, Taga dito sa Iloilo. Nalaman ko din ma maimpluwensya ang kanilang pamilya dito sa Iloilo.
I chuckled when I hugged him back.
Shawn knows my story. Sinabi ko sa kanya nung minsan na magtanong siya dahil nagtataka siya kung bakit daw ako palaging mag isa.At simula nun ay naging magkaibigan kami.
Pagkatapos ng monthly check up ko kay Dra. Dela torre ay niyaya ako ni Shawn mag lunch.
"Wala ka bang pasyente?" Tanong ko nang nasa parking area na kami ng hospital kung saan ang kotse niya.
Umiling siya.
"Wala, day off ko ngayon. Pumunta lang ako dahil check up mo." He smiled as he opened the door for me.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
Agad siyang umikot para makapasok na rin. Shawn is a good man.
"So what's your plan after you gave birth?"
Napatingin ako sa kanya at umiwas din.
"Uh...I'll stay here." I am staying here for good.
"How about your parents?"Paminsan minsan siyang sumusulyap sa akin para tignan ang aking reaksyon.
Napayuko ako sa aking tiyan nang sumipa ang baby ko.
"Alam nila na nandito akopero sinabi ko na gusto kong mapag isa."
I contacted mama ’nong sinabi sa akin ni Kylie na alam na ni Sebe na nandito ako sa Iloilo. Sobrang umiyak si mama sakin noon. Pinipilit na umuwi ako pero ayoko.
At tulad din nang inisip ko. She said ,mas mabuti kong bigyan ko nang pagkakataon si Sebe.
Everyone deserve a second chance. But for me, hindi sakin uso ang pangalawang pagkakataon.Dinala ako ni Shawn sa isang magarbong Restaurant.
Pagka parking palang ay agad na nahagip nang tingin ko ang itim na sasakyan kanina na sumusunod sa taxi na sinasakyan ko.
Mabilis itong nagpark sa tabi lang nang sasakyan ni Shawn. Umikot si Shawn at pinagbuksan ako nang pinto kaya nawala ang aking atensyon doon.
Pagkalabas ko palang nang pinto ay agad kumalabog ang pinto mula sa sasakyan na kulay itim at niluwa doon ang taong mahal ko,sinaktan ako at kinsusuklaman ko ngayon.Agad akong nanlamig at parang sasabog sa kaba.
"S-Sebe.."
Nangunot ang noo ni Shawn at tinignan ang tinitignan ko.Pero bago pa siya makabaling doon ay kita ko na ang pagsugod ni Sebe sa kanya nang suntok at lumagapak si Shawn sa semento.
Napatili ako sa sobrang lakas nang pag suntok ni Sebe. Kita ko agad ang pagputok nang labi ni Shawn.
Natutop ko ang bibig ako at lalapitan sana si Shawn pero nahawakan na ni Sebe ang pulso ko hinila ako palapit sa kanya.
"Bitawan mo’ko!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako binitawan.
His jaw clenched as he looked down on my belly. Kita kong namula agad ang kanyang mata.
Lahat na galit ko ay nawala nang oras na ito. Agad namuo ang akong luha sa aking mata.
Kahit sobrang na miss ko na siya. Kahit sobra sobrang gusto kong yakapin siya ay hindi ko ginawa.
Ewan ko kung bakit mas tumaas siya ngayon kumpara sa dati. Ang mga ugat sa braso niya ay nagbigay alaala sa akin kung paano ko kita ang pag igting nun habang nasa ibabaw ko siya habang angkin niya ako noon.
Agad nanindig ang aking balahibo sa naisip ko.
He licked his lips and he cursed.
Naramdaman ko ang paghawak ni Shawn sa aking kamay.
"Natalia.." Kita ko na putok nang labi niya.
"Don't fucking touch her." Diin na sabi ni Sebe at hinila ako palayo kay Shawn.
Kita ko ang pag titigan nilang dalawa.
"Sh-Shawn" I called him.
"I-Iwan mo muna kami.." Sabi ko.
He looked so hesitant. "Natalia but..---"
"Hintayin mo nalang ako sa loob. Please.."
Umigting ang panga niya at isang beses pa tinignan si Sebe nang masama at pumasok.
"You're pregnant with my child woman! Sino iyon?"
I scoffed at winaksi ang kamay niya na nakahawak sa akin.
I crossesd my arms at tiningala siya.
"And so?" I mocked.
"Yes! I am pregnant! And you're a fiance of a pregnant woman! Which is happened to be me! Pero ano? You cheated!" Sinuntok ko ang kanyang dibdib at sinampal siya.
Wala siyang ginawa at nag paubaya lamang. Tila deserve niya iyon dahil sa nagawa niya.
Bumuhos agad ang luha ko.
"At ngayon na kahit yung lalaking tumutulong sa akin ay pinagseselosan mo? E ano nalang yung naramdaman ko nang nakita kong naghahalikan kayo ng putang inang Claire na ’yon!!"? Buong sigaw ko na hindi alintana ang ibang tao sa paligid.
Sebes seems don't care about them. Were making a goddamn scenario here!
Kita kong pulang pula na ang mukha niya at leeg niya.
"Saktan mo ako! Saktan mo pa’ko kung iyon ang gusto mo. But please baby, let me explain!" Hirap na sabi niya pilit akong niyakap.
"Hindi ko alam na hahalikan niya ako ng oras na iyon! Oo aaminin ko na nagpadala ako! Kasalanan ko! Tatanggapin ko lahat na sasabihin at gagawin mo sakin but please....please come back to me.. I need you.I need my baby.".. Halos lumuhod na siya sa aking harap.
Hinahawakan niya ang tiyan ko at yumuko na hinalikan iyon. Agad akong suminghap at umiwas.
"Umuwi ka na ng Manila Sebe..." Halos manginig ang boses ko. "W-Wala na.. Wala nang babalik sayo.." Buong tapang na sabi ko.
Nakita ko ang pagdaan nang sakit sa mata niyang namumula dahil sa nagbabadyang luha.
Umiling siya.
"No..Kahit anong mangyari--"..
"Kahit anong mangyari wala nang babalik sayo! I gave you your chance pero ano?! Sinira molang!"
Bumuhos ang panibagong luha ko.
"Okay na ako dito e. Naka move on nako sa sakit na natamo ko sayo!"
He tried to wiped my tears pero hinawi ko ang kamay niya.
"Kaya please lang! Umalis kana!" Sigaw ko sa kanya at tinulak siya.
He shooked his head.
"No... I am not leaving..
"Umalis kana!" Sigaw ko ulit..
Pero napaawang ang labi ko nang lumuhod siya sa harap ko at binaon ang mukha sa aking kandungan. Hawak niya ang aking tiyan.
"Please, Give me my chance." Tumingala siya sa akin. Kita kong bumagsak ang luha galing sa mata niya.
"I Will never be an ass a-again baby.." He cried. Natutop ko ang bibig ko.
"Sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko! Bumalik kalang sakin."
Nakatingala siya sa akin habang luhaan.
"Please come back to me." He whispered.
"Stand up!" I
"No! Give me fucking reason why you don't want me anymore." Diin na sabi niya na nakaluhod parin sa akin at yakap.
Napasinghap ako at pinunasan ang aking luha.
"Tumayo k-ka Sebe."
"Fucking tell me the reason!"
"I am in love with someone else!! May mahal na akong iba! Hindi na kita mahal! ’Yon ang totoo kaya tumayo kana! Go back in Manila! I dont want to see your face again!" I screamed..
He was stunned.
He stood up languidly. His eyes were now bloodshot.
"I don't believe you." He hissed.
"You're pregnant with my--".
"Pwes maniwala kana ngayon! Kaya kung buhayin ang anak ko!,"
"You did'nt mean that.." Tila hindi niya matanggap.
"I mean it, pease leave now!"Ilang sandali pa niya ako tinignan at ako ay hindi makatingin sa kanya.
"Sorry". Yumuko siya at suminghot.
"Please take care.. Dugtong niya sa seryosong tinig.
Tango lang ang naging sagot ko na pinigil ang aking hikbi nang tumalikod na siya.
Agad akong tumalikod at umalis tuluyan nang bumagsak ang panibagong luha. Bago pa ako tuluyang makalayo ay narinig ko ang pagkalabog nang trash bin.
Alam kong iyon ang pinagbuntungan nang galit ni Sebe .
Narinig lo ang sobrang bilis nang pagpapatakbo niya nang kanyang kotse palayo. Bumuhos ang aking luha at parang lantang dahon na napaupo sa bench sa gilid ko.
Hinimas ko ang aking tiyan.
"Baby, I' m sorry for lying.." Hikbi ko.
"Mommy love daddy s-so much."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co