Truyen3h.Co

Unspoken Truth

Chapter 10

CussMeNot

Chapter 10


It was five-thirty pm when we arrived in Cebu. We're still riding in my car going to my hotel. I sighed and then I looked at her. She's still quiet, and it makes me anxious because I don't know why she's acting like this. I also noticed that she was pale.

She's not like this. She's talkative even if I keep on cursing at her.

What is she thinking?

I coughed so that I can get her attention but I failed because she didn't even take a glance at me.

Fuck! What's with her?

Sa sobrang inis ko ay pinapabayaan ko na lang siya. Walang umiimik sa amin hanggang makarating kami sa hotel.

Lumabas ako ng kotse at pagkatapos ay padabog kong sinaraduhan ang pinto. Napansin kong nagmamadali din siyang bumaba sa kotse.

Before we enter the hotel's lobby, I command the bellboy to get our suitcase and bag in the compartment. And I also asked my driver to park my car in my private parking lot. When I dismissed them, they both nodded and take a bow before they follow my orders.

Dumeretso agad ako sa receptionist. Hindi ko na pinansin pa si Hera. I know that she's following me. Nagulat ang tatlong receptionist nang makita nila ako.

"Sir...We didn't... know that you'll be staying here in your hotel." one of the girl receptionists said while stuttering.

"Do I still need to inform you?" inis kong tanong.

Umiling ito habang kinakabahan. "N-no, S-sir."

"How's my hotel? Is my business going good?" tanong ko. Kinakabahan na napangiti ang isang receptionist na nasa gitna.

"It is, Sir. Infact, We are gaining many positive feedbacks from our customer." paliwanag niya.

Tumango ako at pagkatapos ay tiningnan ko ang pagkakaayos ng working place nila. Maayos na nakalagay ang mga papel sa isang holder. Everything is presentable. Pati ang kanilang uniform at make up ay ayos.

Everything is good. Maganda padin ang pamamahala kahit na ilang buwan akong wala. I think I should give Mr. Dani a reward for being a good manager.

"That's good. Keep on serving our customers with a good quality of services, and tell Mr. Dani that I need to talk to him tomorrow," I said to them. They all nodded in unison.

"Copy, Sir." sabay sabay nilang sabi.

"Sir, do you want to have a welcome ceremony with all your employees?" tanong noong nasa gitna.

Umiling ako. "No. I'm tired. I want to rest."

I am going to skip that tradition. I'm so exhausted and I want to rest. I don't want to meet all of my employees today. Maybe tomorrow, I will, but not now.

"Okay, your highness."

"Is my penthouse clean?" I asked and then I glanced at Hera. I noticed that she was looking in every corner of the hotel's lobby.

There's a glint of amusement on her face. I slightly smirked when I saw her reaction.

She's really like a kid. Madaling mamangha sa mga simpleng bagay.

"Yes, Sir. Pinapalinisan po namin iyon araw-araw." sabi ng receptionist kaya napatingin ako dito.

"That's good. I will get my key card." nagmamadaling kinuha noong isang receptionist ang key card na nakasabit sa kanilang key holders.

Ibinigay niya ito sa akin at pagkatapos ay yumuko.

"I also need one room for my secretary," I said.

"Sir, We don't still have a vacant room for this hour. It's all occupied by the guest." sabi ng receptionist na maikli ang buhok.

Napatingin ako kay Hera na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa kaniyang tagiliran. Sinundan ko ang tingin niya at bigla akong nainis noong makita kong doon siya nakatingin sa lalaking nakangiti at kumakaway sa kaniya.

And what the fuck, who gave him the fucking guts to smile at her? That fucking piece of shit!

I glanced at Hera and then I saw her smiled at that guy too. Damn, I want to punch that guy straight on his fucking face. Kunot noo na tiningnan ko ang receptionist noong marinig ko itong magsalita.

"I'm sorry, Sir." she apologized.

"What?" inis kong singhal.

"I'm sorry, Sir. We don't have any rooms left." muli niyang sabi.

Mas lalo akong nainis dahil sa kaniyang sinabi. There's no more vacant room. Saan ko patitigilin ang secretary ko? I don't want to share my room with her. Ayoko siyang kasama sa kwarto, because she's a fucking temptation.

Noong tumingin ulit ako doon sa lalaki ay kinindatan niya si Hera. Napansin kong nakatulala lang si Hera sa lalaking iyon. That's bullshit! He's a fucking flirt. Mas naging triple ang inis ko at ibinuhos ko ito sa tatlong receptionist na nasa harap ko.

"What do you mean by that? Hindi mo ako kayang bigyan ng isang room para sa kasama ko. Anong gusto mong gawin ko sa secretary ko? Hayaan na lang siyang matulog sa labas. GAWAN MO IYAN NG PARAAN KUNG AYAW MONG SISANTIHIN KITA" pakiramdam ko ay umuusok na ako sa galit habang sumisigaw.

"Sorry po talaga sir pero wala na po talagang--" pinutol ko ang pagpapaliwanag niya at pinanlisikan ko siya ng mata.

"Really? Then you're fi---" bago ko pa masabi ang mga salitang iyon ay pinigilan na agad ako ni Hera.

Gulat na napatingin ako sa kaniya noong hinawakan niya ako sa likod.

"BOSS RELAX! INHALE EXHALE KA PO MUNA. BAWAL PONG MA-ISTRESS. Okay? Baka po pumangit ka" nakangising sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

Did she think that I will try to be calm because of what she said? I'm so pissed off right now because of her. Because she's fucking flirting with that guy.

Sinamaan ko siya nang tingin kaya umiwas agad siya ng tingin sa akin at pagkatapos ay nag-peace sign siya.

Napairap ako sa kaniyang ginawa. Stop acting cute. Baka mawala ang inis ko.

Tinitigan ko siya at nakita kong tumingin ulit siya sa akin at pagkatapos ay ngumuso siya.

Every time you do a silly facial expression, all of my rage and annoyance disappeared.

Fuck! This ain't good.

Bumuntong hininga ako. Nawala ang inis na nararamdaman ko at kumalma ako.

"Sir, pasensya na po talaga pero wala na pong extra room ngayon. Fully booked na po talaga ang hotel niyo. Marami po kasing turista ang nag-check in ngayong araw. Hindi nga rin po namin inaasahan na mapupuno po tayo ngayon. Pasesya na po talaga Sir" naiiyak na sabi noong babae na receptionist.

Muli akong napatingin kay Hera. I don't have any choice but to be with her in one room. I hope I won't do crazy things with her! I hope I can restrain myself from kissing her!

I sighed. "Fine. Let's go" hinawakan ko ang kamay niya at pagkatapos ay kinakaladkad ko siya papuntang elevator.

"Aray naman, Boss. Kung makakaladkad ka naman wagas. May hinahabol ka ba? Grabe ka ah! Alam mo bang nasasaktan na ako sa pinaggagagawa mo. Wala ka talagang pu--" pinutol ko agad ang pag dadrama niya.

"Shut up" inis na singhal ko sa kaniya.

"Okay pero saan ba tayo pupu--" pagtatanong niya sa akin.

I hissed at her and I stopped her from talking.

"SHUT UP OR I'LL KISS YOU" seryosong sigaw ko sa kaniya.

"Ha-ha-ha" she laughed nervously.

She became quiet, and I'm sure she's scared to be kissed. Tahimik lang kami habang nasa elevator. Nang bumukas ito ay agad ko siyang hinila palabas.

"Teka teka lang, Boss. Huwag ka namang masyadong makakaladkad" she complained to me.

I let go of her hand and then I rolled my eyes. Ang arte.

I swiped my key card and when the door opened I entered my penthouse. I took a glance at every corner of my room.

Nothing changed at all. It's still the same. And it's still clean as ever.

Dumeretso ako sa sofa at umupo ako doon. Napansin kong namamangha na naman si Ms. Buencamino habang tinitingnan ang buong penthouse ko.

Tumakbo siya papalapit sa nasa tabi kong malaking sofa at umupo doon.

Maya-maya ay humiga siya doon sa sofa. Napailing ako. She's really like a kid, but damn, I won't lie if I tell you that I like her!

"Feel at home, huh" mahina kong puna sa kaniya. Napatayo agad siya nang marinig niya ako.

"Hahaha! Sorry boss natuwa lang" she said.

Napakunot ang noo ko noong dali-dali niyang pinagpagan ang sofa kung saan siya humiga.

Oh, Hera. No need to do that. I won't be mad at you. Kahit guluhin mo pa ang buong bahay ko ay wala akong pakialam. If it's you... i don't mind it at all.

"It's okay. You can do whatever you want" napatigil siya sa sinabi ko.

"Huh" reaksyon na sabi niya.

She stayed quiet for a moment and then she started to laugh. She also shakes her head slowly.

May iniisip na naman siyang kalokohan.

"Tsk! Ang weird talaga" naiiling na sabi ko habang nakangisi.

"By the way, nandoon ang kwarto" saad ko habang itinuturo ang direksyon ng kwarto at pagkatapos ay tumungo ako papunta sa balkonahe.

I get my phone in my pocket and then I dialed my mother's phone number.

Just two rings and she answered my call. "Hello? Tyron? Oh my gosh, How are you? I miss you so much!" I smiled when she said that.

I know it's true. She misses me so much, and I missed her too.

"Mom, I'm here in Cebu," I told her and she gasped.

"Oh my gosh, are you serious? Saan ka tumutuloy? Are you in our mansion?" Tanong niya.

"Nope. I'm here in my penthouse."

"I will tell your dad that you're in Cebu. Uuwi agad kami mamaya. Isang araw ka lang ba dyan?" halata sa boses niya ang pagka-excite.

"I will be here for one week. No need to go home later. I want you and dad to enjoy your vacation there in the Maldives." sabi ko.

I want them to take a rest. They badly need it.

"But I miss you... You didn't come home for five months. Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo d'yan sa Manila?" nagtatampo niyang tanong.

"You told us that you'll just go to personally manage your business there in Manila for about three months but it's been five months and you're still not going home...well, now you did but it takes so long."

"Noong una naman ay minsanan ka lang pumunta sa Maynila upang usisain ang kompanya mo tapos di ka na umuwi sa Cebu." mahaba niyang sabi.

Maraming nagbago sa plano ko. Ang dapat tatlong buwan ko lang na pamamalagi sa Maynila ay nagtagal dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

"I'm sorry. I noticed that there's many allegations that's happening in my business here in Manila. I need to be hands on with this. Mom, kindly tell dad that I will be in Manila for too long. Pasabi naman po na siya muna ang mag-asikaso ng iba ko pang negosyo na naiwan dito sa Cebu." paghingi ko ng pabor sa kaniya.

I have so many businesses. Ang iba ay pamana sa akin ni Daddy at ang iba naman ay ako ang nagtayo.

Iba't ibang negosyo at nasa iba't iba ding lugar. It's hard but I can manage.

"Okay. Daddy mo na ang bahala sa mga iyon. Just please take care. Don't worry, we will be home on Wednesday. Aabutin ka pa namin dyan. Huwag ka munang umalis ha?" bilin niya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"I won't, Mom." Sagot ko.

"Ang dami ko din namang ginagawa kaya hindi kita mabisita sa Manila. My business is getting a lots of problems right now. Ngayon ay pinili muna namin ng daddy mo na magbakasyon kasi na iis-stress na din ako." sabi niya at pagkatapos ay tumawa.

She's always like that. Even if she has a lot of problems, she still manages to be happy.

"Mom, don't let yourself be stressed so much. Health is much more important than business," I said.

"You should tell it to yourself too. Ikaw ang mas workaholic sa ating dalawa. Ingatan mo din ang kalusugan mo." Pagbabalik niya sa pangaral ko.

"Okay, I would do that."

"Okay.. bye, I have to go. Nangungulit na ang daddy mo. Gustong gusto ng pumunta sa beach. Matanda na pero ang kulit kulit parin." natatawang sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sa lahat ng tao ay sila ang iniidolo ko.

Their love for each other is unmeasurable. They love each other and I admire them because of that.

"Bye. Enjoy your day."

"Ingat ka dyan ha?" mahinang sabi niya.

"I will, Mom. Take care also." sabi ko. Narinig kong nagsalita si Daddy sa kabilang linya.

"Okay. I'll hang up. I love you, anak." sabi niya kaya napangiti ako.

"Is that my son? Let me talk to him." Narinig kong nagsalita si Daddy sa kabilang linya.

"I love you too, Mom." i said while smiling. Bago pa makuha ni Dad ang telepono ay pinatay ko na ang tawag.

I don't want to talk to him. Kukulitin niya lang ako at aasarin tungkol sa pag-aasawa. Sa pag-uwi niya na lang at tsaka ko siya kakausapin.

I said I love you to her. I meant it. Even if she's not my real mother. I still love her so much, including my step-sister and my father.

Ipinatong ko ang aking siko sa bakal ng balkonahe. Pinagmasdan ko ang palubog ng araw.

I was ten years old when my real mother left us. My father and I was so devastated at that time. Sa murang edad ay hindi ko alam ang gagawin ko. Iniwan kami ng ina ko at isinama niya ang kakambal ko.

Everything crushed when they left us. Ang akala kong masaya at matatag na pamilya ay nasira dahil sa aking ina.

I thought everything was okay, but I'm wrong. My mother is an ambitious woman. She has a big ambition in her life, and she left us because of that.

I don't know where did they go. We lost our contact with her. I still remember how I beg with my father just to get her back to us. But my father didn't do it. Hindi na niya muling hinabol ang tunay kong ina. Sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit ito umalis at iniwan kami. Dahil doon ay mas lalo akong nasaktan.

When I was a kid, I always dream to have a complete and happy family, but all of that shattered when my mother and my twin left. Years had passed and we moved on.

When I was fifteen years old, my father remarried and then he became happy again. We both became happy again. Lahat ng nangyari sa nakaraan ay parang naging masamang bangungot na lang na pilit naming kinalimutan.

Naging masaya kami sa naging bagong pamilya. Mabait ang napangasawa ng ama ko. Pati narin ang anak nitong babae ay mabait din. I became closed to the both of them. Minahal nila ako bilang pamilya at ganoon din ang ginawa ko. Inalagaan at itinuring nila akong kadugo at wala na akong mahihiling pamula noon. I became contented kahit na wala akong balita sa tunay kong ina at sa kapatid ko.

I was twenty when they came back. Nasaktan man ako noong una pero sinubukan ko parin silang tanggapin. We became civil with each other but we are not close. Magkakilala lang, hanggang doon na lang iyon. Malayo padin ang loob namin sa isa't isa ng totoo kong ina at kakambal ko. I don't know but my twin brother was very distant to me. He's always mad at me, even if i didn't do anything to make him mad.

That's my fucked up story.

Noong makatapos ako sa pagbabalik tanaw ay pumasok na din ako sa loob.

Pumunta muna ako sa kusina upang maghanap ng makakain. Wala akong makita na stock kaya tumawag ako sa telepono na dalhan kami ng pagkain.

Matapos noon ay pumunta na ako sa kwarto.

"B-boss a-anong ginagawa mo dito?" Halata sa mukha ni Hera ang kaba habang sinasabi iyon.

"Obvious ba? Syempre dito din ako tutulog. Kwarto ko ito diba. Alangan naman na sa labas ako" nakangising sabi ko.

Nakita ko kung paano namula ang mukha niya. Mas lalo akong napangisi.

"A-ano? E-edi m-magkatabi tayo d-dito sa ka-kama ngayong ga-gabi? " nauutal niyang tanong sa akin.

Tumango ako sa kaniya at noong lumapit ako sa kama ay umipod siya palayo.

Nasaan ang tapang mo, Ms. Buencamino? Bakit parang takot ka?

"Well, unfortunately, yes." napansin kong mas lalong namula ang mukha niya at pagkatapos ay nagtalukbong siya ng kumot.

Napangisi ako at pagkatapos ay lumabas na din ng kwarto.

Hera, In every day that I'm with you... you keep on amusing me with your personality. And you keep on making my heart beats so fast.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co