Chapter 3
Chapter 3
"Where's my schedule?" seryosong tanong ko kay Hera.
She nervously looked at me. Napansin ko ang paglunok niya ng laway noong magtama ang paningin namin. I'm pissed off with her. Naiinis ako sa kaniya dahil sa isang simpleng dahilan. Kakasimula niya pa lang sa trabaho at nakasuot na agad siya ng maiksing skirt. Napakunot ang mga kilay ko.
I hate girls who wear short skirts.
Hindi nakalampas sa aking paningin ang pandalian niyang pagnguso.
Fuck that kissable lips of hers. I glared at her. Inaakit niya ba talaga ako? Kahit na sinasamaan ko siya nang tingin ay lumapit parin siya sa akin.
"S-sir, Eto na po yung schedule niyo" nauutal na sabi niya habang ibinibigay sa akin ang kulay blue na folder.
Kinuha ko lang ito at pagkatapos ay binasa. Habang nagbabasa ako ng schedule ko ay ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. I know that she's drooling while looking at me.
Typical na babae na mahilig sa gwapong mga lalaki. Makakita lang ng gwapo ay naglalaway na.
Nang matapos kong basahin ang schedule ko para sa araw na ito ay tumunghay agad ako at sumalubong sa aking paningin ang mga mata niyang nakatulala sa akin.
"Are you done checking me out?" seryoso na pagpuna ko sa kaniya.
Her face became crimson red. She blushed and then she looked away.
"Ha? S-sorry po" she whispered. Halata sa boses niya ang pagkapahiya.
Mas lalong napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.. Nag-sorry siya kahit wala naman siyang kasalanan.
She's stupid. Dapat ay hindi na s'ya humingi ng tawad. It's just a simple thing. Tumitig lang naman siya sa akin, kasalanan na ba iyon?
Fucking weird. Napailing na lang ako at pagkatapos ay ibinalik ko sa schedule ang tingin ko. I've noticed something. Nagsalubong na naman ang mga kilay ko. May naka-drawing na maliit na smiling face sa may babang bahagi ng papel.
Did she draw this? I took in a deep breath. So childish.
Napapailing na isinarado ko ang folder at doon ko lang din napansin na may maliit na nakasulat sa may pinakababa nito.
Starts your day with a smile.
Really huh? So, ipinararating niya ba na kailangan kong ngumiti lagi? Dream on, I will never do that. Tsk!
Muli akong tumunghay at tiningnan siya.
"What are you still waiting for? I thought you were done checking me out. You can go. I don't need you here." I said with a serious tone.
She smiled but it didn't reach her eyes. Nang makalabas siya sa opisina ko ay nanghihina na napasandal ako sa upuan.
Malungkot siya pero sinusubukan niya paring ngumiti. Dahan dahan akong napailing at napangisi. Mapagpanggap.
Dalawang linggo na ang lumipas. Nanatiling malamig ang pakikitungo ko kay Hera. I don't like her. I really don't like her. Kahit na maganda siya ay ayoko pa rin sa kaniya.
I don't like her personality. She's talkative. She's weird. She's naive and fucking kind. Sa sobrang bait niya ay inaabuso na ng iba ang kabaitan niya. At higit sa lahat, masyadong siyang inosente at manhid sa mga bagay-bagay. Kahit na binabastos na siya at pinaparinggan ng mga kapwa niya empleyado ay wala lang ito sa kaniya. Kahit sinisiraan at pinaplastik na siya ng ibang babae ay nginingitian niya parin ang mga ito. She's so stupid. Sa lahat ng bagay ay iyon ang pinaka-ayaw ko.
"Nakakainis talaga iyong bagong sekretarya ni Sir Tyron. Napagka-ignorante. Simpleng bagay ay hindi pa alam. Tinuruan ko na nga siyang mag-photo copy sa xerox machine pero hindi parin na gets. Paulit-ulit ko nang itinuro pero hindi parin nakuha. Ang tanga lang." napatigil ako sa pagpasok sa private elevator ko nang marinig ko ang sinabi noong isang babaeng empleyado.
Napakunot ang noo ko sa narinig. It's early in the morning but here they are, wasting their time in this fucking nonsense talk. Imbis na magtrabaho sila ay heto sila, parang mga bubuyog na nagkukumpulan sa may elevator para lang makapag-tsismisan. Hindi agad ako umalis at nanatili muna ako sa kanilang tabi para makinig sa kanilang usapan. They didn't even notice me because they are still busy, gossiping about Hera.
Hindi naman ako tsismosong tao, gusto ko lang talagang pakinggan ang mga sasabihin nila.
"Slowpoke kasi siya. Matagal mag-loading kasi nga airhead siya. Ganda lang ang meron siya at walang talino."
I raised my eyebrow when I heard what she said. She's not a slowpoke, hindi niya lang talaga naiintindihan agad agad ang mga trabaho na bago pa lang sa kaniya. She's still adjusting in her new environment. Kahit sino ay mangangapa parin kung bago ang trabaho.
"Ni-hindi nga siya makapag-gawa ng weekly reports eh. Kailangan niya pa ng tulong ko para lang makapaggawa siya." Ms. Serafin exclaimed.
"Tsk. Hindi ko nga alam kung bakit natanggap pa siyang secretary ni Sir eh. Ang boba naman niya. Tsaka balita ko ay galing lang siya sa isang pipitsuging school dati, so nakakapagtaka lang na hindi nakuha ang ibang applicants na graduate sa mga sikat na university."
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa sobrang inis na nararamdaman. They keep on degrading someone with their educational background. Damn, masyado silang mapag-mata sa kapwa.
"Ano ba, Hanni! Syempre, maganda siya. Kahit sino ay mahuhumaling sa kaniya, malay mo nga eh, baka inaakit na niyan si Sir Tyron, my loves. Feeling ko talaga kaya siya nakapasok kasi malandi siya eh." someone said.
"Korek. Baka nga golddigger siya. Sobrang gwapo at yaman ni Sir no, sinong hindi mababaliw sa kaniya? Kahit sinong babae gagawa ng paraan para lang maakit siya." Ms. Serafin said.
"Eh 'yun ay kung papatulan siya ni Sir Tyron. Sa sobrang sungit ba naman noon, parang mangangain ng tao tuwing nagagalit. At tsaka nakinig ko noong isang araw na pinapagalitan si Hera. Palpak na naman kasi. Pag talaga natanggal siya sa trabaho ay matutuwa pa ako. Mabait nga pero tatanga tanga lang."
I tightly closed my fist because of so much annoyance. I don't know but I feel annoyed.
"Pero malay mo naman, pag ang isang tao ay desperada ay gagawin lahat para lang ipagtulakan ang sarili, ganon ang mga malalandi. "
They all laughed in chorus. Pinagtatawanan nila at sinasabihan ng kung ano ano ang isang taong walang ginawa kundi magtrabaho nang maayos. They are so fucking pathetic. Ano bang nakukuha nila sa pag-ti-tsismis sa ibang tao? And They called her many names. Who are them to judge her like that? Fuck them.
I clenched my jaw so tight because of so much anger. Ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo ko sa aking ulo. I will not tolerate this shit. Hindi ko pwedeng palampasin ang bagay na ito.
Lahat ng mga pinagsasabi nila ay hindi totoo. They are just fucking insecure because of her gorgeous face and body.
Hera is always smiling. Lagi siyang nakatawa na para bang walang problema. Alam kong alam ni Hera na pinag-uusapan at pina-plastik lang siya ng iba pero pinapalampas niya lang ang lahat ng ito.
Naalala ko ang nangyari kahapon, I heard her crying in the restroom because of so much pain. Narinig kong kinakausap niya ang kaniyang sarili. Hinihikayat niya ang sarili niyang tiisin ang lahat ng sakit na nararamdaman mula sa mga negatibong naririnig niya sa paligid.
"Huwag ka nang umiyak, Hera. Huwag mo na lang pansinin ang mga narinig mo. Huwag kang magpa-apekto sa mga sinasabi nila. Hindi ka dapat sumuko, kailangan mong tiisin ang lahat para sa trabaho mo. Para sa trabaho ay kailangan mong magpakatatag." i remembered what she said.
She looks strong but in fact, she's not. She's just pretending to be tough.
She's working with me for the past two months. And I can say that she's a very hard-working and competitive employee.
"I'm really excited, na mapaalis siya. Sana lang ay mapatalsik na agad siya dito. Na-fi-feel ko na malapit na siyang i-fired ni Sir. Sino bang may gusto ng tangahin na sekretarya diba?"
Ang maliit na pisi ng aking pagtitimpi ay naputol na.
"I'm also excited to fired you all." natigilan sila at pagkatapos ay mabilis silang napaharap sa akin.
Gulat na gulat ang reaksyon nila habang namumutla.
"S-sir--"
"I don't want to hear any complaints, got it? Gossiping about someone is prohibited during working hours! Hindi ko kayo binabayaran para lang mag-tumpukan dito at mag-tsismisan. I will be expecting all of you to be gone from my building until this afternoon! Are we clear?" I said with an authority in my voice.
Napatungo silang lima sa sobrang pagkapahiya. Hindi ko na sila pinansin pang muli at pumasok na agad ako sa loob ng elevator.
Pagkapasok ko sa opisina ko ay agad kong tinawagan ang HR manager. Pinasunog ko ang mga papeles nila. Kasama ang mga resume at employees requirements nila. I told the HR department to fired them.
"Why are we following her? Akala ko ba ay pupuntahan natin si James?" Orion asked me while I'm driving.
I glanced outside the car, and then I saw her. I saw Hera sitting on the bench. I'm sure she's waiting for someone.
"I need to know something." sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko kay Hera.
"About her? Really man? Don't tell me, na nagkakagusto ka na sa kaniya?" hindi makapaniwala na tanong ni Orion.
Inis na napatingin ako kay Orion.
"Fucking No!"
"Then why are you following her?" he asked me while smirking.
He doesn't believe me.
"I think she's a spy!" I reasoned out.
"Spy? Don't you think it's a little bit absurd?" He asked. He looked outside to see Hera.
She's still there. Waiting while eating some bread. She looks innocent but I doubt it.
Looks can be deceiving.
"She came from Dela Fuente Est. Company. Ang kompanyang gusto akong pabagsakin." I clenched my jaw so tight.
"Then you immediately suspected her as a spy? Dahil lang doon? Try to think, bro. Hindi porke't galing siya doon ay paghihinalaan mo na agad siya. Malay mo naman ay nagkataon lang." sabi ni Orion habang napapailing.
"Coincidence? Fuck! Magdadalawang buwan na siyang nagtatrabaho sa akin at Ngayon lang siya nagpaalam sa akin na mag day off! Hindi naman niya ginagawa iyon noong una. Siguro ay magre-report siya sa Dela Fuente na iyon tungkol sa mga nakalap niyang impormasyon." pag-pipilit na sabi ko habang inis na kinukuha ang smart phone ko.
Binasa kong muli ang text niya.
From: Hera
Good morning, Sir. Magpapaalam po sana ako. Pwede po ba akong mag-day off kahit isang araw lang. Magpapahinga lang po kasi ako. Salamat po sa konsiderasyon.
Magpapahinga. Then why is she here in the park? In that case, she lied to me.
"Stop being irrational. Sa palagay ko ay gusto niya lang mag leave ng isang araw kasi gusto niyang magpahinga, sigurado akong pinapahirapan mo siya sa trabaho. Bro, let's go and give her a break. Pumunta na lang tayo sa dapat nating pupuntahan. Huwag mo na siyang paghinalaan pa." Sambit niya.
"Give me five minutes. I will just going to know who's she's gonna meet." seryoso kong sabi.
Napailing na lang si Orion. Lumipas ang ilang minuto at biglang may dumating na mga bata. Five children to be exact, three boys and two girls. I think their age is between five to seven.
I saw how Hera smiled widely at them when they approach her. She looks happy while hugging them. She hugged them without a second thought even if the children looks so dirty. Their clothes are ripped, and they have some dirt on their face.
When she's done hugging them. She went to the bench and then she get the blue paper bag. Inilabas niya ang laman nito.
Naningkit ang mata ko upang tingnan ang inilabas niya. It's a plastic full of bread. She gave it to the children and they all jumped excitedly.
I saw how her eyes twinkled because of so much happiness.
Isang oras ang lumipas at napagpasyahan na niyang umalis. Masayang iniwan niya ang mga bata habang tuwang-tuwa ang mga ito.
Why so kind, Ms. Buencamino?
She ride on a jeep. Pinaandar ko ang kotse at sinundan ko siya.
I heard Orion growled beside me.
"We waited for one hour and a half, and you're still not contented by that? And here we are, still following her like a dog. What's up with you?" Orion complained.
"Just shut up for now." inis na singhal ko.
Minutes passed by and the jeepney stopped in a street. Itinigil ko din ang kotse, malayo sa kanila.
Bumaba siya sa jeep at pumasok sa isang maliit na establisimento.
Nalilitong napatingin ako sa pangalan ng gusali.
"Tingnan mo. Mali ang akala mo. She's just visiting an orphanage. Come on let's go. Itigil mo na 'yang mga hinala mo. Tsk!" walang gana na sabi ni Orion sa akin.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Orion. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito.
"Sir, one hundred percent sure, she's not a spy. She quit her job because her employer tried to molest her."
Napamura ako nang malutong sa nabasa. How dare I judge her without a shred of valid evidence? She's not a fucking spy.
"Fucking son of a bitch!" I loudly cursed.
I'm so pissed off with myself for jumping to conclusions. But I'm also mad because of that fucking Dela Fuente.
"Why?" Orion curiously asked while looking at me.
"I will fucking bring his company down. That old hag asshole!" I hissed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co