Truyen3h.Co

Unspoken Truth

Chapter 5

CussMeNot

Chapter 5


"Sir, you have a conference meeting at exactly one pm." rinig kong pag-uulit niya.

I only nodded at her. Tinapos ko ang pagpirma sa mga dokumento na ibinigay niya sa akin. Ibinalik ko ito sa kanya at pagkatapos ay tinignan ko siya sa mga mata. Napansin ko na hindi siya mapakali.

"Eh sir—" tumigil siya at nag-alinlangan sa pagsasalita.

"Spill it," I told her to continue what she wants to say.

Kinakabahan na inilapag niya sa lamesa ang isang box. Naglaho ang pagkaka-kunot ng noo ko nang sulyapan ko ito at napataas ang gilid ng labi ko.

She gave me a box of donuts. Is she courting me?

It amuses me to think that she's courting me.

"D-donuts po, Boss...para sayo."

May nakakalokong ngiti na tiningnan ko siya. I saw how her cheeks turns red because of so much embarrassment.

I bit my lower lips to holdback the smile that wants to appear in my face. Hindi lang naman siya ang nagbibigay sa akin ng pagkain at kung ano-anong bagay pero pag dating sa kanya ay namamangha ako.

"Why are you giving me this...Uhm...a box of donuts?" I asked with an amused tone.

"Ahh, bumili po kasi ako ng donut eh saktong 18th anniversary po pala nila, may free na dalawang box ng donut ang first 10 customers. Binigay ko kay Mitch ang isa. Wala na akong maisip pang pagbigyan na ibang tao kaya sa'yo ko na lang po ibibigay." Paliwanag niya habang nakanguso.

Napangiwi ako noong marinig ko ang sinabi niya. I thought she's courting me. Maling akala lang pala.

Dahil sa sobrang inis ko sa sarili ko ay hindi ko tinanggap ang ibinibigay niya. Fuck! Napahiya ako sa sarili ko.

"I do not eat donuts. I hate sweets." seryoso na sabi ko habang nakabusangot ang mukha.

"Ah ganon po ba, Boss? Sige po." matapos niyang sabihin iyon ay kinuha niyang muli ang isang kahon ng donuts. Napansin ko ang malungkot niyang mukha bago siya umalis.

Hindi ako mapakali, so I texted her.

To: Ms. Buencamino

Clean my house tomorrow.

Thirty minutes have passed but she's still not replying to my message. Is she mad at me because of what happened?

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Imbis na tapusin ko ang aking gagawin ay naantala ito dahil sa palagiang kong pagtingin sa cellphone ko.

She's not even replying to my text message.

Maraming minuto pa ang lumipas at nainip na ako sa kakahintay sa reply niya. Papatayin ko na sana ang cellphone ko dahil sa inis pero natigilan ako. I received a message from her.

Muntik ko nang maipaltok ang cellphone ko sa sobrang inis nang mabasa ko ang reply niya.

From: Ms. Buencamino

K.

She did reply but it's a fucking K. A damn fucking K. I don't know why but I feel fucking insulted. I assume na mahaba ang i-re-reply niya pero naiinis ako dahil iisang letter lang. Today, She's not professional. I texted her with four words but she just replied to me with a damn one letter. Not cool!

Sa sobrang inis ko sa kanya ay pinarusahan ko siya. I'm her boss and she's just my employee. Pero ngayong araw kung umasta siya ay parang siya ang boss. She just pissed me off. Kung dati ay wala siyang pasok sa opisina tuwing sabado at Linggo, ginawan ko ng paraan ang bagay na iyon. Pinaglilinis ko siya sa aking bahay tuwing day off niya, sa ganon ay nakikita ko siyang nahihirapan lagi.

She's my cook and my personal house cleaner. Siya narin ang kinuha kong taga-paglaba ng mga damit ko. Pinapahirapan ko siya dahil naiinis parin ako sa kanya.

Hindi naman siya nagrereklamo kaya mas pinag-iigihan ko pa ang pagpapahirap sa kaniya.

Ilang buwan ang lumipas at ganoon parin ang ginagawa ko sa kaniya. She's still not complaining about that. Ginagawa niya lahat ng ipinag-u-utos ko. Lagi ko din siyang sinusungitan at pinapagalitan. Kahit na konting mali ay pinupuna ko. Batid kong nahihirapan na siya pero hindi parin siya nasuko at nagrereklamo. She's really hard working and I admire her for that.

It's been four months since she become my secretary. And we won the fucking bet. I mean Orion won the bet. I didn't do the sexual things that James wanted me to do. Nag-papakasasa na ang kuripot na lalaking iyon sa mga premyong nakuha niya.

Syempre, may konti rin akong nakuha sa kaniya.

Someone steal our ten million funds for our upcoming projects. I am so fucking mad right now. Hindi pa rin namin alam kung sino ang nagnakaw ng pera ko.

Ang perang pondo sa pagpapagawa ng bago kong hotel ay ibinulsa ng isang hayok sa pera.

Fuck them. Kung sino man sila ay pagsisisihan nila ang ginawa nilang pag-traydor sa akin. I still do not know who's that fucking thief. Pinaiimbestigahan ko pa kung sino ang salarin. Pag nalaman ko kung sino iyon ay paparusahan ko siya.

Tinawagan ko ang private investigator ko at humingi ako ng update sa pinagagawa ko.

"Sir, si Mr. Ganados po ang nag nakaw ng pondo niyo."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen. "May kasama ba siya?" Nanggagalaiti na tanong ko.

"Meron po. Inaalam ko pa po kung sino."

I knew it! Naiinis na napahawak ako sa aking noo. They just fucking made me mad. How dare them to do this to me? Akala ba nila ay makakalusot sila sa akin? Fuck them. I'm not a fool.

Alam kong hindi siya nag-iisa. Hindi kaya ng isang tao ang gumawa ng ganitong pagnanakaw. They perfectly planned everything. They're a good culprit, but sorry to burst their bubbles but I'm better than them. Alam ko ang lahat ng nangyayari sa loob ng kompanya ko. Every single things was being monitored. Paano pa kaya 'yung mga importanteng bagay katulad ng pera? Alam ko lahat ng pumapasok at lumalabas na pera sa kompanya ko. I know every single details about it.

Naiinis na tinawagan ko si Hera. It's already eight o'clock in the morning. Maaga ako upang asikasuhin ang mga dokumento ng proyektong ginagawa na. Kanina pa ako nang hingi sa kanya ng kape pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Ang inis na nararamdaman ay naibaling ko sa kanya.

"Where's my coffee? Kalahating oras na akong nag hihintay dyan sa kapeng pinapatimpla ko sayo pero hanggang ngayon ay wala parin? Ano bang ginagawa mo? Do you want to get fired? Ang bagal mong kumilos" malakas na sigaw ko sa kanya.

Sa sobrang inis ay siya tuloy ang napag buntungan ko ng galit.

Kanina ko pa hinihintay ang kapeng ipinatitimpla ko pero hanggang ngayon ay wala pa din. Nagpapatama ba siya sa gawain niya? Fuck!

Narinig ko ang pagkalabog sa kabilang linya na tila ba nagmamadali sa pagkilos.

"Shit" rinig kong sigaw niya.

Nagsalubong ang aking mga kilay nang marinig ko ang sinabi niya. Did she just cursed at me? Nagngingitngit sa galit na binulyawan ko siya.

"Minumura mo ba ko? Baka gusto mong tanggalin kita sa trabaho." Galit kong sigaw sa kanya.

Anong karapatan niyang murahin ako? Wala siyang respeto. I'm her boss and she's just my fucking employee.

Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "H-hindi po, Boss" kinakabahang sagot niya.

I heard it right. Hindi ako nagkakamali ng dinig.

"Hindi po kayo ang minumura ko. Uhmm, Yung Ano... yung ipis. Tama..tama..yung ipis nga. Nagulat po ako kaya naman napa mura ako ng hindi oras" nauutal na paliwanag niya.

Lalong kumunot ang aking noo sa sinabi niya. I'm not a fool. Akala niya ba ay mapapaniwala niya ako?

I want to fire her but I don't want to regret it eventually. She's a very competitive employee and hardworking too. Mahirap nang makahanap ng katulad niya.

Hindi ko na lang siya sinagot at ibinaba ko na ang tawag. I calmed myself to reduce my anger.

Let's see! She cursed at me, as a punishment ay pahihirapan ko siya.

Inutusan ko siyang bumili ng Starbucks coffee within five minutes. Hindi naman niya nagawa ang gusto ko kaya binulyawan ko agad siya.

Sinigawan ko siya nang malakas habang nakakunot ang noo. "I don't need that. You can throw that fucking coffee in the trashcan, and you're fired---" naputol ang pagsasalita ko dahil sinigawan niya ako.

"No!" Galit niyang putol sa sinabi ko at bigla niyang ibinuhos sa akin ang kapeng binili niya.

Ramdam ko ang pag-init ng ulo ko sa sobrang inis. Kung kanina ay galit ako sa taong nagnakaw ng pera ko, ngayon naman ay sa kanya ako nabubwisit dahil minura niya ako at ngayon naman ay binuhusan niya ako ng kape.

Who gave her the guts to do this to me? None! Ang lakas naman ng loob niyang gawin sa akin 'to. She's just my fucking secretary!

I clenched my fists and then I glared at her. Imbis na matakot siya sa akin ay nilabanan niya ang galit ko. She also glared at me. Kitang kita sa kanyang mukha ang galit.

"Grabe ka naman, Boss! Matapos kong mapaghirapan bilhin yan ay hindi mo naman pala iinumin. Gago ka ba? Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang maibigay ko yan sayo. Muntik na nga akong mabangga ng sasakyan dahil sa pagmamadali ko tapos pagdating ko dito ay ipapatapon mo na lang ng basta ang lecheng kape na 'yan?" she angrily said.

I've never seen her looks so angry. Not until today. Siguro ay napuno ko na ang pasensya niya.

Hindi ko alam kung maiinis ako o mamamangha sa kanya. Ngunit nainis naman ako nang murahin niya akong muli. "Tang Ina! Naglolokohan ba tayo? Sana naman hindi ka na lang din nag- effort magpabili. Pati tuloy pagod at effort ko ay nasayang lang! Ang mahal din ng letcheng kape na 'to ah! Pang dalawang linggo ko ding pagkain to. TangInaYou, Boss. Fuck y---" i stopped her from cursing at me by kissing her.

Ang balak kong paghalik sa kanya ng panandalian ay hindi natupad. Instead of a peck kiss it's turns out to be a passionate kiss. I can't stop myself from kissing her hard. She's like a fucking drug. Bawal pero masarap.

She didn't protest while I'm kissing her. She's not moving. Nabato lang siya at nakikiramdam. She didn't even flinch. Walang pagtutol. She just remained stationary.

I can't help but kiss her. I can't stop myself. Her kissable pink lips are like candy, sweet and delectable.

God! It's so addicting.

She closed her eyes na tila ninanamnam ang bawat halik na ibinibigay ko sa kanya.

Banayad ang pagka-ka-halik ko sa kanya na tila ba ingat na ingat. I bit her lower lip and then she panicked. Mas lalo niyang naibuka ang kanyang mga labi. I used it as an advantage to kiss her again, but this time it's a smooth and passionate kiss.

Ang aking marahang paghalik sa kanya ay naging mapusok. Sa ginawa kong iyon ay naramdaman ko ang panglalambot niya at pagkatapos ay ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking leeg.

"Kiss me back," I said with a melodious tone, and then after that, she kissed me back. We kissed each other passionately.

When we stopped kissing each other, I stared at her lips, mas lalo itong namumula. I stopped myself from smirking. I'm the one who did that. I made her lips swollen. I mentally smirked and then I whispered something to her.

"Don't cuss at me, baby. It's fucking bad" Wala sa sariling tumango lang siya sa akin.

"At huwag na huwag mo ding susubukan ulitin ang pagputol sa pagsasalita ko. Dahil hindi ako magdadalawang isip na halikan ka ulit. Maliwanag ba?" may awtoridad sa tinig na sabi ko na tila nag-uutos.

She nodded again at me and then she bit her lower lips. Lihim akong napamura sa aking isipan. She's such a temptation.

Stop biting your lips. If you don't stop, I might kiss you again, and again.

Her face is turning red while she's staring at me. I also stared at her, eye to eye. We didn't looked away. Nakita ko kung paano niya tinakpan ang labi niya gamit ang kanang kamay. Tila nahihiya sa nangyari.

She looked away. Iniiwas ko na din ang pagtitig ko sa kaniyang mukha. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan at doon ko napansin ang namumula niyang kamay.

Nagsalubong ang aking mga kilay at pagkatapos ay nangunot din ang aking noo.

"What happened to your hand?" seryosong tanong ko habang nakatingin sa namumula niyang kamay. Nanatili naman siyang tulala sa akin na para bang naguguluhan.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at tiningnan ito. Namumula ito na tila ba napaso.

Walang imik na hinigit ko siya at dinala sa opisina ko. Hindi naman siya umangil at nagreklamo sa akin. Tahimik lang siya habang ginagamot ko ang napaso niyang kamay.

Napapikit ako nang makita ang ekspresyon niyang nasasaktan sa pagdampi ng bulak sa kaniyang kamay. Alam kong mahapdi ang pagkakapaso sa kamay niya.

I asked her if she wants me to bring her to the hospital, but she refused. I want to, pero ayoko siyang pilitin pa. She said she can manage.

Ginamot ko lang para mabigyan ng paunang lunas. Namumula iyon kanina ngunit nang malagyan ng cream ay lumalabo na ang pagka-pula.

Pagkatapos kong lagyan ng cream ang kaniyang kamay ay ipinasok ko na sa loob ng medical kit ang cream.

Nang tumunghay ako ay napansin ko na titig na titig sa akin si Hera. Lunod siya sa malalim na pag-iinisip habang nakangiti.

I snapped my fingers in front of her face to stop her from daydreaming.

"It's done," I said to her.

Bigla siyang nag-panic noong nagising siya sa realidad. I can't help but smile because of her craziness. She didn't see my reaction, because she was busy in her own world.

She's really something.

Inalis ko ang ngiti sa mukha ko at pagkatapos ay tumikhim ako. Nakuha ko agad ang atensyon niya kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

Natigilan siya sa pagpapanic at bigla siyang nahiya. Nakita ko pa ang pamumula ng mukha niya bago siya tumungo.

Tumikhim muna ulit ako. Hindi niya itinataas ang mukha niya upang harapin ako.

"Okay, go back to work. You are hired again." I dismissed her.

May sasabihin pa sana ako ngunit agad na siyang tumakbo palabas ng opisina ko. Napapailing na lang na napaupo ako sa aking upuan habang nakahalumbaba.

Wala sa sariling napangiti ako pero agad ko ring inalis ang mga ngiting iyon. Fuck! What's the matter with me?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon. What did I do? I fucking kissed her but I didn't regret it.

I'm not feeling sorry. In fact, I want to do it again, and again. I'm addicted to her kisses even if she's not a good kisser.

Tipid akong napangisi sa naisip. She's a lousy kisser but i still want to feel her lips against mine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co