Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 10

_Dominous_

Cairo's POV

Kahit hindi ako mapakali sa trabaho at sa gitna ng operasyon sa kaka-isip kay Gian, pinilit kong mag-focus lalo pa at may pasyente sa ibabaw ng lamesa na nakabukas ang dibdib sa harap ko. Tumagal kami ng halos anim na oras sa OR. Nang matapos at naging successful ang operasyon ay para akong nabunutan nang isang malaking tinik sa lalamunan.

There goes another almost a million woth surgery. Malaki ang ibabayad sa akin dito pero halos lahat ng iyon ay mapupunta lamang sa mga pinagkakautangan ng mga magulang ko.

Madilim na sa labas nang makabalik ako ng clinic. Ang unang-una kong ginawa ay ang i-check ang cellphone ko para tingnan kung may message ba galing kay Lukas tungkol kay Gian.

From: Lukas Zachary

Okay na si Gian, nadapa raw sabi ng nurse at may mga sugat sa tuhod.

From: Lukas Zachary

Kumain na rin kami at nakabalik na si Gian sa classroom.

From: Lukas Zachary

Mukhang nagustuhan pa nga yung luto ko, eh hehehehehe

Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ko nang mabasa ang mga message ni Lukas na mula pa kaninang alas dose ng tanghali. Tumalikod ako sa lamesa ko bago isinandal doon ang balakang ko at hinayaang bumagsak ang bigat ng katawan ko rito.

Marami pang kasunod na messages si Lukas kagaya nang kung kumain na ba ako o kung tapos na ba ang operasyon. Kanina pa iyong alas tres ng hapon. May mga messages pa rin siya kaninang alas quatro, hanggang alas singko.

To: Lukas Zachary

Kakatapos lang ng surgery, maliligo lang ako tapos uuwi na rin.

Pagka-send ko nito kay Lukas ay tiningnan ko naman ang messages sa akin ni Athena. Kinakamusta rin nito ang anak kaninang alas dose na hindi ko rin naman nasagot. Ang kasunod na niyang message ay kaninang 4:30 na nasundo na raw nito ang bata.

Inilapag ko na ang cellphone ko sa lamesa bago pumasok sa kwarto sa loob ng clinic ko at kumuha ng damit pamalit bago naligo na.

Pagkalabas ko galing banyo ay saktong vibrate naman ng cellphone ko. Kahit nagtutulo pa ang buhok ay nilapitan ko iyon para tingnan kung sino ang nag-message,

From: Lukas Zachary

St. Luke's ka ngayon? Susunduin kita

From: Lukas Zachary

Papunta na ako

Nang mabasa ko ang message niya ay nag heart react ako rito bago nagreply ng 'okay' at muling inilapag ang cellphone sa lamesa. Inayos ko ang ilang papeles sa lamesa at ang mga gamit ko bago lumabas na ng clinic at nag clock out na.

Naglalakad ako palabas ng ospital nang may biglang tumapik sa braso ko. Agad ko itong nilingon at nakita ang nakabungisngis na si Doc Eli. Agad gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko bago inayos ang pagkakasakbat ng bag sa balikat at iniharap ang katawan sa kaniya, "Yes, Doc?" Nakangiti kong tanong habang naka-angat ang kaliwang kilay.

Mas lumawak ang ngiti niya habang nasalikod ang mga kamay at umiindayog pa ang katawan sa kaliwa't-kanan, "You're going home na?" tanong nito.

Agad akong tumango, "Oo eh, tapos na duty ko." sagot ko at utay-utay siyang tumango habang bahagya pang nakanguso ang pang-ibabang labi. "Day-off mo bukas 'no? Or may pasok ka rin sa Binondo?" tanong niya at agad akong umiling, "Day-off ko rin bukas sa Binondo," sagot ko at lumiwanag ang mukha niya, nagparte ang mga labi at namilog ang mga mata.

"Great! Uhm... free ka tomorrow? Maybe 2 PM—"

Parehas kaming napalingon ni Doc Eli nang may biglang bumusinang sasakyat sa harap namin mismo. Nakilala ko agad ang sasakyan at nang bumaba ang bintana nito ay agad dumungaw si Lukas.

"Done na sa shift, Doc?" Tanong ni Lukas habang nakapatong ang siko sa binatana ng sasakyan. Malawak ang ngiti niya, yung tipong lumalabas na ang dimples niya.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko bago nilingon pabalik si Doc Eli na napako pa rin ang tingin kay Lukas, "Doc Eli, una na ako, andito na sundo ko." ani ko. Agad nagbaling ang ulo niya sa akin, nagparte ang mga labi bago tumango. "S-Sure, sure! Take care, Doc Cairo! If something happens, call me immediately." he bid his goodbye.

Ngumiti ako sa kaniya, tumango bago kumaway na at nagpaalam. Paglapit ko sa sasakyan ni Lukas ay nakatayo na ito sa may passenger seat at hawak-hawak ang pinto.

"Dinner tayo?" Aya niya sa akin nang dumaan ako sa harap niya. Hindi agad ako nakasagot lalo pa at sinaraduhan na niya ang pinto nang makapasok na ako sa loob.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito habang nagsusuot ng seatbelt.

Bumunot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago isinandal ang ulo sa bangko at nilingon siya, "Sa bahay nalang, please?" Malumanay kong sabi.

Nilingon ako ni Lukas, gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi bago utay-utay tumango, "Sige, um-order nalang tayo tapos dalhin natin sa inyo." ani niya at tumango nalang ako bago ipinikit ang mga mata para mapahinga ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang marahang tapikin ni Lukas ang balikat ko.

Agad napamulagat ang mata ko at napabangon mula sa pagkaka-idlip sa bangko. "Shit, nakatulog ako!" Agad akong napahilamos sa mukha.

Narinig ko ang mahinang paghagikhik ni Lukas, "Okay lang yun, alam ko naman na pagod ka," ani niya bago lumabas na ng sasakyan.

Ilang segundo kong ikinondisyon ang sarili ko bago lumabas. Nakatayo na sa may gate si Lukas habang hawka-hawak ang supot ng Max's.

"Uhm... Cairo," tawag nito habang naglalakad kami sa bakuran pagkapasok ng gate.

Nilingon ko siya sa aking likuran, "Ano yun?" tanong ko,

"Uh..." tumingin pa ito sa sahig, "I got a message kasi kanina— noong umo-order ako. May trabaho akong kailangan gawin, eh." ani niya. Doon ay natigilan ako sa paglalakad habang nakaparte ang mga labi.

Bumagsak ang balikat ko, "Hindi ka kakain rito? Kumain ka muna." Aya ko sa kaniya.

Ngumiti si Lukas bago umiling, "Kailangan na kailangan, eh. Babawi nalang ako sa susunod—"

"Bukas," putol ko sa kaniya. Natigilan siya sa pagsasalita at nagparte ang mga labi.

"Ha?" Taka niyang tanong, namimilog ang mga mata.

Agad akong nag-iwas ng tingin bago nagpatuloy sa paglalakad papunta ng bahay, "Bukas, day-off ko, mag-date tayo." ani ko bago tuluyang binuksan ang pinto ng bahay.

Nakahiga sa kawayang sofa si Gian habang nanonood ng TV. Si Athena ay naka-upo sa sahig at may tinatahing damit.

"Huy, gabi na, masama na ang magtahi." Sita ko rito. Agad akong nilingon ni Gian, napatalon pababa ng sofa at agad akong sinalubong.

"Tito!!!" Mahigpit nitong niyapos ang beywang ko.

Agad akong napahagikhik bago sinapo ang pisnge niya, "Anong nangyari sa'yong bata ka???" Inalog-alog ko ang mukha nito na agad niyang ikinahagikhik.

"Nadapa lang po, Tito." sagot niya at napasinghal ako bago siya binitawan.

Na-alala ko si Lukas na nasa likuran ko at hindi pa nakakapasok kaya agad ko itong nilingon, "Oh, pasok ka na, sure ka bang hindi ka na kakain dito?" tanong ko sa kaniya.

Agad tumango si Lukas, "Hindi na, sa condo nalang ako kakain." sagot niya bago dinala na sa kusina ang mga pagkain.

Si Athena na kanina'y nasa sahig ay nakatayo na ngayon sa may TV, "Hindi dito kakain si Lukas, bakit?" Taka niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako habang nagtatanggal ng sapatos, "May aasikasuhin daw na trabaho." sagot ko bago naglakad papunta ng sofa para ilapag ang bag ko.

Agad nakabalik si Lukas sa sala pagkatapos ilagay ang pagkain sa kusina, "Una na ako," paalam nito, mukhang nagmamadali pa.

Agad akong tumango, "Sige, sige, ingat, ha." Paalala ko rito. Isang maliit na ngiti lang ang ibinalik niya sakin bago tumango at lumabas na ng bahay.

Kawawa naman yung isang yun, imbes na kumakain na at nagpapahinga, may pahabol pang trabaho.

Habang kumakain ay kinamusta ko si Gian sa school. Tinanong ko kung anong nangyari sa kaniya at bakit nadapa. Naglalaro raw ito ng recess at nakikipaghabulan sa mga kaklase tapos biglang nadapa.

"Ikaw talaga, sa susunod kasi ay mag-iingat ka," ani ko bago sumubo ng pagkain.

"Mabuti nalang hindi busy si Tito Lukas mo kanina at napuntahan ka," Dagdag ko bago nag-angat ng tingin kay Gian.

"Kamusta yung luto niya, masarap ba?" Ngumunguya kong tanong sa bata.

Nakita ko itong nakatungo sa pagkain niya at hinahalo-halo pa ang kanin, "Okay lang po," sagot niya at agad akong tumango.

"Nasasanay ka na rin sa lasa 'no?" ani ko na parehas namin ikinahagikhik ni Athena.

Pagkatapos naming kumain ay nilinis na agad namin ang lamesa at umakyat na sa kwarto para makapagpahinga na nang maaga.

Paggising ko kinabukasan ay may message na sa akin si Lukas. Nasa opisina siya sa mga oras na nag-message siya pero dahil tanghali na rin naman ako nagising ay late na akong naka-reply sa kaniya.

Tinatanong nito kung saan at anong klaseng date raw ba ang gusto ko. Dahil alas diyes naman na ng umaga ay sinabi kong lunch date nalang ang gawin namin. At kung hindi gaanong busy ay maglakad-lakad kahit sa mall lang.

Dahil Huwebes ngayon at parehas may pasok ang mag-ina ay mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Pagtingin ko ng lamesa ay may ininit si Athena na tirang pagkain mula kagabi at iyon na ang inalmusal ko.

Mag e-eleven na rin nang matapos akong kumain dahil busy akong makipag-usap sa mga katrabaho ko habang kumakain. Agad kong inimpis ang pinagkainan ko at naligo na para maghanda para sa date namin ni Lukas lalo pa at by 12 daw ay andito na siya.

Kahit papaano ay sinubukang kong mag-ayos ng sarili. Sanay nalang kasi ako na liligo, magsusuklay at tapos na. Kahit sunscreen ay hindi na uso sa akin. Nagmessage ako kay Athena na makikialam ako sa gamit niya para manlang maghanap ng pang-ayos sa mukha. Pero gaya ko, wala rin itong kahit ano at ang pulbo nalang ni Gian ang nadampot ko.

Seryosong-seryoso ako sa pag-aayos ng sarili ko sa harap ng salamin nang may biglang bumusina sa labas na ikinagulat ko pa.

"Oh!?!" Sigaw ko na para bang maririnig ako ni Lukas sa labas. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ni Athena at humaripas ng takbo pabalik sa kwarto ko para kunin ang bag at gamit ko bago bumaba ng bahay.

Muntikan pa akong madulas sa hagdan sa pagmamadali ko. Agad kong binuksan ang pinto at nakita si Lukas na nasa labas na ng gate.

"Ang aga mo! Wala pang 12!" Taranta kong sabi habang nagsusuot ng tsinelas. Sa pagmamadali ko ay doll shoes ni Athena at tsinelas ni Gian ang naisuot ko.

Pagbukas ko ng gate ay sinalubong ako ng malawak na ngiti ni Lukas na tumatawa-tawa pa, "It's better to be early than late. I don't want to make you wait, of course." Pambobola nito sa akin habang pumapasok ng gate na siya namang ikinangiwi ko.

"Okay lang, tapos na rin naman ako mag-ayos." ani ko nang pumasok kami ng bahay at agad akong dumampot ng sapatos sa sapatusan namin.

"Wala yung mag-ina?" tanong ni Lukas habang nakasilip sa pintuan.

Agad ko siyang nilingon habang nagsisintas, napakunot ang noo ko bago umiling, "Wala, nasa trabaho si Athena, si Gian nasa school— bakit hindi ka pumapasok?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

Agad itong napangisi bago tuluyang humakbang papasok, "Wala naman, sabi mo matatapos ka nang mag-ayos, eh." sagot niya at napasinghal lang ako bago nagpunas ng pawisang noo gamit ang panyo.

Inalok ko pa siya ng tubig kung nauuhaw ba siya, pero dahil hindi naman daw ay umalis na kami lalo pa at oras na rin ng pananghalian.

Pagdating namin sa mall ay tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain. Dahil spoiled na spoiled na rin naman ako sa mga fast food at ngayon nalang ulit ako nakatapak sa mall ay siya na ang pinag-isip ko ng kakainan namin. Wala na kasi akong kilalang mga kainan ngayon maliban sa fast food.

Muntikan na akong umurong nang dlahin niya ako sa isang fancy restaurant. Sa labas palang ay tanaw ko na ang mga taong kumakain sa labas at doon palang ay ramdam ko na pangmayaman lang ito.

Bago kami humakbang papasok ay tumigil ako sa paglalakad at mabilis na hinawakan si Lukas sa braso na ikinatigil din niya, agad niya akong nilingon, "Yes?" he asked, eyes wided, both brows lifted.

Napakagat ako sa labi habang nakatanaw sa loob, "Sure ka na dito tayo kakain? Nakakahiya, pangmayaman 'to, eh." Nag-aalinlangan kong sabi.

Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Lukas bago maya-maya ay gumuhit nag ngiti sa labi niya bago bumuntong-hininga, "Cairo," inabot nito ang kamay ko na nasa braso niya.

Nang maramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa aking balat ay para akong nakuryente. Ano yun!?

"Ano naman kung pangmayaman 'to? At saka bakit ka mahihiya?" Malumanay niyang tanong. Gustohin ko man na tingnan pa ang mga mata niya ay agad akong nag-iwas ng tingin lalo pa at parang nahuhumaling na ako sa mga ito.

Muli kong nilingon ang loob ng restaurant bago bumunot ng isang malalim na buntong-hininga, "Sige na nga, tara na. Baka nagugutom ka na, eh." ani ko bago binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Humakbang na ako papasok habang si Lukas itong naririnig kong humahagikhik sa likod ko.

Hindi ako nagkamali sa lugar na ito. Yung presyo ba naman ng mga pagkain dito ay pwede ko nang gamitin sa pamamalengke. Habang um-o-order ng pagkain si Lukas ay inuusisa ko isa-isa ang mga pagkain dito. Sinusubukan kong hanapin nag pinakamura sa menu pero ang pinakamura sa kanila ay 700 pesos.

Hindi ko pa sigurado kung sino ang magbabayad sa amin ni Lukas. Siguro ay ako na dahil ako naman nag nag-aya sa kaniya. Sinigurado ko rin naman na hindi kami mapapaghugas ng pinggan dito dahil may nahugot din naman akong ilang lilibuhin sa baul kong nakatago.

"So... kamusta ang araw mo?" Ipinatong ni Lukas ang magkabila niyang braso sa lamesa, pinag-cross bago bahagyang inilapit ang mukha sa akin, malawak ang mga ngiti sa labi.

Napatawa ako nang bahagya bago pinag-cross ang mga braso sa tapat ng dibdib, "Day-off ko nga diba? Siyempre wala pa, tanghali na ako gumising tapos nag-almusal lang nang kaunti, yun palang." Pabalang kong sagot naikinahagikhik ni Lukas.

Bahagya akong napa-irap, "Ikaw? Kamusta umaga mo?" tanong ko rito.

Medyo napipilitan pa akong tanungin siya. Hindi na talaga ako sanay sa mga ganito. Matagal na panahon na ang nakakalipas noong huling beses akong kumain sa labas habang may kasama maliban kay Grey o sa mag-ina. At lalong-lalo nang matagal na panahon ang nakakalipas noong huling beses akong nakipag-date.

Ngumisi si Lukas, napahagikhik bago tumungo at umiling, "Hay nako, nakakapagod." ani nito bago muling nag-angat ng tingin sa akin. "Ang dami kong ginawa kanina sa trabaho. Umagang-umaga nag message sa akin si Ethan, kailangan namin pumunta sa factory. Mabuti nalang at maaga akong nakatulog kagabi kaya kahit papaano ay may sapat akong tulog." Pagkekwento niya habang pinaglalaruan ang susi sa kamay.

Napakunot ang noo ko bago utay-utay tumango, "Akala ko may ginawa ka rin kagabi?" tanong ko bago bahagyang umangat ang isang kilay.

Kumunot ang noo niya bago bahagyang napakiling ang ulo sa gilid, "Huh? Wala, ah—" Natigilan siya habang ako itong mas lalong tumaas ang kilay.

Napangisi si Lukas bago napakamot sa ulo, "Ah, oo, may ginawa nga ako kagabi." Huli ka balbon.

Sumandal ako sa bangko bago muli siyang tinaasan ng kilay. "Sige, sabi mo eh—"

"Sasabihin ko na nga sa'yo yung totoo, hindi na ako magsisinungaling." Putol nito sa akin, nakanguso at pakurap-kurap.

Napakunot ang noo ko bago umismid. "Hindi na, ano naman kung may iba kang ginagawa kagabi?" tanong ko at umalis ito mula sa pagkakasubsob sa lamesa at umupo nang tuwid.

"You deserve to know. I'm courting you and I want you to know that I am so devoted to you that I'll let you know my every move," he replied sincerely.

Napangiwi ako dahil sa ka-corny-han ng sinabi niya. Hindi ako nakapagpigil at napatawa nang pagak. "Bahala ka sa buhay mo. Matanda ka naman na." ani ko bago dinampot ang baso ng tubig sa lamesa at sumimsim mula rito.

Pake ko kung may iba siyang ginagawa? Pake ko kung nasaan siya? Ano naman kung may iba siyang pinupuntahan o kasama? Labas na ako dun.

"May galit yata sa akin si Gian."

Agad nag-angat ang mata ko sa kaniya. Ang tubig sa bibig ko ay agad kong nilunok bago inilapag sa lamesa ang baso.

"Bakit naman?" Taka kong tanong habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi ko.

Napatawa nang pagak si Lukas bago pinagkabit ang dalawang kamay at ipinatong iyon sa lamesa. "Tinawag ba naman ako na bakla—"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahagalpak ng tawa. Agad kong natakpan ang bibig ko dahil ang karamihan sa paligid ay napalingon sa akin.

Maluha-luha ako dahil sa pagpipigil ng tawa, "Bakla ka naman talaga...!" Pabulong kong sigaw rito.

Napahagikhik si Lukas bago umiling, pinipigilan din ang sarili na humagalpak ng tawa.

"Hindi, galit talaga siya, sabi pa nga niya na ayaw niya raw sa akin. Hindi niya ako gusto para sa'yo dahil hindi ka naman daw bakla at binabakla kita. Inulit-ulit pa niya. Tapos hindi raw ako welcome sa bahay niyo." Natigilan ako nang maging seryoso bigla ang tono ng pananalita niya.

Nag-ayos ng upo bago tumikhim, "Sinabi talaga ni Gian 'yan?" Nag-aalinlangan kong tanong.

Naitikom ni Lukas ang labi niya bago utay-utay tumango, "Oo, galit na galit din siya noong sinabi niya yun— pero 'wag mong pagagalitan si Gian, ha! Baka lalong magalit sa akin yung bata." Bawi agad niya at bahaygyang kumunot ang noo ko bago napasandal sa bangko.

"Galit siya?" tanong ko at muling tumango si Lukas.

"Oo. Sa totoo lang, nagulat din ako sa mga sinabi ni Gian, eh. Inulit niya talaga na 'bakla bakla bakla'. Alam mo yung... para niya akong... ipinapahiya, ganun." Kalmadong turan ni Lukas. Nagparte ang mga labi ko, natigilan bago napako ang tingin sa lamesa.

Nang dumating na ang mga pagkain ay may iba na kaming pinag-usapan ni Lukas. Subalit hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Noong una ay hindi ako makapaniwala na sinabi iyon ni Gian. Naisip ko pa na baka gawa-gawa lang iyon ni Lukas pero bakit naman niya gagawin iyon? Para saan? Anong dahilan?

At si Gian naman... napansin ko rin talaga noong una na hindi niya gusto si Lukas. May pagkamailap talaga ang bata sa kaniya pero hindi ko inakala na aabot sa ganun yung galit at pagkamuhi niya kay Lukas.

Pagkatapos namin kumain ay inunahan na ako ni Lukas na magbayad na hindi ko naman na pinigilan. Tinanong ko siya kung babalik na ba siya sa opisina pero sinabi nitong tinapos na niya lahat ng trabaho niya para akin na akin na raw siya. Corny talaga.

Nanood kami ng cine at pumasok na rin sa arcade at naglaro ng ilang minuto hanggang sa parehas kaming mapagod. Sumaglit kami sa Department Store at nagprisinta pa si Lukas na bilhan ng regalo si Gian para makuha ang loob nito. Pero pinigilan ko ito at sinabihan na kakausapin ko muna ang bata.

Bandang alas singko na nang umalis kami ng mall. Ang masasabi ko lang ay... na-alala ko ang mga bagay-bagay na nangyari sa amin noong college. Ganito rin kami lagi, mall, kakain, manonood ng sine at mag a-arcade.

May isang beses pa nga na sa sobrang busog niya ay inaasar ako nitong binuntis ko raw siya. At talagang noong napadaan pa kami sa women's section ay tinanong pa ako nito kung bagay raw ba sa kaniya ang maternity dress. Talagang sapul din siya ng kalokohan noong college, eh.

Nang makarating kami sa bahay ay inimbitahan ko pa siyang pumasok. Pero nang marinig namin ang sigaw ni Gian mula sa bintana ay parehas kaming napatikom ang bibig.

"'Wag mong pagagalitan yung bata, ha?" Malumanay niyang sabi habang nakalingon sa bahay.

Napabuntong-hininga ako bago tumango, "Pagsasabihan at paliliwanagan lang." ani ko at nag-hum siya.

Narinig kong bumuntong-hininga ito, "Hindi ko naman dinamdam yung mga sinabi niya, eh. Okay lang talaga sa'kin." Dagdag pa niya pero umiling ako.

Bumagsak ang balikat ko, "Kahit na, hindi dapat niya sinasabi ang mga bagay na yun. Baka mamaya... maski sa ibang tao magsabi siya ng ganun tapos dalhin pa niya sa paglaki." sagot ko at gumuhit ang isang maliit na ngisi sa labi ni Lukas bago tumango.

"Sige na, hinihintay ka na nung bubwit sa loob, oh." Inginuso sa akin ni Lukas ang direksyon ni Gian na nakadungaw sa bintana.

Napatawa ako nang pagak bago tumango, "Sige, salamat sa araw na 'to, nag-enjoy ako." ani ko nang lingunin siya pabalik.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya bago tumango, "No problem, I'm glad you had fun."

Tinanggal ko ang suot-suot kong seatbelt bago binuksan ang pinto, "Sa susunod na yung goodbye kiss, kapag deserve mo na." ani ko bago tumalon pababa ng sasakyan niya.

"Ha—" hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ni Lukas bago sinaraduhan ang pinto at dire-diretso nang pumasok ng bahay.

Sa susunod na yung halik mo dahil masyado pang maaga. Baka kapag hinalikan na ngayon ay tawagin akong marupok nung chinitong bottomesa.

------------

a/n: Naisingit pa hehehehhe, hindi ko keri na di mag-update gais, masyado ko kayong nami-miss ksksksks, ANYWAYS, take care guys!! may bagyo ngayon!! Stay safe and dry!! love lots <33333

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co