Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 9

_Dominous_

Lukas's POV

"Ethan, may bata ba kayo sa bahay?" tanong ko kay Ethan nang hindi na ako mapakali.

Kanina pa ako binabagabag ng kung anu-ano sa isip ko at hindi ko rin magawang makapag-focus sa trabaho. Kanina ko pa gustong tanungin si Ethan pero tinitimbang ko kung makabuluhan ba ang itatanong ko at ayaw ko naman na isipin ng secretary ko na nasisiraan nanaman ako ng bait.

Nag-angat ng ulo si Ethan mula sa computer niya bago tumango, "Yung anak po ng kapatid ko, Sir." sagot niya at utay-utay akong tumango.

"Ilang taon na?" tanong ko bago itinulak ang sarili ko palayo mula sa lamesa.

"Mag tu-two po sa December," sagot niya at muli akong napatango.

"Sa tingin mo... sa mga batang... ano... mga grade 5, ganun, ano ang magandang i-regalo o ibigay?" tanong ko. Kahit malayo-layo ay nakita kong kumunot ang noo ni Ethan bago nito inayos ang suot na salamin.

"Depende kasi sa bata yun, Sir. Pamangkin niyo po ba? Yung... anak po ba ni Mr. Costa?" tanong niya.

Nagparte ang labi ko pero agad ko rin itinikom. "Hindi, eh. Uhm... pamangkin ni... Cairo, yung nililigawan ko. Batang lalaki, grade 5, medyo mahiyain at tahimik na bata." sagot ko. Nakita kong nagparte ang labi ni Ethan bago utay-utay tumango.

"Siguro Sir... magsimula kayo sa simple. Mga... laruan? Gamit sa school? Mas kilalanin niyo yung bata. Kausapin niyo, tanong-tanungin niyo, ganun." sagot niya. Nagparte ang aking mga labi bago utay-utay tumango.

"Sige..." nagbalik ako ng tingin sa aking laptop at akmang titipa na ulit sa keyboard nang may maisip.

"Pero..." muling napalingon sa akin si Ethan,

"Samahan mo ako mamayang hapon sa mall, bibili tayo ng ibibigay ko sa kaniya." Dagdag ko at agad tumango si Ethan.

"Sure, Sir." sagot niya at tumango ako bago gumuhit ang isang ngisi sa labi at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.

Mga bandang alas tres ng hapon ay nag-message ako kay Cairo para kamustahin siya at tanungin kung kumain na ba siya ng tanghalian na ipinadala ko kanina.

Ipinadala ko nanaman lang iyon kay Ethan dahil subsob nanaman ako sa trabaho. Sana lang ay hindi nagtatampo sa akin si Cairo ngayon dahil hindi ako ang nakapagdala sa kaniya ng tanghalian niya.

To: Cairo Asaiah

Btw, anong oras ang tapos ng duty mo ngayong araw?

To: Cairo Asaiah

Susunduin kita mamaya, pwede date?

Cairo Asaiah Velasco reacted to your message.

From: Cairo Asaiah

Pwede naman, pero pwedeng sa bahay nalang tayo kumain? Ang haggard ko na kasi, nakakahiya naman kung sa labas pa tayo kakain.

Napakunot ang noo ko bago sinapo ng dalawang kamay ang cellphone.

Haggard? Anong haggard? Walang haggard-haggard sa kaniya. Lagi naman siyang maganda sa paningin ko.

To: Cairo Asaiah

Hindi ka naman haggard tingnan, ah? Maganda ka pa rin.

Cairo Asaiah Velasco reacted to your message.

From: Cairo Asaiah

Baliw! Kung anu-ano sinasabi mo. Magtatrabaho na ako. 7PM tapos ng duty ko rito sa Binondo. Sa bahay nalang tayo kumain. Mag take-out nalang tayo.

Napabungisngis ako, umiling bago nag-heart sa message niya.

Mga bandang alas singko ay umalis na kami ni Ethan ng opisina at pumunta sa pinakamalapit na mall. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ibibigay sa batang iyon. Iilang beses palang naman kaming nagkakasama at mukhang naiilang pa ito sa akin noong nakaraan.

Unang kong naisipan na bilhan ito ng sapatos. Pero nasa shoe section na kami nang mapagtanto na hindi ko naman alam ang size ng paa ni Gian. Napunta kami sa bag ng mga bata at naisipan itong bilhan ng malaking trolley na magagamit niya sa school.

"Sir, hindi ba masyadong malaki para sa unang regalo? Start simple, Sir. Baka mabigla yung bata." Pigil sa akin ni Ethan.

Gustohin ko man na bilhin na ang bag para tapos na ang paghahanap namin ay tumango nalang ako at sumang-ayon. Tama naman na masyadong malaki ito para sa unang regalo. Lalo pa at may pagka-mailap din si Gian sa akin, baka hindi pa nito iyon tanggapin. Isa pa ay may pagkamaliit si Gian para sa grade niya. Baka hindi niya kayanin ang pagdadala nito araw-araw sa school.

Napunta kami sa toy store, gusto ko itong bilhan ng remote control na kotse pero hindi ko alam kung magugustuhan ba niya ito. Maski ang mga transformers at ibang laruan ay naisipan kong bilhin. Pero halos isang oras na kami rito pero wala pa rin akong mapili-pili na bibilhin.

Sa tuwing may magugustuhan na akong laruan ay napapaisip ako kung magugustuhan ba ito ni Gian. Ang gusto ko sana ay matutuwa talaga ang bata. Ang sama naman kung mapipilitan lang siyang tanggapin ang laruan dahil bigay ko pero hindi naman niya paglalaruan.

Sa huli ay lumabas kami ng toy store na may dalang isang piraso ng Hot Wheels bago dumiretso sa iba pang store para magtingin-tingin. Nakabili pa ako ng isang cap para panlaban ni Gian sa init pero hindi ko sigurado kung bagay ba ito sa kaniya o magugustuhan niya.

Palabas na kami ng mall dahil mag a-alas siyete na rin nang mapadaan kami sa Dunkin. "Ethan saglit," pigil ko rito. Nauna pa nang ilang hakbang sa akin si Ethan nang tumigil ako sa paglalakad. Napalingon ito sa akin bago ko kinuha sa bulsa ang wallet ko.

"Donuts, bibili ako ng donuts." ani ko bago pumasok sa store.

Isang dozenang assorted na donuts ang binili ko. Hindi ko sigurado kung gusto ba ni Gian ang mga ito pero kung hindi man niya magustuhan, pwede namang si Cairo ang kumain ito na baka kalaunan ay magustuhan din ng bata.

Late ako ng 4 na minuto sa Binondo. Pagdating ko ay agad akong lumabas ng sasakyan para pumasok sa loob. Nang maupo ako sa isang tabi ay agad akong nag-message kay Cairo na andito na ako. Nag-aalala ako na baka umuwi na ito dahil sa sobrang pagod. Hindi ako mapakali lalo pa at hindi siya nagre-reply.

Muntikan ko na siyang puntahan sa clinic niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko naman siyang ma-abala kung sakali na may trabaho o pasyente pa siya.

Mag kakalahating oras na akong naghihintay doon. Wala rin paramdam si Cairo o reply kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero hindi ako aalis. Kung sakali man na nasa loob pa siya, hihintayin ko siya.

Nakasandal ang ulo ko sa pader at bahagya nang bumibigat ang talukap ng mga mata habang nakatingala. Naka-cross ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko bago bumunot ng isang malalim na buntong-hininga.

Kasunod nito ay ang pag vibrate ng cellphone ko na ikina-igkas ko mula sa pagkakasandal at agad itong tiningnan.

From: Cairo Asaiah

Uy sorry, busy ako kanina, kakatapos ko lang ng trabaho ko ngayon. Umuwi ka na siguro 'no?

Tumuwid ang likod ko bago agad nag-reply sa kaniya.

To: Cairo Asaiah

Hindi pa, andito ako sa lobby, sa may gilid malapit sa paso ng halaman.

From: Cairo Asaiah

HA?! Andyan ka p?! Sahlt! Bababa na aki!

To: Cairo Asaiah

Okay lang

To: Cairo Asaiah

Take your time

Hindi na siya nag-seen sa mga kasunod kong message. Pinatay ko na ang cellphone ko at muling sumandal sa pader habang tinatanaw ang pinakamalapit na elevator sa gawi ko.

Maya-maya lang, wala pa halos limang minuto ay may narinig akong yabag ng mga paa na tumatakbo. Akala ko ay mga medic ito na may dadaluhan na pasyente pero namilog ang mga mata ko nang makita si Cairo na tumatakbo papunta sa akin.

"Oh-" Agad akong napatayo para salubungin siya. Natisod pa ito at muntikan bumagsak sa sahig, mabuti nalang at agad ko siyang nasalo.

"Dahan-dahan kasi," ani ko habang inaalalayan siyang maupo sa katabi kong bangko.

Hinihingal siya at naghahabol ng hininga nang maupo, gusto ko sana siyang bigyan ng tubig pero hindi ko alam kung saan ako kukuha. Tatayo na sana ako nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko.

"Uwi na tayo," hinihingal niyang sabi.

Nagparte ang mga labi ko bago dahan-dahan ulit naupo sa tabi niya, "Sure ka? Ayaw mo munang uminom ng tubig?" Nag-aalala kong tanong.

Umiling siya, "May... May tubig naman sa bag ko, sa sasakyan na ako iinom." sagot niya at agad akong tumango.

Kahit medyo pinagtitingnan ng ibang tao sa may lobby ay inalalayan ko siyang maglakad palabas. Sanay naman na ako sa mga ganiyang tingin. College palang kami ni Cairo ay pinagtitinginan na kami kapag magkasama. May isang beses pa nga na muntikan kaming mapa-away dahil sa mga pakialamera sa mall.

Nang mag drive thru kami sa isang kainan ay mahimbing nang natutulog si Cairo sa passenger seat. Hindi ko na siya ginising at in-order nalang ang dalawang family meal na kakainin namin.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila ay bukas pa ang ilaw sa loob at natatanaw ko pa ang mag-ina sa sala. Marahan kong tinanggal ang seatbelt ko at lumapit kay Cairo.

"Cairo, hey, andito na tayo," Malambing kong sabi habang marahang tinatapik ang braso niya.

Kumunot ang noo ni Cairo, kumibot ang mga mata bago dahan-dahan nagmulat. Nang mag-ayos siya ng upo ay saka ako lumayo mula sa pagkakalapit sa kaniya.

"Andito na pala tayo, sorry nakatulog ako." ani niya habang isinasakbat ang bag sa balikat.

Ngumiti ako, "It's okay, 'wag kang mag-alala, naka-order na ako ng pagkain." ani ko. Nilingon niya ako, mukhang naguluhan pa bago tumango.

Nabuksan agad nito ang pinto sa gilid niya at agad nakababa ng sasakyan. Kinuha ko ang mga pagkain sa likod at maya-maya ay narinig ko na ang boses ng pamangkin nito.

"Tito Cairo!!" Nang lingunin ko si Gian ay nakatanaw ito mula sa bintana at kumakaway.

Maski ako ay napangisi nang kumaway sa kaniya pabalik si Cairo. Kung wala lang akong hawak na dalawang paper bag ay nakakakaway na rin ako. Pero nang magtagpo ang mga mata namin ni Gian ay bumagsak ang ngiti nito bago lumayo mula sa bintana.

Shit, nasaan yung pasalubong ko sa kaniya?!

Pagkapasok ko ng bahay nila ay agad kong inilapag lamesa ang mga pagkain na binili ko bago nagpaalam na lalabas lang saglit.

Pagbalik ko sa loob ay nagtatawanan ang tatlo. Malaki ang bungisngis ni Gian sa labi niya at mukhang excited pa sa pagkain. Pero nang lingunin ako nito ay agad napawi ang ngiti sa labi niya at nag-ayos ng upo sa bangko.

Nag-aalinlangan akong lumapit kay Cairo habang nakatago ang kahon ng donut sa likod ko at supot ng toy store.

"Patulong naman," bulong ko sa kaniya na bahagya pa niyang ikinagulat.

Nilingon lang ako ng ulo nito, nakakunot ang noo bago tuluyang iniharap ang buong katawan sa akin. "Anong meron?" Taka niyang tanong, may bahid ng pag-aalala sa mukha.

Itinuro ko si Gian gamit ang aking mga mata na agad din sinundan ni Cairo ng tingin. "Bakit? May problema kay Gian?" Bulong niya sa akin.

Umiling ako bago bahagyang ipinakita sa kaniya ang kahon sa likod ko. "Tulungan mo 'kong ibigay. Kinakabahan ako, eh." Paghingi ko ng saklolo. Napakunot ang noo ni Cairo bago bahagyang napanguso at muling tiningnan ang pamangkin.

Utay-utay itong tumango, "Ibigay mo lang," bulong nito.

Napanguso ako bago umiling, "Nahihiya ako," ani ko at napangiwi siya bago maya-maya ay bumungisngis at tumango.

Hinawakan nito ang pulso ko bago humarap sa pamangkin, "Gian," tawag nito sa bata na kumakain na.

"May ibibigay si Tito Lukas mo," ani nito. Nakita kong natigilan ang mga kamay ng bata bago tumingala sa tito niya.

Kumurap-kurap ito. Si Cairo ay nilingon ako na medyo ikinataranta ko pa bago agad inilahad ang donut- ay mali, yung laruan pala ang una kong naibigay.

"Pasalubong ko," Tama ba yung sinabi ko?

Kumunot ang noo ni Gian bago bahagyang itinagilid ang ulo habang nakatingin sa supot na hawak ko, "Galing saan po?" tanong niya.

Nagparte ang labi ko bago napalingon kay Cairo para humingi ng saklolo.

Napalunok ako ng laway bago muling hinarap ang bata, "Ahm... wala lang, regalo ko lang sa'yo." sagot ko at kumunot lalo ang noo ni Gian at bahagya pang inilayo ang katawan mula sa akin.

"Hindi ko pa po birthday para regaluhan niyo 'ko." ani nito bago muling humarap sa pagkain. Natigilan ako habang si Cairo itong agad lumuhod sa tabi ng pamangkin.

"Gian, remember when I said na nanliligaw si Tito Lukas sa'kin? Hindi lang ako ang nililigawan niya, siyempre ikaw rin, para maging... comfortable ka sa kaniya and approved siya sa'yo." Malumanay nitong sabi sa bata.

Napatingin ako kay Athena na nasa katapat na bangko naka-upo, nakatikom ang bibig at pinapanood din ang mag-Tito sa harap niya.

"Ayaw ko sa kaniya-"

"Gian,"

"Anak naman,"

Parehas napasinghal ang magkapatid. Naitikom ko ang bibig ko bago napahakbang paurong habang hawak-hawak ang donut at laruan.

"Gian, that's bad, ha. Hindi mo dapat sinasabi 'yan." Pangaral ni Cairo sa pamangkin.

"Pero Tito, totoo naman po, eh. Ayaw ko sa kaniya-"

"Gian, isa," si Athena,

"Cairo," naagaw ko ang atensyon ng magkapatid. Hinawakan ko si Cairo sa balikat bago inalalayan na tumayo mula sa sahig.

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko, "Okay lang," ini-abot ko sa kaniya ang donut at laruan. "Kumain na tayo, alam kong gutom at pagod ka na." ani ko bago siya ipinaghila ng bangko.

Tahimik ang naging pagkain namin. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko at ako ang sumira ng gabi nila. Masaya pa sila noong nadatnan ko, dapat siguro ay hindi na ako nagsalita pa.

Pagkatapos kumain ay agad nagpaalam si Gian na aakyat na ng kwarto para gumawa ng assignment niya. Pinigilan pa 'to ng nanay niyo pero dire-diretso lang ang bata pag-akyat ng hagdan.

"I'm so sorry sa inasal ni Gian," Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ni Cairo bago napasapo sa noo.

"Hindi ko alam kung anong problema ng batang yun. Mabait naman yun, okay pa kayo noong unang beses kayong nagkita, diba?" Dagdag pa nito habang nililinis ang lamesa.

Nagpilit ako ng isang ngiti bago humagikhik, "Ano ka ba, okay lang yun. Normal yun sa mga bata. Sa tingin mo ba nagustuhan agad ni Chiara si Grey noong una?" tanong ko. Natigilan si Cairo, nilingon ako bago tumango, "Ang alam ko, iyong batang yun ang dahilan kung bakit madalas nagkita si Code at Grey, eh. Gustong-gusto talaga ni Chiara si Grey simula palang." sagot niya at doon ay nagparte ang mga labi ko.

Napa-iling si Cairo bago itinapon ang mga basura, "Pagsasabihan ko si Gian. Pasensya ka na, ha." Paghingi ulit ng tawad ni Cairo.

Si Athena na galing labas ng bahay at nagpakain ng alaga nilang aso ay lumapit din sa akin, "Hindi lang sanay si Gian na... may umaali-aligid sa Tito Cairo niya." ani nito.

Ngumisi ako kay Athena bago tumango, "Of course, naiintindihan ko. Bigla-bigla nalang akong sumusulpot sa buhay niyo. Naiintindihan ko naman yung bata." sagot ko at ngumiti si Athena bago tumango.

Nagpaalam na ito para puntahan ang anak sa kwarto at para kausapin na rin ito. Nagbilin din ako kay Athena na huwag nang pangaralan ang bata dahil baka mas lalo lang sumama ang loob nito sa akin.

Nang matapos kami ni Cairo na maglinis ng pinagkainan ay inihatid na ako nito sa labas ng bahay nila.

"Lukas, tungkol kay Gian-"

"Cairo," natatawa akong umiling. "Okay lang talaga. Naiintindihan ko yung bata. Naninibago lang siya sa presensya ko kaya ganun ang reaksyon niya." Dagdag ko pa.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Cairo bago tumango, "Salamat sa pag-intindi sa pamangkin ko, malaking bagay sa'kin yun, Lukas." Malambing niyang sabi na agad ikina-init ng pisnge ko.

Tumikhim ako at nag-ayos ng tayo para hindi mahalata na nanghihina na sa mga ngiti niya, "Sus, wala yun, kahit kayong tatlo pa nila Athena ang suyuin ko, kayang-kaya ko yun." Biro ko na ikinahagikhik ni Cairo bago ako pabirong hinampas sa dibdib.

Shit! Nakakakuryente naman yun! Dibdib ko yun! Hinawakan niya!

"Sige na, umuwi ka na, may duty pa ako sa St. Luke's mamayang alas dos," ani niya at agad nagparte ang labi ko.

"Alas dos? Ihahatid kita," ani ko at kumunot ang noo niya bago umiling.

"Hindi na, kaya ko-"

"Pero gusto ko, kaya susunduin kita dito ng mga... 1:15? Okay lang sa'yo?" Putol ko. Natigilan si Cairo, nginuya-nguya ang labi bago umirap at tumango, "Sige, bahala ka, kapag wala ka pa rito ng 1:15, aalis na ako." Pagbabanta niya na ikinabungisngis ko bago tumango.

Nagpaalam na ako sa kaniya at pumasok ng sasakyan bago nagmaneho pauwi.

Bago mag ala una ay gising na ako, naghanda ako ng sandwich na ipapabaon ko para kay Cairo bago nagsuot ng hoodie at nag-drive na papunta sa kanila.

Kahit madaling araw ay fresh na fresh pa rin si Cairo. Sa aming dalawa ay ako ang hikab nang hikab habang nasa biyahe at mukhang himamatayin habang nagmamaneho sa sobrang antok.

"Take care!" I said as we arrived in front of the hospital. He was removing his seatbelt while I reached for the thermal box in the back seat.

"I prepared you a sandwich," I said as I handed him the bag.

He stopped in his tracks, eyes wide open as he looked down on the bag. "Talaga? Lukas, you don't-"

"I want to." I cut him off. I saw the threatening smile form on his lips as they quiver. But he licked his lower lip, brushed it off before nodding, and reached for the bag.

"Thank you, I'll definitely eat this," he said, and I nodded.

He then paused. I thought he was gonna step out of the vehicle already, but he just sat there, pursing his lips as he fidgeted with the bag.

I raised both my brows, "May... May problema ba? Tungkol pa rin kay Gian kagabi?" Taka kong tanong.

Bumungisngis si Cairo bago umiling at isinakbat na ang bag niya, "Wala, uuna na ako." Paalam niya bago ako tinapik sa balikat at lumabas na ng sasakyan.

Hindi na rin ako nakatulog nang maayos pagkauwi ng condo. Inasikaso ko nalang ang mga papeles ko sa opisina na dapat ay mamayang pagsikat ko pa ng araw gagawin. Mabuti na rin ito para naman may oras akong makapaghanda ng pagkain ni Cairo.

Sumaglit muna ako sa opisina ng mga bandang 7 AM para makibalita at tanungin si Ethan kung may mga kailangan pa ba akong asikasuhin. Ipinadala ko na rin sa kaniya ang ginawa ko kaninang madaling araw bago bumisita sa ilang departments sa kumpanya at umuwi na rin mga bandang alas nuebe.

Nagluluto ako sa kusina ng condo ko at sinasabayan pa ang kanta na nagmumula sa soundbar nang biglang maputol ang tugtog dahil may tumawag sa akin. Napakunot ang noo ko bago nilapitan ang cellphone kong nakapatong sa countertop.

"Oh, anong meron?" Bulong ko sa sarili ko nang makita ang pangalan ni Cairo sa screen.

Kahit medyo basa ang kamay ay sinagot ko ito, "Hello?"

[Hello? Lukas? Busy ka ba? Pwede ka bang ma-abala?] May paghangos sa boses niya na ikinakunot ng noo ko.

Isinandal ko sa countertop ang balakang ko at itinukod ang libreng kamay rito, "Oo naman, anong problema?" tanong ko.

[Si Gian kasi nasa infirmary ng school nila, nadapa raw. Baka pwedeng... puntahan mo muna? Hindi maka-alis si Athena sa trabaho tapos may surgery ako ng 11.] Paki-usap niya. Agad nagparte ang labi ko bago tiningnan ang relo ko.

Shit, quarter to 11 na rin pala.

"Uh... sure, sure, pupuntahan ko-"

[Tapos Lukas, alam kong... naghahanda ka nanaman ng tanghalian ko. Huwag mo nang dalhin sa akin, kumain nalang kayo ni Gian, kayo na ang kumain niyan.] Putol niya sa akin.

Doon nanginig ang tuhod ko. Yung puntahan pa nga lang si Gian sa school nila at tumayong... guardian niya ay kinakabahan na ako. Paano pa kaya kapag natikman na nito ang luto ko? Wala pa man din ang nanay at tito nito para pigilan ang bata sa pamimintas sa luto at buong pagkatao ko.

Tumango ako, "Sure, sure, ako na ang bahala, goodluck sa surgery mo." ani ko, nag-hum si Cairo bago nagpaalam na at ibinaba ang tawag.

Ibinaba ko ang cellphone mula sa tenga ko, napapikit nang mariin bago bumunot ng isang malalim na buntong-hininga.

Help me, God.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad iginayak ang mga pagkain kong niluluto. Mabuti nalang talaga ay tapos na ang mga iyon at agad din akong nakaalis ng condo. Kahit kinakabahan at natatakot na kaharapin ang batang iyon ay mas nangingibabaw ang pag-aalala ko.

Infirmary? Dahil nadapa? Ibig sabihin seryoso yung sugat? O hindi naman? Dumugo ba? Maraming dugo? Hindi ako masyadong magaling sa dugo, eh.

Pagdating ko sa school ni Gian ay agad akong nagtanong kung nasaan ang infirmary. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko na agad si Gian na nakahiga sa isa sa mga kama.

"Yes, Sir?" ani ng nurse sa lamesa.

Naagaw niya ang atenyson ko mula kay Gian, "Uh... I'm... I'm here for Gian? Tumawag sa akin yung Tito niya, si Doctor Cairo Velasco, pinapapunta ako rito." Nag-aalinlangan kong sagot sa nurse.

Nang muli kong lingunin si Gian ay naka-angat na ang ulo nito at nakatanaw sa akin.

"Ah, yes, Sir, kayo po ba si Mr. Lukas Conde?" tanong ng nurse, agad akong tumango at bahagya pang inayos ang suot kong blazer.

"Yes, that's me." ani ko at tumango ang nurse, "Pwede niyo na po muna i-uwi si Gian. Itinawag naman na po kayo sa amin ni Mr. Velasco." ani niya at bahagya akong tumango bago nagpasalamat at nilapitan na si Gian.

"Hey, kiddo, kamusta?" Nangangapa kong sabi nang lapitan ko ito.

Nag-iwas ito ng tingin bago bumuntong-hininga, "Okay lang po," mahina nitong sagot.

Napatikom ako nang bibig, inilipat sa kaliwang kamay ang hawak kong thermal bag bago napakamot sa ulo, "Sabi ni nurse pwede na raw kitang i-uwi, gusto mo na bang umuwi?" Nag-aalinlangan kong tanong.

Umiling ito, "Hindi po, babalik din ako sa classroom mamaya." ani nito habang nakaharap ang ulo sa pader.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko lalo pa at alam kong ayaw naman akong kausap ng isang ito.

Nilingon ang gawin ng nurse, "Uhm, nurse, pwede po ba siyang bumalik sa classroom niya?" tanong ko rito.

Nag-angat ng ulo ang nurse sa amin at nilingon pa si Gian, "Pwede naman po pero siguro mga after lunch na para makapagpahinga muna siya. Kaya mo na ba, Gian? Hindi na masakit yung sugat mo?" Malambing nitong tanong sa bata.

Nagbaling ako ng tingin kay Gian bago inusisa ang kalagayan nito. Saka ko lang nakita ang mga sugat sa tuhod niya.

"Opo, nurse, kaya ko na po." Maikli at halos bulong nalang nitong sagot.

Napakamot ako sa batok bago nagmukhang tanga sa tabi ng kama ni Gian.

"Uh... lunch, kumain na tayo ng lunch. Halika, nagluto ako ng pagkain." Aya ko rito. Nararamdaman ko nang namumuo ang mga pawis sa noo ko na agad ko rin pinunasan gamit ang likod ng kamay ko.

Hindi agad sumagot si Gian. Sa sobrang pagkataranta at kaba ko ay ipinatok-patok ko na ang sapatos ko sa sahig.

Bumuntong-hininga si Gian, "Hindi po 'yan masarap." ani niya.

Imbes na mapahiya ay nagbadyang gumuhit ang isang ngiti sa labi ko. "Hindi mo pa nga nasusubukan. Sige na, tara na, kumain na tayo. Para sana 'to kay Tito Cairo mo pero sabi niya, tayo nalang daw ang kumain. Bonding naman tayo." Pabiro kong pinindot ang braso niya na agad din niyang iwinaksil at kumawala pa ang isang maliit na singhal sa labi niya.

"Hindi po ako gutom." Sabay kulo naman ng tiyan na maski siguro si nurse ay narinig iyon.

Napabungisngis ako, "Talaga ba? Parang... Parang may ibang sinasabi yung tiyan mo." Pabiro kong sabi rito.

Napahakbang ako paurong nang bigla itong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Nakanguso ito, mukhang pikon na pero hindi masama ang tingin sa akin. Cute pa nga, sarap pisilin sa pisnge.

Ngumuso ako pabalik bago ini-angat ang thermal bag, "Sige na, kain na tayo, gutom na rin ako, oh." Paki-usap ko rito.

Akala ko ay makunat talaga ito at hindi madadala. Pero nang dahan-dahan itong bumaba ng kama ay agad ko siyang inalalayan lalo pa at masyado itong mataas para sa kaniya. Nagpaalam na ito sa nurse na nakabantay bago naglakad- hindi, nag-martsa palabas ng infirmary.

Nauuna siyang maglakad sa akin at dahil siya naman ang taga rito ay nakabuntot lang ako sa likod niya hanggang makarating kami sa mga table sa ilalim ng mga puno.

Akala ko ay makikipag-usap na ito sa akin at kahit papaano ay nakuha ko na ang loob nito. Iyon nga lang, manang-mana pala ito sa tito niya, kung pagkain, kain lang. Kahit ang limusan ako nang kaunting sulyap ay hindi magawa. Focus lang sa goal, focus sa pagkain.

Tumikhim ako pagkatapos lunukin ang pagkain sa pisnge ko. "Masarap ba yung luto ko?" Nangangapa kong tanong rito.

Agad naman siyang umiling, "Hindi po, matamis kasi masyado." sagot nito.

Nakakatuwa lang na ang galang-galang pa rin ng pagkakasabi niya nito kahit pinipintasan na niya yung luto ko.

Napabungisngis ako bago tumango, "Matamis talaga ang humba, ganiyan talaga 'yan." sagot ko at tumango ito, nakasubsob pa rin sa pagkain niya.

Nabalot nanaman kami ng katahimikan nang ilang minuto, gusto ko siyang maka-usap, bonding ba. Kaso mailap talaga ito sa akin.

"Gian," tawag ko rito habang nilalaro-laro ang kutsara sa kamay ko. "Po?" Magalang nitong sabi, nakatungo sa pagkain at sumusubo pa.

"Bakit ayaw mo sa'kin?" Diretsa kong tanong. Hindi talaga ako naniniwala sa paligoy-ligoy at pinapatagal pa.

Hindi agad sumagot si Gian. Nakita kong bumagal ang pagnguya niya bago saka ini-angat ang ulo.

Kumurap-kurap ito na medyo ikinabungisngis ko. May kanin pa ito sa pisnge na sinubukan kong kunin pero agad itong naglayo ng ulo kaya natigilan ako at agad din binawi ang kamay ko.

Tinanggal nito ang kanin sa pisnge at hindi gaya ko na pinpipitik nalang iyon ay marahan niyang inilapag sa takip ng tupperware ng isang butil ng kanin.

"Anong hindi mo gusto sa akin?" tanong ko ulit, sinusubukang huliin ang malikot na mga mata ng bata.

Ngumuso ito habang nakalingon sa gawing kaliwa, "Hindi... Tito Cairo," bulong nito.

Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya kaya mas lumapit ako sa kaniya at marahang tinapik ang kaniyang braso.

"Ano?"

"Sabi ko hindi bakla si Tito Cairo!"

Agad akong napa-urong nang iwaksil nito ang kamay ko at sumigaw. Namilog ang mga mata ko bago naglibot ng tingin para makita kung may iba bang nakarinig sa amin.

Nang magbalik ako ng tingin sa bata sa harap ko ay nakatayo na ito, malalim ang paghinga at kumikinang na ang mga mata.

"Hindi bakla si Tito! Hind! Hindi!! Ikaw ang bakla! Bakla! Bakla!" Nagdabog ito sa harap ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at ilang beses nagbukas-sara ang labi dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Tumikhim ako at sinubukan siyang hawakan sa braso, "Gian-"

"Ayaw ko ikaw para sa kaniya! Dapat girl! Girl!! Hindi boy!! Hindi ikaw!!" Agad namilog ang mga mata ko at napatayo sa pagkaka-upo nang biglang tumakbo paalis si Gian.

Hindi ko pinansin o inisip ang mga pagkain sa lamesa at agad hinabol ang bata na hindi pa gaanong nakakalayo.

"Gian!" Na-abutan ko ito sa may gilid ng isang building, nang hawakan ko ito sa braso ay nagpapasag ito at pilit kinukuha ang kamay mula sa akin. "Ayaw ko sa'yo! Ayaw ko sa'yo! Hindi ka welcome sa bahay! Hindi! Hindi!!" Agad ko siyang nabitawan nang bigla ako nitong suntokin sa dibdib. Para sa maliit na bata at maliit na kamao ay masakit na ang suntok na iyon.

Agad kong nasapo ang dibdib ko at walang ibang nagawa kundi ang panoorin si Gian na tumakbo pabalik sa classroom niya.

Isang ubo ang kumawala sa labi ko bago nag-ayos ng tayo.

Imbes na sumama ang loob o malungkot dahil sa mga sinabi ni Gian, mas nangibabaw ang pag-aalala sa akin. Paanong sa murang edad ay may... galit siya sa amin? Paanong masama ang tingin niya sa pagmamahal ko sa tito niya? Paanong sa murang edad ay may galit na siya sa aming mga bakla?

-----------

a/n: aray ko, sah, nabigyan ka nga agad ng 2nd chance nung tito, olats naman sa pamangkin, btw!! lemme know your thoughts on this story hehehehehehh, been feeling down lately, just wanna know if I'm doing good or okay on this one cus i feel like i've been failing in life <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co