Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 2

_Dominous_

Cairo's POV

Wala akong naging choice kundi ang magpahatid na pauwi kay Lukas. Kahit kumukulo ang dugo ko sa kaniya at gusto itong sakalin dahil sa ngisi na kanina pa nakaguhit sa labi niya ay pilit kong ikinakalma ang sarili ko 'wag lang siyang masakal.

"So, kamusta ka na?" Basag nito sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

Agad ko siyang nilingon, nakakunot ang mga noo at pakiramdam ko'y halos magdikit na ang magkabilang dulo ng kilay ko.

Napa-irap ako bago nagbalik ng tingin sa unahan, "Okay lang." sagot ko rito habang naka-cross ang mga braso.

Hindi tayo close para kamustahin mo 'ko nang ganiyan! Ang gaan-gaan pa ng pagkakasabi mo na parang wala kang atraso sa akin?!

Tumikhim ito na muling kong ikinalingon sa kaniya, "May... pasok ka ngayon sa trabaho?" tanong nanaman nito.

Napapikit ako nang mariin at muntikang pang sumaltik ang dila. Umiling ako, "Wala," Maikli kong sagot.

Nasaan na ba kami? Jusko, ang layo pa sa bahay. Baka bago kami makarating sa paroroonan namin ay na-sample-an ko na si Lukas.

"Gusto mo ba na mag-almusal muna? May Jollibee oh, 500 meters away." Alok naman nito.

Muli akong umiling, "'Wag na, i-uwi mo nalang ako." Kalmado kong turan.

Ilang beses ko pa ba pipigilan ang sarili ko na pagtarayan siya? Baka hindi na talaga ako umabot sa bahay!

"Sure ka? Hindi ba masakit ang ulo mo? Lasing na lasing ka rin kagabi." Nang lingunin ko siya ay pabalik-balik ito ng tingin sa akin at sa kalsada. Mukhang tinatantsa pa niya ang magiging reaksyon ko.

Bumunot ako ng isang malalim na buntong-hininga, "Oo, sure ako. Gusto ko nalang umuwi para makapagpahinga na." sagot ko rito. Sa wakas ay nag-hum lang ito at nanahimik na.

Ilang minuto rin kaming nabalot ng katahimikan. Mabuti nalang at maaga pa at hindi pa gaanong mabigat ang traffic. Maya-maya ay binuksan niya ang radyo na bumasag sa katahimikan. Pero mas mabuti naman iyon kaysa magsalita siya nang magsalita.

"Hindi na... makalaya, dinadalaw mo 'ko bawat gabi~"

Napakunot ang noo ko bago siya bahagyang nilingon nang sabayan niya ang kanta.

"Wala mang... nakikita. Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim," kanta pa niya.

Talagang sinasabayan pa niya, ha? Next cover sana yung bibig na niya.

Tiniis ko ang halos kalahating oras na pagkanta ni Lukas. Pakiramdam ko'y pinapatay na ako ng hangover ko. Sinusubukan kong ipikit ang mga mata lp at matulog pero itong si Lukas ay patuloy sa pagkanta niya na lalo lang ikinakasakit ng ulo ko.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan lalo pa at nakakaramdam na ako ng pagkahilo at pagkasuka. Bago pa man ako makapasok ng gate ay nagsuka na ako sa may kanal at halos lumuhod pa sa kalsada.

"Cairo...!" Narinig ko ang pagtawag ni Lukas. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang kamay niya sa likod ko at gustohin ko man na tanggalin iyon ay medyo nakakagaan naman ng pakiramdam ang ginagawa niya.

Naka-ilang duwal din ako sa gilid ng kalsada bago saka nakayanang tumayo sa tulong ni Lukas. Ayaw ko man na hinawakan niya ako pero hinayaan ko na siyang alalayan ako papasok ng gate.

"Tito Cairo!!" Agad sumalubong sa akin si Gian na agad akong niyapos sa beywang.

"Nasaan ka po kagabi? Hindi ka umuwi?" tanong nito habang nakatingala sa akin, yapos-yapos pa rin ako sa beywang.

Sinuklay ko ang buhok nito, "Nag-stay pa ako sa kasal ni Ninong Grey mo at doon na kami sa hotel natulog." Paos kong sagot dito bago siya tumango.

Nakita kong gumapang ang tingin nito kay Lukas na nasa tabi ko, "Kayo po yung... nasa kasal din kagabi, diba?" tanong niya at agad namang tumango si Lukas.

"Yep, that's me. What's your name again?" tanong ni Lukas,

Kumurap-kurap ang bata, "Gian po," maikli nitong sumagot.

"Oh, andiyan ka na pala— si Lukas ba 'yan?!" Halos mapasigaw si Athena. Si Gian ay kumalas na mula sa pagkakayakap sa akin at nilapitan ang ina.

"Ang itim mo!" Kasunod nitong sabi na ikinatawa ko nang pagak.

"Grabe ka naman sa akin, hindi ba pwedeng tanned lang?" tanong ni Lukas at napa-awang ang labi ni Athena bago tumango, "Ay, sorry, sorry. Sige, tanned lang." ani nito bago hinalikan ang anak sa noo.

"Oh, siya, Cai, una na ako sa trabaho. Wala kang shift, diba? Pakibantayan muna si Gian, ha?" ani ni Athena bago dali-daling naglakad palabas ng bahay.

Napahilamos ako sa mukha at nang tingnan ang pamangkin ko ay naka-upo na ito sa sofa at nanonood ng TV.

Na-alala ko bigla na may asungot pa nga pala sa tabi ko kaya agad ko itong nilingon, "Oh," tinapik ko ito sa balikat para agawin ang atensyon niya mula kay Gian.

Tumaas ang magkabila niyang kilay at bahagya pang nagparte ang mga labi, "Yes?"

Sinenyasan ko itong umalis na, "Okay na ako rito, umuwi ka na," Pananaboy ko sa kaniya.

Napakunot ang noo nito at napakunot din tuloy ang akin. Nakita kong bumaba ang tingin nito sa labi ko at bahagya pang inilapit ang mukha.

Shit! Hahalikan niya ba ako?!

"Lukas—"

Napa-igtad ako nang lumapat ang panyo sa gilid ng labi ko. Pinunasan niya iyon na ikinatameme ko naman.

"Ayan, may amos ka pa ng suka mo." ani niya bago bahagya nang lumayo at itiniklop ang panyo.

Napabuntong-hininga ako, "Umuwi—"

"Wait, may amos ka pa." Putol nito sa akin bago pinunasan naman ang baba ko.

Napasaltik ako ng dila bago inagaw sa kamay niya ang panyo, "Ako na. Umuwi ka na," Pananaboy ko rito bago nagsariling punasan ang baba ko.

Napangisi ito, humagikhik na ikinakunot pa ng noo ko bago ako tinalikuran at lumabas na ng bahay. Hindi na ako lumabas ng bahay para tingnan kung umalis na ba siya. Sapat na ang ugong ng sasakyan niya para malaman kong nakaalis na nga siya.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Naikuyom ko ang panyo sa kamay ko bago muling napabuntong-hininga.

Ang hilig talaga akong paglaruan ng mundo. Sa dinami-dami ng problema ko ngayon sa buhay, bigla pang sumulpot ulit sa buhay ko si Lukas. Bwisit.

Lukas's POV

"Hello? Pre? Kailan kayo uuwi?" tanong ko kay Code sa cellphone.

Agad kong narinig ang halakhak nito na parang sinasakal na kambing. [Bakit? Miss mo na agad ako?] Pang-aasar pa nito na ikinasaltik ng dila ko.

"Hindi naman, ano lang..." napatingala ako sa kisame ng opisina ko bago bahagyang inikot-ikot ang bangko ko.

"May... ike-kwento lang sana ako." sagot ko at narinig kong humagikhik si Code sa kabilang linya.

[Kaya mo tinatanong kung kailan kami uuwi dahil lang may ike-kwento ka? Bakit hindi mo nalang i-kwento sa tawag?] Matawa-tawang tanong ni Code na ikinabuntong-hininga ko.

"Siyempre, para ano... mas ramdam mo yung kwento ko. Boring kasi kapag sa tawag ko sasabihin, eh." ani ko at muli itong humalakhak ng tawa na ikinasapo ko ng noo.

[Ano 'yan? Sinong kausap mo?] Narinig ko ang maliit na boses ni Grey sa kabilang linya.

Napa-igkas ako sa bangko at nag-ayos ng upo, "Grey! I miss you na, tol! Simula nang bumalik si Code sa buhay mo hindi na tayo nagja-jamming. Bestfriend tayo dati, ah?!" Halos sumigaw ako sa loob ng opisina ko.

[Hoy! Maka 'I miss you' ka naman. Asawa ko, pre! Asawa ko na! Boy-bestfriend ka lang!] Sita sa akin ni Code na ikinabungisngis ko.

[Si Lukas 'yan? Bakit daw?] Narinig ko ulit ang kalmadong boses ni Grey.

[Ah, si Lukas? Wala 'to, nang-iistorbo lang—]

"Grey, kailan kayo uuwi?!" Sigaw ko para marinig ni Grey.

Narinig ko ang hagikhik nito sa kabilang linya. [Hello? Lukas? We'll be back in three days. Why'd you ask?] It was Grey who was holding the phone this time.

My shoulders dropped and I leaned on my chair, "May ike-kwento ako," ani ko habang inikot-ikot ang bangko.

[Oh, I see, I see, save your kwento, pagka-uwi namin, bumisita ka sa bahay.] Imbita sa akin ni Grey.

Lumiwanag ang mukha ko habang pinapakinggan ang bahagyang kaguluhan sa kabilang linya. Nagmamaktol na yata si Code.

[Hello, Lukas, istorbo ka talaga! Inaagaw mo pa asawa ko!] Singhal ni Code na ikinahagikhik ko.

"Ewan ko sa'yo. Si Grey na mismo ang nagsabi na pumunta ako sa bahay niyo pagkauwi niyo. Wala ka nang magagawa. Blehhh!!" Bago pa man ako maaway ni Code ay agad ko nang pinatay ang tawag.

Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa labi ko nang ilapag ko ang cellphone ko sa lamesa.

Sumandal ako pabalik sa bangko ko at tumingala sa kisame, "Ethan, what's my schedule for today?" I asked my secretary, who was sitting quietly in his area.

"Uhm..." he rummaged through his table, "You have a meeting by 1 PM, Sir. And the generators you have ordered for the factory will arrive by 5 PM. Would you like to come and see the deliveries, Sir?" he asked formally.

I sighed deeply and nodded, "Sure, puntahan natin." sagot ko rito.

I had a sandwich for lunch since I didn't have the time or will to leave my office. While eating, I reviewed some papers and reports to maximize my time.

By 1 PM, as said in my schedule, I attended a meeting with the other executives. It was fine. Boring, to be honest, but I had no choice but to attend it.

Maski ang secretary ko ay mukhang naglilibang nalang sa gilid habang nakikinig sa meeting. Mga bandang alas tres ay natapos din naman ito. Inaya ko si Ethan na kumain muna sa malapit na cafe sa kumpanya lalo pa at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa opisina para kunin ang ilang gamit bago bumyahe papuntang factory.

Si Mikko ang unang sumalubong sa amin pagdating namin sa factory. Kinamusta muna ako nito bago dinala kung nasaan ang mga bagong deliver na generator. Tumulong ako sa pagbubukas nito, at kung hinayaan lang nila ako ay baka pati sa pagbubuhat ay nakitulong ako.

"Gusto niyo ba munang mag miryenda, Sir?" Alok sa amin ni Mikko nang matapos i-set up ang mga generator.

Nginitian ko ito bago umiling, "Okay lang, busog pa kami ni Ethan. Nag-miryenda na kami sa QC." sagot ko at agad tumango si Mikko.

"Edi... uuwi na kayo, Sir?" tanong nito at napabuntong-hininga ako bago tumango.

"Oo sana, may... kailangan pa bang asikasuhin dito?" tanong ko at agad umiling si Mikko.

"Wala naman po, Sir. Remind ko lang po kayo na mag shi-ship out na ulit tayo ng mga tomato sauce sa Wednesday. Baka gusto niyo po pumunta?" sagot niya at agad akong tumango.

"Sige, susubukan kong pumunta. Anong oras ba yun?" tanong ko at agad nitong binuklat ang folder na yapos-yapos niya sa dibdib.

"Uhm... 8 AM po dadating yung delivery trucks natin so... mga around that time din po, Sir." sagot niya at tumango ako.

"Sige, susubukan ko." sagot ko at tumango si Mikko, yapos-yapos na ulit ang folder.

"We'll get going. It's getting dark and I'm tired." I bid everyone goodbye before heading back to the car.

The whole travel back to Manila was silent. Except for the last few minutes when Ethan told me about my schedule for tomorrow. It wasn't that much. It was only one meeting, but not the usual meeting. It's a little event I had to socialize and talk to people.

I decided to head to my house instead of my unit tonight. At least there are house helpers and other people at the house, unlike my condo unit, where I am the only living thing.

"Good evening, Sir Lux, naghapunan na po kayo?" Bungad sa akin ng kasambahay pagkapasok ko.

Nagpilit ako ng isang ngiti bago umiling, "Hindi pa, makikihanda naman ako ng pagkain." Pakisuyo ko rito. Agad siyang tumango bago dali-daling pumunta ng kusina. Dumiretso muna ako ng kwarto ko para magbihis at magpahinga sandali.

Pero ang inaakala kong pahinga ay nauwi sa pag-alala sa nangyari noong isang araw.

"Ano ba naman yan?!" Napahilamos ako sa mukha.

Masyado akong naging busy ngayong araw kaya na-okupa ang utak ko at walang oras isipin ang mga pangyayari noong nakaraan. At ngayon na wala na akong ginagawa at nagpapahinga ay saka naman ako babagabagin ni Cairo.

Noong nakaraang taon, tinatawan-tawanan ko lang si Code kapag nasisiraan ng ulo pag dating kay Grey. Pero ngayon, ako naman ang nasisiraan ng bait kay Cairo.

Ilang taon ko rin siyang sinubukang makita. Ilang taon din akong nangulila sa kaniya. Gaya ni Code, gusto ko rin makapagpaliwanag. Gusto kong malaman niya ang totoo at gusto kong malaman niya na hindi ko siya niloko at talagang minahal ko siya.

Biglang may kumatok sa pinto, "Sir Lux, kakain na po," Agad kong naalis ang kamay sa mukha ko at napabangon sa kama.

"Yes, bababa na," sagot ko sa kasambahay na kumatok sa pinto ko.

Mabuti nalang may pagkain na. Baka kung tumagal pa akong nag-iisip ay nabaliw na ako sa kwarto.

Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin ako mapakali. Hangga't hindi ko nasasabi kay Code o sa mag-asawa ang nangyari noong kasal nila ay baka mawala na ako sa katinuan ko.

Ang mag-asawang Yago at Hades naman ay busy rin sa trabaho at mga anak nila. Nag-aalinlangan din naman akong magsabi sa dalawang iyon dahil baka makarating din agad kay Cairo lalo pa at alam kong madaldal talaga si Hades.

Napapansin din ni Ethan sa opisina ang pagkabalisa ko. Madalas akong alukin nito ng pagkain o di naman kaya ay kamustahin. Hindi ko rin naman masabi sa kaniya ang nangyari lalo pa at hindi naman kami ganun ka-close para i-kwento ko sa kaniya ang pumalpak kong lovelife noong college.

"Sir, tumatawag po sa inyo si Mr. Costa. Naiwan niyo po yung cellphone niyo sa opisina." Iyan ang bungad sa akin ni Ethan nang kakabalik ko lang sa isang inspection sa kumpanya.

Napakunot ang noo ko at dali-daling kinuha ang cellphone sa lamesa ko. May tatlong missed calls nga sa akin si Code. Nanginginig ang kamay ay tinawagan ko siya pabalik.

Napapameywang ako habang hinihintay siyang sumagot, pumapatok pa ang sapatos ko sa sahig at hindi mapakali. '

Napalingon ako nang saglit kay Ethan at nakitang taka ako nitong pinapanood. Nahiya ko bigla at nagtuwid ng lukod bago itinigil ang pagpatok ng sapatos sa sahig.

[Hello—]

"Oh, hello, pre, nasa Manila na kayo?" Tanong ko agad dito.

Isang halakhak ang narinig ko mula sa kabilang linya na ikinabagsak ng balikat ko. "Pare naman..." napahilamos ako sa mukha.

Humalakhak lalo si Code, [Oo nga, andito na kami, nasa bahay na bago. Pumunta ka na rito kung gusto mo.] ani niya.

Agad kong nakuyom ang kamao ko at kung pwede lang ay baka nagtatalon pa ako, "Yes...!" Nanggigigil kong bulong.

"Sige, sige, mamayang gabi, diyan ako maghahapunan." ani ko at napahagikhik si Code.

[Hindi ka naman yata magkekwento, eh. Makikikain ka lang!] Pang-aasar nito na agad kong ikinatawa. "Sira! Sige na, pupunta ako mga 7 PM." Paalam ko rito bago pinatay ang tawag.

Hindi na ako makapaghintay na umalis ng opisina. Kahit may ginagawa pa ako ay lumilipad na ang isip ko papunta sa bahay nila Code. Sinend na rin nito sa akin ang address ng bago nilang bahay at mukhang malapit-lapit lang din kumpara sa unang bahay na luma ni Code.

Pagkatapos ko sa trabaho ay agad akong nagpaalam kay Ethan at nagsarili nang nagmaneho papunta kila Code.

Pagdating ko doon ay si Chiara ang unang sumalubong sa akin at ipinapakita pa ang pasalubong ng mga tatay niya.

"Ang old fashioned talaga ng tatay mo, bakit t-shirt 'yan na may nakalagay na 'I Love Siargao'?" Sabi ko sa bata.

Narinig ko ang pagsinghal ni Code na kalalabas lang ng kusina at may hawak-hawak na mangkok.

"Alam mo, tinuturuan mo yung anak ko na maging ungrateful." ani nito na ikinahagikhik namin parehas ni Chiara.

Habang naghahapunan ay kinamusta ko ang honeymoon trip ng dalawa. Hindi rin naman ako makapagkwento ng gustong-gusto ko nang sabhin lalo pa at kasabay namin kumain ang anak nila.

Mabuti nalang at nang pagkatapos namin kumain ay nagpaiwan si Chiara sa sala para buksan ang mga pasalubong ng mga tatay niya kaya naman nakalabas na kami sa pool area.

"Anong nangyari?" tanong agad sa akin ni Grey nang maupo kami sa mga poolside chair.

Napabuntong-hininga ako bago pinagkabit ang magkabila kong kamay habang ang mga siko ko ay nakatukod sa tuhod ko.

"Nagkita kami ni Cairo." Malumanay kong turan.

Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikhan. Pero maya-maya ay kumawala ang isang pagak na tawa sa bibig ni Code.

"Alam namin, bestman nga kayong dalawa diba?" Nang-aasar nitong sabi.

Napapikit ako nang mariin at bumagsak ang magkabila kong balikat, "Sira— hindi kasi yun!" Singhal ko rito at mas lalong napahagikhik si Code.

"Eh, ano?" Takang tanong ni Grey.

Napahilamos ako sa mukha, "Diba magkatabi kaming natulog ni Code? Tapos pinaalis mo 'ko kasi gusto mong makatabi 'yang asawa mo?" Pa-alala ko kay Grey.

Kumunot ang noo nito bago utay-utay tumango, "Tapos?" Taka niyang tanong.

Napasandal ako sa bangko bago bumagsak ang mga balikat, "Pumunta ako sa kwarto kung nasaan si Cairo para matulog kasi may hangover pa ako. Edi ayun—"

"Nag sex kayo?"

"Hindi!!" Napasigaw agad ako sa sinabi ni Grey.

Humagalpak ng tawa si Code habang ako itong napapasabunot na sa buhok ko, "Nagkatabi lang kami sa kama, tapos kinabukasan, inihatid ko pa sa bahay niya." Paliwanag ko sa dalawa.

Ilang segundo nila akong tinitigan, pakurap-kurap at mukhang naguguluhan pa. "Ano naman—"

"Anong ano naman?! Mahal ko pa yung tao! Mahal ko pa, pare!" Putol ko kay Code bago napatakip ng kamay sa mukha.

"Sampung taon na yung nakakalipas pero mahal ko pa rin siya. Sinubukan ko naman mag move-on. Sinubukang kong maghanap ng ibang tao o lalaki pero wala, eh. Lahat palpak, kasi siya pa rin yung mahal ko!" Mangiyak-ngiyak kong turan.

Inalis ko ang kamay sa mukha ko, may mga luhang nagbabadyang mamuo sa mata ko. "Tapos... noong nakita ko pa siya sa kasal niyo... nag-iba na yung hitsura niya. Mukhang hindi na siya ang Cairo na minahal ko noon. Alam niyo yung... mukhang... naka move on na siya. Mukhang okay na siya, ganun! Tapos ako ito, nakukulong pa rin sa past." Dagdag ko pa, papabagsak na ang mga luha. Agad kong ibinalik ang palad ko sa mukha ko para hindi nila makita ang pagbagsak ng luha ko.

Cairo really looked different than before. I was shocked at first when I saw him. I almost didn't recognize him, if not because of his smile and eyes. His face got more mature. He looked more serious and strict. He also gained weight, which, for me, still suits him. His hair is not as curly as it used to be in college, and now in a bit shaggier in volume.

But despite all the changes in his physical appearance, in my eyes, he's still perfect. He may not look like the Cairo from before. I know he's still the Cairo I'll love.

Nang alisin ko ang kamay sa mata ko at tiningnan ang mag-asawa ay mga nakatikom ang bibig nito.

Napasinghot ako, "Naiintindihan mo naman ako diba, Code?" tanong ko rito. Bahagyang namilog ang mga mata ni Code bago tumango.

"Oo naman, pare. Naiintindihan ko," Malumanay na sabi ni Code.

Kumawala ang isang malalim na buntong-hininga sa labi ko bago napatingala sa kalangitan, "Grey, alam kong ni-minsan hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Cairo," panimula ko,

"Pero just this once, Grey, please tell me," nagbalik ako ng tingin kay Grey na mukhang pusang nakakunot ang noo pero anumang oras a maluluha na.

I swallowed the lump in my throat, "Is... Cairo actually doing okay?" I carefully asked.

Grey pursed his lips, clasped his hands together. He lowered his head, took a deep breath, and looked back at me. He slowly shook his head. "He's not, Lukas. He's not okay. His life is a mess and... I'm afraid he's carrying it all alone on his back. He needs someone, but he doesn't ask for any help. He likes to... keep it all to himself." 

------------

a/n: hello hehehe, don't expect na every week may ud ha, medyo magaan pa kasi workload ko rito sa UP, medyo kinakaya pa BWAHAHAH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co