Chapter 25
Lukas's POV
"Lukas, isa!" May panggigil sa boses ni Cairo habang nasa loob kami ng boutique.
Napanguso ako bago inilapag ang hawak kong damit, "Kanina, 'Mahal' pa ang tawag mo sa akin." Napanguso ako bago napatungo, "Ngayon, 'Lukas' na ulit," ani ko, at narinig kong tumawa nang pagak si Cairo.
Nilalaro ko ang paa ko sa tiles nang maramdaman ko ang braso ni Cairo sa braso ko. "Ikaw naman kasi, sinabi ko na tama na yung pagpili mo ng damit ni Gian," ani nito. Naka-angkla ang braso sa braso ko.
Naitikom ko ang bibig ko para pigilan ang sarili kong ngumiti.
Tumikhim ako bago nag-angat ng ulo at nagtuwid ng balikat, "Papasko ko na sa kaniya. I also want to spoil my future nephew-in-law." I replied. I puckered my lips when I faced Cairo, and the moment he saw it, he burst out laughing.
"Para kang sira!" Pabiro ako nitong hinampas habang nakasandal ang ulo sa balikat ko. Nakapikit ang mata, malawak ang ngiti habang humahalakhak at halos ma-out of balance pa.
"'Yang nguso mo na 'yan, sisipitin ko! Pwede ng sabitan sa sobrang haba, eh." ani niya na parehas namin ikinahagikhik.
Nang mapansin namin na nasa harap na namin si Gian, suot-suot ang damit na ipinapasukat namin, parehas kaming natigilan. Parehas kaming tumayo nang maayos at inalis pa ni Cairo ang braso sa braso ko.
Kumiling ang ulo ni Gian, "Ang ingay niyo, Tito." Medyo nakabusangot ang mukha ni Gian.
Napangisi ako at nagkatinginan kami ni Cairo na parehong nagpipigil ng tawa.
Nagbalik ito ng tingin sa pamangkin at nilapitan pa ito, "Patingin nga ako. Gusto mo ba yung damit?" tanong nito habang pinagmamasdan ang damit sa katawan ng pamangkin.
Agad tumango si Gian, yung tipong sasakit ang leeg nito sa sobrang lakas ng pagtango niya. "Opo, Tito! Bilhin na natin?" Nakangiti nitong sabi sa Tito.
Nilingon ako ni Cairo, may maliit na ngisi sa labi, "Kay Tito Lukas ikaw magsabi, siya ang magbabayad," ani nito habang nakapako ang tingin sa akin at may maliit na ngiti sa labi.
Hindi ako nakahinga ng isang segundo at agad na nagbaling ng tingin kay Gian na nakasimangot pero hindi nakakunot ang noo.
Bumagsak ang balikat nito bago inalis ang kamay ng tito niya sa kaniyang baywang at naglakad palapit sa akin.
Gusto kong humakbang paurong. Baka bigla akong upakan nung bata. Sa bawat hakbang nito sa akin ay parang nanliliit ang tingin ko sa sarili ko.
Baka bigla akong sapak sa binti. Pilay ako niyan.
"Tito Lukas..." malambing ang pagkakasabi nito.
Hindi ako nakahinga at agad na napatingin kay Cairo.
"Bili mo po ako nito, please?"
Muli akong nagbalik ng tingin kay Gian. Namilog ang mga mata ko at nagpabalik-balik ng tingin sa mag-Tito.
"Lukas, huminga ka." Utos ni Cairo at saka ako muling napahigop ng hangin.
Ngumuso si Gian, "Hindi na po kita aawayin, basta 'wag niyo po ako gagalitin." ani nito na ikinahalakhak ni Cairo.
"Gi," tawag nito sa pamangkin na nakanguso sa harap ko at nagpapa-cute.
Paano ko mahihindian 'yan?! Eh ganiyan din ako kapag may gusto! Tamang pa-cute lang kasi effective!
"Oo naman, ikaw pa!" ani ko bago ko itinaas ang kamay sa harap niya para makipag-apir.
Pinagmasdan niya muna ang kamay ko, napakagat sa daliri bago nakipag-apir na rin.
"Bati na tayo?" tanong ko at pinagmasdan ako nito habang namimilog ang mga mata.
"Basta 'wag mo 'ko gagalitin," ani nito bago tumakbo pabalik sa tito niya.
"Anong sasabihin kay Tito Lukas?" tanong ni Cairo rito habang sinusuklay-suklay ang buhok ng pamangkin.
Nilingon ako pabalik ni Gian, "Salamat!" ani nito bago tumakbo papasok sa fitting room.
Tumayo si Cairo mula sa pagkakaluhod sa sahig at naglakad pabalik sa akin. "Ayos, ah. Nakukuha mo na ang loob nung isa," ani nito, may ngisi sa labi at malalim ang tingin sa akin.
Hinuhubaran niya ba ako sa isip niya? Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Susunggaban mo na ba ako?
Napakamot ako sa batok at nahihiyang humagikhik, "May progress na," bulong ko.
Tuluyang nakalapit sa akin si Cairo at muling ini-angkla ang braso sa braso ko.
"Naku, kapag nakuha mo na ang loob niyan, mangungunsumi ka sa sobrang kulit ng isang 'yan," ani nito bago muling isinandal ang ulo sa balikat ko.
Hinga, Lukas! Hinga!
Napalunok ako nang laway bago muling napatawa nang pagak, "Okay lang. Makulit din naman ako, magkulitan nalang kaming dalawa. Tingnan natin kung sino ang unang susuko sa amin." ani ko at muling napahagikhik si Cairo bago pabirong hinampas ang dibdib ko.
Baka kapag lagi kaming ganito ka-sweet, baka hindi ako umabot sa bagong taon.
Nang matapos akong magbayad ay nakipag-agawan pa sa akin si Cairo dahil siya na raw ang magdadala ng mga paper bag. Napansin kasi nito na namumula na ang kamay ko dahil dito rin nakasabit ang mga paper bag mula sa mga store na pinamilihan namin kanina.
"Kaya ko, Cairo," ani ko rito habang hawak-hawak ang isang handle ng bag, habang siya naman itong hawak ang kabila.
Sumaltik ang dila nito bago napakamot sa ulo, "Sige na, Lukas, ako na. Kaya ko." ani niya at napangiti ako bago umiling, "Kaya ko rin, Cai. Kaya ako na," hinawakan ko ang kamay niya at sapilitan na kinalas ang pagkakahawak nito sa handle ng bag.
"Ay, talaga naman!" ani nito, inis, bago nagmartsa papunta sa pamangkin at hinawakan ito sa kamay.
Napahagikhik nalang ako at umiling habang sinusundan silang dalawa.
Naglalakad na kami palabas ng mall nang biglang tumigil ang mag-Tito na nasa unahan ko.
"Pang-exchange gift ko, Tito!" ani nung bata, mukhang paiyak na.
"Pwede pa naman tayong bumili." ani ko nang maabutan ang dalawa.
Si Gian ay agad akong nilingon, "Pero ang dami na po natin binili." ani niya at napakunot ang noo ko, "Ano naman? Bibili pa ulit tayo." Naguguluhan kong sabi.
Nilingon ng bata ang tito niya, "Yung mura nalang po, Tito." ani ng bata at agad tumango si Cairo.
Napakunot ang noo ko, "Bakit mura? Yung mamahalin naman." ani ko at tiningala ako ni Cairo.
Sumaltik ang dila nito, "Okay na yung tig-300-"
"What?! No! Let's go, Gian, bibili tayo ng pang-exchange gift mo." Inilahad ko ang kamay ko.
Wow, ang kapal, sino ka diyan para sumama sa'yo yung bata?
Nagsalubong ang magkalapit na kilay ni Gian bago nagbalik ng tingin kay Cairo. "Tito," nangangapa ang tono ng boses nito.
Bahagyang nagparte ang labi ko pero agad din iyon itinikom at binawi ang kamay.
Maybe I'm stepping over the line again. I'm being too much, and I'm scared that I'll get on Cairo's nerves again.
Tumikhim ako, "Pero sige, kung saan niyo nalang gusto." ani ko at muling nagbalik ng tingin sa akin si Cairo bago bumuntong-hininga.
Itinikom nito ang bibig at bahagyang ngumiti, "Ano bang gusto mo na ipang-regalo, Gian?" tanong nito sa pamangkin na hawak-hawak ang kamay niya.
Napakamot sa ulo si Gian, "Tito... hindi ko po alam," ani niya na parehas namin ikinahagikhik ni Cairo.
"Sige, tumingin nalang tayo sa Miniso." ani ni Cairo at sabay kaming tumango ni Gian bago lumiko at naglakad pabalik ng loob.
Pagpasok namin dito ay agad na naningkit ang mata ko. Bago 'to, ah? Bago ba 'to?
"Bago lang 'to, ah," ani ko habang naglalakad-lakad kami sa loob.
Nilingon ako ni Cairo kaya nilingon ko rin siya. Pinanliitan ako nito ng mata, "Hindi mo tanda 'to?" tanong niya at kumunot ang noo ko bago umiling. "Matagal na ba 'tong Miniso?" Taka kong tanong at napatawa nang pagak si Cairo bago umiling. "Matanda ka na nga," ani niya, na bahagya kong ikinanguso.
Bumuntong-hininga si Cairo, "Nag-date tayo dito noong college." ani niya at natigilan ako at ganun din siya.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumakbo paalis si Gian at naiwan kami ni Cairo sa may poste.
Nagparte ang labi ko, "T-Talaga?" Nagtataka kong tanong. Gumuhit ang maliit na ngisi sa labi ni Cairo bago tumango,
Pinag-cross nito ang braso bago naglayo ng tingin, "May binili tayong stuffed toys dito. Si Grizzly bear at si Ice bear," ani niya, at muling kumunot ang noo ko habang sinusubukan kong alalahanin ang sinasabi niya.
"Sa akin si Ice Bear; nasa iyo si Grizzly Bear. Magkapatid sila sa cartoon pero ginawa natin na couple stuffed toys," ani niya at mas lalong kumunot ang noo ko.
Grizzly bear?! Meron akong ganun?! Nasaan?!?
"Hindi mo na tanda?" tanong nito at agad akong tumango. "Meron tayong ganun?" Nag-aalinlangan kong tanong.
Shit! We have a couple stuffed toys?! And I've totally forgotten about it?! Hindi ko nga matandaan na may ganun pala kami! Paano ko matatandaan kung nasaan yun?!
Humagikhik si Cairo, "Hayaan mo na, matagal na yun. Mag sa-sampung taon na." ani nito bago naglakad palayo para sundan ang pamangkin niya.
Napahilamos ako sa mukha.
Great, now I feel guilty for totally forgetting about a couple stuffed toys we had in college. Does he still have his one? Gosh, I need to find that bear!
Gian picked a toy kit that is perfect for kids, whether it be a girl or boys. Cairo paid for it, and after that, we head back to their house.
"Mama!!"
Excited na pumasok si Gian sa bahay nila, lalo pa at andito na si Athena at namamalantsa.
"Ginabi na kayo, ah." ani ni Athena nang salubingin ng halik ang anak.
"Hayst," bumuntong-hininga si Cairo na dumaan sa gilid ko, "Traffic. Maliwanag pa nung umalis kami ng mall, ayun, ginabi sa daan," ani nito bago umupo sa sofa at agad na sumandal doon.
Inilapag ko sa sahig ang mga paper bag na agad na nakakuha ng atensyon ni Athena. "Aba! Ang dami niyo namang pinamili! Buong subdivision yata ipinag-shopping niyo na rin, eh!" ani nito bago nilapitan ang mga bag.
"Sa anak mo lang 'yan lahat," ani ni Cairo, nakatingala na sa kisame at nakapikit.
"Hah...!" Nilingon ni Athena ang bata, "Gian, ha, ang dami mong ipinabili sa Tito Cairo mo." ani ni Athena,
"Si Lukas ang nagbayad," ani ni Cairo at agad akong nilingon ni Athena, namimilog ang mga mata.
"Gian," tawag nito sa anak at sa paningin ko ay parehas kaming ni-nerbiyos ng bata.
"Bakit ka naman nagpabili ng ganito karami, anak?" tanong nito sa bata.
Nang makita ko at mukhang paiyak na agad si Gian ay agad akong sumabat, "Ako yung nagsabi na pumili lang siya nang pumili. Walang kasalanan yung bata." ani ko at nilingon ako ni Athena.
Bumuntong-hininga ito, "Maraming salamat, Lukas. Pero ang mamahal ng mga 'to. Send mo sa'kin yung mga resibo para mabayaran kita." ani niya at agad namilog ang mga mata ko bago umiling, "No! No! It's okay! Regalo ko kay Gian ang mga 'yan. No need to pay me, promise!" Itinaas ko ang kanan kong kamay.
Ilang segundo akong pinagmasdan ni Athena, pakurap-kurap bago nagbalik ng tingin sa anak, "Be good na kay tito Lukas mo, okay? 'Wag mo na siya awayin." ani nito sa bata at tumango si Gian, "Opo, Mama." ani nito, nakatungo.
Parang biglang kinurot ang puso ko. Bakit kailangan na ganun? Bakit kailangan na may i-sukli na kabaitan ang bata sa'kin? Kung hindi ako gusto nito, okay lang. Hindi kailangang tanawin na utang na loob ng bata ang mga pinamili ko sa kaniya.
"Kumain na ba kayo? Kumain ka muna, Lukas." Aya ni Athena at agad nagparte ang labi ko bago naunang umiling ang ulo ko bago pa ako nakapagsalita, "Okay lang, uhm... may gagawin pa ako sa bahay, eh." Sagot ko at tumango si Athena.
"Sige, sige. Salamat ulit sa mga 'to. Hanggang high school na 'to ni Gian." Nakabungisngis na sabi ni Athena bago ginulo ang buhok ng anak at naglakad paalis.
"Cairo, Gian, kain na." ani nito sa kusina.
Nagmulat si Cairo at agad bumangon mula sa sofa. "Kumain ka na rito." Aya niya at ngumiti ako bago umiling, "Hindi na muna, sa susunod nalang. May aasikasuhin lang ako sa condo." sagot ko at agad tumango si Cairo, "Ihatid na kita sa labas." Alok niya at muli akong umiling bago ngumiti, "It's okay. Kaya ko na. Kumain na kayo," ani ko at tumango si Cairo. "Sige, sige. Mag-ingat ka. Salamat sa mga ginawa mo ngayong araw," ani niya at agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko bago tumango at kumaway sa kaniya.
Paalis na ako nang mapansin ni Gian na naglalakad na rin sa likod ng tito niya, pero nakalingon sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin, agad itong nag-alis ng tingin at binilisan ang paglalakad.
"FYI, I'm a pediatrician, not a psychiatrist." Iyan ang bungad sa akin ni Grey nang puntahan ako nito sa gilid ng pool sa bahay nila.
Agad akong napahagikhik habang nakasandal sa isa sa mga bangko nila na gawa sa abaka, "Kanino ako magkekwento? Gusto mo kay Code ako magsabi?" tanong ko rito at agad naka-ismid si Grey nang maupo sa tabi ko, "'Wag na,"
"Selos ka?" Pang-aasar ko rito at agad itong nakakunot ng noo. "Baliw. Anong problema mo?" tanong nito bago pinag-cross ang hita at sumandal na rin sa bangko niya.
I scratch the corner of my brow, "How tight is Cairo's... situation in terms of finances?" I asked.
Grey's eyes darted at me as if he wanted to throw a punch. His lips twitched, and the next second, he burst out laughing, "The fuck?! Pwede naman na ituloy nalang! I thought you were asking about Cairo's tight ass." He snickered, followed by his continuous laughter that made my jaw drop.
"What?! You disgusting pervert! Why would I ask about that?! Specially you?!" I said, taken aback.
Grey's laughter died down a bit, and he shrugged, "I don't know, maybe you're curious," he said, still chuckling a little.
I didn't respond and just sighed. When Grey noticed my silence, he stopped laughing and cleared his throat. "Ano ba kasing nangyari? And besides, why aren't you asking Cairo about this? Bakit ako?" tanong niya at sumaltik ang dila ko.
"Ayoko naman tanungin siya nang diretsa tungkol sa ganitong bagay. Baka isipin niya na chismoso ko naman," ani ko, at tinaasan ako ng kilay ni Grey, "Hindi ba?" Ang pang-aasar nito ay ikinasimangot ko.
Bumuntong-hininga ito, "Okay, fine, I'll answer- but just based on what I know, okay?" He finally gave in, and I immediately nodded.
"Cairo's financial situation is so damn tight. You should have known about this now. Yung sweldo niya sa magkabilang ospital, lahat 'yon diretso sa mga binabayaran niyang utang. Naghihiwalay lang siya minsan kapag magbabayad na ng tuition ni Gian, which is malaki rin since he wants Gian to go to a private school. Kaya madalas, yung gastusin nila sa bahay, si Athena ang nagbabayad at nag-aasikaso." Sagot niya, at utay-utay akong tumango.
"Gaano ba kalaki ang utang nila?" tanong ko at agad na nagkibit-balikat si Grey.
"That, I don't know. Pero siguro malaki kasi... ang tagal na niyang binabayaran, hindi pa rin matapos-tapos." Sagot niya at tumango ako.
Ilang segundo kaming nanahimik hanggang sa maya-maya ay sumaltik ang dila ni Grey, "Ano ba kasing nangyari at na-curious ka tungkol doon?" tanong nito at napailing ako.
"Wala naman. Nag-mall kami ni Cairo kasama si Gian. Ipinamili ko ng mga damit yung bata para sa holiday season, medyo naparami kasi... natuwa ako sa bata. Pagdating namin sa bahay nila, nakita ni Athena na marami kaming pinamili at gusto pa niyang bayaran ako. Noong tumanggi ako, pinangaralan niya si Gian na magbait na raw sa akin yung bata kasi ginastusan ko." Pagke-kwento ko,
Hindi ako nakatiis at bumangon mula sa pagkakasandal sa bangko at itinukod ko ang magkabilang siko ko sa hita, "Ayaw ko ng ganoon. Ayaw ko na parang... dahil may ginawa ako para sa bata, para sa kanila, parang... parang ang laking utang na loob na 'yon. A simple 'thank you' would suffice. Hindi kailangan na parang...-" Napahilamos ako sa mukha dahil hindi ko na alam kung paano ko iyon sasabihin.
"Basta, Grey, you get me, diba?" Nilingon ko ito at agad siyang tumango, "I get you. Ganyan na ganyan si Cairo noong nagme-med school kami. Nakaka... guilty siyang tulungan kasi nagpupumilit siyang bayaran 'yon. Kapag tutulungan mo siya, imbes na mas guminhawa yung buhay niya, mas nagmumukha siyang maghihirap lalo dahil pilit niya yung babayaran." Sagot niya at agad akong tumango.
"Yes! I was thinking about that too!!" I pointed at him, and Grey let out another sigh and shook his head. "Wala kang magagawa, Lukas. Ganun na talaga yung magkapatid na yun, lalo na si Cairo. Si Athena maalam pa magbaba ng pride yun, eh. Si Cairo, hindi talaga." Ani niya at utay-utay akong tumango.
"Ay!" Napapalakpak ako nang may maalala, "Noong college tayo, may mga binigay ba sa'yo si Code na hanggang ngayon nasa'yo kahit naghiwalay kayo dati?" tanong ko at kumunot ang noo niya bago tumango.
"Yung... pictures namin. Headphones na binili niya sa'kin, pero nasira, pero nasakin pa rin." sagot niya at napahilamos ako sa mukha bago muling sumandal.
"Ano ba 'yan??~~!" Humalakhak si Grey sa tabi ko.
"May binigay sa'yo si Cai noon na naiwala mo?" tanong niya at inalis ko ang kamay ko sa mukha ko bago siya nilingon, "Hindi pa sure kung nawawala. Hindi ko lang ma-alala na binigyan niya ako ng Grizzly bear stuffed toy noong college." sagot ko at nagparte ang labi ni Grey.
"Yung ka-partner nung Ice bear niya? Dala pa niya yun sa condo ko noong med school, lagi niyang katabi matulog." ani niya at lalong akong nanlumo.
"Ahh!! Grey naman, eh!!" Muli akong napatakip sa mukha at nagpapadyak sa sahig habang si Grey itong humahalakhak sa tabi ko.
Pag-uwi ko sa condo ay sinubukan kong hanapin iyon. Pero paano na andito iyon, eh pang-limang lipat ko na 'to ng condo?!
Kinabukasan sa opisina ay naghanap din ako, nagbabakasakali na andoon, pero wala! Saan ko hahanapin 'yon?!
"Mahal?"
"Mahal." Natauhan ako bigla nang tawagin ako ni Cairo habang kumakain kami ng hapunan sa kusina nila.
Nilingon ko ito at nagpilit ng ngiti, "Yes?" tanong ko,
"Okay ka lang ba talaga na sumama sa Christmas party ni Gian bukas? Alas nuebe yung call time sa school nila. Baka busy ka?" tanong niya at agad akong tumango.
"Oo naman. Tinapos ko na yung mga trabaho ko nitong nakaraan para makapag-leave ako bukas." Sagot ko at tumango siya bago sumubo ng pagkain.
"Eh... si Gian? Payag na siyang kasama ako?" tanong ko at ngumisi si Cairo bago tumango, "Mukha naman. Simula noong nag-mall tayo noong nakaraan, mukhang malapit na ang loob sa'yo nung isa." Ani niya at napangisi ako nang bahagya.
"Baka... napipilitan lang siya. Okay lang naman kung-"
"Mahal," hinawakan ni Cairo ang kamay ko sa lamesa, "Gusto ni Gian. Kahapon, noong sinabi ko na kapag may mga palaro, ikaw ang pasasalihin namin. Tuwang-tuwa siya at mukhang excited," sagot niya at kahit papaano ay nawala ang pag-aalala sa loob ko.
"Talaga?" Pakiramdam ko'y lumiwanag ang mukha ko.
Ngumisi si Cairo at tumango, "Oo, kaya tiwala lang. Makukuha mo rin ang buong loob nung bata." ani niya at hindi ko na napigilan ang ngumiti.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung ako ba ang estudyanteng pupunta sa Christmas party o si Gian. Maaga rin akong pumunta sa bahay nila Cairo. Nag-aalmusal palang sila ay andun na ako. Inalok ako ng magkapatid na kumain, pero kumain na ako ng toast sa condo, kaya naupo na lang ako sa sala habang nanood ng TV.
Nakahanda na ang sapatos ni Gian sa harap ng TV, ang pang-exchange gift niya ay nakalagay na rin sa gift bag na nasa lamesa sa harap ko.
Makalipas ang kalahating oras ay handa na silang umalis.
"Papakabait kay Tito Cairo at Tito Lukas, ha?" Bilin ni Athena sa anak habang pinapabanguhan ito.
Agad na tumango si Gian, "Opo, Mama!" Bakas sa boses ni Gian na excited na ito.
Parehas kaming napangiti ni Cairo na nasa may pintuan na. Pagkahalik ni Athena sa ulo ng anak ay agad nakaharipas ng takbo si Gian palapit sa amin dala-dala ang regalo niya.
"Tara na?" tanong ni Cairo at tumango si Gian.
"Bagong sasakyan ba 'to?" tanong ni Cairo nang maupo sa passenger seat.
Tumango ako, "Noong Wednesday ko lang binili." sagot ko at nag-hum ito.
"Kinakabahan ka?" tanong niya at bahagya akong napangisi at tumango.
Humagikhik si Cairo, "Bakit naman? Kinakabahan ka sa mga palaro?" tanong niya at nagkibit-balikat ako. "Basta, nakakakakaba. First time kong pumunta sa school event ng bata. Anong sasabihin ko kapag tinanong ako kung kaano-ano ko si Gian?" tanog ko bago mabilis siyang nilingon at agad din nagbalik ng tingin sa daan.
"Edi ano... sabihin mo... boyfriend kita. Simple as that. Bakit? Nahihiya ka ba-"
"Of course not! Wala sa bokabolaryo ko ang salitang 'hiya'. Lalong-lalo na pagdating sa'yo. Hinding-hindi kita ikakahiya." Ani ko na ikinahalakhak ni Cairo.
Napatingin ako sa rear-view mirror para tingnan kung nakikig ba si Gian. Pero busy ito sa pagtanaw sa labas na mabuti naman.
Masyado pa siyang bata para matuto ng kalandian sa mundo. Saka ko na tuturuan kung paano pumorma sa mga babae- o lalaki, kung ano ang gusto niya.
Pagdating namin sa school ay dumiretso kami sa gymnasium dahil doon daw ang program. Nagsulat pa kami ng nametag sa may registration at doon ay nakaramdam na ako ng kaba dahil ang daming mga magulang.
"Dito ka lang sa'kin," nagulat ako nang hawakan ni Cairo ang kamay ko.
Bahagya niya itong hinigit, "Ako bahala sa'yo. You'll be fine basta kasama mo 'ko." ani niya bago ako hinigit na palakad palapit kay Gian na naka-upo na sa bangko sa gilid.
"Bakit andito ka? Hindi ka ba makikipaglaro sa mga friends mo? Naglalaro mga kaklase mo dun, oh." ani ni Cairo bago itinuro ang kumpol ng mga estudyante sa isang tabi.
Nilingon iyon ni Gian bago nagbalik ng tingin sa'min, "Dito nalang po ako. Samahan niyo 'ko ni Tito Lukas." Ani niya, at nagkatingin kami ni Cairo.
Nagbalik ng tingin si Cairo sa bata, "Of course, sure, dito lang kami." ani ni Cairo bago naupo sa tabi ng bata. Naupo na rin ako sa kabilang tabi nito at ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa hita.
"Samahan natin si Tito Lukas mo; kinakabahan kasi 'yan." Pang-aasar sa akin ni Cairo.
Nilingon ako ni Gian at bumungisngis, "Kinakabahan ka po? Bakit?" tanong nito.
Parang hindi nanaman ako humihinga. Kinakausap niya 'ko! Nakangiti siya sa'kin! Goods na goods na yata kami ng batang 'to!
Napangisi ako pabalik, "Eh kasi... yung ibang mga bata, kasama yung parents nila, baka kapag tinanong ako kung kaano-ano mo ako, hindi ako makasagot." ani ko at kumunot ang noo ni Gian.
"Boyfriend ka ni Tito, diba? Pwede na yun." ani niya at nakalimutan ko nanaman huminga.
Inabot nito ang kamay ko na nasa hita ko at inabot din ang kamay ng Tito Cairo niya at pilit na pinaghawak ang kamay namin sa harap niya, "'Yan, ganiyan. Lagi kang sumama sa'min para hindi ka mawala," ani niya na ikinahagikhik namin ni Cairo.
I suddenly felt this strange feeling inside my chest. Was it excitement? Happiness? A sense of being accepted by this little boy right here? Or was it something else? I can't pinpoint what exactly I am feeling, but it feels nice. This feeling feels... fulfilling.
--------
a/n: guess who's backkkkkkk kskskskks, ang init sa probinsya namin huhuhuh, sa apartment ko kasi, malamig-lamig pa kahit kaunti. Dito, gigising ako sa umaga na para akong iniihaw. And btw pala guys, I'll be multitasking and working on other stories too this school vacation. Hindi ko magagawa ang everyday update but surely, frequent update tayo hehehe, and if keri, sana, maka more than 2 update ako a week hehehehehe, abangan ang mga susunod na mangyayari and susunod na story hehehe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co