Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 26

_Dominous_


Lukas's POV

The gymnasium was almost full with kids and their parents when the program started. Gian went to his classmates, leaving Cairo and me at the side.

Lumapit ako kay Cairo, "Parang tahimik siya sa school?" bulong ko rito habang parehas naming pinagmamasdan si Gian sa malayo.

Nag-hum si Cairo, nasa pamangkin din ang tingin, "Yun nga, eh. Kung anong ikinakulit sa bahay, ang tahimik dito." Sagot niya at tumango ako.

"Parang wala siyang masyadong kaibigan," napansin ko habang pinapanood si Gian na tumayo lang doon habang ang mga kaklase niya ay nagdadaldalan.

Nang magsimula na ang mga palaro ay dali-daling tumakbo si Gian palapit sa amin, "Sali tayo! Sali tayo!" Pag-aaya nito. Parehas kaming napangiti si Cairo bago nagpadala kay GIan na hinihigit kami palapit sa ibang mga bata at magulang.

"Okay, kids! Isama na ang inyong Mommy and Daddy dahil magsisimula na ang ating first game!" Nagsigawan ang mga bata habang si Gian sa pagitan namin ni Cairo ay nagtatalon.

"Sali tayo! Sali tayo!" Hinigit-higit nito ang braso ng tito niya sa braso.

Nagtaka ako kung bakit hindi sumasagot si Cairo, kaya napalingon ako rito. Nakita ko itong nakatingin sa ibang mga magulang at anak, kaya napatingin din ako doon.

Noong una ay hindi ko alam kung ano ba ang inuusisa niya doon, pero nang makita ang pattern, bumagsak ang balikat ko.

Kailangan ng nanay at tatay sa laro.

Hindi kami pwede. Tito at salingkit lang kami.

"Tito, tara na! Please!" Nagpumilit na higitin ni Gian si Cairo at nahigit niya ito nang kaunti, pero agad gumuhit ang pagkataranta sa mukha ni Cairo at pinigilan ang pamangkin sa paghila sa kaniya.

"Uhm... Gian, sa ibang game nalang tayo? Hindi ko kaya yung laro, eh." Pagdadahilan ni Cairo.

Muli akong nagbalik-tingin sa mga bata at magulang nila. Lahat nga ito at nanay at tatay ang kasama. Kung may nauna sanang... same-sex couple na sumali, paniguradong mapapapayag namin si Cairo.

Ngumuso si Gian pero iyong nguso na nagpapa-cute lang, "Sige po, Tito. Pero next game, ha!" Parang naningil na agad ito kay Cairo. Napahagikhik nang mahina si Cairo bago tumango.

Nanood nalang kami ng sack race ng ibang bata at magulang. Nagtatatalon si Gian sa harap namin. Nagkakatinginan kami ni Cairo at alam kong parehas kaming naaawa sa bata. Halatang gusto niya talagang salihan ang laro na 'yon. Pero mukhang nanguna ang hiya ni Cairo dito.

Sa kasunod na laro ay sumali sila na mag-Tito sa stop-dance na may diyaro. Sakto at maliit lang na bata si Gian, kaya ang dali-dali siyang nakarga ni Cairo. Nakapwesto ako sa may harapan at kinukuhaan sila ng video at picture lalo na iyong mga pagsayaw nilang mag-Tito.

Manang-mana si Gian kay Cairo, may galaw din.

Sa huli ay nanalo silang dalawa. Basic lang kay Cairo ang buhatin si Gian, medyo nahirapan lang siya sa pagba-balance sa isang paa pero panalo pa rin sa huli.

"Nilampaso niyo yung iba, eh." Ani ko sa dalawa nang makabalik kami sa upuan.

Natatawang nagpunas ng pawis sa noo si Cairo, "VIP kaya si Gian sa ganyan. Galing-galing sumayaw, eh!" ani nito habang nagpupunas ng pawis gamit ang kamay.

Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at idinampi iyon sa noo niya para punasan siya ng pawis. "Gumamit ka ng panyo," malambing kong sabi. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Cairo bago tinanggap ang panyo, "Salamat," ani nito bago nagpunas.

"Naglalandian kayo?"

Parehas kaming napalingon sa paslit sa harap namin. Parehas kaming natigilan ni Cairo at napatulala lang kay Gian.

Ilang segundo ang nakalipas at nang parehas na namin ma-digest ang sinabi ni Gian ay napatawa ako nang pagak habang si Gian ay agad nakatungo sa lebel ng pamangkin, "Saan mo natutunan 'yan?" tanong nito sa pamangkin, natatawa-tawa.

Nagkibit-balikat si Gian, "Sa TV lang," sagot nito, pakurap-kurap ang mata at inosenteng tinitingnan ang tito niya.

Lalo akong napahagikhik at napatakip pa sa mukha.

Narinig kong sumaltik ang dila ni Cairo, "Hindi kami naglalalandian. Inaalagaan lang ako ni Tito Lukas mo." Paliwanag nito.

Agad ko namang inalis ang kamay ko sa mukha ko at tumango, "Oo nga, Gian. Magkaiba ang naglalandian sa inaalagaan ang isa't-isa." Sang-ayon ko kay Cairo.

Kumiling ang ulo ng bata at taka akong tiningnan, "Paano yung iba? Yung naglalandian?" Inosente nitong tanong.

Napakagat ako sa labi ko bago napatingin kay Cairo na agad namilog ang mata at nagbalik ng tingin sa bata, "Huyst! Bata ka pa! 'Wag mo munang isipin yung landi-landi na 'yan! Magagalit mama mo, sige!" Ani nito, bago kumuha ng towel sa bag ni Gian, ay pinunasan ng pawis ang bata.

Nagpalipas muna sila ng isang laro dahil pagod pa si Cairo at pinagpapahinga rin muna nito ang bata. Ang kasunod nilang sinalihan ay ang Trip to Jerusalem. Hindi sila nanalo rito pero naka-top 3 sila.

"Muntikan na akong tumalsik...!" Natatawang sabi ni Cairo habang naglalakad palapit sa akin, karga-karga si Gian.

Napangisi ako, "Nakita ko nga, buti hindi kayo natumba." Ani ko, bago sinalubong ang mag-Tito ng towel.

"Okay lang yun. Naka 3rd place naman kami. Diba, Gian?" Nilingon ni Cairo ang pamangkin na karga-karga niya.

Nagpunas ng pawis si Gian sa noo bago tumango, "Opo! Ipanalo nalang ulit natin yung kasunod!" ani nito at parehas kaming napahagikhik ni Cairo bago naupo na.

Lunch na pala ang kasunod sa program. Nag-alinlangan pa akong kumuha ng pagkain, pero hinawakan ako sa kamay ni Cairo at hinila palapit sa buffet.

Nahihiya ako sa ibang mga magulang na andito. May pailan-ilan akong nakikita na nakatingin sa gawi namin at agad akong naglalayo ng tingin.

Kaunting pagkain lang din ang kinuha ko kahit mukhang nakakatakam iyong iba.

Magpapaluto o di naman kaya ay bibili nalang ako nang sarili. Mas ma-enjoy ko pa na kami-kami lang nila Cairo at Gian.

Habang kumakain kami ay nagpapalabas sila ng kid's movie kaya naman tuwang-tuwa ang mga bata habang kumakain.

Bandang ala una nang ituloy na nila ang program. Relay ang kasunod na laro at sumali ulit sila Cairo at Gian. Nanalo naman ang grupo nila at pagod na pagod ang mag-Tito nang matapos.

Nagpapahinga at nagpupunas pa ng pawis si Cairo nang i-announce ang kasunod na laro.

"Putukan ng lobo!" Tumalon si Gian pababa ng bangko niya at hinarap ang Tito, "Sali tayo! Please! Please!" Nagtatalon ito sa harap ni Cairo.

Halata naman sa mukha ni Cairo na pagod pa ito at hindi pa rin nakaka-recover sa huling laro.

Hinigit-higit ni Gian ang kamay ni Cairo, "Please, Tito! Sali tayo!!" Mukhang paiyak na si Gian at ganun din si Cairo.

Nagparte ang labi ko, "Gian, gusto mo tayo naman muna ang sumali?" Alok ko riito.

Parehas akong tiningnan ng mag-Tito at kumurap-kurap. Haha, magkamukha sila.

Nginitian ko si Cairo at gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya at bahagya pang lumiwanag ang mata.

"Oo nga, Gi," nagbalik ito ng tingin sa pamangkin, "Kayo muna ni Tito Lukas ang sumali. Magpapahinga lang ako." ani nito sa bata.

Tiningala ako ni Gian at kumurap-kurap, "Baka matalo kami." ani niya na parehas namin ikinahalakhak ni Cairo.

"Hindi 'yan! Magaling si Tito Lukas mo, promise!" ani ni Cairo at ngumuso si Gian bago tumango, "Sige na nga po. Tara na, Tito." Hinawakan ako ni Gian sa kamay at nang hilahin ako ay nagpadala naman ako.

Nagugulat pa rin ako kapag nagiging mabait sa akin si Gian. Sa paningin ko, parang sinapian bigla ang bata kaya naging mabait sa akin.

Nakigrupo kami sa ibang mga tatay at bata dahil by group ang laban. Unang nagpapaputok ng mga lobo ang bata habang kaming mga tatay- ay, salingkit lang pala ako- ay nagsisigawan at chine-cheer ang mga bata.

Naunang matapos ang mga bata sa grupo namin, kaya sa mga matatanda ay kami ang unang nagpaputok ng mga lobo.

Nang upuan ko ang bangko kung nasaan ang lobo ay agad iyong pumutok kaya nagmadili akong bumalik para tumakbo naman ang kasunod.

Sa huli ay kami rin ang nanalo. Talon nang talon ang mga bata sa grupo namin, lalo na si Gian. Pero dahil maliit na bata ito, muntikan na itong matumba nang mabangga ng isang bata.

Agad ko itong kinarga at isinakay sa balikat ko habang nagsisigaw ito.

"Ang galing natin, Tito Lukas! Ang galing natin!" ani nito habang nakasakay sa balikat ko at naglalakad na kami pabalik kay Cairo na pumapalakpak sa bangko niya.

"Pumunta ka man yata dito para manlampaso ng kalaban, hindi mag-Christmas party." Ani ni Cairo habang pinupunasan ng pawis si Gian.

Pang-ilang towel na niya 'yan? Pangatlo na yata.

Humagikhik si Gian habang yapos-yapos ang premyo na nakuha niya, "Gutom na ulit ako, Tito." ani nito na ikinahagikhik namin ni Cairo.

"Kuha kayo ng pagkain ni Tito Lukas mo?" tanong ni Cairo at agad tumango si Gian.

Napalingon naman ako kay Cairo, "Nahihiya ako," ani ko, muntikan pang ngumuso.

Tumawa si Cairo, "Muntikan mo nang wasakin yung bangko kanina. Tapos ngayon, nahihiya ka?" ani ni Cairo at tuluyan na akong napanguso.

Kinuha ni Gian ang kamay ko at hinigit palapit sa buffet.

Ikinuha ko ng pinggan si Gian at kada pagkain na ituturo niya ay ilalagay ko lang sa pinggan.

"Kaya mo bang ubusin lahat 'to?" tanong ko rito, lalo pa at mukhang isang buong tanghalian nanaman ang ipinapakuha nito.

Lagot kami kay Cairo kapag hindi niya naubos 'to.

Tumango si Gian habang namimili pa rin, "Kaya ko 'yan, Tito." ani nito bago nagturo nanaman ng bagong pagkain.

Hindi ko alam kung bakit, pero napalingon ako sa may gawi ng dalawang tatay na ilang metro ang layo sa amin at nagbubulungan.

Hindi ako magkakamali, pero nakatingin ito sa gawi namin ni Gian. Tiningnan ko pa kung kay Gian ba ito nakatingin, pero nang magtagpo ang mata namin ng isa dun sa dalawang tatay ay nasigurado ko na sa akin ito nakatingin. Nagparte pa ang labi ko nang magtawanan ito. Nakatingin pa rin sa akin ang isa.

Bakit? Anong meron? May katawa-tawa ba sa'kin?

"Tara na, Tito Lukas." Nagbalik ako ng tingin kay Gian nang tawagin ako nito.

Hinawakan ako nito sa kamay at hinigit pabalik kay Cairo. Nang lingunin ko ang dalawang tatay ay nagtatawanan pa rin ito at habol kami ng tingin.

"Ang dami niyong kinuha...!" Gulat na sabi ni Cairo nang makabalik kami sa kaniya.

"Gian, ha. Hindi mo 'yan mauubos." Pangaral nito sa pamangkin niya.

"Eh, Tito, kaya ko ubusin 'yan. Nagutom kaya ako sa laro." sagot ng bata bago naupo sa tabi ng Tito niya.

"Sabi mo 'yan, ha. Hindi ko kakainin yung tira mo, sige ka." Ani ni Cairo, bago sinubuan si Gian ng pagkain, lalo pa at wala naman kaming lamesa.

Nagkukulitan ang mag-Tito sa tabi ko habang nanatili akong naka-upo sa kabilang gilid ni Cairo at nakatanaw sa dalawang tatay sa malayo.

Hindi gaya kanina na habol ako ng tingin, ngayon ay pasulyap-sulyap nalang ito sa akin- sa amin.

"Mahal?" Agad akong napalingon kay Cairo nang hawakan niya ako sa hita at malambing na tinawag niya ako.

"Yeah?" I pursed my lips and raised both my brows,

Kumunot ang noo ni Cairo. Iniabot nito kay Gian ang pinggan at humarap sa akin, "Anong problema?" Bumagsak ang magkabilang balikat niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko, "Okay lang naman ako," sagot ko, at pinaningkitan ako ng mata nito.

"Parang hindi, eh," ani niya at mukhang inuusisa pa ako. Tumango ako, "Oo 'man." Nginitian ko pa siya. Kinukumbinsi na okay lang ako.

Umiling ito, "Hindi talaga, Lukas." Ngi... Lukas.

Napakamot ako sa ulo, "Mahal, ano kasi... medyo nailang lang ako nang kauntian dun sa dalawang tatay kanina." Pag-amin ko, lalong kumunot ang noo niya.

"Bakit? Anong nangyari? Anong sabi sa'yo?" tanong nito. Mukhang handa nang manuntok.

Bahagyang namilog ang mata ko at nataranta, "Wala naman! Wala naman silang sinabi! Wala rin ginawa!" Pigil ko rito. Baka biglang manungod, eh.

Kumunot ang noo nito, "Bakit ka nailang?" tanong niya at napakamot ako sa ulo, "Nagtatawanan kasi habang nakatingin sa akin. Siyempre, ako, sa tingin ko, ako yung pinagtatawanan nila. Tapos habol pa kami ni Gian ng tingin kanina noong pabalik kami sa'yo." Pagsusumbong ko rito.

Kumunot ang noo nito bago naglibot ng tingin sa gym, "Sino diyan? Turo mo?" ani nito at agad akong umiling.

"'Wag na, Mahal. Okay lang yun-"

"Hindi, ituro mo diyan." Putol nito sa akin at agad akong napahilamos sa mukha.

"Ano... ano diyan," naglibot din ako ng tingin sa paligid pero hindi na makita ang kulay blue na checkered na polo. "Wala, eh. Hindi ko na makita." sagot ko at mabilis akong nilingon ni Cairo, naniningkit ang mata, "Isa, Lukas, ituro mo." Madiin nitong sabi at agad namilog ang mata ko bago umiling. "Wala nga, hindi ko makita. Baka umalis, ituturo o nalang mamaya." sagot ko rito.

Ilang segundo akong pinagmasdan ni Cairo at malalim ang tingin sa akin. "Anong hitsura ng suot?" tanong niya at bahagyang nangasim ang mukha ko.

"Naka-blue na checkered yung isa. Yung isa naman, puting t-shirt tapos naka-cap pero kalbo." sagot ko at tumango ito, "Sige, hanapin ko mamaya." ani niya bago muling hinarap ang pamangkin.

"Hala ka naman!" Napalingon ako kay Gian nang biglang suminghal si Cairo.

Naku po, may chocolate syrup na yung damit ni Gian.

"Bakit naman hindi ka nagdadahan-dahan?" tanong ni Cairo rito, halatang naiinis pero nagtitimpi sa bata.

"Hawakan mo muna 'to, Lukas." Nagulat nalang ako nang bigla nitong ini-abot sa akin ang pinggan ni Gian. "Papalitan ko lang 'to ng damit." Ani nito, bago tumayo at isinakbat ang bag ni Gian sa balikat niya. "Dito ka lang," ani sa akin nito na para bang bata na inihahabilin.

Agad naman akong tumango at pinanood silang mag-Tito na umalis.

Mula sa bangko namin ay tinatanaw ko ang mga bata na naglalaro sa gitna. Natatawa pa ako dahil sa lilikot at sa gugulo ng mga 'to.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong may naglalakad palapit sa akin, kaya napalingon ako doon. Naramdaman kong uminit bigla ang kamay ko nang makita iyong dalawang tatay kanina.

"Boss! Ikaw ba yung tatay ni Gian?" tanong nito sa akin at agad nag-parte ang labi ko bago umiling, "Ah, hindi, hindi. Isinama lang ako nung Tito niya." sagot ko at tumango ang dalawa.

Nagparte ang mga labi nito bago tumango, "Friend ka ni Doc Velaso?" tanong niya at nagparte ang labi ko.

"Actually-"

"Ikaw naman, pare! Ano pa ba? Siyempre, kaibigan ni Doc Cairo 'yan! Kaano-ano pa ba niya si Doc?" Putol nung isa sa akin.

Itinikom ko ang bibig ko at napalunok ng laway habang silang dalawa ay nagtatawanan sa harap ko.

Nagbalik ng tingin iyong naka-checkered, "Magaling na doktor si Doc Velasco. Siya yung nag-opera sa family friend namin kaya alam ko ang capabilities niya," ani niya at utay-utay akong tumango.

"Nakakapagtaka nga kung bakit wala pang asawa si Doc, eh." Ani nito at bahagyang namilog ang mata ko bago tumango.

"Baka naman... ikaw ang pumoporma diyan." Ani nung kalbo, pabiro pa.

Muling namilog ang mata ko at napalunok ng laway, "I- uhm-"

"Ang sama naman kung doktor siya tapos bakla. Nilo-look up pa man din siya ng ibang mga bata dahil alam na magaling siyang doktor, mabait pa. Ang sama naman sigurong role model kung bakla siya. Diba, pare?" Siniko nito yung naka-checkered at nagtawanan sila.

Parang bumagsak bigla ang sikmura ko, "Haha..." bumagsak ang magkabila kong balikat.

"Matagal mo nang kaibigan si Doc? Parang close na close kayo, eh. Best friends ba?" tanong ng naka-checkered.

Nararamdaman ko nang namamawis ang kamay ko na hawak-hawak ang pinggan, "Uhm..." tumango ako, "Opo, college pa kami magkaibigan." sagot ko bago napakagat ng dila.

Tumaas ang magkabilang kilay ng dalawa bago tumango, "Sabi na sa'yo, pare! Hindi bakla si Doc! Masyado kang mapanghusga! Malambot lang gumalaw 'yon tsaka maalaga! Ikaw talaga!" natatawang sabi nung naka-checkered.

Walang pasabi, umalis ang dalawa na hinabol ko pa ng tingin.

Napabuntong-hininga ako bago lumingon sa kanan ko. Laking gulat ko nang makitang nakatayo na si Cairo sa harap ko, hawak-hawak ang kamay ni Gian.

"Mahal..."

"Best friend pala, ha?" Singhal nito bago naglakad pabalik sa bangko niya.

Bumilis ang kalabog ng dibdib ko, lalo pa at hindi na halos maipinta ang mukha nito at halos pumatay na ang talim ng tingin niya sa akin.

"Tito, sasali ako sa laro!" ani ni Gian bago siya tumakbo papunta sa karamihan ng mga bata.

Naiwan kami ni Cairo sa sulok na iyon. Agad akong napatayo at inilapag ko ang pinggan ni Gian sa bangko.

"Mahal, wait lang. Sinabi ko lang yun kasi ayaw ko na sumama ang tingin nila sa'yo. Kids were looking up at you since you're a doctor and it'll be disappointing if you turn out to be gay-"

"Disappointing? Lukas, bakla ako! At kahit kailan hindi disappointing na bakla ako!" Marahas ako nitong hinarap, namumula ang mukha at umiigting ang panga.

Agad akong napahakbang pauron, "Mahal, kumalma ka-"

"Kumalma?! Lukas, itinanggi mo 'ko! Itinanggi mo na boyfriend mo 'ko! Ikinahihiya mo ba ako?! Ikinahihiya mo ba yung relasyon natin?!" Putol nito, namumula ang mga mata at namumuo ang luha.

Parang piniga bigla ang puso ko. Saka ko lang napagtanto kung gaano kasakit ang sinabi ko. Kung gaano kasama at kasakit sa kaniya ang itanggi ko na kasintahan ko siya at palabasin na magkaibigan lang kami.

Nang maglakad paalis si Cairo ay agad ko itong sinundan. "Mahal. Mahal makinig ka muna. Cairo," pagsusumamo ko rito.

Tumigil lang ito sa paglalakad nang makalabas kami ng gym at makarating sa gilid.

Marahas nitong pinahid ang luha na umagos sa pisnge niya nang humarap sa'kin, "I didn't expect this from you, Lukas. Akala ko kapag dumating yung ganitong pagkakataon, ipagtatanggol mo 'ko, ipaglalaban mo tayo. Pero...nahihiya ka pala? Ikinahihiya mo pala ako?" tanong nito at nabasag pa ang boses.

Agad akong umiling at sunod-sunod iyon, "Mahal, hindi. Hindi kita ikinakahiya! Ayaw ko lang na maging masama ang tingin nila sa'yo-"

"Hayaan mo sila! Hayaan mo kung anong isipin o sabihin nila! Nagpapa-apekto ka sa mga yun! Ano naman kung may sabihin silang masama? Ano naman?! Hindi naman natin ikamamatay yun!" Sigaw nito sa akin, sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa pisnge.

Bumagsak ang magkabila kong balikat bago humakbang palapit sa kaniya, "I'm sorry, Cairo. I'm sorry. I just... I was scared, I admit that. I was scared and I was a coward. Natakot lang ako pero hindi kita ikinakahiya, lalong-lalo na ang relasyon natin." I slowly wrap my arms around him. The moment he rested his face on my chest, his sobs gone louder and he immediately hugged me back.

"I was just thinking of you. Iyon lang. Mali yung sinabi ko, mali yung ginawa ko. Nag-panic ako." I softly said while swaying our bodies together.

"But I promise you, Mahal. Sa susunod na may magtatanong, I will proudly say na asawa kita- aray!" Agad ako nitong nahampas.

Kahit mugto ang mata sa kakaiyak ay nagawa pa niyang hampasin ako sa dibdib. "I'm sorry, okay? Hindi na mauulit." I softly planted a kiss on top of his head which made him chuckle.

I was wiping the tears on his cheeks, brushing his hair using my fingers, when we suddenly heard a commotion inside.

Parehas napakunot ang noo namin at nang mapagtanto na mag-isa doon si Gian, ay parehas kaming napaharipas ng takbo pabalik sa loob.

Nagkakagulo ang mga tao sa gitna. Habang tumatakbo kami ay nilingon ko ang bangko namin pero wala doon si Gian.

Nang makalapit kami ay narinig namin ang umiiyak na bata, pero dahil siksikan ay hindi namin maaninag kung sino iyon.

"Excuse me," si Cairo ang unang nakatagos sa mga tao.

"Tito!!"

Nataranta ako lalo nang marinig ang boses ni Gian. Nang makatagos naman ako ay nakita kong nakayapos na si Gian kay Cairo.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa teacher na malapit sa dalawa.

"Uhm, Sir," napakamot sa batok yung teacher, "Nag... Nagkaroon lang po ng biruan yung mga bata-"

"Tinawag niya akong bakla, Tito! Bakla ka raw kasi! Kaya bakla rin daw ako!"

--------------
a/n: ang exciting ng next chap BWHAHAHAH, may bagong character wkwkwkwkwwkwkw

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co