Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 27

_Dominous_


Cairo's POV

"Tara na,"

Bago pa man ako makapag-react ay si Lukas ang unang dumakma kay Gian para buhatin at inilayo sa mga tao.

Kahit hindi ko pa alam ang sasabihin o gagawin ay tumayo na rin ako mula sa pagkakaluhod sa sahig at sinundan ang dalawa.

"Lukas...!" Humahangos akong hinabol ang dalawa. Sa bilis ng lakad ni Lukas at laki ng hakbang niya ay halos hindi ko ito maabutan.

"Uuwi na tayo." Iyan ang seryosong sabi sa akin ni Lukas nang maabutan ko sila sa sasakyan.

Nakasubsob si Gian sa balikat ni Lukas at kita ko pa na nakakuyom ang kamao sa damit ni Lukas na nalukot na.

"Y-Yung gamit-"

"'Wag na. Hayaan mo na yung gamit ng bata." Putol sa akin ni Lukas habang isinasakay si Gian sa likod. Malalim ang boses nito at ma-awtoridad na medyo ikinatakot ko.

Naitikom ko ang bibig ko bago tumango. Ipinagbukas ako ni Lukas ng passenger seat at pumasok na.

Tahimik ang buong biyahe pauwi at walang umimik sa amin. Tanging mga pailan-ilan lang na paghikbi ni Gian ang tunog sa loob ng sasakyan.

Pasulyap-sulyap din ako kay Lukas at kunot-noo itong nakatingin sa kalsada. Pagalaw-galaw ang panga at mahigpit ang kapit sa manibela.

Pagkarating namin ng bahay ay dumiretso si Gian sa kwarto, agad ko itong sinundan at pinatahan pero sunod-sunod lang ang paghagulgol nito. Hindi rin ito nagsasalita o nagsasabi ng kung ano. Tanging paghikbi at pag-iyak lang talaga ang ginagawa nito.

"Kamusta si Gian?"

Hindi na ako nagulat nang makita na nasa bahay pa rin si Lukas. Naka-upo sa sofa, nakatuon ang magkbilang siko sa tuhod at malikot ang mga daliri.

Bumutnong-hininga ako bago tuluyang bumaba ng hagdanm, "Kanina pa nakatulog, hindi ko lang muna iniwan." sagot ko bago siya nilapitan. Madilim na ang langit at nang tumingin ako sa oras ay mag a-alas siyete na ng gabi.

Nag-hum si Lukas bago bumuntong-hininga at sumandal sa bangko, "Anong balak mo?" tanong nito.

Naupo ako sa tabi niya at bahagya siyang pinanliitan ng mata, "Saan? Balak saan?" Taka kong tanong.

Tumuro si Lukas sa kwarto, "Kay Gian, sa school niya. You can't have the kid going back there. Those kids basically bullied him. Kaya rin siguro galit na galit siya sa akin at sa pagiging bakla natin dahil doon." Sagot niya at nagparte ang labi ko.

"Doon pa rin siya papasok sa January-"

"What?! They will make fun of him even more! Hindi pwede!" Singhal agad ni Lukas.

Napasaltik ako ng dila bago napakamot sa kilay, "Kakausapin ko yung magulang ng mga bata-"

"That's not enough! He was clearly having a hard time because of them! Hindi man natin nakita kung paano siya kutyain ng mga batang yun, but we both know that's not the only time Gian had to go through that hell! They were bullying him, Cairo! Bullying!"

Natigilan ako. Ang nanlilisik na mata ni Lukas ay halos lamunin na ako. Ang malaki niyang hubok ng katawan ay tinakpan na ang ilaw na nasa kisame at parang dumilim bigla ang paligid ko.

"I'm stepping over the line- fuck it! But I won't let that kid go through that again. Ikaw! Sige! Baka ikaw, kaya mong sikmurain na may gumaganon sa pamangkin mo! Pero sa akin?!" Bumagsak ang balikat ni Lukas,

"That kid may not be related to me, but just thinking about that kid has gone through," umiling si Lukas, "Hindi ko kinakaya. At sana hindi mo rin kayanin." Umurong ang katawan ni Lukas bago ito tumayo at naglakad papunta ng kusina.

Saka kumawala ang isang buntong-hininga sa labi ko bago ako napahilamos sa mukha.

"Mahal," tawag ko rito. Mahina iyon, pero baka sakaling marinig niya.

Gaya ng inaasahan ko ay hindi ito sumagot kaya tumayo na ako mula sa sofa at sinundan siya sa kusina. Naabutan ko ito na umiinom ng tubig habang nakatuon ang kamay sa lababo at nakatalikod sa akin.

Marahan kong binaybay ang daan palapit sa kaniya hanggang sa tuluyan akong makarating sa likod niya.

"Gusto kong matuto si Gian na hindi ang pagtakas ang sagot sa mga problema." Ani ko habang iginagapang ang kamay sa beywang ni Lukas.

"Kaya pang madala sa mabuting usapan yung nangyari. At tuturuan ko si Gian na tumayo sa sarili niyang mga paa. Magpapatuloy siyang mag-aral sa school na yun dahil kaya niyang makipag-sabayan. Kapag ba nadedehado, dapat laging umalis? Laging umurong? Kung pwede naman na harapan yung problema tapos tatagan, diba?" Ani ko bago tuluyang ibinalot ang braso ko sa beywang ni Lukas.

Dahil mas matangkad ito sa akin ay likod lang niya ang abot ko at hindi ko maipatong ang baba ko sa balikat niya kaya nakadiin lang ang ilong ko sa likod niya.

Naramdaman ko itong bumuntong-hininga bago niya inilapag ang baso at hinarap ako.

Ibinalot din nito ang braso sa beywang ko, "Paano mo tuturuan na tumayo sa sariling paa yung isa? Tuturuan mo mang-away? Manuntok? Eh mahiyain nga 'yan, eh." tanong niya na ikinabungisngis ko.

"Sa'yo siya magpa-practice-"

"Uh-hm! 'Di na kailangan ng practice nun, magaling na yun mang-away." Hirit agad ni Lukas na parehas naming ikinatawa.

Nang marinig namin na tumunog ang gate ay agad kaming napalingon sa gawi ng pinto. Naaninag namin si Athena na naglalakad na sa loob ng bakuran kaya dali-dali kaming bumalik ng sala.

"Kanina pa kayo-"

"Mama!! Mama!!"

Pare-parehas kaming napalingon sa hagdan nang umiiyak na tumakbo si Gian pababa.

"Anong nangyari...!?" Agad lumuhod si Athena sa sahig para salubungin ang anak na humahagulgol.

"Inaway nila ako! Tinatawag nila akong bakla! Bakla raw ako kasi bakla si Tito! Tinawanan nila ako! Tinutulak nila ako, Mama!"

Parang piniga nanaman ang puso ko nang marinig ang sunod-sunod na paghagulgol ni Gian. Nang lingunin kami ni Athena ay masama ang tingin nito sa amin na para bang kami ang mga nanloko na isinusumbong ni Gian.

"Yung mga kaklase mo?" Malambing na tanong ni Athena kahit bakas na sa mukha nito na nagninitnit na ito sa galit.

Tumango si Gian, "Opo! Opo-" suminghot ito, "Bakla raw si Tito kaya bakla rin ako! Hindi naman ako bakla, Mama, eh! Bakit nila ako niloloko ng ganun?! Pinagtatawanan nila ako! Ang sama sa pakiramdam, Mama!" Pagsusumbong ni Gian habang nakabitin sa leeg ng ina.

"Itinulak nila ako tapos pinagtawanan nila ako! Naka-upo lang ako sa sahig! Hindi ko gusto yung pakiramdam, Mama! Parang ang lalaki nila tapos ako maliit lang! Ayoko na ng ganun! Ayoko!"

Naramdaman ko ang init na sumingaw sa likod ko. Ngayon ko lang narinig ang kwento ng nangyari kanina dahil hindi naman nagsasalita si Gian.

Kaya ba ganun ang iyak niya? Kaya ganun kalakas ang hagulgol niya dahil ganun pala kalala ang nangyari?

Inapi nila yung pamangkin ko!

"Bakit ka kasi bakla, Tito?!"

Nagbalik ako ng tingin kay Gian nang sumigaw ito. Nakaalis na ito mula sa pagkakasubsob sa balikat ni Athena pero nakakapit pa rin sa leeg.

"Kung hindi ka bakla, edi sana hindi nila ako tatawagin na bakla! Bakit pa kasi dumating si Tito Lukas!? Aalis din naman siya! Aalis din 'yan kagaya ng ginawa ni tito Hanley!"

Natigilan ako at ganun din si Athena. Agad ako nitong nilingon, namimilog ang mata na maya-maya ay gumapang kay Lukas na nasa tabi ko.

Nang tumakbo si Gian pabalik sa taas ay hinabol namin ito ng tingin. Nagbalik ako ng tingin kay Athena, yung tingin na humihingi ng saklolo pero pinanlakihan lang ako ng mata nito.

"Iwan ko muna kayo, papatahanin ko lang si Gian." Paalam nito bago umakyat sa hagdan.

Napalunok ako ng laway bago ko hinarap si Lukas.

"Lukas-"

"Uuwi na muna ako." Napakamot si Lukas sa batok, "Mukhang masama nanaman ang loob sa akin ni Gian," may maliit na ngisi ito sa labi.

Bumagsak ang balikat ko at napakurap-kurap, "I'll get going. Take care," humakbang ito palapit sa akin, hinigit ako sa beywang at hinalikan sa noo.

"Let me know if I can help with anything or if something's troubling you, okay?" He gave me a warm smile before stepping out of the house.

Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang umalis.

Napabuga ako ng hangin, "Hanley..."

Lukas's POV

"Sir, may meeting po kayo ng 2PM with the Zamboanga investors. And confirmed ko lang din po if tutuloy tayo sa 7PM meeting with the Celeste?"

Ethan asked while I'm multitasking on revising a paper and having lunch.

I waved my hand in the air, not sparing Ethan a glance, "I'll be present at the 2PM meeting," I replied, eyes fixed on the paper.

"And the 7PM dinner, Sir?" he asked,

I paused, then look at him, "Remind me what's with that dinner again?" I confusedly asked.

Ethan looked back down at his iPad, "It's a dinner arranged by your father, Sir," he replied, and I arched a brow.

"And the agenda?" I asked,

Ethan shook his head, "None, Sir-"

"I'm not going. Tell them I need an agenda or else I won't be available." I replied before flipping the pages of the 117-page report.

I badly wanted to finish this report already, I even skipped lunch just to finish this before my 2PM meeting, but I was still 47 pages away when 2PM struck.

"Busy ka ba mamayang gabi?" Tanong ko kay Ethan habang naglalakad kami papunta sa meeting room.

Umiling ito, "Hindi po, Sir. Bakit po?" tanong niya at bumuntong-hininga ako bago inayos ang kwelyo ng polo ko.

"Let's stay after this. Tatapusin ko lang yung report na inaasikaso ko." Sagot ko at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumango si Ethan, "No problem, Sir."

The meeting went well for the first two hours. The presentation was okay, and so was the discussion. We even had a little voting for a few decisions on the next projects in the company, and thankfully, there was no commotion or misunderstanding.

By the third hour, that's when everyone started having different opinions and wanted different decisions.

I pitched in my idea and opinion, but no one even listened and just kept on pushing what they wanted.

Maski si Ethan sa tabi ko ay mukhang nahahagas na rin dahil sa pagtatalo nila.

Dad isn't even here. Usually, at times like this, he's the one to cut the chaos and have the authority to make the decision. And he usually comes up with an idea, and in the end, a decision is made.

"How about you, Mr Lux? As the future CEO of this company, what's your say on this?" Mr Delgado asked, and my head shifted in his direction.

I cleared my throat, "As I was saying a while ago-"

"No, I'm not asking for your own opinion. What I want you to do is choose between the ideas we all pitched in." He cut me off, and my lips parted.

"Ano?" Narinig ko ang maliit na boses ni Ethan.

I sealed my lips and straightened my back. Think fast, Lukas!

"I honestly like Mr Constantino's idea. Calamba is a nice place, malapit-lapit rin sa mga universities like UPLB, and students would definitely enjoy that kind of food. However, hindi ko nagustuhan yung mga pagkain na gusto niyang ibenta doon. But I like Mr. Manalo's menu ideas, pero hindi maganda yung location na gusto niyang pagtayuan." I explained.

There was a silence for a few seconds. I was tense and a little nervous. But I explained my opinion confidently that there's no way they could sense I was nervous.

"So you're saying that my idea was shit?" Mr Delgado's voice was firm.

My brows furrowed, "I definitely didn't say that-"

"But you didn't like it! You didn't even consider my idea!" His voice raised, slamming his fist on the table.

My lips parted as I stared at him.

Sino ang gugustuhin na magtayo ng restaurant sa may palayan?! Sa gilid ng kalsada?! Porket walang masyadong kainan sa lugar na yun, magtatayo na agad siya?! At isa pa, paano yung sakahan?! Hindi siya nag-iisip!

I scratched the corner of my brow, "Mr Delgado, calm down. It's just... among all the ideas we have, Mr Constantino and Mr Manalo's idea stood out the most, for me. You asked for my opinion, I delivered it." I replied, restraining myself from sounding sarcastic.

He scoffed, "As the one with the highest position in this meeting, I call this meeting adjourned. I will discuss it with your father. Clearly, you're not seeing the potential of my idea, and I'm sure your dad, who's smart and knows much more than you, will like it." He snapped, standing up from his chair and marching out of the meeting room as our eyes chased after him.

I shut my eyes and let out a sigh. As I see darkness, I hear the other board members bid their goodbyes and leave their seats. Someone even tapped my shoulder, which made me snap open my eyes. I just gave him a nod and smile as I watched them leave the room.

"Mali ba ako, Ethan?" tanong ko sa secretary ko nang maiwan nalang kaming dalawa sa silid.

Tumayo si Ethan, "Hindi po, Sir." sagot niya,

"Pan-tanga ba yung opinyon ko?"

"Hindi rin po, Sir."

Nilingon ko si Ethan, "Pero bakit ganun?! Dad would've said the same thing! He would've chosen the same thing! Pero bakit kapag ako ang nagsabi, parang mali?!" tanong ko rito.

Inayos nito ang suot niyang salamin, "Siguro, Sir, dahil mababa pa ang tingin nila sa'yo. Mr. Delgado is a big investor in the company, kaya sa tingin niya, mas mataas siya sa'yo. Siguro tingin lang din niya sa'yo ay anak lang ni Mr. Conde." Sagot niya at utay-utay akong tumango.

"Hah..." Napabuga ako ng hangin, "Anak lang?" Gumuhit ang mapait na ngisi sa labi ko. "Dahil sa sinabi at ginawa niya ngayon, mas lalo lang akong ginanahan na makuha 'yang CEO position na 'yan. And who knows? Paano kung maging chairman pa ako? Pero buhay pa kaya siya nun kapag nasa taas na nila akong lahat?" Mapait kong sabi. Nakita kong bahagyang naningkit ang mata ni Ethan at mukhang may gusto pang itanong.

"Let's go," I stood up from my seat, "Let's finish the report tonight," I said before walking towards the door.

I was so deeply buried in my work that I lost track of time. I just snapped back to reality when I realized the sky had turned dark, and it's almost 7 in the evening.

"I need another hour or two, Ethan. Is that okay? Let's stay 'til 9 or 10 maybe?" I asked my secretary. He lifted his head from his computer and nodded.

"No problem, Sir. Should I order dinner?" he asked, and I nodded.

"Sige, mabuti pa nga. I-order mo 'ko ng ramen at tempura. Samahan mo na rin ng milk tea." Ani ko at tumango si Ethan.

"What about Dr Velasco, Sir? Hindi mo po ba siya susunduin?" tanong niya at nagparte ang labi ko.

Napamasahe ako sa noo, "Hindi na muna. Pero makikisabi sa driver na sunduin si Cairo ng 11 sa St. Luke's." Utos ko at tumango si Ethan bago dinampot ang cellphone niya.

Ilang segundo kong pinagmasdan ang papel na hawwak ko bago napabuntong-hininga at dinampot ang cellphone ko para mag-message kay Cairo

To: Mahal 😍😘

Hi Mahal, busy ako sa trabaho ngayon. Ipapasundo nalang kita kay kuya Bong para sure na ligtas kang maka-uwi.

Pagka-send ko palang nito ay agad nag-reply si Cairo, kaya hindi ko man lang nailapag ang cellphone ko.

From: Mahal 😍😘

Okay

From: Mahal 😍😘

Kumain kana? Wag kang magpakapagod, ha.

A small smile crept on my lips before reacting to his message and replying.

To: Mahal 😍😘

Noted po, Doc 😘

Cairo Asaiah Velasco reacted to your message

I let out a sigh of relief before placing my phone down and continuing whatever I'm doing.

About half an hour later, my phone rang. At first, I thought it was Cairo, but to my disappointment, it's Dad who's calling.

"Hello, Dad-"

[Anong nangyari sa meeting kanina? Tumawag sa'kin si Mr. Delgado, nagrereklamo na hindi mo raw kinonsider yung opinion niya. Lukas, he's is one of our big investors. How could you be that stupid?!!]

I immediately shut my right eye as Dad screamed in my right ear through the phone. Ethan even heard Dad's voice from his table as he took a quick glance in my direction.

My hand travelled on my forehead and gave it a slight massage, "Dad, that's not what happened-"

[I've only been gone for 5 days! Five days!! Tapos ganyan na ang nangyayari sa kumpanya?! Nagkakagulo?! Paano nalang kapag ikaw na ang naka-upo sa posiyon?! -]

"Dad! I told you...! That's not what happened! He asked for my opinion, and my opinion, and that other investors have better ideas than his! Ni-hindi ko pa nga sinabi na mas okay yung opinyon ng iba kaysa sa kaniya! I didn't say that directly! I just said that I think, in my own personal opinion, in a rational and reasonable way, I said that I like the other investor's opinion! Hindi ko sinabi na pangit yung kaniya!"

If I could, I would have already thrown my phone across the room.

I didn't realize I was already standing up and gripping the edge of my table. My eyes travelled in Ethan's direction and saw him looking at me with a worried expression.

I heard Dad let out a sigh from the other line. It was a disappointed sigh- I just know it.

[You couldn't do the work properly-]

"Hindi ako ang mali dito, Dad. You know me. And you know that Mr Delgado. Kung tama ang sabi niya na matalino ka nga, alam mo kung sino ang mali sa aming dalawa." Matigas kong turan bago pinatay ang tawag.

Itinapon ko ang sarili ko sa bangko at halos bumalikwas pa ako palikuran sa sobrang lakas ng pag-upo ko rito. Agad kong pinag-cross ang hita ko habang ang isang kamay ay napatakip sa mata.

"Letche talaga, Ethan." Bulong ko habang malalim ang bawat paghinga.

"Ako pa? Ako pa ang sasabihan niya ng ganun? Ako pa pag-iisipan niya na hindi ko kaya kapag ako na ang may hawak ng kumpanya?!" Napasinghal ako nang mapait.

"I've been ready for this fucking company for years- YEARS! I'm ready! And I'm capable! Kung akala nila na hahayaan kong hindi mapunta sa akin ang kumpanyang 'to, they are all fucking wrong!"

We extended beyond the expected time to finish the paper. I had to take at least an hour break to clear my mind, eat, and get some fresh air.

It was almost 1 am when I arrived at my place. I was so fucking tired, and I could feel myself swaying as I took each step.

I can't even see properly anymore and just drag myself to my bedroom to shower and finally sleep.

It was almost 12 noon when I woke up. I'm not even surprised that I slept for almost 10 hours since I was pretty tired and worked up yesterday.

I am having my breakfast, which is a protein pancake and a protein shake, when my phone started buzzing because of Ethan's messages.

I shut my eyes tight after reading the first one, then my shoulders dropped by reading the second, and by the 11th message, I've already stopped chewing my food.

I have to be at the office at 1 PM to sign some papers and also attend a meeting by 1:30.

Sa sobrang pagkadismaya ko ay hindi ko na naubos ang pagkain ko. At kahit kakasimula palang ng araw ko ay parang pagod na pagod na akong gumalaw.

Dumating ako sa opisina ng 12:59- hindi ako late. Pagpasok ko sa opisina ay natanaw ko na agad ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Mabuti nalang at nauna na itong basahin ni Ethan kaya sinabi na niya sa akin kung alin ang pwede ko ng pirmahan at alin ang kailangan pa ng revision.

Hindi rin kami na-late sa meeting dahil 1:29 nang dumating kami sa meeting room. Mag a-alas singko ay nang matapos ang meeting. Sinigurado ko muna na wala na akong kailangang gawin bago umidlip dahil pakiramdam ko talaga'y babagsak na lang ako sa sahig anumang oras.

"Sir, tumatawag po si Dr. Velasco sa'yo."

Hindi ko agad naimulat ang mata ko pero narinig ko na ang sinabi ni Ethan, hindi ko lang naintidihan.

"Ha?"

"Si Dr. Velasco, Sir, tumatawag."

"Anong sabi?" Tanong ko, bago saka lang naimulat ang mata at napa-upo na sa kama.

I still couldn't see Ethan clearly, but I saw that he adjusted his glasses, "Hindi ko po sinagot, Sir. Pero naka-ilang missed calls na po siya. Mukhang emergency po."

After hearing the word 'Emergency', things finally started sinking in my head. I jolted up and stood up on my feet, "Inform the driver I'll be down in five minutes." I said before rushing out of the bedroom in my office and gathering my things.

I tried calling him back, but he's the one not answering the call now. I started panicking and told my driver to drive as fast as he could and start taking shortcuts to avoid heavy traffic.

Different possibilities started clouding my head.

Is he in trouble? Athena? Or Gian? Pinuntahan nanaman ba sila nung mga nambugbog dati? Nasa bahay ba sila? O nasa labas sila?

"Tangina, dapat hindi na ako natulog." Napahilamos ako sa mukha. Kahit anong pag-aalala at pagpa-panic na gawin ko ay wala akong ibang magagawa kundi ang maghintay na makarating sa bahay nila.

Umaandar pa ang sasakyan, binuksan ko na agad ang pinto ng sasakyan at tumalob pababa.

"Cairo! Cai! Cairo!" Halos rangkahin ko na ang gate nila. Tanaw ko mula sa labas ang loob at nakita na buhay naman ang ilaw dito, iyon nga lang ay wala akong maaninag na tao sa loob.

"Shit," napamura ako bago kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

Tatawagan ko na sana ulit siya nang bumukas ang pinto, "Lukas...!?" Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Cairo na nagmamadaling lumapit sa gate para pagbuksan ako.

Sa segundong bumukas iyon, agad niyang itinapon ang sarili sa akin. Mahigipit kong ibinalot ang braso sa beywang niya at mas hinigit pa siya palapit sa akin.

"I'm here, I'm here. What's wrong? What's the matter? Tell me, we'll fix it." I asked, voice firm despite the fact that I could feel my insides trembling, afraid of whatever problem we are dealing with this time.


-------

a/n: so sino si Hanley? HAHAHHAAHH lemme know your guess guys HAHAHHAH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co