Chapter 4
Lukas's POV
"If we're going to push through the project in Quezon, I'm pretty sure it will cost us millions just from the land cultivation. Then millions more for materials and laborers."
My brows furrowed as I squinted my eyes, darting in the direction of one of our investors.
I know this guy. He was a nepo baby back in the day. His father was friends with my grandfather and has been rich since the late 90s. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya.
"Hindi naman magiging ganun kalaki ang gagastusin lalo na sa lupa dahil pagmamay-ari na ito ng mga Conde sa Quezon. Kailangan lang itong i-enhance para mas pagandahin ang lupa." Sagot ni Mr. Mendoza.
Mabuti pa ang isang 'to, maayos mag-isip at makipag-usap. Hindi kagaya ng Hernandez na 'yan na akala mo'y kung sino siya kung magsalita.
"Plus, Mr. Lux has already checked the land. He said it was almost perfect for a new plantation, just needs a little fixing. Sure, it won't cost that much, right, Mr. Lux?" Mr. Molina faced me, a smile on my face.
Even though Mr. Hernandez is getting on my nerves, I forced a smile and nodded, "Yes, that's right. I checked the area and the soil quality. We just need around a few million for it. Then we can proceed to the materials and production." I calmly explained. I have to control my emotions, baka isang mali lang sa tono ng boses ko ay mapatawag agad ako sa opisina ng tatay ko.
Mr. Hernandez cocked a brow, "How can we be so sure that it's in almost a perfect condition? Paano tayo nakakasigurado na hindi natin kakailanganin maglabas ng malaking pera? Baka mamaya, nagastos na ang alloted budget, biglang magkakaroon ng problema at gagastos nanaman? What does Mr. Lux know about soil health? He doesn't have a degree in agriculture or even forestry. Why should we trust him?"
Something clicked in me. It was as if a switch had just been flicked inside me, and I felt a sudden burn in my chest.
"Why, Mr. Hernandez, may iba ka bang suggestion?" Narinig kong tanong ng isa pang investor. Pero imbes na lingunin iyon ay nanatili akong malalim ang tingin sa ibabaw ng lamesa.
Did he just degrade and question my capability just because I graduated with a degree in business and not in agriculture or forestry? Now he's doubting my ability to handle a business when it comes to crop production just because of a damn degree?! I have been managing our crops in Cavite for years! Years!!
"May lupa kasi kami sa Pampanga. Ako, alam kong maayos ang lupa namin na iyon. Alam kong hindi tayo magkakaroon ng problema. At siyempre, you can trust my words, I took agriculture technology in college."
I lifted my head, tilted it to the side, and squinted my right eye. "So... if we use your land, your company will benefit more?" I asked, voice firm yet calm.
Mr. Hernandez smiled then nodded, "Yes, Mr. Lux, ganun na nga," he replied, a smile printed on his lips which I actually find annoying.
I took a deep breath and reached for the papers in front of me. I flipped through the pages. "According to... page 5 of the proposal, it is highly requested by my grandfather to use the land in Quezon. One, is that it's our company that will be the main beneficiary of this project. Second, our company will take the lead on this, kapag lupa niyo ang ginamit namin, para saan pa at nagplano kami? Naglaan ng oras at ideya kung kayo rin pala ang may kapangyarihan na magdesisyon sa huli?"
Now I understand why Dad told me to attend this meeting instead of him. Now I know why he doesn't want to be here. It's because this man is here and keeps pushing his wants on this project. Siya pala ang sinasabi ni Dad na problema ngayon sa porposal.
For a few more minutes, we tried to talk it out and negotiate; however, because Mr. Hernandez is being too optimistic about their land, I had to dismiss the meeting and talk about it some other time.
Dad didn't tell me to settle it; he just wants me to attend it on his behalf since he brought Mom for lunch just because she wants to. Once he's back, I'll let him handle this situation.
Hindi ko dapat pinoproblema 'to, eh. Wala dapat ako rito. Kung hindi lang ako pinapunta ni Dad edi sana hindi ako nag-iinit sa galit ngayon.
Ethan knew exactly what I needed after that stressful meeting. He immediately bought me a cold, sweet drink and a sweet pastry at the cafe near the company. The sweaty, cold cup against my palm and the ice-cold drink gushing down my throat feel perfect, so I immediately relaxed, making my shoulders drop.
"Is there anything else, Sir Lux?" Malumanay nitong tanong habang nakatayo sa tabi ko.
Inilapag ko ang drink sa lamesa, bumuntong-hininga bago umiling, "Wala, okay na ako rito. Magpahinga ka na dahil alam kong na-stress ka rin kay Mr. Hernandez," sagot ko sa kaniya.
Bahagya siyang ngumiti bago tumango. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang lamesa habang ako itong nakatingala sa kisame, ngumunguya at iniiikot-ikot ang sarili sa bangko.
Bandang alas quatro ay ipina-alala sa akin ni Ethan ang tungkol sa condo visit ng isang kilyente ko. Dahil malapit-lapit lang naman kami sa address ng condo ay quarter to four na kami umalis ng opisina.
Hindi ko rin agad na-seal ang deal sa condo na ibinebenta ko. May mga gusto pa na alteration ang client at nagdadalawang isip kung bibilhin pa ba ang property.
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa labi ko nang tuluyang umalis ang kliyente. Napahilamos ako sa mukha bago nilingon si Ethan sa gawing likuran ko.
A faint smile grew on my lips, "Sorry I brought you into this mess." I said, Ethan's eyes grew wide before shaking his head, "No, Sir. I'm fine," he replied.
I chuckled and shook my head, placing my hand on my waist as I walk towards him. "Hindi dapat kita isinasama sa mga ganitong bagay. Hindi ito kasama sa trabaho mo." ani ko.
Nang tumigil ako sa harap niya ay agad siyang humakbang paurong, "Sir, kasama pa rin po ito sa trabaho ko. I'm working as your secretary. I'm working under you. Which means, anything you do, anything you work on, I must assist you," he replied like it was a script he had read.
I chuckled, a bitter one. I then look towards the direction of the floor-to-ceiling mirror, "Napaka-formal mo talaga, Ethan." ani ko bago siya muling nilingon.
Nakita kong namilog ang mga mata niya at nagparte ang labi, "What about let's grab a drink tonight? My treat! Babayaran din kita ng OT pay. Then thousand pesos per hour." Pang-aaya ko rito.
Mas lumaki ang awang ng labi niya, bumaba ang tingin nito sa sahig at mukhang nagdadalawang isip pa ito.
I chuckled and slightly slapped him on his arm, "Come on, minsan lang 'to, relax and unwind a bit." I playfully said, which also made him chuckle and nod. "Sige na nga sir, pero mabilis lang po kasi uuwi pa ako." ani niya at mas lumawak ang ngiti sa labi ko bago naglakad na palabas ng condo.
Hindi na kami nahirapan na maghanap ng bar lalo pa at andito lang din naman kami sa BGC. Hindi pa ganun kalalim ang gabi kaya hindi pa gaano karami ang tao sa bar at medyo payapa pa ang bar.
"Panganay ka ba sa inyo? Breadwinner?" tanong ko pagkatapos tunggain ang shot ng El Hombre.
Nakita kong gumuhit ang maliit na ngisi sa labi ni Ethan bago tumango, "Breadwinner po, Sir." sagot niya at utay-utay akong tumango.
"Ilan kayong magkakapatid?" tanong ko bago dumampot ng pulutan.
"Lima po sir, tatlong babae, dalawang lalaki." sagot niya at agad namilog ang mga mata ko.
Lima?! Lakas naman ng mga magulang niya!
"Isa po sa mga babae naka-confine sa ospital. Pabalik-balik na rin siya." Dagdag pa niya at nagparte ang mga labi ko.
Bumunot ito ng malalim na buntong-hininga, "Yung tatay ko po, tricycle driver pero maraming pinagkaka-utangan. Si mama naman, labandera. Yung kapatid kong sumunod sa akin, college student din pero delayed. Pang-anim na taon na niya 'to sa college tapos may anak pa. Suma-sideline naman siya ng cashier sa mall pero sapat lang para sa gastusin para sa anak niya. Yung pangatlo naman, college student na tumigil dahil laging may sakit. Yung pang-apat naman, senior high, yung bunso na lalaki, junior high." Pagkekwento niya habang inaalog-alog ang baso sa kamay niya na may lamang alak.
Dahan-dahan kong dinampot ang bote ng alak at nagsalin sa baso ko. Napatulala lang ako sa kaniya habang utay-utay na sumasandal sa sofa.
Damn, ganun kabigat ang buhay niya? Siya halos ang nagtataguyod sa buong pamilya niya at inaasahan ng lahat? Tapos ako itong may gana na magreklamo kapag na s-stress dahil sa isang meeting? Ang kapal naman ng mukha ko.
Tumikhim ako na naka-agaw ng atensyon niya mula sa dancefloor, "Yung sweldo mo, sapat naman para sa pamilya niyo?" tanong ko, namilog ang mga mata niya bago agad tumango.
"Yes, Sir, sapat na sapat po." sagot niya at napakunot ang noo ko.
"Sapat na sapat? Edi wala ng natitira para sa'yo?" tanong ko at nagparte ang mga labi niya bago bumagsak ang magkabilang dulo ng kilay niya.
"Uhm..." napasimsim ito ng alak, "Meron naman, Sir. Kahit papaano, may natitira naman." sagot niya.
Napasinghal ako bago nilingon ang gawi ng dancefloor, "Dadagdagan ko ang sweldo mo. I'll make it 60 thousand a month—"
"Sir! Hindi niyo po kailangan gawin yun." Tumaas ang tono ng boses niya. Nang lingunin ko siya ay mukhang nagulat pa siya sa bahagya niyang pagsigaw dahil sa mga namimilog niyang mata at kagat-kagat na labi.
Napabungisngis ako, "Okay lang, gusto kong gawin iyon. Para naman may matira pa para sa'yo." ani ko. Nakita kong ilang beses nagbukas-sara ang labi niya at mukhang gusto pang tumutol. Pero muli nitong inilapit ang baso sa bibig at muling sumimsim ng alak.
Hindi ko alam na may ganun palang problema na dinadala ang sekeretarya ko. Lagi kaming magkasama ni Ethan pero ni minsan ay hindi siya nagbanggit tungkol sa buhay niya. Sa ilang taon na nagtatrabaho siya sa akin ay hindi manlang ito nagbanggit tungkol sa pamilya o problema niya.
"Alam mo, Ethan," nang magsalita ako ay agad itong nag-angat ng tingin sa akin. Isang mapait na hagikhik ang kumawala sa labi ko, "May boyfriend ako dati. Noong college pa. Magandang lalaki, mas mababa sa akin. Hindi siya moreno, hindi rin mestizo, saktong kulay lang. Medyo kulot ang buhok, tapos... magaganda ang mga mata niya." Pagkekwento ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at tumingala, "Kaso wala eh, nagka-problema. Nagkaroon ng misunderstanding na ako naman ang may kasalanan." Kumawala ang isang mapait na tawa sa labi ko.
Maya-maya ay nagsalita si Ethan, "Si... Cairo ba, Sir?"
Agad akong napatingin sa kaniya. Namilog ang mga mata ko at napa-ayos ng upo.
"P-Paano mo nalaman?" Naguguluhan kong tanong.
"Uhm..." Kumura-kurap si Ethan, "Noong nalasing po kayo last Christmas party, tinatawag niyo po yung pangalang Cairo, eh." sagot niya at nagparte ang labi ko.
"Ginawa ko yun?" Naguguluhan kong tanong. May kasama pang pagtataka sa boses ko at hindi ako halos makapaniwala.
Oo, sobra akong nalasing noong nakaraang Christmas party sa kumpanya, pero hindi ako makapaniwala at wala akong natatandaan na ginawa ko iyon.
Tumango si Ethan, "Yes, Sir, ginawa niyo po pero walang ibang nakarinig. Nasa loob na po kasi kayo ng sasakyan niyo noong sinabi niyo yun." sagot niya at nagparte ang mga labi ko bago utay-utay tumango.
Natawa nalang ako sa sarili ko. Hindi ko man iyon na-aalala pero isipin na tinatawag ko ang pangalan ni Cairo habang lasing ay nakakatawa na. Nasa ganun na punto na ako ng pangungulila.
Siguro ay may halo na ring inggit kay Code dahil noong mga panahon na iyon ay nasa China naman siya kasama si Grey at nagkaka-ayos na. Habang ako itong bigo pa rin.
Bago pa tuluyang lumalim ang gabi at bago pa malasing si Ethan na mukhang hindi sanay mag-inom ay umuwi na kami. Inihatid ko na siya sa bahay nila at saka ko lang din nakilala ang mga magulang at kapatid niya. Nagbilin din ako sa kanila na kung masama ang pakiramdam ni Ethan bukas ay hayaan na munang hindi pumasok.
Hindi naman ako lasing pero meydo nahihilo ako nang dumating sa condo. Agad akong uminom ng malamig na tubig habang sinusuportahan ang bigat ng katawan sa counter top.
Nagsasalin ako ng baso sa tubig nang maramdaman ko na mag-vibrate ang cellphone kong nasa bulsa ng pantalon ko.
Napakunot ang noo ko bago iyon kinuha habang sumisimsim ng tubig. Lockscreen palang ay nakita ko na ang notification sa screen. Agad kong naibuga ang tubig mula sa bibig ko. Hindi ko iyon pinansin at mabilis na inilapag sa lamesa ang baso bago hinawakan ng magkabilang kamay ko ang cellphone.
From: Cairo Asaiah
Ito pa ba ang ginagamit mong account?
From: Cairo Asaiah
Nasa akin yung Hermes mo na panyo. Nilabhan ko na. Kailan mo balak bawiin?
Pakiramam ko'y sinindihan ako sa puwet. Hindi ko iyon binuksan at nagtatakbo papunta ng kwarto. Habang naliligo ay malakas ang kalabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay kasabay ng pag-agos ng malamig na tubig sa katawan ko ay ang mga pawis na namumuo sa noo ko.
Hindi ko ni-reply-an si Cairo. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin o gawin ko. Kaya kahit hindi mapakali at makatulog ay nanatili akong nakahiga sa kama, nakatingala lang sa kisame at walang ginagawa.
Ano ba 'to? Ano bang 'tong nararamdaman ko? Excitement? Kaba? Pero kaba dahil saan? Bakit ako kinakabahan?
Bago pa man sumikat ang araw ay nagbihis ako ng jogging pants at simpleng t-shirt. Nagdrive ako papunta kila Code at nadatnan ang mag-asawa na nag-aalmusal na.
"Ang aga niyo naman mag-almusal," bati ko sa dalawa.
Parehas nakakunot ang mga noo nito at halos hindi maipinta ang mga mukha. "Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Code.
Naupo ako sa bangko sa tapat ni Grey bago dinukot ang cellphone ko sa bulsa, "Magpapa-consult ako." sagot ko at nakita kong pinanliitan ako ng mata ni Grey.
"I'm a pedia, I don't treat patients who are... 30+," he replied with doubt, which made me burst out laughing.
I pushed my hand closer to their faces, holding my phone. "Anong gagawin ko rito?" Ipinakita ko sa kanila ang message sa akin ni Cairo na naka-longpress lang at hindi binubuksan ang mismong message.
Nakita ko ang mga mata nila na binasa ang nakasulat doon. Maya-maya ay agad napatawa nang pagak si Code habang si Grey itong paulit-ulit binabasa ang message.
"Did you purposely leave that?" It was the first thing Grey asked when he pulled away from my phone.
I pulled back my hand and phone before scoffing, "Hindi 'no! 'Wag niyo 'kong igaya sa inyong dalawa na nag-iiwanan ng gamit sa lugar ng isa't-isa para lang magkita ulit." Singhal ko na ikinahagalpak ng tawa ni Code habang si Grey itong napasapo sa mukha.
"At least gumana. Tingnan mo nga kami, kasal na." Pinandilaan ako ni Code.
Talagang nakuha pa akong inggitin!
Umismid ako, "So sinasabi niyo na... mag-iwan lang ako nang mag-iwan ng gamit hanggang sa ikasal din kami?" tanong ko at nakita kong bumagsak ang ngisi ni Code habang si Grey itong napahagalpak ng tawa.
"Of course not! If you really want to get him back. Tell him the truth and make extra efforts. Take him out on dates, make up to him, give him gifts, show him that you're deserving of his time and love." Grey exclaimed.
I pouted, stared at the message on my phone before nodding. "Pero dito? Anong gagawin ko? Kailan ko babawiin?" tanong ko sa mag-asawa.
Muling napatawa si Code at mukhang nasamid pa sa kanin habang si Grey itong ngumunguya habang nakatingin sa akin. "Up to you. Kailan ka ba free? You can meet him in a restaurant then you two will have a date, diba?" Grey suggested.
My lips formed into a small pout before slowly nodding. "You have a point. That's a great idea." I said, pointing at Grey.
"Tapos mag-iwan ka ulit ng gamit mo para secured ang second date!" Pabalang na sagot ni Code bago humalakhak. Nakita kong ngumisi si Grey habang ako itong napahilamos sa mukha.
Pagka-uwi ko ng condo ay naligo na ako at naghanda para sa pagpasok sa opisina. Habang nasa traffic ay napalingon ako sa cellphone kong nasa passenger seat. Gusto ko na siyang reply-an pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at kung saan kami magkikita.
Pagpasok ko ng opisina ay andoon na si Ethan. Hindi na ako nagulat doon lalo pa at talagang dedicated ang isa 'to sa pagtatrabaho.
Mabuti at wala akong meeting ngayong umaga at ilang papeles lang ang kailangang i-review. Kaya naman habang binabasa ko ang mga iyon ay iniisip ko kung ano ang ire-reply ko kay Cairo.
"Ethan," hindi ko na kayang mag-isip. Kailangan ko na ng saklolo.
Nag-angat ito ng ulo mula sa computer niya bago inayos ang salamin, "Yes, Sir?"
I pursed my lips and slightly shifted the direction of my chair towards him. "Do you have suggestions for a restaurant where I can bring a date?" I asked, his eyes widened a bit before reaching for a pile of small pieces of paper on his table.
"You were invited to visit Mr. Custodio's new restaurant in Makati, Sir. They gave you a free VIP pass so you can try their menu. Maybe you want to bring your date there?" he suggested.
My lips grew wide, and I slowly nodded as I reached for my phone.
"Great, send me the details of that restaurant," I ordered, and he immediately nodded.
I typed a reply for Cairo. A simple 'Hello' and 'Good morning' first.
To: Cairo Asaiah
Hello, Cairo! Good morning! My apologies that I wasn't able to reply to your message immediately.
I bit my lower lip as I read the message I just sent. Was that too formal? Shit, of course it is!
To: Cairo Asaiah
Let's meet at this restaurant this evening.
You sent a location to Cairo Asaiag Velasco.
To: Cairo Asaiah
What time will you be free? I'm available any time tonight, so you can decide the time. Have a great day!
Was I being too nice? Or maybe too... wordy? Madaldal ba masyado yung message ko? Baka ma-misunderstand niya. Baka mainis lang siya sa akin dahil sa sobrang dami ng message ko. Nakakainis na ba yun? Hindi ba normal na haba lang ng messages yun? Masyado bang casual? Masama bang iparamdam ko sa kaniya na excited na akong makita siya ulit?
Tingin ako nang tingin sa cellphone ko habang nagtatrabaho. Kahit sa pagkain ay hindi ako mapakali at lagi itong chine-check kung nag-reply na ba si Cairo.
Ang factory visit ko sa Mandaluyong ay muntikan ko pang hindi puntahan dahil natatakot ako na hind mapansin agad ang reply ni Cairo kung sakali man na mag-reply siya. Pero dahil kailangan ay pumunta pa rin ako sa factory namin sa Mandaluyong at isinagawa ang Factory Inspection.
Hindi rin ako halos makapag-focus rito dahil kahit hindi naman tumutunog o nag vi-vibrate ang cellphone ko ay tinitingnan ko iyon. Maski si Ethan ay napapalingon na sa akin sa tuwing dudukutin ko ito mula sa bulsa ko.
Nang mag alas quatro na ng hapon at wala pa rin paramdam si Cairo ay parang mabaliw-baliw na ako. Kahit may mga papeles na kailangan kong asikasuhin ay hindi pa rin nawawala sa isip ko na tingnan ang cellphone ko.
Pagsapit ng alas sais ng hapon ay saka ko lang naramdaman ang pagod ng katawan ko. Saka ko lang naramdaman ang pananakit ng likod at mga mata ko. Pero dahil hindi pa ako tapos sa ginagawa ko at iilang pahina nalang iyon ay pinilit ko nang isagad ang oras ko sa trabaho.
"Ethan, are you done with your work?" I checked on my secretary.
He lifted his head from his computer and nodded, "Yes, Sir. Tapos na po ako." sagot niya at agad akong tumango.
I let out a sigh while my lips are pressed against each other into a thin line. "Let's go? Pagod na ako. I badly need a rest." I said as I stood up from my chair.
I was tidying up my things when Ethan spoke, "About the VIP room at Mr. Custodio's restaurant, Sir? Tuloy po ba kayo ngayong gabi?" tanong niya bigla.
I stopped in my tracks, my shoulders dropped as I looked in his direction. I blinked for few times, holding a few folders in my hand.
"Actually, just cancel–"
We both looked at my phone on the table. My phone has beeped and rang for few times today for some other reasons, but this one feels different.
I immediately had the urge to pick it up and see who messaged me.
And just like that, my face lit up.
"Actually, Ethan, confirm the VIP room at 9 PM. Tonight!!" I almost shouted. I threw my phone inside my bag as I finished cleaning up my table.
I was in such a rush that I almost forgot to at least bid goodbye to Ethan before heading out of my office.
I rushed back to my condo. I took the cleanest shower I ever took for the week, changed into my decent and formal pants, and buttoned up before drying my hair and applying some moisturizers and cream. I styled my hair in the most pleasant-looking way possible before spraying my most expensive perfume I got from England.
After more than an hour of getting ready, I took a full look at myself on my whole body mirror. I did a 360 turn, checked my hair, the hem of my shirt, and the folds of the sleeves of my shirt before applying a lip moisturizer for extra shine.
I left the apartment by 8:21 PM. Even though the restaurant is just 15-20 minutes away from me, I don't want Cairo to arrive first and wait.
I arrived 19 minutes earlier than our set time. I don't mind. This is exactly how I wanted it to be. A waiter immediately escorted me to the VIP room, and they asked if I was ready to order, but I told them I was waiting for someone, so they left the room first.
I waited patiently. I didn't bother messaging him about where he is since I don't want to annoy him. I just sat there inside the room, tapping my feet on the ground, my fingers on the table.
I've already thought that he might bail me out. He might ditch me or not show up. But I didn't care, I didn't move an inch, and just stayed where I am.
A minute past 9 PM, the door swung open, and there Cairo stood. Holding a folder in his hand, a huge messenger bag on his shoulder.
He's wearing his light blue scrubs, his glasses, and his hair is a mess, and he even still has his ID clipped on his shirt. He was breathing hard— panting to be exact. He took a step forward, entering the VIP room. The door behind him closed, and I even saw his body flinch.
Ang cute niya.
"Hey, you came." It was the first thing I said as I stood up and walked towards him, who was still standing a few meters away from the table.
"Come, let's order so we can—"
"Akala ko ibabalik ko lang yung panyo mo." Mariin niyang sabi.
Natigilan ako hindi dahil sa pagputol niya sa pagsasalita ko kundi dahil sa galit sa tono ng boses niya.
Nagparte ang mga labi ko, "O-Oo, ibabalik mo, tapos kakain tayo." Nauutal kong turan.
Naningkit ang mga mata niya, "Hindi mo sinabi sa akin na kakain tayo." May halong inis sa boses niya.
Napakamot ako sa batok, "Uhm... surprise?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Bumuntong-hininga si Cairo, umirap, tapos may kinuha sa bag niya. Naka-ziplock back ng Yalex ang panyo ko nang dukutin niya ito mula sa loob.
"Oh," Padabog niyang inilahad sa akin ang ziplock bag, "Ibabalik ko lang talaga 'yan, wala na akong ibang pakay pa." Mariin niyang sabi.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niya at marahan iyong inabot. "Eat well sa'yo," Nataranta ako nang talikuran niya ako bigla. "Cairo!" Tawag ko rito.
Tumigil ito sa paglalakad bago ako muling nilingon, "Ano?" Walang kabuhay-buhay niyang tanong.
Napalunok ako ng laway. "Uhm... samahan mo na akong maghapunan. Dito ka na kumain." Malumanay ngunit kinakabahan kong turan.
Bumuntong-hininga siyang muli, inayos ang bag sa balikat niya bago tumango, "Sige, basta libre mo." sagot niya at doon ay gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Pero pagkain lang pala talaga ang habol niya. Hindi manlang kami nag-usap habang hinihintay ang mga pagkain o habang kumakain. Busy siya sa cellphone niya at mukhang may kausap pa rito.
Ang dinner na akala kong matatawag ko na date ay mukhang hindi pala matutuloy. Kahit kaunting imikan, wala talaga. Hindi manlang katulad noong mga nangyayari sa palabas na nag e-enjoy habang kumakain. Hindi manlang kagaya nila Code at Grey na kahit papaano ay nag-uusap kahit laging magka-away. Kami ni Cairo, wala! Wala talaga!
Wala manlang akong maike-kwento sa mag-asawa na nangyari ngayon dahil walang nangyari!
Maski sa pag-uwi ni Cairo ay hindi ako nito pinansin. Sinubukan ko pa siyang alukin na ihahatid ko siya pauwi pero mabilis itong naglakad paalis at nakapara ng taxi na para bang banas na banas siya kapag kasama ako.
May hindi ba siya nagustuhan ngayong gabi? Hindi ba ako presentableng tingnan? May nasabi ba akong mali? Pero paano? Eh hindi nga kami nag-usap. Baka naman yung pagkain? Hindi ba masarap? Masarap naman ah?
Anong mali ngayong gabi?! Ano bang kailangan kong gawin para pansinin o kausapain manlang niya ako?! Sabihin niya lang, gagawin ko agad! Kahit lumuhod pa ako sa harap niya, gagawin ko! Pansinin niya lang ako!
—-------
a/n: hindi effective kay Lukas ang mga galawan ni Code
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co