Chapter 7
Cairo's POV
"So okay na kayo?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Grey.
Umagang-umaga, wala pa akong matinong kain at kakarating palang ni Grey sa trabaho pero andito na agad siya sa building namin at nagpapaka–chismoso tungkol sa mga nangyari kagabi.
Napabuntong-hininga ako bago isinara ang hawak-hawak kong folder at hinarap si Grey na naka-cross ang mga braso at makabuluhan ang tingin sa akin.
Napasaltik ako ng dila, "Grey," tawag ko rito bago bumagsak ang balikat. Mas lalo nitong itinaas ang kilay niya. "Cairo," tawag niya pabalik. Ginaya pa talaga ang tono ng pagkakasabi ko.
Napahilamos ako sa mukha, "You can say... oo, okay na kami." ani ko at gumuhit ang isang ngisi sa labi ni Grey.
"Napatawad mo na?" May nakakalokong ngiti sa labi niya.
Simula talaga nang magka-ayos silang dalawa ni Code at ikinasal, lagi siyang nasa good mood. Yung puntong sa sobrang hyper niya, ako na yung nawawala sa mood dahil sa kakulitan niya.
Muli akong bumuntong-hininga bago dinampot ang panibagong folder sa ibabaw ng counter, "Nag-sorry, eh. Nagpaliwanag. Edi... binigyan ko ng pangalawang pagkakataon." sagot ko bago inipit ang folder sa kili-kili ko.
Nakita kong tumango-tango ni Grey at mukhang nang-aasar pa dahil sa nakanguso niyang labi. "Marupok naman pala—"
"Hindi ako marupok. Hindi ko na nga mahal, diba?" Putol ko agad sa kaniya.
Namilog ang mga mata nito at bahagya pang humakbang paurong, "Okay, okay, hindi ka marupok." Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere.
Bahagya akong napa-irap at ngumirit. Akala ko ay tapos na ito sa pang-aasar nang muli itong magsalita, "Pero sure ka na hindi mo na mahal?" tanong nito.
Mabagal ang paggapang ng mata ko sa kaniya. Nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi na mapang-asar ang hitsura niya at mas nagmukha pa siyang concerned.
Bumagsak ang balikat ko bago muling iniharap ang katawan sa kaniya. "Nawala, Grey. Masyado akong naging occupied sa trabaho at mga problema sa buhay. Napagtanto ko na... sa tuwing mami-miss ko siya, ang nami-miss ko lang ay yung ipinaramdam niya sa akin. Pero hindi talaga siya ang nami-miss ko. Noong nagkita ulit kami, noong nagkausap kami at nagkaliwanagan, hindi ko maramdaman yung dating pagmamahal para sa kaniya." Seryoso kong turan. Nagparte ang mga labi ni Grey na agad din niyang itinikom at utay-utay tumango.
"Pero—"
"Pero gaya ng sabi ko sa kaniya... susubukan ko ulit siyang mahalin. Basta subukan niya lang ipakita sa akin na karapat-dapat siya para sa pangalawang pagkakataon." Dagdag ko pa.
Nakitang kong itinikom ni Grey ang labi bago ko tiningnan ang relo ko. "Una na ko, Grey. May test pa akong titingnan sa lab." Paalam ko rito bago siya tinapik sa balikat at naglakad na paalis.
Wala namang bago sa araw ko. Maliban lang sa 'good morning' ni Lukas kaninang alas sais ng umaga at ang kasunod nitong message ng alas diyes para lang mangamusta kung nasa trabaho na ba ako.
To: Lukas Zachary
Slr, oo nasa trabaho na ako. Nasa lab ako kanina kaya hindi kita nasagot agad.
Napakunot ang noo ko nang makita na agad nag-seen si Lukas sa message ko, wala pang sampung segundo ang nakakalipas. Kasunod na nito ang pagta-type niya ng reply at makalipas ang ilang segundo ay nakapagsend na agad ito ng reply.
From: Lukas Zachary
Okay lang, alam ko namang busy ka 😁
From: Lukas Zachary
Busy ka ba ngayon?
From: Lukas Zachary
Hindi ba kita na-aabala?
From: Lukas Zachary
Baka busy ka, ha?
From: Lukas Zachary
Hindi naman?
Napangiwi ako bago napakunot ang noo.
Hindi naman ako busy sa mga oras na ito. Kaya ko nga nagawang buksan ang cellphone ko dahil nakapahinga ako sa hallway ngayon kaya hindi niya ako na-aabala. Nakagulat lang yung sunod-sunod niyang messages. Parang... OA naman.
To: Lukas Zachary
Hindi naman, nasa hallway lang ako ngayon pero mag r-round na rin ako maya-maya sa mga pasyente ko.
From: Lukas Zachary
Okay okay, ingat ka!
Nag-react lang ako ng heart sa message niya bago ibinalik sa bulsa ang cellphone ko. Papahakbang na sana ako paalis sa kinatatayuan ko nang muling mag vibrate ang cellphone ko.
Napakunot ang noo ko bago muli iyong kinuha. Si Lukas nanaman.
From: Lukas Zachary
Saan ka pala mag lu-lunch?
From: Lukas Zachary
Kumain ka, ha!
From: Lukas Zachary
Baka hindi ka kumain
Napangiwi ako nang bahagya bago bumuntong-hininga at muling sumandal sa pader para mag-reply sa kaniya.
Bakit ba hiwa-hiwalay siyang mag-message? Bakit hindi pwedeng isang message nalang?
To: Lukas Zachary
Sa canteen ako kakain kapag may oras ako.
Pagkasend ko ng message sa kaniya ay ibinalik ko na sa bulsa ang cellphone ko at kahit mag-vibrate ito ulit ay hindi ko na ito pinansin lalo pa at sigurado ako na si Lukas lang naman iyon.
Nalingat ako sa oras sa pagro-rounds lalo pa at may bata akong pasyente na binisita at nakipagkwentuhan at kulitan sa akin. Ang mga matanda kong pasyente na napamahal na rin sa akin ay chinismis muna ako kaya tuluyan akong naubusan ng oras para mag tanghalian.
Lampas ala una na ng hapon nang makabalik ako sa clinic para sana ibaba ang ilang gamit. Laking gulat ko nang makita si Lukas na nakasandal sa may pinto, may hawak-hawak na malaking thermal bag.
Hindi pa ako nagsasalita at ilang metro pa ang layo sa kaniya pero agad niya akong nilingon. Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya bago nag-ayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader.
"Andito ka na pala. Sabi ni Grey baka busy ka raw kaya hindi ka sumasagot sa cellphone kaya hinintay nalang kita rito. Si Grey rin ang nagdala sa akin rito, sana okay lang sa'yo." Malawak ang ngiting nakaguhit sa labi niya.
Nagparte ang mga labi ko bago utay-utay na naglakad palapit sa kaniya, "O-Okay lang naman. Kanina ka pa ba rito?" Nauutal kong tanong.
Hindi ako makapaniwala na andito siya ngayon. Nagulat lang ako.
Muli itong ngumiti, yung tipong lumalabas ang lubo o dimple niya. "Kanina pa pero... okay lang. Hindi agad-agad lalamig yung pagkain." ani niya bago itinaas ang thermal bag na hawak.
Mas lalong nagparte ang labi ko, "Pagkain? Para saan?" Taka kong tanong.
Bumungisngis ito, yung tipong nawawala na ang mga mata niya. "Para sa'yo, siyempre? Alangan naman para kay Grey, diba? Edi nasuntok ako ni Code sa lalamunan." sagot niya na nasundan ng hagikhik. Maski ako ay hindi nakapagpigil at napangisi na rin sa sinabi niya.
Nagdala siya ng pagkain? Para sa akin? Wow naman. Nagpapa-good shot.
Noong una ay gusto ko siyang itaboy paalis. Hindi ako sanay sa presensya niya at hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay na umaali-aligid sa akin si Lukas. Pero napaka-genuine ng ngiti niya. Sa tanda niyang iyan at sa laki niyang tao, hindi bagay sa kaniya ang magpacute na parang tuta. At isa pa, pumayag naman ako na buksan ulit ang puso ko, ang tuso ko naman kung bigla ko nalang siyang itataboy lalo pa at mukhang matagal-tagal na rin siyang naghintay sa akin at nag-abala pa na magdala ng pagkain ko.
Inaya ko siya sa loob ng clinic, mabuti nalang at 2:30 pa ang naka-schedule kong check-up at may ilang minuto pa kami.
"Hindi ko na tanda ang mga paborito mong pagkain kaya... yung mga usual na ulam nalang ang niluto ko." Natigilan ako sa pag-aayos ng lamesa ko.
Umangat ang tingin ko sa kaniya at bahagya pang nagparte ang mga labi, "Ikaw ang nagluto ng mga 'yan?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Napabungisngis ito habang patuloy na inilabas ang mga tupperware mula sa bag. "Sinubukan ko. Pero hindi ko sigurado kung masarap. Nagpatulong lang ako sa mga kasambahay namin." sagot niya at utay-utay akong tumango bago tuluyang inalis ang mga nagkalat na gamit sa lamesa ko.
Ang una kong tinikman ay ang afritada na niluto niya. Kasunod ang beef steak at panghuli ang meatballs.
"Masarap ba?" Tanong nito sa akin, namimilog ang mga mata at pakurap-kurap.
Muntik na akong masamid sa kanin nang makita ang hitsura niya. Agad akong nagtakip ng bibig at dinampot ang tumbler sa gilid ng lamesa ko.
Habang umiinom ng tubig ay nakatingin lang ito sa akin, namimilog ang mga mata at hinihintay ang sasabihin ko. Paiwas-iwas ako ng tingin mula sa kaniya lalo pa at naiilang ako sa kung paano niya ako tingnan. Hindi naman sa nandidiri ako. Hindi lang ako sanay na tinitingnan. Idagdag pa na si Lukas ito.
"Hindi ba masarap?" tanong ulit nito, bumagsak na ang ngiti sa labi.
Nagpahid ako ng gilid ng labi ko bago bahagyang tumikhim. "Okay lang," maikli kong sagot.
Bahagya itong lumayo mula sa pagkakasubsob sa lamesa ko at nag-ayos ng upo. "Paanong okay lang?" tanong niya ulit.
Naitikom ko ang mga labi ko at muling sumubo ng pagkain, "Okay lang siya." sagot ko ulit habang nakatingin sa pagkain.
Ilang segundo kaming natahimik. Nang muli akong mag-angat ng tingin sa kaniya ay nakita ko itong pinagmamasdan lang ang mga pagkain na niluto niya pero hindi naman kumakain.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko rito, may laman pang pagkain sa bibig.
Tumingin ito sa akin, "Hindi ba masarap? Sabihin mo lang kung hindi, Cairo. Maiintindihan ko naman. I take constructive criticism well." he flashed a faint smile.
Pinigilan ko ang sarili ko na hindi mapangiti pabalik sa kaniya. Tumikhim ako bago nagbaba ng tingin sa pagkain, "Okay nga lang—"
"Masarap o hindi? Yes or no lang, Cairo. Sabihin mo yung totoo." Agad akong nagbalik ng tingin sa kaniya, bahagya siyang nakanguso subalit seryoso ang boses. Malalim rin ang mga tiingin niya sa akin at kung hindi ako kakalas sa pakikipagtitigan sa kaniya ay baka malasing ako sa mga mata niya.
"Hindi masarap." Bulong ko bago muling sumubo ng pagkain. "Maalat yung afritada mo, yung beef steak mo maasim. Bakit maasim yun? Tapos yung meat balls mo... hmm," tinuhog ko ang meatball na nasa pinggan ko bago iyon tinikman, "Masarap naman, okay siya. Medyo... kinulang lang sa timpla." ani ko bago nagbalik ng tingin sa kaniya.
Kumurap-kurap ito, nakaparte ang mga labi at walang imik. "Ayun, yun lang naman." ani ko bago nilunok ang pagkain sa bibig ko.
Bumungisngis si Lukas, "Grabe," natatawa niyang sabi bago sinuklay ang buhok palikod gamit ang kaniyang daliri.
Napakunot ang noo ko at taka siyang tiningnan. "Bakit ka natatawa?" Taka kong tanong.
Humagikhik siya nang bahagya bago umiling at dinampot ang kutsara at tinidor na nasa pinggan niya at nagsimulang maglagay ng pagkain dito.
"'Wag kang mag-alala, sa susunod aayusin ko na yung pagluluto ko. Susubukan kong pasarapin." ani niya na ikinangisi ko.
Nang matapos kaming kumain ay sinubukan niyang kunin sa akin ang mga tupperware. Nagtalo pa kaming dalawa dahil sabi ko sa kaniya ay iuuwi ko iyon para sa mag-ina sa bahay. Ayaw niya iyong ipauwi sa akin lalo pa at alam niyang hindi naman iyon masarap.
"Cairo 'wag na. Nakakahiya kila Athena. Tsaka 'wag mo naman ipakain sa bata yung hindi masarap na pagkain." ani niya. Hindi ko napigilan na mapahagalpak ng tawa. "Lulutuin ko naman ulit sa bahay. Pagkain pa rin 'to 'no, sayang. Baka itapon mo lang." ani ko at ngumuso ito.
"Sa susunod talaga, sasarapan ko na para hindi nakakahiyang ipakain kay Athena at Gian." ani niya at napabungisngis ako bago tumango.
"Sige, hihintayin ko 'yan, ha." ani ko na parehas namin ikinabungisngis.
Hindi ko naman inakala na iyong susunod niya ay kinabukasan agad. Bago mag alas dose ay nag-message ito sa akin kung nasaan daw ako. Nakapunta na pala ito sa Binondo sa pag-aakalang andoon ulit ako.
Pawis na pawis pa ito nang dumating sa may entrance ng ospital kung saan ko siya sinalubong. Kagaya ng kahapon ay may mga dala ulit itong mga pagkain na siya ang nagluto. At kagaya ng kahapon ay may sobra at kulang nanaman sa mga lasa nito. Iyong isa ay nasobrahan sa paminta, yung isa ay hindi naman kalasa ng ulam na sinasabi niya.
Sa mga sumunod pa na araw, umaga palang ay nagtatanong na ito sa akin kung saan ako magtatrabaho sa araw na iyon. Laging nasa dalawa o tatlong putahe ng ulam ang dala niya at lahat iyon ay siya ang nagluluto. Masasabi kong... sumasarap naman ang mga luto niya pero nakadepende na rin siguro sa panahon dahil may ilan pa rin talaga na hindi ko maipaliwanag ang lasa.
"Cairo, wala na akong malagyan ng tupperware sa ref. Sabihin mo naman sa manliligaw mo, kalmahan ang ayuda sa atin." Natatawang sabi ni Athena habang nasa kusina at naglalaro na ng tetris sa ref kung paano iyon pagkakasyahin.
Natatawa ako habang nagtitiklop ng mga pininaw kong damit, "'Day-off ko ngayon, walang magdadala ng pagkain sa atin kaya mababawasan na 'yang laman ng ref." sagot ko bago tumayo at binuhat ang laundry basket na may lamang mga damit.
"Lutuin ko ulit itong minatamis na letching paksiw, ha." ani niya na ikinahagalpak ko ng tawa. "Sige, ikaw na bahala diyan kung paano mo magagawang ulam 'yan." ani ko bago umakyat papunta ng kwarto.
Naglalagay ako ng mga damit sa durabox nang tumunog nag cellphone ko. Pagdampot ko rito ay bumungad sa akin ang messages ni Lukas.
From: Lukas Zachary
Sa St. Luke's ba ang duty mo ngayon?
From: Lukas Zachary
Magdadala ako ng cake, anong gusto mo? Oreo Cheesecake o triple chocolate?
Nagparte ang mga labi ko. Dali-dali kong hinawakan ang cellphone gamit ang dalawang kamay ko bago nag-reply sa kaniya.
To: Lukas Zachary
Day-off ko ngayon, Lukas. 'Wag mo na akong dalhan ng pagkain.
From: Lukas Zachary
Sakto pala, edi diyan na ako sa bahay niyo magdadala ng pagkain.
"Talaga naman," napakamot ako sa ulo. Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng bahay para pigilan si Athena na i-salvage ang minatamis na letchong paksiw ni Lukas.
Agad akong inasar ni Athena tungkol dito. Tinatawag ako nitong 'dalaga' dahil may manliligaw na bibisita sa bahay.
Dahil hindi na namin kailangan magluto ay nagawa namin ni Athena na makapagpahinga habang si Gian ay naglalaro sa sahig ng sala.
Ang weird. Ang weird sa pakiramdam magpahinga. Dapat sa mga oras na ito ay nagluluto na kami ng pananghalian. Madalas ko rin tingnan ang cellphone ko kung may message ba si Lukas. Sinisigurado ko lang na pupunta ito at may kakain kami para sa tanghalian.
Bago mag alas dose ay dumating si Lukas. Naagaw nito ang atensyon naming tatlo sa pagbusina palang niya.
Agad napatayo si Gian mula sa sahig, "May tao?" tanong nito habang pilit dumudungaw sa bintana.
Humagikhik si Athena sa likod ko, "Hayop 'yan, Anak—" Agad naitikom ni Athena ang bibig niya nang samaan ko ito ng tingin.
Paglabas ko ng bahay ay nasa gate na si Lukas at may dalang dalawang malaking thermal bag, "Gutom na ba kayo? Sorry medyo natagalan, marami kasi akong niluto." Pagdadaldal nito habang pumapasok ng gate. Nahihirapan pa itong pumasok dahil sa lalaki ng thermal bag na dala niya na sumasabot sa mga halaman sa may gate.
"Sino ka nga po ulit?" Narinig ko ang boses ni Gian sa may pinto.
"Gian, that's Tito Lukas. The one from Ninong Grey's wedding, diba?" Paalala ko sa bata. Kumunot ang noo ni Gian at nagbaba-taas pa ng tingin kay Lukas bago ito humakbang palapit at kinuha ang kamay ni Lukas, "Mano po," ani nito bago agad din tumakbo pabalik ng sala.
Papasok na sana ako nang muntikan akong mabangga sa likod ni Lukas dahil hindi ito naglakad at nilingon ako. Napakunot ako nang makita na nakangiti ito, "Bakit?" Taka kong tanong.
Ngumisi ito bago umiling, "Wala, ang cute lang. Nagmamano siya." ani niya bago pumasok na ng bahay. Mas lalo lang napakunot ang noo ko bago napangiwi at pumasok na rin.
"Ang daming foods, Mama." ani ni Gian habang pinapanood na ihain ni Lukas ang mga pagkain sa lamesa.
"Ako nagluto lahat niyan, Gian." Nakabungisngis na sabi ni Lukas. Tumingala sa kaniya ang bata, "Ano pong meron, Tito? Birthday mo po?" tanong ni Gian at agad napahagikhik si Lukas.
"Hindi, Gian. I'm courting your Tito Cairo kasi, and I cooked all these foods as a token of my love for him." sagot ni Lukas sa bata.
Si Athena itong hindi napigilan ang mapatawa na agad nagtakip ng bibig. Ako itong napangiwi lang habang nakakunot ang noo habang si Gian ay takang nakatingin kay Lukas.
Ilang segundong nakipagtitigan sa kaniya ang bata. Nakita kong utay-utay napawi ang ngiti sa labi ni Lukas bago tumingin sa akin na para bang humihingi siya ng saklolo.
"Tito ano raw?" Nilingon din ako ni Gian. Bahagya akong napangisi bago tinabihan ang pamangkin ko. "Gian, nanliligaw kasi si Tito Lukas mo sa akin. At... imbes na mga bulaklak at chocolates ang ibinibigay niya, dinadalhan niya ako ng food. Alam mo yun... yung mga nakikita mo sa movies na manliligaw sa bahay." Malumanay kong paliwanag rito.
Lalo lang akong pinanliitan ng mata ni Gian. Taka ako nitong tiningnan bago si Lukas, bago ang nanay niya.
Humagikhik si Athena, "Kumain na muna tayo. Hindi kayo maiintindihan ni Gian dahil gutom siya." ani nito bago naglagay ng kanin sa pinggan ng anak.
Napangisi nalang din ako nang maliit bago nagsariling kumuha ng pagkain.
Naunang tumunog ang kubyertos ni Gian na akmang susubo ng pagkain. Si Lukas sa tabi ko ay agad napako ang tingin sa batang titikmang ang luto niya. Maski tuloy ako ay napatingin dito.
Pinagmasdan namin ang reaksyon ni Gian na sumubo ng sweet and sour fish fillet. Maski ako ay hindi alam kung ano ang nasa isip ng bata dahil wala namang sinasabi ang ekspresyon nito.
"Hindi masarap—" Agad natakpan ni Athena ang bibig ng anak.
Ako itong napatikom ng bibig at tinakpan pa ito para hindi kumawala ang nagbabadyang halakhak.
"Bad yun, Gian. Hinid mo dapat sinasabi yun tungkol sa pagkain na niluto ng iba. Tsaka grasya 'yan, Anak. Sige ka, magtatampo yung grasya sa'yo." Pangangaral ni Athena sa anak.
Kagat-kagat ang labi ay nilingon ko si Lukas na nakabungis habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Habang nagpapangaralan ang mag-ina sa harap namin ay pasimple kong tinapik ang braso ni Lukas sa ilalim ng lamesa. Agad itong nag-angat ng tingin sa akin, lumapit ako sa kaniya para bumulong at siya naman itong agad inilapit ang tenga sa akin, "Pasensya na kay Gian, ha. Matabil talaga yung bata." bulong ko. Lumayo sa akin si Lukas, ngumiti bago umiling, "Okay lang, mabuti nga na alam ko kung anong mali sa ginagawa ko para maayos ko sa susunod." ani nito bago sumubo ng fish fillet niyang niluto na pinipintasan ni Gian.
"Gian, anong hindi mo nagustuhan sa luto ko?" tanong nito sa bata habang ngumunguya.
Ngumuso si Gian, "Maasim po, Tito." ani ng bata. Maski ako ay napakunot ang noo,
"Gian," kinuha ni Athena ang tinidor ng anak, "Sweet and sour nga diba? Siyempre maasim 'yan, na medyo matamis." ani nito bago muling sinubuan ang anak.
Napatingin ako sa pinggan ni Lukas, "Patikim nga ako ng fish fillet na 'yan." ani ko bago ngumuso para ituro ang pagkain sa pinggan niya.
Namilog ang mata ni Lukas at bumagal pa ang pagnguya. Akala ko ay hindi ito kikibo pero agad nitong tinuhog ang isda sa pinggan niya ay inilahad sa tapat ng labi ko. Isinubo ko iyon, nguniya at kinilatis ang lasa.
"Masarap ba?" tanong niya.
In fairness, masarap!
Namilog ang mga mata ko, nilingon siya bago tumango, "Wow, ha! Masarap!" ani ko na ikinabungisngis ni Lukas.
Kukuha ako ng pagkain sa lamesa nang marinig ko ang pabirong singhal ni Athena, nang mag-angat ako sa kaniya ng tingin ay may nakakalokong ngisi sa labi nito, "Mga bading," ani niya bago sumubo ng pagkain.
Sa anim na ulam na inihanda ni Lukas, dalawa lang ang nagustuhan ni Gian. Approved naman kay Athena ang apat, iyong isa ay padalwahan pa habang ako ay... okay na sa akin iyong anim.
Hindi ko alam kung gumagaling na ba talaga sa pagluluto si Lukas o nasasanay nalang ang panlasa ko sa mga luto niya.
Pagkatapos magtanghalian ay ibinida ni Lukas ang cake niyang dala. Tinanong ni Gian kung si Lukas ba ang nag-bake nito, parehas kaming napatawa nang pagak ni Athena lalo pa at sa hitsura palang ng cake ay mukhang professional na ang may gawa nito.
Mga... ilang buwan pa siguro ay makakapag-bake na rin si Lukas.
Akala ko ay magtatagal pa si Lukas sa bahay. Pero nang may tumawag sa kaniya at mukhang seryoso ang usap nila base palang sa ekspresyon ni Lukas, alam kong kailangan niyang umalis.
Sa mga sumunod pa na araw ay walang palya ang pagdadala ni Lukas ng tanghalian ko. Minsan ay isang ulam lang ang dala niya, minsan naman ay simpleng putahe lang. Minsan din ay hindi niya ako sinasabayan kumain at talagang dinadalhan lang ako ng pagkain.
Sa tingin ko rin ay namememorya na niya ang schedule ng duty ko dahil sa ibang araw ay hindi siya nagtatanong kung saan ako naka-duty at bigla-bigla nalang dadating sa trabaho ko.
"Wala pa si Prince Charming mo?" Nagkasalubong kami ni Grey sa entrance ng ospital.
Napangisi ako, umiling bago bumuntong-hininga, "Wala pa, baka busy yung tao. Maya-maya andiyan na rin siya." ani ko bago binuklat ang folder na hawak ko.
"Wait, so you're waiting for him?" Grey interrogated, raising a brow.
I stopped on my tracks, eyes travelled at him before clearing my throat. "Hindi naman, pero— ano— siyempre, nagdadala siya ng... ano, pagkain—"
"Okay, okay, I get it, I get it." He raised both his hands in front of his chest.
I sighed, shook my head, and continued flipping through the pages of test results.
Suddenly, someone called me. Both Grey and I looked in the direction from which the voice was coming.
"Doctor Cairo Velasco?" tanong ng lalaki na nakasuot ng formal attire. Suit and tie? Sa panahon ng Pilipinas? Sabagay, September naman na, tag-bagyo na.
Nagparte ang labi ko bago isinara ang folder, "Yes, that's me." Pakilala ko sa lalaki.
Nagulat ako nang inilahad nito ang thermal bag sa harap ko, "Mr. Lux can't make it today. He's in a meeting right now and can't come." ani niya at doon ay natigilan ako.
Tinanggap ko ang thermal bag na ini-aabot niya at mahigpit iyong hinawakan. "I'm Mr. Lux's secretary and he ordered me to bring these to you. Happy lunch, Mr. Velasco." ani nito bago ako tinalikuran at naglakad palayo.
Pinanood ko ang lalaki na maglakad, napaka-pormal at elegante ang lakad. Secretary niya lang yun?
"Disappointed ka 'no?" Napa-igtad ako nang bumulong bigla si Grey sa likod ng tenga ko.
Napakunot ang noo ko at itinulak ito palayo, "Hindi 'no! Bakit naman ako madi-disappoint?!" ani ko bago naglakad palayo dala-dala ang thermal bag.
Disappointed? Bakit ako magiging disappointed? Hindi lang siya nakapagdala ng pagkain? Para yun? Ikakalungkot ko? Bakit kailangan pa niyang ipadala sa secretary niya? Sana di na sila nag-abala pa.
--------
a/n: hi guys!! sorri now lang nakapag-update huhuhu, nagmidterms kami na hindi ko alam midterms pala tawag dun, basta lang ako nag-exam huhuhuhu, anyways, di ko na ulit alam next update heheheheheheh
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co