Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 8

_Dominous_

Lukas's POV

[Sir, kailangan na kailangan po talaga kayo sa meeting. Dad niyo na po mismo ang nagsabi na pumunta raw po kayo sa opisina ngayon din.]

Sa kabila ng pagkataranta at bahagyang pagsigaw ni Ethan sa tawag ay ako itong kumakanta-kanta at sumasayaw-sayaw pa habang nagluluto.

Napahagikhik ako, "Ethan, they can start without me. Hahabol nalang ako pagkatapos kong dalhin kay Cairo ang lunch niya." Malumanay kong turan habang hinahalo ang chicken curry na niluluto ko.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Ethan sa kabilang linya, [Sir naman...] halos bumulong nalang ito.

Napahagikhik ako dahil kay Ethan. Pang-ilang beses niya na akong tinatawagan para papuntahin sa isang meeting o kung anuman. Pero hindi pwedeng ma-abala ang paghahanda ko ng pagkain ni Cairo. Hindi pwedeng masira ang streak ko!

[Ano?! Wala pa rin 'yang magaling mong boss?! Kapag hindi mo napapunta 'yan dito, malilintikan ka sakin!]

Napakunot ang noo ko. Natigilan ako sa paghahalo at mas pinakinggan ang kabilang linya.

[Sir kausap ko na po—]

[Sabihin mo sa magaling mong boss na 'yan, kapag wala siya rito ng ng alas diyes, malalagot ka talaga!]

Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng countertop at idinikit ang cellphone sa tenga ko. "Ethan," Seryoso kong tawag kay Ethan.

[Sir?] Mahina ang boses nito.

I cleared my throat and turned off the oven, "Expect me there by 9:45," I sternly said before ending the call.

I quickly cleaned the countertop and what I used to prepare Cairo's meal. I still have around 40 minutes to get ready. I left the food and pot on the stove and made sure to cover them well before I started getting ready for work.

It was exactly 9:40 when I arrived at my office. Ethan, who seemed to be waiting for me, stood up from his seat the moment he saw me.

"Sir...! Mabuti andito na po kayo!" Taranta ang boses niya. Namimilog pa ang mga mata at bahagyang nangingintab ang noo sa pawis.

Inayos ko ang suot kong necktie bago bumuntong-hininga at tumango, "May ginawa ba sa'yo si Dad? May sinabi sa'yo? Sinaktan ka ba?" tanong ko rito nang magtagpo kami sa gitna ng opisina.

Umiling ito. Bagamat kalmado ang ekspresyon niya, bakas pa rin dito ang pag-aalala at pagkabahala. Bahagya rin nagtataas-baba ang kaniyang balikat dahil sa bigat ng kaniyang paghinga.

Umiling si Ethan, "Hindi po, Sir. Wala pong ginawa sa akin si Mr. Conde." Malumanay niyang sagot.

Tumango ako bago naglibot ng tingin sa opisina, "Any handouts about the meeting for today?" I asked as I walked towards my table.

"Ah, yes, Sir. May ipinadala po ang secretary ng Dad niyo kanina." Nang maupo ako sa bangko ay pinanood ko si Ethan na may kunin sa lamesa niya.

Ini-abot nito sa akin ang isang folder, "The meeting will discuss the project in Quezon, Sir. The whole board will be there, and your Dad wants you to join them since you'll be the one handling the project if the board decides to push it through in Quezon." Ethan explained.

Bahagyang naningkit ang mata ko habang binabasa ang handout. "Ako pala ang magha-handle ng project? Akala ko ipinapaasikaso lang sa akin ni Dad ang sensing at pagtingin sa location. Hindi ako nasabihan na ako ang mamamahala sa buong project." Kunot-noo kong tanong.

Wala akong alam dito. Oo, um-attend ako ng ilang meeting na muntikan ko pang ika-highblood dahil kay Mr. Hernandez. Pero hindi ako nasabihan na ako ang magiging in-charge dito.

Bahagyang nagparte ang labi ni Ethan, "Uhm... ngayon ko lang din po nalaman 'yan, Sir. It was Mr. De Castro at first, then it was transferred to you—"

"Without informing me first?" I cut him off, voice firm.

Ethan pursed his lips together and slowly nodded. I let out a deep sigh, leaned on my chair, and pinched the bridge of my nose.

"Alright, no worries, I'll just ask them during the meeting," I said before closing the folder.

We left my office by 9:50. When we arrived at the meeting room, some investors and members of the board were already waiting and chit-chatting with one another.

We waited for everyone until 10:15. Even my father, who's the President, arrived last.

What a hypocrite. He wants me here by 10, but he's the one who arrived late and made everyone wait.

Nagsimula na ang meeting at tahimik lang akong naka-upo sa bangko ko. Si Ethan na nasa likuran ko ay ang nakikinig nang mabuti at nag no-notes ng mga pinag-uusapan nila.

Halos abutin ng dalawang oras ang pagtatalo palang sa kung saan isasagawa ang project lalo pa at pursigido talaga si Mr. Hernandez na gawin iyon sa lupa nila.

But the decision was made by voting, and more than half of the board voted for the project to push through in our land in Quezon.

Habang may nagsasalita sa unahan ay nilingon ko si Ethan sa likod ko. His eyes immediately traveled to me and widened his eyes a bit as if he was asking me what I wanted.

I signalled him to come closer with my hand; he leaned towards me, "I need you to do something." I whispered.

Without looking at me and eyes glued to the screen in front, he gave me a nod. "Let's step out for a while," I said. He pulled away, and I stood up from my chair. I caught the attention of some board members and even my Dad. I signalled them that I just had to use the bathroom before stepping out.

"Ano po iyon, Sir?" tanong sa akin ni Ethan nang makalabas kami.

I let out a sigh and fixed my coat. "I need you to go to my condo, heat the chicken curry on the stove, heat the rice in the rice cooker, pack it, and deliver it to Cairo. Mag a-ala una na ng hapon, malilipasan siya ng gutom." ani ko at napakunot ang noo ni Ethan bago nagparte ang labi.

"Yun lang po, Sir?" tanong niya, mukhang naguguluhan pa.

Tumango ako, "That's all— at samahan mo na rin pala ng dessert. Grab a chocolate from my pantry, anything will do. And tell him I can't make it today due to a meeting." I added.

Ethan smiled, then nodded. I just gave him a nod before going back inside the meeting room, while Ethan left to do what I requested him.

When I got in, they were already discussing the budget for the project. Then, for the contractor, which will be Code's company, as I have suggested.

Dapat talaga mas pakainin ako ni Code sa bahay nila. Pang-ilang project na nila ito sa amin. Hindi naman ako interesado na ibulsa pa ang budget para sa project namin dahil mas interesado ako sa mga pagkain sa bahay nila.

Saka lang ulit ako nabuhayan nang bumalik si Ethan. Inuna ko pa ang tanungin siya tungkol sa kung anong sinabi ni Cairo kaysa intindihin ang meeting.

"Anong sabi niya?" Bulong ko kay Ethan,

Inayos nito ang suot na salamin bago lumapit sa tenga ko, "Wala po, Sir. Umalis na po ako agad para makabalik dito." sagot niya.

Gusto ko sanang mapasapo sa mukha pero na-alala ko na ang pakiusap ko nga lang pala sa kaniya ay ang dalhan ng pagkain si Cairo at wala ng iba pa.

Tumango lang ako, nagpasalamat bago nakinig na ulit sa meeting. Just as I sat back up properly and faced the direction of the presenter, my name was called.

"Isn't that right, Mr. Lux?"

My eyes grew wide. Natigilan ako at takang tiningnan ang ibang board members at investors na nakapaligid sa lamesa at mga nakalingon na rin sa akin.

My lips parted, "Uh... come again?" I let out a nervous chuckle.

Napatawa ang presenter sa harap, "Mukhang gutom na si Mr. Lux. We were discussing about who will be handling the project in Quezon and according to the revised project plan, ikaw ang mamahala nito." ani niya at nagparte ang labi ko.

I cleared my throat and adjusted my coat, "About that, I actually wanted to discuss it." I said before standing up from my chair, making everyone lift their heads just to look at me.

I smiled, "I appreciate and feel honored that I was chosen to handle and manage the project in Quezon. It's just... I refuse." I heard someone gasp.

I know everyone in this room would do anything just to handle a project. But not me, I'm happy with my job and all the things on my plate. I'm happy managing the factory and other plantations near Manila. But Quezon? Specifically, around Tayabas, it is a different story. Ang layo.

I clasped my hands with each other, "So... I would like to have someone redo the proposal and remove my name as the head of the project." I politely said before sitting back down.

I let out a sigh of relief as my back hit the backrest of the chair. But when I locked eyes with my father, who was looking at me intensely, that's when I felt scared for a second.

Bakit ganun siya makatingin sa akin? May sinabi ba akong masama? Tinanggihan ko lang naman yung trabaho, ah. Anong masama doon?

Another half an hour later, the meeting ended. Just as I was about to leave, Dad called me. Here we go.

"A minute, Mr. Lux." He sternly said.

Si Ethan na nauunang maglakad sa akin ay napalingon pabalik at agad akong tiningnan. Nginitian ko lang ang secretary ko bago sinenyasan na mauna nang umalis.

When Ethan left, and it was just me and my Dad inside, I let out a sigh before facing him.

"Yes, Dad?" I raised both my brows while his furrowed. He crossed his arms in front of his chest, "Bakit mo tinanggihan yung project?" Mariin nitong tanong.

Napangisi ako bago sumandal sa pader sa tabi ko at pinag-cross din ang mga braso ko, "Ayaw ko lang. Malayo masyado sa Manila." sagot ko at mas lalong kumunot ang noo ni Dad.

"What?! That's too shallow, Lukas! Ano naman kung malayo sa Maynila? Maiiwan mo yung factory? Yung iba pang plantation? Don't worry about those, I'll have someone handle it—"

"You don't get it, Dad." I cut him off before standing up straight.

"It's not just about the factory and other plantations. May iba pa. And besides, I've been handling those for years, almost a decade now. Hindi ko na ipagkakatiwala sa iba iyon. Consider them as my babies that I will not let anyone manage." I sternly said, jaw clenching.

But instead of getting triggered or mad, Dad raised his brow at me before a chuckle escaped his lips. "Ah... alam ko na." He sounded so sure of it that I actually tensed up. Anong alam niya?

Dad scoffed, "You're seeing someone? I see, I see." He then took a step towards the door. He reached for the knob and opened the glass door, but before he left, he looked back at me. "Just make sure kaya kang bigyan ng anak ng taong 'yan." ani nito bago tuluyang lumabas ng meeting room.

Hindi ko gaanong inisip ang sinabi ni Dad. Ayaw ko. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero palagi ko itong isinasantabi at hindi pinoproblema.

Imbes na magpaka-stress sa trabaho ay agad akong nag-message kay Cairo nang makabalik ako ng opisina.

To: Cairo Asaiah

Anong oras ang tapos ng duty mo?

To: Cairo Asaiah

I can pick you up if you allow me to.

To: Cairo Asaiah

Para hindi ka na mapagod sa pagco-commute.

To: Cairo Asaiah

Saan ka maghahapunan?

To: Cairo Asaiah

Pwede tayong kumain sa labas bago ka umuwi.

Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa labi ko bago inilapag ang cellphone sa hita ko at tumingala sa kisame ng opisina.

"Sir Lux? Uuwi na po ba kayo?" Nilingon ng mga mata ko ang gawi ni Ethan.

Umiling ako habang nanatiling nakasandal ang ulo sa bangko, "May hinihintay pa ako." sagot ko.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Ethan na muling naupo sa bangko niya, saka ako napabalikwas sa bangko at tinanaw ang gawi niya. "Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko rito.

Nag-angat ito ng tingin mula sa mga gamit sa lamesa niya at umiling, "Maaga pa po para umuwi, Sir." sagot niya at utay-utay akong tumango bago muling sumandal sa bangko.

Makalipas ang halos labing limang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napalingon si Ethan sa gawi ko nang bigla akong napa-igkas mula sa pagkaka-upo para damputin ang cellphone ko sa lamesa.

From: Cairo Asaiah

11 pa tapos ng duty ko. Hindi mo 'ko kailangang sunduin.

Sinapo ng dalawang kamay ko ang cellphone at nag-type ng reply sa kaniya.

To: Cairo Asaiah

Okay lang!

To: Cairo Asaiah

Susunduin pa rin kita

To: Cairo Asaiah

Saan ka ba naka-duty ngayon para masundo kita?

I tapped my finger on my phone screen, waiting for his response. I saw that he has already read my message and is typing.

From: Cairo Asaiah

Nasa St. Luke's ako.

To: Cairo Asaiah

Okay!

To: Cairo Asaiah

Susunduin kita mamaya, hintayin mo 'ko!

Gumawa muna ako ng trabaho habang nagpapalipas ng oras. Tinanong din ni Ethan kung gusto ko raw ba ng miryenda pero tinanggihan ko ito para makakain ako nang maayos mamaya kasabay si Cairo.

Mga bandang alas siyete ay gusto ko sanang pumunta sa bahay nila Code, pampalipas oras lang ba. Kaso nang mag message ako rito ay nasa bahay raw ng magulang ni Grey ang mag-anak at naghahapunan na.

Para hindi na gaanong magtagal si Ethan sa opisina ay napagdesisyunan kong umuwi muna para umuwi na rin ito.

Pagkauwi ay naligo ako at nagpalit ng damit. Binuksan ko na rin ang ilang emails ko at inasikaso ang mga iyon habang nagpapalipas ng oras.

Alas diyes impunto ay umalis na ako ng condo para puntahan si Cairo. Halos kalahating oras din akong naghintay sa parking lot ng ospital. Nang matanaw ko si Cairo na naglalakad kasabay ang isa niyang katrabaho ay agad ko itong binusinahan.

Parehas silang napalingon sa akin. Kinawayan ni Cairo ang kasama niya at akmang aalis na nang hawakan ng lalaki bigla ang braso ni Cairo.

Agad napakunot ang noo ko at mas sinipat ang dalawa sa hindi kalayuan. Nagpalitan pa sila ng ilang salita, tumango-tango pa si Cairo habang ang lalaki ay nakanguso na parang tuta.

Napasaltik ako ng dila bago binuhay ang makina ng sasakyan na naka-agaw ng atensyon ng dalawa. Binitawan na ng lalaki si Cairo at nagpaalam na. Pinanood ko si Cairo na maglakad palapit ng sasakyan. Nang ilang metro nalang ang layo niya ay bumaba ako ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.

"How's your day?" I asked with a smile printed on my lips.

Cairo gave me a faint smile before letting out a sigh, "As usual, nakakapagod." ani nito bago sumampa ng sasakyan.

Mabilis akong umikot sa driver seat at nagpaneho paalis.

"So... saan mo gustong kumain?" Basag ko sa katahimikan namin. Nilingon ako ni Cairo habang nanatiling nakasandal ang ulo sa bangko.

"Pwedeng... take out nalang ulit? Sa bahay nalang tayo kumain?" tanong niya. Agad akong tumango, "Sure, saan mo gusto, Jollibee? Mcdo? Chowking?" tanong ko.

"Uhm... Mang Inasal sana." sagot niya at agad akong tumango.

Mabuti nalang talaga at na-abutan namin na bukas ang isang branch ng Mang Inasal. Alas dose raw sila nagsasara at kami itong 11:40 dumating. Sorry nalang sa mga crew nila, request ng bossing ko, eh. Binigyan ko naman sila ng malaki-laking tip para kahit papaano ay makabawas sa pagod na naidulot ng pahabol namin na order.

Tahimik na ang bahay nila nang makarating kami. Nakabuntot ako kay Cairo habang buhat-buhat ang malaking supot ng Mang Inasal sa braso ko.

"Gian?"

Maski ako ay nagulat nang makita ang pamangkin nito na nakaupo sa sahig at may binubuklat na mga envelop.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tarantang tanong ni Cairo habang nag-aalis ng sapatos.

Si Gian, na mukhang papaiyak na ay agad napatayo mula sa sahig. "Tito...!" Agad itong tumakbo papunta kay Cairo at yumapos sa beywang nito.

"Nakalimutan ko po magsabi kay Mama na kailangan ko ng ⅛ illustration board bukas. Sabi niya dati, kapag nakalimot ulit ako magsabi, hindi na niya ako ibibili. Ayaw ko na po magalit ulit si Mama, Tito!" Hagulgol nito habang nakabaon ang mukha sa tiyan ni Cairo.

Nang lingunin ako ni Cairo ay bahagyang namilog ang mata ko. Bakit siya tumingin sa akin? Hindi ko rin naman alam kung saan ako huhugot ng ⅛ illustration board ngayon.

Habang naglalakad papunta ng kusina ay pinapatahan nito ang pamangkin. Inihain ko na sa hapag ang mga dala naming pagkain habang kalmadong kinakausap ni Cairo ang bata.

"Anong oras mo kailangan yung illustration board bukas?" Malumanay na tanong ni Cairo sa pamangkin.

Marahan akong naupo sa harap ni Cairo at pinanood si Gian na magpunas ng luha at sipon niya. "7:30 po, Tito. Sa first subject ko po kasi kailangan." sagot niya at nakita kong napakagat sa labi si Cairo.

Tumango si Cairo, "Sige, gagawan ni Tito ng paraan 'yan." ani nito bago ilapit ang isang palabok kay Gian.

Akala ko ay masosolo ko si Cairo pagka-uwi niya. Pero hindi rin naman ako dismayado lalo pa at kahit parang nakiki-apid lang ako rito at parang hangin na hindi nila pinapansin ay nakikita at naririnig ko naman na tumawa si Cairo habang kausap ang pamangkin niya.

Mas mabuti na ito kaysa sa hindi siya nagsasalita o di naman kaya ay mukhang pagod na pagod.

Pagkatapos naming kumain ay sinabihan ni Cairo na mag toothbrush si Gian habang tinutulungan niya akong maglinis ng pinagkainan namin.

Tahimik kaming dalawa sa lamesa nang bigla siyang magsalita, "Pasensya ka na, ha. Hindi kita na-asikaso ngayon." ani niya na ikinahinto ko at ikinakunot pa ng noo.

"Ha? Asikasuhin saan?" Taka kong tanong.

Nagparte ang mga labi ni Cairo bago umiling at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga pinagkainan namin. "Alam kong kaya mo 'ko sinundo para makasama at maka-usap ako. Kaso mas kinausap ko pa si Gian kaysa sa'yo." ani niya bago muling nag-angat ng tingin sa akin.

Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko na idinaan ko nalang sa isang ngiti bago kinuha ang nagkalat na tissue sa lamesa, "Ano ka ba? Okay lang yun. Nakakatuwa nga kayong pagmasdan na mag-tito. Ang cute niya." ani ko na ikinahagikhik ni Cairo.

Nang matapos mag-sipilyo ni Gian ay pinabalik na ito ni Cairo sa kwarto.

"Goodnight, Tito Cairo," Kumakaway nitong turan habang umaakyat ng hagdan.

"Godnight. Kay Tito Lukas mo, hindi ka mag go-goodnight?" tanong ni Cairo. Parehas namilog ang mga mata namin ni Gian.

Naglipat ng tingin sa akin ang bata, ngumiti nang maliit bago kumaway lang at dumiretso na sa pag-akyat.

Inihatid ako ni Cairo sa labas ng bahay nila. Akala ko noong una ay hindi na ito magsasalita pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ay hinawakan ako nito sa braso.

"Salamat nga pala," ani niya.

Agad ko siyang nilingon, ngumiti bago umiling, "Wala yun. Nanliligaw nga ako, diba? I-expect mo na lagi akong andito para ipakita sa'yo kung gaano ako ka deserving ng second chance mo." sagot ko bago bumungisngis.

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya ngunit agad din itong tumikhim, "Pasensya na kung... awkward pa ako. Hindi na kasi talaga ako sanay na... may gumagawa ng mga ganito sa akin." Nangangapa niyang turan.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko, hindi bungisngis, kundi isang ngiti. "Okay lang, 'wag kang mag-alala, sasanayin ulit kita." ani ko na may halong panglalandi.

Umirap si Cairo, hinampas ako sa braso na ikinahagikhik ko.

"Siya nga pala, busy ka ba bukas ng umaga?" tanong niya at agad akong umiling. "Hindi, libreng-libre ako para sa'yo." sagot ko at tumango ito.

"Ayos, favor naman, ibili mo si Gian ng ⅛ illustration board niya. Ikaw na rin ang magdala sa school niya." ani niya na agad ikinapawi ng ngisi sa labi ko.

Ngumiti nang malaki si Cairo, yung tipong nawala bigla ang mga mata niya, "Mahal mo naman ako, eh. Consider this na kasama sa panliligaw mo." ani niya at kumawala ang isang hindi makapaniwalang singhal sa labi ko na nasundan ng tawa ni Cairo.

"Kapag... kapag ginawa mo yun... date tayo sa susunod kong day-off—"

"Sus! Illustration board lang? Kahit buong National Bookstore bilhin ko na para kay Gian, eh." Putol ko rito na ikinahagalpak ng tawa ni Cairo.

"Baliw! Basta bukas, ha? Yung illustration ng bata. Mga... 7:30 dalhin mo na sa school niya. Ime-message ko nalang sayo yung address ng school nila Gian." ani niya, wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.

Wala eh, mahal ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo, nagbihis, bago umalis na ng condo para maghanap ng illustration board. Dahil maaga pa ay pahirapan akong makahanap ng bukas na school supplies store. Mag a-alas siyete na nang may matiyempuhan akong isa na nagbubukas palang.

Naghintay pa ako ng mga 15 minutes sa labas ng store dahil naglilinis pa ang may-ari sa loob at binubuhay pa ang mga ilaw at inaayos ang mga nagkalat na kahon sa loob. Pagkabili ay agad akong humaripas ng takbo sa school ni Gian na isinend lang sa akin ni Cairo ang address kaninang madaling araw.

Medyo alanganin pa ako sa classroom na pinuntahan ko. Pasimple akong sumilip sa pinto para hanapin ang batang lalaki na medyo maliit para sa edad niya.

"Yes, Sir?"

Sabay-sabay ang mga batang lumingon sa akin nang mapansin ng teacher sa harap ang presenya ko. Nahihiya akong napakamot sa ulo at mas lumapit sa pinto.

"Good morning, Teacher. Dito po ba ang classroom ni... Gian?" Gusto ko sanang magbanggit ng apelyido kaso hindi ko naman pala alam kung ano ang apelyidong ginagamit ng batang yun.

Ang mga estudyante ay biglang lumingon sa isang gawi. Nanghaba ang leeg ko para tanawin din ang tinitingnan nila.

Dahan-dahan na tumayo si Gian mula sa pagkakaupo sa isang tabi. Nakatungo itong naglakad sa gitna ng klase na para bang hiyang-hiya ito.

"Good morning," nakangiti kong bati rito nang tumigil siya sa harap ko.

Tiningnan ako nito ngunit gamit lang ang mga mata niya at hindi manlang ini-angat ang ulo. Inilahad ko ang binili kong illustration board, "Ito na yung illustration board na kailangan mo. Late ba ako?" Kahit medyo hinihingal mula sa pagtakbo ay pinilit kong magsalita nang maayos.

Umiling si Gian, "Hindi po, sakto lang kayo. Salamat po." ani nito. Akmang tatalikuran na sana niya ako nang pigilan ko siya.

"Gian sandali," tumigil ito, muli akong hinarap pero nakatungo pa rin ang noo at mata lang ang naka-angat sa akin.

Napakamot ako sa ulo, "May... May baon ka bang tanghalian? Dito ka ba nagtatanghalian? Umuuwi ka ba para sa tanghalian? Gusto mo—"

"Okay lang po, may baon po ako." Putol nito sa akin bago ako tuluyang tinalikuran at naglakad pabalik sa bangko niya.

Ilang segundo akong natameme, nang mapansin ko na nakatingin pa rin sa akin ang teacher niya at ilang kaklase ay nahihiya akong ngumiti bago nagpaalam at umalis na.

Mukhang mailap sa akin ang isang yun, ah. Hindi yata ako gusto para sa Tito niya. Baka naman naikwento ni Cairo sa bata ang nangyari noon kaya masama ang loob sa akin? Bukod yata kay Cairo, kailangan ko rin makuha ang loob ni Gian.

-------

a/n: Nagtatalo ang emosyon ko sa chapter na ito, it feels... kulang but at the same time it feels just right huhuhu, awan baaa uveouvosqebvor, anyways, grabe, ganito pala sa college, jusko po, jusko po 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co