Chapter Eight
Code's POV
Sa garden napili ng mga organizers ng pageant na mag photoshoot ang mag candidates. Hindi ko rin sila masisi dahil maganda talaga doon. May mga bamboo at isang malaking puno sa bandang gitna na animo'y isang mahiwagang puno.
Nakasandal kami ni Grey sa puno habang ang iba ay busy na kinukuhaan ng litrato. Kinuha ko ang phone ko at tumitig lamang dito dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko. Hanggang sa naka isip ako ng gagawin na pampalipas oras.
"Grey, picture tayo, dali!" Pag-aakit ko kay Grey na busy rin sa cellphone niya. Nang magtaas ito ng tingin ay bahagyang napakunot ang kaniyang noo ngunit kalaunan ay tumango.
Kinuhaan ko kaming dalawa ng selfie bago ito ipinost sa Facebook na may hashtag na #pogimoments, parang tanga lang, pero okay lang 'yon, pogi naman talaga kami. Kalaunan ay kami na ang kukuhanan ng pictures kaya umalis na kami mula sa pagkaka-upo namin at pumunta na sa mga photographer.
Nang makalipas ang halos isang oras ay ibang year level naman. Hindi kasi naging by year ang pagkuha ng pictures kaya hindi kami inuna.
Agad akong nagbihis ng uniform at bumalik sa main building. Sakto may miryenda pa, kumuha naman ako ng dalawang sandwich, may panahon talaga na ang sasarap ng recess may panahon din na 'wag nalang kumakain.
Nang pabalik na ako ay nakasalubong ko si Lora.
"Tapos na kayo?" tanong nito sabay kuha ng sandwich.
"Sa first year, oo." sagot ko pabalik habang patuloy ang pagkain ng sandwich.
"Wala ba kayong klase?" tanong ko,
"Wala, sira ka ba? Buwan ng Wika celebration ngayon, siningit lang ang photoshoot niyo, sana makapanood kayo mamaya ng sayaw namin." sagot niya bago umalis, ganon-ganon nalang? Muntik ko na malimutan, may mga laban nga pala mamaya, musta na kaya 'yong iba?
Paalis na ako nang makita ko si Grey na papasok ng building, agad gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
"Grey!" tawag ko dito bago nagtatakbo sa kaniya papalapit.
Natigilan ito at tumingin sa gawi ko, ngunit ang mata nito ay walang kabuhay-buhay gaya ng lagi niyang ginamit kapag tumitingin sa akin, "Ano?" tanong niya, hindi talaga siya happy kapag nakikita ka-gwapuhan ko.
"Makakapanood ka mamaya?" tanong ko dito, bahagyang napakunot ang noo niya bago ako pinagtaasan ng isang kulay, napaghahalatang hindi updated sa mga nangyayari.
"May mga laban mamaya. Buwan mg Wika remember?" Pagpapa-alala ko dito.
Bahagyang nag agwat ang kaniyang mga labi bago tumango-tango, "Siguro, awan." Tipid niyang sagot, nag kibit balikat pa ito bago nagalakad palayo.
Cairo's POV
Lunch na, balita ko after lunch ay may program na, papaano 'yong mga dancers? Baka magkasakit sila dahil pagkatapos nilang kumain ay laban agad? Pero balita ko ay hindi daw ang mga ito kakain at magpa-practice nalang buong lunch break.
Inilagay ko na sa lagayan ng hugasan ang kinainan ko at kumuha ng tubig, paalis na ako ng cafeteria ng bigla akong hinarang ni Lux.
"Tara, Ice cream." Pag-aakit niya, napakunot naman ang aking noo nang bahagya, kung saan-saan siya sumusulpot tapos kung ano-ano ang sinasabi.
"Libre mo?" tanong ko, siya ang nag-aakit, dapat siya ang magbayad.
"Sige ba." sagot niya, bahagyang napa-awang ang aking bibig, himala ang isang Lukas Zachaey Conde?! Ililibre ako?
Tumango ako, "Tara," ani ko sabay lakad, once in a lifetime to 'no! Malay ko ba kung may sakit 'yong tao kaya ililibre ako.
Lumabas kami ng main building at pumunta ng garden kung saan doon may nag titinda ng ice cream.
"Ano gusto mo?" tanong sa akin ni Lux habang namimili kami.
"Yung Mochi ice cream." sagot ko naman habang tinuturo ang ice cream gamit nag aking nguso, masarap kaya 'yon!
"Kuya isa nga po ng mochi ice cream, tapos choco stick." Narinig kong turan niya tumingin ako sa paligid marami ng estudyante dito, bara bang dito halos pumupunta ang 20% ng university after lunch kasi may dessert.
"Here's your ice cream." ani ni Lux, sabay abot sa 'kin nito ng mochi ice cream. Shocks! Ang sarap nito!
"Thank you ha!" Nakangiti kong turan at agad binuksan ang mochi ice cream, chocolate 'yong mismong mochi thing. Pero vanilla 'yong ice cream na may masarap na chocolate sa gitna.
"Mhhmm~" Napa-ungol ako habang ninanamnam ang ice cream. Para akong bata dito na binilhan ng ice cream ng magulang niya.
Narinig kong humagikhik si Lux,"Hinay-hinay, masarap ba?" Pabirong tanong sa 'kin ni Lux.
Bahagya naman akong napatawa, "Oo naman! Kaya nga ito pinalibre ko!" sagot ko habang naglalakad na kami pabalik. Pero bawal ipasok sa loob ng main building ang mga binibili namin mula sa labas. Pwede naman siguro 'wag mo lang ipapakita.
"Mas masarap ka 'wag, ka papatalo." Halos mabulunan ako sa ice cream na nasa bibig ko, hindi na ako bago sa mga green jokes, sa tanda kong ito?! Pero nakakagulat kapag kay Lux nanggagaling.
"Parang sira 'to!" Hinampas ko pa siya sa balikat. Kinakain na rin niya 'yong ice cream na tinatawag nila na Chico sticks. Nang maubos na namin ang mga ice cream namin ay bumalik na kami sa loob ng building dahil anumang oras ay magsisimula na ang event.
Hades's POV
Pagkatapos na pagkatapos ng lunch ay bumaba na kami para pumunta sa event hall para sa event ngayon hapon. Hindi maitatago sa mga mukha namin ang kaba lalo na nang tawagin kami para mag perform.
"Okay our next contestants! Freshies!!" Pumunta na kami sa gitna at nagsimula na ang tugtog, umikot si Lora at na hype ang buong school sa synchronization namin. Napapansin ko sa gilid ng mga mata ko na may mga maliit na pagkakamali pero naitawid naman namin.
Nang matapos ang dance competition ay nagsimula na ang Battle of the Bands. Hindi namin nagawang makapagpahinga dahil gusto namin na mapanood sila Yago. Nag-ayos na sila Yago ng instruments nila sa stage, chineck ang mga mic at ini-connect ang mga gitara nila sa speaker.
Sigawan ang mga estudyante, lalo na ng nagssmula ng pumatok si Athena ng drums at tumugtog ang kanta na 'Pinoy Ako' na hype ang buong School lalo na sa kantang 'Salamat', hindi man ganon kalakas ang sigawan pero nakisabay ang ibang estudyante. Dumaan pa ang ibang kanta hanggang sa malapit nang matapaos. Sa huli ng pagbigkas ni Yago sa salita kasabay ng pag harmonize ni Mia hindi inaasahang bagay ay nag yakapan si Yago at Mia pagkatapos ng kanilang pag-awit na ikinabaliw ng lahat.
Napakunot ang noo ko, anong ginagawa nila?
NAnatili akong nakatayo sa gilid habang sinalubong ng mga kaklase namin sila Yago at Mia na kinantyawan pa dahil sa yakap. Huminga lang ako ng malalim at umakyat pabalik sa classroom.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang makabali sa classroom at naka-upo sa bangko ko. Kanina iyong kay Yago at Joyce, ngayon hapon naman ay si Yago at Mia. Kailangan pa ba talaga iyong yakap? Is it necessesary? Or was it just plan of their performance for more audience impact?
"Ang hirap huminga." bulong ko bago hinimas ang dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin?
Napa-igtad ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Yago.
"Bakit ka andito? Nasa baba sila." tanong sa akin ni Yago habang naglalakad papalapit sa akin.
Napa-ismid ako, "Pake mo ba!" Pasigaw kong sagot dito at nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya.
Lalong nanikip ang dibdib ko nang makita ko siya. Huminga ako ng malalim at naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Parang gusto kong sumabog, pero hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa naramdama ko nalang ang mga maiinit na luha sa pisnge ko.
Nakinig ko na mas lumapit na ang mga yabag ni Yago sa akin kaya dali-dali kong pinunas ang mag luha ko pero nagawa pa rin niyang abutan ang nangyayari at nakita kong nanlaki ang mata niyo.
Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang ako ay nakatungo at pilit itinatago ang mukha ko kung saan nag-uunahan nang tumulo ang mga luha ko sa aking pisnge.
Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang kaniyang mga bisig na bumalot sa aking balikat. "Why are you crying, Hades? What happened?" he softly asked and I felt like crying even more.
I wasn't able to answer him but instead cried even more, I felt his hand caress my shoulder, "Bakit ka ba umiiyak? Sige ka, iiyak din ako." Para akong maliit na bata ni kinakausap ni Yago at sinusubukan akong patahanin.
Nag-angat ako ng ulo at nagpahid ng luha, napasimangot ako, "Eh kasthi naman, bakit mo sthila niyakap!" Nakasimangot kong tanog bago siya bahagyang hinampas sa braso.
Kumalas sa yakap si Yago, nakita ko na bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi nito, "Parte lang 'yon ng performance, siyempre kasi tapos na kami kaya ganun, makakahinga na kami ng maluwag." sagot nito bago hinimas ang aking bumbunan.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, "Yago,"
"Hmm?"
Bahagya akong napangiti, "Paano kung sabihin ko na gusto kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co