Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Seven

_Dominous_

Warning: Three POVs ahead.

Yago's POV

"Okay na kaya 'yon ate Joyce?" tanong ko sa kaklase ko na babae na tumutugtog ng gitara habang ako naman ay kumakanta kani-kanina lang. 

"Okay na 'yan, practice ulit tayo." sagot nito at tumango kami na iba niyang kasama sa banda. Celebration kasi ng buwan ng wika ngayon at merong tinatawag 'Battle of the Bands' kung saan magkakaroon ng representative  per batch ng isang banda na tutugtog. Kasama ko si Joyce, Mia, Athena at Marga. Required na 5 members lang ang grupo at sa mga lalaki sa classroom namin ay ako lang ang nag lakas ng loob na sumali at lalaban. 

"Ah, ah kinakabahan ako!" ani ng kaklase ko na si Marga bago ginulo pa ang kaniyang buhok. 

"Kaya natin 'to ate Marga." Hinimas ni Joyce and likod ni ate Marga upang pakalmahin ito. 

"Okay practice pa tayo... 1, 2, 3 Go! "Giit ni Athena.

-

"Ang awiting ito'y para sayo, at kung maubos ang tinig di mag-sisisi dahil iyong narinig mula sa labi ko, salamat, salamat ahhh~ ye ye~."

Pagtatapos namin sa kanta, simpleng kanta lang ang pinili namin, simpleng instruments lang din. Gitara si ate Joyce, ukalele si ate Marga, drums si Athena, parehas kami na vocalist ni Mia pero tumutugtog din siya ng piano kaya kinakabahan siya. 

"Break muna tayo, baka maapos 'yong dalawa.  Medyo masakit na din mga daliri ko." turan ni Marga bago tumayo mula sa pagkaka-upo.

Tumango is Athena, "Sige, tara inom tayo tubig sa baba." akit ni Athena kay Mia at Marga at agad din pumayag ang dalawa.

Nakatuon ang aking atensyon sa aking cellphone nang makarinig ako ng malamig na boses na sumasabay sa bawat pagtipa sa gitara. Napakaganda ng boses, napaka-aliwalas. Nag-angat ako ng tingin at nasilayan ang magandang dilag na tumutugtog ng gitara. Maski siya ay napatingin sa aking mga mata, ngunit sa oras na mag tagpo ang aming paningin ay agad lumaki ang kanyang mga mata at natigil sa pag-awit at pag-tugtog.

"Hala, sorry po, naistorbo ba kita?" Tanong niya,

Sira ba sya?! Ang ganda-ganda ng kanta niya tapos tingin niya nai-istorbo niya ako?!

"Hala, hindi po, ang ganda nga po ang kanta niyo ehh, sana all." sagot ko na may halong kaunting pagtawa.

"Thank you po, kayo rin po ang galing niyo kumanta, sumali po kayo ng choir." Nakapa-inosente ng mga mata niya, ang bibilog nito at nakakatuwang tingnan.

"Sa susunod nalang, nahihiya ako eh." Nahihiya kong sagot, nakakahiya naman kasi talaga. What if hindi pa pala ako ganon kahasa para sumali ng choir?

"'Wag po kayo mahiya, mamaya po kapag tayo na ang nagtatanghal 'wag po kayo mahihiya, it may affect our performance po." sagot niya, napaka ganda talaga niya. Kung minsan ay hindi ako makapagtuon ng pansin sa mga sinasabi niya kundi sa mukha nalang niya ako nakatingin.

"Uyy Yago! 'Wag katitig!" Narinig ko ang boses ni Mia, cute sana nakakainis lang minsan.

"Baka matunaw si Joyce." Pang-iinis pa ni Athena, si Athena minsan tahimik minsan maingay. Pero napapansin ko na utay-utay siyang nagiging maingay dahil siguro napapa barkada siya kila ate Lora at Sofia na silang maiingay.

Hades's POV

"1, 2, 3 go! Ayt! From the top ang shunga ng nasa likod!" sigaw ng isang pa namin na  ka batch, meron kasing dance contest mamaya, lumang kanta pero hip-hop ang sayaw, ang hirap gumawa ng steps!

Pang cha-cha tapos hip-hop?!? Pero okay lang, marami naman dancer sa amin so nagtutulungan sila to come up with good steps. Nakakatawa lang sa simula ng sayaw dahil merong bow part sa simula at halos lahat kami ay may partner maliban kay Lora kaya siya nalang ang pinapaikot sa simula.

"Ayaw ko na!" Pag-iinarte ko, totoo naman kasi, mamaya na ang laban kahapon lang kami nag start, buo na yung sayaw, cleaning nalang pero nakakapagod pa rin.

"Restheth na bahala kayo diyan, kakain na ako." singhal ko at lumabas ng classroom ng Alioth at dumiretso sa cafeteria para kumuha ng pagkain. Pero pagbaba ko ay biglang nag bago ang isip ko. Kakanin? Really? Sinukmani? I mean hindi naman ako mapili sa mga ganun pagkain, it's just wala ako sa mood kumain nito kaya napagdesisyonan ko na uminom na lamang ng tubig. Sa pag kuha ko ng baso ay nakita ko si Mia, Athena at Marga.

"Taposth na kayo?" Tanong ko sa kanila, sila kasi ang lalaban sa battle of the bands.

"Oo, nag pahinga muna kami. Baka mapaos kami ni Yago sa kaka-kanta." sagot ni Mia, oo nga pala vocalist silang dalawa, ehh asan si Yago?

"Sthi  Yago nasthaan?" tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.

"Nasa taas, malapit sa Speech Laboratory." Sagot ni Marga.

"Sthige aakyat na ako." Sagot ko at humaripas ng takbo pataas. Hindi ako excited makita si Yago, gusto ko lang tumakbo.

Umikot ako ng library at patungo sa Speech Lab kung saan sinasabing andon si Yago. Nang malapit na ako sa aking destinasyon ay nakarinig ako ng dalawang boses na nag-uusap.

"Hala, hindi po, ang ganda nga po ang kanta niyo ehh, sana all."

"Thank you po, kayo rin po ang galing niyo kumanta, sumali po kayo ng choir."

Si Yago yung isang boses e, sino yung isa? Si Joyce?

Pinilit ko  sila na silipin nang hindi nila ako nakikita. At hindi na akong nagkakamali, dahil sila nga ang dalawa na ito. Napahinga ako ng malalim, hindi ko nalang sila iistorbohin, mukha namang masaya sila ng magkasama. Kaya umikot ako sa ibang direksyon, sa hallway lang kasi sila nag-uusap, maari naman ako dumaan sa harap nila pero ayaw ko nang makita pa sila at makita nila ako.

Dumiretso ako sa classroom ng Alioth kung saan talaga kami nag eensayo. 10am na, ilang oras nalang ay laban na. Hindi na ako pwedeng mag papapekto sa nakita ko. 

Saka bakit ba ako nag seselos? Wait!! Bakit ako magseselos?!?

Parehas kaming  lalaki. Hindi namin gusto ang isa't isa. May crush akong babae at malamang ay siya rin. Pero bakit may kaunting kirot sa puso ko ng makita ko sila?

Napahimas ako sa aking dibdib at huminga ng malalim.

"Hoy!"

"AY!" sigaw ko nang may biglang gumulat sa akin, agad akong tumingin sa aking gilid.

"Wala kang boobs gurl para hawakan mo ang dibdib mo! Tara na practice na tayo." Panloloko ni Lora at saka umalis, kaloka, lakas ng tama niya!

Grey's POV
Ang sama na sa paningin ko, lagi nalang magkasama si Code at si Kristine. Si Kristine ang representative ng Suhail sa Ms. St. Villa noong nakaraan na intrams, maganda siya, maingay at mabait. Habang ako naman ay ka-partner ang kaklase ko na parehas lang kaming napilitan.

"Grey, practice na nga tayo." Singhal ni Mae, ka-partner ko.

Narinig ko nag sinabi niya pero napabuntong hininga ako, "Ayaw ko pa..." Walang kabuhay-buhay ko ditong sagot, totoo naman, nakakasawa na mag lakad. Bakit ba naman kasi pag ka tapos ng Buwan ng Wika celebration ay laban na?!

"Ah, bahala ka nga dyan!" Singhal niya at saka umalis ng silid na pinag-eensayuhan namin, bahala siya, edi umalis siya.

Hanggang sa nakarinig ako ng mga hagikhik sa tabi, napatingin ako sa direksyon at mas lalong lumakas ang mga tawa. Nakita ko si Code at Kristine na nag-eensayo sa isang gilid.

Tinatawanan pa ni Kristine kung paano maglakad si Code. Alangan naman kasi na kumembot siya.

"Ah, ah Grey ! Huwag ka nga tumungin!" Bumalik ako sa katotohanan at umalis sa pag sasalita sa loob ng utak ko saka napatingin kila Code.

"Kapal ha! Hindi ako nakatingin sayo! I just spaced out!" Depensa ko, napabuntong hininga ako at tumayo nalang mula sa kinatatayuan ko. Lumabas ako ng silid kung saan kami nag-eensayo at bumili sa mga panindang pagkain ng matron.

"Nanay, magkano po 'yong stick-o?" tanong ko habang kinukuha ang wallet ko sa bulsa.

"Dos isa." Napatingin ako sa nanay, dos isa?

"10 pesos lang po." ani ko sabay abot ng ten pesos at kumuha ng 5 stick-o, sampo dapat 'to eh! Ang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon.

"Nanay pabili nga rin po ako, twenty pesos po na stick-o." Napatingin ako kay Code na kagagaling lang sa pag takbo, sumunod ba siya? Or talaga lang tapos na rin sila ni Kris?

Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa kaniya na bumibili, nang makuha na niya ang sampong stick-o at agad sumubo ng isa ay iniabot niya sa akin ang tatlong stick-o.

"Bakit?" Taka kong tanong, si Code? Mamigay?!

"Wala lang, ayaw mo ba?" Tanong niya at akmang babawiin ang tatlong stick-o ay agad ko itong kinuha.

"Ito naman nagtatanong lang kung bakit, siyempre gusto ko." sagot ko dito bago kinuha ang kaniyang bininbigay.

"Galit ka?" tanong niya,

Napakunot ang noo ko, "Saan ako magagalit?" Taka kong tanong, mga tao sa mundo, so confusing.

"Kay Kris, baka selos ka!" Panloloko niya, lalong napakunot ang aking noo. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya! Masyadong hindi makatotohanan!

"Selos ka d'yan! Kapal ha!" singhal ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Naku! Costa, pinagseselos mo si utoy." Agad akong napalingon sa gawi ng nanay habang nanlalaki ang mata. Isa pa 'to si nanay. Nanonood kasi sila sa practice namin eh. Ayan tuloy, kung ano-ano na ang sinasabi.

Kilala si Code sa dorm kasi dormer siya. Kahit mayaman sila at may bahay dito ay hindi siya doon nakatira. Mas gusto daw kasi niya sa dorm kasi andito ang mga kaklase namin. Saka kung titira daw siya sa mansion nila sa Parañaque ay puro katulong at driver lang nila ang makakasama niya.

"Nanay naman, bakit naman po ako mag seselos?" Depensa ko, bakit nga naman?! Eh crush ko 'yong isa nilang kakalse, babae pa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co