Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Eighteen

_Dominous_

Lukas's POV

"Ay sayang naman, ikaw pa naman din ni lagay ko doon..." Pag dadrama ko, ginaya ko siya at pinag cross din ang braso ko. 

Nakita kong nanlaki ang mata niya nang lingunin ako nito, "Ehh?! Talaga?!" Para siyang bata na excited sa kung ano ang isasagot ko.

Napangisi ako, "Oo," sagot ko habang nakaharap sa unahan at sinisilip lamang siya s agilid ng mga mata ko.

"Uy, Lux, sorry na, sige na nga! Ikaw din ang inilagay ko doon." Napalunok ako ng laway habang niyuyugyog niya ako para kunin ang atensyon ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak ng tawa.

"Sira ka talaga Lukas!! Sabi na eh! Niloloko mo lang ako!!" Hinampas hampas niya ako sa braso. 

Agad akong napasinghal sa hapdi ng hampas niya, "Aray, Cai!! Ang laki ng kamay mo!" Awat ko, ang sakit kaya, ang laki-laki ng kamay niya, halos buong braso ko ay sakop ng palad niya.

"Kawasa ka! Gusto mo lang na sabihin ko kung sino ang inilagay ko." Pagsusungit niya at muling pinag cross ang braso niya.

Napabuntong hininga ako, "Alam mo Cai ang toyo mo." Sambit ko at agad siyang napatingin sa akin na tila ba ay naguguluhan.

"Toyo? Ano 'yon? Ano 'ko, adobo?" Naguguluhan nitong tanong at napangisi ako bago umiling.

"Awan, sabi kasi nila kapag moody, mabilis magalit o magtampo ang isang tao, ma-toyo siya." sagot ko at utay-utay siyang tumango.

"At bipolar din." Dagdag ko, nanlaki ang mata ni Cairo.

"So ano?! Bipolar ako?! Ganon?!" Pinanlakihan ako ng mata ni Cairo at napahagalpak ako ng tawa.

"Hindi sa ganon , Cai! Ikaw naman ehh... masyado ka." sagot ko sa kaniya.

"Hmmp!" Pagsusungit niya muli. Napahagikhik ako bago umiling at humarap sa unahan.

"Dito na tayo si- ay, Lukas pala hehe." Napakamot si Kuya Bong sa batok niya ng muntikan na niya akong matawag na sir.

Nauna ako bumaba ng kotse para sana pagbugksan ng pinto si Cai pero nauna na siyang nakatalon ng sasakyan. Napakamot lamang ako sa batok.

"Hihintayin ko nalang kayo dito Lux." Bilin ni Kuya Bong, 

"Kumain kana ba Kuya Bong?" Tanong ko,

Tumango ito, "Ay oo... sa bahay kanina. Sige na, baka malipasan kayo ng gutom." Tumango ako at saka pinuntahan si Cai.

"Cai, tara na." ani ko dahil tila hindi sumusunod si Cairo.

"Okay." Napaismid at pinag-irapan pa niya ako ng mata.

Nang makapasok kami sa SM agad bumugad sa amin ang Watson.

"Uy, Cai tara sa Watson." Akit ko at saka mag tatakbo papuntang Watson.

"Ano namang gagawin natin dito?!" Inis na turan ni Cai nang makapasok kami ng Watson... sandali lang kasi.

"Asan naba 'yon?! Ito!" Tiningnan ko ang mga napkin... ano 'yong wings?

"Lumilipad ba 'to?! Anong pinagkaiba ng with wings at wala?!" Tanong ko sa kawalan, nakita ko ang isang saleslady na para bang naguguluhan sa akin, nakakahiya pala 'tong ginagawa ko.

"Ano 'yong long pads?! Tapos night pad?! Edi may morning pad din?! Paano sila nakakapamili nito!!" Naguguluhan na ako,

"Tampons? Ano to?" Taka kong tanong nang may makita nanamang kakaiba.

"Andito ka lang- ano ginagawa mo dito?!" Tanong ni Cai nang makita niya ang mga hawak ko, isang pack lang naman ng napkin at tampon ang hawak ko. Kinuha niya ang napkin na hawak ko.

"Uh, binibili kita... baka kailangan mo?" Pang iinis ko, sinamaan niya ako ng tingin.

"Bwiset ka!" Ibinato niya sa akin ang pack ng napkin at saka nag martsa palabas ng Watson.

"Uy!" Ibibalik ko ang tampon sa lagayan nito saka hinabol si Cairo.

"Uyy Cai!! Cai!!" Sigaw ko, hindi ako nahihiya kung nasa SM kami, hindi niya ako pinapansin!

"Cairo!" Sigaw ko ulit... nakita ko siya palabas ng pinto.

"Cairo Asaiah!" Sigaw ko na naka agaw ng atensyon ng ibang tao.

"Hoy!" Sa wakas ay nahagkan ko rin ang kamay niya.

"Alam mo Lukas! Kung mang-iinis ka lang, sana hindi mo na ako dinala dito! Ang layo-layo nito sa Jose Laurel paano ako uuwi?!" Pulang-pula sa galit si Cairo.

"Cai-

"Alam mo inis na inis na ako sa 'yo!!" Sigaw niya nang mapansin ko na nangingilid ang mga luha niya.

"Bwiset!" Muli siyang naglakad na agad ko rin hinabol.

Tangina ko, "Cairo! Cai sorry! Please! Hindi ka aalis. Kakain tayo dito." Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan ito sa paglabas ng mall.

"Ayoko!" Iwinagkil niya ang kamay ko at naglakad ulit. 

Napasapo ako sa noo ko at napatingin sa tao sa paligid, "Cairo Asaiah Velasco!" Natigilan siya agad,

Napabuntong hininga ako bago siya sinundan, "I'm sorry Cai, please, binibiro lang naman kita." Tinakbo ko siya at agad niyakap nang mahigit siya at maiharap sa akin.

Hinampas niya ako sa dibdib, "Lux, Lux ang daming tao." Hinampas-hampas niya dibdib ko.

"Ano man? Haayan mo sila." Bulong ko sa likod ng tainga niya habang hinihimas ang likod nito.

"Tara na, kainan na tayo, este kumain na pala!" Biro ko at agad niyang hinampas ang dibdib ko.

"Aray, ang sakit nun." Ngumuso ako pero tinawana niya lang ako.

"Sige na, tara na." Akit niya at pumunta na kami sa isang restaurant na malapit lang sa entrance.

"Sure kaba dito Cai?! Ang daming tao." Angal ko, sa dinami-dami kasing pwedeng kainan dito pa talaga sa maraming nakapila.

"Wait nalang Lux, ha! Hanap ka nalang ng table natin okay?! Alam ko naman na ang order mo." Utos niya ang the only thing I can do is to obey. Iniwanan niya ako sa may entrance bago pumila, para akong batang natigil doon. 

Napakamot ako sa bato ko bago naghanap ng table para sa amin.Buti naman ay nakahanap agad ako ng table, thank God!

Umupo ako, table for two lang talaga ito. Kasi punong-puno na talaga ang restaurant.

Ilang minuto ay dumating na si Cai, hawak ang table number namin.

"Fifteen minutes lang daw, be patient,ha!" May halong pagbabanta ang boses niya. Napatango nalang ako bago sumandal sa bangko. 

Sa bawat waiter na dadadaan ay mapapatingin ako. Napapasimangot ako kapag lumalampas 'to o lumiliko. It alreday felt like eternity after few minutes.

"Kuya paki-follow up naman po 'yong order namin." ani ko nang may waiter na dumaan sa may amin. May halong kaunting inis sa boses ko.

"Hoy kalma ka lang. Wala pang fifteen minutes..." Sita ni Cai, wala pa ba?!

"Ang tagal...!" I whined,

"Para kang bata." ani ni Cai at umirap pa siya habang busy sa kaniyang cellphone. 

Napasimangot ako bago pinag-cross ang mga braso ko.

"Hindi pa ba talaga atin 'yon?!?" tanong ko kay Cai nang nilagpasan kami ng isang waiter na may dala ng katulad ng order namin.

"Hindi pa, kalma." sagot ni Cair habang nak tingin sa phone niya.

"Sino ba may ari ng restaurant na 'to?!" Inis kong tanong, I'm losing my patience.

"Bakit? Bibilhin mo?" tanong ni Cai at natigilan ako. 

Pwede naman, tatawagan ko lang secretary ni mommy.

"Order niyo po sir." nagulat ako nang biglang may lumapag na meal sa harap ko.

"Finally!!" ani ko na parang excited na bata.

"Sorry po sa kaniya." Nahihiyang turan ni Cai sa waiter na bahagyang napangiti. 

Nang umalis ang waiter ay agad akong nagsimulang kumain na parang pasal na bata.

"Happy na?" tanong niya at saka naman ako tumango habang sarap na sarap sa kinakain ko, chicken barbecue ba naman!

"Hinay-hinay nga Lux, pasal ehh, mayaman ka diba? Hindi ka ba pinagluluto ng ganiyan sa inyo?" tanong ni Cairo habang kumaian din siya.

"Hindi, well oo, kaso hindi ko na eenjoy." sagot ko at kitang-kita ang pagtataka sa mukha ni Cairo.

"Wala naman ako ka sabay kumain so how am I gonna enjoy food diba?" Dagdag ko pa...

Natigilan si Cairo sa pagkain habang nakatingin sa akin. 

"I'm sorry..." Nagulat ako sa sinabi ni Cairo.

Napakunot ang noo ko, "Bakit ka nagsosorry?" Taka kong tanong, hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table.

"Alam kong masakit na walang kasama na magulang kumain." Sambit niya.

Napatawa ako nang bahagya, "Hayaan mo na 'yon..." sagot ko at binawi ang kamay ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ang sarap..." Hinimas -imas ko ang tiyan ko na busog na busog. Nawawala tuloy ang abs ko dahil bundat na ako.

"Kita ko nga." sagot ni Cai habang inaayos ang bag niya.

"Uuwi na ba tayo?" tanong nito nang makalabas kami ng restaurant.

"Hindi pa,  tara arcade?" Pag-aaya ko at bigla siyang natigilan sa paglalakad.

"Why? Is there something wrong?" Nag-aalala kong tanong.

"Wala akong pera... thank you nga pala sa lunch babaya-

"No, wala kang babayaran at ililibre rin kita sa arcade." I cut him off,

Napakunot ang noo niya, "No Lux, hindi pwede 'yon, babayaran kita at hindi mo ako ililibre sa arcade, nakakahiya." sagot nito.

"'Wag ka na mahiya, ngayon tara na." Hinatak ko siya muli, mukhang napapasabak ako sa hatakan ngayon.

"500 pesos po." Ini-abot ko sa counter ang isang 500 peso bill.

Ini-abot naman sa akin ng cashier ang tokens, "Thank you po." ani ko sa cashier at hinarap si Cairo.

"Ang laki naman niyan Lux." Bungad sa akin ni Cairo habang  nakatingin sa mga token na nasa kamay ko.

Napangisi ako, "Malaki talaga 'yan." Tumingin ako sa baba ko.

"Tangi! Hindi 'yong ano mo! Iyong pinangbili mo!" Hinampas niya ang dibdib ko

Napahagikhik ako, "Alam mo Cai kapag hindi ka tumigil sa kakahampas magkaka-injury ako." saad ko at napanguso ito bago tumigil sa paghampas.

"Tara na... marami-rami 'to." Akit ko.

Hindi kami gaano tumagal sa arcade lalo na at parehas kami na ginagastos ang mga tokens kung saan-saan. Nagda-drive kami, sumasayaw, sa clas machines, lalo na sa basketball! Gusto ko na sanang sumampa sa machine at ilabas-masok 'yong bola sa ring, kaso baka masita ako. Sa huli naman ay marami pa rin kaming nakuhang tickets, mas marami sana kung hindi kami nagtagal sa mga larong wala naman kapalit na tickets.

Napasayaw pa nga ako ni Cairo, kahit nahihiya ay napasabak ako dahil hinatak ako nito sa macine.

"Ang saya, Lux! Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-arcade simula nang mag-college ako!" Napapatalon-talon si Cairo habang naglalakad kami papunta sa mga prizes.

"Ano bang kukunin natin? Ang dami nating tickets... 2845..." Turan ko habang nakatingin sa resibo.

"Uhm, hindi ko alam, ikaw ano gusto mo? Sayo naman 'yong pera na ginamit natin." tanong niya pabalik.

Napatingin ako sa mga prizes, "Uh, ito, 'yong couple bracelet." sagot ko at napatulala siya rito.

"Couple bracelet? Eh hindi naman tayo-"

"No buts, gaya nga ng sabi mo, pera ko ang ginamit... so couple bracelet." Putol ko sa kaniya at humarap na sa cashier.

Hiningi ko sa ate sa cashier ang couple bracelet na napili ko.

"Akin ang blue..." Una ko na nang mabuksan ito.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Cai, "Naman!" Pagmamaktol ni Cairo.

Napangisi ako, "Bagay naman sa 'yo yung pink." Turan ko nang i-abot sa kaniya ang pink na bracelet. 

Nakatayo lang ako sa tabi niya habang sinusubukan niyang isuot ang bracelet. "Lux, tulungan mo nga ako dito." Paghingi niya ng tulong.

Napangisi ako bago inabot ang kamay niya at tinulungan siyang suotin ito, "Here, see? It's easy." I softly said as I put it on him.

He shyly smiled, "Salamat..." Nahihiya niyang sagot.

"No worries..." sagot ko, biglang nanahimik ang paligid naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.

"Thank you..." Bulong niya sa tainga ko, buti nalang ay nasa labas na kami kung hindi ay baka pina titinginan na kami.

"For what?" I asked, I tried to keep my cool and keep my voice straight even though I feel like my heart would burst any moment.

"Sa lahat..." Sagot niya,

A smile crept on my lips, "You're always welcome." I answered, he pulled away from the hug with his cheeks slightly blushing.

"Let's get you home." I said before reaching for his hand. I was about to walk when he speak.

"Lux, may tanong ako." ani nito kaya hinarap ko siya.

I raised both my eyebrows, "Lux... date na ba 'to?" he shyly ask, slightly nibbling on his lowerlip.

I can't help but to smile, I lean closer to his ears before letting out a breath, "Pwede mo na rin sabihin na ganon." I mumbled and I saw him flinch.

"Okay na, sumagot kana. Wala nang kilitian." Napatawa ako nang kurutin niya ako sa tagiliran.

On the way home hindi na kami masyadong nag usap pero kitang-kita ko na namumula siya. Hindi pa rin siguro siya nakakalimot sa nangyari. Kahit naman ako ay halos sumabog nang bigla niya akong yakapin. Ang init ng katawan niya pero hindi sa paraan na para siyang nilalagnat. 'Yong tipo ng init na nakakapagpakalma.

"Andito na tayo..." Anunsyo ni Kuya Bong, sabay kaming bumaba ni Cairo ng pinto.

"Ingat ka lagi, Cai." Nginitian ko siya bago kumindat habang kinakayawayan ito.

"Sige na, Lux! Bye na!" Sasaraduahn na sana niya ang gate nang pigilan ko ito.

"Wala bang goodbye kiss?" Pang-aasar ko, 

Nakita ko na nanlaki ang mata niya, "Wala na! Bye!!" Agad niyang isinara ang gate at tumakbo papasok. 

Hindi ko mapigilan ang kiligin at kumislig habang naglalakad pabalik ng sasakyan. Ang cute niya! Ang cute namin!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co