Chapter Seventeen
Grey's POV
"Finally!!!" Napakunot ang noo ko nang magsisigaw si Code at inihagis pa pataas ang kaniyang dala na bag
"Tapos na din! Yes!" sigaw niyang muli at nagpa ikot-ikot pa habang nag lalakad. Napapa-ano ba siya at ang ingay-ingay niya?
Napasaltik ako ng dila, "Tumahimik ka nga Code! Ang ingay ingay mo." saway ko sa kaniya.
Tumigil ito sa pag-ikot bago lumapit sa akin at humarang pa talaga sa dinadaanan ko. "Buti tapos na 'yong exams! Nasagutan mo 'yong last question sa Calculus?" tanong niya at bahagya akong napa-isip habang siya itong nag-aantay ng sagot ko.
"Mas natagalan pa nga ako doon kaysa sa actual questions." Pag-amin ko at napatawa ito.
"Sus! Sisiw lang yung exams sa Calcu, eh." Pag yayabang nito, kapal din.
"Eh yung Psycho? Kamusta?" Tanong ko pero napangisi lamang siya at napakamot sa batok.
"Tingnan mo! Ang yabang-yabang mo! Bagsak ka naman pala sa Psycho" Pang aasar ko pero pinanglakihan niya ako ng mata.
"Grabe ka naman sa bagsak! Sadsad nga sa lupa ehh... HAHAHAH!" Kung hindi ko napigilan ay mapapaface palm ako dito. Nakakahiya 'yong mga pinagsasabi niya, isama mo pa yung malakas niyang tawa.
Nakahagikhik ako, "Bobo, magiging abogado ka kaya sa lagay na 'yan?" Pang-aasar ko dito, sa kakatawa ko ay hindi ko napansin ang bato sa daan na dahilan ng pagkatisod ko at muntikan nang bumagsak sa lupa.
Nanlaki ang mata ko nang masalo ako ni Code, "Ayan! Bobo pa! Lampa ka naman." Pang-aasar niya, natulala ako sa kaniya nang ang mga mukha namin ay iilang pulagada nalang ang layo sa isa't-isa.
"Oy, mga bugok!" Sabay kaming napa-angat ng tingin ni Code nang bigla kaming sigawan ni JC. Agad kong inalis ang braso ko kay Code at itinulak siya paplayo.
"Ikaw ha, Grey, Code ka pala, ha?" Pang-aasar ni JC na may kasama pang pagtaas-baba ng mga kilay niya..
"Hoy, JC tumahimik ka nga! Liit na liit mo!" Pambawi ko sa kaniya, maliit naman talaga siya, ang ingay pa.
Nanlaki ang mata nito, "Gusto mo sapak ha!?" Hinambaan niya ako nang may halong pagbibiro.
Humagikhik si Code, "Tama na 'yan. Tara na." Pag-aaya ni Code na bahagya akong hinitaka palayo kay JC, humagalpak ng tawa si JC habang naglalakad kami papalayo sa kaniya at hawak ni Code ang kamay ng t-shirt ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko rito habang naglalakad kami.
"Sa dorm, obvious ba?" Sarkastiko nitong sagot, napatingin ako sa unahan at nakita na papalapit na kami sa dorm.
"Anong gagawin natin diyan?" Taka kong tanong, hindi naman ako dormer, siya lang.
"Matutulog..." sagot niya at napakunot ang noo ko.
"Eh hindi ako dormer, sira kaba?!" Singhal ko dito,
"Edi ipupuslit kita..." sagot niya at napa-awang ang labi ko. Ipupuslit? Ano 'yon?
"Ano 'yon?" Naguguluhan kong tanong.
Bumuntong hininga ito, "Ibig sabihin, ilulusot kita nang hindi ka nakikita ng mga matron." sagot niya, nang mag sink in sa akin lahat ay lumaki ang mata ko.
"Gago ka ba?! Bawal 'yon!" Itinulak ko pa siya nang bahagya.
Hamagalpak ito ng tawa, "Joke lang kasi 'yon! Alangan naman! Anong gagawin mo pati sa taas?! Papanoorin ako matulog?!" sagot nito na bahagyang tumataas ang boses.
"Galit ka?" Pang-aasar ko dito, bumuntong hininga ito bago umiling.
"Baka may tinda si nanay, libre nalang kita." sagot niya at naglakad na papunta ng dorm kung saan namin natagpuan si Lora at Lionel na president ng Suhail sa labas.
"Uyy, Pres kayo ha!" Pang-aasar ni Code kay Lora at Lionel.
"Naku, Code ako'y tigilan mo! Nagke-kwentuhan lang kami." Depensa ni Lora.
Humagikhik si Code, "Bahala kayo... basta use protection." Biglang tumakbo si code paloob ng dorm ako naman ay napatawa lang maski si Lionel pero itong si Lora mapapatay na yata si Code.
"'Wag mo pansinin 'yong tukmol na 'yon Lionel, ituloy mo na. So umakyat ka ng dorm ng walang dorm pass?" 'Yon ang huli kong narinig na sabi ni Lora bago ako sumunod kay Code.
Nang makapasok ako ay nagtaka ako dahil wala si Code doon. Ano 'yon umakyat na? Tinakasan ako?
"Nanay, si Costa po? Umakyat na ba?" tanong ko sa isang matron.
"Oy, kung umakyat na daw si Costa?" tanong ng matron na pinagtanungan ko sa isa pang matron.
"Hindi, andoon sa likod ng pinto, bumibili." Turo nito sa likod ng pinto at andun nga si Code.
"Sige salamat po." Pumunta ako kung nasaan si Code.
"Uy, ano 'yan?" tanong ko kahit alam ko naman na kung anong ginagawa niya.
"Pili kana, libre ko." ani nito at gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Kahit ano?" Tanong ko ay tumango lang siya..
"Twenty pesos na Stick-o." sabi ko at tumango lang siya.
"Kuha na..." Agad kong hinalungkat ang mga tinda at kumuha ng Stick-o, mind you, dos isa. So bali sampu lang kinuha ko.
"Nanay twenty pesos po na Stick-o tapos dalawang cheese cake." Ini-abot ni Code ang bayad sa matron at binigay din agad ang kaniyang sukli.
Nang matapos kaming makabili ay lumabas din agad kami ng dorm at ang una kong napansin ay wala na sina Lora.
"Asan na kaya sina Lora at Lionel?" tanong ko kay Code sabay subo ng isang Stick-o.
"Awan... baka nag tanan na." sagot niya na para bang hindi ginamit ang 100% ng utak niya, napa nga-nga lang ako.
"Sira kaba?! Use your fucking brain nga!" Inis kong turan at saka naglakad paalis sa tabi niya, kalapit lang ng dorm ang garden kaya doon na ako pumunta at sa unang tingin ko sa garden ay andoon ang ibang mga kaklase namin.
Pumasok ako at kinumusta ako ng ibang first year na lakaki, si Code naman ay nakasunod lang at nasa isang tabi at na nanahimik.
Saka ko nakita ang isang prof sa may mga halaman na tanim namin na pa-project ng school sa mga first year. Don't tell me...
"Uy, ano ginagawa ni Ma'am Vicky sa mga tanim natin?" Nagtataka kong tanong,
Nilingon ito ng kaklase ko, "Ah 'yon? Nagpapa-check ng halaman nila." Nanlaki ang mata ko at bigla akong kinabahan.
"Mag checheck?!" Taranta kong tanong, hindi ko dala ng data notebook ko!
"Paano kung hindi dala ang records?" Kami-kami ang kumukuha ng records ng progress ng halaman namin. At prof nalang ang hihingi ng records sa 'yo. At kapag hindi mo dala ang records mo at nag check, patay na.
"Awan... baka walang grades..."
Oh shit.
Lukas's POV
Panibagong araw na ngayon ng exam day. Pakiramdam ko ay isa akong lantang gulay na bumababa ng ramp. Kakalabas ko lang mula sa examination room ko at masakit pa rin ang ulo ko mula sa solvings at computation na ginawa ko kanina.
Pero nang makita ko si Cairo na naglalakad palayo ng cafeteria ay napatakbo ako papunta sa kaniya.
"Cai, uuwi kana agad?" tanong ko nang mahabol ko si Cairo.
Nilingon ako nito at tumango, "Ah, oo, bakit?" tanong nito pabalik.
"Hindi ka kakain dito?" Nasa cafeteria na kasi kami at lunch time na rin naman, usually after ng exams dito tumatambay ang mga estudyante para makapag review ulit.
But I don't understand how come they can still review here kung napaka ingay dito.
Umlingon si Cai, "Ahh hindi na... okay lang ako." sagot niya at binigyan ako ng isang ngiti pero alam kong hindi 'yon too. Tumayo ako sa bangko na akong inuupuan at lumapit sa kaniya.
"Sigurado kaba? May problema ba Cairo?" Nag-aalala kong tanong, para kasing may mali o iniisip ko lang iyon?
Muli itong ngumiti at umiling, "Wala nga, gusto ko nalang talagang umuwi." sagot niya ni tila ay nagbibiro pa at tumawa pa siya ng bahagya.
I shake my head, "No seriously Cai, jokes aside... what is it?" Seryoso kong turan, hindi ko na rin napigilan ang paglalim ng boses ko na nangyayari kapag seryoso ako.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, "Oh relax! Why use your deep voice? Ok na, ikaw na may malalim na boses. Ang totoo kasi niyan alam ko na kung anong ulam." sagot niya at pinanliitan ko siya ng mata.
"Anong ulam?" Nagtataka kong tanong,
"Langka, langka at isda, wala ako sa mood kumain kaya uuwi na lang ako. Baka masarap pa ang pagkain sa bahay." sagot niya at tumango ako bago tumungo sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko na sabi ko ay sasma ako sa pagkain.
"Hindi na pala ako makakasabay sa inyo, aalis na pala ako." ani ko sa mga ito at kumunot pa ang noo nila.
"Saan ka?" tanong ng isa, napangisi ako, "Uuwi na nga." sagot ko bago tumakbo pabalik kay Cai.
"Oh? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Cairo.
"Tara sa Mall... doon tayo kakain." Pag-aaya ko sa kaniya bago siya hinawakan sa braso at hinatak na paalis ng cafeteria.
Habang naglalakad kami ay bigla namin nakasalubong nag isa sa mga prof namin.
"Lukas, Cairo, 'wag muna uuwi. May kailangan pa kayong pirmahan." ani ni Ma'am Irene.
Natigilan ako, gutom na ako eh!"Ahh ganon? Sige po." Kahit sa boses ni Cairo ay bakas na hindi rin niya gusto na mag-stay pa.
Tumango ang prof namin, "Pero kung gusto niyo pwede naman na siguro. Mauna na kayo... may pupuntaha ba kayo?" tanong niya at agad akong sumagot. Baka kasi kapag si Cai ang sumagot ay humindi pa siya.
"Opo ma'am, pinapa uwi na po kasi si Cairo ng mama niya. Ako po ka sabay niya umuwi." sagot ko at napalingon pa sa akin si Cairo.
Tumango ang prof, "Sige pumirma na kayo at pwede naman na umuwi." Pinapunta kami ni nito sa Principal's office at saka kami pumirma.
Nang matapos ay agad kong hinatak si Cairo palabas.
"Okay na, wala nang hadlang tara na." Pag-aaya ko at tumango lang ito bilang sagot. Hindi ba siya magsasalita? Parang hindi siya masaya na kasama ako.
"Sumagot ka naman Asaiah." Nakasimangot kong turan,
Bahagya itong napangisi, "Kasi naman Lukas, pwede mo na akong bitawan." Tiningnan niya ang mga kamay namin na magkahawak, nang bumalik ako ng tingin sa kaniya ay namumula na ang mga pisngi at tenga niya.
Napangisi ako, "Ayaw ko nga, akin lang itong mga kamay na 'to." ani ko at saka ko hinatak muli si Cai palabas ng main building at saktong pagdating namin sa labas ay andoon na si Kuya Bong.
"Sa Jose Laurel po tayo sir?" tanong ni Kuya Bong nang makasakay kami sa loob ng sasakyan.
"Kuya Bong, 'wag niyo na akong tawaging 'sir' Lukas nalang. Ang mga magulang ko lang po ang tawagin niyo na Sir at Ma'am kasi matatanda na sila." Biro ko at napa tawa si Kuya Bong maski si Cairo.
"At tsaka nga pala Kuya Bong, sa SM po tayo, doon kami kakain." Dagdag ko at tumango si Kuya Bong saka umandar ang sasakyan.
Sa gitna ng aming biyahe ay tila napapansin ko na hindi komportable si Cairo.
"Cai? Okay kalang ba?" Alangin kong tanong, okay lang ba siya? Masama ba ang pakiramdam niya?
Tumango ito, "Oo... medyo-"
"What's wrong?" Taranta kong tanong sa kaniya.
Napahagikhik ito, "Wala... hindi naman seryoso, ikaw ba! Iniisip ko lang 'yong number 9 sa Lietarature..." sagot niya at napa isip ako, ano nga ba ang tanong doon? Ah oo, 'yon pala!!
"Siguro ako ni lagay mo doon 'no!" Pang aasar ko sa kaniya, iba talaga ang prof namin sa Literature, masyadong mabiro!
"Kapal mo! As if naman!" Sagot niya... pinagcross pa niya ang mga braso niya.
"Yieeee! Ikaw Cai, ha! Crush mo pala ako!" Kiniliti ko pa siya na siyang nagpasigaw sa kaniya ng aking pangalan, ngunit agad niyang tinakpan ang bibig niya napatawa ako ng bahagya at napangisi ako.
I pursed my lips and lean closer to his ear.
"It's attractive how you screamed my name." I whispered next to his ear,
"Lukas ano ba, baka marinig ka ni kuya driver!" Pabulong niyang sigaw sa akin at muli akong napahagikhik.
"Why don't you just admit na ako ang ni lagay mo sa number 9?" I teased him, it's just a simple question.
Who is your crush?
Iyon ang dumagundong sa mundo ng mga hopeless romantic na first year, iyon ang mga pinagkekwentuhan ng mga ka-batch namin pagkalabas ng examination rooms. Hindi namin alam kung saan iyon nakuha ng prof namin.
Hinampas ako ni Cai sa balikat, "Hindi nga ehh!" Inis nitong turan bago sumangot at humarap sa binatan,
Napahagikhik ako, "Ay sayang naman, ikaw pa naman ang isinagot ko doon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co