Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Forty-Four

_Dominous_

Cairo's POV
Nagkagulo ang lahat nang biglang tumakbo si Yago pababa ng stage para habulin si Hades. Parang nagslow-mo ang paligid nang tumalon si Yago mula sa stage na ikina-taranta ng iba.

Hahabol din sana ako nang maisip ko na kailangan nilang mag-usap dalawa. Umabot kasi ng taon ang hindi nila pag-kakaintindihan.

Isa ako sa mga saksi ng paghihirap at sakit na nadama ni Hades nang bigla nalang siyang iwan sa ere ni Yago.

Yung mga hindi niya pagkain at hindi niya pagtulog nang maayos na nahahalata ko dahil lagi siyang puyat at nanlalata sa classroom.

Sana lamang ay ngayon magka-intindihan na sila. Sana maayos na nila ang hindi nila pagkakaintindihan. Dahil maski ako ay nasasaktan at nahihirapan na makita si Hades na nagkakaganon.

Nagulat ako nang biglang dumaan si Drake sa harap ko na animo'y nagmamadali.

Saka ko lang na-alala na si Hades at Drake nga pala ang magkarelasyon ngayon, naku!

Agad ko itong hinabol, "Drake!" Tawag ko sa kaniya, napatigil si Drake sa paglalakad at humarap sa akin.

Bakas na agad sa mukha niya ang pag-aalala at kaunting inis.

Nang tumigil siya ay agad akong naglakad papunta sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kahit obvious naman na susunod siya.

"Kay Hades, Cai. Susundan ko sila." ani niya na may halo nang paghangos.

"Pero Drake-"

"Walang pero-pero Cairo! Ako ang boyfriend ni Hades. Baka kung anong gawin ni Yago sa kaniya!" Putol niya sa akin, napalunok ako ng laway at umiling.

"Hayaan mo muna sila Drake, magtiwala ka kay Hades. Alam kong hindi ka mawawala sa isip ni Hades kahit mag-usap pa sila ni Yago." Sagot ko sa kaniya, napahilamos siya sa kaniyang mukha at umiling.

"Hindi Cairo, kailangan ko silang sundan." ani niya bago ako tinalikuran. Gusto ko pa siyang habulin pero hindi ko na ginagawa. Baka masagad ko pa si Drake at sa akin pa magalit.

Napabuntong hininga ako bago humarap sa aking likuran. Nanlaki ang mata ko nang makita na ang daming tao na nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway bago napatungo at naglakad palayo.

Wala akong particular na pupuntahan at lakad lang ako nang lakad. Hanggang sa marinig ko ang isang pito. Agad napa-angat ang ulo ko at tiningnan kung saan nang-gagaling ang tunog na 'yon.

Nasundan ito ng malakas na sigawan. At doon ko napagtanto na galing pala ito sa basketball court.

Si Lukas!

Napatakbo ako papunta sa malapit na banyo. Nang makapasok ako sa isang cubicle ay agad ko iyong ni-lock bago halughugin ang bag ko at hanapin ang jersey na binigay sa akin ni Lukas.

Gumuhit ang isang malawak na ngiti sa labi ko nang makita ko ito.

"Conde 07." Basa ko rito. Ito ang jersey ni Lukas noong first year kami. Dahil hindi naman ako ganoon kalaki ay nagkasya ito sa akin. Pero kay Lukas ay hindi na. Dahil kasi sa paglalaro niya ay lumalaki ang katawan niya, samahan pa na medyo batak din siya mag-gym.

Isinuot ko na ito at saka lumabas ng cubicle. Paglabas ko ay tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. Ipinatong ko ito sa t-shirt na itim na suot ko kanina dahil sleeveless ito. Ayaw ko naman na masyadong expose ang braso ko kaya ipinatong ko nalang Ito.

Lumabas na ako at tumakbo papunta sa court. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lumalakas ang sigawan na naririnig ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita na marami nang tao rito. Pero dahil sa height ko ay nagawa ko pa ding makita ang laro.

Kasama sa first set si Lukas at kasalukuyang nasakanya ang bola. Hindi ko mapigilan na manggigil dahil sa mga nanghahabol sa kaniya.

Nakakuyom ang mga kamao ko dahil maski ako ay nadadala sa tuwing malapit nang maagaw kay Lukas ang bola.

"Yes!! Wooh!!" Sigaw ko nang maka-shoot si Lukas.

"GO Conde!" Sigaw ko na nakakuha ng attensyon ng mga katabi ko. Pero laking kilig ko nang lingunin ako ni Lukas at ituro ako habang malawak ang ngiting nakaguhit sa labi niya.

Napakagat ako sa labi ko at natahimik bigla. Pumito ang referee at tumabi muna ang mga players. Nilingon ko ang direksyon ng mga players namin at nakita na kausap nila ang coach nila.

"CONDE 07!!"

Napakunot ang noo ko at agad hinanap kung sino man ang impakta na sumigaw. Lumingon ako sa iba't ibang direksyon pero hindi ko mahanap kung sino ang sumigaw.

Hanggang sa sumigaw ito ulit, "GO CONDE!"

Agad pumihit ang ulo ko sa kanan na bahagi ng court at doon nakita si Trixie kasama ang mga kaibigan niya. Agad namuo ang inis sa sarili ko at naghandang sumigaw.

Huminga ako nang malalim, "GO LUKAS CONDE!" Sigaw ko, pero laking gulat ko nang mag-cheer ang mga babae na nasa harap ko.

Saka ko lang napagtanto na sila Mia at Ayesha pala ito. Nilingon nila ako at ngumiti. "Ikaw ha!! Cairo ha!" Pang-aasar ni Mia na may nakakalokong ngiti pa sa labi niya.

"Naku siz! Support ka namin! Support mo na 'yang Conde mo!" ani ni Ayesha at hinampas pa ako sa braso.

"GO LUKAS!"

Narinig kong sigaw ulit ni Trixie, napasimangot ako sa inis.

Naramdaman ko ang kamay ni Mia sa balikat ko.

"Naku Cairo, I-cheer mo na lang din. Mas magaling ka mag cheer." ani ni Mia at tumango-tango pa.

Tumango ako bago huminga nang malalim, "GO LUKAS ZACHARY CONDE 07!" Sigaw ko nanasundan ng maraming sigawan.

Mula sa kinakatuyan ni Lukas ay nag-angat ito ng tingin at ngumiti, hindi ko na napigilan ang sarili ko na kiligin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ito na utay-utay nag lakad sa direksyon ko. Sa bawat hakbang niya papalapit sa amin ay mas lalong nadadagdagan ang init ng katawan ko.

Hanggang sa tumigil ito sa harap namin. Ngumiti ito bago ako hinawakan sa ulo at ginulo ang buhok ko.

"Thank you pag cheer." ani niya at naitikom ko ang bibig ko dahil sa kilig.

"I like it when you scream my name, baby." Biglang nanlaki ang mata ko at naramdaman ang mas lalo pang pag-init ng mukha ko.

Narinig ko ang kantyawan sa paligid na lalo kong ikinakilig. Habang ang kamay niya ay nasa ulo ko pa rin. Hinampas ko siya sa balikat, "Sira! Balik kana dun!" ani ko at tinaggal pa ang kamay niya sa ulo ko na ikintawa niya nang bahagya.

Tiningnan niya ako sa mata na sadyang nakapagpakilig sa akin bago niya hinalikan ang itaas na bahagi ng daliri niya ay idinikit ito sa noo ko. Gumuhit anhg isang ngiti sa labi niya bago tuluyang umalis at bumalik sa mga kasama niya.

Parang hundi pa nag pro-process sa utak ko ang ginawa niya dahil andun ako, nanigas sa kinatatayuan ko. Nakaparte ang dalawang labi ko sa isa't isa at tila naguguluhan.

Hanggang sa kinulbit ako ni Mia na dahilan para mapatungo ako para tingnan ito.

"Cairo, indirect kiss ang tawag dun, okay? Nakakakilig yun alam ko. Pero mas maganda kung direct sana, diba?" ani niya na hindi ko naman naintindihan.

Basta ang alam ko ay hinalikan ako ni Lukas sa noo ko mula sa kamay niya na saksi ang maraming tao.

Muling pumito ang referee at bumalik na sa court sila Lukas. Sa isang pito ay nagsimula na ang laro na mapusok.

Sa height ni Lukas ay hindi mo siya aakalain na third year lang. May isa kasing fourth year silang kalaban pero mas matangkad pa rin si Lukas.

"Go Lukas! Go Lukas! Go Lukas!" I chanted, napatalon ako nang mai-shoot ni Lukas ang bola. Medyo nakaka-tense kasi ang tira na yun.

Tatlong kalaban nila ang humahabol sa kaniya. Kaya talagang hindi ako mapakali.


Ilang game na ang nakakalipas, malapit na rin mag lunch dahil almost 11pm na. Mula first game hanggang ngayon ay kasama pa rin si Lukas.

Halata na rin na pagod na siya dahil sa mga malalalim niyang paghinga at sa basang-basa niyang jersey. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi muna siya palitan at pagpahingahi8n.

"Cairo, tingnan mo si Lukas, oh." Kinulbit ako ni Mia at itinuro si Lukas na naka-upo sa isang bench habang nakatungo.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi, "Oo nga, eh, nakaka-awa siya tingnan. Bakit ba hindi siya palitan?!" Nahahagas kong tanong, 

Humarap si Ayesha sa akin, "Kasi seven points lang lamang nila sa kalaban. Eh halos puro shoots naman ni Lukas yung score. Kung papalitan siya, baka mahabol pa sila." ani ni Ayesha. Tiningnan ko siya bago ibinalik ang tingin ko sa gawi ni Lukas.

Natapos na ang break nila at naglakad na si Lukas pabalik sa court. Kung kanina ay sigeng cheer ako. Ngayon ay kinakabahan at nag-aalala na ako sa kaniya.

Nagsimula ang game at hindi pa rin naman namintis ang mga shoots ni Lukas. Yun nga lang ay medyo bumabagal na ang takbo niya. Paminsan-minsan ay naaabutan na rin siya ng mga kalaban.

Hawak ni Lukas ang bola at dini-dribble niya ito, nang aktong i-sho-shoot na niya ito ay bigla siyang tinalon ng isang player dahilan ng pagbagsak niya.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita si Lukas na bumulagta sa sahig. Nahulog ang panga ko at nagsimulang maghanap ng daan papunta sa nakabulagta na Lukas sa court na hanggang ngayon ay hindi pa bumabangon.

Pinilit kong makipagsiksikan sa ibang tao makapunta lang kay Lukas. Nagtatakbo ako at tinawid ang court para lang mapuntahan siya na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga players at coaches.

Nang makarating ako doon ay nabuhat na siya ng coach nila. Itinakbo si Lukas sa clinic at sumunod lang ako.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko habang tinitingnan si Lukas na nakahiga sa kama habang inaasikaso ng mga nurses.

Ganito ba? Ganito ba yung nararamdaman niya noong mahimatay din ako sa Baguio? Ganito rin ba yung takot at pag-aalala na naramdaman niya noon? Dahil kung oo, iingatan ko na ang sarili ko para hindi na siya mag-alala para sa akin.


Natapos siyang tingnan ng mga nurse, nagpakiusap ako sa mga teachers ng school namin na magbabantay ako kay Lukas at buti nalang ay pumayag sila.

Nasa labas ang mga teacher kausap ang nurse tungkol sa lagay ni Lukas. Habang ako ay nakatabi sa kama ni Lukas at naka-upo doon habang dahan-dahan na hinahagod ang buhok ni Lukas gamit ang mga daliri ko.

"Lukas... gising kana. Alam kong pagod ka pero hindi maganda yung matutulog ka sa ganitong paraan. Nag-aalala na ako dito, oh." ani ko, nakagat ko ang pang-iba ba kong labi bago utay-utay na ibinaba ang kamay ko papunta sa braso niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko naramdaman ang maiinit na luhang umaagos sa pisnge ko.

"Sobra akong nag-aalala sayo Lukas. Please, gumising kana. Gumising kana at sabihin mo sa akin na ayos ka lang." Bumunot ako ng isnag malalim na hininga bago kumawala ang isang hikbi sa labi ko.

Ang hirap pala kapag ganito, kapag nasa masamang kondisyon yung taong mahalaga sa 'yo.

Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Tahimik lang ang pag-iyak ko pero sobra-sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko.

Parang tumigil kanina ang ang paligid ko nang makita ko ang pagbagsak ni Lukas. Halos lahat kami ay parang nagpigil ng hininga sa mga oras na 'yon.

"Huh?!" Nanlaki ang mata ko at agad tiningnan ang kamay ni Lukas na hawak ko na ngayon ay mahigpit na rin ang hawak sa kamay ko.

Tiningnan ko ang mukha niya at nakita na mulat na ang mga mata niya. Agad akong napabitaw at pinunasan ang luha ko.

"Tatawagin ko lang sila sir at nurse." ani ko bago tumayo. Pero bago pa man ako makalayo ay natawag na niya ang pangalan ko na siyang nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.

"Hayaan mo muna sila Cairo. Dito ka muna." ani niya at agad akong humarap sa gawi niya at bumalik sa bangko.

Utay utay kong inabot ang kamay niya, "Wag mo na ulit gagawin yun ha? 'Wag kana ulit mag-papakapagod nang ganun. Grabe yung pag-aalala ko." ani ko habang may iilan pang patak ng luha ang nagmumula sa mata ko.

Ngumiti siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko, "Yes, I won't do it again. I don't want you worrying about me." ani niya at ngumiti ako.

Hinatak niya ako na dahilan ng muntikan kong pagbagsak sa katawan niya. Mabuti nalang at naituon ko ang braso ko sa unan niya.

Utay-utay niyang inilapit ang labi niya sa noo ko. Hanggang sa naramdaman ko ang malamig niyang labi sa noo ko.

Parehas kaming napangiti at saka ko ibinalik ang halik sa noo niya. "I love you, Cai." Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang pagsasabi nito.

Nag-init ang magkabila kong pisnge, "I love you more, Lux." Nahihiya ko pang turan, napahagikhik siya bago hinagod ang pisnge ko gamit ang hinlalaki niya.

"Promise me you'll stay by my side, okay? Promise me that you won't leave me." ani niya na medyo gumulat sa akin at nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Tumango ako, " I promise. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Lagi mo akong kasama Lukas. Hinding-hindi kita iiwan." Nakangiti kong turan,

Gumuhit ang ngiti sa labi niya, "Kahit anong mangyari?" tanong niya at tumango ako, "Kahit anong mangyari."




----------

a/n: medyo maikli today, may gagawin ako hehehe, mention niyo lang errors pls 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co