Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Forty-Three

_Dominous_


Grey's POV

I was walking through the driveway of the school, going home. I badly want to lay down on my bed and sleep till afternoon tomorrow. No need to eat, I don't feel like eating anything. I just want to rest and and stuff.

I'm busy imagining my comfortable bed when someone suddenly puts their arms on my shoulders.

"What the- Code?! Anong ginagawa mo! Bitaw!" Sinubukan kong alisin ang braso niyang nasa balikat ko pero masyadong siyang malakas at nanlalaban.

"Tara sa bahay." Agad napakunot ang noo ko sa aya nito.

"The fuck?! Ano gagawin ko doon?" Inis kong tanong, narinig kong sumaltik ang dila nito bago naglibot ng tingin sa paligid. Medyo madilim na ang paligid dahil gumagabi na rin, araw rin ng Biyernes kaya karamihan sa mga estudyante ay naka-uwi na.

"I need to loosen up, I'm getting stressed because of choir and school work." I looked at him and squinted my eyes.

"Then do it, why do I need to go to your house?" I asked, pissed off.

He chuckled, "I need you to help me, now let's go." My eyes widened the moment he started dragging me outside the gate, where their car was waiting. He opened the door for me, then pushed me inside before walking to the other side. Hindi naman niya ako kailangang pilitin, sasama naman ako, nakakahiya lang na may makakita sa amin.

The moment he stepped in, he raised his eyebrows and smirked. "May project kaming gagawin kuya, sa bahay na rin siya matutulog." he said to his driver.

May kakaibang tingin kasi yung driver niya noong pumasok ako sa loob ng sasakyan. Kaya nang sabihin iyon ni Code ay nawala ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya at tumango.

Tahimik lang kami sa biyahe, walang nagsasalita o gumagawa ng kahit anong ingay.

Mabuti nalang at nasa matagal na business trip sila mom and dad. I have nothing to worry about, thinking na baka bigla silang dumating.

We arrived at Code's house, and their maids gave me this different look but Code told me to just ignore them. We first went to his room to put our bags down before going back downstairs to eat.

As we arrived at their dining room, there's already a lot of foods at the table which made me crave for it.

"Sit," He said and I nodded sitting down next to him, he started putting foods on his plate and I did as well.

While we are eating I decided to ask questions.

"Your nonna isn't here?" I asked and he nodded not looking at me. I lick my lower lip while looking around.

"Why did we eat so early? It's just 7pm." I asked, still looking at the maids who were just standing meters away from us.

Code put down his utensils and wiped his lips with the table napkin.

He looked at me and smiled. "So we can start our project early, right?" He asked, and I nodded, eyeing some maids.

As we finished eating, Code immediately excused us, saying we needed to go and do our project. He is the one walking first, while I follow him from behind. Already thinking of what will happen later.

All the things I imagined vanished the moment we entered his room and pushed me towards the door peppering my necks with his hot kisses.

"Nng!~ Code, take it e-easy." I said while trying to push him a bit further from me. I felt his hands enter my shirt, which sent shivers down my spine.

He stopped kissing and looked at me straight in the eyes. "Sorry, I can't," he said, smirking before carrying me in bridal style, which made my eyes widen, and I immediately held onto him. He walked towards his bed before placing me down on it.

He started unbuckling his belt. "I'm pretty much ready to lose out," he said before he could even jump in, I immediately stopped him.

"Wait! Code sandali!" I cried out, which immediately caught his attention. I saw how his eyes widened and worry prints on his face, he fixed his pants and sat beside me.

"Grey? Why? It's okay, naman if you really don't wan,t titigil ako. I'll stop, okay? I'm going to take you home-"

"No, I want to stay here, wala naman akong kasama sa bahay, ayaw ko lang gawin 'yan Code. I'm tired from school." I cut him off, I'm not crying nor have tears streaming down my face, but my voice is dull and silent.

"Okay, I'll just take a bath, and you can take a shower after. Then we'll sleep, okay? Let's take a rest." he said, and I nodded. I lay down on his bed, put my hand on top of my stomach, and sighed.

I'm just... I'm just not in the mood. And the first time we did it, I kind of felt bad—not because I didn't want what happened, but because of the guilt that was eating me. I still can't believe that we did it. Especially since we're both guys.

After few minutes he came back, he handed me a shirt, short and a new boxer. I went inside his shower and take a warm bath. I enjoy how relaxing the warm water running down my body. I also enjoy the scent of his body wash and soaps.

When I finished, I used the towel he gave me and put on the clothes he gave me. Then I went out and saw him already lying down on his bed, staring at the ceiling. But the moment he saw me, he immediately moved to the other side.

"Come, lay down so you can rest." he said, patting the salve beside him. I nodded and walk towards him. I lay down beside him and snuggle under the sheets.

I feel his arms slowly running through my upper body, which made me flinch, "Can I? Embrace lang," he said like a kid. I chuckled and nodded, and, and he embraced me tight which made me chuckle again.

"I'm sorry for what I have done, I was out of my mind, and I should not have done that. I'm sorry for making you uncomfortable." he said behind my ears, I reach for his hand that is wrapped around my waist and slowly caress it.

"It's fine, next time... don't do it again, okay? If I'm not just tired, we could have done it, but I'm tired, so let's just sleep." I softly said and I turn off the lamp shade at my side before we both drifted to sleep.

It was the next day, and I was the first one to wake up. I slowly removed his hands from my body and walk to the bathroom to wash my face. When I returned, he was already up.

"I need to go home na." I said and he nodded scratching his head.

"Eat breakfast here first. I know your parents are at business meetings. Para hindi kana magluto sa bahay niyo." He said and I nodded, he also washed his face while I was waiting him at his sofa. When he came back, he was wiping his face with his towel.

"Are we still in the courting stage?" I suddenly asked he froze on his spot, looking at me with wide eyes. Then he suddenly walked towards me.

"Uhm, are my strategies working?" He asked, raising his brows

I laughed thinking of what happened this week.

He would secretly give me chocolates and flowers at school. That's what has been happening these past few days. That's what actually makes me laugh at times when I see a flower inside my bag. I already knowing it's only from him.

Wala naman ibang gagawa noon sa akin. Kaya laging naka-set sa isip ko na sakaniya galing 'yon.

"No! Not yet! I need more..." I replied and he laughed,

"Tara na nga sa baba, let's eat breakfast." he said and I nodded.

Just like he said, we ate breakfast. Then he sent me home. May choir practice pa kasi siya ng 8am. I put my uniform at the laundry basket. I put down my bag and lay down on my bed. And as I try to take a rest and close my eyes, all I could think about is him.

My eyes shot open, and I covered my face with my hand, "What are you doing Nicodemus Ace that you're making me go crazy!?"


Hade's POV

"Uy! Drake! Tara na!" sigaw ko kay Drake habang tumatakbo pababa ng ramp ng dorm. Malapit na kasi mag 6am, kakain pa kami sa cafeteria tapos aalis na kami papuntang ibang university.

Hindi kasi pwede sa USV ganapin yung palaro. Hindi ganoon kalaki ang USV at tsaka wala rin kaming field para sa football. Pero may gymnasium kami, pero mukhang mas maganda pa rin sa pupuntahan namin.

Pagdating namin sa cafeteria ay andun na ang marami. Halos wala na nga kaming makainan ni Drake. Mabuti nalang ay tinawag kami nila JC ar pinaupo muna kami ni Drake sa upuan nila ni Renz.

Nag mabilis kaming kumain. 6:30am, kasi ay aalis na kami. Fifteen minutes lang yata kaming kumain at lumabas na kami para sumakay sa mga naka-oark na jeep sa labas.

"Elora, bakit ka andito?" tanong ni JC nang pumasok si Lora ng jeep, nilingon siya ni Lora at umiling.

"Awan din, puno na kasi sa kabila." sagot ni Lora at tumango si JC.

"Sus! Andito lang crush mo, eh! Sumbong kita kay tito Dixon, eh!" Pang-aasar ni Lukas na agad nakatanggap ng masamang tingin mula sa pinsan niya.

"Kayo ang isumbong ko eh!" Biglang natigilan si Lukas at natahimik. Nilingon ko si Cairo na nakatikom ang bibig, pero natatawa nang bahagya.

"Matapos kitang ibili ng speaker, gaganyanin mo ako?!" Pagmamaktol ni Lukas nagsikantyawan ang mga tao sa loob ng jeep.

"Tumigil ka! Binigyan kita ng pambili! Makapagyabang ka " Sagot naman ni Lora, muling nabuo ang kantyawan sa loob ng jeep.

"Yun naman pala Lukas, eh! Dapat nilibre mo na!" Pang-aasar ni JC, napailing si Lukas at tumawa bago lumingon na sa harap. Nasa may bandang gitna kasi si Lukas habang si Cairo naman ay nasa likod na ng driver.

At ako naman itong katapat si Lora. Malapit na kami sa pinto at si Drake naman ang mismong nasa tabi ng pinto. Tapos... si Yago, katabi ni Lora na katapat ko na rin. Hindi ko mapigilang tingnan siya.

Natikom ang bibig ko bago sumandal sa bintana ng jeep. Nawalan ako ng gana bigla. Hindi ko maisip kung bakit sa isang iglap, wala na. Hindi na siya namamansin. As in, wala. Para bang estatwa nalang ako sa kaniya minsan. Madadaanan niya ako pero wala lang. Itinuturing niya lang ako na wala. Hangin at estatwa. Yun na ako sa kaniya ngayon.

At masaya akong na andito na si Drake para sa akin. Sweet din naman siya, mapag-alaga. May pagka-possessive minsan pero cute. Cute na gwapo, hindi man katangkaran at ang ganda ng smile niya.

"Ah!"

"Aray!"

"Ang tigas ng likod mo!"

Halos lahat kami ay nagreklamo nang bigla nalang pumreno ang driver ng jeep at halos lahat kami ay mapasubsob sa unahan. Nakita ko kung paano bumangga si Lora sa likod ni Yago na ikinatawa nila parehas.

Napalunok nalang ako at tumingin sa harap. Bakit ba ako nagkakaganito? May Drake na ako eh! Bakit pa ako nagseselos sa kanilang dalawa?!

Nagseselos ako?! Pero bakit?

Yun eh, yun ang problema ko. Iilang buwan palang kami ni Drake pero nagkakaganito na ako? Cheating ba tawag dito? Kapag madalas ko pa rin nasa isip si Yago at nagseselos?

Nakarating na kami sa school na pagdadausan ng palaro. Halatang handang-handa ang university na ito. Marami na rin ang mga taga ibang university na andito. May mga naka-bus at naka-van lang.

Pinapila na kami at pinapunta sa lugar na naka-assign sa university namin. Tumulong na kaming mga third year sa pag-aayos at pagbaba ng mga gamit. Nautusan kasi, kaya kahit hindi ako malakas ay binuhat ko na rin ang mga bote ng tubig.

Nang mailapag ko ito ay nakahinga ako nang maluwag. Pinagpag ko ang kamay ko at nilinis iyon. Hinanap ko si Cairo at natagpuan siya sa isang tabi na mag-isa.

Wala nanaman kasi ang Conde niya. Kasama na ng mga teammates. Si Drake naman, for sure, kasama na rin ang mga choir members niya.

"Uy! Kinakabahan ka?" tanong ko at tinabihan siya, napa-iigtad siya dahil sa gulat na ikinatawa ko.

"Medyo, slight." ani niya at inilabas pa ang kamay niya na nasa loob ng bulsa ng pink na hoodie niya.

Napabuntong hininga ako, "Ako, oo, may nanonood na kathing iba tha atin, tho kinakabahan ako." ani ko at tumango siya.

Ngumiti siya, "'Wag kang kabahan. Baka magkamali ka mamaya kapag kinabahan ka. Kalma ka lang, relax~" ani niya na ikinatawa namin parehas.

"Yan na isusuot mo?" tanong sa akin ni Cairo habang itinuturo ang suot ko.

Tumango ako, "Lalagay ko nalang mamaya yung choker tapos belt." ani ko at kinuha sa backpack ko ang props namin.

"Choker?" tanong niya habang hinihintay ako na kunin iyon.

Nang makuha ko iyon ay ipinakita ko sa kaniya. "Ahhh, ito ba? Akala ko yung simpleng choker lang. Ang gara, ha! Saan mo binili?" tanong nya sa akin at natawa ako.

"Belt talaga 'to ni Drake. Nathira na tapoth bumili nalang ako ng mga pang dethign. Kaya ayan, DIY."ani ko, natatawa niyang tinitingnan yung choker.

"Mga lace naman kasi sa akin. Sa katawan naman, halos kaparehas ko na yung isang member natin, pero binago ko ang damit ko, nag white na ako." ani niya at tumango lang ako.

After 30 minutes, pinapila na kami. Magsisimula na kasi ang event at ang program. Hindi ito gaano nagtagal hanggang sa nagtagal na ang mga palaro.

Kasabay nito ay ang mga dance performance. Nauna ang mga taga ibang university. Tapos sumunod ang grupo ni Lora na nakatanggap ng maraming cheers at sigawan.

Sumunod muli sa kanila ang mga taga ibang school tapos ibang grupo mula sa amin bago kami na ang kausnod. Ramdam ko ang kaba sa boung sistema ko dahil sa dami ng manonood at taga iba't-ibang university pa ito. Nang makita ko si Drake sa gilid na nakangiti at nag thumbs-up pa ay nabawasan ang kaba ko.

Sa kabuoan ay maayos ang performance namin. Marami rin ang mga cheer sa amin na nakagaan ng pakiramdam ko.

Bumababa kami ng stage nang makasalubong namin sila Yago. Tutugtog nga pala muna ang banda nila bago ang choir. Nag se-setup palang sila ay may mga nag che-cheer na. Wala eh, sikat na sila dito sa Manila. Dahil sa mga post at videos na kumakalat sa social media.

Naramdaman ko na hinawakan ako ni Ciaro sa kamay at mahigpit iyon. Agad ko siyang nilingon.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kaniya.

Napalunok siya at tiningnan ako, "Kinakabahan ako." Napakunot ang noo ko. Inilipat ko ang kamay niya sa kabila kong kamay at dinala siya sa gilid.

"Tapoth na yung performanth natin, bakit ka pa kakabahan?" Taka kong tanong at umiling siya.

"Hindi para sa akin." ani niya at lalong kumunot ang noo ko.

"Eh kanino?" tanong ko at tumingin-tingin sa paligid.

"Kay Athena, mag pe-perform na sila."sSagot niya at saka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Kaya 'yan ng kapatid mo, I believe." ani ko at natawa siya nang bahagya at tumango.

Kinuha namin ang mga bag namin at nagbihis na sa classroom kung saan ang quarters namin. Habang nagbibihis ay naririnig ko na ang pagtugtog nila Yago. Rinig na rinig din ang sigawan ng mga nanonood.

Siyempre si Yago na yun. Sikat na siya kahit sa ibang school. Kasi gwapo, matangkad at magaling kumanta. Ang dami na niyang mga followers at likers sa Instagram at Facebook.

Natapos kaming magbihis at lumabas na. Bilang suporta ay bumalik kami sa may gilid ng stage kung saan nag pe-perform sila Yago. Pagdating namin ay saktong tapos na sila. Iyon ang akala ko...

Nagpalakpakan ang mga nanonood at sumisigaw ang mga fangirls ni Yago. Bigla siyang lumapit sa mic at nagsalita, muling nagsigawan ang mga tagahanga niya.

"Uhm, good morning... hehe." Halos mamatay-matay sa pagsigaw ang fans niya nang humagikhik siya sa mic. Ang cute kasi.

"So ito pong last song na tutugtugin namin ay para sa isang tao na espesyal sa akin. Alam ko po na naging masama ako sa kaniya. Iniwasan ko siya at iniwan sa ere na walang paliwanag." Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

Ano bang ginagawa niya?! Ito na ba 'yon? Makukuha ko na ba ang mga sagot sa tanong ko?

"Hades, kung nasaan ka man ngayon para sayo 'to." Nagsigawan ang mga fangirls niya habang tinataas ang mga banners.

Hindi na nila napansin na pang lalaki ang pangalan na sinabi? Hindi nila huhusgahan? Hindi ba ang ibig sabihin nun ay hindi straight si Yago? Hindi ba nila gets? O baka naman talagang susuportahan pa rin nila si Yago kahit ganon.

Nagsimula nang maggitara si Joyce, natahimik na ang nga fans niya para mas marinig nila ang pagkanta ni Yago. Nagsimula akong manigas sa pwesto ko lalo na nang mag tagpo ang paningin namin ni Yago. Hindi pamilya ang tinutugtog nila, hindi ito sikat o kilalang kanta dahil isa ito sa mga kantang si Yago mismo ang sumulat.

"Bakit ba, hindi ko magawang umamin sa isang lalaki na gaya mo? Bakit ba, hindi ko masabi, ang aking nararamdaman at piniling lumayo?~"

"Minsa'y naiisip ano nga bang nais. Gusto mang umamin ngunit may pumipigil.~"

"Sa bawat hakbang ko patungo sayo~ Ako nga ba'y sasaluhin mo?~"


Hindi mapigilan ang mga luha ko sa pag-agos nito. Kasabay nang [agtambol ng mga drums ay siya rin ang pagpatak ng luha ko.

Rinig na rin sa boses ni Yago ang garalgal at maski siya ay naiiyak. Ang paghawak niya sa mic ay humihigpit at mga mata niya'y nakapikit. Ang ipinapahayang ng kanta ay damang-dama sa paligid.

Nanatili ako doon na nakatayo habang pinapanood sila na tumugtog. Hinahayaan ko ang mga luha kong umaagos at hindi iyon pinapahid. Naramdaman ko ang pag hawak ni Cairo sa braso ko. Nilingon ko siya at nginitian niya ako. Sinuklian ko siya ng isang nanghihinang ngiti.

"Pero sa pagitan ng tama o mali, Sa pagitan ng oo o hind. Ikaw pa rin ang aking nais isayaw.~"

"Sa pagitan ng bahaghari~"

Napapikit ako at na alala ang mga sinabi niya noon na na dumurog sa akin. Ang masasakit na salita, ang pagtaboy at pag-iwas niya sakin.

Napapikit ako at dinama ang lahat ng sakit habang binabalikan ang nga salita ng binitawan niya noon.

"Dahil sa mga oras o sandali, sa pagginhawa o pighati, ikaw pa rin ang pipiliin kong isayaw~"

"Sa pagitan ng bahaghari, makulay na bahaghari~"

Para akong ne-estatwa sa aking kinatatayuan. Alam ko na siya mismo ang sumulat ng kanta. Alam ko na iba ito sa mga kanta na kino-cover lang nila. It felt... like it was made for me.

Bakit ngayon pa Yago? Bakit ngayon pa na andito na si Drake?

Hindi ko na mapigilan pang maiyak lalo, umalis ako sa kinakatayuan ko at tumakbo paalis doon. Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko habang patuloy ang pagtakbo ng mga paa ko.

Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ba siya ang unang lumayo? Ang unang dumistansya at bumitaw nang walang paliwanag? Bakit ba niya ginagawa 'to? Bakit pinapalabas niya na pati siya ay nasasaktan?

Dahil ako ang iniwan, ako ang nawalan. Napaka unfair naman!

Tumigil ako sa harap ng malaking puno. Napasandal ako doon at hinihingal sa sobrang pagod. Hinahabol ko ang hininga ko dahil na din sa pag-iyak ko.

"Ano ba naman kathi 'to! Bakit ganito?!!" Sigaw ko, hindi ko na maintindihan ang gusto ko. Ang sinasabi ng utak at puso ko.

Litong-lito at gulong-gulo na ako! Hindi dapat ganito eh! Masaya na ako kay Drake! Pero bakit nasasaktan ako?!

"Hades..." Agad akong napabaling ng tingin sa likod ko. Tila ba ay tumigil ang lahat nang magtagpo ang mata namin.

Bakas sa mata niya ang pag-iyak at lungkot. Sa isang iglap ay nakalapit siya sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry, Hades, I'm sorry dahil inabot ako ng taon para masabi ang lahat ng 'to." ani niya habang umiiyak sa balikat ko.

Bagong pangkat ng mga luha ang nagsi-agos sa pisnge ko. Umalis siya sa pagkakayapos at inilayo niya ang katawan niya sa akin at sinapo ang mag kabila kong pisnge.

Napasinghot ito, "Hades, ang totoo... hindi ko talaga ginusto na layuan ka. Na alala mo ba noong huling beses na pumunta ako sa bahay niyo?" Umiiyak niyang tanong at tumango ako habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Sabi mo 'wag akong makikinig sa mga sinasabi ng kapit-bahay niyo. Pero nakinig ako Hades. Narinig ko na pinag chi-chismisan ka nila. At ayaw ko nun Hades, kaya simula nong araw na 'yon ay nilayuan kita at nagbabaka sakali na... makalimot ka" Pumipiyok na ang boses niya dahil sa pag-iyak. Hinawakan ko ang isa niyang kamay na nasa pisnge ko at dinama iyon.

"Sa bawat oras na nakikita kitang nasasaktan at nahihirapan, gusto kitang damayan at tulungan. Pero sabi ng isip ko 'wag dahil para sayo ang ginagawa ko na pag-iwas. Kaya kahit anong pangungulila ko sayo ay wala akong magawa kundi magmukmok. Miss na kita Hades, yung kulit mo at dati mong ugali. Pero nawala 'yon. Nawala ang Hades na may pagkamataray at mapang-asar." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi para pigilan ang aking paghikbi.

"At lahat ng yun nangyari dahil sa 'kin." Nabasag ang boses niya na lalo kong ikina-iyak. Maski siya ay hindi na maawat sa pag iyak. Napatungo siya at rinig ko ang mahina niyang paghikbi.

Pag-angat ng mukha niya parang piniga ang puso ko nang makita ang namumugto niyang mga mata.

"Pero nang malaman ko na kayo na ni Drake, hindi ko na kinaya Hades. Nilayuan kita dahil nag babakasakali ako na tigilang isipin ng mga tao sa paligid mo na bakla ka at may mali sa 'yo. Pero walang mali doon, Hades, kung... lalaki rin ang gusto mo. Pero ako kasi ang dahilan kung bakit ka pinagchichismisan kaya inakala ko na mas mabuti kung... lalayo ako. Pero nang maging kayo ni Drake, hindi mawala sa isipan ko at sabihin na..." Huminga siya nang malalim,

"Ako dapat yun eh! Ako! Hindi si Drake!" Bumuhos ang emosyon sa boses niya,

"Ang tanga-tanga ko Hades! Ang tanga-tanga ko! Hindi dapat kita iniwan! Hindi dapat ako nagpa-apekto! Akala ko makakatulong yung gagawin ko para hindi kana pagchismisan dahil akala ko ako ang may kasalanan. Pero yun naman pala ay totoo ang sinasbai nila pero wala akong pake! Hindi problema sa akin yun dahil gusto rin kita! Ikaw pa rin ang gusto ko!" ani niya at muli akong siniil ng yakap. Mabuti nalang at tago ang lugar na ito para walang makakita sa amin.

Ang totoo ay hindi ko na alam kung nasaan ako. Basta nagtatakbo lang ako kanina para mawala sa isip ko ang sakii.

Humikbi si Yago, "I'm sorry, Hades, I'm sorry talaga." Paghingi niya ng tawad habang hinimas-himas ko ang buhok niya at tumango.

Napalunok ako ng laway, "Wala na yun Yago, naiintindihan ko naman ang gustho mong thabihin at gawin. Naiintindihan kita at pinapatawa na kita." ani ko kahit nahihirapang huminga.

Ilang segundo kaming nanatiling magkayakap nang may tumawag sa pangalan ko.

"Hades...?"

Natigilan kaming parehas sa pamilyar na boses. Kumalas kami sa yakap at agad nanlaki ang mata ko. Nabalot ako ng panibagong kaba. Ang tanga-tanga mo talaga Hades! Nalimutan mo na may boyfriend kana!

"Andito ka lang pala," naglipat siya ng tingin kay Yago, "kasama siya." ani ni Drake at ngumiti nang mapait. Nang talikuran kami nito at naglakad palayo ay agad ko siyang hinabol.

"Drake? Drake thandali lang!" Pagtawag ko sa kaniya habang hinahabol ito. Pero dahil sa haba ng kaniyang mga binti ay mas malalaki ang kaniyang hakbang.

Ang tanga ko talaga!

Bakit ko siya kinalimutan?! Mali 'to! Maling mali! Mali ang lahat ng ginawa ko! Dapat inisip ko siya. Pero hindi! Nagpadala ako sa damdamin ko. At hindi na alala na andito lang din pala si Drake at pwede niya kaming makita. At nangyari na nga! Alam ko na sobra-sobra ang sakit na nararamdaman niya ngayon at kasalanan ko lahat ng 'yon. Kasalanan ko kung bakit niya nararamdaman yung sakit na 'yon.

Nahabaol ko siya sa wakas, "Drake thandali!!" Buong lakas ko siyang hinigit at iniharap sa akin. Halos manlumo ako nang makita ang kaniyang hitsura. Naghalo ang galit, lungkot at pagka dismaya sa kaniyang mukha. Kung tingnan niya ako ay animo'y anumang oras ay maari niya akong suntukin dahil sa galit.

Napalunok ako ng aking laway, "D-Drake, mag papaliwanag ako." Basag kong turan, narinig ko siyang tumawa ng mapait. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago napatungo at umiyak dahil sa takot at lahat-lahat. Alam ko yung kasalanan ko. Siya yung andiyan sa akin noong mga panahon na parang bibigay ako dahil sa kalungkutan. Siya yung andiyan kapag nagkakasakit ako, kapag kailangan ko ng tulong. Siya yung nag-aalaga sa akin. Siya yung nagsisilbing balikat ko kapag kailangan ko ng sandalan. Tapos ngayon, itinapon ko lang lahat ng iyon dahil lang nagpadala ako sa aking nararamdaman.

Suminghal ito, "Okay, mag paliwanag kana." ani niya sa isang diretsong tono ng boses at agad akong nag angat ng tingin at pinahid ang mga luha ko.

"Drake... 'yung nakita mo, wala 'yon. H-Humingi lang ng tawad tha akin thi Yago. Wala 'yon Drake. Ikaw pa rin...---" Paliwanag ko habang naginginig pa ang aking boses, inabot ko ang kaniyang braso at hinimas himas iyon. Pero pinag taasan niya ako ng kilay.

Pinagtaasan niya ako ng kilay, "Ako pa rin ang...?" Seryoso niyang tanong. Natigilan ako at napasinghot.

"Ang... ang b-boyfriend ko." Nabasag ang boses ko at muling napa-iyak.

Narinig ko siyang tumawa nang mapait bago niya hinigit palayo ang kamay niya, ilang segundo siyang tahimik, hindi ko alam kung ano ang kasunod niyang gagawin, hindi ko alam na baka ilang sgeundo mula ngayon ay may kamao na lumapat sa pisnge ko, ang tanging nagawa ko lang ngayon ay tumayo sa harap niya at paglaruan ang aking mga kamay.

"AHHH!!" Napa-igtad ako at nag-unahan na umagos ang aking mga luha nang bigla siyang sumigaw na siyang ikinagulat at takot ko. Tinalikuran niya ako at napahilamos sa kaniyang mukha.

Galit na galit at nang gigigil siya sa kaniyang sigaw. Puno ng puot at galit. Habang ako ay nanatiling naka tayo doon at umiiyak.

Muli siyang humarap sa akin at napapikit ako dahil sa pag-aakala kong susuntukin niya ako. Pero hindi, pagmulat ko ay ilang pulagada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

Malalim ang mga hinga niya at halatang nagpipigil ng galit.

"Kung boyfriend mo ako, bakit hirap na hirap kang sabihin? Bakit hindi mo masabi nang diretso at kailangan pa kitang tanungin kung ano mo ba talaga ako!?" Napa-igtad ako nang itaas niya ang kaniyang boses at bagong pangkat ng mga luha ang umago sa pisnge ko.

Lumayo siya at napahilamos. Napapameywang siya at tumingin sa kawalan.

"Sabihin mo nga Hades, ginawa mo lang akong pampahilom ng sugat mo diba? Ginamit mo lang ako para makalimutan mo si Yago! Diba Yago?!" Sigaw niya at walang tigil akong umiling habang nilalamon ako ng konsensya ko.

"D-Drake hindi, hindi 'yan totoo. Hindi kita ginamit para makalimutan si Yago-"

"Sinungaling! Ramdam ko Hades! Ramdam ko na na-apektuhan ka pa rin kay Yago! Ramdam ko at kita ko! Ang mga paglungkot ng mata mo tuwing andyan si Yago! Kapag mababanggit yung pangalan niya, apektado ka pa rin! Kahit ilang beses mo na itanggi! At nasasaktan ako! Nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan ka dahil sa kaniya!" Putol niya na naghihimutok sa galit, naisara ko ang aking labi at napakagat dito.

"Putangina naman Hades, ramdam na ramdam ko yung pagka-useless boyfriend ko sayo! Ramdam na ramdam ko na napakawalang kwenta ko dahil hindi kita magawang mapasaya gaya ng kung paano ka niya pasayahin noon! Ramdam na ramdam ko na hindi ko kayang ibalik yung dating ngiti mo kapag kasama siya! Ramdam na ramdam ko na kahit anong gawin ko, apektado ka pa rin! Hades sinubukan ko diba!? Sinusubukan ko! I'm always there for you, I'm always the one taking care of you! Pero kahit anong gawin ko, kahit kailan, I would never be the same level as Yago! Talented, sweet, kaya kang patawanin! Kaya kang pakiligin! I feel so... I feel so dumb." Halos ibulong na niya ang kaniyang huling sinabi bago nagsimulang bumuhos ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisnge. Mahihinang hikbi ang kumawala sa aking labi nang magtakip siya ng kaniyang mata at doon ay mas lalong umiyak.

Hindi 'yon totoo Drake, oo naapektuhan ako, pero hindi kita ginagamit. Hindi ako manggagamit. Pakiramdam mo lang iyon pero hindi!

Ilang segundo ang nakalipas at inalis niya ang kaniyang kamay mula sa kaniyang mata at nagpahid ng luha bago huminga nang malalim, "Yung nakita ko kanina? Wala lang 'yon?! Pero kung yakapin niyo ang isa't isa ay parang wala nang bukas! Tapos wala lang 'yon?! You feel so relieved and relaxed in his arms! Your expression says it all! That finally! Finally!! Nayakap mo na ulit siya! Your arms wrapped around him and his arms wrapped around your body! Your chin on his shoulders! Hindi ako tanga Hades! Hindi ako tanga para isipin na wala lang lahat ng yun!" Sigaw niya na nag-aapoy sa galit, hindi ko naman siya masisi kung nararamdaman niya ang lahat ng iyon, tanging mga hikbi lang at pag-iyak ang nagagawa ko na sagot sa kaniya.

Kahit nahihirapan nang huminga, kahit ang aking ilong ay barado na, pinilit kong magsalita, "Thorry Drake, thorry kung dahil tha 'kin nararamdaman mo 'yan" Nanghihina kong turan, nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

"Para tha ikatatahimik natin, maghiwalay na tayo. Thimula ngayon hindi mo na ako kailangang intindihin at alagan, hindi mo na ako rethponthibilidad." Sinubukan kong hindi mautal o mabasag manlang ang boses ko.

Nag-angat siya ng tingin, "Aminin mo Hades, mahal mo pa rin si Yago diba? Si Yago pa rin diba? Pagkatapos nito, babalik kana kay Yago, tama ba?" tanong niya, muli akong napakagat sa aking labi bago uaty-utay tumango. Narinig ko siyang nanggigil at nagpapadyak sa lupa.

"Minahal mo ba talaga ako Hade--"

"Oo! Oo Drake! Minahal kita! 'Wag mo naman thanang pagdudahan 'yon!" Putol ko sa kaniya.

"Kung oo bakit ganito?! Bakit masakit?! Bakit nasasaktan ako?! Bakit nangyayari 'tong kaputanginahan na 'to!?" Singhal niya, nabasag pa ang boses niya sa huli niyang salita.

Napahilamos ito sa mukha.

"Punyeta naman Hades! Ako yung andito! Ako yung andyan sa tabi mo noong wala siya! Ako yung nag-alaga sayo noong mga panahon na pinapabayaan mo ang sarili mo dahil sa kaniya!" Sigaw niya habang dinuduro-duro ako.

Natahimik kami pansamantala habang nakatingin sa mata ng bawat isa. Ramdam pa rin ang tensyon at init ng paligid. Maski ang pag-iyak ni Drake ay may mga tunog na rin. Parehas namin pinapakalma ang aming nga sarili. Dahil ang kanina ay bagay na talagang nakakapagod para sa puso.

"Hades..." Tawag niya at napa-angat ako ng tingin. Mahina ito at kalmado hindi gaya ng kanina.

"Bakit naman ganito? Ako ang andito para sa iyo ng nga panahon na wala siya. Ako ang nagbantay at nag-alaga sayo. Pero bakit pakiramdam ko ay wala lang ang lahat ng yun?" tanong niya na ngayon ay bahagya nang kalmado.

Umiling ako "Drake, h-hindi. Lahat ng ginagawa mo, hindi 'yun wala lang tha akin. Pinahahalagahan ko lahat ng ginawa mo. Yung mga pag-aalaga at pag-intindi. Hindi yun wala lang." Paliwanag ko sa kaniya, gusto ko na tumigil siya sa pag-iisip na hindi ko manlang siya pinahalagahan. Gusto ko na itigil niya ang pag-iisip na yung mga ginawa niya ay wala lang sa akin.

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti ngunit bakas na bakas dito ang kalungkutan.

"At least ngayon okay na kayo, at least ngayon magiging masaya na ulit kayo. Kung bibitaw ka sa akin. Saan pa ako hahawak? Wala na akong dahilan para kumapit pa sa nararamdaman ko." Malungkot niyang turan. Ngumiti muna siya bago umalis na at iniwan ako doon na umaagos ang mga luha sa pisnge.

Napaluhod ako at doon at umiyak. Nasaktan ko si Drake, kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan ngayon. Ako ang dahilan kung bakit umiiyak siya at umalis na may bigat na dinadala.

Tahimik akong umiiyak doon habang yapos-yapos ang tuhod ko nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino 'yon.

Lalo akong naiyak nang makita si Yago. Agad akong napatayo ay niyakap siya.

"Wala na, wala na kami ni Drake. Nathaktan ko thiya Yago. Umiiyak thiya..." Ani ko habang umiiyak sa balikat ni Yago.

Naramdaman ko ang mga paghimas niya sa likod ko na kahit papaano ay nakabawas sa bigat na nararamdaman ko.

"Iiyak mo lang yan. Andito na ako, andito na ulit ako. Hindi na kita iiwan Hades, hindi na." Bulong niya sa tenga ko, napahigpit ang hawak ko sa likod niya at tila ay bumabaon ang mga daliri ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko ay malungkot ako pero masaya dahil nagbalik na kami sa dati ni Yago. Pero kay Drake, na gui-guilty ako. Hindi niya deserve yung sakit. Hindi ko siya deserve. Masyado siyang mabait para saktan ko lang. At ang sama-sama ko para saktan siya. Hindi ko naman talaga siya ginamit. Pero totoo na si Yago pa rin ang gusto ko. Yun nga lang ay noong mga panahon na sinagot ko siya ay naghahanap din ako ng atensyon at alaga kaya ko siya sinagot. Pero lahat ng ginawa niya ay pinahalagahan ko. Mula sa paggising sa akin sa dorm hanggang sa pag sa-sabi ng goodnight.

-----

a/n: tanga nila 'no? I know, I know, HAHAHAHAH, mention the huh moments nalang, medyo puyat pa ako habang nag-eedit

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co