Chapter Forty-One
Cai's POV
"Lux, may problema ba?"
Tinitigan ko si Lukas, napakunot ang noo ko nang mapansin na hindi ako nito pinapansin o sinasagot manlang. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi bago siya tinapik nang bahagya sa kamay na ikinagulat niya.
"Hmm? Why?" tanong niya at napabuntong hininga ako.
"Wala naman, napapansin ko lang kasi na tahimik ka kanina pa. May problema ba?" tanong ko ulit.
Nginitian niya ako at umiling. "Wala naman, natahimik lang talaga ako dahil sa research namin." sagot niya at tumango ako.
"Alam ko naman na kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa!" Masaya kong turan na parehas namin ikinatawa.
"Sana nga, naiinggit lang siguro ako sa gawa nila Lora. Talagang napag-aralan yung sa kanila." sagot niya at napatango pa ito.
Muli kong inabot ang kamay niya na nakapatong sa lamesa at hinimas-himas ito. Nag-angat siya ng tingin para tingnan ang kamay niya. Napangiti siya at maya-maya ay ikinulong ang isa kong palad sa dalawa niya.
"Don't compare your works with others. No matter what, pinaghirapan niyo pa rin yung sa inyo." Malumanay kong turan, nag-angat ng bahagya ang gilid ng kaniyang labi.
"I know, same sa research niyo, balita ko maganda rin 'yon. Ano mang mangyari doon, andito lang din ako. Kung malungkot ka man sa kalalabasan, I'm here to be your shoulder. Pero siyempre, 'wag mo masyadong damdamim, remember your condition." Itinuro pa niya ang puso ko na parehas namin ikinatawa.
"Yeah, oo na, mabuti nga hindi na ako ganoon nagiging emotional gaya ng dati." ani ko at napahagikhik kami.
"Cause I'm here na..." ani niya at hinimas-himas ng hinlalaki niya ang isang parte ng kamay ko.
"And I'm thankful to have you." I sincerely said and smiled at him.
Kitang-kita sa mga mata namin parehas ang saya dahil kasama namin ang isa't isa. We hadn't made or relationship official yet, pero parang ganun na rin kami sa isa't-isa.
Yun nga lang ay walang label, bukas, sabado, lalabas daw kami. Pupunta kami sa SM, kaya bukas ko na rin itatanong kung ano na ba talaga kaming dalawa.
"Hindi ba si Trixie yun?" Turo ko sa labas ng restaurant na kakainan namin ni Lukas.
Naramdaman ko ang biglang pagbitaw ng mga kamay ni Lukas sa kamay ko.
"Bibili lang ako ng milktea, ha? Dito ka lang." Paalam niya bago tumayo. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango at mag hintay sa kaniya dito sa loob ng restaurant.
Mabuti nalang at wala pa yung order namin. Kinuha ko ang cellphone ko at doon ay nag scroll muna sa social media. Pero tila hindi ko maalis sa aking isipan ang mukha ni Trixie kanina.
May kakaibang ekspresyon sa mukha niya. Nahuli ko rin itong nakangisi habang nakatingin sa amin. Sa oras din na nagpaalam na lalabas si Lukas para bumili ng milktea ay saka rin ito umalis.
Nakakapagtaka lang, tila ba ay may ipinahahayag ang ekspresyon niya kanina. Medyo naiinis din ako dahil bakit kailangan pa niya kaming panoorin?
"One spaghetti with chicken, one carbonara with chicken and one double patty burger." Nagulat ako nang biglang dumating ang waitress at inihain na ang mga order namin.
Hinayaan ko lang siyang ayusin ito habang sinisilip ko si Lukas kung pabalik na ba ito o hindi.
Ilang minuto na rin ang nakakalipas. Hindi ko naman pwedeng iwan dito ang mga gamit namin o yung pagkain. Kaya kahit naiinip na ako ay inintay ko siya.
Makalipas ang halos 15 minutes ay bumalik siya dala-dala ang dalawang large na milktea.
"Sorry, ang dami kasing bumibili." ani niya at tumango lang ako, itinago ko na ang phone ko at kumain na kami.
"Gaya ba ng dati? Manonood tayo ng sine tapos arcade?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami.
"Well yes, kung may magandang panoorin. Balak ko din mamili ng konting gamit lang sa bookstore. And sa Cyberzone." sagot niya at tumango ako,
"Anong bibilhin mo sa Cyberzone? Phone? Case? Headset?" tanong ko at umuling siya.
"Nagpapabili ng speaker si Lora. Hindi ko alam kung para saan pero it's either sa dance studio niya or music studio." Bahagyang nanlaki ang bata ko dahil sa hindi makapaniwala sa narinig ko.
Nagkekwentuhan kami ni Lukas habang kumakain nang napalingon ako sa may glass wall. Napakunot ang noo ko nang makita si Trixie na may hawak na milktea at Potato Corner. May hawak din itong phone na agad niyang ibinaba nang magtama ang paningin namin.
Bumalik ako ng tingin kay Lukas na busy sa pagkain. Nagtagpo ang paningin namin at nginitian ako nito kaya nawala na sa isip ko si Trixie.
Tumayo si Lukas para kumuha ng extra tissue, napakunot ang noo ka nang may makita sa bangko na inuupuan ni Lukas. Resibo ba 'yon? Ng potato corner?
"Susunduin kita bukas, okay? Hintayin mo ako." ani niya pag balik at tumango ako.
Natapos kaming kumain at umalis na sa Town Center. Tumingin ako sa orasan ng aking relo. It's 6:30pm already. Buti nalang at nakapagpaalam ako kila mama.
"Sakay na," ani ni Lukas habang hawak-hawak ang pinto ng sasakyan. Ngumiti ako bago pumasok sa loob. Isinara niya ang pinto at umikot sa kabilang side para makapasok.
"Sa bahay ni Cairo, Lux?" tanong ni Kuya Bong nang makasakay si Lukas.
Tumango si Lukas, "You know it kuya!" Pabirong sagot ni Lukas na ikinatawa naming tatlo.
Dahil malayo-layo ang bahay namin sa Town Center ay nakatulog ako. Medyo nakakapagod din kasi 'tong araw na 'to. May presentation kami kanina na pinagpuyatan ko pa kaya naman talagang pagod na pagod ako at kulang pa sa tulog.
"Cairo, wake up, andito na tayo." Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Lukas. Utay-utay akong nag-ayos ng upo mula sa pagkakaunan ko sa balikat niya.
"Sorry..." Agad kong turan at kinuha ang bag ko.
"No it's fine, basta bukas ha? Susunduin kita." Bilin niya ulit at tumango ako bago lumabas. Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang pumasok ng bahay.
"Kumusta, anak?" tanong agad ni mama nang makapasok ako sa bahay.
"Ayos lang po, hindi na po ako maghahapunan. Kumain na po kami ni Lukas sa labas." ani ko at tumango si mama.
Dumiretso ako ng kwarto at doon ay nagtanggal ng sapatos at medyas. Kumuha ako ng pantulog at muling bumaba para maglinis ng katawan.
Nang matapos ako ay bumalik na ako sa taas at naglagay ng mga pampahid sa mukha na binili sa akin ni mama noong minsan. Nang matapos ako sa aking skincare ay inasikaso ko ang mga gamit ko at inayos ang mga notebook sa bawat subject na mayroon kami sa lunes.
Inihiwalay ko na rin ang notebook na may mga assignment na gagawin ko mamaya. Kinuha ko ang string bag ko na gagamitin ko bukas at doon ay inilagay ang mga simpleng bagay na kailangan ko gaya ng bench n bath at wallet.
"Dadalhin paba kita?" tanong ko sa maliit na lagayan ng gamot ko.
Nagkibit-balikat ako "Wag naman sana, pero dadalhin na rin kita." ani ko at saka itinapon sa loob ng bag ang maliit na garapon ng gamot.
Matapos 'yon ay saka ako gumawa ng assignment at natulog na.
"Cairo! Gumising kana raw!"
Utay-utay kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko kasi ito maimulat nang maayos dahil sa sinag ng araw na natama sa mukha ko.
"Kumain kana raw at maligo kasi andito na si Lukas." Nanlaki ang mata ko at agad napabangon.
"Si Lukas?! Andito na?! Hala! Anong oras na ba?!" Taranta kong dinampot ang cellphone ko at tiningnan ang oras.
"Alas otso na ho ng umaga, otoy!" sagot ng pinsan ko, tumayo ako at kinuha ang towel bago dali-daling bumaba.
Wala na akong pake kung nasa sala ba si Lukas o saan. Basta dire-diretso ako ng lakad sa banyo at naligo.
Matapos ang ilang minuto nang pagbibilis-bilis maligo ay natapos ako. Pinupunasan ko na ang sarili ko ng towel at ibabalot na sana ito hanggang sa naisip ko na dapat ay sa banyo na ako nagbihis. Kasi maglalakad pa ako sa sala at ibabang parte lang ng katawan ko ang nababalot. Ibig sabihin makikita ni Lukas ang pang-itaas kong katawan.
"Ang tanga Cairo, grabe!" ani ko sa aking sarili, nakita ko ang hinubad kong t-shirt at iyon ang ipinangtakip sa katawan ko at lumabas.
Gaya ng iniisip ko kanina ay nasa sala si Lukas, nanonood ng balita. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya nagbaling ang tingin ng mata niya sa gawi ko na agad din niyang ibinalik sa TV. Hinigpitan ko tuloy ang hawak ko sa towel at t-shirt na nakatabing sa katawan ko.
Napa-ngisi siya, "Hindi kita tinitingnan," ani niya habang nanonood.
Napa-singhap ako, "Sus! Ewan ko sa 'yo, magbibihis lang ako, mabilis lang." ani ko at agad umakyat at nag-bihis.
Simpleng itim na pantalon at itim na t-shirt lang ang suot ko. Pinaresan ko rin ito ng itim na converse. Nilubos-lubos ko na ang black theme ko today.
"Wala na kaya akong nalimutan?" tanong ko sa sarili ko habang sinusuklay ang buhok ko.
"Wala na suguro." sagot ko at inilapag na ang suklay at saka dinampot ang string bag ko at bumaba.
"Ma, aalis na po kami." Paalam ko, mula sa kusina ay sumulip si mama.
"Sige anak, ingat, muah!" Nag flying kiss pa si mama na ikinatawa ko. Siyempre bilang mabuting anak, ibinalik ko din ito.
"Opo, muah!" Napahagikhik kami ni mama bago kami tuluyang lumabas ni Lukass sa bahay.
"Let me guess, hindi ka pa kumakain?" tanong sa akin ni Lukas habang nasa sasakyan kami. Nag-angat ako ng tingin mula sa cellphone ko at tumango.
"Saan mo gusto mag breakfast? Starbucks? Café Clutch? Or-"
"McDo nalang, masarap ang kape doon." Putol ko sa kaniya, nagpatango-tango siya at umayos ng upo.
Maya-maya ay nakarating na kami sa SM. Gaya ng dati ay binibigyan ni Lukas ng pera si kuya Bong para sa maghapon.
"Sure kang ayaw mo sa Starbucks?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang McDo.
Umiling ako "No, mahal doon." sagot ko, narinig ko ang pag saltik ng dila niya.
"Libre ko naman ehh." Pagmamaktol nito, tiningnan ko siya at agad itong natigil.
"Yun na nga, libre mo tapos mahal doon, masarap sa McDo." ani ko at tuluyang na kaming pumasok sa McDo.
"Ano order mo?" tanong niya habang nakatayo sa likod ng bangko sa harap ko.
"Isang chocolate coffee, tapos pancake with chicken." ani ko at tumango siya.
Umalis na siya para um-order at ako naman itong kinuha ang cellphone ko at naglibang ng sarili habang hinihintay si Lukas.
Ilang minuto ay bumalik na siya dala-dala ang kape ko at ibang pagkain.
"Maya-maya lang daw yung sayo." ani niya at tumango ako. Ipinatong niya ang kape sa harap ko at umalis para ibalik ang tray.
Dadamputin ko na sana ang kape ko para uminom nang hawakan niya ang pulso ko.
"Wala ka pang kinakain, masama 'yan." Pigil niya, napa-irap ako bago tumango at inilapag ang kape.
Hindi muna siya kumain at inintay na dumating ang akin. Kaya naman nang i-serve na ang order ko ay parehas na kaming pasal kumain.
"Kung bitin ka sa gravy, unli and gravy dito." ani ko, nag-angat siya ng tingin. Bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kaniyang mga mata. Hindi ito sumagot at tumayo lang.
Maya-maya ay bumalik ito, dala-dala ang isang baso ng gravy na ikinahagalpak ko ng tawa.
"Ssshh! Don't mind me, I'm just addicted to this gravy." ani nito bago inilublob ang manok sa gravy.
"Pahingi naman ako." Sasawsaw na sana ako nang biglang hatakin ni Lukas ang baso.
"Kumuha ka ng sayo." Pagdadamot nito na parang bata.
Napa-irap ako, "Sige na! Isa lang!" Palapit ako nang muli niya itong inilayo.
"Suko na ako, bahala na." ani ko bago sinaid ang natitirang gravy sa lagayan ko.
"Masarap ba 'yang kape-"
"Yes! Pero di kita bibigyan. Hindi mo nga ako binigyan ng gravy mo, layuan mo kape ko." Putol ko agad sa kaniya. Napakamot siya sa ulo bago nanahimik.
Natapos kaming kumain nang mag a-alas diyes. Pagka-alis namin sa McDo ay sa sinehan na agad kami dumiretso.
"Ito ba?" turo niya sa isang movie advertisment, napairap ako.
"You see, 21+ dapat, ilang taon kana?" tanong ko, nag-isip isip muna siya..
"20," Sagot niya at tumango ako.
"Ako lang ang 21 sa ngayon. Mas mataas ba ang 20 kaysa sa 21?" tanong ko at umiling siya, parang bata na nakanguso.
"See, hindi tayo pwede manood niyan." ani ko at hinintayang sunod na movie ad.
"Susko naman! Nanonood nga kami ng p-"
"Ssshhh!! Lukas ano ba!" Saway ko sa kaniya at tinakpan ang bibig niya, nanlaki ang mata niya at agad inalis ang kamay ko sa bibig niya.
"Ano ba Cairo? P-"
"Ssshhh!! Lukas ba! Ang bastos!" saway ko ulit napatawa siya.
"Palabas, nanonood din kami ng palabas na may warning. Pero hindi naman ganoon kasama." ani niya at napa-irap ako. Pero ang totoo ay bigla akong nahiya. Kala ko naman kung anong 'P'.
"Kahit na! 'Yan nalang kaya! Comedy!" turo ko sa monitor.
"Feeling ko action 'yan." ani niya habang pinanliliitan ng mata ang monitor.
"Na may halong comedy." Dagdag ko, tumango siya bago umalis sa pwesto.
"Bibili na ako ng dalawang ticket." ani niya at naglakad papunta sa cashier at agad ko rin siyang sinundan.
Buti nalang at iilan lang ang nasa pila. Nakabili agad ng ticket si Lukas at nakapasok agad kami dahil nagsisimula na ang palabas.
"May nagtitinda kana bang nakita? Gusto ko popcorn, ha." ani ko habang pinapanood ang simula ng movie.
"Wala pa, tsaka malamang ay popcorn ang tinitinda dito sa loob." sagot niya at napa-ismid ako.
Maganda ang flow ng story. About siya sa women empowerment. Mostly action pero may halong comedy.
Paminsan-minsan ay napapamura ako sa gulat, "Ay tanga!" Agad akong napatakip sa bibig ko. Natawa naman si Lukas habang ako ay nag so-sorry sa mga katabi namin.
"Oh pop corn..." Sa kalagitnaan ng palabas ay hindi ko namalayan na may popcorn na palang nabili si Lukas. Agad kong kinuha ang lagayan at kinandong ang popcorn.
"Hindi ko gaanong na gets yung movie." Bulong sa akin ni Lukas nang makalabas kami sa sinehan.
Agad ko siyang nasiko "Hindi ka kasi nag fo-focus." Bulong ko pabalik.
"Muntik na nga ako makatulog." Bulong niya ulit na ikinahagikhik namin, sumakay kami ng escalator pababa ng 2nd floor.
"Ako rin." sagot ko at napahagalpak na kami ng tawa.
"At least, ako naintindihan ko." Pagmamayabang ko, nakababa na kami at naglakad-lakad.
"Sige na, fine, ako na ang walang focus- oh, gusto mo sa Miniso? Cute ng stuff toys, oh." Parehas kaming napatigil sa tapat ng Miniso. Nakaturo ka siya rito, tumango nalang ako at pumasok na kami sa loob.
Agad akong dumiretso sa mga stuff toys. Ang lalambot! Hindi siya katulad ng ibang stuff toys na mabalahibo. Para silang mga marshmallows sa lambot. Naagaw ang attensyon ko ng dalawang stufftoy. Isa itong ice bear at grizzly bear
Hindi naman si Ice bear at Grizz na ansa cartoon.. Yung ice bear mukhang babae kasi may ribbon na pink. At yung grizzly bear naman ay may hat na blue. Napangiti ako sa hitsura nito. Pwede naman naming paghatian nalang ni Lukas yung pambayad.
Niyapos ko na ito at hinanap si Lukas. Dahil sa tangkad namin parehas ay agad ko siyang nakita. Halatang-halata kasi siya kahit madami ang tao. Nag do-dominant siya dahil sa tangkad niya. At siyempre dahil matangkad din ako ay hindi ako natatakpan ng mga tao.
"Uy! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya nang matagpuan siya sa may mga speaker at inihahanap na ng speaker ang pinsan niya.
"May nahanap kana ba?" Tanong niya at tumango ako, itinaas ko ang stuff toy na napili ko.
"Hati nalang tayo sa pambayad." Nakangiti kong turan, umiling siya at may dinukot sa likod.
"Bayaran mo na, card ko na gamitin mo. Ako na bahala." ani niya bago ini-abot sa akin ang kaniyang card.
Nanlaki ang mata ko, "Pero Lukas-"
"No buts! Go na, pupunta pa tayong cyberzone, then we'll eat." Putol niya sa akin, napasimangot ako bago kinuha ang card niya.
Pumunta ako sa cashier at nagbayad na. Nakikita ko pang patingi-tingin sa 'kin ang nasa cashier na medyo ikina-inis ko.
"Thanks for coming to Miniso sir." ani niya at tumango lang ako. Nakita ko si Lukas na naghihintay na sa labas kaya pinuntahan ko siya.
"Cyberzone?" tanong ko at tumango lang siya. Umakyat ulit kami ng third floor kung saan na kami galing kanina.
"Diba dito cyber zone?" Turo ko sa may kanan at tumango siya. Naglakad-lakad pa kami hanggang sa makapasok kami sa cyberzone.
"Nag text si Elora kung anong speaker ang kailangan niya" ani ni Lukas at tumango ako. May pinuntahan kaming isang shop pero ang daming tao rito kaya hindi na kami tumuloy.
Naglibot-libot pa kami hanggang sa may makita kaming speaker kagaya ng ipinabibili ng pinsan niya.
"3 thousand po sir, may free na USB na rin po siya and one year warranty." sagot ng staff at tumango ako, si Lukas ay parang hindi naman nakikinig dito.
Nilingon ko ito, "Ano? Magkano ba ang bigay ni Lora?" tanong ko kay Lukas.
"6k," Maikili nitong sagot at tumango ako,
"Ito na bibilhin mo? Ito naman na raw talaga ang gusto ni Lora, diba?" Tanong ko,
Tumango si Lukas, "Oo, 'yan na kunin natin." sagot ni Lukas at tumango ako,
Natapos kaming bumili ni Lukas ng speaker. Buti nalang at hindi ito ganoon kalaki para mahirapan siyang magbuhat habang naglalakad-lakad kami.
"Tara lunch." Aya ni Lukas at tumango ako.
Napagdesisyunan namin na sa McDo mag lunch. Pero request talaga ni Lukas 'yon. Dahil nasarapan daw siya sa gravy.
Si Lukas ay chicken pa rin ang inorder habang ako ay rice bowl nalang. Habang kumakain ay katabi ko ang speaker para hindi ito makalimutan.
"Asan nga pala si Lora ngayon?" tanong ko habang kumakain kami, medyo nilakasan ko din ang boses ko dahil dumadami na ang tao.
"Nag stay siya sa dorm, kasama si Sofia at Athena." sagot niya nang hindi manlang nag-aangat ng tingin.
Natigilan ako sa sinabi niya at tahimik na muling kumain. Maya-maya ay nakita ko ang utay utay na pag-angat ng kaniyang ulo.
"S-Sorry... hindi ko-"
"No it's fine, ikaw naman. Okay lang sa akin." Putol ko sa kaniya habang naka ngiti.
"Sure ka?" tanong niya at tumango ako.
Natapos kaming kumain at pumunta kami sa arcade at doon ay nagpalipas ng oras. Mukhang wala sa side namin ngayon ang mga tickets kaya para sa 500 pesos na halaga ng tokens ay kakaunti lang ang nakuha naming ticket.
Pagkatapos namin sa arcade ay nawala na kaming ideya na gagawin. Kaya kahit alas tres palang ng hapon ay balak na naming umuwi.
"Gusto mo ng milktea? Or drinks sa Starbucks?" tanong niya habang naglalakad kami papalabas na ng mall.
"Milktea nalang siguro, sakto dadaan tayo sa Cha Time." ani ko at tumango siya,
"Upo ka muna rito, hintayin mo ako, okay?" Bilin niya at tumango ako, naupo ako sa may hagdan malapit sa exit ng SM.
Nasa akin ang speaker at ang stuff toy namin ni Lukas kaya todo ingat ako. Baka malingat lang ako sandali ay wala na ang speaker.
Napakunot ako nang makita ang pamilyar na postura. Sinipat ko ba iyong mabuti para makita ang mukha nito.
Ngunit sa segundo na humarap sa gawi ko ang may ari ng katawan ay bigla akong nainis.
Si Trixie nanaman, diba taga San Pablo ang layo naman ng narating niya? Busy siya sa kaniyang cellphone at tila may hinahanap kaya hindi niya ako nakikita.
Maya-maya ay umalis na ito at hinayaan ko. Hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras sa kaniya.
Makalipas ang lagpas 20 minuto ay nakabalik si Lukas dala ang dalawang milktea habang naka singit sa daliri niya ang resibo.
"Salamuch..." Pabiro kong turan bago kinuha ang milktea sa kamay niya na kasama ang resibo. Aksidenteng nabasama ang resibo pero hinayaan ko na at inisilid nalang ito sa bulsa ko.
"Tara na?" Tanong niya at tumango ako.
Lumabas na kami ng SM at tinawagan na niya si kuya Bong.
"Ayan na pala eh." Turo niya sa paparating na puting sasakyan. Muli niyang binuhat ang speaker at sumakay na kami nang tumigil si kuya Bong sa harap.
Buong biyahe na tahimik lang kami. Si Lukas busy sa cellphone niya at maski ako.
I am scrolling through my feed nang mapatigil ako sa isang post. Ngayon ko lang nalaman na fino-follow ko pala siya.
It's a post form Trixie, a picture of a milktea from Cha Time as well. Napatingin tuloy ako sa milktea na hawak ko. Buti nalang ay kahit papaano hindi kami magkapareho ng milktea na inorder.
Hindi ko nga pala sinabi kay Lukas kung anong gusto ko, but at least he got the right one.
"Andito na tayo." Masayang turan ni kuya Bong.
Agad kong naitago ang phone ko at inayos ang mga dala kong gamit. Hinalungkat ko sa bag ng miniso ang grizzly bear at iniwan sa bangko ni Lukas. Maya-maya ay bumukas ang pinto sa side ko at bumaba na ako.
"Thank you, ha. I really had a great time." Ani ko at ngumiti lang si Lukas dahilan para lumabas ang lubo niya.
"Wala 'yon... basta ikaw..." Biro niya at natawa kami.
Natahimik kami paamantala, nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at hinigpitan ang hawak sa bag ng miniso.
"Iniwan ko nga pala yung grizzly bear sa bangko mo. Sayo 'yon, tapos akin yung ice bear... couple sila, ha! Baka sirain mo naman si grizzly, iingatan ko si ice bear." Pabiro kong turan at natawa siya.
"Sure, I'll take care of him. Kawawa si icy kapag nasira ang grizzy niya." sagot niya at muling ngumiti, nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at hinagod ang buhok ko patalikod.
"Kung silang dalawa... couple. Tayo? Ano ba tayo?" I finally asked, tila natigilan siya sa tanong ko at napakamot sa ulo.
"Okay lang naman kung hindi tayo couple, okay lang na walang lab-"
"We're boyfriends, you're mine and I'm yours, okay? I'm your boyfriend now, and you're my boyfriend too, okay?" Putol niya sa akin at natigilan ako, nahulog ang panga ko at utay utay tumango..
"Okay, boyfriend na kita, okay." ani ko at ngumiti kahit ang totoo ay pakiramdam ko'y matutumba ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang awkward na ng atmosphere.
Tila ay dinadaan-daanan nalang kami ng hangin at parehas kaming na estatwa.
"P-Papasok na a-ako... byee!" Nauutal kong turan habang itinuturo ang bahay, bahagyang nanlaki ang mata niya at tumango.
"Sure... bye!" ani niya bago pumasok pabalik ng sasakyan. Bago niya saraduhan ang pinto ay ngumiti muna siya at umalis na ang sasakyan niya.
Pumasok ako ng gate at napaharipas ng takbo sa loob ng bahay. Hindi ko pinansin ang pinsan ko na nanonood ng TV at umakyat na agad sa kwarto. Isinara ko ang pinto bago itinapon ang sarili ko sa kama..
"Ahhh!! Kami na!! Kami na!!" sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Nagwala pa ako sa kama dahil sa kilig dahilan para hapuin ako.
Inalis ko Ang unan sa mukha ko at naghabol ng hininga "Kami na, kami na, boyfriend ko na siya, shit!"
------
a/n: sabihin niyo lang if may errors hehehe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co