Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Forty-Two

_Dominous_

Hades's POV
"Hindi ba mag peperform yung banda nila Yago sa palaro?" Nag-angat ako ng tingin habang dahan-dahang hinahalo ang champorado na kinakain ko.

Tiningnan ko si Renz na agad napansin ang tingin ko sa kaniya. "Ay sorry..." ani nito at tinakpan ang bibig saka nagtaas ng peace sign.

Umiling ako habang bahagyang nakangiti,  "Ayoth lang, wala naman na akong pake tha kaniya." ani ko at tumango si Renz.

Siniko ni Rive si Renz "Oo nga naman, andito na si Drake. Hindi na big deal kay Hades si Yago, diba?" tanong ni Rive at tiningnan ako.

Agad akong tumango,  "Tama, bahala na thiya tha buhay niya." ani ko at sumubo ng champorado.

May papalapit na sport fest sa university namin. Bukod sa mga players, representative rin ng university namin ang banda nila Yago. Kasama na rin dito ang mga dance groups na gaya namin.

"Tama na ang pag-uusap tungkol sa kaniya." Seryosong sabi ni Drake na hindi manlang nag-aangat ng tingin.

Natahimik kaming tatlo, naitikom ko ang bibig ko bago sumubo ng pagkain. Bakas sa boses ni Drake ang bahagyang pagka-inis. 

"Si Renz kasi eh, tsk tsk tsk!" ani ni Rive, nanlaki ang mata ni Renz.

Napasapo sa dibdib si Renz, "Bakit ako?" ani pabalik ni Renz. Natahimik lang ako habang inuutay-utay kainin ang champorado.

Maya-maya ay biglang tumayo si Drake, natigilan kaming tatlo at sinundan siya ng tingin. Nakita kong inilagay na niya ang pinagkainan niya sa hugasan at kumuha ng tubig.

Dali-dali akong napatayo at hinabol siya. Buti nalang at patapos na rin naman ako. Inilagay ko na rin ang pinagkainan ko sa hugasan at uminom.

Hinintay pa niya akong matapos uminom bago bumalik sa table namin.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko, "Una na kami ha, byeee!" ani ko at dali-daling kinuha ang bag ko at hinabol si Drake na mabilis nag lalakad.

"Uy Drake, hintay!" ani ko nang mahabol na siya. Dire-diretso lang siya sa paglalakad at hindi manlang ako nililingon.

Hinawakan ko ito sa kamay nang mahabol ko ito, "Uy! May problema ba? Uy!" Tinapik ko ang braso niya dahilan para tumigil siya. Muntikan pa akong mabangga sa likod niya dahil sa pagtigil niya.

Bahagyang nagtaas ang magkabila nitong kilay, "Wala naman, bakit? May dapat ba tayong problemahin?" Seryoso niyang tanong, nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at umiling.

Nag-hum ito, "Yun naman pala eh." ani niya at nagsimula ulit maglakad, bahagyang nanlaki ang mata ko bago muli siyang hinabol.

"Uy thandali lang! Parang may problema, eh." Habol ko sa kaniya, muli siyang tumigil sa paglalakad.vPumunta ako sa harap niya at hinarang siya.

"Ang cold mo kanina pa. May problema, eh! Ano ba 'yon?" Nagmamaktol kong tanong, napabuga siya ng hangin bago mapait na tumawa.

"Hindi talaga siya problema, mostly it's just about me getting uncomfortable whenever your friends mention him." Nagparte ang mga labi ko bago napakunot ang noo, 

"Ano raw?! Tagalugin mo kathi." ani ko at napakamot sa ulo, natawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Ang sabi ko, hindi ko gusto kapag binabanggit ng mga kaibigan mo yung pangalan niya. Kaya kung pwede sabihin mo sa kanila na 'wag na banggitin ang pangalan niya, okay ba 'yon? Badong?" Nanlaki ang mata ko at agad inalis ang kamay niya sa ulo ko.

"Badong ka d'yan?! Tha bahay lang ako pwede tawagin nun 'no! Thaka thige na, thathabihin ko kay Rive at Renth." ani ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Edi kapag pumunta ako sa bahay niyo. Pwede na kitang tawaging Badong?" Pang-aasar niya at napairap ako.

"Tara na nga." ani ko bago hinaklit ang braso niya at kinaladkad papuntang kabilang building.

Nang makarating kami doon ay marami ng tao dahil medyo late na rin kami nag-almusal. Kaya naman wala na kaming masyadong oras para mag kwentuhan dahil maya-maya lang ay dumating na ang prof namin.

Nasa klase ako kung saan kasama ko si Drake at ganun na rin si Yago na nasa may kalayuan sa amin. Napapahikab ako sa antok at sa pagkawala ng gana kong makinig.

Mabuti nalang at ilang minuto ang nakalipas ay nag-time na at dinismiss na ng prof namin ang klase.

Napainat ako at sumilip sa binatana sa tabi ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin at tumayo. Aktong pagtayo ko at may biglang malaking bolang papel na tumama sa ulo ko dahilan para mapasinghap ako sa sakit.

"Ay, sorry..." Blankong turan ni Yago bago pinulot ang bolang papel sa harap ko. Paalis na sana si Yago nang bigla siyang harangin ni Drake.

"Sa susunod kasi mag-ingat." Bakas sa mukha at boses ni Drake ang inis. 

Tumango si Yago, "Oo pre." sagot nito bago daanan si Drake. Sinamaan ng tingin ni Drake si Yago bago tiningnan ako.

"Okay ka lang ba?" tanong niya habang hawak-hawak ang magkabila ng pisnge ko.

Nakita kong kumunot ang noo nito, "Hades may sugat ka." ani niya habang dahan-dahang hinahaplos ang noo ko na may sugat.

Napasinghap ako, "Aray!" Tiningnan niya ako sa mata at napabuntong hininga, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. 

"Tara sa likod, gagamutin ko 'yan." ani niya at tumango ako, hinawakan niya ako sa pulso at hinigit palikod.

Nang makarating kami sa likod ay binitawan niya ang pulso ko at nanatili lang akong nakatayo doon habang hinihintay siyang makuha ang first aid kit. Para akong bata doon na naghihintay sa tatay niya habang namimili.

Nang makuha niya ito ay pinaupo niya ako sa isang bangko na hinigit lang niya mula kung saan at saka nagsimulang kumuha ng mga bulak at nilagyan ng Betadine.

"Dahan-dahan ha," Bilin ko at tumango siya, hinawakan niya ang baba ko para ma-control ang mukha ko. Napatingala ako at utay-utay niyang dinampi ang bulak sa noo ko.

"U-Uy...!" Nahawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

Bahagya siyang napatawa, "Sus naman, simpleng sugat lang 'to, maka-aray ka naman!" Pagbibiro niya, nahampas ko ang braso niya at sumimangot.

"Aba! Kahit papel lang yung bola malaki 'yon at malakath naman ang pagkakatama tha 'kin! Thaka may tape yun 'no! Edi dagdag thakit!" Pagmamaktol ko at lalo siyang natawa.

Kumuha siya ng band aid at nilagay sa noo ko, "Ayan! Ayus na," Nakangiti niyang turan, inayos niya ang first aid kit at ibinalik sa lagayan nito.

Gamit ang cellphone ko ay sinalamin ko ang band aid sa noo ko. "Ano ba 'yan! Nagkathugat  panga." Inis kong turan at inilapag ang phone ko. Napatawa si Drake at umupo sa harap ko.

"Gusto mo i-kiss ko?" tanong niya at agad ko siyang nahampas sa dibdib.

Napakagat ko ang pangibaba kong labi at tumango, napahalpak siya ng tawa bago utay-utay na lumapit sa mukha ko bahagyang idinampi ang labi niya sa noo ko.

"Hanep naman na first kiss 'yan, sa band aid pa." Pagbibiro niya na ikinatawa namin parehas. Napatingin ako sa paligid at natigilan nang makita si Yago na tiningnan kami. Blangko ang ekspresyon nito pero na may kaunting inis sa mukha.

Inakit na ako ni Drake pabalik sa bangko at nagpadala nalang ako.

Natapos ang aming morning classes at nag-akit nang kumain si Drake. Pagkarating namin sa cafeteria ay walang pila dahil kumakain na ang mga ibang estudyante. Kumuha na kami ng pagkain sa counter at pumili ng uupuan.

Nang makapili kami ay umupo na kami at kumain. Habang kumakain ay may biglang kumulbit sa akin at agad akong nag-angat ng tingin.

"May practice tayo mamaya sa dance club." ani ni Cairo at napatango ako, ngumiti siya at umalis na kasunod si Lukas na boyfriend na niya ngayon.

"May practice kayo?" tanong ni Drake at tumango ako.

Gumalaw ang isang side ng labi niya, "Okay lang, may practice rin naman kami sa choir." ani niya at tumango ako habang ngumunguya.

Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos ay agad kaming bumalik sa kabilang building para magsipilyo. Sa banyo ay naunang matapos si Drake at dahil may kailangan siyang tapusin ay nauna na siyang umalis at naiwan akong mag-isa. Mula sa loob ng banyo ay may narinig ako na nag-uusap.



"Kamusta kayo ni Lukas?"

"Ito, ayos lang..."

"Good, sabihin mo lang kapag may problema, alam mo na mangyayari."

"Of course, hindi ko naman kinakalimutan 'yon."

Napakunot ang noo ko, anong meron kay Lukas? Lukas Conde ba? May ibang Lukas naman kasi dito sa university kaya malamang ay hindi si Lukas Conde ang pinag uusapan nila.

Dahil boses ng mga babae ito, bakit naman kakamustahan si Lukas Conde ng isang babae na parang may iba itong ipinapahiwatig? 

Nagkibitbalikat ako at nagpunas ng mukha, inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na. Pumunta na ako sa kasunod kong klase para sa hapon.

Isang buntong hininga ang kumawala sa labi ko nang matapos ang klase. Nag extend pa kasi ng fifteen minutes ang prof namin dahil nag sermon pa. Malamang ang iba kong kasama ay naghihintay na, mabuti nalang at kasama ko si Cairo sa klase na ito. 

Dali-dali kaming lumabas na tatlo mula sa classroom at nagtatakbo pababa para pumunta ng garden at doon magpractice. Nang makarating kami doon ay andun na ang isa naming kasama at naghihintay.

After 30 minutes ay nagpahinga muna kami, napa-upo kami ni Cairo sa damuhan at nagpaypay ng sarili gamit ang aming mga kamay.

"Wala yata thi Lukas mo? Hindi manonood ng practith? Nung minthan andito yun ah." ani ko at umiling si Cairo.

"May practice ng basketball, na select siya, remember?" ani niya at utay-utay akong napatango.

"Oo nga pala, thorry." ani ko at nagpunas ng pawis.

"Eh si Drake? Nasaan?" tanong niya at napabuntong hininga ako.

"Choir member ah," sagot ko at tumango siya.

Sandali kaming natahimik nang bigla nalang akong hampasin ni Cairo.

"Si Trixie 'yun diba?" Turo niya sa malayo, sinipat ko iyon at nang makita si Trixie ay tumango.

"Bakit papunta siya sa gymnasium?" tanong niya, napakunot ang noo ko, maya-maya ay may na-alala ako.

"Hindi ba siya ang muse ng basketball team?" ani ko at agad lumingon sa akin si Cairo.

"Muse? Hindi ko alam yun ah? Pero sa basketball pa talaga siya ng muse? Hindi nalang sa sepak takraw." ani ni Cairo at napakunot ang noo ko.

"Meron bang muse sa sepak?" Nagtataka kong tanong, nilingon ako ni Cairo. 

Napakunot ang noo niya, "Meron yata...? Meron 'yun." Hindi niya siguradong sagot na ikinatawa ko nang bahagya.

Pumasada pa kami ng ilang practice at natapos na. Dumiretso na ako sa dorm at tinamad na maghapunan. Ngayon lang talaga, bukas kakain ako buong araw.

Gumawa muna ako ng mga assignments bago naglinis ng katawan. Nakahiga ako sa bed ko nang ma-alala si Drake, nilingon ko ang kama niya at nakita na wala siya. Kahit bag niya ay wala rito, ibig sabihin lang ay hindi pa siya nakaka-uwi.

Agad akong pumunta sa Messages ko at tinext siya, 

To Drakeee💚🧚‍♂️:
Anong oras tapos ng practice niyo?

Nang maisend ko iyon ay napabuntong hininga ako at ipinatong ang cellphone ko sa may tiyan ko. Maya-maya ay nag vibrate ito at agad ko itong kinuha at binuksan.

From Drakeee💚🧚‍♂️:
11pm siguro or 12, 'wag mo na akong hintayin, matulog ka ng maaga, goodnight!😘❤️

Napangiti ako at naramdaman ko ang pag-init ng pisnge ko. Pero hindi ko ito pinahalata dahil may senior ako sa tabi ko. Itinabi ko nalang ang cellphone ko at natulog.

Nagising ako nang mabuhay na ang mga ilaw sa kwarto, maya-maya ay naramdaman kong may yumuyogyog sa akin. Napa-ungot ako at iminulat ang mga mata ko. Nang makita ko kung sino ang yumuyugyog sa akin ay nanlaki ang mata ko at agad bumangon.

"Good morning." bati ko kay Drake, "Good morning..." Bati niya pabalik at umupo sa tabi ko.

"Ligo na," ani niya at bahagya akong niyapos, nakita tuloy ako bigla sa mga senior. Napansin ko rin na ligo na siya kaya lumayo ako.

"Thige na, liligo na ako, ligo kana eh." ani ko at tumayo, tumawa siya at pinanood akong kumuha ng uniform at towel.

Pumunta na ako sa banyo at naligo. Nang matapos ay nag toothbrush na rin ako. Bumalik ako sa bed ko at nakita si Drake na nakasapatos na at dala na ang bag niya habang busy sa cellphone. Napansin kong naka-ayos na ang kama ko kaya nahiya ako bigla.

"Thank you tha pag-aayoth ng kama, ha." ani ko at tumango lang siya, nagsuklay na ako at nagsapatos. Kinuha ko na ang bag ko at inakit na siyang pumasok.

Paalis na dapat si sir nang bigla akong tawagin. Napatayo ako at lumapit sa kanya. Napakunot ang noo ko nang makita si Yago sa tabi ni sir.

"Pakitulungan naman si Atienza na dalhin 'to sa kabilang classroom, thank you." Inabot sa akin ni sir ang laptop niya at naglakad palabas.

Tila hindi pa rin nag po-process sa utak ko ang sinabi ni sir kaya nanigas ako doon nang pansamantala hanggang sa tinapik ako ni Yago na may mga dala ng folders.

"Una kana..." ani niya at nag-aalinlangan akong tumango at naglakad papalabas. Sumunod ako kay sir sa kabilang rom at inilapag ang laptop niya sa table.

Agad akong lumabas at nagmamadaling naglakad nang paposok na ako sa classroom ay nakalimutan kong may angat nga pala ng bahagya ang sahig na sanhi nang muntikan kong pagbagsak.

Mabuti nalang at kasunod ko si Yago at nahawakan niya ako sa likod. Nagkatinginan kami pero agad akong lumayo sa kaniya ay tumakbo sa upuan ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil parang anong oras ay sasabog ang mukha ko sa init.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko at agad ko itong nilingon. Nang makita ko si Drake ay agad akong nag-ayos ng upo.

Ngumiti siya at hinimas ang likod ko, "Bakit?" Taka kong tanong, nakangiti pa rin siya nang bahagya at umiling.

"Next time mag iingat ka, okay?" Malumanay niyang turan at tumango ako,

"At higit sa lahat ayokong nakikita kayo ni Yago na magkasama." ani niya at napakunot ang noo ko, nang tamaan nang realisasyon ay napangisi ako bigla.

"Bakit naman?" Pang-aasar ko at ngumuso pa, natawa siya at napahimas sa buhok niya.

"Kasi nag seselos ako, Hades. Boyfriend kita, eh." ani niya habang nakangiti. Natigilan ako bigla sa sinabi niya. Bumunot ako ng isang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko bago pa man ako mangisay sa kilig. 


Cairo's POV
"Tingnan mo! Tingnan mo Hades, oh! Tingnan mo!!" Matigas kong turan habang hinahampas si Hades at tinuturo si Trixie.

"Aray naman Cairo! Ano ba?! Ang thakit ha!" ani nito habang hinihimas ang balikat niya na hinampas ko.

"Ay, malakas ba? Sorry, pero tingnan mo kasi si Trixie oh! Mag practice ka nga!" Inis kong turan, nakakunot ang noo ko at napasimangot habang sinasamaan ng tingin si Trixie.

"Bakit ba? Anong meron kay Trithie at inith na inith ka?" Nagtatakang tanong ni Hades. Napasimangot ako at humarap sa kaniya.

"Kasi naman! Kung makatingin siya kay Lukas! Kapag talaga nilapitan niya si Lukas, grr! Bahala na si Batman sa magagawa ko!" Sagot ko, nakakunot noo akong tinitingnan ni Hades.

Para bang pinagmamasdan niya ang hitsura ko, o di naman kaya ay  hinuhusgahan niya ako. Pinanliitan pa niya ako ng mata at nag-urong sulong ang ulo. Nagsimula akong maguluhan si inaasal niya. Ayos lang ba 'to? Nang-aasar ba siya?

Maya-maya ay humagalpak ito ng tawa, ako naman ang napakunot ang noo at pinanliitan siya ng mata.

"Para tanga Cairo! Nagthetheloth ka! HHAHAHA! Ako nga ang dami din kathamang babae ni Drake tha choir, nagtheloth ba ako? Diba hindi." ani niya at napasimangot ako bago pinag-cross ang mga braso.

Napabuntong hininga ako at muling nilingon sila Trixie sa gymnasium. Andito lang kasi kami ni Hades sa may damuhan. Sakto naman at parehas kaming vacant kaya inaya ko siyang manood.

Hanggang tingin nalang ako kasi hindi naman pwede na pumunta ako doon. Magtataka ang mga coach kung bakit ako o kami andoon. Alangan naman sabihin ko na, 'Ah wala po maam, binabantayan ko lang po si Lukas.' o di naman kaya ay, 'Binabantayan ko lang po kasi boyfriend ko'. Diba parang ang sama pakinggan? Baka mapahiya pa si Lukas kaya 'wag nalang.

Manonood nalang ako mula sa malayo. Kaya kahit bwiset na bwiset na ako kay Trixie sa kakalingon niya kila Lukas ay nag titimpi nalang ako. 

Kahit anong tingin ang gawin mo Trixie. Kahit anong pakaway-kaway! Sa kin lang 'yang Conde na 'yan! Walang iba! Sumbong pa kita sa pinsan ni Lukas eh! Bwiset!

"Huy! Cairo! Kanina pa kita tinatawag! Hindi ka talaga mamamanthin? Thabihin ko kaya kay Lukas yung mga ini-imagine-"

"Hoy! Wag!" Agad kong natakpan ang bibig niya at tumingin sa paligid. Baka kasi may makarinig na kung sino.

Nang masigurado ko na walang tao na malapit sa amin ay binitawan ko na ang bibig niya. May nakakalokong ngiti ang nakapinta sa mga labi niya. Maski ang mata niya ay nasingkit dahil sa ekspresyon na ginagawa niya.

"Yun naman pala, takot din." Pang-aasar nito at nag-aala-alang isinisingit ang buhok niya sa likod ng kaniyang tenga.

Napa-irap ako "Congrats! May nahanap ka na pang blackmail sa akin." Sarkastiko kong turan.

Biglang nanlaki ang mata niya, "Ay oo nga 'no! Thank you tha idea!" Excited niyang turan at napa-irap ako sa pang-ilang beses na pagkakataon.

"Ayusin mo ang pang bla-blackmail mo, siguraduhin mong hindi ka makukulong." ani ko, narinig kong napasinghap siya at nag-ala-alang gulat na gulat. 

Nasapo pa nito ang kaniyang dibdib, "Ay! May kulungan na magaganap? Theryotho ka ba?" Pabiro niyang turan na ikinatawa ko.

"Tara na nga! Umalis na tayo." Akit ko at tumango siya, tumayo na kami at nagpagpag ng pantalon.


"May thirty minuteth pa tayo na vacant tapoth breaktime. Ano gagawin natin?" Tanong ni Hades nang makabalik kami ng building. Umupo siya sa tabi ko at pinag-masdan ako.

Nagkibit-balikat lang ako, halos iilan nalang kaming pumapasok sa kalse, mga players kasi ang karamihan at naiwan kami rito. Kaya halos iilan nalang din na profs ang sumisipot. Sabi kasi nila ay maiiwanan daw ang iba. Kaya madalas ay pinag-aaral nalang kami o may pinapagawa.

"Awan, hindi pa nga sure kung dadating din next prof namin." ani ko at nagpatango-tango si Hades.

Napansin ko na medyo malabo na ang lens ng salamin ko kaya nilingon ko ang string bag ko sa likod para kunin ang case ng salamin ko. Hindi ako nahirapang hanapin ang case dahil notebook at mga ballpen lang naman ang laman ng bag ko. Napagdesisyunan ko kasi na hindi muna mag dala ng malaking bag.

Nang kunin ko ang case ng cellphone palabas ay napa-igik ako nang bahagya nang may biglang nahulog na papel. Napakunot ang noo ko at pinulot iyon. Pagbukas ko ay pinanliitan ko ito ng mata.

Resibo? Sa Cha Time? Tiningnan ko ang date, date pa 'to nung huling punta namin ni Lukas sa SM.

Laking pagtataka ko nang mapansin ko ang bilang ng order ni Lukas.

Tatlo? Eh hindi ba't kaming dalawa lang ang magkasama that time? Hindi naman masasabi na para kay kuya Bong yung isa kasi wala naman kaming dala na milktea para kay kuya Bong.

Dalawa ang Okinawa na large at sa amin 'yon ni Lukas. Pero kanino yung dark choco na order niya?

Saan nga ba ako nakakita ng dark choco that time?

Napa altik ang dila ko nang hindi maabot ng isipan ko kung saan nga ba ako nakakita ng dark choco that same day. Marahas kong nakamot ang ulo ko at kinuyumos ang resibo bago ibinalik sa bag ko.

Ibig sabihin ay may ibang binilhan si Lukas nung araw na 'yon ng milktea? Pero Sino? Tsaka bakit? Maari bang bata iyon na walang pera pambili? Pwede naman, mabait naman si Lukas kaya pwede na iyon ang ginawa niya. Dark Chocolate pati, mahilig ang mga bata sa chocolate.

Napabuntong hininga ako at nilingon si Hades sa tabi ko na busy sa cellphone.

"May practice tayo mamaya diba?" tanong ko, nag-angat ito ng tingin at umiling.

"Friday ngayon, pauwi ako, thaka yung itha pa natin na kathama. Kaya malamang ay hindi tayo makakapag practith." sagot niya at napatango lang ako.

Lumingon ako sa may bintana nang may biglang pumasok sa isip ko at muling nilingon si Hades.

"Si Lukas kaya uuwi?" Biglaan kong tanong.

Agad namang kumunot ang noo nito, "Thira ka ba? Malay ko! Boyfriend mo 'yon, bakit ako tatanungin mo?" Masungit nitong turan, kaya bahagya akong napa-ismid at napasimangot.

Ilang minuto akong napa-isip bago pumasok sa isip ko ang pinsan nitong si Elora. Biglang akong napatayo dahilan para ikagulat ni Hades. Lumabas ako ng classroom na kinaroroonan namin at hinanap si Elora sa mga katabing classroom.

Nang makita ito na walang klase at may ginagawa lang sa laptop ay pumaosk ako ng classroom nila at nilapitan siya. Nag-angat siya ng tingin nang mapansin na andoon ako, maski si Athena ay nag-angat ng tingin kaya nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Uhm... Lora, uuwi ba si Lukas ngayon?" tanong ko, napakunot ang noo ni Lora at nag-isip. Nagparte ang mga labi niya habang tingin sa kisame.

Nagbalik siya ng tingin sa akin, "Feeling ko hindi, busy kasi ang basketball team sa pag pa-practice eh." sagot niya at napatango ako, nginitian ko siya at nagpasalamat bago umalis.

Wala nga rin pala akong magagawa kahit hindi siya umuwi. Busy siya sa pratice at hindi ko siya ma-aabala.

Natapos ang araw at wala akong ka buhay-buhay na inayos ang gamit ko. Nakabusangot kong binuhat ang bag ko at lumabas ng classroom. Pagbaba ko ng building ay may mga second year na lalaki ang nag ukulitan.

Muntik-muntikan pa akong matumba nang may isang lalaki na bumangga sa akin. Nag-sorry naman siya na hinayaan ko na. 

Papalabas na ako ng gate nang may mahagip ang mata ko mula sa malayo, si Genesis.

Madadaanan ko siya sa paglabas ng gate. Hindi ba't siya ang nagpost ng picture namin ni Lukas noong first year kami? Kahit blurred iyon ay alam ko na kami 'yon. At kahit sinabi na sa akin ni Lukas na may posibilidad na hindi kami 'yon ay alam kong kami ang nasa picture.

Napalunok ako at dali-daling naglakad, nakatungo ako at sinusubukan na hindi siya tingnan. Pero bakit ganon? Bakit parang hindi ko mapigilang tingnan siya at nagtatagpo pa kami ng tingin dahilan para ikakaba ko lalo.

Kilala si Genesis bilang isang pakialamera sa buhay ng may mga buhay. Ibang level ang pagiging chismosa niya at talagang gusto niyang naninira ng buhay ng iba.

Lalo akong kinabahan nang padaan na ako sa harap niya at sa saktong pagtapat ko ay bigla itong nagsalita.

"Patago-tago pa, malalaman din naman." Parang bumagsak ang sikmura ko, mahina lang iyon pero pakiramdam ko ay para sa akin talaga ang sinabi niya.

Hindi naman namin ipinagsasabi ni Lukas ang relasyon namin dahil takot kami na kumalat ito at makarating sa magulang niya.

Pero bakit parang alam ni Genesis?




------

a/n: ayun sorry walang update kahapon at late today, may pasok kasi kami huhu don't expect din na araw-araw na ang update kasi medyo tight sched namin, mention niyo nalang ulit erros and huh moments hehe 




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co