Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Thirty-Five

_Dominous_

Cairo's POV

Hindi ako gaanong nakakapag-focus sa klase, nagbabaka sakali kasi ako na dumating bigla si Hades pero mukhang malabo ito. Inaantay ko talaga siya, tingin ako nang tingin sa pintuan ng classroom at nagbabakasakali na susulpot bigla si Hades, pero wala.

Natapos ang klase at dali-dali kong inayos ang gamit ko bago humaripas ng takbo palabas ng classroom dala-dala ang gamit ni Hades. Sa hindi inaasahang pag kakataon ay may nakabungguan ako.

"Hala sorry po...!" Babae ang boses na iyon.

"Sorry rin." ani ko sa kaniya bago kinuha ang bag ni Hades na nahulog.

"Bakit ka nagmamadali Cairo?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Lux, napatingin din ako sa paligid at napagtanto na si Marga pala ang nakabungguan ko at kasama nito si Yago.

"Ah ano kasi, nasa clinic si Hades... bye bye!" Ani ko at umalis na, nang makapasok ako sa main building ay pumunta muna ako sa cafeteria para tingnan kung may snack pa. Mabuti nalang at may banana cake pang natira rito. Nilagyan ko rin ng tubig ang tubigan ni Hades bago dalhin ang banana cake na inilagay ko sa platito at pumunta na sa clinic.

Pag bukas ko ay naabutan ko si nurse na busy sa table niya habang si Hades naman ay nagsasapatos na.

"Buti gising kana..." Ani ko at ibinaba ang bag niya, ipinatong ko sa mono block chair ang pagkain at tinabihan siya.

"Sabi ni Sir Felix sa akin alagaan daw kita. ." Ani ko at kinuha ang banana cake bago i-abot sa kaniya.

"Thalamat..." Ani niya at kumain na.

"May problema kaba? Pwede mo naman akong pag kwentuhan." Ani ko at tumingin siya sa akin bago umiling.

"Wala." Maikili niyang sagot at muntik muntikan na akong mapairap.

"Sus! Mag kakaganiyan kaba kung wala?" Ani ko na may halo pang pagbibiro.

Naubos niya ang isang banana cake at kinuha pa ulit ang isa. Panigurado lang kasi yung isa pa. Kung ayaw na niya o wala siyang gana pipilitin ko siya na ubusin manlang yung isa. Pero mukhang gutom talaga siya.

"Anong ginawa niyo tha lath thubject?" Tanong niya at ibinaba ko ang platito.

"Wala naman, lecture notes pero hindi gaano karami." Ani ko at tumango siya.

Naubos niya ang pagkain at pina-inom ko ito ng maraming tubig. Nagpaalam na kami kay nurse at umalis na.

Hinatid ko pa siya sa dorm para makasiguradong safe siyang makaka-uwi.

"Hades, I'm warning you, mag dinner ka, okay? Please lang..." Bilin ko, nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago tumango at umakyat na siya, lumabas na ako ng dorm nang maka salubong sina Lux, Yago, at Code.

"Oh, Cairo, bakit ka andito? Inaabangan mo si Lukas 'no? Ayieeee!" Pang loloko ni Code, agad naman itong siniko ni Lukas.

Napa-iling ako, "Ah hindi, pero kailangan ko rin siyang kausapan." Ani ko at napa-ngisi si Code.

"Sige na, Yago tara na, mag be-bebetime pa sila." Pang-aasar ni Code, sinipa siya ni Lukassa binti at ako naman itong bahagyang natigilan sa sinabi ni Code.

"Upo tayo sa hagdan." Akit niya at tumango nalang ako bago sumunod.

"Ano bang pag uusapan natin?" Tanong niya, nanatili akong naka tulala hanggang sa kumaway siya sa mukha ko.

"Ah ano, bago 'yon bakit... bakit sinabi ni Code yon? Bebetime?" Tanong ko, mukhang naguluhan siya dahil napakunot ang noo niya pero mukhang nakuha rin niya iyon dahil bigla siyang tumawa.

"Ay hanep! Alin? Yung bebetime? HAHHAAH! Kalokohan niya, 'wag mo na pansinin 'yon." Ani niya at tumango ako.

"Ito na yung sasabihin ko, si Hades kasi may problema yata. Hindi siya kumakain at mukhang napupuyat din siya. Pwede bang... pwede bang tingnan-tingnan mo siya sa dorm?" Tanong ko at mukhang nagulat siya doon pero agad siyang tumango.

"Sige, sige gagawin ko. Ano namang makukuha ko kapag ginawa ko 'yon?" Ngumiti siya ng nakakaloko at nagpataas-taas pa ang kilay nito.

"Aba! Bahala na, basta gawin mo 'yon." Pabiro ko siyang itinulak,

"Sige na, uuwi na ako..." Tumayo ako at maski siya ay tumayo na rin.

"Wala bang goodbye kiss?" Pang-aasar niya. I made a face bago siya itunulak.

"Wala! Bye na!" Ani ko at umalis na, narinig ko pa siyang sumigaw ng 'bye' bago ako tuluyang nakalabas ng campus.

Lukas's POV
Patawa-tawa akong pumasok pabalik ng dorm at pumirma sa attendance. Nilagyan ko pa ng tubig ang baunan ko bago umakyat.

Pagkapasok ko ng dorm room namin ay tahimik pa ito. May mga higher year na nag-iimpake ng gamit nila at may mga first year naman na magkakakulampon.

Ibinaba ko ang bag ko at nagtanggal ng sapatos. Naglinis na rin ako ng katawan bago tuluyang humiga sa kama. Ilang segundo palang ako nakahiga nang may bumulabog na agad sa akin.

"Uy, Lukas Zachary, turuan mo naman ako sa Calculus." Inis akong bumangon sa pagkakahiga ko.

"Hanep na Lukas Zachary 'yan! Ano ba naman 'yan Nicodemus Ace Costa!" Pangloloko ko pabalik at kinuha ang notebook na hawak niya.

"Okay lang na tawagin mo ako sa full name ko. Tangina, ang pogi-pogi kaya." Mayabang nitong turan.

"Hanep na pogi 'yan, nasaan!?" Ani ko at tumawa.

Napatawa ito at umiling, "Ano nga pala pinag-usapan niyo ng jowa mo?" Pang-aasar niya, tiningnan ko siya ng masama bago umiling.

"Hindi ko siya jowa." Sagot ko sa kaniya habang nag so-solve.

"Ah oo nga, asawa ba?" Pang-aasar niya lalo at tumawa ng malakas. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik na nag so-solve

"Ohh! Silence means yes ba 'yan?!" Tanong niya at umiling-iling ako.

"Oh ayan na..." Marahas kong ibinigay sa kaniya ang notebook niya pabalik.

"Paano mo nakuha yun?" Tanong niya sa akin.

"Tanong-tanong ka pa ng solution eh nango-ngopya ka rin naman." Pang-aasar ko at nanghampas pa siya..

"Sige na! Turuan mo na ako nito." Gaya nang pagmamaka-awa niya ay tinuruan ko siya. Mabuti naman ay kahit papano ay natutunan niya ito.

Natapos kaming magturuan nang mag-ring ang bell, meaning may dinner na.

"Tara! Pupuntahan pa natin si Yago sa B..." Akit ni Code, tumango ako ag tumayo na dala-dala ang cellphone ko.

Pumasok kami ng B at agad na pinuntahan si Yago, paalis na sana kami nang makita ko sa kabilang parte ng kwarto si Hades.

"Sandali lang..." Ani ko at tumigil sila sa paglalakad at pinuntahan ko naman si Hades.

"Hades..." Tawag ko sa kaniya, nakaupo lang ito sa kama niya hawak-hawak ang notebook.

"Kain na tayo, ibinilin ka sa akin ni Cairo." Ani ko at tumayo siya dala ang tubigan niya at cellphone.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Yago habang naka tingin kay Hades na nasa likod ko. Pero mabilis din nagpalit ang ekspresyon niya at inakit nang lumabas si Code.

Nakasunod lang kami ni Hades sa kanilang dalawa habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Buti nalang at type ko ang ulam, meat balls. Isa isa na kami kumuha at umupo, ngunit nanatiling nakatayo si Hades at tinitingnan kaming tatlo.

"Ah Lukath, tha ibang table nalang ako, promithe kakain ako." Ani niya at umalis na, malayo nga siya sa amin, ang inupuan niya ay yung nasa bandang dulo na, kitang kita ko pa naman siya dahil nakaharap ako sa direksyon niya habang si Yago at Code ang nakatalikod.

Natapos kaming kumain at bumalik sa dorm, inihatid ko pa ulit si Hades habang si Yago naman ay sumama sa amin sa A.

"Bakit kaya andito, Atienza? Taga B ka kaya..." Pang loloko ni Code, mukhang ito namang si Yago ay wala sa mood at wala rin pake.

"Ay grabe hindi namamansin." Ani niya at kinuha na rin ang cellphone niya.

"Kuya..." Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin nang may tumawag sa akin na first year

"Pinabibigay po ng kaklase ko." Inabot niya sa akin ang isang letter at chocolate bago umalis, napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang binigay sa akin ng estudyante.

"Uy gago itago mo 'yan! Bawal pagkain dito." Ani ni Code at agad kong itinago ang chocolate sa ilalim ng unan ko habang tinitingnan pa rin ang letter.

"Tig-iisa tayo sa chocolate..." Ani ko at tumayo.

"Saan ka?" Tanong ni Code,

"Itatapon ko lang 'to." Ani ko at itinaas ang sulat, buti nalang at hindi namin kasama sa kwarto ang nagbigay.

Napakunot ang noo ni Code, "Bakit?" Tanong ni Code,

"Kasi... magagalit si Cairo." Ani ko at napatawa siya bago ko itinapon ang sulat.

Nang bumalik ako ay tahimik lang ang dalawa. Hanggang sa makita ako ni Yago at nagsalita ito.

"Lukas... kayo ba ni Cairo?" Tanong niya at napatawa naman si Code.

"Hindi ah! Pfft! HAHAHA!" Sagot nito, bakas sa mukha ang inis ni Yago.

"Lukas kaba?!" Inis niyang tanong at natigilan si Code .

Natigil ako sa pagtawa at nagseryoso, mukhang seryoso si Yago eh, "Hindi, bakit?" Tanong ko,

"Pero nagkasama na kayo one time? Yung kayo lang?" Tanong ulit ni Yago at tumango ako.

"Oo noong summer, pumunta ako sa kanila, nag-SM kami tapos dinala ko siya sa bahay kasi wala akong kasama... doon siya natulog." Sabay silang napatingin sa akin at nanlaki pa ang mata ni Code at animo'y nabulunan ng laway.

"Ang bilis naman Lukas... master ah! Ikaw na!" Pagbibiro niya at napatawa kami nang pagak.

"Sa iisang kama? Kayong dalawa?" Tanong ni Yagk at tumango ako.

"Anong sabi ng mama niya? Or mga kasama niyo sa bahay?" Tanong niya, parang may gusto siyang makuhang sagot.

"Sa mama niya tapos tita, okay lang naman. Wala naman silang sinabi. Kaso sa mansion, na sisante yung isa o dalawang katulong. Pinagkekwentuhan na bakla si Cairo, na binabakla eaw ako, shits like that. Pinasisante ko sila sa mayordoma ng mansion." Ani ko at tumango siya.

"Sabi ko na nga ba, buti kayo kaya 'yon. Sa amin kasi hindi." Ani ni Tagl, napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?" Taka kong tanong,

Napatawa siya nang mapait bago umiling, "Ah wala! Sige na, babalik na ako sa kwarto." Ani niya at tumalon pababa ng kama ko bago dire-diretso na umalis ng dorm.

Nagkatinginan kami ni Code...

"Ikaw may mayordoma kayo sa bahay?" Tanong ko at umiling siya.

"Wala, pero may tinatawag si dad na butler." Ani niya at natawa ako,

"Gago! Parehas lang 'yon!"

Grey's POV

"Okay class so next-next week ay magkakaroon tayo ng field trip pero isang araw lang. Sa Baguio iyon, bibisita tayo sa isang Science museum for of course gaining knowledge..."

Gusto kong magtatalon sa tuwa, kaso mukha akong tanga at isip bata kaya 'wag nalang. Pero nang sabihin iyon ng prof namin ay hindi ko mapigilan ang mapangiti at parang sumabog ang excitement sa katawan ko.

"Ito ang permit, papapirmahan sa magulang. Merong fee na 150php pagbalik ng permit, naka-stapler ang pera na kasama."

Dagdag ng prof namin, sumagot naman kaming lahat pero ang attensyon namin ay nasa permit na ipinamimigay. Halos nag-aagawan ang iba sa mga inaabot na permit ng kapwa namin na kaklase. 

Natapos ang pamimigay ng permit at umalis ang prof namin, tapos na rin naman ang klase niya. Nagsitayuan na kami dahil morning snack na namin. Inayos ko muna ang gamit ko bago umalis ng room. May ibang naiwan sa loob, wala sigurong balak mag snack.

On my way out may narinig akong malakas na tawanan. Hindi lang ako ang nakarinig nito dahil maski ang iba kong kaklase ay napatingin sa gawi nila Code.

I pursed my lips and look away from them before leaving the classroom. Hindi na niya ako kinakausap, but I do the same thing to him. Ganoon naman talaga siya, madalang siyang magsimula ng conversation, you have to talk to him first at saka kayo magkaka-usap. But sometimes he's the one who utter a word first. But not talking to him like we used to before is good. Kung gusto ni mom na lumayo ako sa kaniya, this is a good thing, na hindi na talaga kami nag-iimikan.

Na realize ko lang din na hindi lang sila mga lalaki sa grupo nila, kasama nila si Marga tapos kapag walang klase both and Arcturus at Adhara ay kasama rin nila si Trixie. It seems that it's their friend group. And its better, at least ngayon may iba na siyang guguluhin.

Nakarating na ako sa main building at kumuha ng snack bago umupo sa available seat. It's just a simple chocolate cake, nothing special.

Then something pop up in my head, something bitter... "Haha, parang ako lang yung cake, nothing special."  Ani ko at natawa sa sarili kong sinabi. I don't know where that came from, but it does remind me of myself.

Nasa gitna ako ng pagkain nang biglang dumating sila Code kasama sina Lux, Yago, Trixie, and Marga. But why does it seems na close si Trixie kay Lux and si Marga kay Yago?

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa gawi nila. What about Cairo and Hades? Diba... sila dati? I mean sila ang magkasama lagi? Bakit, taga Arcturus din naman si Trixie pero nagagawa nila na isama sa pagkain nila. Pero si Cairo at Hades? Bakit hindi?

Hindi sa nakiki-alam ako sa kanila, it's their decision who to be friends with, and akin lang ay... curious lang ako.

"Sus, ikaw nga taga Adhara hindi nila inaakit." Turan ko sa sarili ko, nawalan ako ng ganang kumain at tumayo na. Isang subo nalang ang cake pero hindi ko na yun inubos at umalis na.

Bumalik ako ng classroom dahil wala namang ibang lugar na dapat ko pang puntahan. Sa garden, hindi na siya special para sa akin. Kahit naman noong una para sa akin walang special dun. Kaso... kapag magkasama kami ni Code sa garden. Special na siya para sa akin. Hindi ko maipaliwanag, basta gugustuhin ko na pumunta doon kung kasama ko si Code. Pero malabo na yun na mangyari ulit.

"Uy Grey! Sasama ka?" Napa-igtad ako sa gulat nang bigla sumulpot si JC sa harap ko.

"Ha?"

"Haber Bosch..." Agad ko siyang hinampas sa balikat, siya naman itong tumawa lang, walang kwentang kausap. Napaka siraulo.

"Kung sasama ka sa Baguio sabi ko."  Pag-uulit niya sa kaniyang sinabi, utay-utay akong napatango.

"Uhm... oo, papayagan naman ako nila mommy." Sagot ko at tumango siya, panandalian kaming dalawa na natahimik.

"Ah ano, si Code, hindi ko na kayo nakikita na magkasama." Na-iilang niyang turan, napakamot ito sa batok at umiiwas ng tingin.

"Sus, wala lang talaga kami dapat pag-usapan, normal lang 'yon." Sagot ko sa kaniya at tumango ito. 

"Hindi kasi, noon, kahit sa walang kwentang bagay na pag-uusapan magkasama kayo. Tapos ngayon..." Hindi na niya tinuloy ang kaniyang sasabihin at umiwas muli ng tingin.

"Sus, hayaan mo na. Siguro lang ay mas close na siya kila Yago at Lux." Sagot ko at tumango siya, natapos ang recess at nagklase na kami.

Nakikinig naman ako sa klase, yun nga lang ay may mga bagay na hindi ko talaga naiintidihan.

Natapos ang morning class at lunch na, dahil nasa ibang building kami at nasa main building ang cafeteria, kapag nakakarating kami ng main ay mahaba na ang pila para sa mga pagkain.

Halos nasa labas na kami ng building sa pila, talagang mahaba, bali-balita rin na masarap ang ulam kaya kahit nakakatamad ay pumila ako.

"Ay thorry..." Nilingon ko sa likod ko kung sino nag nakabangga sa akin, agad naman akong napatawa nang makita si Hades at Cairo na magkasunod sa pila.

"Sorry ha, si Hades kasi..." Ani ni Cairo at naglabas pa ito ng peace sign.

"Hindi okay lang..." Ani ko at humarap ulit sa unahan.

Sabay-sabay kaming tatlo na lumingon sa likod nang makarinug kami ng ingay. Hindi un ganoon ka lakas para marinig ng iba.

Wala manlang emosyon ang lumabas sa mukha ko nang makita ko silang magkakasama. Nakita ko kung paano inalis ni Marga ang kamay ni Yago sa balikat niya.

Nagulat ako nang biglang humarap si Hades sa akin at napakagat sa labi. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at kay Yago.

"Grey, yung pila..." Turo ni Cairo at laking gulat ko na ilang metro na pala ang layo sa akin ng nasa unahan ko, napatakbo ako at ganun din si Hades at Cairo.

Malungkot ang mukha ni Hades at parang nawawala ito sa wisyo.

"Cairo, ayaw ko kumain..." Narinig kong turan ni Hades.

"Hindi pwede! Sige ka! Isusumbong kita kay Sir." Pagbabanta ni Cairo. Nagmaktol si Hades na parang bata pero tumigil din.

Malapit kasi si Yago sa kanila, nasa likod lang ni Cairo.

"Hades, gusto niyo una na kay" Ani ko, nanlaki ang mata ni Hades at agad akong itinulak patalikod at pumunta sa pwesto ko.

"Ikaw Cairo?" Tanong ko, umiling si Cairo at ngumiti.

Nakarating kami sa unahan ng pila at kumuha ng pagkain, nanatili akong nakatayo upang maghanap ng pwedeng upuan.

"Psst... doon tayo..." Kinulbit ako ni Cairo at itinuro ang table kung saan nasaan ang ibang second year.

Tumango ako at sumunod sa kanila ni Hades. Hindi naman lahat Arcturus ang andoon, may Adhara rin. Magkaka kilala naman kaming magkaka-batch.

Medyo maingay talaga sa cafeteria pag dating ng lunch, siyempre ang daming tao. Hindi na big deal yun. Kahit kami maiingay din, kasama kasi namin sa table si Lora tsaka mga kaibigan niya sa Arcturus.

"Hades ubusin mo 'yan..." Narinig kong turan ni Cairo, napatingin ako kay Hades na umiiling.

"Ayaw mo na? Bahala ka, Yag- hmmpwhw!" Agad tinakpan ni Hades ang bibig ni Cairo bago ito bumalik sa pagkain, natawa naman ako at umiling-iling.

Tumayo ako at inilagay sa hugasan ang aking pinag kainan bago kumuha ng baso. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakasabay ako na kumuha ng tubig.

"Mauna kana..." Ani ni Code, tumango ako at kumuha na, pagkatapos ay umalis din ako agad at bumalik na sa classroom.

Ilang araw ang nakalipas at papalapit kami nang papalapit sa field trip. Pinayagan na ako ni mommy basta mag-iingat daw ako. Lalo na at Baguio ang pupuntahan namin. Hindi na bago sa akin 'yon, nakakapunta rin naman ako doon. Yun nga lamang ay first time kong pupunta ng wala sila mommy at daddy.

"Chua, hindi ka matatapos sa ginagawa mo kung tutunganga ka lang dyan." Bumalik ako sa katinuan nang banggitin ng research prof namin ang apelyido ko.

May ginagawa kasi kaming experiment kaya nasa science lab kami ngayon.

"Sorry po..." Yun lang ang sagot ko bago patuloy na hinahalo ang mga sangkap na ilalagay mamaya sa mismong experiment.

"Uy Grey, ikaw na nga mag gayat nito." Napakamot ako sa ulo ko bago tumango at kinuha ang maliit na kutsilyo at hiniwa ang lemon.

Hindi kami nag co-cooking ha! Kailangan talaga ng lemon sa experiment.

"Uy Grey, may baking soda na ba 'to?" Tanong ng kaklase kong naghahalo ng kanina ko'ng ginagawa.

Tumingin ako sa direksyon niya para makita ko ang kaniyang sinasabi.

"Ha? Oo nilag- aray!" Halos natigilan kaming lahat sa science lab nang bigla akong napasigaw sa sakit.

"Shi- aray! Ang sakit!" Hawak-hawak ko ang daliri ko at pinisil ito, ang daming lumabas na dugo dahil malaki ang hiwa ko. Hindi pa nakakatulong ang lemon at dinadagdagan ang sakit nito.

"Ay! Ano ba 'yan?! Pumunta ka sa clinic Chua!" Nag-aalalang turan ng prof namin, tumango ako at aktong lalabas na nang mag salita ulit ang prof namin.

"Code, samahan mo naman si Grey sa clinic." Mahinahon nitong turan, tatanggi pa sana ako nang pinuntahan na ako ni Code, hinawakan ako nito sa aking braso  at sinamahan ako sa paglabas ng science lab.

Mabuti nalang at sobrang lapit lang ng clinic sa science lab. Halos hindi pa lalampas ng benteng hakbang at andun kana.

"Hala! Anong nangyari d'yan?" Tarantang tanong ng nurse namin, agad niya akong dinaluhan at agad kinuha ang first aid kid na nasa malapit upang lapatan ito ng lunas.

Naka-upo naman si Code sa bangko sa harap ko at tinitingnan ng masinsinan ang paggagamot sa akin.

"Ah- aray..." Napa-singhap ako sa sakit, sobrang sakit talaga. Ang laman ko sa hintuturo ko ay natuklap at parang humiwalay sa mismong daliri.

"Ayan, sa susunod dahan-dahan, ha? Jusko pong bata ka, noong minsan yung isa rin second year dinala dito yung kaklase niya at nahimatay." Ani ni nurse, naningkit ang mata ko at tinamaan ako ng kuryosidad.

"Sino po? Anong section?" Tanong ko...

"Taga Arcturus, Hades ba yun? Hades yung pangalan nung bata na hindi kumakain. Tapos Cairo yung nagdala sa kaniya rito."

Panandaliang bumakas sa mukha ko ang gulat pero agad din itong nawala.

"Oh ayan, left handed kaba?" Tanong ni nurse at umiling ako.

"Mabuti naman, kasi kung left handed ka, naku, mahihirapan kang magsulat." Ani ni nurse...

"Pwede na po ba kaming umalis?" Tanong ko rito,

"Sure, kung okay lang sayo? Baka kasi tumama kung saan-saan ang daliri mo." Ani niya at umiling ako.

"Okay na po ako." Sagot ko,

"Oh sige, basta kapag patuloy ang pag dugo, bumalik ka ha?" Malambing niyang turan at tumango ako.

Tumayo na ako at sumunod si Code.

"Thank you po..." Ani ko at lumabas na kami, kasunod ko lang si Code sa likod habang ako ay tinitingnan ang daliri kong balot ng benda.

Bumalik kami ng science lab at muling pinuntahan ang kaniya-kaniya namin na  grupo.

"Huwag kana gumawa, Grey. Diyan kana lang. Baka kung mapa-ano ka nanaman." Ani ni Iris na leader namin, tumango ako at napakamot sa ulo ko bago umupo sa isang bangko.

Pinanood ko nalang silang ginagawa ang experiment. Ang ganda ng kinalabasan. Yun nga lang at sayang hindi ako naka tulong sa pag tatapos nito.

A/n: hallo! HAHAHA yes, nag update, himala. If may mga error or "huh" moments kayo, point out niyo lang para maayos ko

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co