Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Thirty-Six

_Dominous_

Cairo's POV
"Uuwi kana?" tanong sa akin ni Lukas, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango. 

Nakita ko na napakagat ito sa pang-ibaba niyang labi at tumango rin pabalik, "Sige, hatid na kita." Pag-aaya niya, muli akong tumango bago kami parehas na tumayo na, kanina kasi ay naka-upo siya sa grass at ako naman ang naka higa sa hita niya. Nagpapalipas lang kami ng oras dito sa garden dahil sa paningin namin ay maaga pa para umuwi at gustong-gusto talaga namin ang mood ng garden lalo na kapag hapon na. Malamig ang simoy ng hangin at napaka-aliwalas ng paligid.

"Naka-out kana ba sa dorm?" tanong ko sa kaniya habang pinapagpagan nito ang puwetan ng kaniyang pantalon. 

Tumango ito nang hindi nag-aangat sa akin ng tingin at nagpapagpag pa rin ng pantalon niya, "Gusto mo bang mag mall muna? Friday naman ngayon." Pag-aaya niya, hindi agad ako nakasagot dahil nag-iisip ba ako kung wala akong gagawin na mahalaga ngayon hapon.

Nang masigurado ko na wala naman ay tumango ako, "Sige, text ko lang si mama." Sagot ko at tumango siya, kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nag text kay mama na kasama ko si Lukas at pupunta muna kami ng mall. Malaki naman ang tiwala ni mama kay Lukas, hindi ko alam kung bakit ganon kagaan ang loob niya rito. Pero pasalamat na rin ako na hindi rin naman masama ang loob niya kay Lukas. 

Lumabas na kami ng garden at pumunta sa sasakyan nila na naka-park sa harap ng dorm. Kanina pa naghihintay si kuya Bong doon, pero mukhang wala naman siyang problema dahil naka-upo lang ito sa driver's seat. 

"Hi kuya Bong..." Bati ni Lukas nang maka sakay kami sa sasakyan.

"Hello, hi Cairo!" Bati niya sa akin at nahihiya akong tumango at bumulong ng 'hi po'. Nakakatuwa isipin na parang close na rin kami ni kuya Bong, iyon nga lang ay talagang nahihiya ako sa mga bagong tao na nakikilala ko. Siguro sa susunod ay masasanay na rin ako. 

"Saan tayo, Lux?" Tanong niya kay Lukas habang tinitingnan kami sa rear mirror.

"Mall, Kuya." Maikiling sagot ni Lukas habang nag-aayos ng kaniyang seatbelt at ganon din ako. 

"Mabilis lang kayo? Parating magulang mo mamaya." Ani ni Kuya bong, nakita ko kung paano nag-angat si Lukas ng tingin at napalunok.

"Mabilis lang kami, kuya." ani niya,  tumango si kuya Bong at nagsimula nang umandar ang sasakyan.

"Dadating magulang mo mamaya?" Tanong ko sa kaniya habang nasa gitna kami ng biyahe, nilingon niya ako bago utay-utay tumango. 

"Okay ka lang ba?" Nag-aalinlangan kong tanong, mukha kasing may problema siya eh. Parang may mali, parang may kakaiba. Parang bigla siyang kinabahan nang sanbihin iyon ni kuya Bong.

"Oo naman." Sagot niya sa akin bago ako ngitian at bumalik ng tingin sa cellphone. I can really sense something is wrong. 

"O... kay..." Nag-aalinlangan kong sagot at tumango, kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll sa social media.

Nakita kong nag post si Lora ng picture na nasa sasakyan, malamang ay pauwi na ito. Wala naman akong masyadong nakita, mga memes at kpop related memes lang. Walang masyadong importante na bagay. 

"Anong gagawin natin sa mall?" Tanong ko kay Lukas na hindi inaalis ang tingin sa phone, ang tahimik kasi, medyo ang awkward lang nito para sa akin.

"Kakain, ikaw ba may gusto kang gawin sa mall?" Tanong niya, 

Naalala ko tuloy noong summer na nagpakulay kami ng buhok, parehas ng itim ang buhok naming dalawa ngayon dahil bawal ang may kulay sa school. Mabuti nalang at maalam si tita magkulay ng buhok. 

"Wala naman, tara sa bookstore?" Pag-aakit ko sa kaniya, hindi ko alam kung anong bibilhin ko sa bookstore lalo na at wala naman ako gaanong kalaking dalang pera para bumili ng kung ano-ano. 

"Hindi ako mahilig sa books, pero sige kung gusto mo, pupunta tayo." Sagot niya at napangiti ako sa tuwa. Nagbalik na ako ng tingin sa aking cellphone at hinintay na makarating kami ng mall.

Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay nauna siyang bumaba. Ako naman itong naiwan dahil nahirapan akong tanggalin ang seatbelt. Hirap talaga kapag mga bago ka sa mga ganitong bagay, kahit nakaka-ilang sakay na ako sa sasakyan nila ay hindi pa rin ako masanay dito. 

Bumukas ang pinto sa side ko na ikinagulat ko, taka akong tiningnan ni Lukas bago ako akmang susugurin ng bisig niya, sa isang iglap ay niyakap ko siya. Pero laking pagtataka ko nang hindi niya ako niyakap pabalik. Akala ko ay yayakapin niya ako?

Dali-dali kong inalis ang mga braso ko sa katawan niya, bakas sa mukha niya ang gulat nang makaalis kami sa yakap. Ako naman itong natahimik at naramdaman ang pag-init ng aking pisnge. 

"B-Bakit mo ako niyakap?" Na-uutal niyang tanong...

Napapikit ako ng mariin  at napakagat sa pang ibaba kong labi.

"A-akala ko kasi... a-ano... ahm... y-yayakapin mo ako." Nahihiya kong sagot, parang gusto kong samapalin ang sarili ko sa mga oras na ito o di naman kaya ay lamunin ako ng inuupuan ko sa sobra ng hiya na nararamdaman ko. Gosh Cairo! Hindi ka naman niya yayakapin eh! 

"Tatanggalin ko lang naman seatbelt mo..." Sagot niya sa akin habang nagkakamot sa ulo, then it hit me. Lalo akong napa kagat sa labi ko.

Nakakahiya, shit! 

Muli siyang sumunggab at tinanggal na ang seatbelt ko, nanghina ako nang ilang pulgada nalang ang layo nang mga mukha namin sa isa't isa. 

Halos kapusin ako nang hininga sa oras na nagtagpo ang mga mata namin. Bakit ganun, bakit parang ang perpekto niya? Inatake ako ng insecurity. Sa aming dalawa siya ang hindi mahirap makahanap ng babae.

"Tara na..." Akit niya, bumalik ako sa katotohanan at kumurap-kurap lang bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya, tumango ako at bumaba na rin ng sasakyan.

"Kuya Bong hindi namin sure kung mabilis lang kami. Siguro by 7pm andito na kami." Ani ni Lukas kay kuya Bong.

"Medyo gabi na ang 7pm, dibale... alas nuebe pa naman ang dating nila mama mo." Sagot ni kuya Bong at tumango si Lukas bago ako hatakin papasok ng mall. 

Nang makapasok kami ay naramdaman ko ang ilang tingin sa amin ng nga tao, kakaiba ang mga ito at parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Binalot nanaman ako ng kaba. Nakita kong nag-aayos ng sintas ng sapatos si Lukas dahilan para bitawan niya ang kamay ko at ako iyong nakatayo doon habang nakakatanggap ng mga tingin sa mga tao lalo na sa mga nakakatanda. Hayaan niyo lang kami, please! Huwag niyo na kaming tingnan!

Nagsimula ng mamuo ang pawis ko at nangiginig ang kamay ko. Dali-dali kong kinuha sa bag ko ang lagayan ng aking gamit at hinawakan lamang ito. Hindi pa naman ganoon katindi ang nararamdaman ko kaya hindi muna ako iinom. Pero yung paghinga ko kasi ay medyo mahirap na at ang kamay ko ay nanginginig na sa kaba at takot. 

"Hey... Cai, bakit mo hawak yan? May problema ba?" Nag-aalang tanong ni Lukas nang matapos siya mag sintas. Nilingon ko siya at ngumiti.

"I'm fine." Sagot ko sa kaniya at ngumiti, inabot niya ang kamay ko at kinuha ang gamot.

"Alam kong binigyan kita ng ganito. Pero 'wag mo naman abusuhin yung binigay ko sa iyo. Hindi porket marami ay iinom kana kapag nakaramdam ka ng kakaiba, maaring may side effect pa rin 'to." Paliwanag niya at tumango lang ako at bahagyang napakagat sa pang-ibaba kong labi. 

"Akin muna 'to, okay? Kapag hindi mo na talaga kaya sabihin mo sa akin, ibabalik ko rin sa iyo ito bago ka umuwi." ani niya at tumango ako, ibinulsa niya ang mga gamot at hinawakan ang kamay ko, agad kong inalis iyon.

Bakas sa mukha niya ang gulat at napakunot ang kaniyang no na halos mag konekta na ang makakapal niyang kilay, ako naman itong napalunok lang ng laway at hindi siya tiningnan.

"May problema, Cairo... alam ko." Seryoso niyang turan at dahan-dahan akong napatingin sa kaniya.

"Kasi Lukas, pinagtitinginan tayo ng mga tao, nakakahiya." Ani ko, tumingin siya sa paligid at nakita ang mga babae sa tabi na kanina'y pinagtitinginan kami. Pero nang tingnan sila ni Lukas ay agad silang nag-iwas ng tingin.

"Sila ba?" Tanong niya at tumango ako, aktong hahakbang palayo si Lukas at papunta sa mga babae nang hawakan ko ito sa kaniyang pulso para pigilan ito. Gusto ba niya ng gulo?! Gagawa talaga siya ng eksena?

"Lukas 'wag, matatanda sila sa atin. Baka kung ano pa ang sabihin nila, okay lang ako promise! Kasama naman kita, I feel safe." Mahinahon kong turan, mukha gumana ito at maski siya ay kumalma.

"Let's go eat... I'm hungry" Ani niya at tumango ako. Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang pulso bago pinag-isa ang aming kamay at naglakad na palayo sa entrance. Nakatungo ako habang naglalakad kami dahil ayaw ko na makita kung may mga nakatingin ba sa amin. 

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kaniya habang nag lalakad kami sa loob ng mall. Medyo nawawala na ang kaba ko dahil wala naman nakatingin sa amin, hindi gaya kanina.

"Well, may cafe na binuksan sila ate Lora dito, though cafe lang siya, so pastry lang ang tinda doon." Ani niya at tumango ako habang nakangiti sa kaniya.

Pinagtaasan niya ako ng isa niyang kilay, "Sure ka na pastry lang? Usually sa mga cafe may mga pasta rin." Ani ko na may halong pang-aasar sa boses. Napakunot naman ang noo nito. 

"Ah, okay, gusto mo ba na kumain doon? Saan mo ba gusto? Name the place at dadalhin kita doon." Tanong niya sa akin at napa ngiti ako.

"Food court..." Ani ko at bigla siyang tumigil sa paglalakad bago napalingon sa akin at nakangiwi ang kaniyang ekspresyon.

"Food court? 'Wag na, tara nalang sa resto ni Code, mas sigurado pa doon." Akit niya at akmang hahatakin ako nang nagmatigas ako at umiling.

"No, food court tayo at libre ko." Agad ko siyang hinawakan sa pulso bago hinigit sa malapit na escalator.

Nang makarating kami sa 2nd floor ay muli kaming sumakay ng escalator papuntang 3rd floor since andoon ang food court.

"Saan tayo kakain dito?" Taka niyang tanong nang makarating kami sa matao na food court, inililibot pa nito ang tingin niya sa paligid. 

"Ayan oh, ang dami-daming available tables." Turo ko sa mga table na nasa food court.

Narinig kong napasaltik ito ng kaniyang dila, "I mean, saan tayo oorder?" Tanong niya ulit at napakamot ako sa batok.

"Ayan oh, ang daming kainan." Turo ko naman sa mga kainan na naka palibot sa amin.

"Tara na, ano ba gusto mo? Yung mura lang, ha? Ipon ko kasi 'to." ani ko sa kaniya ay hinigit siya sa mga food stalls.

"What's this?" Turo niya sa isang putahe ng ulam sa isang stall.

"Adobong pusit." Sagot ko sa kaniya, nangasim ang mukha nito bago umiling.

"I'll take fish fillet." Ani niya at tumango ako, um-order na ako at akin naman ay barbecue,  nawala sa paningin ko si Lukas pero agad ko siyang nakita na naka-upo na sa isang table. Nakahinga ako nang maluwag. 

"Charan! Here's your order Mr. Conde!" Ani ko nang inilapag ang order niya.

"I swear if this doesn't taste the same like the one at Code's. I'm suing a restaurant." ani niya, at napakunot ang noo ko habang ibinababa ang bag ko sa tabi ko at umupo na sa harap niya.

"Grabe ka naman, lower down your standards nga." Ani ko bago kumagat sa barbecue at sumubo ng kanin.

"Even my standards go up or down, you're still perfect for it." ani niya at natigilan ako sa pagkain at tiningnan siya. 

Kinuha ko ang isang tissue at ibinato sa kaniya. 

"Kumain kana..." Ani ko at saka siya humagalpak ng tawa. Parang sira, kagatin ko siya, eh! 

"Nauuhaw ako..." ani niya sa gitna ng aming pagkain. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya mula sa aking pinggan

"Kung saan ako bumili kumuha ka ng tubig." Turo ko sa kaniya sa stall na binilhan ko.

Pero umiling ito, "No, you want other drinks?" Tanong niya sakin.

"Hay naku Lukas, manlilibre ka nanaman, utay-utay pa nga lang akong nakakabawi tapos ililibre mo nanaman ako?" Sagot ko sa kaniya at napa-irap ako.

"I told you Caira, you don't need to pay me. Being with you is enough." Ani niya at napangiwi ako.

"Corny mo, bumili ka na kung bibili ka. Kung ano gusto mo yun na rin akin." Ani ko at tumango siya bago tumayo at umalis para bumili ng aming maiinom.

Ilang minuto ang nakakalipas ay bumalik siya na may dalang apat na bote, dalawang Buko Shake at dalawang tubig.

"Bumili ka pa ng tubig eh meron naman doon." Turo ko sa stall.

Narinig ko na napasaltik ang dila niya bago umupo sa harap ko, "Baka hindi malinis." Ani niya at ini-abot sa akin ang tubig.

"Ang arte." Pang-aasar ko bago binuksan ang bote ng tubig.

"Hindi pag-iinarte tawag dun, pag-iingat." Ani niya at uminom na ng buko shake.

"Masarap?" Tanong ko nang makainom siya, ninamnam niya ito bago tumango.

"Yes." Sagot niya, kinuha ko ang buko shake ko at uminom na rin para matikman ang masarap niyang sinasabi,

"Ang sarap nga." Ani ko nang matikman ang buko shake, sinaraduhan ko muna ito bago nagpatuloy sa pagkain.

"Told you..." Sagot niya.

Bumalik kami sa pagkain at inubos ang natitirang pagkain, nang matapos kami ay inayos namin iyon kahit papano bago umalis para madali lang iyon kukunin ng mga waiter.

"Bookstore?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami, magkahawak ang aming kamay at nag s-sway pa ito.

"Oo, pero hindi sa usual natin na bookstore, doon tayo sa mura." Ani ko at napakunot ang noo niya.

Nginitian ko ito bago hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay at hinatak sa bookstore na usap usapan sa school. Nang makarating kami doon ay laking tuwa ko, ang sarap sa matang tingnan ang mga aklat na naka-ayos sa shelfs. Tingnan palang ang mga ito ay nakaka-satisfy na.

"What type of books do you like?" Tanong ni Lukas habang naghahanap kami.

"Uhm... love story?" Hindi ko sure na sagot, sa totoo lang ay wala akong certain genre sa mga bagay-bagay na gusto ko. Kahit sa kanta o movies, basta ineteresting ito ay okay ako.

"Boys Love?" Inangat niya ang isang aklat, nanlaki ang mata ko at agad itong hinaklit sa kamay niya.

"Omg! Gusto 'to! 150 pesos lang!" Irit ko at niyapos na ang aklat at hindi na hinayaang makawala pa. Gaya ng sabi ko, may ipon naman ako, ang baon na ibinibigay sa akin ni mama ay hindi ko rin nagagastos sa school kaya naman kapag nakakalabas ako ay saka ko ito nagagastos.

"How about this?" Ipinakita niya sa akin ang isang history book.

"Love story 'yan?" Sarkastiko kong tanong, nagkibit balikat siya at ibabalik na ang aklat.

"Mythology?" Ipinakita niya sa akin ang book na nakasulat sa harapan ang pangalan ni Hades.

"Maganda 'yan." Ani ko at kinuha ito sa kaniya para tingnan ang presyo.

"Kaso hindi yung presyo." Ini-abot ko ito pabalik sa kaniya.

"Ayaw mo?" Tanong niya at umiling ako.

"Ang mahal... 300 pesos" Ani ko at nag hanap-hanap ulit.

"Ako ang-

"Don't! 'Wag na, hindi ko naman talaga gusto okay? No need..." Putol ko sa kaniyang sinasabi, alam ko kasi ang sasabihin nito na siya nanaman ang magbabayad.

"Okay..." Sagot niya bago lumayo sa may gawi ko.

Halos nakalupagi na ako sa sahig habang nag hahanap, nakita ko ang isang book na hard cover.

"No way..." Inayos ko ang salamin ko at tiningnan muli ang price.

Five pesos, they've gotta be kidding me. Maganda rin naman ito, catchy ang cover at title even the description. Kahit hindi ako sure sa aklat na 'to ay binili ko.

"Hayst, nakakapagod." Ani ko ag nagpahid ng pawis sa noo nang makatayo ako.

"Okay kana?" Tanong sa akin ni Lukas at tumango ako.

Nagbayad na kami at lumabas ng bookstore. Sa paglalakad namin ay may aksidenteng nabangga si Lukas.

"Sorry po." Agad niyang turan, hinawakan ko siya sa balikat, tiningnan ko ang lalaking nabangga niya at agad nahulog ang panga ko at nanghina ang tuhod ko.

"L-Lukas tara na..." Inalog ko ang braso ni Lukas.

"Tara na..." Ani niya, aktong paalis kami nang tawagin ako ng lalaki.

"Cairo? Bakit naman umiiwas ka? Ayaw mo ba akong ipakilala sa kasama mo?" Napakagat ako sa aking labi nang marinig ko ang boses niya.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Lukas at umiling ako.

"Hindi mo ako kilala, Cairo? Grabe ka naman... nagka amnesia kaba? Anak?" Napakagat ako sa labi at napapikit ng mariin.

"Pa?" Nakilala ko agad ang boses ng tumawag sa kaniya.

"Athena...?" Tanong ni Lukas, humarap siya kila Athena at naiwan akong nakatalikod.

"Humarap ka Cairo, hindi mo na ba nakikilala ang papa mo?" Humarap ako sa kaniya na may mga luhang umaagos sa mata ko.

"Papa ka ni Cairo! Ikaw ang bumugbog sa kaniya?!?" Galit na tanong ni Lukas, agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Lukas tara na..." Akit ko sa kaniya sa pagitan ng iyak ko.

Nilingon ako ni Lukas at nakita ko ang panlilisik ng mata nito, "Hindi Cairo, binugbog ka niya! Mali 'yon!" Galit niyang turan, umiling-iling ako. Gusto ko nalang umalis dito, nakaka-akit na kami ng attensyon ng iba.

"Huwag na Lukas, hayaan mo na, please." Pagsusumamo ko, nag simula na akong mahirapang huminga.

"T-Tara na, p-please, h-hindi ako m-makahinga." Nanlaki ang mata niya at agad akong hinawakan sa magkabila kong braso.

"Hindi ko na papalampasin ang pangalawa nating pagkikita! Kahit tatay ka ni Cairo hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka! Hindi tama ang ginawa mo na bugbugin siya! May karapat-dapat na parusa para sa mga taong gaya mo!!" Hinawakan ko ang braso niya na dinuro duro si papa.

"Bakit? Nobyo ka ba ni Cairo?" Tanong ni papa at napasinghap ito bago napatawa ng mapait.

"Kulang pa ba ang mga bugbog na nakuha mo Cairo?! Gusto mo pa-

"Tama na! Hindi ko hahayaan na lumapat ulit ang mga madudumi mong kamay sa kaniya!" Sigaw ni Lukas, dinukot ko ang gamot ko sa bulsa ng bag ni Lukas at nilunok ito at sinundan ng tubig na hawak ko. Mabuti nalang at mabilis ko itong nakuha.

Guminhawa ang paghinga ko kahit papaano pero hindi pa rin tumigil ang aking pag-iyak.

"Sino ka ba, ha?! Napakayabang mo'ng bata ka!" Hinambaan ni papa si Lukas ng suntok na agad kong pinigilan.

"Pa! Tama na! Please aalis na kami!" Pagsusumamo ko, nakakahiya na.

"Hindi Cairo..." hinawi ako ni Andrei patabi para harapin si papa.

"Para po sa pagkaka alam niyo, ako si Lukas Zachary Conde, anak ng isang successful business man, national at international company!" Pagpapakilala ni Lukas, nakita kong nag-alinlangan si papa bigla pero muling sumama ang ekspresyon nito.

"Eh ano naman?! Bata ka lang! Wala kang magagawa!" Sigaw ni papa, nakita ko ang pag-igting ng panga ni Lukas.

"Yan ang akala mo..." Iyon ang huling turan ni Lukas bago ako hatakin palayo kay papa at Athena.

"Wala akong anak na bakla! Mabuti nalang at iniwan na kita sa ina mo!" Narinig kong sigaw ni papa, nakakahiya, nasa mall kami, kailangan pa niyang ipangalandakan na iniwan niya kami?

"Hayop talaga 'yang tatay mo." Bakas pa rin ang galit sa boses ni Lukas habang nasa sasakyan na kami pauwi.

 Nakarating kami sa bahay at inihatid pa ako ni Lukas sa loob para masigurado na okay lang ako.

Naglinis na agad ako ng katawan nang maka-uwi at humiga, niyapos ko nang mahigpit ang unan. 

Bakit ganito? Bakit ang sakit? Nakakadurog.

I cried there, on the pillow, but silently, dahil ayaw kong marinig ako ni mama. Ayaw kong madagdagan ang mga problema na dinadala niya. Na-aawa na ako sa mama ko, naawa ako sa 'kin, sa 'min.

Drake's POV

"Ano bang nangyayari sayo Genesis?!" Inis kong turan sa pinsan ko, kanina pa siya pabalik-balik at nahihilo na ako.

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung bakit hindi na nagpapansinan sila Hades at Yago?! Si Code at Grey?!" Galit niyang turan, napangisi ako at sumandal sa sofa.

"Ayaw ko... bakit? Nasira na ang balak mo?" Mapang-asar kong tanong habang nakangisi,

"Yes! Fucking yes! Wala na akong masagap na information tungkol sa kanilang apat! Kay Cairo at Lux, meron, pero dun sa apat! Ughh!!" Napasabunot siya sa buhok niya.

"Bakit ba gustong-gusto mon'g manira ng buhay ng may buhay?" Taka kong tanong, alam ko naman na kung bakit, but I still don't get it, dahil pa rin sa ginawa ko?

"You fucking knew why! Don't act as if you don't!" Dinuro-duro niya ang mukha ko, napangisi ako at napasinghap bago hinigit ang kamay niya at siya naman ang hinigit pahiga sa sofa.

"Stop! 'Wag mo nang idamay ang mga kaibigan ko! Stop okay?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Are they really your friends, Drake? I don't see you being with them..." Sagot niya sa akin at napa singhap ako.

"Ayusin mo kung ano man ang problema mo. Pero 'wag kang mangdadamay ng buhay ng iba, tutal kasalanan mo naman talaga, nagkagusto ka sa 'kin, eh. Kaso mag pinsan tayo, kasalanan mo..." Matigas kong turan bago siya iwan.

Narinig ko pa siyang nagwala kaya napangisi ako. Kailangan kong sabihin 'to sa anim.

Kung hindi, si Genesis ang makakapag bunyag ng kung ano mang relasyon ang mayroon sila sa isa't isa. Hindi man ako sigurado kung mayroon ba o wala pero mas maganda na alam nila.

"Sorry Gene, pero hindi ko hahayaan na madamay sila sa problema nating mag pinsan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co