Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Thirty-Seven

_Dominous_

Hades's POV
"Hades gusto mo pa?" Alok sa akin ni Drake ng kalahati ng sandwich niya.

Umiling lang ako at iniwan siya panandalian para kumuha ng tubig. Habang umiinom ako sa harap ng water dispenser ay may kamay na umabot sa water dispenser at kumuha ng tubig.

Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi na ako nagulat. Madalas naman kaming magkita. Lalo na at magkaklase kami. Inilagay ko na sa hugasan ang baso na ininuman ko at bumalik sa inuupuan namin ni Drake.

Afternoon snacks kasi namin ngayon, yung ibang estudyante ay hindi na gaano kumakain pagdating ng hapon kaya naka kuha kami ng pwesto

"Tara na?" Akit niya, naitikom ko ang bibig ko at tumango. Naglakad kami papalabas ng main building papunta sa building ng classroom namin.

"Wala raw si prof sabi kanina." ani niya babang nag-lalakad kami. Tumango lang ako at sinipang muli ang bato na nadala ko na mula pa sa main building.

"Eh ano raw gagawin natin?" Tanong ko at napabuntong hininga nang mapalayo ang sipa ko sa bato at nawala ito sa nilalakaran namin.

"Awan, baka aral nalang siguro?" Hindi niya siguradong sagot at tumango nalang ako. Nakarating na kami sa building at umakyat sa second floor.

"Nabalitaan mo na ba?" Tanong niya sakin nang makarating kami sa upuan namin. Napakunot ang noo ko at tiningnan lang siya.

"Ang alin?" Taka kong tanong. Nilaro-laro niya ang ballpen niya at tiningnan ako.

"Yung kila Yago, magiging official na banda na sila." ani niya at tila natuyuan ako ng lalamunan. Nagbukas-sara ang bibig ko na para bang may sasabihin ako pero wala namang lumalabas sa bibig ko.

"Ah okay, hindi ko pa alam. Pero goodluck nalang tha kanila." ani ko at nagpilit ng ngiti.

"Alam kong hindi madali sayo, kasi sila lagi ang mag pe-perform kapag may event. Edi lagi--"

"Okay lang, wala namang ithue thakin 'yon." Putol ko sa kaniya at ngumiti ulit bago nagpaka-busy sa phone.

"Kilala mo na members nila?" Tanong ulit ni Drake, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling.

"Si Marga, si Athena, si Mia at Joyce." ani niya at bahagya akong natawa.

"Puro babae... wow." Sarkastiko kong turan na ikinatawa din ni Drake.

"Oo nga eh, awan ba. Siguro nagsimula yun noong first year. Tapos noong second year sila rin nag-perform. So ayun, baka nakitaan ng potential." ani ni Drake at tumango lang ako.

"Everyone makinig nga po." Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar at malalim na boses.

"May ipinadala si prof na isusulat, pakikuha nalang ng book niyo at isulat ito." Nagsulat siya sa board ng pages ng isusulat at saka umalis sa harap.

Hindi ko mapigilan na habulin siya ng tingin. Ibang-iba na siya, ibang-iba sa huli namin na pagkakasama. Mas tumangkad at mas lumaki ang katawan niya. Hindi tumaba pero mas naging masculine ito.

"Magsulat kana." Nagulat ako nang bahagya akong tapikin ni Drake. Nataranta ako kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa nasagi ko ang mga gamit sa arm chair ko.

"Ay thorry." Natataranta ko pa ring turan at saka kinuha ang notebook ko sa bag.

"Oh, share na tayo sa book."  ani ni Drake at ipinatong sa harap namin ang aklat.

"Thank you," ani ko at tumango lang siya at nagsulat na kami.

"Kasama pa ba 'to?" Takang tanong ni Drake habang tiningtingnan ang isang part ng page. Napakamot ito sa ulo niya at andun lang ako habang tinitingnan siya, hindi alam ang sagot.

"Sandale lang ha, itatanong ko lang." ani niya at tumango ako. Umalis na siya at nanatili lang ako doon habang nakatingin sa bintana.

"Ah, excuse me, Hades?" Nag-angat ako ng tingin dahil sa malambing na boses. Nang makita kong si Joyce iyon ay napangiti ako nang bahagya.

"Bakit?" Tanong ko, inilahad niya ang aklat paunahan sa akin at may itunuro.

"Kasama raw po ba ito?" Tanong niya habang tinituro ang bagay na tinatanong ni Drake.

"Ay, hindi ko alam eh. Itinatanong pa ni Drake." Sagot ko ay tumango siya. Binawi niya ang aklat at niyapos.

"Pwede po bang may itanong ako?" Tanong niya at tumango lang ako at nag-ayos ng aking pwesto.

"Kumusta po kayo ni Yago?" Tila natigilan ako sa tanong niya. Napatikom ang bibig ko at pinaglaruan ang ballpen ko.

"Okay lang naman kami..." Pagsisinungaling ko, ano ba dapat isasagot ko? Na nagbreak kami? Bakit naging kami ba? Naging cold nalang siya sa 'kin bigla, ganun.

"Pero bakit hindi na kayo madalas magkasama, noong first year po magkasama kayo lagi." Inosenteng niyang turan habang nakatingin sa akin. Muli kong naitikom ang bibig ko at nag-isip.

Pina-alala mo pa talaga Joyce?

"Ah wala yun, thiyempre magiging buthy na thiya tha banda niyo. Kaya ganun." Pagpapalusot ko, 

Utay-utay siyang tumango, "Isa pa pala-

"Joyce? Anong ginagawa mo rito?" Natigilan si Joyce sa pagsasalita nang dumating na si Drake.

"Ah, may tinatanong lang kasi ako kay Hades." Sagot niya at tumango si Drake bago ako tiningnan. Napa-iwas agad tuloy ako ng tingin.

"Ano yun? Ano yung tinatanong mo?" Tanong Drake at umupo na ulit. Tila biglang nataranta si Joyce.

"A-Ah ano... kung k-kasama pa po ito sa isusulat?" Tumuro si Joyce sa pahina ng libro na hawak nito. Tiningnan ito ni Drake at umiling.

"Hindi na raw." Seryoso nitong sagot, tumango si Joyce at nagpasalamat bago umalis.

Humarap sa kin ni Drake "Yun lang ba talaga tinanong sayo ni Joyce?" Seryoso niyang tanong at agad akong tumango.

"Yung totoo Hades? Yun lang ba talaga?" Tanong niya ulit, sa pagkakataong ito ay umiling ako. Narinig ko ang pagsaltik ng kaniyang dila.

"Tungkol saan?" Tanong niya at napalunok ako ng laway.

"Kay Yago," Sa oras na sinabi ko iyon ay napatayo si Drake. Inayos niya ang gamit niya habang ako ay pinapanood lang siya. Maski gamit ko ay inayos niya at isinilid sa bag ko.

Nang malinis ang parehas naming bangko ay hinigit niya ako patayo na ikinagulat ko. Hinatak niya ako palabas ng classroom. Hindi ko maiwasang makita ang pag tingin at paghabol ng paningin sa amin ng iba naming kaklase.

"Uy Drake, t-thandali naman..." Ani ko habang patuloy niya akong hinahatak pababa.

Hinatak niya ako papuntang garden at tumigil sa paglalakad sa ilalim ng malaking puno rito.

"Anong tinanong ni Joyce sayo?" Seryoso niyang tanong, dinala niya ako rito para lang doon?

"Nagparte ang mga labi ko, "K-Kung kumutha raw kami ni Y-Yago." Nag-aalinlangan kong turan, hindi ko alam kung bakit parang ang hirap-hirap sabihin ng pangalan niya.

"Anong sabi mo?" Tanong niya ulit,

"N-Na... okay lang kami." Halos bulong nalang ang lumabas sa labi ko,

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit biglang nanlamig si Yago. Sa isang iglap? Pagkatapos namin tumambay sa bahay? Doon ba nagtapos ang pag-kakaibigan namin?

"Talaga bang okay lang kayo ni Yago?" Tanong niya na nakapagpaluha sa akin. Nag angat ako ng tingin at umiling.

Napansin ko ang gulat sa kaniyang mukha, malamang ay dahil sa luhaan kong mata.

"Hades..." Malambing nitong tawag sa pangalan ko. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa akin at utay-utay inilapit sa kaniya.

"Andito lang ako Hades, ako ang pupuno sa mga pagkukulang ni Yago." Malumanay niyang turan habang hinihimas ang buhok ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Masakit, kahit hindi naging kami, masakit pa rin. Siguro dahil umasa rin ako. Siguro dahil akala ko may kung anong namamagitan na sa aming dalawa. Umasa ako, eh. Umasa ako na hindi lang kami magkaibigan.

At ngayon sa isang iglap at walang dahilan ay nawala iyon lahat. Nawala ang isang tao na dahilan ng pagtawa at inis ko. Inaamin ko minsan nakaka-inis na talaga siya. Pero yun ang hinahanap-hanap ko eh.

Simula nang mawala siya sa paligid ko. Sa ginagalawan ko, nagbago na ang lahat. Alam ko naman na andiyan lang siya, minsan nasa tabi ko na o nasa harap ko. Pero parang wala siya. At parang wala lang ako sa kaniya. Na hindi ako mahalaga, na hindi kami dating magkaibigan.  

"Iiyak mo lang 'yan Hades, andito lang ako. Ako na ang magiging sandalan mo simula ngayon." Malambing niyang turan. Lumayo ako sa kaniya pero ang kamay niya ay nanatili sa beywang ko.

"Thalamat Drake, thalamat tha lahat. Tha pag-aalalaga mo tha akin , noong mathama ang pakiramdam ko tha dorm, thalamat talaga." ani ko at ngumiti lang siya.

"May dahilan yun Hades." ani niya na ikinakunot ng noo ko. Ang kaliwa niyang kamay na nasa beywang ko ay ini-angat niya sa pisnge ko.

"Gusto kita Hades." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umurong ang mga luha ko at bahagya akong napalayo sa kaniya. Biglaan naman yata!

"H-Huh? E-Eh... ano kathi.,. uhm...-" Wala akong tamang maisagot, naghahagilap ako ng salita na dapat kong sabihin pero wala. Sa magkahalong lungkot at gulat na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko magagawang sumagot nang maayos sa kaniya ngayon.

Napatawa siya, "Okay lang, hindi naman kita pinipilit na magustuhan ako. Gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko at... gusto kong sabihin sayo na simula ngayon liligawan na kita. " Muling nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinay-hinay lang Drake! 

"Manliligaw ka?!" Halos maisigaw ko iyon sa gulat. Bumungisngis si Drake, "Oo, bawal ba?" Tanong niya at umiling ako.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Ano lang... uhm... nabigla lang ako. Hindi ko kasi alam na gusto mo pala ako." Pag-amin ko, ang bilis ng mga pangyayari! Kanina umiiyak lang ako, ah!

Narinig ko itong humagikhik, "Ngayon alam mo na." Sagot niya agad habang nakangiti.

Dahil sa lapit namin sa isa't-isa ay ngayon ko lang napansin ang mga ngiti niya. Pati mga mata niya sumasabay sa ngiti ng mga mata niya. 

"Ngayon... liligawan na kita, para mapa-oo kita tapos tayo na." ani niya habang nakangitin dahil sa sinabi niya ay parehas kaming napatawa.

"Hindi mo na kailangan manligaw." turan ko rito at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Bakit?" Taka niyang tanong, "Tayo na." sagot ko at nanlaki ang mata niya.

"Anong tayo na?!" Bakas sa boses niya ang gulat at pagkataranta.

"Matagal kana nagiging mabait tha akin. Kung thinabi mo lang agad na manliligaw ka, edi thana matagal na kitang thinagot. Pero ngayon thinathagot na kita." ani ko at parang lumiwanag bigla ang mukha niya bago ako niyakap. 

"Tayo na talaga?" Hindi niya makapaniwalang tanong na ikintawa ko.  "Oo nga, ang kulit." Sagot ko at tumawa.

Naninibago ako sa mga sumunod na araw at linggo. Unang beses kong magkarelasyon lalo na at sa lalaki pa. Ganito pala ang pakiramdam na may nag-aalaga sa 'yo, na may nag-aalala at may pake sa 'yo ang isang tao. 

"Nasagutan mo na yung number three?" Tanong sa akin ni Drake, npatingin ako sa notebook ko at umiling.

"Akin na." Kinuha niya ang notebook ko bago nagsulat doon.

Andito kami sa veranda ng dorm. Mainit kasi sa loob kaya napagdesisyunan namin na sa labas nalang gumawa. May mga ibang estudyante naman na dito talaga nagawa.

"Gets ko na 'to." ani nito habang nagsasagot. "Paano?" Pag-uusisa ko,

"Wag mo na tanungin, ipinagsasagot na kita." Sagot niya ag natawa ako. Ni hindi manlang siya nag-angat ng tingin at tutok na tutok sa ginagawa. 

"Thuplado." Pagbibiro ko, nag-angat siya ng tingin at tumawa habang umiiling.

"Hindi ah..." Sagot niya at natawa ako, ibinalik niya sa akin ang notebook ko tiningnan ko ito. Sinagutan na nga niya yung assignment na kanina ko pa pinoproblema.

"Thank you." Ani ko at nag pa-cute sa kaniya na ikintawa nito.

Hindi ko na pala kailangan pa mag pa cute, cute na talaga ako.

"Halika nga rito." Napapalirit ako nang bigla nalang niya akong higitin at niyakap.

"Parang tanga Drake!" Pagpupumiglas ko sa braso niya, ang laki ng biceps niya! Hindi ako maka-alis! 

"Sandali lang 'to." ani niya habang yakap pa rin ako. Napansin ko ang ilang tingin samin. Pero wala namang halong pandidiri. Hindi kasi homophobic school namin, siguro?

May mga seniors din naman kami na malayang nagkakaroon ng relasyon sa mga kaparehas nilang kasarian. Safe place naman itong university para sa amin.

"Sana all may jowa!" Biglang sulpot ni Renz at Rive, agad ko tuloy naitulak si Drake.

"Uy hindi!!" Nabigla lang ako kaya nakatanggi agad ako sa sinasabi ni Rive.

Napasinghap sila Rive at Renz, "Drake oh! Si Hades! Hindi raw!" Pang-aasar ni Rive at agad akong nakatayo sa pagkakaupo bago ito pabirong sinabunutan.

"Uy Drake hindi! Joke lang yun! Nagulat lang ako," Pagpapaliwanag ko bago nag-aalinlangang ngumiti kay Drake. Napatawa lang si Drake at inayos na ang mga gamit namin.

"Malapit na yata maging official yung banda nila Yago 'no?" Tanong ni Renz, biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

Pero naramdaman ko ang kamay ni Drake na dahan-dahan hinawakan ang kamay ko.

"Wala naman nang paki dun si Hades, diba?" Tanong ni Drake at tumingin sa akin. Agad akong tumango.

"Oo nga, pake ko sa kanila!"Pagtataray ko at natawa sila, "Edi mag-banda sila!" Dagdag ko pa, 

Napasinghal si Renz, "Ay wow, naka move-on na?" Tanong ni Renz at agad akong tumango.

"Oo naman! Tsaka hindi naging kami... so walang kaso." Nagkibit balikat ako, 

Nahampas ni Rive si Renz, "Oo nga naman, tsaka may Drake na siya!" Ani ni Rive at napatawa kami.

"Oo nga! Ipatiris ko pa siya kay Drake, eh! Diba?" Nilingon ko si Drake at napatawa lang ito habang umiiling.

"Nakakaloka kayo! Sana all!" Irit ni Renz at napahagalpak kami ng tawa.



Grey's POV

"Balerio dito kana sa tabi ni Calugdan!" Ani ng prof namin habang inaayos ang ang aming seating arrangement sa loob ng bus na sasakyan namin papuntang Baguio. Para naman kaming mga bata rito, hindi na lang kami hayaan na pumili ng sarili namin na upuan at sarili namin na mga katabi. Talagang gusto niya na maayos kami at hindi magkakagulo.

"Conde! Sa kabila ka!" Saway ng reacher namin nang tumabi si Lukas kay Cairo kahit taga kabilang grupo naman siya.

Napangisi si Lukas, "Ay! Sorry Sir, akala ko get your partner na agad." ani niya habang kumakamot sa batok, nakita ko naman na hinampas ni Cairo ang likuran ni Lukas habang tumayo paalis.

"Chua!" Agad akong napa-angat ng tingin  sa gawi ng aming prof.

"Sa tabi ka ni Aralde." Napabusangot ako, pero hindi ko iyon pinahalata.

Maarte si Ana, sobra, para sa akin. Ayoko sa ugali niya. Parang babae man na pakinggan pero nakakainis siya. Isa rin siya sa nga tinatawag kong eskandalosa. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa kaniya. Kaunting pagkakamali lang sa mata niya ay sigaw agad, masyado siyang... basta, lagi siyang sumisigaw.

"Ay sandali! Cardinal sa tabi kana ni Aralde, Chua mamaya kana." Aktong uupo na sana ako nang magsalita ang aming guro at sinabi iyon.

"Ihhhhhhh!!!" Irit ni Ana at Ayesha nang malaman na sila palang dalawa ang magiging magkatabi sa buong biyahe. See, iyon lang ay masyado silang nagdiwang.

Nagpatango-tango ako at bumaba ng bus para maghintay na tawaging muli ang ang apelyido ko. Nakalipas ang ilang apelyido, natawag na rin ang ibang kasamahan ko. Iilan nalang kaming naghihintay. Nahuli pa nga, may galit yata sa amin ang prof namin at pinaghintay talaga kami ng matagl.

"Costa!" Napa-angat ako ng tingin mula sa paglalaro ko ng bato sa may paanan ko nang marinig kong tawagin ang apelyido niya.

Umakyat na siya sa taas at natanaw ko pa sa bintana ang pagturo ng aming guro sa bangkong kaniyang uupuan.

"Atienza!" Nakita ko ang pag-angat ng tingin ni Hades at hinabol ng tingin si Yago na paakyat ng bus.

"Villamor!" Agad namang naka-akyat si Hades sa taas.

Ako nalang ang nag-iisa rito, ako nalang ang wala sa taas. Ang swerte ko naman, paborito siguro ako ng prof namin, save the best for last?

"Chua!" Sa wakas ay tawag sa akin ni sir.

Umakyat ako, nakakatawang tingnan ang mga kaklase ko na lahat ay nakatingin sa akin, puno na kasi ang bus at siksikan na sila sa dulo ng bus kung saan ay pwedeng maramihan. Nasakto lang na mga payat ang mga andoon kaya marami sila sa likod.

Eh saan ako uupo?

"Doon ka sa tabi ni Costa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni prof.

Nakaturo siya sa gawi ni Code kaya nakasisiguro ako na totoong kay Code ako pinapatabi ni sir. Tsaka nag-iisa lang naman siya na Costa sa buong batch at buong university.

Utay-utay akong tumango bago lumapit sa sa gawi ni Code, nakita ko siyang umusod dahil naka-upo siya sa aisle seat.

"Sa window seat kana." ani niya at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango, alangan naman na makipagtalo pa ako sa kaniya ng dahil lang sa upuan?

Ibinaba ko ang backpack ko saka pumunta sa window seat, nararamdaman ko na agad ang awkwardness sa aming dalawa. Mukhang mahirap-hirap na biyahe ito. Panigurado na mas lalong awkward ito mamaya.

"May sumusuka ba sa inyo?" Tanong ng prof namin halos lahat kami ay tumingin sa paligid para makita kung may sumusuka sa amin.

"Seryoso kayo? Kapag ako may narinig na sumuka mamaya iiwan sa Baguio." Turan ng aming prof pero may halong pagbibiro.

"Sure na? Wala talaga?" Pangungulit pa nito.

Utay-utay nagtaasan ng nga kamay ang kaklase ko. Ang dami naman tumatawa dahil ang mga lalaki naming kaklase ang halos lahat mga nagtaasan ng kamay. At mga babae ang silang tumatawa.

Napatawa ako ng pagak, "Weak." Bulong ko...

Tumingin pa ako sa paligid para malaman kung may iba pang nagtaas ng kamay.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Code na nagtaas ng kamay. Gulat akong nakatingin sa kaniya ngunit maski siya ay nakatingin lang din sa akin. Pero walang ka buhay-buhay ang tingin niya.

Malamig iyon at animo'y inis pa. Nawala ang panlalaki ng mga mata ko at nawala ang gulat sa mukha ko. Naging normal ang ekspresyon ko bago pekeng umubo at tumingin sa bintana.

"Yun naman pala eh." Ani ng aming prof at tumawa, nakita ko sa peripheral vision ko na nagbabaan na ng mga kamay ang mga tao sa paligid.

Hindi agad ako nakatulog sa biyahe lalo na at ang iingay nila. Dahil sa seating arrangement ng prof namin ay kinakantyawan nila ang mga magkakatabi. Nakikitawa lang ako o di naman kaya ay nakiki-asar sa kanila. 

Tumatawa ako at napapa-iling nang biglang magtagpo ang mga mata namin ni Code. Buamgsak ang ngiti ko bago tumikhim. Bakit ganiyan siya makatingin? Ang lalim niyang makatingin. Galit ba siya? Naiingayan ba siya sa akin? Hindi lang naman ako ang maingay, ah? Dapat pati sa kanila galit siya. 

"Grey..." Napalunok ako ng laway nang tawagin ako ni Code gamit-gamit ang malalim niyang boses. 

Hinihintay ko siyang may kasunod na sabihin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" Sinubukan kong hindi mautal kahit ang totoo ay naiinis na ako dahil kinakabahan ako. Bakit siya ganiyan!? 

"Nasusuka ako." Nanlaki ang mata ko, agad akong napatayo at hinahanp ang prof namin.

"Sir plastic po!"  Taranta kong sigaw, lahat sila ay napatingin sa akin, mukha kasi akong nag-eeskandalo rito. Pero hindi naman ako ang susuka. Pero yung kaba ko na baka masuka si Code nang wala sa oras ang siyang nagiging dahilan ng pagiging eskandaloso ko. Mahirap na, baka ako ang masukahan. Baka masapak ko pa 'to.

"Paki abot kay Chua." ani ni sir, ang bilis nakarating sa akin ng plastic, agad akong kumuha ng isa at ibinuka ito bago ibigay kay Code na mukhang sasabog na sa pagpipigil.

Sa segundo nahawakan niya ito ay agad siyang napabuga ng suka.

Nakarinig ako ng ilang daing dahil siguro sa tunog ng suka, ang iba kasi ay naiingit. Naiinggit na kapag nakarinig sila ng nasuka, maski sila ay nasusuka. Normal lang 'yon dahil kapag nakakarinig ka naman talaga ng sumusuka ay pakiramdam mo hinahalukay na ang buong sikmura mo.

Napalunok ako nang marinig ang pagsuka ni Code. Hindi ako naiingit, hindi ako nasusuka, alam ko sa sarili kong hindi ako ganon.

Pero na aawa ako.

Muli akong humarap sa kaniya at pinasadahan ng hagod ang kaniyang likod. Nakatungo siya habang hawak ang plastic at doon sumusuka.

"Matulog ka kaya, para hindi ka masuka." ani ko habang hinahagod ang kaniyang likod.

"Sinusubukan ko naman eh, kaya lang- hmmp! Brhwaaa!" Muli akong napalunok at nagpatuloy sa paghagod sa likod niya habang hindi siya tinitingnan.

Mukhang naubos na ang kinain niya nang tumigil siya, itinali niya ang plastic ng pinagsukahan niya, inbautan ko siya ng panibagong plastic para madoble ang balot nito.

"Thanks." ani niya at kinuha ang plastic at saka inilagay dito ang una.

Muli niya itong itinali at inilagay sa basurahan na nasa loob ng bus. Bumalik siya sa upuan namin at sumandal, narinig ko siyang napabuga ng hangin at nilingon ako.

Nanlaki ang mata ko nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Agad akong nag-iwas. Narinig ko siyang tumawa. Nakarinig pa ako ng ibang kaluskos dahil sa paggalaw niya.

Pumikit ako at nagkunwaring natutulog para hindi niya ako kasuapin.

"Salamat."

Napamulat ako at mata ko lang ang tumingin sa gawi niya.

"Saan?" Patay-malisya kong tanong,

"Sa... pag tulong? Habang sumusuka ako." Sagot niya at utay-utay akong tumango.

"Wala yun." Sagot ko at tumalikod ulit,

Muli kong ipinikit ang aking mga mata, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


"Grey, Grey gising." Utay-utay kong iminulat ang mata ko nang makaramdam ako ng tumatapik sa akin.

"Bakit?" Inis kong tanong, hinigpitan ko ang kapit sa back pack kong kanina ko pa niyayapos at tinalikuran si Code.

"Grey, nasa stop over tayo, baka na-iihi ka or what." ani niya, nagmulat ako ng mata at nag-ayos ng upo habang inaayos ang buhok ko.

Laking pagtataka ko nang biglang umalis si Code at sumama na kila Yago at Lukas.

Tumayo na rin ako at ipinatong sa upuan ang bag ko. Bumaba ako ng bus at tiningnan ang paligid.

Nasaan na ba kami?

Nakita ko ang sign board na male at female, naglakad ako papunta doon at umihi. Pagkatapos ay bumisita ako souvenir shop at snack shop.

Wala akong binili sa souvenir shop, sa mismong pupuntahan namin nalang ako bibili ng nga souvenir. Pumasok ako sa snack shop at doon bumili ng maiinom.

"Uy Grey! Kumusta ang pag-aalaga sa sukahero?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa freezer ng store at tiningnan sina Lora kasama ang mga kaibigan niya.

"Ano ang sukahero Lora?" Narinig kong tanong ni Tasia,

"Ibig sabihin, pala suka, kapag babae sukahera." Sagot ni Athena, napatango lang si Tasia at natahimik.

Isinara ko ang pinto ng freezer, "Okay lang naman, hindi naman mahirap." Maikli kong sagot.

"Kapag lang talaga si Drake sumuka, makakatikim sa akin yon." Lagbabanta ni Lora, lahat naman kami napatawa. 

"Makakatikim ng?" Mapang-asar na tanong ni Tasia, agad namang nanlaki ang mata ni Lora.

"Kamao, isang kamao matitikman niya, tapos babakat yung singsing sa mukha niya." Sagot ni Lora na ikintawa ng mga kaibigan niya.

"Sige na, magbabayad pa ako." Paalam ko sa mga ito, tumango lang sila at umalis na ako.

"Miss, magkano po?" Tanong ko nang matapos i-punch ng cashier ang binili ko.

"Bale 42 pesos." Sagot ng cashier at tumango ako, kinapa ko ang bulsa ko sa likod, napakunot ang noo ko nang wala akong makapa na wallet.  Wala pala akong dala ng wallet noong bumaba ako!

"Ahm miss-

"Pakisabay na po 'to." Nagulat ako nang may biglang bag ng chips ang lumapag sa counter.

Tumango ang cashier at ipinunch na rin ang chips, "Bale 79 pesos lahat." Sagot ng cashier, inilahad ni Code ang 100 pesos.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at pinanood lang siyang magbayad ng pagkain.

"Oh," Inilahad sa akin ni Code ang inumin ko.

Napatikhim ako, "Babayaran nalang kita sa bus." Sagot ko at hinaklit ang bote sa kamay niya at lumabas ng store.

Binuksan ko ang bote ng yogurt drink at ininom iyon. Napabuntong hininga ako habang naglalakad pabalik ng bus. Minsan talaga nakakagulat si Code. Ang hirap niyang basahin. 

Pwede ko namang iwanan muna ang binili ko at bumalik nalang, papansin siya masyado. Sukahero na nga papansin pa.

"Masarap ba 'yan?" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Code na nakatayo sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at umisod nalang para bigyan siya ng espasyong uupuan.

"Patikim nga." Akmang kukunin niya ang bote nang ilayo ko ito.

"Bakit hindi ka bumili ng sarili mo?" Inis kong tanong habang pinagtataasan siya ng kilay.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, kumunot ang noo nito bago naglibot ng tingin sa paligid.

"Paalis na eh, baka maiwan ako." Sagot niya bago naupo, 

Nagkatinginan lang kaming dalawa. Yun nga lang ay normal ang ekspresyon niya at ako ay hindi, may halong inis sa mukha ko.

"Patikim nalang..." Kukunin niya ulit iyon at inalayo ko ito ulit.

"Tikman mo mukha mo." Pagsusungit ko, umirap ako at humarap sa bintana.

Sumimsim akong inumin ko nang marinig ko siyang tumawa. Noong una ay naiinis ako dahil tinatawanan niya ako pero nang mapagtanto ko na ang taray ko pala ay nagparte bigla ang mga labi ko.

Nagtaray ako, umirap at nag-astang nagtatampo. Mali 'yon, para akong babae na nag tatampo sa boyfriend niya.

Boyfriend?! Ano bang iniisip mo Grey!? Kadiri! Para kang bakla!

"Parang bading..." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang bulong ni Code.

Pakiramdam ko ay sasabog ako sa inis, bigla akong napatayo sa kinauupuan ko na naka-agaw sa atensyon ng mga kasama namin. Gumuhit sa mukha nila ang gulat sa biglaan kong pagtayo.

"Andrei ano ba! Alis nga!" Narinig kong turan ni Cairo at itinulak si Lukas papalayo. Na-agaw nito ang atensyon nila kaya naman agad silang nag-alis ng tingin sa akin at kinantyawan sila Cairo at Lukas.

"Napapaghalata ka Lukas! Baka i-sumbong kaya kita?." Pang-aasar ni Lora sa pinsan na lalong lumakas ang kantyawan.

"Kaya mo man?" Pang-hahamon ni Lukas sa pinsan niya. Nagkibit balikat si Lora, "Bahala ka, your loss." ani ni Lora at natahimik si Lukas.

Muli akong napa-upo at napabuga ng hangin. Saktong umiinom ako ng yogurt drink nang aksidenteng mapatingin ako kay Code.

Agad akong napairap at tinalikuran siyang muli. Narinig ko siyang tumawa.

"Pagtalikod nalang ba ang kaya mong gawin, Grey?" Tanong nito, pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit sa pang-iinis nito at agad ko siyang hinarap.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Inis kong tanong sa kaniya, kaunti nalang ay masasapak ko na ito.

"Wala, sige na, tutulog na ako para hindi na ako masuka." Panggagaya nya sa sinabi ko kanina at tinalikuran ako.

Aba! Siya naman ang tatalikod ngayon?

"Hoy! Code! Kinakausap pa kita! Huy!" Hinampas ko ang balikat niya, pero wala akong natamo, kahit simpleng ungot lang niya ay wala.

"Bahala ka!" Inis kong turan at itinabi ang inumin ko bago matulog na rin.


Nagising ako nang biglang umingay sa bus, "Uy, Grey, maiiwan ka rito sa bus." Taka kong tiningnan si JC.

Hindi na siya nagsalita pa at umalis, nilingon ko ang tabi ko ang bangko sa tabi ko at nakitang wala na si Code rito.

Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko at doon napagtanto na nasa Museum na kami, kinuha ko ang bag ko at bumaba na rin. Pagkababa namin ay pinapila kami at binigyan ng ticket.

"Okay, now, get your partner! Matatanda na kayo pero baka may mawala pa sa inyo." ani ni Sir sa masayang tono, napa-palakpak pa ito.

Bigla silang nagkagulo, nanatili akong nakatayo. Hindi ko na inabalang maghanap. Sakto naman kami, siguradong hindi ako mawawalan.

Lumipas ang ilang minuto at natigilan ang lahat nang makahanap sila ng partner, maliban sa akin.

"Lahat na ba may partner?" Tanong ni prof,

"Sir!"

"Sir!"

Agad akong napatingin sa kaliwa nang may makasabay akong sumigaw.

"Oh, Costa, Chua kayo nalang ang magka-partner." Nahulog ang panga ko sa sinabi ni Sir.

Nakita ko ang pagtabi ng mga kasama namin para makalapit sa akin si Code. Napabuntong hininga ako at napapikit. Tangina dapat naghanap nalang ako. 

"Uy, tama na ang pagtitig."

Bumalik ako sa katinuan nang magsalita si Code sa harap ko.

Agad akong napaismid, "Bwiset ka." ani ko at umirap. Ipinaliwanag na sa amin ni prof ang mag instructions at gagawin namin sa loob ng museum.

"Okay, guys! Enjoy the day!" ani ni sir bago kami utay-utay nakapasok sa loob ng museum.

Habang naglalakad ay nakita ko sila Lora at mga kaibigan niya na magkakahawak pa ng kamay. Parang mga bata, hindi naman sila mawawala rito.

"Gusto mo maghawak din tayo ng kamay?" Agad nanlaki ang mata ko at itinulak si Code papalyo.

"Lumayo ka nga!" Inis kong turan, nagpamulsa ako at dire-diretsong naglakad palayo.

Base sa sinabi ni sir kanina. May kaniya-kaniya kaming mundo dito sa loob. Kung anong gusto naming puntahan ng partner namin ay doon kami pupunta. Pero siyempre bawal lumabas o umalis ng loob ng building.

"Uy Grey, tara dito!" Narinig ko ang boses ni Code, nilingon ko kung nasaan siyang gawi. Agad akong napa-irap at pinuntahan si Code.

Nasa harap siya ng isang malaking screen.Nang makarating ako sa tabi niya at nakita kung ano ang kaniyang tinitingnan ay natigilan ako. "Outer space ba 'yan?" Gulat kong tanong, hindi ba't outer space ang nga nakikita ko?!

"Oo, wait gusto mo makita ang moon?" Tanong niya at nagpatang-tango ako. May ginalaw siyang parang kambyo ng sasakyan.

"Ayan, moon," ani niya nang mag-flash sa screen ang moon.

"Woah! Ang ganda!" Para akong bata dito na manghang-mangha.

"Lipat na natin..." Ani niya at tumango ako, muli niyang ginalaw ang controls.

"Woah! Universe 'yan diba?!" Manghang-mangha kong turan. Napaka-astig!

"'Yan din yung kanina, ibang angulo lang." Sagot niya habang may iniikot-ikot.

"Woah! Ang ganda talaga! Astronomy never disappoint me." Ani ko habang nakangiting tinitingnan ang screen. Animo'y lumiliwanag ang mata ko dahil sa tuwa. It looks so realistic, para kaming nasa loob ng isang spaceship at nasa space mismo.

"Grey, tayo na..."

Utay-utay kong naibaling ang mukha ko sa direksyon ni Code, normal ang ekspresyon ng mukha niya, walang halong pang-aasar o panloloko.

Seryoso ba siya?

"H-Ha? T-Tayo na?" Nauutal kong tanong. Anong kami na? Hindi ba... bakla yun?

Bigla siyang tumawa na lalong ikinagulo ng isipan ko.

"What I mean is... tara na... punta tayo sa iba."

Natatawa niyang sagot. Then it hit me. Nakakahiya! Ano bang iniisip mo Grey?! Ikaw yata ang bakla, eh!

Napangisi siya, "Pero kung gusto mo naman, pwede kitang ligawan para maging tayo talaga."



------

a/n: it's been soooo long since I last updated! Promise guys tatapusin ko muna 'to bago magsimula ng bagong story. plus kung naguguluhan kayo sa story like college na sila pero may sections pa? I am willing to explain naman hehehe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co