Chapter Twenty-Five
Cairo's POV
"Pati ba naman sa panaginip nag papakita ka?" ani ko habang nakatitig sa mukha ni Lux na nasa tabi ko.
Alas kwatro na ng madaling araw pero ang ganda-ganda ng panaginip ko. Biruin niyo 'yon, napapanaginipan ko siyang katabi ko. Ang swerte ko naman! Napapanaginipan ko naman siya minsan, pero hindi ganito. Hindi 'yong masyadong nakakakilig. Hindi 'yong ganito na makatotohanan, sakto lang.
"Papisil nga ng isa!" Gigil kong turan at saka pinisil ang pisnge niya na naiipit ng braso niya. Naka-unan kasi siya sa braso niya habang ang pisnge niya ay doon naiipit.
"Ang cute mo matulog! Ang kapal-kapal ng kilay mo, ang cute-cute ng ilong mo! Sayang lang at madalang kong makita ang dimple mo." Pang hihinayang ko, pinasadahan ng mga daliri ko ang makapal niyang kilay, pinindot nang bahagya ang ilong niya at pinisil muli ang pisnge niya.
"Hala!" Bigla nagmulat ang mga mata niya. Laking gulat ko nang ngumiti ito.
"Alam ko naman na cute ako Cai, pero matulog kapa, maaga pa." ani nito at saka ako ikinulong sa mga bisig niya. This dream feels surreal. Sana lang ay 'wag na ako magising sa panaginip na ito.
Biro lang! Kapag hindi na ako magising sa panaginip na ito ay hindi ko na siya makikita sa personal.
Mas maganda pa rin sa personal 'no! Totoo 'yon! Tapos mas exciting kasi pwede ang mga conflicts, sa panaginip kasi puro saya lang. Maganda rin naman na mag ka problema, para matuto kang lumaban diba?
Muli kong ipinikit ang mata ko, alam kong sa muli kong pagmulat ay wala na siya sa tabi ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mga bisig niya, hindi gaanong mahigpit ang yakap niya kahit ang laki ng braso niya. Saka ang ganda ng biceps niya, ha! Sabagay, basketball player.
Ang init din ng katawan niya kung tutuusin. Parang totoo lahat ng ito, pero alam kong panaginip lang, dahil imposible na andito siya. Hindi siya papayagan. Malabo 'yon, dapat ay kasama niya ang pamilya niya at hindi nag lalakwatsa. Saka ang layo ng naabot ng paglalakwatsa niya, ha! Mula sa Tiaong papuntang Manila? Aba'y ang layo! Hindi ko nga alam kung saan yung Tiaong, eh! Narinig ko lang minsan kila Ayesha at Athena.
"Ang ganda ng panaginip ko, eh!" Maktol ko nang magising ako sa malakas na sikat ng araw. Bumangon ako at pumunta na sa banyo para umihi. Nang matapos ako ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
"Pulang-pula ka Cai, napaghahalata kang kinikilig sa panaginip mo." Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin. Naghilamos ako at nag ayos ng sarili.
Sanay ako sa ganitong routine sa umaga, kahit anong sabon 'wag lang panlaba ay ayos na. Basta ay mawala ang bakas ng tulog sa mukha ko.
Lumabas na ako sa banyo at naupo sa kama. Tiningnan ko ang cellphone kong naka-charge, 6:30am na, malamang ay nagluluto na sila mama sa baba. Hinugot ko na ang charger ko at akmang tatayo nang maagaw ang atensyon ko ng bagong bagay dito sa kwarto.
"Kaninong cellphone 'to?" Taka kong tanong at inusisa ang cellphone. Maganda ang model nito at halatang bago, sino kaya sa bahay na ito ang nakaluwag-luwag at bumili ng bagong cellphone?
Ibinalik ko na ito sa lamesa at tumayo na, papalabas na ako ng pinto ng muling makuha ang aking atensyon.
"Kaninong bag 'to?" Kumunot ang noo ko, huling pagkakaalala ay sa kabilang bahay ng tita ko ang apartment. Bakit may bago yatang housemate ang tita ko?
Inalis ko na ang kung anong kalokohan ang nasa isip ko at lumabas. Nang makalabas ako ay amoy na amoy ko na agad ang niluluto ni mama.
"Ang bango naman niyan, ma!" Sigaw ko agad kahit nasa hagdan palang ako.
"Siyempre naman, andito ang-"
"Sssh!" Kumunot muli ang noo ko nang sawayin ni tita si mama. Bakit? Anong meron?
"Saka nga pala ma, kanino yung cellphone na nasa kwarto? May bagong tenant si tita? Bakit nasa kwarto natin?" Taka kong tanong at naupo sa tabi ni tita.
"Malalaman mo rin Cai." Sagot ni tita at nginitian pa ako na parang may ipinahihiwatig sa akin. Hala siya, anong meron?
Naghugas si mama ng kamay gamit ang tabo na nasa isang timba. Wala nanamang tubig? Napapadalas yata ang walang tubig, ah! Ano na?! Wala bang balak na palakasin ang tubig?!?
"Asan na po 'yong timba? Mag-iigib lang ako. Baka mawalan ako ng panligo." Tumayo ako at nag hanap na sa banyo.
"Ay Cai 'wag na, may nag-iigib na para sa atin. Mapupuno na nga ang orocan natin." Taka akong tumingin kay tita, sino naman? Eh, halos lahat kami dito ay kaniya-kaniyang igib para sa mga sarili namin.
"Sino po?" Tanong ko pero nag kibit balikat lang si tita.
"Oh, andito kana pala ulit utoy. Sige na tama na, kumain na muna tayo, gising na pati si Cairo." Nagtaka ako nang sabihin iyon ni tita. Lumabas na ako ng banyo.
Laking gulat ko nang tumambad sa akin ang hubad na katawan ni Lukas, pawis na pawis ito at basang-basa ang buhok.
"Bakit ka andito?!" sigaw ko nang magtama ang paningin namin, saktong paglabas ko kasi ng banyo ay siya ang nakasalubong ko.
"Diba sabi ko pupuntahan kita?" Ngumiti siya na kita ang dimple niya na lalo kong ikinagulat. Ang ganda pala talaga ng dimples niya! Lalo na sa personal!
"Cai, tumabi ka muna at dadaan si Lukas." Nahimasmasan ako at tumabi, si Lux ay pumasok ng banyo at inilagay na ang tubig sa timba na dala niya.
Nang lumabas siya ay hingal na hingal ito. Hindi siya sanay sa ganito. Mayaman sila tapos pag-iigibin lang siya?
Agad akong naghagilap ng pamunas at ini-abot sa kaniya.
"Salamat!" ani niya at nagpunas na ng pawis. Hindi ko mapigilang mapatitig sa katawan niya. Bwiset naman! Ang sarap eh, ang sarap titigan. May pandesal kasi akong nakikita!
"Hoy, Cai! Andito ang alumusal hindi si Lukas." Muli akong nagising sa katotohanan nang sitahin ako ni tita. Napa imangot ako at tinawan lang ako ni mama at tita.
"Mag bi-bihis ka muna ulit, kakain pa tayo." Turan ko kay Lux na nahihiya pang ngumiti. Tumango siya at lumapit sa akin. Mas lumapit ang katawan niya at ang mga katawan namin ay na kadikit na, shit! 'Yong pandesal! Ilang pulgada nalang ay mag didikit na ang mukha namin.
"L-Lux, anong ginagawa mo?" Mahina kong tanong, nakita ko naman si mama at tita na patawa-tawa lang.
"'Yong damit ko kasi Cai, nasa likod mo." Bigla akong natauhan at binalingan ng tingin ang polo na naka sampay. Umalis ako sa harap niya at umupo na.
"Matigas ba?" Sinaman ko ng tingin si tita.
"Tita ba!" Ungot ko at natawa sila ni mama. Dumating na si Lux at naupo sa harapan namang tatlo.
"Cai, tabihan mo si Lukas, kawawa naman mag-isa lang." Pang-aasar ni tita, si Lux naman ay bahagya lang tumawa, 'yong dimples niya!!
"Ang ganda pala ng lubo mo, ano utoy?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Lubo? Ano 'yon?
"Ano 'yong lubo, ma?" Taka kong tanong at tumingin kay mama na nasa tabi ko.
"Umupo ka muna sa tabi ni Lukas at wala siyang katabi, saka ko sasabihin sayo." Napanguso ako sa kondisyon ni mama. Pwede ko naman i-search nalang. Pero sayang din kasi 'yong opportunity na makatabi siya.
Kinuha ko ang pinggan ko at lumipat na sa tabi ni Lux. Buti nalang ay hindi pa ako nakakapag simula kumain. May pamahiin kasi, na kapag naglipat ka ng bangko habang kumakain ay mag papalipat-lipat ka rin ng asawa. Buti nalang ay hindi pa ako nakakapag simula. Naagaw kasi ang atensyon ko ng dimples ni Lux.
"Ma, ano nga po pala 'yong lubo?" Paaalala ko kay mama, nginuya niya ang kinakain niya at uminom ng tubig.
"Ang lubo ay 'yong dimples, tingnan mo, oh, ang ganda-ganda ng lubo ni Lukas, ang cute-cute!" Natawa nang bahagya si Lux. Tama naman si mama, ang cute kaya.
"Saka nga pala, hindi mo pa nasabi kung bakit ka naparito Lukas, ang aga-aga mo andito, eh. Alas-kwatro tama ba?" ani ni mama, nanlaki ang mata ko, alas kwatro!?
Ibig sabihin... iyong inaakala ko na panaginip kanina ay totoo?!! Narinig niya lahat ng 'yon?!
"Opo tita, alas dos po kasi ako umalis sa Tiaong, buti nalang po walang traffic kaya mabilis po akong nakarating." Nahulog ang panga ko at natigilan sa pagkain.
"Alas dos ka umalis? Ay ang aga naman, buti pinayagan ka ng magulang mo?" ani ni mama at muling sumubo.
"Wala naman po silang dalawa, ala una po kasi ay umalis si mommy papuntang New Jersey para sa isang business meeting andoon din po ang dad ko sumunod lang si mom." Lahat kaming tatlo natigilan. Alam ko naman na na mayaman si Lux. Kaso ay parang mas mataas pa sila sa inaakala ko.
"Ay, mayaman pala kayo?! Pasensya kana kung pinayagan kitang mag-igib kanina... naku! Baka magalit pa sa amin ang mga magulang mo." ani ni mama na ikinatawa ni Lux, 'yong lubo mo!
"Ahh, wala po 'yon, okay lang po, imbes naman na si Cai pa ang mag-igib kaya ayos lang." ani niya, nagpatango-tango si mama at tita.
"Anong bang apelyido mo Lukas? Nagpakilala ka lang kanina ng Lukas tapos wala ka nang ibang sinabi." tanong ni mama, si Lux naman ay uminom muna ng tubig.
"Conde po," Nanlaki parehas ang mata namin ni Lux nang masamid si mama at tita at animo'y nagpanic pa ang dalawa, hala! Anong meron?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co