Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Twenty-Four

_Dominous_



Cairo's POV
Napahagikhik ako matapos magpasalamat kay Elora. Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa kung bakit nanghingi ako ng number ni Lux. Parang mas gusto ko kasi muna na maka-usap siya nang hindi niya alam na ako ang kausap niya. Kung sa Facebook o Instagram ko ito ime-message ay malalaman niya na ako agad.

Ilang linggo nalang ay mag papasukan na ulit kami. Tapos hindi ko manlang nalalaman kung kumusta siya o kung okay lang ba siya. Umuwi pa kasi siya ng home town niya, eh. Bakit hindi nalang siya nag stay sa Manila?

Nagsimula na akong mag type sa phone ko at handa nang i-send ito.

'Kumusta kana?'

I stared at the message I typed. Why am I having second thoughts? I feel... nervous? What if I disturb him? What if... what if he have someone else there? 

Pinaglalaruan niya ba ako?

Napatawa ako ng pagak, "Para kang tanga, Cai." Mas malaki pa rin ang chance na magkagusto siya sa babae, siyempre, lalaki kami parehas, hindi ba mali naman yata? At saka, mas tama sa paningin ng lahat kung babae ang ka-relasyon niya, diba?

Siguro ay wala lang siyang nagugustuhan sa mga ka-batch namin na babae at ako lang ang kaya niyang paikutan sa kamay niya. Na mahina ako at kayang-kaya akong imanipula ng mga tao sa paligid ko.

Napabuntong hininga ako bago binura ang naka-type sa cellphone ko at ibinaba iyon bago napahiga sa kama at niyapos ang isang unan.

*ting

Kumunot ang noo ko nang tumunog ang phone ko, nang basahin ko ito ay napakunot ang noo ko.

From: Unknown Number

Kumusta kana? Ayos ka lang ba? Kumakain kaba ng maayos?

Napabalikwas ako sa kama at agad nasapo ang cellphone ko gamit ang dalawang kamay ko. Number ito ni Lux! Ito ang number na ibinigay sa akin ni Elora kanina!

To: Unknown Number

Lux? Is this Lukas Zachary?

What if hindi? WHat if maling number ang binigay sa akin ni Lora. Pero bakit naman ako kukumustahin ng isang tao na hindi ako kilala, diba?

From: Unknown Number

The one and only. Kumusta kana, Cai?

Tila sumabog ang kung ano sa tiyan ko, hindi ko napigilan ang mapatakip sa bibig ko at napatili. 

"Shocks, kinikilig ako!!" Para akong tanga na nagtatalon. Paano naman niya nakuha ang number ko? 

From: Unknown Number

Can I call?

Huli na bago pa man ako maka-reply dahil agad itong napatawag sa akin sa Messenger, video call! Nanlaki ang mata ko at hindi agad alam ang gagawin, sasagutin ko ba?! Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot pero nakatapat sa kisame.

[Hello, Cai?] Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako makatili sa kilig.

[Cai? Bakit kisame ang nakikita ko? Asaan kaba? Mag pakita ka sa screen.] Inayos ko muna ang buhok ko at nagpahid na rin ng towel sa mukha. Namamaga pa rin kasi ang mata ko mula sa pag-iyak ko kanina.

Nakita ko agad na napakunot ang noo nito, [Cai, were you crying? Are you okay? What happened?]

Nahalata pa rin niya? Mukhang hindi talaga ako magaling mag tago ng nararamdaman. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. 

"Lux, ayos lang ako." I replied and his brows furrowed before tilting his head and poking his tongue inside his cheeks. 

What the heck! That's so attractive!

[Cai, you're not okay. What happened?] He was using his deep and serious tone! Napanguso ako bago pinaglaruan ang kobre kama, sasabihin ko ba?

[Cai... what's wrong?] He's calmer and softer this time.

"I miss you."

I finally said it, ang labo mo naman kasi, Lux! After all those what happened during the first year! Hindi ka magpaparamdam ng ilang linggo?! And now... you're calling me?! Worried and concerned?! Pero I'm liking it! 

Muli akong napanguso bago biglang kumawala ang ilang luha sa mata ko. Should I  get ready for a heartbreak? 

I heard him sigh from the other line, [Cai... do you really miss me?] he asked softly.

Pinahid ko ang luha ko at nahihiyang tumango. "Well... is it wrong for me to miss you?" 

He may be laughing inside now. He's probably enjoying how he's making me feel weak and vulnerable. Kahit siguro alam ko nang pinapa-ikot niya ako ay okay lang sa akin. Si Lux naman 'yan. 

But I already got attached to him. Sino ba naman ang hindi when he makes me feel so special? When he did all those things I have never experienced! No one ever made me feel... loved, treasured, no one made me feel the way he did! 

[Ssshh~ Cai, tahan na, maski ako nadadala. And just so you know, I miss you Cai.] He tried consoling me kaya bahagya akong napangiti bago pinunasan ang luha ko.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang pumasok sa isip ko  ang sinabi niya, he also miss me? Pero bakit ngayon lang siya nagparamdam? 

"Miss mo ako? Wala kabang ibang kasama d'yan? Crush mo? Girlfriend mo?" I asked, a part of me hoping that he would say he have a girlfriend so all this... play will stop, but a bigger part in me hopes he would say he doesn't have one. 

[What are you talking about, Cai? Wala akong crush dito. Nasa Manila ang gusto ko, Cai. Ugh! Ano bang iniisip mo?! Na may gusto akong iba dito? No Cai! Ikaw ang gusto ko!]

Parehas kaming natahimik, he looked away from his phone, I can only see his exposed neck and Adam's Apple that went up and down as he fix his hair with his hand. 

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi para mapigilan ang pag-ngiti. If it's Lukaz Zachary, willing naman akong mapaglaruan. 

My eyes widened a bit when he let out a frustrated groan, [Fuck it, I'll be there by tomorrow, okay? We'll see each other again, darling.] ani nito at nahulog ang panga ko.

Darling?! Is he out of his mind?! Paano kung may makarinig sa kaniya?!

[Stop crying now, Cai. Andiyan na ako bukas pag gising mo, I promise, mag pahinga kana.] he said with a smile, 

I slowly nod, wiping few tears on my cheeks. "Okay... bye," I said and he smiled, [See you tomorrow, Cai.] 

He smiled and ended the call, I'm still left there hanging. Bakit tila ay natigilan ako? Nawala lahat ng negatibong iniisip ko. Gusto niya ako? Totoo ba 'yon? Oh di naman kaya ay pinagloloko niya lang ako at sinabi niya lang iyon para tumahan ako.

A chuckled escaped my lips before both side of my cheeks with my hand, "Maniniwala lang ako sa mga sinabi niya kapag andito na siya bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co