Chapter 18
Grey's POV
I am considering not going with Chiara and Code to the mall. After what happened last night, which made me stay up until 1 AM, maybe still going with them would be a stupid idea. I was regretting I even messaged his account— I even screamed on my pillow like some dumbass teenager.
I woke up with a little headache. I woke up later than I expected since I stayed up late. The first thing I saw when I opened my phone was a message from Code's account.
I didn't want to read it at first, but thinking it might be his daughter, I pushed aside my pride and pressed on his message.
Nicodemus Ace Costa sent a photo
From: Nicodemus Ace
Good morning, Doc Grey! I'm so excited to go to the mall with you na po!!
A smile grew on my lips while I chewed my cereal. I tapped on Chiara's picture where she's smiling, tilting her head to the side, almost touching her shoulder.
Then, another message popped up on the top of my phone.
From: Nicodemus Ace
I'm wearing a yellow dress po, Daddy is wearing a yellow shirt too, can you wear something yellow po?
I slightly paused, my brows furrowed, before I glanced at the clothes hanging on the terrace of my condo.
I put down my phone, stood up from my chair, and went out to my terrace to look for the one button-up polo I had worn the other day.
Hindi pa ito tuyo pero ipinasok ko na sa loob. Isinabit ko ito sa isang cabinet sa tabi ng TV bago tinapatan ng electricfan para matuyo agad.
Pagkabalik ko sa kinakain ko ay agad kong tiningnan kung may message ba ulit si Chiara.
Wala itong naging reply at hinihintay ko rin na sabihin nito kung anong oras kami mag ma-mall. Pero natapos nalang akong kumain ay hindi na ulit nag-message ang bata. Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ay dinampot ko ang cellphone ko bago naglakad sa may sofa para i-message ito at tanungin ang oras ng pagma-mall namin.
To: Nicodemus Ace
Hello Chiara, what time tayo pupunta ng mall?
I gave my phone a slight tap while waiting for a reply. I then reached for the TV's remote and turned the television on, still waiting for the reply.
Maya-maya ay tumunog ito, agad ko itong binuhay para tingnan ang message ni Chiara.
From: Nicodemus Ace
It's Code, naliligo na si Chiara, 10 AM kami aalis ng bahay, sa MOA na rin tayo magkita.
Pakiramdam ko ay uminit ang buong pagmumukha ko. Agad kong inilapag ang cellphone ko sa sofa at ilang segundong natulala sa TV.
Ilang buntong-hininga ang kumawala sa labi ko bago ako napalingon sa oras. Shit, 9:15 na pala.
Napabangon ako mula sa pagkakasandal ko sa sofa at agad pumasok ng kwarto para maligo. Hindi naman ako gaanong natagalan sa banyo kahit nag-blower at nag-ayos na rin ako ng buhok. Nang magbibihis na ako ay saka ko lang napagtanto na hindi pa pala nakahanda ang isusuot kong polo.
Nakausot na ako ng pantalon sa ibaba ay nag-plantsa pa ako ng damit ko. Doon ako natagalan pati na rin sa paglalagay ng moisturizer at sunscreen sa mukha.
Lampas 10 AM na nang umalis ako ng condo, may kalapitan lang ang MOA sa condo ko pero inabot na rin ako ng traffic.
Dinampot ko ang cellphone ko at nag-message kay Chiara.
To: Nicodemus Ace
Hello, Chiara, na-traffic lang ako sa EDSA, pero dadating ako, I'm sorry!
Napabuntong hininga ako bago napasubsob sa manibela. Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay agad din akong napabangon at binasa ito.
From: Nicodemus Ace
She's actually very sad and upset right now, look oh
Nicodemus Ace Costa sent a photo
Naka-upo ito sa tabi ng ama sa isang bench, nakasuot ito ng cute na kulay dilaw na dress at naka-bun sa magkabilang side ang buhok at may mga clip pa. Mataas ang anggulo ng picture ni Code pero kita kong kumakain ito ng ice cream at nakasimangot.
Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko bago ito inipit sa tripod na nasa dash board at tinawagan si Code.
Nang sagutin ito ni Code at siya ang unang bumungad ay nag-iwas ako ng tingin at tinanaw ang labas ng bintana.
[Chiara, look, Doc Grey called you.] Nang magsalita ito ay muli kong nilingon ang cellphone.
Nakita kong ibinigay nito sa anak ang cellphone, nang tumapat ang cellphone sa mukha ni Chiara ay mukhang paiyak na ang bata habang nakatingala sa ama. Pero nang magbaba ito ng tingin ay lumiwanag ang mukha nito.
"Hello Chiara—"
[Doc Grey!!! Where are you na po?] tanong nito bago ngumuso,
Napatawa ako nang bahagya sa ekspresyon nito bago ini-ikot ang cellphone ko sa loob ng saksakyan niya para makita niya kung nasaan ako.
"I'm stuck sa traffic, Chiara." sagot ko nang ibalik sa mukha ko ang cellphone.
Kumunot ang noo nito bago tumingala sa ama, [Can we pick up Doc Grey?] tanong nito na ikinatawa ko bahagya,
"It's okay, Chiara, no need to pick me up, I'll be there in few minutes." sagot ko rito at tumango ito,
[Okay po, ingat po!! See you!!] Kumaway ito sa cellphone at kumaway ako pabalik. Nakita kong umandar na ang sasakyan sa unahan ko kaya agad akong napakapit sa manibela at tinapakan ang gas.
Pagbalik ko ng tingin ng cellphone ay mukha na ni Code ang nakita ko.
[Sige, ingat, drive safe.] ani nito bago pinatay ang tawag,
Napasinghal ako bago napa-iling nang bahagya, "Ano ka? LTO?" bulong ko bago nagmaneho.
Nang makawala ako sa traffic ay agad akong nagmabilis mapatakbo. Akala ko'y aabutin pa ako ng 20 minutes sa kalsada pero agad din akong nakarating sa MOA.
Nakilala ko kung saan naka-upo sila Chiara kanina kaya doon ako dumiretso.
Malayo palang ay natanaw ko na ang mag-ama, busy si Code sa cellphone niya habang ang anak nito ay kumakain pa rin ng ice cream.
"Chiara," Nasa ilang metro pa ang layo ko ay tinawag ko ito.
Agad nag-angat ng ulo si Chiara, nang makita ako nito ay namilog ang mga mata nito bago tumalon pababa ng bench at inilapag ang hawak niyang cup bago nagtatakbo palapit sa akin.
"Doc Grey!!" Sumisigaw ito habang tumatakbo.
Agad akong lumuhod nang bahagya bago ito sinalubong, agad nitong itinapon ang sarili niya sa akin at niyapos ako sa leeg.
Binuhat ko ito bago tumayo at naglakad sa gawi ng ama nitong nakatayo na. Inayos ko pa ang dress nito dahil bahagyang tumaas pagbuhat ko sa kaniya.
"Kanina pa kayo naghihintay?" tanong ko rito,
"Uhh, hindi naman, kani-kanina lang." sagot ni Code habang inaayos ang t-shirt niyang suot.
Bahagya akong napa-buntong hininga at umirap. Hindi naman siya ang tinatanong ko, yung bata.
"What's our agenda today, Chiara?" tanong ko sa bata habang inaayos ang buhok nito.
"Sa toystore po, Doc Grey!! Daddy will get me a new toy!" Malawak ang ngiti sa labi nito na agad akong nahawa at napangiti rin.
"Okay, then let's go sa toy store." sagot ko rito at akmang maglalakad na nang maramdaman kong dumampi ang kamay ni Code sa braso ko.
Agad akong nagbaling ng tingin sa kaniya, "Ako na ang magbubuhat kay Chiara," ani nito at bahagyang napakunot ang noo ko bago umiling, "No, it's fine, kaya ko naman yung bata." sagot ko.
Parehas kaming napatingin ni Code kay Chiara nang magpumiglas ito, "Down po, I can walk na po." ani nito at agad ko itong ibinaba nang dahan-dahan.
"Hold my hand nalang po, Doc Grey." ani nito bago inabot ang kamay ko at hinawakan ito.
"What about Daddy? You won't hold Daddy's hand?" Maski ako ay napalingon kay Code na nakanguso at nagpapa-cute sa anak.
Napasinghal ako. Ang samang tingnan, ang tanda-tanda na niya, gumaganiyan pa siya.
Humagikhik si Chiara bago rin inabot ang kamay ng ama. "Let's go na po!" ani nito, nagtatatalon habang naglalakad.
Nagulat ako nang bigla itong tumalon nang mataas at ini-angat ni Code sa ere, hindi ko agad na-proseso ang gusto nilang gawin na mag-ama kaya halos matumba si Chiara dahil hindi umangat sa ere ang kalati ng katawan niya.
Nanlaki ang mata ko at agad napatingin kay Code na mukhang naguguluhan din.
"Baka masktan yung bata...!" Nag-aalala kong turan dito.
Bahagya itong napabungisngis bago naramdaman kong bumitaw si Chiara sa kamay ko, nang lingunin ko ito ay nagkakamot na ito ng ulo niya.
"Doc Grey, you're supposed to do this po so I can fly, let's try it po, dali, dali!" Hinawakan ulit ako nito sa kamay at naglakad.
Kahit nag-aalangan pa rin sa gagawin ay napatingin ako kay Code, nakita kong malawak ang ngiti nito sa labi at nakatingin din sa akin.
He gave me a nod, which somehow felt a little... assuring that it's fine to do whatever Chiara wanted.
"1, 2, 3, GO!" Tumalon si Chiara, ginaya ko ang ginawa ni Code at lumipad si Chiara pa-unahan.
Nang muli itong makapalag sa sahig ay parehas napahagikhik ang mag-ama. Sa hindi ko maipaliwanag na paraan, ang sarap pakinggan ng tawa nilang dalawa na halos magtugma na.
Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti habang pinapanood silang dalawa. Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay ni Chiara bago kami naglakad papuntang toy store.
Natatawa ako habang pinapanood ang mag-ama na mamili ng mga laruan. Masasabi kong sinusubukan ni Code na hindi ma-spoil si Chiara pero kita ko rin na hindi nito matiis ang anak. Paminsan-minsan ay pa-sikreto pa na naglalagay ng laruan si Chiara sa cart nila, hindi nalang ako umiimik at natatawa nalang kapag nagtataka si Code kung bakit may bagong laruan sa cart nila.
Maski ang mga sales lady sa toy store ay natutuwa kay Chiara. Bukod sa ang dami nitong pinipili ay madaldal din ito.
"Anak niyo po sir?" tanong ng isang sales lady sa akin.
Natigilan ako sa tanong nito, nagparte ang labi ko bago nagpabalik-balik ng tingin kay Chiara at kay Code.
"U-Uh... well... no, it's his daughter, siya yung ama." Nauutal kong turan habang tumuturo kay Code na busy sa isang tabi at tinitingnan ang remote control na kotse.
Utay-utay tumango ang sales lady, "Ah... ganun po ba? Surrogate baby po siya?" tanong nito at lalong namilog ang mga mata ko.
"H-Huh? H-Hindi! Hindi... ahm... anak niya talaga 'yan. As in..." hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag, maski ang hand gestures ko ay hindi na tumutugma sa gusto kong iparating.
Nagparte ang labi ng babae bago utay-utay tumango, "Ah... ganun po ba? Ang bait niyo pa naman po, tinanggap niyo pa rin siya na parang anak niyo rin." ani niya at napakunot ang noo ko.
"Ha? Uhm, miss... h–hindi kami... we're not... hindi kami magka-ano-ano." ani ko at nagulat ang sales lady.
Ilang segundo ang nakalipas ay napagtanto ko rin ang sinabi ko. Shit, that sounded so wrong! Baka mapagkamalan akong stalker dito!
"I mean..." Nagkatitigan kami nung sales lady, parehas namimilog ang mga mata namin.
"Hindi ko siya ka-relasyon." Maikli kong turan at agad nagparte ang labi ng sales lady bago agad napatango.
"OMG! Sir! Sorry po! Akala ko... kasi... sorry po! Pride month po kasi ngayon, sorry po talaga!" Paulit-ulit siyang humingi ng tawad.
Bahagya akong napahagikhik sa naging reaksyon niya pero agad tumango, "It's fine, okay lang, miss. Hindi naman ako na-offend, it's fine. Plus," Nilingon ko si Code na naka-upo sa sahig at tinitingnan pa rin ang laruan.
Nagbalik ako ng tingin sa sales lady, "Happy Pride, I'm... I'm part of the community." Pag-amin ko rito at muling nahulog ang panga nito.
"Friends lang po kayo?" tanong niya at nagparte ang labi ko, nilingon ko si Chiara na pabalik na sa cart nila at may dala-dala nanamang laruan.
Naitikom ko ang labi ko bago nagbalik ng tingin sa sales lady at napabungisngis, "We're actually... ex-boyfriends pero... wala na yun." ani ko at namilog ang mata ng sales lady.
It was clear on her expression that she wanted to ask more. But Chiara called her dad and I because she's done shopping. Tumayo na si Code mula sa sahig, pinagpagan pa ang puwetan ng pantalon niya habang nilapitan ko naman si Chiara at tinulungan sa pagtutulak ng cart.
Nilingon ko nag sales lady na kausap ko kanina at nakita itong kausap na ang mga kasamahan niya. Napabungisngis nalang ako at napa-iling.
Dala-dala ni Code ang apat na paper bag nang lumabas kami ng toy store.
"Chiara—" Tinawag ni Code ang anak na tatakbo nanaman papunta kung saan. Agad ko itong hinabol at hinawakan sa kamay para hindi na makalayas.
Natatawang umiling si Code nang makabalik kami ni Chiara, "Ang likot mo talagang bata ka," maski ako ay natatawa dahil totoo ang sinabi ni Code. Bigla-bigla nalang humaharipas ng takbo si Chiara at kailangan talaga na laging may nagbabantay rito.
"Hey," Natigilan kami ni Chiara sa paglalakad nang tawagin kami ni Code.
"Hmm?" Pinagtaasan ko ito ng magkabilang kilay.
"Daldahin ko lang 'tong mga 'to sa sasakyan, saan ba tayo kakain?" tanong nito at nagparte ang labi ko bago nagbaba ng tingin kay Chiara.
"Jollibee!" Nagtatalon si Chiara, nag-angat ako ng tingin kay Code at nakita kong bumuntong hininga.
Bumaba ang tingin nito sa anak bago napatawa at umiling. Nang mag-angat ito ng tingin ay nagtagpo ang mga mata namin.
Nakita ko ang bagyang paglaki ng mga mata nito at ang pagparte ng labi niya. "Wait for me here, 'wag kayong aalis na dalawa, okay? Babalik ako agad!" ani nito bago nagtatakbo palayo.
Napakunot ang noo ko at pinanood si Code na umalis. Nang bumaba ang tingin ko kay Chiara ay halos parehas ang ekspresyon namin.
"Doc Grey, can you check up, Daddy po?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa direksyon kung saan tumakbo si Code kanina, napakunot ang noo ko, "Why naman?" I confusedly asked,
Nilingon ako ng bata, "I think he has a brain defect po? Why is he running like that kanina? He looks crazy po." tanong nito at napahagalpak ako ng tawa. Inayos ko ang pantalon ko bago bahagyang tumungo at pinantayan si Chiara.
"Ganiyan talaga ng Daddy mo, kahit dati pa, Chiara. He can be a little childish sometimes." ani ko habang inaayos ang clip sa buhok niya.
Kumiling ang ulo niya, "You know Daddy before po?" tanong nito at agad akong natigilan.
"Ah–, well—... no, but... I can sense that your Daddy can be childish." Pagpapalusot ko, utay-utay lang tumango ang bata bago naglibot-libot ng tingin.
Para kaming inihabilin sa labas ng toy store. Maya-maya lang din ay bumalik na si Code at hinihingal pa at halatang tumakbo.
"I know a place, let's go—" Agad kong binawi ang kamay ko nang hawakan niya ito.
Maski siya ay nagulat at namilog ang mga mata, "Wrong hand, kay Chiara dapat yung hahawakan ko." ani niya bago hinawakan ang kamay ng anak at naglakad.
Pumasok kami ng isang restaurant, bahagyang napakunot ang noo ko dahil medyo pamilyar ang lugar pero hindi ko ma-alala kung kailan ako kumain dito.
Code got as a private room, and we were immediately followed by a waitress holding the menu. Code ordered first, maski si Chiara ay nakadungaw sa menu at umo-order ng sarili niyang mga pagkain.
"How 'bout you, Grey?" Tawag nito sa akin, ini-abot nito ang menu na agad kong pinasadahan ng tingin.
"Uhm... I'd like to get the... Roadhouse Prime Rib, then... lasagna and... blueberry cheesecake, please." Ani ko at tumango ang waiter habang isinusulat ito sa clipboard niya.
"And for drinks po, sir?" tanong nito, "Water nalang," sagot ko bago ibinalik sa kaniya ang menu.
"Daddy, I need to use the bathroom po." ani ni Chiara sa ama,
"Oh, okay, okay, sandali, Sandra?" Tawag nito sa waitress na bahagyang ikinakunot ng noo ko. "Makikisamahan naman yung anak ko sa restroom, thank you!" ani ni Code sa waitress, agad naman sumama si Chiara sa babae at lumabas ng kwarto.
Napakunot lalo ang noo ko, "Why would you entrust your child to a total stranger?" Taka kong tanong dito.
Nagbaling ng tingin sa akin si Code, "She's not a stranger, she's one of my employees," he answered, which made my brows furrow.
He chuckled, "This is our restaurant, remember? We... we had a date here before— well, not a date, kasi hindi pa naman tayo mag-boyfriend that time, but it was that one school break? Remember? I bought you headphones that time," he said, and my lips parted.
I couldn't process it at first. I had to stare at his face for a few seconds before remembering what he was talking about. And when I finally remember that day, a scoff escaped my lips.
"Ah, ito ba yun? Hindi ko na natatandaan, hindi na ulit ako pumunta rito." sagot ko at utay-utay siyang tumango.
We went silent for the next few minutes. It wasn't an awkward silence but rather a calming one. After running after Chiara inside the toy store for more than an hour, this silence and peace are really calming.
Maya-maya ay bumalik na si Chiara at nabasag ang katahimikan sa loob. Nagkwento ito nang nagkwento tungkol sa school niya at sa mga kaganapan dito. Marami na raw siya laging kaibigan kaya naman lagi itong maraming baon na pagkain.
Hanggang sa dumating ang mga orders namin ay tuloy-tuloy ito sa pagke-kwento. Pinupunasan pa ito ng ama ng mga amos niya pero dire-diretso pa rin ang pagdadaldal nito. Halatang nahihirapan din si Code dito at napapasaltik pa ng dila na ikinakatawa ko lang habang pinapanood ang mag-ama sa harap ko.
Nang matapos kumain ay nag-aya si Chiara na bumili ng cotton candy. Hindi naka-tanggi si Code dito at binilhan si Chiara ng malaking cotton candy.
"Gusto mo?" Napalingon ako kay Code na nagbabayad na, napa-iling ako, "Busog pa ako," sagot ko at tumango ito,
Naglalakad-lakad kami nang mapadaan kami sa Watson's. "Saglit lang, may bibilhin lang ako." ani ko bago binitawan ang kamay ni Chiara at pumasok sa loob.
Tumitingin ako ng moisturizer at sunscreen nang maramdaman na may kumapit sa damit ko, nilingon ko si Chiara na busy sa pagkain ng cotton candy niya at naglilibot ng tingin.
"You're gonna buy make-ups po?" tanong nito at umiling ako, "I'm buying some skin care, Chiara." sagot ko rito habang hawak-hawak ang magkaibang sunscreen sa kamay ko.
"Ito po sir, try niyo po itong tinted sunscreen namin." ani ng isang sales lady sa akin.
Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam kung paano ito tatanggihan, "Uhm... miss, hindi kasi bagay sa akin ang mga tinted sunscreen dahil medyo dark yung shade niya para sa akin." ani ko at tumango ang sales lady, "Sabagay sir, ang puti-puti niyo po." ani nito na ikinangisi namin parehas.
"Kay sir po kaya? Bagay po sa kaniya 'to." Turo nito sa likuran ko, paglingon ko rito ay naglilibot ng tingin si Code habang kumakain ng cotton candy ng anak.
"Nag su-sunscreen ka ba?" tanong ko rito, napalingon ito sa akin at bahagyang namilog ang magkbailang mata bago umiling. "Hindi ako gumagamit niyan," sagot nito at napabuntong hininga ako bago nagbalik ng tingin sa sales lady. "Kunin ko na rin 'to, miss." ani ko bago inilagay ang tinted sunscreen sa basket. Kinuha ko na rin ang sunscreen at moisturizer na hawak-hawak ko bago naglakad papunta ng cashier.
"Ito lang po sir?" tanong ng cashier at tumango ako, nang damputin nito ang tinted sunscreen ay natigilan ito bago napatingin sa akin, "May lahi po ba kayo sir? Ang puti-puti niyo po, hindi po magma-match yung shade ng tinted sunscreen sa skintone niyo." tanong nito at bahagya akong napatawa habang kumukuha ng pera sa wallet.
"Yes, I'm half-Chinese, and no, that's not for me, that's for the guy behind me, hindi pala kasi yun nag su-sunscreen." Turo ko kay Code na hawak-hawak na ang cotton candy ng anak at siya na ang kumakain.
"Ah..." utay-utay tumango ang cashier, "Ganiyan din yung boyfriend ko sir, hindi rin nag su-sunscreen." ani nito bago kinuha ang moisturizer sa basket.
Nagparte ang labi ko, "That would be 1355 pesos sir," ani niya at ini-abot ko ang pera sa kaniya.
"He's... he's not my boyfriend." Pagtatama ko sa kaniya at natigilan ang cashier, "Ay...! Sorry sir! Akala ko po... ang cute niyo kasing dalawa!" ani nito at napatawa ako nang bahagya.
"It's... it's okay, hindi ikaw ang unang nag-akala na mag-boyfriend kami." ani ko at napatawa ang cashier. "Bagay kasi kayo, sir! Sorry po talaga, sana hindi kayo na-offend na napagkamalan ko kayong..." sumenyas ito gamit ang kamay niya na bahagya kong ikinatawa.
"I'm gay, miss, it's okay to say it, no need for euphemism." ani ko at nanlaki ang mata ng cashier bago ini-abot sa akin ang sukli at ang paper bag.
Ngumisi ako, "Happy Pride," ani ko sa kaniya bago naglakad pabalik sa mag-ama sa likod ko.
Hinawakan ko si Chiara sa kamay at inakay ito sa paglabas. Nang tanungin ko kung saan kami sunod na pupunta ay hinigit ako nito sa bilihan ng mga damit at sapatos. Nag-shopping nanaman ito nang nag-shopping habang nakasunod kami ni Grey sa likod niya na para bang mga alalay niya.
Pagkatapos ay nag-aya itong mag-arcade. Akala ko noong una ay siya ang maglalaro, pero ang gusto niya ay kami ni Code ang magkakalaban at magpaparamihan ng tickets na makukuha habang siya itong nanonood lang at tinatawanan ang kung sinong natatalo sa amin ni Code.
Ginagawa niya kaming mga clowns niya.
Sa huli, lahat ng ticket na nakuha namin ni Code ay pinagsama namin para makuha niya ang gusto niyang stationery set na kulay pink.
Pagkatapos ay nag-aya si Code na mag-miryenda dahil nagutom ito sa paglalaro. Nasa Starbucks pa kami ay nag-aaya na agad si Chiara na manood ng cine. Sakto at may Disney movie na palabas ngayon kaya naman agad napabili ng tatlong ticket si Code sa 4 PM na showing.
Sa gitna kami ng panonood ay gustong magbanyo ni Chiara, nagkatinginan pa kami ni Code kung sino ang sasama sa anak niya pero ako ang hinigit ni Chiara papunta ng banyo.
"Uhm, miss, makikitingin-tingin naman yung batang babae sa loob." ani ko sa babaeng papasok ng banyo.
Nakatayo lang ako sa labas dahil hindi naman ako pwedeng pumasok sa loob. May mga ibang babae na kaninang pumasok at naki-usap din ako sa kanila na tingnan si Chiara sa loob.
"Nasa loob pa sir, naghuhugas ng kamay." ani ng kalalabas lang na babae na pinaki-usapan ko kanina.
"Thank you po," nahihiya kong turan dito.
"Anak niyo sir? Kanina pa namin kayo pinagmamasdan sa loob, ang cute niyong mag-anak." tanong nito at nagparte ang labi ko.
"Uh, hindi ko siya anak, ang tatay niya ay yung isang lalaki na kasama namin." sagot ko at bahagyang napakunot ang noo ng babae.
"Ahh, so... paano yun? Nagpa-surrogate mother kayo para magka-anak?" tanong niya at namilog ang mata ko bago agad umiling.
"Hindi, hindi, hindi ako... hindi kami mag-boyfriend nung lalaking kasama namin." Paliwanag ko rito.
Pang–ilang beses na ito ngayong araw! Ilang beses na kaming napagkamalan na mag-boyfriend ni Code at anak namin si Chiara! Nahihirapan na akong magpaliwanag! Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na mag-ex kami, anak niya sa ibang babae si Chiara at wala kaming label ni Code!
Mabuti nalang at lumabas na si Chiara ng banyo at agad akong hinigit pabalik sa loob.
Gabi na nang matapos ang palabas. Nagpakarga na rin si Chiara kay Code at nang lumabas kami ng mall ay tulog na ito.
"Uhm, Grey," tawag nito nang akmang hihiwalay na ako sa kanila dahil magkalayo ang sasakyan namin.
Nilingon ko ito at nag-hum, "Ano yun?" tanong ko rito, nakataas ang magkabilang kilay.
Tumuro ito sa sasakyan niya, "Sa bahay kana kumain." Alok nito at nagparte ang labi ko.
Tumango siya, "Sige na, para hindi kana magluto sa condo mo o di naman kaya ay baka kumain kapa sa fast food. Isa pa, malulungkot si Chiara kapag umalis ka nang hindi siya nakakapagpaalam sayo." ani nito na bahagya kong ikinatawa.
"Ginamit mo nanaman yung anak mo—"
"No, really, I mean it, sa bahay kana maghapunan." Putol nito sa akin, pinagmasdan ko ang mga mata nito. Nakabagsak ang mga kilay niya at mukhang hindi naman nang-aasar.
Bumuntong hininga ako bago tumango, "Sige, susundan nalang kita." sagot ko at tumango ito bago naglakad papunta ng sasakyan niya.
Hinintay ko siyang maunang umalis bago siya agad sinundan. May kalayuan ang bahay nila sa MOA at nang makarating kami sa kanila ay tuluyan nang madilim ang kalangitan.
"Sir, umalis nga po pala muna si Top at may sakit yung anak. Baka sa Martes na raw po siya makakapasok." Narinig kong sabi ng isang kasambahay ni Code nang bumaba ako ng saskayan ko. Nag-park lang ako sa likod mismo ng sasakyan ni Code at lumapit sa kaniya na buhat-buhat pa rin ang anak.
"Hello po, Doc Grey," Inaantok na turan ni Chiara, lumapit ako rito at bahagyang inayos ang buhok niya.
"Hello Chiara, are you hungry na? I'm having dinner at your house." ani ko rito at gumuhit ang ngiti sa labi nito bago nagkuskos ng mata.
"Really po?" tanong niya at tumango ako.
Naglakad na si Code papunta sa bahay niya at sinundan ko lang ito. Nang makapasok ako ng bahay ay nakilala ko agad ang disensyo sa loob. Na-alala ko bigla noong unang beses akong pumunta rito noong college.
"Here, andito ang dining," tawag sa akin ni Code nang bahagya akong natigilan sa sala.
Sinundan ko lang ulit ito sa dining, dahan-dahan nitong ini-upo ang anak sa bangko. Umupo lang ako sa tapat ni Chaira habang si Code ang nasa kabisera ng lamesa.
Tahimik na ang pagkain namin ng hapunan lalo na at mukhang anumang oras ay makakatulog na si Chiara.
Nauubos din pala ang battery ng batang ito.
Maraming pagkain ang naka-serve sa lamesa. Gusto ko man tikman lahat ay busog na busog na ako at hindi na kaya ng tiyan ko.
Pagkatapos kumain ay ibinaba na ni Code ang anak sa bangko niya at tumayo naman ako mula sa kina-uupuan ko. Aakayin sana ni Code ang anak nang biglang dumating ang kasambahay niya.
"Sir, may bisita po kayo, si Attorney De Torres po." ani nito, nakita kong kumunot ang noo ni Code bago nilingon ang anak.
"Chiara, dito ka muna kay Doc Grey, okay?" ani nito sa anak, agad tumango si Chiara habang nagkukuskos ng mata. Binitawan nito ang anak at agad naman lumapit sa akin si Chiara at yumapos sa binti ko.
"Who's Attorney De Torres?" tanong ko kay Chiara, umupo ako pabalik ng bangko at kinalong si Chiara.
Ngumuso si Chiara at napakamot sa ulo, "It's Attorney Anthony, he was also here the other night." sagot ni Chiara at nagparte ang labi ko.
Anthony? Anthony De Torres? Is this the same Anthony from that phone call?
"He was here the other night?" tanong ko kay Chiara at tumango ito, "Yes po, he stayed here for the night, eh. Daddy said they were working on some papers for work that's why he had to spend the night here." sagot ng bata at nahulog ang panga ko.
Iba ka talaga, Code. Dinadala mo pa pala sa bahay mo ang lalaki mo. Nakikita pa ng anak mo?
"Why don't you have dinner first, kakatapos lang namin—" Natigilan si Code nang magtagpo ang mga mata namin.
Gumapang ang tingin ko sa lalaking katabi nito na nakasuot ng puting button up na halos kamukha lang ng suot ko. Naka-ayos din ang buhok nito at halatang naka-gel pa.
"May bisita ka pala, Code?" tanong nito kay Code na agad ikinataas ng isa kong kilay.
Wow, nickname basis.
"A-Ah, yes, well," Nauutal na turan ni Code. Ibinaba ko si Chiara at tumayo para lapitan sila.
"Grey, this is Anthony, he's our lawyer who handles our finances in the company. And Anthony, this is Grey, he's my—"
"Friend, hello, I'm Code's college friend." I cut him off, and I immediately offered my hand, which Anthony took.
He gave me a wide smile, "Hello, Mr. Grey, nice meeting you," he softly spoke, which somehow I found attractive as his voice is deeper than Code's and almost as deep as mine.
I glanced at Code, who seemed shocked by my sudden interruption of his sentence. I know he's about to tell Anthony that I was his ex. What else was supposed to come next after the word 'my' in Code's perspective? Of course, it would be 'my ex'.
But I won't let him tell Anthony that we had a relationship before. Paano ko aagawin si Anthony sa kaniya kung ganun?
—-------
a/n: hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang mga ideas ni Grey. Trust the process ig? HAHAHAHA, pero real guys, ang plano ko talaga rito ay maging as confusing as possible siya HAHAHAAHH rollercoaster ride ba, ganun kksksksksk
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co