Chapter 17
Grey's POV
"Congrats on your healthy baby boy ulit! Una na po muna ako." Paalam ko sa mga bagong magulang pagkatapos kong dalhin sa kanila ang bago nilang silang na anak.
Nang makalabas ako ng kwarto nila ay agad kong inalis ang mask ko at isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko.
Pang-ilan na delivery ko na 'yan ngayong linggo. Karamihan ngayon sa mga nagiging pasyente ko ay mga bagong silang na bata o di naman kaya ay iyong mga hindi pa pumapasok sa eskwelahan.
Pasukan na rin kasi noong nakaraang Lunes kaya naman madalang na ang mga kabataan na pasyente.
Nang makarating ako sa clinic ay agad akong naligo at nagpalit ng scrubs lalo pa at may pailan-ilan na dugo na lumapat sa damit ko kanina.
Dahil hindi naman kinailangan ng pedia sa ward o ER, at mamaya pa naman ako mag ro-round ay nag-asikaso muna ako ng mga records ng mga pasyente ko. Ilang minuto rin akong nagpahinga, nakatingala lang sa kisame at nanonood ng videos ng mga pusa sa internet bago bumalik sa trabaho.
Nang matapos akong mag rounds ay saka ko lang napansin na nalipasan nanaman ako ng oras ng pagkain.
Nang makarating ako sa canteen ay naabutan ko pa sila Bianca at Louis na kumakain.
"Late nanaman siyang kumakaim," Sita sa akin ni Louis na ikinatawa ko nang pagak nang umupo sa tabi niya.
"Kayo rin naman, it's pass 1 PM and ngayon lang kayo kumakain." sagot ko rito bago kumain.
"Pansin ko... Biyernes na ngayon pero hindi pa bumibisita yung alaga mo." ani ni Bianca, kunot-noo akong nag-angat ng ulo at taka itong tiningnan.
Bumunot-hininga ito bago umirap, "Yung anak ng ex mo, si ano.. Chi... Cha?" Nahihirapan nitong alalahanin ang pangalan ni Chiara.
Napabuntong-hininga ako, "Chiara kasi," sagot ko rito at tumango ito.
"Yun, siya nga, parang hindi bumibisita, ah?" tanong niya at nagkibit-balikat ako.
"Hindi ko rin alam kung bakit, baka pumapasok na sa school." Hindi ko siguradong sagot.
"Ay, bakit mo alam?" May mapang-asar na ngisi sa labi ni Bianca na ikina-irap ko.
"Baka nga, diba? Hindi ako sigurado. It was just my speculation." sagot ko rito na ikinatawa ni Bianca.
"Akala ko naman updated kana sa buhay nung bata." Pang-aasar nito bago sumubo ng pagkain niya.
Hindi ko na ito sinagot at nagpatuloy sa pagkain. Akala ko'y matatahimik na sa sila at magiging payapa na ang pagkain ko. Maya-maya ay biglang nagsalita si Louis.
"So, kailan mo na balak gumanti? May naisip kana ba?" tanong ni Louis, napabuntong-hininga ako bago ito nilingon.
Utay-utay akong umiling, "Wala pa rin, masyado pa rin akong busy para isipin ang mga ganiyang bagay." sagot ko at narinig kong tumawa nang pagak si Bianca.
"Ilang buwan na dito sa Pilipinas yung ex mo at ilang beses na rin kayong nagkasama. Surprising nga na hindi mo pa rin nabubugbog yun." ani ni Bianca, nagbaling ang tingin ko sa kaniya at bahagya itong pinanliitan ng mata.
Bumuntong-hininga si Bianca at bahagya pang napangiwi, "Natatandaan mo ba? Noong nasa med school tayo, noong minsan kang nalasing, gustong-gusto mo siyang tiikin, saksakin at bugbogin. Sabi mo pa nga, sa segundong makita mo siya ulit, wala kang pipiliin na lugar at sasaktan mo siya. Ganun ka kagalit sa kaniya dati. Anong nangyari ngayon?" tanong ni Bianca,
Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi bago nilingon si Louis na seryosong nakatingin sa akin.
Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko, "I just... I got mature, I really think it'll be childish kung maghihiganti pa ako." sagot ko at narinig kong bumuntong hininga si Louis sa tabi ko.
Nakita ko pa itong sumandal sa bangko niya at pinag-cross ang mga braso, "Akala ko ba... napag-usapan na natin 'to?" tanong nito, nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Pumikit ito nang mariin bago muling nagmulat, "Gaganti ka on behalf of your younger self." ani niya at tumango ako.
"Oo nga, pero... right now, I'm healed. Okay naman na ako. I don't think taking revenge is necessary." I replied, and I heard him flick his tongue.
"Ipaghihiganti mo yung younger self mo. You might be healed now, but you know damn well how hurt you were before." he stressed out.
I sighed, facing Bianca, who was listening attentively to us.
"Well..." I shrugged, "Any suggestions? Kung anong magandang gawin? Anong gagawin kong paghihiganti?" tanong ko sa dalawa, agad dinampot ni Bianca ang inumin niya at sumimsim.
"Ipa-ambush mo!" ani nito at agad nanlaki ang mata ko, maski si Louis sa tabi ko ay napasinghap.
"Hindi ganun!" singhal ko na agad na ikinatawa ni Louis sa tabi ko, "Mapapamahak si Grey sa suggestion mo, eh." ani nito at agad akong tumango.
Ngumuso si Bianca bago sumandal sa bangko niya habang sumisimsim ng inumin.
"You didn't seem to like my suggestion before," Louis mentioned. I looked back at him and gave him a slight nod.
"Well," he tilted his head,
"Bakit hindi mo subukan na mas maging malapit dun sa anak—"
"No, hard pass, definitely not. 'Wag natin idadamay yung bata." Putol ko rito bago sumubo ng pagkain.
"Iyon ang paki-usap sa akin ni Code na huwag na huwag idadamay yung anak niya." Dagdag ko pa,
Napakunot ang noo ni Louis, "At pagbibigyan mo siya sa paki-usap na yun?" tanong niya at agad akong tumango.
"Yes, kasi madadamay rin yung bata. Inosente si Chiara rito, labas siya sa kagaguhan ng tatay niya, okay?" Sagot ko agad rito, bumuntong hininga si Louis bago tumango.
"What about..." he stared at his food. For the few minutes he was silent and deeply in his thoughts, I continued eating and enjoying my lunch.
"What about... date his best friend?" He, too, was unsure of his suggestion.
My brows furrowed and swallowed the food in my mouth, "Best friend? Wala akong kilala na best friend niya." sagot ko at napakunot ang noo ni Louis.
"Noong college? Wala ba siyang best friend na kilala mo noong college?" tanong niya at agad akong napabuntong hininga.
"Louis... it was just us six in college. Kung may lalaki man siyang pinakang malapit sa kaniya noon, ako yun." sagot ko at narinig kong nasamid si Bianca sa iniinom niya.
"Yun lang," bulong ni Louis bago sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya.
We all went silent. Louis still looks like he's thinking on another way to take revenge on Code when suddenly our beeper rang. Naunang umalis sila Louis at Bianca habang ako itong inubos muna ang pagkain ko bago inayos ang pinagkainan at sumunod na sa ER.
May mga batang isinugod sa ER dahil nabangga raw ang sinasakyan nitong service malapit sa school. Nasa pitong kabataan din ito. Ang lima rito ay duguan at halos mawalan na ng malay habang ang dalawa naman ay puno lang ng galos at sugat.
Sa kada iyak at sigaw ng mga bata na nasasaktan ay parang pinipiga ang puso ko. Noong tinatahi ko ang braso ng isang bata kanina ay kasabay niya akong umiiyak dahil na-aawa ako sa kaniya.
Ang isang bata ay nakayapos sa akin habang ginagamit ko ang noo niyang may sugat din. Ang isa naman ay gustong ako rin ang maggagamot sa kaniya dahil gusto rin daw niya na yayakapin ako habang ginagamot ko ang sugat niya.
Nang matapos naming asikasuhin ang mga bata ay balot na balot ako ng dugo dahil sa mga batang nakayapos sa akin kanina.
"Kids do really love you, 'no?" tanong sa akin ni Louis habang naglalakad kami sa hallway.
Natawa ako nang bahagya bago tumango, "Maybe they just find comfort in me." sagot ko rito at utay-utay siyang tumango.
"So ako hindi mukhang comforting?" Napasinghap ito na ikinahagalpak ko ng tawa.
"I didn't say that, siguro... iba lang yung aura na nakikita sa akin ng mga bata." sagot ko at utay-utay tumango si Louis.
Suddenly, I remembered someone. After spending a few hours with all those kids at the ER, I suddenly remembered a little boy who holds a special place in my heart.
"Louis," Agad kong hinawakan si Louis sa braso para pigilan ito.
Agad ako nitong nilingon, "Yes? Is something wrong?" Nag-aalala nitong tanong,
My lips parted, "During college, there was this little boy who was really special to me." I started, and I couldn't even contain my smile.
"His name was... Jino, I remember it so well." A big smile grew on my lips, "He... he was one of the reasons why I badly wanted a kid." I glanced at Louis, the smile still printed on my lips.
"And you know what... on the end of that day in college when we had to give him back to his mother, who asked us to babysit him for the whole day?" I asked, and Louis gave me a nod, urging me to speak further; his eyes screamed that he was willing to listen to me.
"After we gave him back to his mom, I told Code how badly I wanted to have a kid, and you know what he told me?" I said, my smile slightly faded, I suddenly felt the tightening of my throat, and my eyes got wet.
"Anong sabi niya?" Louis softly asked,
I forced a smile, "He said we will have a kid together in the future, kapag stable na ang buhay namin parehas." I replied, and before I knew it, the reminiscing of the past was too much for me today, and I started crying in the hospital hallway.
Louis smiled, he reached for my hand on his arm, and the next second he pulled me into a hug.
I pursed my lips, tears still pouring down my cheeks, but I'm not making any sound.
"You can still have a kid," he comforted, rubbing my back softly.
"How?" I pulled away from the hug, wiping the tears on my cheeks, "Louis... I'm gay, I won't fuck a lady. Code completely fucked me up." I said, and Louis shushed me, fixing a few strands of my hair on my forehead.
"Well... surrogation? Adoption? You have your choices," he suggested, and I slowly shook my head.
"But... It's different... it's... I have these friends, they're Hades and Yago, they're both male, they're married and they have twins that was conceived through surrogacy, and... ganung buhay ang gusto ko." I explained, and his lips parted.
"So you also want a partner?" he asked, and I slowly nodded,
His lips opened, and I knew he was about to say something when a small voice suddenly called my name. I immediately turn to look at my back and see Chiara running towards me.
"Doc Grey, I have stars po— why are you covered in blood po?" Agad natigilan si Chiara sa pagtakbo nang makita ang nagkalat na dugo sa damit ko.
Mukhang nandidiri pa ito at halos hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha.
"Uh..." I looked down at my clothes,
"I... I treated the kids sa ER kasi kanina, Chiara. They got into an accident and they were full of blood." Paliwanag ko rito sa bata.
Umakyat ang tingin ko sa ama nito na nakatayo sa likuran niya, dala-dala ang Barbie nitong backpack.
"Doc Grey, look! I have stars po! Very good daw po ako sabi ni teacher!" Muling bumaba ang tingin ko sa bata sa harapan ko.
Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko bago lumuhod para maging ka-lebel ito. Inabot ko ang braso nito at tiningnan ang mga stars dito, "Wow! That's great! You're going to school na pala?" tanong ko rito at agad siyang tumango.
"Yes po! It's kinda hard po kasi they always speak in Filipino pero sabi ni teacher, magaling na daw po ako mag-speak ng Filipino." sagot nito at agad gumuhit ang ngiti sa labi ko habang inaayos ang bangs niya.
"We bought you donuts din po pala!" Nagulat ako nang bigla nitong itaas ang isang kahon ng donut.
"Aww, thank you, Chiara! Sakto, gutom na ako." Nakangisi kong turan dito bago tinanggap ang donut.
Ngumuso ito, "You're not taking care of yourself po, ulit?" tanong nito at narinig kong napatawa nang pagak si Louis sa likod ko na agad kong sinamaan ng tingin.
Agad itong napatikom ng bibig. Nang magbalik ako ng tingin kay Chiara ay muli akong napangiti, "Busy lang si Doc, I'm still taking care of myself, Chiara, don't worry." I gave her an assuring smile.
She smiled back at me before nodding, nakita kong humakbang ang ama nito palapit at hinawakan ang anak sa balikat.
"Let's go na Chiara? Doc Grey will clean up pa," ani nito sa anak na agad siyang nilingon.
Tumango si Chiara bago nagbalik ng tingin sa akin, "Bye po, Doc Grey! See you po ulit soon! Pupunta po ako rito sa weekend!" ani nito habang kumakaway.
Tumango ako at tumayo bago siya kinawayan pabalik. Napakunot ang noo ko nang takpan ni Code ang magkabilang tenga ng anak.
He then looked straight to me, "I'm sorry, hindi ko siya napigilan na pumunta rito. I know you're very busy, susubukan kong hindi siya makapunta rito sa weekend dahil alam kong busy ka." ani ni Code at agad akong umiling, "It's fine, huwag mo siyang pigilan na bumisita, okay lang sa akin." sagot ko rito at napakunot ang noo ni Code.
"He adores your kid so much, she makes him happy." Parehas kaming napalingon ni Code kay Louis na nakasandal sa pader habang naka-cross ang mga braso.
"You told him before na magkaka-anak kayong dalawa, kaso sa ibang babae ka nagka-anak. Huwag mo naman ipagkait sa kaniya yung anak mo ngayon kasi 'yang batang 'yan ang nagpapasaya sa kaniya." Pabalang nitong turan, agad namilog ang mata ko at sinamaan ito ng tingin.
Tumawa pa nang pagak si Louis bago umayos ng tayo at napa-iling, "He's really fond of kids, alam mo 'yan, Attorney. Kaya hayaan mo na siyang makita yung anak mo kahit saglit." Dagdag pa nito bago tumalikod at naglakad paalis.
Napabuntong hininga ako bago nagbalik ng tingin kay Code na mukhang hindi rin mapakali at malikot ang mga mata.
Tinanguan ko ito, "Sige na, umuwi na kayo, para makapagpahinga na rin si Chiara." ani ko rito at tumango itoo bago inalis ang kamay sa tenga ng anak at naglakad paalis.
Na-alala ko bigla na day-off ko pala ng Sunday kaya agad ko itong tinawag, "Code!" Hinabol ko ito, agad namang lumingon pabalik ang mag-ama at parehas namimilog ang mga mata na nakatingin sa akin.
Tumigil ako sa harapan nila, "It's my day-off on Sunday, it's better if bukas na kayo pupunta rito para andito ako." ani ko rito at nagparte ang labi ni Code habang ang anak nito ay napatingala sa ama.
"May... may tutor si Chiara bukas, hindi siya pwede." sagot ni Code at labi ko naman nag nagparte, utay-utay akong nagbaba ng tingin sa bata na nakatingin lang sa akin at namimilog ang mga mata.
Napakagat ako sa labi ko nang bahagya, "Then... well..." napalunok ako ng laway.
"Pupunta kami ni Chiara ng mall ng Sunday," ani ni Code at bahagya akong naguluhan. "Ha?" Taka kong tanong rito,
Napakamot si Code sa batok niya, "I mean... mag ma-mall kami ni Chiara sa Sunday. That's what I told her since busy ako sa trabaho buong linggo. Baka lang... gusto mong sumama sa amin?" Alok ni Code at nagparte ang labi ko bago utay-utay tumango.
"I... I see, pwede naman, sure, sasama ako." ani ko habang tumatango, nakita kong lumiwanag ang mukha ni Chiara bago agad nakatakbo mula sa ama at niyapos ang binti ko.
"You're coming with us?! Yeyy!! I'm so excited!!!" ani nito habang yapos-yapos ang binti ko, agad gumuhit ang ngiti sa labi ko habang sinusuklay ang buhok niya, nang mag-angat ako ng tingin kay Code ay nakangiti itong nakatingin sa akin. Pero nang magtagpo ang mga mata namin ay agad itong nag-iwas ng tingin.
Nang umalis na ang mag-ama ay agad akong bumalik ng clinic ko para magpalit ng damit. Pagsapit ng alas sais ng hapon ay agad din akong umuwi at nagluto ng hapunan. Maaga akong nakapagpahinga at nakatulog.
Kinabukasan ay una kong binisita ang mga bata sa ward na na-aksidente kahapon. Kasama ng mga ito ang magulang nila at malaki ang pasasalamat ng mga ito sa akin. Gaya ng sani ni Louis ay mukhang komportable nga ang mga bata sa akin dahil malalawak ang mga ngiti sa labi nila habang kausap ako.
Kasunod kong binisita ang nursery para tingnan ang mga sanggol dito, kasunod ay ang mga bata sa sari-sarili nilang kwarto bago tumanggap ng mga pasyente sa clinic ko.
Nang makapagpahinga at kumain ng tanghalian ay saka ko lang binisita ang cellphone ko. Nakita ko na may message sa akin si Code at picture pa na sinend. Kinabahan pa ako noong una dahil akala ko ay tungkol ito kay Chiara.
Pero napabungisngis ako nang makita na si Chiara ang nag-message sa akin at nagsend pa ng selfie niya at picture ng mga notebook niya.
Mukhang nahawakan nanaman nito ang cellphone ng ama.
Tinanong ako ni Louis kung busy raw ba ako bukas dahil inaaya ako nitong bumisita sa farm ng magulang niya. Nagpalusot nalang ako na mag gr-grocery at maglilinis ng condo kaya hindi ako makakasama sa kaniya.
Buong hapon ay nagme-message sa akin ni Chiara. Mukhang natapos na rin ang tutor niya ng hapon dahil nagse-send na ito sa akin ng picture ng mga laruan niya.
Tinanong pa ako nito kung naka-uwi naba ako. Sakto naman dahil 5:30 PM na nang magtanong siya nito. Pagka-uwi ko ng condo ng 6 PM ay agad akong naligo at nagbihis bago nagluto.
Pagkatapos kong magluto ay agad ko itong inihain at kinuhaan ng picture bago sinend kay Chiara.
You sent a picture
To: Nicodemus Ace
Just finished cooking :)
To: Nicodemus Ace
Kumain kana rin <3
Inilapag ko ang cellphone ko at nagsimulang kumain. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko, agad kong inilapag ang kutsara ko at dinampot ang cellphone ko. Nakita kong message ito mula sa account ni Code kaya dali-dali ko itong binuksan.
Nicodemus Ace Costa sent a picture
From: Nicodemus Ace
Chiara fell asleep, she got tired from playing and studying all day.
From: Nicodemus Ace
But don't worry, kumain na ako.
From: Nicodemus Ace
*kami XD
—--------
a/n: BWAHAHAHAHAH, typo talaga yun guys, excited ako para sa ud bukas ksksksk
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co