Chapter 20
Grey’s POV
Anthony didn’t cut contact with me. He’s not even mad at me after finding out the truth and the reason why I kept him in touch. He laughed it off and told me that my feelings are valid. And a part of him agrees that I do have the right to seek revenge on Code.
In fact, he asked me if I wanted to continue whatever was going on between us. I told him I may be too busy with my work to be as available as he expected.
He offered to be fuck buddies, I told him I may not be as committed as other fuck buddies do. But he said I can just message him whenever I want to and whenever I need to release my stress or frustration.
“So in the end, FUBU pala ang nakuha mo?” Natatawang tanong sa akin ni Louis nang pumasok ako ng Lunes.
Napahilamos ako sa mukha bago utay-utay tumango, “Unfortunately, yes. Wala eh, magaling siya, he can read the situation and what’s in my mind.” ani ko habang nakasubsob sa lamesa.
Narinig kong humagikhik si Louis sa harap ko, “At least, may napala ka sa kaniya. You said he was good in bed.” he said which made my head snap up.
I sat up straight on my chair and clasped my hands together on the table. I cleared my throat, “I mean, yeah, he’s good.” I admitted, which made Louis scoff.
“And you mentioned he’s big,” he reminded me, which made me chuckle.
I gave him a nod, resulting in new laughter on our table, “He is, he really is big. I thought I wouldn’t be able to handle it.” I confessed, which made Louis burst out laughing.
He leaned forward towards me, “Who’s bigger, me or him?” he asked which made my eyes widened a bit, “The fuck?! Him…!” I whispered shouted which made him throw back his head as he burst out laughing, while his hands clutched his stomach.
His laughter died down a bit, he even wiped the tears on the side of his eyes before leaning forward for the second time. “Who’s bigger, him or Code?” he asked. I immediately glared at him before leaning on my chair.
“Length speaking… It’s Anthony. But girth speaking… It’s Code.” I replied, which made him burst out laughing, even stomping his feet on the ground.
Mabuti nalang at walang ibang tao rito sa canteen, kung mayroon man ay sobrang layo sa table namin ni Louis.
“I think Anthony has 2-inch advantage, but Code’s is way chubbier,” I added which made him almost fall down on his chair, laughing while clutching his stomach.
“Tama na, ‘wag mo nang dagdagan! Ang sakit na ng tiyan ko!” ani niyo habang mangiyak-ngiyak sa kakatawa.
Napatawa ako nang pagak bago dinampot ang baso ng sago’t-gulaman na binili ko.
Pagkatapos namin magmiryenda ay agad din kaming umalis ni Louis ng canteen para mag-round. Hanggang 10 PM ang shift ko ngayong araw kaya naman naiinggit ako sa mga doktor at nurse na paalis na ng 6 PM.
Mag-isa lang din akong naghapunan dahil may operation si Louis ng mga oras na iyon. Bandang 9 PM ay may delivery naman akong inasikaso kaya saktong 10 PM ay tapos na ako sa trabaho ko.
Nagmamaneho ako pauwi nang may tumawag sa cellphone ko. Dahil nasa loob ito ng bag ko ay hindi ko ito nagawang sagutin agad. Pagpasok ko ng condo ay saka ko lang tiningnan kung sino ang tumawag.
“Hello? Mom? I was driving kanina kaya hindi ko nasagot ang tawhg mo.” Paliwanag ko kay Mom nang sagutin nito ang tawag ko.
[That’s fine, anak, that’s important not to use your phone while driving.] She replied, and I hummed while removing my shoes by the doorstep.
“So, why did you call?” I asked while walking towards my bedroom, playing with my keys in my hand.
[Ah, right, about that, there will be a party in our company this Friday. And your Dad wants you to attend the party. Para na rin maipakilala ka niya sa mga business partners and investors natin.] sagot ni Mom at bahagya akong natigilan sa sgaot niya.
Napasandal ako sa door frame ng kwarto ko bago nagpamulsa at napabuntong hininga, “Ipakilala as what? Mom, I told you, I won’t take after our company. It is not my forte, and besides, I know nothing about automotives, heck, I don’t even know anything about business.” sagot ko rito,
[Grey, language!] Sita sa akin ni Mom, napamasahe ako sa noo ko bago tumango, “Fine, I’m sorry, but… You know what I mean, Mom. I don’t know how to take care of business.” I replied, and Mom hummed on the other line.
[I know that, anak. And I know how passionate you are in medicine pero… anak, you’re our only son. Kanino ipapasa ng Dad mo ang kumpanya natin? Your Lolo and your Dad worked so hard for that company. Nakakalungkot naman kung sa future, sa iba mapupunta ang kumpanya natin.] Malumanay na turan ni Mom.
Napabuntong hininga ako bago tuluyang pumasok ng kwarto ko at inilapag sa sahig ang bag ko.
“Bakit kasi hindi na kayo nag-anak ulit?” tanong ko at narinig kong napahagalpak ng tawa si Mom sa kabilang linya.
[Anak, hindi ba, sinabi ko na sa’yo, makabuo nga lang kami ng isa ng Dad mo ay hirap na hirap na kami, makadalawa pa kaya?] Natatawang turan ni Mom na maski ako ay napahagikhik nang bahagya.
“What about my course in college? I planned to take Mechanical engineering, or… anything about engineering, but Dad didn’t want me to take mech eng.” tanong ko kay Mom at narinig ko itong bumuntong hininga sa kabilang linya.
[I thought you love your job?] tanong ni Mom at ako naman ang napabuntong hininga.
“I do love my job. But… I was interested in mechanical engineering before, ayaw lang ni Dad. Which is weird cause he took mech eng, we have an automotive business, pero ayaw niya akong maging engineering because he said it’s… I don’t know, I forgot kung anong sinabi niya dati about sa mech eng.” Nagkibit-balikat ko, narinig ko pang humagikhik si Mom sa kabilang linya na ikina-buntong hininga ko.
[Nakakatuwa ka talaga anak,] ani ni Mom sa kabilang linya na medyo ikina-irap ko.
[Basta, be present on Friday, 7 PM yun, don’t be late!] Pa-alala ni Mom,
Utay-utay akong umupo sa sahig ng kwarto ko bago napasapo sa noo ko, “Mom, I can’t, Saturday pa ang day-off ko.” Paliwanag ko at narinig kong suminghal si Mom sa kabilang linya.
[Then… i-advance mo na ng Friday ang day-off mo.] ani ni Mom na medyo ikinatawa ko.
“That’s not how it works, Mom. Hindi ko talaga kaya, I can’t make it on Friday.” sagot ko rito at narinig kong napasaltik ang dila ni Mom.
[Grey, your Dad really wants you to be there. And… I want you to be there too. Please, anak? Do something for it?] Mom pleaded, she said it so softly that it broke my heart hearing her beg.
I let out a sigh before nodding, “Fine, fine, I’ll try, but I can’t promise, Mom.” sagot ko rito,
[Ayan!! Kaya ‘yan, anak! I know magagawan mo ng paraan ‘yan!] Magiliw na turan nito na medyo ikinangisi ko.
I hummed, “Sige na po, kauuwi ko lang, maghahapunan pa ako.” Paalam ko rito at nag-hum si Mom sa kabilang linya.
[Sige, sige, cook your own food, ha? ‘Wag laging fast food! Goodnight, Grey!] Pa-alala nito na medyo ikinangiti ko.
“Goodnight, Mom, love you too,” I replied before ending the call.
I took a quick shower first before changing into a pair of pajamas. I cooked rice porridge and paired it with some century eggs and tofu for dinner. I also had a can of beer before heading to sleep.
“I heard you file a leave on Friday? Ano nanamang meron? ‘Wag mong sabihin na birthday naman ni Code ang pupuntahan mo?” tanong sa akin ni Louis nang madaanan ako sa hallway.
Tumigil ako sa paglalakad bago siya sinamaan ng tingin, “Hindi ‘no, my Mom begged me to attend our company party this Friday. Hindi ko siya mahi-hindi-an.” sagot ko rito at utay-utay tumango si Louis.
“Okay, akala ko naman kung ano, eh.” ani nito bago dire-diretsong naglakad paalis. Napabuntong hininga nalang ako bago napa-iling habang binabasa ang record ng pasyente ko.
The next day, I was informed that my leave was approved. I immediately told my Mom that I’ll be able to attend the party on Friday, which made her so excited.
[That’s great! Sabi ko naman sa ‘yo, eh! I’ll send you the dress code para makapaghanda ka agad ng maisusuot mo.] ani ni Mom at medyo natauhan ako sa sinabi niya.
“Huh? What code again?” I asked, checking to see if I’m only hearing things.
[Dress code, para makapaghanda kana ng isusuot mo sa Friday.] sagot ni Mom at agad nagparte ang labi ko bago agad tumango.
“Oh, I see, I see, okay Mom, thanks,” I said, we bid goodbye to each other before ending the call.
I let out a sigh before leaning on the wall, clutching my phone in one hand.
Mom sent me the full details of the party by midnight. Sakto dahil kakauwi ko lang din at agad ko itong nakita. Iyon nga lang ay pagod na pagod na ako sa trabaho kaya kinabukasan ko na naasikaso ang paghahanap ng suit na isusuot ko sa party. Mabuti nalang at may isa akong set ng powder blue na suit, bago pumasok sa trabaho ay dinala ko muna ito sa laundry para malabhan at para ma-plantsa na rin.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng trabaho ay may kasabay na akong bata na isinugod sa ospital dahil nabangga ng tricycle sa tapat ng school nila. Dali-dali ko lang inilapag ang bag ko sa nurse’s station bago pinuntahan ang bata.
Wala pa akong isang oras sa ospital ay balot na agad ako ng dugo at halos maligo sa pawis. Pagkatapos kong asikasuhin ang batang na-aksidente at nang masigurado na maayos na ang lagay nito ay saka lang ako naka-akyat ng clinic ko at agad naligo at nagpalit ng scrubs.
I should really get new pairs of scrubs, mabilis maluma ang mga scrubs ko dahil sa paulit-ulit na paglalaba rito at halos maisuot ko ng dalawa o tatlong beses sa isang linggo.
Habang nakapahinga ako ay um-order na ako ng limang set ng scrubs, tumingin na rin ako ng mga bagay-bagay na pwedeng gamit sa condo at ilang skincare dahil paubos na ang iba kong supply.
Pagsapit ng hapon ay pumunta si Chiara sa ospital pagkasundo ng tatay nito sa school. Mabuti nalang at at na-tiyempuhan niya akong malinis at hindi galing sa pasyente na may malubhang sakit kaya nagawa ko itong buhatin nang sinalubong ko siya sa pinto.
“Look, Doc Grey! Perfect po ako sa spelling quiz ko!” Ipinakita nito sa akin ang papel niya, inabot ko ito at pinagmasdan ang nakasulat dito.
“Wow! Very good, Chiara!!” ani ko rito bago inayos ang bangs niya.
Inabot ko sa bulsa ko ang chocolate, “Dahil diyan, here’s a chocolate for you, baby!” Agad lumiwanag ang mukha niya nang makita ang chocolate na hawak ko.
“Wow! Thank you, Doc Grey!!” ani nito, tinulungan ko pa siyang buksan ang chocolate bago nagpababa sa akin sa sahig. Nang habulin ko ito ng tingin ay nakita ko si Code na malawak ang ngiti habang pinapanood ang anak niya.
“Doc Grey, will you keep your promise po na we will go somewhere on your next day-off? When is that po?” tanong ni Chiara habang nakakapit sa coat ng ama at kumakain ng chocolate.
Nagparte ang labi ko bago agad tumango, “Yes, Chiara, my next day-off is on Saturday. Saan mo ba gustong pumunta?” tanong ko rito bago inilagay ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng coat ko.
“Sa Ocean Park po!! I want to see the sea lion!!” Nagtatalon ito na bahagya kong ikinabungisngis, “Okay, okay, pupunta tayo doon sa Saturday.” ani ko at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya bago tumango.
Hindi na nagtagal ang mag-ama sa ospital at agad din umalis. Nagtagal ako sa ospital hanggang alas dose dahil hindi ako papasok buong araw ng Biyernes.
Nang umuwi ako sa condo ay hindi na ako nakakain ng hapunan. Halos wala na rin akong lakas maligo pero pinilit ko pa rin dahil pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko.
Kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Kinuha ko muna ang suit ko sa laundry bago pumunta ng mall para mag brunch at mamili ng grocery lalo pa at wala na halos laman ang ref ko. Pagbalik ko naman ng condo ay naglinis ako at naglaba. Inayos ko rin ang sira kong electricfan dahil mabagal na ang pag-ikot nito. Pero halos mag-iisang oras na ako sa pag-aayos at mukhang lalo ko lang itong nasisira.
Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sahig para kunin ang cellphone sa coffee table.
Napakunot ang noo ko nang makita ang message ni Code.
From: Nicodemus Ace
Nasa baba ako ng condo mo, may ipinapadala si Chiara.
Napabuntong hininga ako bago inilapag muli sa lamesa ang cellphone at lumabas ng condo.
Nang makita ako ni Code sa baba ay nakita ko ang gulat na gumuhit sa mukha nito.
“Anong nangyari sa’yo?” Takang tanong nito. Sinundan ko ang tingin niya na nasa puti kong t-shirt na puno ng langis.
“Ah,” napatawa ako nang bahagya, “Nag-aayos ako ng electricfan sa condo ko, akala ko kulang sa langis.” sagot ko at kumunot ang noo niya.
“Alin ba talaga ang nilagyan mo ng langis? Yung electricfan o yung damit mo?” tanong niya na medyo ikina-inis ko at ikina-irap ko.
“Anyways,” inilahad nito ang isang paper bag, “Chiara baked a Canadian dessert, kagabi pa ‘yan pero ngayon ko lang nadala dahil busy sa kumpanya.” Paliwanag niya at tumango lang ako bago tinanggap ang paper bag.
Sinilip ko ang loob nito at nakita ang tupperware na may lamang pagkain.
“Gusto mo ba tulungan na kita sa pag-aayos ng electricfan mo?” Napa-angat ako ng tingin sa sinabi niya.
Napa-angat ang isa kong kilay, “‘Wag na, ako na, kaya ko na ‘to.” Inis kong turan at tumaas ang isa niyang kilay, “Talaga ba?” May halong pang-aasar ang tono ng boses niya na ikina-kunot ng noo ko.
“Sige na, tutulungan na kita.” Pagpupumilit niya, dahil medyo naiinis na rin ako sa electricfan na iyon ay pumayag nalang din ako at pinasunod siya sa condo ko.
“Hindi ko alam kung anong problema niya, nilinis ko na yung elesi at nilagyan ng langis pero hindi pa rin umiikot nang maayos.” ani ko nang pumasok kami ng condo. Pinanood ko itong maglakad palapit sa electricfan at pinagmasdan ito.
Naglakad ako papunta sa kusina at binuksan ang tupperware para tumikim ng ginawa ni Chiara. Nang tanawin ko si Code ay nakita ko itong hinubad ang coat niya at ipinatong sa sofa. Hahawakan na sana nito ang electricfan nang pigilan ko ito.
“Code, saglit,” Pigil ko rito bago tumakbo papunta ng kwarto. Ikinuha ko siya ng itim na t-shirt at agad ibinigay sa kaniya.
“Magpalit ka muna ng damit, baka malagyan ng langis yung polo mo.” ani ko rito at utay-utay siyang tumango bago pumunta ng banyo.
Paglabas niya ng banyo ay agad kong napansin na sikip sa kaniya ang t-shirt na ibinigay ko at halos yapusin na nito ang buong katawan niya.
Napatikom ako ng labi bago dumampot ng tart na gawa ni Chiara. Nag-iwas ako ng tingin at sinubukan hindi siya tanawin. Pero sa tuwing gagalaw siya ay agad gumagapang ang mata ko sa kaniya.
“Hindi langis ang kailangan nito, madumi lang yung motor niya kaya ganun.” ani nito at nagparte ang labi ko at tumango lang.
Binuksan niya ang likod ng electrifan at sinimulan itong linisin. Nakatuon ang magkabila kong siko sa kitchen island habang pinapanood siya sa paglilinis ng electricfan. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang mula sa sa ginagaw aniya ang tunog sa buong kwarto. Maliban sa pailan-ilan niyang pag-ungol sa tuwing mapapagod ito sa ginagawa niya.
Sa ilang beses na may pumapasok sa isip ko na hindi ko dapat iniisip ay napapa-inom ako ng tubig.
Maya-maya ay tumayo si Code mula sa sahig, nagpupunas ng pawis gamit ang kaniyang braso na pawisan din naman. Kumuha ako ng tissue na nasa tabi ko lang bago siya nilapitan. “Oh, magpunas ka muna.” ani ko rito habang nakalahad ang tissue sa harap niya.
Ilang segundo niya itong pinagmasdan bago ito kinuha at nagpunas ng pawis.
“By the way, baka gusto mong maghapunan sa bahay. At isa pa, 11 AM tayo bukas sa Ocean Park, kikitain ka nalang ba namin o sabay tayo pupunta doon?” tanong niya at nagparte ang labi ko bago tumango, “Oo,” sagot ko at kumunot ang noo niya, “Oo saan?” taka niyang tanong bago nag-angat ang isang kilay.
Natauhan ako bigla bago bahagyang umiling, “I mean… oo, magkikita nalang tayo doon.” sagot ko at tumango siya.
“How ‘bout the dinner? Are you up for that too?” tanong niya at bahagyang napakunot ang noo ko bago umiling, “Can’t, I have to go somewhere tonight.” I answered and he slowly nod while wiping the sweats on his arm.
“Date?” he asked and my brows furrowed, almost touching each end.
“That’s none of your business.” I replied, a bit annoyed.
He shrugged before picking up his polo, “Right, that’s none of my business.” he said before walking towards the bathroom.
I cleaned up the tools he used and placed them under my sink. Few minutes after, he went out the bathroom in his white polo, holding my black shirt.
“Ako na ang magpapalaba nito.” ani niya at umiling ako bago kinuha sa kamay niya ang t-shirt.
“Ako na, magdadahilan kapa para makipag-kita sa akin.” ani ko at napatawa ito nang pagak bago napa-iling.
“Umalis kana, baka may gagawin kapa.” Pantataboy ko rito at narinig ko itong humagikhik.
“Walang ‘thank you’?” tanong niya at napa-irap ako, “Thank you,” I looked away.
I heard him chuckle, “You said it like you don’t mean it.” he commented which made me grit my teeth and roll my eyes.
I looked back at him but was taken a back with how he looks at me. His head slight falling forward but his eyes looks straight into mine.
I took a deep breath and closed my eyes for a second, “Thank you,” I said softly.
He smiled before nodding, “‘Yan, ganiyan, see you tomorrow, Grey.” he faced his back at me before walking towards the door, I didn’t even get to say goodbye because he immediately slammed the door shut.
Around 6 PM, I started getting ready, I styled my hair and applied slight make up to conceal my eyesbags and dark spots from previous pimples I had. I sprayed my perfume on my neck and wrist before taking a look of my relflection on the mirror. When I felt satisfied with how I look, I took my phone, my keys, and my small wallet before heading out the unit.
I was on time when I arrived at the company, I was immediately greeted by some employees who seems to look surprised seeing me inside the company.
Heck, I barely go here. Once a year? Twice a year? I don’t even remember the last time I’ve been here.
Mom immediately welcomed me with a warm hug and a kiss on the cheeks. I just know she left a kiss mark on my cheeks because of how glossy and red her lips are so I had to immediately wipe it away.
“Is this your son na? He’s so laki na pala! College student?” tanong ng kausap ni Mom, nanlaki ang mata ko at nagkatinginan pa kami ni Mom bago sabay napatawa.
Agad umiling si Mom, “No, no, he’s working na, he’s a pediatrician sa hospital sa Binondo.” Pagtatama ni Mom sa amiga niya.
Nakita kong gumuhit ang gulat sa mukha nito, “Wow, he looks so young, akala ko college student palang.” ani nito na bahagya kong ikinatawa.
“Mana kay Richard, alam mo naman, Chinese people and their anti-aging genes.” ani ni Mom na ikinangisi ko nang bahagya.
Mom introduced me to more of her friends. Most of them asked if I will be taking over the company soon. But my answer to them is the same everytime, “I might, if Dad really wants to, but it is not in my plans.” I replied and they all nodded.
When the party actually started, Dad spoke on the stage. He welcomed all the investors and business partners and even mentioned some to thank them.
I barely know anyone.
When it was time for dinner, we were served foods on our table. I sat quietly on my chair beside Mom while my parents talk with the investors.
“I heard Costa’s group is getting on the race again. Balita ko umuwi ang anak ng may-ari para asikasuhin ang kumpanya nila rito.”
Agad napa-angat ang ulo ko nang marinig ang pamilyar na apelyido. Nakita ko ang pagtingin ni Dad kay Mom na agad ko rin hinabol ng tingin, base sa ekspresyon nila sa mukha ay may ibig sabihin ang tingin nila sa isa’t-isa.
“What I know is that Mr. Villanueva will step down from the CEO position and the owner’s son will take over the company soon.” One investor added.
I fixed my posture and pretended to continue eating, while I actually listen to their conversation.
“But I also heard that his Dad isn’t favoring him much. Ang balita ko ay may hidwaan pa raw ang mag-ama dahil… nagka-anak yung Nicodemus sa babae sa ibang bansa and Costa Sr. does not like it. He sees his grandchild as an abomination after being born out of wedlock.”
My grip on my spoon tightened after hearing what he just said. It was clear to me that he’s talking about Chiara. And finding out that Code’s father sees Chiara as an abomination makes me mad. Heck, kung magulang ko yun, at nagka-anak ako? Kahit hindi ako kasal ay baka magdiwang sila sa tuwa at i-spoil ang anak ko.
At isa pa, saan ba nila nalalaman ‘tong mga ‘to?! Code and Chiara just got back in the Philippines last month, may chismis na agad na kumakalat? Mga tao nga naman!
“Which means… hindi pa sigurado na ibibigay sa kaniya ang posisyon na CEO?” tanong ng isang investor.
Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko bago nag-angat ng tingin. Nakita kong interesadong-interesado ang ibang investors sa pinag-uusapan nila habang ang mga magulang ko ay tahimik lang na kumakain.
“Mukhang eager pa naman yung anak niya na makuha yung posisyon. They said that he went back to the Philippines solely for the position. Tapos, mukhang hindi pa ibibigay ng ama niya sa kaniya.” Natatawang turan ng isa.
I squinted my eyes after hearing that.
So… he really wanted that CEO position? He chose to live a life here in the Philippines over Canada for that?
“Dapat magpa-good shot siya sa tatay niya. Kung hindi… goodbbye CEO position siya.” Nagtawanan ang mga investors sa table. Dinampot ko ang baso ko at sumimsim ng tubig, hindi nagpapahalata na nakikinig sa kanila.
“Gagawin niya dapat lahat ng sasabihin ng tatay niya para ibigay sa kaniya ang posisyon na gusto niya. Magpakasal siya sa anak ng kilalang business man o politician para mas mapalakas sila. In that way, his father will favor him more.” ani ng isa at bahagya akong napatango habang ginagayat ang steak sa pinggan ko.
“But what I heard is… his son was… homosexual. I heard his son was linked to a boy way back in college.”
Bahagyang nanlaki ang mata ko. Hindi ko sinasadyang napalingon kay Mom na malalim ang tingin sa akin.
Shit, she knows! She remembered!
Muli akong nagbalik ng tingin sa pagkain ko.
Narinig kong tumawa ang isang investors, “Naku, mukhang bakla pa ang anak niyang lalaki! Goodbye CEO position!” ani ng isa at agad pumitik ang paningin ko papunta sa investor na nagsabi nun.
Tumawa ang isa na agad kong sinundan ng tingin, “That’s true, malaman lang ng Dad niya na totoo ‘yon? Ma-link lang ulit siya sa isang lalaki? It would cause a big issue! His father might disown him and even deny him the CEO position he wants!”
My brows furrowed. I silently cleared my throat before picking up my glass of water and taking a sip, a smirk growing on my lips.
Deny him the CEO position? Is that so? I would love to see that.
—-----
a/n: HAHAHAHA OMG! Ito na! EXCITING PARTS NA ‘TO! REAL!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co