Chapter 21
Grey's POV
“I got it!” I told Louis over the phone.
[Huh? Got what?] I could sense the confusion in his voice.
I placed my hand inside my pocket before leaning by the door frame, “On how to get back on Code. Alam ko na kung paano ako makakaganti sa kaniya.” Nakaguhit ang malawak na ngiti sa labi ko.
Ilang segundong natahimik si Louis sa kabilang linya bago maya-maya ay narinig ko itong bumuntong hininga.
[Grey, narinig ko na ‘yan. Ganiyan na ganiyan din yung sinabi mo sa akin last week noong plinano mo na makipag-sex dun sa Anthony na yun kasi akala mo may something sila ni Code pero wala naman. Sino naman ang balak mong i-kama ngayon?] tanong nito na ikinahagalpak ko ng tawa.
“Code,” I replied,
[Huh?] Taka nitong tanong sa kabilang linya.
“Si Code, si Code mismo ang ikakama ko.” sagot ko at natahimik ito. Halos isang minuto ko siyang hinintay magsalita dahil walang ingay ang naggagaling sa linya niya.
“Hello? Louis? Are you still there?” I asked, slightly fixing my posture.
[Ah–yes, yes, I’m here. Wait, so you’re telling me… You will… have sex with Code? As in… once or…? FUBU? Just like what I suggested?] He was looking for the right way to ask it.
It made me giggle before I licked my lower lip, “Yes, just like what you suggested.” I said while nodding.
I heard Louis let out a chuckle, that turned into laughter, [Wow! You really took my suggestion!? Why? Anong naisip mo? Of course may dahilan ka. Ano yun?] tanong ni Louis.
Napahagikhik ako bago inalis ang kamay sa bulsa ko at naglakad pabalik sa loob ng unit mula sa terrace.
“Sa Sunday ko sa ‘yo sasabihin. Mas magandang ipaliwanag sa personal.” ani ko bago naglakad papasok ng kwarto.
Narinig kong sumaltik ang dila ni Louis, [Grey naman, eh! Ano nga? Hindi ba pwedeng now na? O di naman kaya ay mamayang umaga? Sabado na, oh. ‘Wag kana mangbitin.] ani nito na ikinatawa ko habang utay-utay inaalis ang butones ng polo ko.
“‘Wag na, sa Linggo na. At isa pa, pupunta kami ng Ocean Park nila Code mamaya, busy ako.” sagot ko rito bago tuluyang hinubad nag polo ko.
[Ha? Magkasama kayo ni Code mamaya? Simula na ba ‘to ng—]
“Byeee~~” Pinatay ko na ang tawag. Natatawa akong naglakad papasok ng banyo. Ini-imagine ko palang kung paano ako makakaganti kay Code, iniisip ko palang ang hitsura niya kapag hindi sa kaniya ibinigay ang inaasam niyang posisyon, natutuwa na agad ako. Nalalasahan ko na agad ang tagumpay sa dulo ng dila ko.
Alas nuebe na nang magising ako, hindi rin naman ako gaanong puyat lalo pa at ala una rin naman ako nakatulog kanina, kung bibilangin ay halos nasa walong oras din ang tulog ko.
Pagkatingin ko sa cellphone ko ay may message na sa akin si Chiara kaninang 8:30. Ipinakita nito sa akin ang kulay blue niyang dress na isusuot mamaya.
To: Nicodemus Ace
Will your daddy be wearing the same color?
I don’t have a concrete plan yet on how I will be closer to Code again and how I will be able to have a FUBU relationship with him. But one thing for sure is that I need to be at least a little nicer towards him and build a small connection with him.
From: Nicodemus Ace
Daddy said he will wear blue po but not the same as mine. Maybe a darker shade of blue po.
To: Nicodemus Ace
Okay, see you later, Chiara!
From: Nicodemus Ace
See you later po, Doc Grey!
I immediately jumped out of bed and walked towards my closet. I started looking through all the blue shirts and polos I have to see which one seems to be a darker shade of blue. I did find a dark blue button-up up but it almost looks like black to me. I saw my blue knitted vest and decided to pair it with a white shirt under for layering, since a long-sleeved, blue sweater is not the best choice for today’s weather.
I cooked a light breakfast for myself and picked up the laundry from yesterday. When I reached my condo, I took a shower and started getting ready. I also prepared a small sling bag to put my wallet, phone, charger, and a small power bank before heading out of the unit.
I left my place around 10:30 since Manila Ocean Park is kind of far from my condo. And I almost arrived on time at our meeting place, but I was around 6 minutes late for 11 AM.
“Doc Grey!!” Agad akong sinalubong ni Chiara nang magkita kami sa parking lot.
I adjusted my pants, squatted down, and opened my arms to welcome Chiara with a big hug.
“Hello, big girl! Kamusta?” I stood up, lifting Chiara from the ground.
She giggled, “I’m fine po! I’m okay! I’m very excited nga po, eh!” sagot niya at agad akong napangisi sa reaksyon niya. Napalingon ako sa gawi ng ama nitong naglalakad sa gawi namin habang dala-dala ang bag ng anak.
Agad kong kinilatis ang suot niyang damit. Naka-itim itong pantalon, kabaliktaran ng puti kong suot, ang polo niyang suot ay mas dark lang nang kaunti sa kulay ng suot kong vest.
“Let’s go inside na po? Nagpapapasok na sila, oh!” Turo ni Chaira sa gawi ng gate.
“Later, Chiara, bibili pa tayo ng tickets.” ani ng ama nito at agad tumango si Chiara.
Napalunok ako ng laway nang humakbang palapit sa akin si Code, “Ako na nag magbubuhat kay Chiara.” ani nito bago akmang kukunin si Chiara mula sa akin nang inilayo ko ang bata.
“Ako na, may dala kang bag, baka mahirapan ka.” ani ko rito, nakita kong kumunot nang bahagya ang noo niya bago utay-utay tumango.
Bumili muna kami ng ticket gaya ng sabi ni Code. Muntikan pa kaming magtalo dahil sinubukan ko pang magbayad ng sarili kong ticket pero nag-insist si Code na siya ang magbabayad ng ticket ko.
Hindi rin nakalampas sa mata ko ang tingin sa amin ng babae sa ticket booth na mukhang kinikilig pa sa aming dalawa.
Hayst, ganiyan ba talaga ang tingin niyo sa amin ni Code? Mukha pa rin ba kaming… bagay sa isa’t-isa?
Nang makapasok na kami sa loob at ibinaba ko sa sahig si Chiara ay muntikan pa akong matisod sa paghabol sa kaniya. Bigla kasi itong humaripas ng takbo at sinubukan kong habulin.
“Careful, dahan-dahan,” Mabuti nalang at nahawakan ako ni Code sa braso, kung hindi ay baka sumungaba na ako sa sahig.
“Salamat,” Inayos ko ang damit ko nang makatayo nang ayos.
Tinanguan lang ako ni Code bago naglakad sa gawi ng anak na tumitingin na sa mga paninda sa loob.
Inuna na naming puntahan ang sea lion show na gustong-gustong panoorin ni Chiara. Gusto pa sana niya noong una na sa pinakang-unahan manood pero mukhang si Code ang ayaw. Nasa panggitna kaming banda naupo at ibinili pa ni Code ang anak ng pagkain.
“This is for you,” Nagulat ako nang i-abot sa akin ni Code ang isang hotdog sandwich.
Kahit labag sa kalooban kong tanggapin iyon ay kinuha ko iyon mula sa kamay niya. Ayaw ko siyang awayin dito lalo pa at kasama namin ang anak niya. Isa pa, kailangan ko na rin talagang bawas-bawasan ang kasungitan ko sa kaniya kung gusto kong gumana ang pinaplano ko.
Tuwang-tuwa si Chiara nang magsimula ang lion show. Ilang beses namin itong pinigilan na tumayo dahil may mga tao sa likuran namin. Nang manghingi rin ng volunteer ang nasa harapan ay ibinaba namin ni Code ang kamay ni Chiara dahil agad itong nakapagtaas.
“Hindi pwede ang bata doon, what if mabangga ka nung sea lion? What if mahulog ka sa water?” ani ni Code kay Chiara habang yapos-yapos ang anak na mukhang nagtatampo na.
Nang matapos ang show ay pinicture-an pa namin ni Code si Chiara kasama ang sea lion.
“Ayaw po bang sumama ni Daddy?” tanong ng staff, namilog ang mata ko at nagkatinginan pa kami ni Code.
Bakit ka tumitingin sa akin? Ako ba ang tatay niyan? Ikaw ang tatay niyan, ah.
“S-Sino po ba si Daddy?” Nang lingunin ko ang staff ay may halong pagkalito at bahagyang takot sa mukha niya.
“Daddy, Doc Grey, come here po! Let’s take a picture together!” Napalingon kami ni Code kay Chiara na kinakawayan kami.
Ibinigay ni Code ang cellphone niya sa staff habang inilagay ko naman sa bag ko ang akin.
Tumabi si Code kay Chiara sa may uluhan ng sea lion habang ako ang nasa may buntot.
“Sir, ayaw niyo pang samahan sila baby sa kabila? Masyado po kayong malayo sa kanila.” ani ng staff, tumango ako bago umikot at tumabi kay Code dahil si Chiara ang malapit sa sea lion.
“Smile,” Nagpamulsa ako bago ngumiti para sa picture.
“Sir, lapit-lapit pa po kayo sa kanila, closer po.” ani ng staff at sinenyasan ako, napatikhim ako nang bahagya bago lumiyad at lumapit kay Code,
“Say cheese!” ani ng staff,
Nagpilit ako ng ngiti habang ang mag-ama ang nagsabi ng ‘cheese’. Sa isang picture ay nagtaas pa ako ng peace sign dahil ibang pose naman daw sabi ng staff.
Sakto dahil alas dose na rin nang umalis kami doon. Hawak namin ni Code si Chiara sa magkabilang kamay habang naghahanap ng makakainan.
We ended up eating at Quix since Chiara wanted their chicken. This time, I insisted I’ll pay for my own food. Code looked hesitant at first, but soon gave in and let me pay for my own food.
I sat across the two of them, I watched as Code takes care of Chiara while she eats, since she’s using her hands for her chicken, and she can get a little messy.
Nang biglang magka-amos si Chiara sa gilid ng labi niya ay agad itong tinawanan ni Code at sinubukang punasan ito gamit ang daliri niya. Agad akong kumuha ng tissue at ini-abot ito sa kaniya.
“Tissue,” ani ko para makuha ang attensyon niya.
Napalingon ito sa akin, ang malawak na ngiti sa labi niya ay utay-utay napawi bago kinuha ang tissue mula sa kamay ko, “Salamat,” ani niya bago nagbalik ng tingin sa anak.
My brows furrowed, what’s with his sudden… seriousness? Bakit parang siya ang galit sa akin ngayon? May masama ba akong ginawa? May kasalanan ba ako? Wala pa akong ginagawa sa kaniya para magalit na agad siya sa akin.
Pagkatapos namin kumain ay siya naman nag nagbuhat kay Chiara habang nakasakbat sa likod niya ang bag ng bata. May isang metro rin ang layo ko sa kanilang dalawa dahil madalas ko silang pinagmamasdan at pinapanood.
Pumasok na kami sa tunnel kung saan tuwang-tuwa si Chiara. Parehas kaming napapabungisngis ni Code sa tuwing magpapa-picture ito sa kaniya at at mag po-pose sa kung saan-saan.
Ilang beses din siyang may sinigawan na isda dahil tinatawag niya ito. Agad tinatakpan ni Code ang bibig ng anak habang ako itong natatawa sa gilid.
Tinanong pa kami ni Chiara kung ano raw ba ang tunog ng isda. Kung sa aso ay tahol at sa pusa ay ngiyaw, ano naman daw sa isda?
Parehas kaming natanga ni Code sa tanong. Napa-search pa ako sa internet at pati na rin si Code, pero sa huli ay wala kaming naisagot sa kaniya.
Nang mapadaan kami sa bilihan ng stuffed toys ay doon namulubi si Code lalo pa at halos lahat ng uri ng stuffed toy ay gustong bilhin ni Chiara.
“Daddy, look! It’s Nemo and his family! This is Marlin and this is Coral!” Nagtatalon si Chiara nang makita ang buong mag-anak ni Nemo.
Maski ako ay napangiti nang makita na buong pamilya nga iyon ni Nemo.
“Can we get them all, Daddy? Please? Please?” Pagmamaka-awa ng bata.
“But you already chose five stuffed toys, it’s too many na, anak.” ani ni Code sa anak na agad ikinanguso ni Chiara.
Kung ako ang tatanungin at masusunod ay bibilhin ko na ang buong mag-anak nila Nemo para kay Chiara. Pero may point si Code na ang dami ng napili ni Chiara at kung dadagdagan pa niya ng tatlo ay sobra naman na.
“But Daddy…!” Nagpapadyadk si Chiara sa sahig. Nagdadabog na ito at mukhang kaunti nalang ay magta-tantrums na.
Humakbang ako palapit sa mag-ama ngunit nanatiling tahimik, lumuhod si Code para pantayan ang anak.
“Chiara, what did Daddy say about throwing a tantrum? Plus, isn’t five enough na? Ang dami na nito, oh.” Malumanay na turan ni Code. Bahagya akong napalingon sa paligid at nakitang pinagtitinginan na kami ng ibang tao.
“Pero Daddy…” ngumuso si Chiara, mukhang paiyak na.
“What about… You return three stuffed toys, then we can get Nemo and his parents?” Code tried to negotiate with his daughter.
Chiara pouted, sticking her lower lip outwards, which made me chuckle a bit.
“Pwede po two lang ang i-return ko? I want to give Coral po kasi to Doc Grey.” Nagparte ang labi ko sa tinuran ni Chiara.
Nilingon ako ni Code at nakita kong pati siya ay nagulat sa tinuran ng anak.
“Uhm…” gusto ko sanang sumagot pero walang pumapasok sa isip ko.
Muling hinarap ni Code ang anak, “Chiara… well… Coral is a girl and… hindi naman girl si Doc Grey para ibigay mo sa kaniya yung girl na stuffed toy, right?” Malumanay na paliwanag niito sa anak, kumunot ang noo ni Chiara bago nagbalik ng tingin sa shelf. Inilapag nito si Coral bago kumuha ng isa pang Marlin.
“Then I’ll give him a Marlin too!” Chiara said with a big smile on my lips.
I swallowed the lump in my throat before pursing my lips, standing behind Code like a statue.
“Please, Daddy! I want to give Doc Grey one too! Para happy family din yung bibilhin natin! One for you, one for me, one for Doc Grey!” Chiara exclaimed,
My lips parted as I realized what Chiara wanted to happen. She wants to buy a set of 3 to make it look like a family… just like us?
Hindi ko naman alam na bakla na pala ang mga magulang ni Nemo.
Narinig kong bumuntong hininga si Code, “Fine, but return two stuffed toys, okay?” ani ni Code at lumiwanag ang mukha ni Chiara, agad nitong kinuha ang blue na dolphin at isang starfish mula sa basket na hawak ni Code at ibinalik ito sa shelves.
Tumayo si Code mula sa sahig at nang magtagpo ang mga mata namin ay bahagya ako nitong nginitian ngunit ang mga mata nito ay mukhang malungkot.
Ano bang problema niya? Bakit ang lungkot-lungkot niya kanina pa? Bakit hindi niya ako pinapakialamanan? Dati lagi siyang may side comments sa mga bagay-bagay na ginagawa ko. Pero ngayon, hindi ako halos pansinin.
Nagbayad na si Code ng mga stuffed toys na pinamili ng anak. Agad din sa akin ibinigay ni Chiara ang isang Marlin stuffed toy at kinuha pa ang cellphone ng ama para mag-selfie kaming tatlo.
Kumakanta-kanta pa siya nang maglakad kami sa parking.
“Thank you po Doc Grey for coming with us! I really had fun po!” ani ni Chiara nang makarating kami sa tapat ng sasakyan nila.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko bago inayos ang bangs niya, “I had fun too, Chiara. I enjoyed it so much. I don’t remember the last time I’ve been here that’s why I’m thankful you invited me to go here.” ani ko at ngumisi si Chiara, binuksan na ni Code ang pinto ng sasakyan bago isinakay ang anak sa loob.
Nang saraduhan nito ang pinto at akmang aalis na ay pinigilan ko ito, “Code,” tawag ko sa kaniya.
Nilingon ako nito, pinagtaasan ng magkabilang kilay habang pinaglalaruan ang susi sa kamay.
Nagparte ang labi ko, “Uhm…” Napatikhim ako, “Salamat,” maikli kong turan.
Tumango ito, nakatikom ang bibig at mukhang pilit na pinagdidikit ang mga labi niya.
“Sure, no problem, para kay Chiara.” ani niya bago ako muling tinalikuran at umikot ng sasakyan bago pumasok ng driver’s seat.
Napabuntong hininga ako, kinawayan ko si Chiara mula sa bintana bago pumunta sa sasakyan ko at nagmaneho na pauwi.
Nang pumasok ako kinabukasan ay sinabi ko kay Louis ang nalaman ko sa party at ang plano ko. Proud na proud siya sa akin na disidido na akong gumanti at buo na rin ang loob ko sa gagawin ko.
“But there’s one problem…” I said, I caught Louis’ attention and his brows furrowed, “Ano? May problema pa? Sino nanaman ang hadlang?” Inis nitong tanong na bahagya kong ikinatawa.
Sumandal ako sa bangko at pinaglaruan ang baso sa kamay ko, “He seems… distance yesterday. He’s not usually like that. Mukha siyang may problema at… mlaungkot.” sagot ko at nakita kong kumunot ang noo nito.
“Baka naman kinakarma na? Baka ngayon palang siya naghihirap sa buhay.” ani ni Louis at napabuntong hininga ako at umiling.
“Kapag ganun… paano ako magiging close sa kaniya? Paano ko masisimulan ang plano ko? The first step is to get closer to him, remember? Eh paano? Kung… pakiramdam ko umiiwas siya sa akin?” tanong ko kay Louis.
Napakagat ito sa pang-ibaba niyang labi bago napasandal din sa bangko. Napasinghap ito bago napahilamos sa mukha.
“Well… suyuin mo?” he said, unsure.
My brows furrowed before shaking my head, “Heck no, bakit ako ang maghahabol!?” Gulat kong turan na ikinahagikhik ni Louis.
“It’s just a front act, Grey. Just to make him think that… you’ve changed, you’re… mabait na. Better if… palabasin mo na you care for him so that he can trust you and… rely on you. In that way, sa huli, hindi mo lang masisira ang pangarap niyang maging CEO but also destroy his trust, right?” he replied. And suddenly, it hit me.
That’s a fucking great idea!
My eyes grew wide, Louis laughed at my reaction before pointing at me, “Oh, diba? May point ako.” ani niya na ikinatawa ko bago tumango.
“You are! You’re a fucking genius!” I said before taking a sip of my drink, he chuckled and placed down his cup, “I know, babe, I know I’m fucking genius.” he replied which made us both chuckle.
Halos 11 PM na ako naka-alis ng ospital lalo pa at may emergency delivery ulit ako. Mabuti nalang at nasa ospital pa ako nang dumating ang pasyente kong manganganak na. Eight months palang ang tiyan niya pero may complications si baby sa loob ng tiyan kaya kailangan ng emergency CS.
Pagakalabas ng bata ay idineretso namin sa NICU at doon inasikaso bago ako tuluyang naka-alis.
Lumiko ako sa 7/11 na lagi kong binibilhan sa tuwing tatamarin akong magluto. Pagpasok ko ay agad kong napansin si Code sa may tables. Agad namilog ang mata ko at nilapitan siya.
“Hey, gabi na, bakit hindi ka pa umuuwi?” Bati ko rito, napa-igtad pa ito bago ako agad nilingon.
Napabuntong-hininga ito habang may maliit na ngiti ang nakaguhit sa labi niya. “Just… a little stressed. Kakagaling ko lang sa kumpanya, tinatamad pa akong umuwi.” sagot niya at utay-utay akong tumango. Gumapang ang paningin ko sa table niya kung saan nakapatong ang hawak-hawak niyang lata ng beer at isang bag ng chips.
“Ikaw ba? Pauwi ka palang?” tanong niya at agad nagbalik ang tingin ko sa kaniya.
“Ah… oo, eh, may emergency delivery kasi sa ospital kaya… ginabi ako lalo.” sagot ko at tumango siya, pinagmamasdan nito ang lata sa kamay at muling natahimik.
“You know what, wait here, bibili lang ako ng pagkain, sasamahan kitang mag-inom.” ani ko bago siya tinalikuran, narinig ko ang mahina niyang pagtawag sa akin pero dire-diretso akong kumuha ng pagkain at kasunod ay kumuha ng lata ng beer na kagaya ng iniinom niya.
Pagkatapos kong magbayad at ipa-init ang pagkain ay bumalik ako sa gawi kung nasaan siya. Inilapag ko sa bangko ang sling bag ko at tinabihan siya.
“So… problem?” tanong ko rito habang binubuksan ang pagkain ko.
Narinig ko itong tumawa nang pagak, “Gagayahin ko na ang sinabi mo dati. It’s none of your business.” ani niya na bahagya kong ikinatawa lalo pa at na-alala ko kung kailan ko iyon sinabi sa kaniya.
Bumuntong hininga ako bago sumubo ng pagkain, “Code… we… we may be always fighting. I may always be… mad at you pero… we still had something before.” I was looking for the right words to say.
His head snapped at my direction, and his left brow immediately raised, “What are you implying?” he confusedly asked.
I sighed, reached for my beer, and opened it. I bumped it to the can he’s holding a sign of toast before taking a sip.
Agad akong napangiwi. Shit, beer paba ‘to!? Ang pait!
“I mean,” I wiped the side of my lips, “We may be exes pero may pinagsamahan pa rin tayo. At… gaano man ako kagalit sa’yo, may puso pa rin ako. Na-aawa pa rin ako sa’yo kaya naman… kung may problema ka… pwede mong sabihin sa akin. Makikinig naman ako sa’yo.” Malumanay kong turan. Ilang segundo niya akong pinagmasdan. Nabalot kami ng katahimikan at halos hindi nito kalasin ang tingin sa mga mata ko.
Ngumisi ito nang mapait, bumuntong hininga bago muling sumimsim ng beer niya. Nang ilapag niya ito sa lamesa ay natahimik ito.
Akala ko ay hindi na siya magsasalita kaya muli akong sumubo ng pagkain, kaya naman laking gulat ko nang maramdaman ko ang bigat sa balikat ko nang bigla siyang sumandal sa akin.
Narinig ko itong bumuntong hininga, “Salamat Grey, salamat dahil… dahil andiyan ka pa rin. Salamat dahil… kahit ngayon lang, pakiramdam ko may kakampi pa rin ako.”
—------
a/n: ngayon palang nasasaktan na ako. RUN CODE!! RUN!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co