Chapter 22
Code’s POV
“Parang ang saya mo ngayon bossing, ah? Anong meron?” Napa-igtad ako nang biglang magsalita si JC sa likod ko at inakbayan pa ako.
Napasapo ako sa dibdib ko bago napabuntong hininga, “Alam mo, nakakalimutan ko pa rin na dito kana pala nagtatrabaho.” ani ko rito bago pinatay ang water dispenser at sinaraduhan ang tumbler ko.
Tinawanan ako nito bago sumandal sa sink sa harap ko, “Grabe ka sa’kin, alam ko namang ikaw ang dahilan kung bakit ako tinanggap dito. Malakas kaya kapit ko sa’yo, diba?” Pabiro ako nitong siniko bago pinasayaw-sayaw ang magkabila niyang kilay.
Napabuntong hininga ako bago napa-iling at sumimsim ng tubig, “You make it sound like you’re not deserving to be an engineer here and just got in because of your connections. Alam ko naman na magaling kang engineer.” ani ko rito at muli itong napatawa.
Hindi pa rin nagbabago itong isang ‘to. Tumanda lang at nagkapamilya pero tarantado pa rin talaga.
Kinwento ako nito habang nagmimiryenda ako sa pantry. Inihatid pa ako nito sa opisina ko at kung hindi siya tatawagan dahil hinahanap na ito sa meeting ay hindi pa ito aalis. Napatawa nalang ako at napa-iling bago ipinagpatuloy ang trabahong ginagawa ko.
Nalingat ako sa oras at halos makalimutan pa na magtanghalian. Kung hindi pa ako tinawag ng secretary ko at inalok na kumain ay hindi pa ako tatayo mula sa bangko ko para bumili ng tanghalian.
Pagkatapos kumain ay bumalik din ako agad sa opisina ko para ipagpatuloy ang papeles na inaasikaso ko.
They have been stressing me out for the past days. Dad had been bugging, yelling, and complaining at me about finishing those papers.
But he wants it immediately without going through the legal process. He’s not even considering the laws and rules.
Siyempre hindi ko naman pwedeng gawin yun lalo pa at kapag nasilip ng iba ang kontrata at nakitang may mali ay boung kumpanya at mananagot, lalo na ako.
Tutok na tutok ako sa laptop ko, tahimik ang paligid at tanging ingay lang ng aircon at ng keyboard ko ang maririnig sa buong opisina nang biglang mag vibrate ang cellphone ko.
Napakunot ang noo ko bago inis iyong dinampot bago tingnan kung sino ang nag-message.
Kapag ito talaga dagdag trabaho nanaman… baka magwala na ako.
Napawi ang kunot ng noo ko at tila ba ay lumiwanag ang paligid ko nang mabasa ang message.
From: Rafael Grey
Hey, just a reminder to eat. Eating can ease stress and actually make you feel better.
Rafael Grey Chua sent a photo
A smile immediately grew on my lips. I pressed on the picture he sent, which is a picture of his food, and a part of his face can be seen in the corner of the photo.
I pursed my lips before shutting my eyes to take a deep breath. I held my phone with both my hands to type a reply.
To: Rafael Grey Chua
Done eating, I’m working na ulit.
You sent a photo
I took a selfie of my laptop, almost the same as the photo he took, since a part of my forehead and eyes can be seen at the lower part of the photo.
Rafael Grey Chua reacted to your photo
From: Rafael Grey
That’s great! ‘Wag kanang magpaka-stress diyan, ano namang magagawa ng tatay mo kung hindi mo susundin yung gusto niya? Of course you have to do the right thing when making contracts.
I tried to suppress the smile threatening to grow on my lips. I hissed, fixed my posture, still holding my phone with both my hands while my elbows rested on the edge of the table.
He really listened to everything I said last night. To everything I ranted about, to everything I complained about. He actually… still cares.
To: Rafael Grey
I actually don’t know what he’ll do if I don’t do what he wants. Ginagawan ko pa rin ng paraan para magawa gusto niya habang sinusunod pa rin ang tama.
From: Rafael Grey
Oh, yun naman pala, eh. I know you can do it, Code. Ikaw pa ba?
I scrunched up my nose, trying to stop myself from smiling like a freak and giggling like a stupid teenager.
From: Rafael Grey
I’ll be going na, talk to you later, magtatrabaho na ako. Take care!
I pursed my lips after reading his next message. I tilted my head, shut my eyes and stomped my feet on the ground.
Talk to me later daw! Later!! Ibig sabihin mag-uusap pa ulit kami mamaya!?
“Attorney? Sir Code?”
Agad akong napamulat at napatingin sa gawi ng pinto kung saan nakasilip ang secretary ko. Namilog ang mata ko bago agad inilapag ang cellphone ko. Inayos ko pa ang necktie ko at napatikhim bago siya tinaasaan ng magkabila kong kilay, “Yes?” Muntikan pa akong pumiyok.
Tuluyan itong pumasok ng opisina, “Pinapatawag ko kayo ni Mr. Villanueva, gusto niya raw po kayong maka-usap.” ani niya.
Agad namang bumagsak ang balikat ko at isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ko.
Tumango ako, “Yes, yes, I’ll be there.” ani ko at tumango siya bago muling lumabas ng opisina. Isinara ko lang ang laptop ko at inayos ang mga papel na nakakalat sa lamesa ko.
Kinuha ko rin ang huling draft ng kontrata na ginagawa ko bago lumabas ng opisina at umakyat sa opisina ni Mr. Villanueva.
“Sir? Ipinapatawag niyo raw ako?” Bungad ko nang pumasok sa opisina niya.
Nag-angat ito ng tingin mula sa ginagawa niya. Sa ekspresyon palang niya ay alam kong trabaho at kontrata nanaman ang pag-uusapan namin.
“Code, glad you’re here, take a seat,” he said before closing his laptop.
Tumango ako bago naglakad palapit sa lamesa niya. “Sir, these are the 7th draft of the contract. This is still not final, I’m still working on it on my laptop. I might finish them by tonight.” I said as I placed the paper in front of him.
He gave me a nod, picked up the papers, and adjusted his glasses. Based on which pages he first flipped through the papers, I know which part he is looking for.
“I see you adjusted the part where your father made a request,” he said, and I immediately nodded.
“Yes sir, but I really can’t do what Dad said. Labag sa batas ang gusto niya. It is not safe for the workers and it can risk their lives. Pero ginawan ko pa rin ng paraan para mabawasan ang budget sa ibang bagay pero hindi ang safety ng mga trabahador.” Paliwanag ko rito. Utay-utay tumango si Mr. Villanueva habang pinapasadahan pa rin ng tingin ang kontrata.
“So you… cut the expenses for the workers? Imbes na… 70 workers, just like what your father wanted, you cut them into 50, tama ba?” tanong niya at utay-utay akong tumango.
“Yes, sir, which also means instead of seven months, the project might take up to 10 months due to the number of workers,” I replied, and he nodded before closing the folder.
He sighed, stared at me for few seconds, which actually scared the shit out of me.
He sighed, then took off his glasses, “Code…” he called. I pursed my lips and waited for his next words.
“Personally… okay na ako rito, kung ako ang tatanungin, I’ll approve this,” he said, which somehow made me feel relieved.
“But,” my breath hitched, “Nasa dad mo pa rin ang huling desisyon. Hindi natin alam kung papayag ba siya rito lalo pa at alam natin parehas na iba ang gusto niya.” ani nito at agad akong napatango.
“Alam ko po, sir.” Maikli kong sagot.
Bumuntong hininga ito, “Great, you may leave, tapusin mo na ang ginagawa mo.” ani nito at agad akong tumango. Nagpasalamat na ako bago lumabas ng opisina niya.
Pagbalik ko ng opisina ay agad akong dinalhan ng secretary ko ng milktea. Pero natunaw nalang ang yelo nito at uminit ay nakasubsob pa rin ako sa trabaho.
Alas sais na ng hapon at hindi pa rin ako tapos dahil sa paulit-ulit na pagbabago at pagdadalawnag isip ko sa mga ginagawa ko.
Tumawag ako sa bahay para magpaalam kay Chiara na gagabihin nanaman akong umuwi.
[Late ka ulit uuwi, Daddy? You always go home late po! Hindi mo na ba ako love?!] Napapikit ako ang mariin sa tinuran ni Chiara.
Bumunot ako ng isang malalim na buntong hininga bago napamasahe sa noo ko, “Tonight nalang ‘to, Chiara, after this, hindi na ulit mag sta-stay up late si Daddy sa work.” ani ko rito at narinig ko itong nagdabog sa kabilang linya.
[You always say that, Daddy! But you still go home late!] Pagmamaktol nito, napahilamos ako sa mukha bago sumandal sa bangko.
“I know, sweetie, pero… Daddy really needs to finish this, okay? After this, pupunta tayo kahit saan mo gusto, okay? Daddy promise, papasyal tayo kahit saan mo gusto.” Pang-aalo ko rito.
Nakarinig ako ng ilan pang pagdadabog sa kabilang linya bago maya-maya ay pinatay nito ang tawag.
Napahilamos ako sa mukha bago inilapag ang cellphone ko sa lamesa. Nasasaktan na rin ako para sa anak ko. Ang aga-aga ko umalis ng bahay at hindi ko siya magawang ihatid sa school. Tapos kapag dadating pa ako ng bahay ay hindi ko na ito na-aabutan na gising dahil mag a-alas dose na rin kung umuwi ako nitong mga nakaraang araw.
Imbes na magpaka-stress at mag-isip ng kung anu-ano ay ipinagpatuloy ko ang trabaho ko. Nalingat ako sa oras at hindi namalayan na alas diyes na pala ng gabi. Pinasadahan ko ng isa pang basa ang ginagawa ko bago nag-print at dinala sa opisina ni Mr. Villanueva
“Code,” tawag nito sa akin nang paalis na ako ng opisina niya.
Muli ko itong hinarap, “Yes sir?” tanong ko rito,
“Your dad wants to talk to you, right now,” he said. I immediately shut my eyes, took a deep breath, and nodded.
“Tatawagan ko po siya pagbalik ko ng opisina ko.” sagot ko at nag-hum lang ito habang binabasa nag kontrata.
Isang malalim na buntong-hininga ang binunot ko bago pinindot ang tawag kay Dad.
It rang for few times before he picked up the call, his face immediately projected on my laptop screen.
[Ano ‘tong sinabi ni Mr. Villanueva na binawasan mo raw ang bilang ng trabahador? Diba ang sabi ko, tanggalin mo nalang yung budget para sa safety gears nila! Meron na silang mga sariling helmet nila, bakit gagastusan pa natin!? Hindi ka nakikinig sa akin!] Wala pang limang segundo ang tawag pero nasermonan na agad ako nito.
“Dad, I told you, that is not safe. Hindi natin sila pwedeng tanggalan ng supply ng safety gears. Mapapahamak ang buong kumpanya kapag may na-aksidente sa kanila. O ‘di naman kaya ay kapag may nakasilip ng construction natin.” Malumanay kong paliwanag dito.
Pagod na ako, ilang oras akong nakaharap sa laptop ko at mag a-alas dose na rin ng gabi, wala na akong lakas para makipag-away sa matandang ‘to.
Napasaltik siya ng dila, [Hindi tayo mapapahamak kung mag-iingat kayo diyan! Ang gusto ko, bawasan mo yung budget pero ‘wag mong galawin yung bilang ng trabahador! From seven months, magiging ten months yung construction! Gosh, Code! Hindi ka nag-iisip! Hindi mo ginagamit ‘yang utak mo!] sigaw nito sa kabilang linya.
Hindi ko na halos maintindihan ang bandang gitna niyang sinabi dahil sa pagod. Naintinidhan ko nalang ang huli niyang sinabi na hindi ko raw ginagamit ang utak ko.
Napasinghap ako, “I’ll fix it tomorrow, titingnan ko kung saan pa pwedeng magbawas ng budget. Kakausapin ko na rin si Attorney De Torress para sa finances.” turan ko habang pinaglalaruan ang laruan sa lamesa ko na bigay ni Chiara.
Suminghal si Dad, [Bahala ka, lalo kang matatagalan sa ginagawa mo kung ipipilit mo ang gusto mo. Kung sinusunod mo ang sinasabi ko, edi sana matagal ka nang natapos sa trabaho mo!] Galit nitong turan, nag-iwas nalang ako ng tingin sa laptop screen ko para hindi makita ang mukha niya.
[Ipagpatuloy mo pa ang kapalpakan mo at hindi ko ibibigay sa’yo ang CEO posisyon na gusto mo.] ani niya at doon ay napabalik ang tingin ko sa laptop screen bago tumaas ang isang kilay.
Posisyon na gusto ko? Hindi ko naman ginusto ang posisyon na yun, eh. Kaya lang naman ako pumayag na bumalik ng Pilpinas dahil unang-una, gusto ko nang malayo sa kaniya sa Canada. Pangalawa, para makabalik ako ng Pilipinas at magbakasakaling matagpuan si Grey.
Nang muli itong suminghal ay muli niyang naagaw ang attensyon ko, [Go on, Code, don’t stop disappointing me and you’ll get nothing in the end. You’ll just be a typical company lawyer and a father to that little bastard.] he sternly said.
My eyes grew wide, I gritted my teeth, and was about to speak when he ended the call.
“Fuck!!” I slammed my fist on the table, making my laptop and other things on my table jump.
I hung my head low, grabbed a fistful of my hair with both my hands, and let out a frustrated sigh.
I spent my few minutes on that position. Leaning on my table, hiding my face between my arms. I kept taking deep breaths, I kept fighting the tears threatening to form in my eyes.
I took one last deep breath before standing up, gathered up all my things, and left the office.
I was walking through the parking lot when I checked my phone. I saw Grey’s message from 5 minutes ago.
From: Rafael Grey
Baka naman nagtatrabaho ka pa rin? Paalis palang ako ng ospital.
Agad-agad akong tumipa ng reply sa kaniya.
To: Rafael Grey
Paalis palang ako ngayon ng kumpanya. Naka-uwi kana?
Mabilis niya itong na-seen at nag-reply.
From: Rafael Grey
Nasa kalsada na ako, red light, nag-dinner kana ba?
Naitikom ko ang bibig ko para pigilan ang ngiti na gumuhit sa labi ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at itinapon sa loob ang bag ko.
To: Rafael Grey
Hindi pa, ikaw ba? Kumain kana?
From: Rafael Grey
Hindi pa, wanna grab dinner? May Chowking sa malapit kung nasaan ako ngayon.
To: Rafael Grey
Fast food?
Rafael Grey reacted to your message
From: Rafael Grey
Well… oo, pero nakakabusog pa rin yun. Plus, I want to get their wonton soup.
You reacted to Rafael Grey Chua’s message
To: Rafael Grey
You and your Chinese genes.
Rafael Grey reacted to your message
From: Rafael Grey
So? G? Malapit na mag green light, pupunta na ako doon, sumunod ka nalang kung gusto mo.
Rafael Grey Chua shared his location.
Napatawa ako nang pagak bago pumasok ng sasakyan. Binuhay ko na ang makina at ilang minuto itong hinintay mag-init bago nagmaneho paalis at sinundan ang location na sinend ni Grey.
Nang pumasok ako ng Chowking na sinasabi ni Grey ay agad akong naglibot ng tingin. Akala ko noong una ay niloloko lang ako nito dahil hindi ko naman siya makita. Pero nang naglakad-lakad ako ay nakita ko siya sa may sulok malapit sa CR.
“Akala ko niloloko mo lang ako,” ani ko rito, agad itong nag-angat ng tingin mula sa cellphone niya.
“Oh, you’re here, um-order na ako ng pagkain ko. Um-order kana rin para sabay tayong kumain.” ani nito, nagparte ang labi ko bago napatango at iniwan lang ang cellphone ko sa lamesa bago pumunta ng cashier.
Maya-maya pagbalik ko ay busy pa rin ito sa cellphone niya.
Bakit ako kinkabahan? Pakiramdam ko’y isa akong teenager na first time nakikipag-date.
Wait,
Date ba ‘to?
“So, how’s your day?” Nagulat ako nang pag-upo ko ay agad ako nitong kinausap. Inilapag pa niya ang cellphone niya sa lamesa at bahagyang inilapit ang mukha sa akin habang pinag-cross ang magkabilang braso sa ibabaw ng lamesa at bahagyang idinikit ang dibdib nito dito/
Nagparte ang labi ko, “Uhm… well… same problem from last night. Iyon pa rin ang problema ko. Akala ko nga… okay na, eh. I thought Dad will approve the contract I finished tonight.” Pagkekwento ko at utay-utay siyang tumango.
“Pero…?” Bahagya nitong nagkiling ng ulo.
Bumuntong-hininga ako, “Ang gusto talaga niyang mangyari ay yung gusto niya. Na hindi nga naman puwe-puwede. We can’t risk our worker’s safety just because he wants to fit a certain budget.” I exclaimed and he nodded.
“Baka naman… may paraan pa? Baka… kaunting adjustments pa?” tanong niya at bumuntong-hininga ako bago tumango.
“Ano pa nga ba? Iyon lang naman talaga ang sagot. I still need to make adjustments for the budget but I’ll never remove the budget for the safety gears. Makikipag-cooperate na nga ako kay Attorney De Torres para sa budget namin.” ani ko at nakita kong bahagyang namilog ang mga mata niya.
“A-Ah… oo nga pala, attorney rin siya sa kumpanya niyo.” ani niya at tumango ako.
“You’ve met before, right?” I asked and his eyes widened a bit more before nodding, “Yeah, sa bahay mo.” sagot niya at sumagot ako,
Parehas kaming napalingon sa lamesa nang tumunog ang isang buzzer. Napansin ko agad na buzzer ito ng order niya kaya kinuha ko iyon bago lumapit sa cashier.
Pagbalik ko ng table ay namilog ang mata niya, “Akin pala yun? Hindi mo na dapat kinuha, kaya ko naman.” ani niya at napangiti ako bago umiling.
“It’s fine, alam kong pagod ka sa trabaho.” ani ko bago naupo sa harap niya.
Napatawa ito nang pagak, “Lalo ka na, alam kong mas pagod ka.” ani niya at napa-iling ako.
“Hindi naman buhay ng tao ang hawak ko. Ikaw, nakasalalay sa kamay mo ang mga buhay ng bata.” ani ko rito.
Bigla kong na-alala si Chiara. Nitong mga nakaraan… mas mahaba ang oras na ginugugol ko sa trabaho kaysa sa bahay kasama ng anak ko. Alam ko rin na malaki na ang tampo sa akin ni Chiara.
Hindi agad kumain si Grey dahil hinintay na dumating ang pagkain ko. Nang mag buzz na ang buzzer ko ay agad ko na itong kinuha para makakain na kami.
Habang kumakain ay kinamusta ni Grey si Chiara. Ikinwento ko sa kaniya ang tungkol sa tawag kanina at ang pagpatay ni Chiara sa tawag.
Maski ang pagtatampo nito noong mga nakaraan ay kinwento ko na rin. Paminsan-minsan ay tinatawanan ako nito pero buong oras na nagkekwento ako ay tahimik lang siyang nakikinig sa akin.
“Oo nga pala, pangako ko kay Chiara na papasyal kami kapag natapos na ako sa trabaho ko. Panigurado na gusto nun ay kasama ka, sana libre ka sa araw na yun.” ani ko rito.
Napa-angat siya ng tingin, nilunok nag pagkain sa bibig niya bago uminom ng iced tea niya, “Kailan ba?” tanong niya at nagkibit-balikat ako.
“Kung kailan matapos itong kontrata na ginagawa ko..” Natatawa kong turan bago sumubo ng pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na rin kami, alas dose na ng madaling araw at may 10 AM pa siya bukas.
Papasok na ako ng sasakyan nang tawagin ako nito, “Code,” agad ko siyang nilingon. Nakita ko itong tumatakbo papunta sa gawi ko habang may hawak-hawak na isang maliit na envelope.
“Ipina-print ko ‘tong pictures niyo ni Chiara sa Ocean Park, ang cute niyong dalawa.” ani niya bago ini-abot sa akin ang envelope.
Nagparte ang labi ko bago ito binuksan, bumungad sa akin ang mga stolen pictures namin ni Chiara habang naglalakad at magkahawak ang kamay. Nang tingnan ko ang iba ay mga pictures namin ito habang kumakain o noong namimili.
“You’re being such a great father, Code,” he softly said. I lifted my head, and my eyes immediately locked with his.
He gave me a smile, “I’m happy for you,” he said before reaching for my shoulder and giving it a pat. “And… if ever you need someone to talk to, to… vent out, I’m all ears. Just give me a call, dadating ako.”
—-------
a/n: … , ewan ko sa’yo, Grey.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co