Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 3

_Dominous_

Grey's POV

I cleared my throat, "U-Uh... that's great! I will check up on you after I-I I run through some history."

Fuck! Keep it together, Grey! Stop stuttering, will you!?

"Where's Doctor Louis po? He was my doctor yesterday," she asked, while sitting on the chair right across... him.

I forced a smile while preparing some papers, "He's not here today po because it's his day off." I replied before clipping the paper on my clipboard.

"Sir, please fill in this form." I handed Code the clipboard while avoiding his eyes.

I jolted up when our fingers touched. I immediately withdrew my hands and clasped them with the other.

"What's your name po, doctor?" she asked while her... father filled in the form.

I looked at her and smiled, "I'm Doc Grey, how 'bout you? What's your name?" I asked, a smile printed on my lips.

Her face lit up, "Hi Doc Grey! I'm Chiara po, 6 years old! I just graduated from pre-school po in Canada!" she said in such a jolly tone.

"And he's my daddy po, Daddy Code!" she pointed at her father. My eyes travelled as her father glanced up at her and smiled before continuing to fill in the form.

I bit my lower lip while looking at the little girl in front of me, while she looked around the clinic. She looks exactly like him. Minus the light brunette color of her hair, which is different from Code's very dark brown strands.

But her eyes, her nose, her lips, everything about her looks exactly like him.

"Do you have a kid po, Doc Grey?" Nagulat ako sa bigla nitong tanong,

Bahagya kong inayos ang coat ko at akmang sasagot nang magsalita ang ama nito, "Chiara, don't ask things like that." he said in a warning tone.

The little girl gasped, covered her mouth before laughing, "Oops, sorry Daddy, sorry Doc Grey." Nakangisi nitong turan na ikinatawa ko lang.

Kinuha ko na ang stethoscope ko at ganun na rin ang flashlight bago naglakad papunta ng patient bed, "Come here na, Chiara." Tawag ko sa bata, agad itong tumalon pababa ng bangko at tumakbo papunta sa akin.

Dahil may kataasan ang kama ay nahirapan itong sumampa. Tutulungan ko na sana itong umakyat nang kama nang bigla akong makaramdam ng pagdampi sa kanang braso ko. Agad akong napalayo sa ama nitong tinulungan siyang sumampa.

"Ang taas po, Doc." Nakangisi nitong turan,

Napahagikhik ako, "I know, I'm sorry, sa susunod, bibili ako ng mas mababa para mabilis kang maka-akyat." ani ko bago tiningnan ang heartbeat at paghinga nito.

"'Wag na po, Doc Grey, I'll grow taller pa naman po. Baka if you buy a new one, I'll be taller than it na." Pagdadaldal nito habang chine-check-up ko siya.

Napangisi ako bago tumango, "Okay, then I won't buy a new na?" I asked before going to check her blood pressure.

"'Wag na po. Next time, I can climb on my own na po." sagot nito at napahagikhik lang ako bago tumango.

"This may hurt a little, but just a little lang." Pa-alala ko rito bago ilagay ang sphygmomanometer sa braso niya.

"Oh no! Daddy hold!!" Agad nitong inabot ang kamay ng ama na ikinahagikhik nilang dalawa.

Hindi naman pala maarte yung bata, OA lang. May pinagmanahan.

Habang lumulubo ito ay humahagikhik siya, "Ang cool, daddy!" ani nito at napabungisngis ang ama nito bago tumango.

"Done na?" Namilog ang mga mata nito nang lumuwag na ulit ang sphygmomanometer.

I nodded while removing it from her arm, "Yes, and your blood pressure is normal for your age, which is great!" I gave her a smile.

"Come, let's check your height and weight." I stood up from my chair bago sila tinalikurang mag-ama.

Narinig ko silang maghighikang dalawa na bahagya kong ikinangisi.

Damn... he looks happy.

"How tall am I na po, Doc Grey?" she asked while I'm measuring her height.

"Wow, you're 1.29 meters tall, which is around... 4'2? 4'3 feet, which is taller for your age." I replied before writing it down.

"Really Doc Grey!? That means I'm taller than other kids!?" she excitedly asked, and I chuckled before nodding.

"Yes, especially you're Canadian, you're really taller than them," I replied before checking her weight.

We did some other tests, check-ups, and activities to see her overrall health. It was my favorite part of being a pediatrician. Lalo na sa mga bata sa edad niya na madaldal na at makulit. Idagdag pa na mabiro at talagang mabibo rin ito at kung anu-ano pa ang tinatanong sa akin.

Manang-mana talaga.

"Okay, so based on our check-up today, you are a healthy little girl. You're growing and developing well, your height and weight are normal naman, and your vital signs are stable. She's normal in terms of physical health and wala rin siyang problema sa vission and hearing. And according sa form, she's updated naman sa lahat ng vaccines. However, if there is a specific vaccine you want to give her, available rin yun dito." I gave Chiara a smile, which she giggled in return.

"Basta keep a balanced diet and healthy lifestyle lang, regular physical activity, plus good and enough sleep." I was smiling the whole time, that's why when I locked eyes with Code, I felt the sudden pounding in my chest.

I immediately looked back at Chiara, "So, we'll see you on your next check-up." I pulled the drawer under my table and grabbed a bar of chocolate.

"I'm sure pagbalik mo, you're tall enough na to climb the bed on your own." I handed her the chocolate bar, which made her gasp.

"OMG!! Thank you, Doc Grey!!" she excitedly said as she reached for the chocolate bar.

"How about her allergy? Kamusta yun?" Hearing his voice still sends shivers down my spine.

We've been in the same room for more than an hour now. Naririnig ko rin naman siyang magsalita kanina pero anak kasi nito ang kausap, Kaya ngayon na direkta sa akin ang tanong niya at ganun na rin ang mga mata niya ay para akong hindi mapakali.

"O-Oh, about her allergy." Kinuha ko ang folder na dinala kanina ng nurse.

"Nabanggit na siguro ni Doc Louis na it's a case of Miliara, which is a common rash due to the heat of the surroundings. It is adviceable to dress her in cool and dry clothes, yung presko lang para hindi siya masyadong magpawis." I gave them both a nod,

"Also, as much as possible, sana nakatapat siya sa electric-fan or nasa air-conditioner room para hindi siya mainitan at magpawis. Sa pagligo, use unscented and gentle soap, pat-pat lang din ang pagtutuyo, 'wag kukuskusin ang rashes. And use rin the Calamine lotion na nireseta ng doktor." I gave Chiara a smile who's already eating the chocolate.

"Importante rin na 'wag kamutin kasi magsusugat 'yan. Kapag mas lumala yung rashes, it is adviceable na bumalik para sa follow-up check up." Dagdag ko pa bago itinago ang ilang gamit sa lamesa ko.

Biglang nag-angat ng tingin si Chiara at nanlaki ang mata, "Babalik pa po ako, Doc Grey?" Sa tono ng pananalita niya ay parang excited pa siyang bumalik.

Napangisi ako.

"Let's hope hindi kana babalik." Bumagsak ang ngiti sa labi ko bago napalingon a gawi ng ama niya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Dahil ba ayaw na niyang mas lumala ang kondisyon ng anak niya o dahil... ayaw na niya akong makita?

I nodded, agreeing on what her dad said, "Tama, sana hindi mo na kailangang bumalik kasi kapag ganun, ibig sabihin, hindi kapa magaling." Malumanay kong paliwanag dito at ngumuso si Chiara.

"Let's go na Chiara? May work pa si daddy." Pinanood kong tumayo ang ama ni Chiara at tinulungan ang anak nitong bumaba ng bangko.

"Thanks, Doc," Code said in a low tone voice that I could barely hear. He didn't even spare me a glance and faced his back at me while holding his daughter's hand and walking towards the door.

"Bye Doc Grey! Sana bumalik pa po ako para magkita tayo! Pero sana si daddy nalang po yung may sakit--" Agad nahigit ni Code ang anak niya palabas bago sinaraduhan nag pinto.

Napatakip ako sa mukha ko bago napahagikhik.

Gosh... hindi maitatanggi na anak niya ang bata sa sobrang kulit.

Pero gosh... tangina, anak niya nga yun.

Walang duda. May anak na nga siya.

Napahilamos ako sa mukha bago napasubsob sa lamesa.

Punyeta talaga... bakit sila nasa Pilipinas? Bakit siya bumalik!? Anong pakay niya rito!? Akala ko ba...

"AHHH!!!" Nagpapadyak ako sa sahig.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pagkagulo, pagkagulat, lungkot, galit, pagka-inis, saya— LAHAT NA!

Nang bumangon ako mula sa pagkakasubsob ay inayos ko ang salamin at ang buhok ko.

Sana nga hindi na sila bumalik. Para naman hindi na ako multohin ng mga nangyari dati.

"Subsob ka nanaman sa trabaho mo." Nadatnan ako ni Bianca sa nurse's station sa ward.

"Mhmm, lagi naman," sagot ko rito habang binubuklat ang mga papel sa clipboard ko.

Ilang segundo itong nanahimik, nakita ko pa itong sumandal sa counter at ramdam kong nakatingin ito sa akin.

"Psst," Napa-igtad ako nang bigla ako nitong sundutin sa tagiliran.

"May problema ka, alam ko." Prangkang turan ni Bianca, napakunot ang noo ko habang nakatingin s akaniya bago nagbalik ng tingin sa clipboard.

"Sus, wala, ang OA mo lang." ani ko rito at napahagikhik si Bianca.

"Naku Grey, med school palang kilala na kita. Sa hitsura mong 'yan? Halatang may probelma ka, eh." ani nito, nag-cross ang mga braso nitoo bago ako tinanguan, "Sige na, anong problema?" tanong nito.

Napabuntong hininga ako, nagbabadyang sabihin sa kaniya ang nangyari kaninang umaga.

Pero alam niya ang tungkol kay code, eh. Nakapagkwento ako noong nasa med school kami ang tungkol sa nangyari sa amin ni Code dahil sa kalasingan ko.

Ayaw kong magmukhang affected. Sabi ko pa man sa kanila noon na sa susunod na magkekwento ako kay Code ay magpapa-inom ako.

Umiling ako, "Wala nga, kulit, hindi ba pwedeng pagod lang?" tanong ko bago kinuha ang clipboard.

"Una na ako, masyado mo akong chinichismis." Paalam ko rito bago umalis ng ward.

Ilang oras pa rin akong binagabag noon– baka nga kahit ilang araw pa. Sa mga natitira kong dalawang oras sa trabaho hindi naalis sa isipan ko na nagkita kaming muli.

Pakiramdam ko ay isa lang iyong guni-guni at hindi talaga iyon nangyari?

What if nag-hallucinate lang ako?

What if panaginip lang pala talaga iyon at hindi naman talaga nangyari?

Baka nababaliw lang talaga ako.

Nang sumapit ang alas sais ng hapon ay nagsimula na akong mag-impis ng gamit ko. Naglinis-linis din muna ako ng clinic para hindi ko na ako maglilinis bukas ng umaga.

Nagwawalis ako sa parteng lamesa nang may mawalis na isang ballpen. Napakunot ang noo ko bago ito dinampot.

Akin ba 'to?

I flipped it around to examine the pen but pause when I saw a name engraved on it.

Attorney Nicodemus Costa

My breath hitched, gripped tightly on the pen before taking a deep breath.

I placed down the broom, walk towards my drawer and placed it in one of the containers inside.

Maybe he will come back for it, or not, bahala siya.

I gathered all my things and left my clinic, clocked out, went to the parking and drive to my condo.

I am having my dinner which is some pasta I cooked. I'm staring blankly on my window, admiring the dark sky, city lights and vehicles moving.

The room is cold which is perfect for the grey sweater I am wearing. There are also few lights open but not the main light, just perfect to give the unit a cozy vibe. There's also music coming from the record player.

The room is cozy, comfortable and relaxing, but I don't feel relaxed at all.

I am still shocked by what happened.

Hindi ko nagawang maka-react kanina lalo pa at nasa trabaho ako at may kasama itong bata.

Pero kung sa normal na lugar yun? Sa labas? Sa mall? Sa grocery? I would've already lost my cool. I would've grabbed him by the colar and pinned him on the wall— okay maybe not pin on the wall. Maybe just pushed him against the wall?

Basta, baka masaktan ko pa iyon kung sa ibang lugar kami nagkita.

Pero hindi, eh. Sa ospital pa. Sa trabaho ko pa?

Paano ako makakapag-react kapag ganun?

Kasama pa niya ang anak niya!

May anak siya!!

Napahilamos ako sa mukha ko bago bumunot ng isang malalim na buntong hininga.

Pakiramdam ko'y may kung anong panlulumo at panghihinayang sa loob-loob ko.

"Bumalik ka nga, pero hindi naman na pwede." ani ko habang nakasubsob ang mukha sa aking palad.

Naramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko at ganun na rin ang pamamasa ng mata ko.

Napasinghot ako bago nagpahid ng basang mata, "Nasaan na ba yung cellphone ko?" Kinapa ko ang bulsa ko, naghanap na rin sa buong lamesa pero wala ito.

Natagpuan ko ito sa may record player. Agad kong tinawagan si Louis.

[Yow, what's up?] Bati agad nito,

"Busy ka?" tanong ko bago napasandal sa lamesa.

Agad itong napahagikhik sa kabilang linya, [Why? You want to have some company at your place?] he asked in such a flirtatious tone, which made me chuckle.

"Sira, hindi, mag-aaya sana ako ng inom. Pero dito lang sa place ko, or sayo, kahit saan. Isama mo na rin si Bianca." ani ko bago inipit ang isang kamay ko sa aking ilalim ng akung braso.

[Oh? Bakit isasama pa si Bianca?] tanong nito na ikinahagikhik ko.

"Para sigurado akong wala tayong gagawing iba." Sagot ko na ikinahagalpak niya ng tawa,

[Fine, it's okay to have it in my place.] sagot niya at tumango ako,

"Sige na, tawagan mo na si Bianca at papuntahin diyan. Pupunta na rin ako at bibili na ng inumin." ani ko bago pinatay ang tawag.

Inimpis ko lang ang pinagkainan ko bago kinuha ang wallet at susi ng sasakyan ko at umalis na. Dumaan lang ako sa malapit na 7/11 para bumili ng alak at pulutan bago dumiretso na sa apartment ni Louis.

Nadatnan ko na ang dalawa doon.

"Sabi na nga ba, may problema 'yan. Kanina pa 'yan wala sa sarili sa trabaho." Bungad ni Bianca nang makapasok ako ng apartment.

Natatawa akong umiling bago inilapag sa lamesa ang mga pinamili ko, "I have something to tell." Panimula ko,

Agad inihanda nila Louis at Bianca ang mga inumin at pagkain bago ako nakapagsimulang magkwento.

"So... here's the thing." I took a deep breath.

"Code came back." I blurted out.

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Louis habang nagparte naman ang mga labi ni Bianca.

"Code as in... Code Costa? The one and only 'Grey bender'?" tanong ni Bianca na bahagya kong ikinatawa bago tumango.

"Yep, him. He showed up in my clinic kaninang umaga kasi... magpapa-general check-up yung anak niya." ani ko bago ininom ang shot ko.

Napasinghap si Bianca bago napamura, "Shit naman, may anak na!?" sigaw nito na tinanguan ko habang minumumog ang whiskey sa bibig ko.

"Tangina! So pamilyado na!?" tanong pa nito, nag hy-hysterical na.

Napatawa ako nang bahagya bago sumubo ng potato chips, "Siguro, may anak na, eh." ani ko bago sumandal sa sofa.

Napahilamos si Bianca sa mukha bago suminghal, "At talagang sa 'yo pa nagpa-check up, ha!? Ang kapal ng mukha!" ani niya bago sumandal sa sofa at pinag-cross ang magkabilang braso.

Nagkibit-balikat ako, "Mukhang hindi naman niya sinasadya na sa akin ipa-check up yung anak niya. Nagulat nga rin siya noong makita ako. Kasi dapat, kay Louis sila magpapa-check up, eh kaso day-off kanina, kaya sa akin na ni-refer." Pagke-kwento ko

Napaturo pa ako kay Louis nang may ma-alala, "It was the little girl with the rash noong isang araw." I reminded Louis who's sitting next to me, leaning on the sofa, legs spread apart, elbow resting on the armrest, he's even brushing his finger on his lip as if he's deep in his thoughts.

"Siya pala yun?" Bulong nito at tumango ako,

"Yep, that's him, that's Code Costa." sagot ko rito at tumango ito bago sumimsim ng alak.

"Ganun pala ang type mo sa lalaki?" tanong niya at napabungisngis ako nang bahagya bago tumango.

"Remember when you asked me kung anong type ko? Yep, that's my type, ganun ang gusto ko." ani ko bago muling sumimsim ng alak.

He hummed, nodding, still brushing his finger on his lip. "Anong balak mo?" tanong niya at napakunot ang noo ko.

"What do you mean anong balak ko? Wala, wala akong balak." sagot ko at tumango ito, "Hindi mo balak makipagbalikan?" tanong niya at lalong nakunot ang noo ko habang si Bianca naman itong napahagalpak ng tawa.

"Hoy! Balak mo pa yata gaiwng kabit si Grey!" Pang-aasar ni Bianca na ikinangisi ko rin.

"Maybe he's married or has a fiance or what, but all I know is that he settled and moved on," I said before taking another sip of alcohol.

"Pero kung wala?" Pinagtaasan ko ng kilay si Louis, "Babalikan mo?"

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Nag-send pa sa akin ng picture si Bianca ng selfie nila ni Louis sa trabaho na parehas mukhang may hangover. Nag-haha react lang ako rito bago naghanda na ng almusal.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis para lumabas at mag-grocery. Bumisita rin ako ng isang bookstore para tumingin kung may panibagong aklat na magugustuhan ko. Nang wala akong nabili ay dumiretso naman ako ng mall at nagtingin-tingin. Nakabili lang ako ng bagong vaccum at clothing rack bago umuwi para maglinis at maglaba.

Nagpa-deliver nalang ako ng tanghalian lalo pa at natagalan ako sa paglilinis.

Balak ko sanang matulog nang hapon, pero patuloy akong binabagabag ng pagkikiita namin ni Code kahapon.

Eight years! It's been eight fucking years! It was tough, yes, it was hard, of course, pero kinaya ko yung walong taon na yun na wala siya. Hindi ako nakalimot sa nangyari. I didn't heal from the pain. I just got distracted because of med school and I just... fucked around during the nights I miss him.

Siya kasi, eh. He gave me an experience I never received from anyone else. He was my first time on almost everything.

I had relationships in high school, yes, but it was all girls and just cute dates. I've never been intimate to anyone before except him.

Paano ako makakalimot kung siya ang first kiss at first sex ko? He fucking railed my ass! Paano ko makakalimutan yun!?

I had few glasses of whiskey after dinner, just enough to make me sleepy but not too much so I'll be drunk as fuck like last night.

I made it to work just on time. I had breakfast first in my clinic before taking a round to check on my patients in their rooms and even patients in the ward. I also attended some kids who will be having their vaccines today.

Clearly, it was another hectic but normal day in the hospital.

Not until after lunch where there's a kid rushed to the ER due to difficulty breathing and high fever. I grabbed my coat, my stethoscope and whatever pen inside my drawer before rushing to the ER.

Nahihirapan na nga ang bata, natataranta pa ang mga magulang, mga ganitong bagay ang hindi ko gusto kapag nasa ER.

Maaasikaso naman yung bata, hindi kailangang mag-panic.

I immediately checked his airways and breathing. Agad ko ring ipinatawag si Louis na may speciality sa respiratory para mas ma-asikaso ang bata.

Sa huli ay dinala ang bata sa ICU na si Louis na ang nagpatuloy sa pag-iintindi.

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa pader at nagpahid ng pawis sa noo gamit ang coat ko.

Maya-maya ay nilapitan ako ni Bianca, "Oh, nahulog sa 'yo." Inabot sa akin nito ang ballpen.

Ngumisi ito, "Baka hanapin sa 'yo ni attorney, wala kang maibigay." ani nito bago umalis.

Napakunot ang noo ko bago tiningnan ang pen.

Shit, it's his. Sa sobrang pagmamadali ko kanina, hindi ko na namalayan ang ballpen na dinampot ko.

I kept it inside my bag so I won't be accidentally picking it up next time.

Bandang hapon ay may nakita kong nurse na kumakain ng turon sa station. Nang tanungin ko kung saan may nagtitinda ay itinuro ako nito sa construction site sa katabing building. Mabuti nalang at wala akong inaasikasong pasyente kaya naman agad akong nakasaglit sa site para bumili.

Sakto at may tinda pa, pinagmamasdan ko ang ginagawang building habang ngumunguya ng turon.

"Kailan kaya 'to matatapos, ang tagal na rin nitong ginagawa 'no?" Nilingon ko ang tindero ng kakanin.

"Awan din diyan sir, tagal ko na rin nagtitinda dito, mag-iisang taon na nga 'yan, eh." sagot nito at napa-iling ako.

"Grabe, ang tagal na ng construction niyan. Hindi siguro maganda ang nakuhang contractor kaya ganun?" ani ko bago kumagat ng turon.

"The building is set to finish within the next two to three months. Kaya lang naman natagalan dahil sa problema sa materyales at doon nagkaroon ng delay. It wasn't the contractor's fault." Napa-igtad ako nang may magsalita sa likod ko.

Namilog ang mga mata bago agad nilunok ang turon na ilang beses ko lang yatang nginuya.

"Isang turon nga po," Inabutan nito ang tindero ng bente pesos bago ako nilingon at nginitian, "Though yes, it's bad that it took more than six months for it to finish. Ang nakalagay sa kontrata niyan ay limang buwan lang, I had to update the contract for the project to push through." he gave me a smile.

I felt my hand went numb, I also felt a tightening inside my chest— shit, bumara yata yung saba!

Napasinghal ako bago umirap, "Hindi ko naman tinatanong." ani ko bago isinubo ang huling kagat ng turon at tinalikuran siya, nakatingin sa building habang ngumunguya.

I heard him chuckled, "I just thought you're curious about it." he said and I rolled my eyes.

"Assumero," bulong ko bago pinag-cross ang braso ko.

"You build buildings na pala ngayon? Akala ko kasi mas magaling kang sumira ng buhay." Dagdag ko pa habang nakatingala sa building.

"Ano yun?"

"Wala!" sagot ko agad dito.

Paalis na sana ako para iwan siya dahil hindi ko na kayang maging malapit pa sa kaniya pero may na-alala ako bigla.

"Oo nga pala," hinarap ko ito, saktong kumakagat pa ito sa turon niya. "Ano 'yon?" tanong nito habang nakalobo ang magkabilang pisnge dahil sa turong isinubo nito.

"Yung ballpen mo, nasa clinic ko. Maghintay ka rito dahil ibabalik ko na." ani ko at agad itong umiling.

"'Wag na," pigil nito.

Napataas ang isa kong kilay. Ayaw na niya dun sa ballpen niya? Mukhang mamahalin pa man din yun.

"Sasama na ako sa pag-akyat para hindi kana mapagod." Dagdag nito at nagparte ang mga labi ko,

"H-Ha? 'Wag na, dadalhin ko--"

"Mapapagod kapa, sige na, sasamahan na kita." Putol nito sa akin. Napakagat ako sa loob ng pisnge ko bago tumango.

"Fine, halika," ani ko rito bago siya tinalikuran at naglakad papasok ng building.

Mabuti nalang at marami kaming nakasabay sa elevator. Hindi ko yata kakayanin kung kaming dalawa lang ang nasa loob. Baka hindi ako makapagpigil. Baka tanungin ko bigla kung bakit siya umalis? Bakit niya ako iniwan? Bakit siya nakipaghiwalay? Kung kinaya ba niya talaga akong tiisin?

Nanlaki ang mata ko nang lumabas ang tatlong nurse na kasama namin sa elevator.

Shit!

Kami nalang dalawa!

'Wag kang magtatanong! 'Wag kang magtatanong!

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago napahawak sa railing ng elevator, napatungo ako at napapikit nang mariin.

Masaya na ba siya ngayon? May asawa naba siya? Naka move-on na talaga siya? Paano ako? Paano kami? Paano yung dating--

"Excuse me po," Napa-angat ako ng tingin nang may pumasok na dalawang nurse na dala-dalang patay na nakalagay sa stretcher.

Seryoso ba 'to?

Gusto ko ng may kasama kaming iba sa elevator para hindi kami solo pero hindi naman sana yung ganito.

Ilang taon na akong nagtatrabaho sa ospital pero kinikilabutan pa rin ako sa tuwing may makakasabay akong patay sa elevator.

Hindi ko namalayan na mas naging malapit pala kami ni Code dahil sa pagpasok ng stretcher. Nang magdikit ang mga gilid ng palad namin ay para akong nakuryente.

Baka nga mas malamig pa yung kamay ko kaysa sa kamay ng patay sa sobrang pagkataranta.

Mabuti naman at nakarating na kami sa floor ng clinic ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay dali-dali akong naglakad na halos maiwan si Code. Hindi naman siya mawawala. Matanda na 'yan.

"Here, naiwan mo noong isang araw." Ini-abot ko rito ang ballpen niya.

"Geez, thanks, akala ko kung saan ko naiwan." Nakangiti nitong turan habang hawak-hawak at nakatingin sa ballpen.

Napabuntong hininga ako bago isinara ang drawer, "Ingatan mo, mukhang mamahalin pa man din. Baka bigay sa 'yo 'yan ng asawa mo, magalit pa kapag naiwala mo." ani ko at nag-angat ang ulo nito.

May sasabihin pa sana ito nang parehas kaming napatingin sa pager ko nang tumunog ito, napabuntong hininga ako bago isinuot ang coat ko, "Feel free to leave whenever you want. 'Wag ka lang sanang maabutan ng kung sino rito, mapagkamalan ka pang kawatan." Inis kong turan bago siya nilampas at lumabas ng clinic.

--------------

a/n: grabe, gusto ko ng nagbabagang tension sa kanilang dalawa, may mga naiisip na akong scenes mwhehehehehehehe 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co