Chapter 4
Code's POV
"Kawatan!!? Mukha ba akong kawatan!? Sa gwapo kong 'to!? Mapagkakamalan ba akong kawatan!?" Hindi ko makapaniwalang turan bago napahagod sa buhok at napasandal sa bangko.
Ipinatong ko ang kamay ko sa aking noo bago napabuntong hininga, "Pero wala pa ring nagbago sa kaniya. Ganun na ganun pa rin siya. Yung ugali niya, yung pagiging masungit niya, maski paglakad niya ganun pa rin, eh!" singhal ko habang nakatingala sa kalangitan.
"Nag-mature lang ang hitsura niya, umedad, siyempre, pero pogi pa rin. Mas lumaki nga ang katawan niya! Batak siguro yun mag-gym kaya lumaki nang ganun ang katawan." ani ko habang ina-alala ang hubog ng katawan nito noong magkasama kami kanina.
Napakunot ang noo ko bago nilingon si Lukas na ka-inuman ko, "Hoy, magsalita ka naman!" Bahagya kong sinipa ang paahan ng lamesa para maagaw ang atensyon niya mula sa barbecue.
Napa-angat ito ng tingin, sumubo muna ng pulutan bago nag-ayos ng upo, "Ano bang gusto mong sabihin ko? Na okay lang 'yan, hindi ka naman mukhang kawatan. Yun ba? Yun ba ang gusto mong sabihin ko?" tanong nito at napabuntong hininga ako bago napa-iling.
Isa pa 'tong walang pinagbago, hayop pa rin talaga.
"Tsaka isa pa, bakit ba affected na affected ka? Para kang tanga diyan." ani nito bago sumimsim ng alak.
Napahilamos ako ng mukha, bakit ba ako dito pumunta sa bugok na 'to?
Napabuntong hininga ako bago sinapo ang baso ng magkabilang kamay ko, "Kasi... affected pa rin ako." Pag-amin ko at nag-angat ito ng tingin mula sa pulutan, kunot-noo at halos magdikit na ang mga kilay.
"Gusto mo pa ba si Grey?" tanong nito at napabangon ako mula sa pagkakasandal sa bangko,
I pointed my index finger up, "Correction, mahal ko pa rin." Pagtatama ko rito at nasamid ito sa kinakain niya na ikinatawa ko.
"Gago ka pala, eh!" turan nito habang nasasamid.
"Matapos mong tarantaduhin!? Mahal mo pa?! Nasisiraan kana ba ng bait!?" Sermon nito bago napakamot sa batok, "Alam mo, buti nalang pinapahalagahan ko yung pinagsamahan natin noong college. Kung hindi lang kita kaibigan, hindi kita papapasukin kanina noong bigla kang sumulpot sa gate." ani nito na ikinahagalpak ko ng tawa.
"Ang gago mo kasi, pare! Napakagago ng ginawa mo kay Grey!" ani nito bago sumandal sa bangko.
"Close kami nun oh, ganun kami, kami." Ipinakita nito ang daliri na magka-cross na ikinatawa ko.
"Kaya alam ko yung mga paghihirap at sakit na dinanas niya noong umalis at nang-iwan ka." Dagdag pa nito na ikinatawa ko nang pilit bago napa-iling sa sarili kong katarantaduhan.
"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako umalis?" tanong ko at napakunot ang noo nito,
"Yung pag-alis mo, 'wag na, pero bakit mo naman sinaktan ng ganun si Grey. Bakit mo ginamit na parausan yung tao?" tanong niya at napatawa ako nang pagak.
"Hindi ko ginamit na parausan yun, mahal ko talaga yun." ani ko bago sumimsim ng alak,
"Nge? Ang sabi sa akin ni Grey, straight ka raw, nag-explore ka lang at siya pa ang ginamit mo." sagot nito at tumango ako,
"Oo nga, yun ang sinabi ko sa kaniya. Pero hindi yun totoo, nagsinungaling lang ako." ani ko at bahagyang kumiling ang ulo ni Lukas at naningkit ang mga mata.
"Eh anong totoo? Bakit ka umalis at bakit mo siya ginanon?" tanong niya, napasandal ako pabalik ng bangko bago bumuntong hininga,
"Dahil sa tatay ko," Maikli kong sagot at tumango ito, "Homophobic?" tanong ni Lukas at nag-hum ako pabalik.
Utay-utay itong tumango bago napapalakpak ng isang beses, "Gets, gets, I've been there." he showed a faint smile.
We both know what happened to him when his parents, especially his father, found out he was gay way back in college. It didn't turn out well. He suffered a lot. Not just him, but Cairo too. Kawawa sila parehas noon.
"Pero pare," Napasaltik ito ng dila, "Bugbog lang yun, pasa, pilay, at sakit sa katawan. Kung mahal mo talaga si Grey, tatanggapin mo lahat ng yun." ani niya at napatawa ako nang pagak.
"Sana nga ako nalang ang sasaktan si dad." ani ko at muling nakunot ang noo ni Lukas.
"Si Grey?" Hindi makapaniwala nitong tanong at utay-utay akong tumango habang may lamang alak ang bibig.
"Pinagbantaan niya ang buhay ni Grey. Kilala ko ang tatay ko, maraming koneksyon, maraming dumi, maraming baho, alam kong kaya niyang gawin ang banta niya kaya--"
"Kaya ka umalis?" tanong ni Lukas at tumango ako.
"At kaya ko na rin sinaktan nang ganun si Grey. Para naman... may galit siya sa akin at hindi na maghabol. Natatakot kasi ako na baka kapag nakipaghiwalay lang ako, baka parehas kaming hindi makapag-pigil at ipagpatuloy pa rin ang kung anong meron kami." Dagdag ko pa, nagparte ang mga labi ni Lukas bago napatango.
"Pati pag-alis mo? Kailangan mo pa bang umalis? Nakipaghiwalay ka na nga diba?" tanong niya at tumango ako bago sumubo ng pulutan.
"Kasama yun sa kasunduan namin ni dad. He'll leave Grey alone, but I have to break-up with him and leave the country." sagot ko rito at mukhang hindi makapaniwala si Lukas. Namilog ang mga mata nito at nagparte ang mga labi habang nakatulala sa akin.
Natawa ako sa ekspresyon niyang mukhang tanga.
"Umayos ka nga, mukha kang tanga diyan." ani ko bago sumandal pabalik ng bangko at muling sumimsim ng alak.
Grabe, ginagawa ko nalang palamig 'tong alak.
Natawa ng pagak si Lukas bago sumandal din sa bangko, "Grabe, maswerte pa pala ako sa bugbog ng tatay ko. Pagkatapos nun, okay na, masaya na ulit kami ni Cairo." Pagyayabang niya na tinaasan ko ng kilay.
"Talaga ba? Masaya ba kayo ni Cairo?" Nanunuya kong tanong,
Napakamot ito sa ulo, "Hayop talaga, dati, oo! Noon! Noong college, pagkatapos kong mabugbog, okay na, tapos na. Hinayaan na nila kaming dalawa." sagot nito at utay-utay akong tumango.
"Yun naman pala. Tapos sinira mo rin?" Pang-aasar ko rito at pabiro ako nitong binati ng corn bits.
"Hayop na 'to! Si Grey kaya ang nagsumbong! Si Grey ang lumapit sa amin tapos biglang sinabi kay Cairo!" Napakamot ito nang marahas sa ulo bago ako napahagalpak ng tawa.
"Seryoso ba!? Kailan niya ginawa yun!? Pagkatapos ng ceremony!?" tanong ko at nagkibit-balikat ito.
"Awan! Basang-basa pa nga ang damit ni Grey noong lumapit siya!" sagot nito at napakunot ang noo ko.
Ilang segundo akong natahimik para isipin kung kailan kaya sinabi iyon ni Grey. Pero nang ma-alala na umulan ilang segundo matapos niya akong iwan sa may fountain ay napapalakpak ako.
Nanlaki ang mga mata ko bago lalong napahagalpak ng tawa, "Kakatapos lang namin mag-usap nun! Kaka-break lang namin noong oras na yun!" Napasapo ako sa tiyan ko nang sumakit ito sa kakatawa.
"Hayop ka! Ikaw pala ang dahilan! Nadamay tuloy kami!" Nagulat ako nang biglang tumayo si Lukas sa kina-uupuan niya at sumugod sa akin bago ako sinakal.
"Aray--! Gago!!" Tumatawa akong sinasakal ni Lukas.
Mukhang nanggigil pa ito noong una na kalaunan ay tumatawa na rin hanggang sa mapagod siya.
"Hayop ka," inalis nito ang kamay sa leeg ko, nag-ayos ng damit at nagpahid ng pawis.
"Ikaw pala ang may kasalanan! Kung hindi ka nakipag-break, edi sana hindi nagalit si Grey, hindi kami dinamay!" singhal ito na ikinatawa namin parehas.
Nang umupo ito pabalik sa bangko niya ay parehas kaming hinihingal.
"By the way," tawag nito na nilingon ko, "Kailan ka bibisita doon sa mag-asawa? Ang laki na ng mga anak nun." tanong nito at nagkibit-balikat ako.
"Baka sa mga susunod na araw, may inaasikaso lang ako sa trabaho." sagot ko at tumango lang ito.
Hindi na ako nagpa-abot ng hating-gabi sa bahay niya bago umuwi. Dahan-dahan lang din ako sa pagmamaneho at umiiwas sa check-point dahil naka-inom ako pero hindi naman lasing.
Pag-uwi ko ay dumiretso muna ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit bago pumunta sa kwarto ni Chiara.
Tulog na tulog ito nang madatnan ko, ang sabi pa sa akin ng katulong kanina ay hinihintay raw ako nito kahit nagsabi naman ako na gagabihin ako ng uwi. Mabuti nalang at inantok na ito sa kakalaro kaya natulog na.
I woke up late the next day, but it was fine since I had my breakfast with Chiara, and we enjoyed an hour together watching TV while playing with her toys before I had to prepare for work.
"Chiara, would you like to come with Daddy sa work?" She lifted her head, tilted it a bit, and looked at me, confused.
"I can come to work na?" she asked innocently, but seeing her expression felt like a stab.
Chiara was never allowed to come with me to work in Canada. Dad doesn't even want to see me with her or even see her alone. Probably because Chiara was born out of wedlock. He sees her as an abomination to us and the company.
I gave her a smile and nod, "Yep, only if you want." I said, and she pouted a bit.
"Pero mainit, daddy. I don't wanna be itchy na," she replied, and I slowly nod.
"Okay, but next time, if you want, you can come to work with Daddy, okay?" I said, and she just nodded, not even sparing me a glance since she's too focused on her clay set.
"May gusto ka bang ipabili kay Daddy?" I asked,
She lifted her head, a wide smile printed on her lips, "Donuts!!" If her eyes could shine, I would see stars in mid daylight.
I chuckled before nodding, "Donuts, you got it." I said before leaving the house.
I went to the company first to have another run through our old contracts and papers. I also reviewed some contracts for our upcoming projects and merging with other companies, which actually took me a lot of time since I had to clarify some things and had a few changes to make.
It was past lunch when I finished revising the contracts. I took a quick stroll around the company, checking with a mix of chilling since I spent my whole morning and lunch sitting down.
I was supposed to review the company's policies too, but I decided that I'll do it all tomorrow.
I got bored in the company that's why I decided to leave. It was also a decent time to clock out and besides... sinong magagalit? Wala naman dito yung tatay ko na walang ibang ginawa kundi ang bungangaan ako.
I left the company and drove to the hospital to check on the building under construction. I checked if the workers are following the safety policies and wearing their appropriate clothing.
When I saw that they were barely being safe on the site, I immediately called one of their boss and talked to him.
"Babalik ulit ako dito sir, hindi ko sasabihin kung kailan pero dapat that time, maayos na ang mga suot nila, okay?" Malumanay kong turan sa boss at tumango ito, "Yes sir, noted po, pasensya na po ulit." ani nito at tumango lang ako bago umalis na.
Napadaan ako sa mamang nagtitinda ng turon kahapon at bumili muna.
"Boss, bumili na yung doktor kahapon?" tanong ko rito,
Ini-abot nito sa akin nag turon, "Sinong doktor sir? Maraming doktor ang bumibili rito, eh." tanong nito,
"Yung ano boss, yung kahapon, yung nakasabay kong bumili. Maputi, nakasalamin, chinito, gwapo." Paliwanag ko rito at bahagyang natawa si manong.
"Ay hindi boss, hindi yun bumili ngayong hapon. Baka busy sa trabaho." tanong nito at utay-utay akong tumango.
Paalis na sana ako ng ospital, naglalakad na ako papunta sa parking nang hindi ako makatiis at naglakad pabalik. Pumasok ako ng entrance at bahagyang naglakad-lakad sa loob.
"Yes sir, ano pong kailangan nila?" tanong ng nasa station.
Ngumiti ako, "I'm fine, miss, hinahanap ko lang kasama ko, pauwi na kasi kami." ani ko bago dumiretso sa loob.
Nang makita kong busy ang lahat lalo na sa bandang ER at ward ay napagtanto kong baka busy nga si Grey kaya hindi nakabili ng miryenda.
Nakatayo lang ako sa isang tabi at naglilibot ng tingin nang may isang doktor na dumaan sa harap ko at habol pa ako ng tingin hanggang sa makalayo.
Napakunot ang noo ko. Bakit nakatingin yun sa akin? Ngayon lang ba siya nakakita ng pogi?
Napabuntong hininga ako nang hindi makita si Grey sa loob. Naglakad nalang ako pabalik sa gawi ng nurse station at paalis na sana nang magkasalubong kami ni Grey.
Agad kumunot ang noo nito, "Anong ginagawa mo rito? Andito ba si Chiara? Anong nangyari?" Sunod-sunod nitong tanong.
Para akong teenager na nakasalubong ang crush niya at hindi maka-imik. Suot-suot niya ang puti niyang coat at sa ilalim nito ay ang light blue niyang scrubs, idagdag pa na suot niya rin ang rectangle glasses niya na may itim na frame. May hawak-hawak rin itong tray na may mga lamang hiringgilya.
"I'm asking if andito ba sa ospital yung bata? Okay ka lang ba?" Inis nitong tanong habang nakataas pa ang isang kilay, natauhan ako bigla at agad tumango.
"A-Ah, wala, wala si Chiara rito, napabisita lang ako sa site." sagot ko at muling kumunot ang noo nito.
"Nasa labas yung construction, wala rito sa loob, naliligaw ka yata." Masungit nitong turan bago dire-diretsong umalis.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago nakangising lumabas ng ospital.
"Wow daddy! Ang daming donuts!!" Tuwang-tuwang turan ni Chiara nang umuwi ako.
"One, two, three! Three boxes!!" Sigaw nito na ikinatawa ko lang.
Kumain muna kami ng hapunan bago kinain ang mga donuts na dala ko. Inalok ko na rin ang mga kasambahay lalo pa at tatlong dosena ang binili ko kanina.
Nakitulog din si Chiara sa kwarto ko kaya naman naglaro muna kami bago natulog. Paggising ko kinabukasna ay siya ring bangon ni Chiara. Nag-request ito ng pancake na almusal kaya kahit may sinangag na sa lamesa ay nagluto muna ako ng ilang pirasong pancake para sa kaniya. Pero sa huli ay nagpasubo rin ito sa akin ng kanin at ulam.
The next few days in the company were pretty hectic. Especially that there will be new projects with the new investors. I had to stay up late and sometimes sleep at the company to pull an all-nighter. Though it wasn't something new. I'm used to this. I've been here a lot, even in law school.
I lost count of how many days I've been working on those papers and contracts, but when the time I was finally done and the deal was sealed. I immediately took three days off.
I spent the first day sleeping and resting. I was so tired and badly needed sleep that even Chiara is making a lot of fuss inside my room while playing, I am still sound asleep.
On my second day, I decided to visit Hades and Yago. I've been wanting to visit them after my visit to Lukas, but the sudden workload was too much, and I already forgot about my plan to visit them.
"Saan po ulit tayo pupunta, daddy?" tanong ni Chiara habang nasa sasakyan.
"We are going to your tito Hades and tito Yago, Chiara," I replied, taking a quick glance at her while giving her a smile.
"Sino sila, daddy? I don't know them po," she said, and I chuckled,
"They are Daddy's good friends from college. They have a twin son, too, and they're around your age, so you can play with them." I replied,
"Sons? But they're boys, Daddy, they won't play with me." When I glanced at her again, she was already crossing her arms and pouting.
I laughed, "They will play with you, I'm sure they're friendly and nice. Basta ikaw rin, maging nice sa kanila." I said, looking back and forth between her and the road.
Lukas sent me their address since they're living in one of his old houses. When I arrived in front of their address, I could already tell they're living a good and cozy life.
"Tao po? Tao po?" Tawag ko rito, buhat-buhat ko pa si Chiara dahil may aso sila sa loob ng gate na kinakatakutan nito.
"Si Code ba 'yan!?" Nakasarado pa ang pinto pero narinig ko na agad ang hindi makapaniwalang boses ni Yago.
Nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito ang mag-asawa, "Hoy bakla ka! Andito kana pala!" Palirit agad ni Hades habang si Yago ang nagbukas sa amin ng gate.
"Pasok kayo, pasok-- oh, may anak kana?!" Gulat na gulat nitong turan na ikinangisi ko lang bago pumasok ng bahay nila.
Ibinaba ko si Chiara na mukhang naninibago at nahihiya pa.
"Bless kayo kay tito Code niyo," ani ni Hades sa dalawang batang lalaki nakasuot ng ternong damit.
Sabay halos itong lumapit sa akin kaya hindi ko alam kung sino ang una kong mamanuhan.
"Ang laki na nga pala ng anak niyo! Kambal pa! Astig!!" ani ko habang ginugulo nag buhok ng isang nakakagat sa daliri niya.
"Chiara, bless ka rin kay tito Hades and tito Yago." Bahagya kong itinulak si Chiara palapit kay Hades.
Nahihiya itong lumapit, "Bless po," tumungo lang ito na ikinangisi ni Hades. "Anak mo na 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hades bago minanuhan si Chiara.
"Yun nga rin ang tanong ko sa isang 'yan kanina. Aba'y hindi ako sinagot." ani ni Yago, pinanood ko si Chiara na maglakad papunta sa kaniya bago napatawa.
"Hindi ko ba kamukha?" tanong ko at napakunot ang noo ni Yago bago minanuhan si Chiara at bahagyang sinilip ang mukha nito.
"Sira ka, kamukha mo nga! Anak mo nga 'to!?" Hindi makapaniwala nitong turan, naramdaman kong yumapos si Chiara sa puwetan ko at nagtago.
Napahagikhik ako, "Oo naman, nag-iisa 'yan." ani ko bago kinuha si Chiara sa likuran ko at inilapit sa kambal.
"Anong pangalan ng anak niyo? Ang cute-cute." tanong ko habang pinapanood ang kambal na maglaro ng mga kotse sa sofa nila.
"Yung kamukha ni Yago, si Anton 'yan. Itong kamukha ko, si Beau." Turo ni Hades, sinilip ko pa ang mukha ng kambal para makita kung sino si Anton at si Beau.
"Oo nga, kamukha niyo nga." ani ko,
"Anong pangalan ng anak mo? Ang laki na niyan, ah." tanong ni Yago,
Si Chiara na nakikipaglaro na sa kambal ay kinulbit ko, "Hey, what's your name raw?" I said,
Humarap ito sa amin, "Hello po, my name is Chiara Denisse Frances Costa, I'm six years old." Mabibo nitong turan na ikinatawa pa ni Yago.
"Anak mo nga 'yan, pabibo rin, eh!" Humagalpak ng tawa si Yago na nakita ko namang sinamaan ng tingin ni Hades.
"Maghahanda lang ako ng miryenda." ani ni Hades bago pumasok ng siguro'y kusina nila.
Pinapanood kong maglaro ang tatlong bata nang kulbitin ako ni Yago, "Halika saglit," Sinenyasan ako nitong sundan siya na ginawa ko naman.
Dinala ako nito sa kusina kung nasaan si Hades na gumagawa ng sandwich.
"Anong meron?" Nakangiti kong turan sa dalawa.
Inilapag ni Hades ang bread knife na hawak nito bago nagpameywang, "So nakabuntis ka nga?" tanong nito na agad ikinakunot ng noo ko.
"Ha?--"
"Kaya ka nakipaghiwalay kay Grey kasi nakabuntis ka?" tanong pa nito, nilingon ko si Yago sa likod ko na napakamot lang sa batok bago nagbalik ng tingin kay Hades.
"What? Hindi 'no. Me and Grey broke up 8 years ago, 6 palang si Chiara 'no." sagot ko rito at napakunot ang noo ni Hades.
"Ay weh? Ang laki na kasi ng anak mo, akala ko grade 2 na." ani niya at napahilamos ako sa mukha,
"Sinabi niya kanina na 6 palang siya, diba? Hindi mo ba narinig?" tanong ko at inirapan lang ako ni Hades bago nagpatuloy sa pagpapalaman ng tinapay.
Sa kaniya talaga nakuha ni Grey ang pagiging masungit at mataray.
Alam kong may galit pa rin si Hades sa akin dahil sa nangyari. Lalo pa at alam kong close na close rin ito kay Grey kaya naiintindihan kong pumapanig ito doon sa isa.
Dinala ko na sa labas ang sandwich at sabay-sabay na rin kaming bumalik sa mga batang naglalaro na. Napahagalpak kaming tatlo ng tawa nang madatnan ang isa sa kambal na naka-gown na gamit ang kumot na nasa sofa lang kanina.
"Hayop ka Code, pinagpapalaruan ng anak mo yung anak ko!" Bulong sa akin ni Hades bago ako hinampas sa dibdib.
Nagkwentuhan kaming matatanda habang ang mga bata ay naglalaro. Ilang beses din kaming napapasigaw dahil sa kalikutan ng mga anak nila. Kung ang anak ko'y madaldal at makulit, ang kambal naman nila ay talon nang talon sa sofa kaya naman ilang beses na muntikang mahulog at mabagok sa sahig.
Doon na rin kami nagtanghalian ni Chiara lalo pa at nagluto si Hades ng caldereta. Ilang beses kong sinubukang i-bring up ang nangyari dati para sana maipaliwanag ang totoong nangyari kagaya ng ginawa kong pagpapaliwanag kay Lukas pero laging lumalapit si Chiara kaya hindi ko masabi-sabi iyon.
"Babalik ako," ngumiti ako kay Yago na naghatid sa amin sa gate dahil busy si Hades sa kambal na nag-away at nag-iiyak sa loob.
Ngumiti ito at tumango, "Sabihin mo na next time kung bakit mo ginawa yun. Hindi ka pa rin napapatawad ni Hades." ani niya at tumango ako,
"I will, don't worry, salamat ulit." Paalam ko rito bago pumasok na ng sasakyan kung saan tulog na si Chiara dahil sa kapaguran kakalaro.
I am back to my routine after my day-offs. May ilang papeles pa rin akong mga inasikaso at tinapos dahil naipon ito noong mga araw na wala ako sa trabaho. Kaya naman sa tuwing matatapos ang araw ay pagod akong uuwi ng bahay.
Pero sa tuwing sasalubungin ako ni Chiara pag-uwi at ipapakita ang ginawa niya sa maghapon ay nawawala ang pagod ko.
"We also baked cupcakes, Daddy!" she excitedly said before dragging me to the kitchen.
"Try it, daddy! Try it!!" she started jumping, which made me giggle.
"After dinner nalang, sweetheart. Daddy will have it for dessert." I gave her a pat on the head and a smile.
She pouted before nodding, "Okay, Daddy." She sounded so defeated, I adjusted my pants before squatting to her level.
"I will just change my clothes, then let's have dinner na so I can try your cupcake na, okay?" I softly said, a smile grew on her lips, before she gave me an aggressive nod.
"Okay, Daddy! I will wait for you sa dining na!!" she screamed before running towards the dining room.
Mabilis lang akong nagbihis para makakain na rin kami lalo pa at late na rin naman akong naka-uwi ngayon. Sabik na sabik si Chiara na pakainin ako ng cupcake na ginawa nila kanina dahil minamadali ako nito sa pagkain ng hapunan.
Nang maubos ang pagkain sa pinggan ko ay agad niya akong ikinuha ng cupcake.
"Here, Daddy! Try this!" She looks so excited about it.
Nang kumagat ako sa cupcake ay agad siyang napapalakpak, "Is it good, daddy? Is it good?" she chanted, and I immediately gave her a nod before taking another bite out of the cupcake. Pinilit pa niya akong kumain ng isa pa, mukhang proud na proud din siya sa gawa niya kaya kahit busog na busog ako ay kinain ko pa rin ito.
Hanggang sa pag-akyat ko ng kwarto ay pakiramdam ko'y sasabog pa rin nag tiyan ko. Nagpahindag muna ako at nanood ng movie bago nakatulog.
"Sir, may bisita po kayo." Nag-angat ako ng ulo nang sumilip ang secretary ko sa pinto.
Napakunot ang noo ko, "Sino? I'm not expecting any--"
"Daddy!" Agad akong napatayo nang biglang pumasok si Chiara sa opisina ko.
"Anak! Why are you here?!" Agad ko itong nilapitan at binuhat.
She pouted, "It's boring sa bahay, Daddy. I asked the maids if they know kung saan ikaw nag wo-work. Good thing kuya Top knows where you are!" she excitedly said which made me chuckle.
"You should've told me na pupunta ka para nakapagpabili ako ng pagkain." ani ko rito at ngumuso ito.
"Edi hindi na surprise, daddy!" Pagmamaktol ito na ikinatawa ko lang.
Napansin kong nakatingin sa amin ang secretary ko, "Oh, Maze, may kailangan ka pa?" tanong ko rito at agad itong napa-iling.
"A-Ah, wala na po sir. Anak niyo po pala siya, sir?" tanong nito at agad akong tumango, "Yes, my one and only." sagot ko at agad siyang tumango bago lumabas na ng opisina ko.
I almost didn't finish my work since Chiara is around. Madalas ako nitong kulitin at ayain kung saan lalo na sa canteen kaya paputol-putol ang paggawa ko.
Nang mag-lunch ay lumabas kami ng opisina at pumunta sa malapit na fast-food chain para doon kumain. Pagbalik ay nagpabili pa ito ng ice cream at saka naman natahimik sa opisina.
"Chiara, do you want to go to the hospital? Daddy will check the construction site there." I asked Chiara when she finally woke up from her nap.
She rubbed her eyes first before looking in my direction, "Can I see Doc Grey, daddy?" she asked, and a smile immediately grew on my lips.
"Of course, anak, we can see Doc Grey. Gusto mo ba bilhan natin siya ng gift? A food maybe?" I asked and she shook her head.
"Let's give Doc Grey some flowers!" she exclaimed, and my smile grew wider. "Sure, then let's buy him some flowers," I said and started cleaning my table and Chiara's things before we finally left the office.
Grey's POV
"Yow, Grey, kunot-noo ka nanaman diyan, mag-relax ka naman." Agad akong inakbayan ni Louis nang makita ako sa nurse's station.
Inabot pa nito ang noo ko bago himasin at pantayin ang nakakunot kong noo na agad kong itinulak palayo.
"Sira ka talaga kahit kailan." Napa-iling ako bago nagbalik ng tingin sa clip board.
"I am not stressed, I'm just looking through these papers." I breathed out while reading the patient's history.
From my peripheral vision, I saw him lean on the counter. "It's my birthday next week, I'll expect you there," he said. I lifted my head and looked at him, "Sure, saan ba?" I asked,
"Tagaytay, rest house namin, two nights and three days," he replied, and I slowly nodded.
"Hindi ko sure kung makakapag file ako ng leave for three days but I'll be there." I replied, and he chuckled before playfully punching me on my back.
Parehas kaming napalingon sa unahan nang may maliit na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Doc Grey!!" Agad napakunot ang noo ko nang makita ang anak ni Code na tumatakbo papunta sa akin.
"Chiara...! Bakit ka andito?" Bahagya akong lumuhod para mapantayan siya.
Agad ko itong sinalat sa noo, "May lagnat kaba? May sakit kaba? Bakit ka nasa hospital?" tanong ko bago kinuha ang malinis na face mask sa bulsa ko at agad itong isinuot sa kaniya.
Umiling ito, "Wala po! Pero we came here to visit you po!" she excitedly said, which made my brows furrow.
"We? Sinong kasama mo?" tanong ko sa bata, nag-angat ako ng tingin kay Louis nang sipain ako nito sa paa.
Sumenyas ito sa unahan kaya naman sinundan ko ito ng tingin. There I saw Code walking towards our direction with a bouquet of white roses in his hand.
My brows furrowed before I stood up from my position. In a few seconds, Code is standing in front of me.
"You came here to visit me?" I arched a brow, and his eyes widened a bit. "What? No! We came here to visit the construction site," he replied, and my lips parted before slowly nodding.
"Doc Grey, Doc Grey, daddy bought flowers for you!" Napalingon kaming tatlo sa gawi ni Chiara na kinuha ang bouquet ng bulaklak sa tatay niya.
"Here po, aren't they pretty?" she asked as she forced it into my hand.
I swallowed the lump in my throat before forcing a smile, "It's beautiful, Chiara, thank you." I caressed her hair, which made her giggle.
"Mr. Costa," napalingon ako kay Louis nang magsalita ito. Agad ko itong sinaaman ng tingin habang siya itong nginisian lang ako.
"How's Chiara? How's her rash?" he asked, looking directly at Code.
"I'm okay na po, Doc Louis! Look po! I'm not red anymore!" Chiara showed both her arms to Louis.
Louis squatted down to her level before looking at both her arms.
"Wow! That's great, Chiara! You're getting used to the temperature here in the Philippines." Louis exclaimed, which made Chiara giggle.
Louis stood up straight and let out a sigh. "Mr. Costa, I haven't introduced myself to you properly." I arched a brow at Louis's sudden gesture,
He reached his hand out, "I'm Doctor Louis Martin Fernandez, I'm Grey's..." he glanced at me, smirking, which made me confused and made my eyes grow wide.
He looked back at Code, "I'm Grey's ex."
I felt my stomach drop. I looked at Code, who was looking intensely at Louis.
I saw how Code's jaw tightened, but he reached for Louis' hand the next second.
He smiled, but not in a nice way. "Great, I'm Attorney Nicodemus Ace Costa, I'm Grey's ex, too," he confidently replied, which made me massage my temples.
Ano bang ginagawa nilang dalawa!?
"Alam niyo," Pinagkalas ko ang mga kamay nila, "Mr. Costa, Chiara, may gagawin pa kami ni Doc Louis, aalis na kami, okay?" I gave Chiara a smile.
She smiled back and nodded, "Okay po Doc Grey, bye!!" She waved her hand, and I reached for Louis and dragged him out of the station while waving goodbye to Chiara.
When we're already a few meters away, I stop walking and so did Louis. "What was that!? Anong ex!?" Agad kong sinamaan ng tingin si Louis na ikinahagalpak niya ng tawa.
"Not in front of the kid! Pinagti-trip-an mo kami parehas ni Code!" Hinampas ko ito sa braso na lalo niyang ikinahagalpak ng tawa.
"Anong mag-ex ang sinasabi mo!? Hindi tayo mag-ex! Tumigil ka nga sa kakatawa mo!" Gigil ko ritong turan, nang humarap ito sa akin ay nagluluha na ang mata nito sa kakatawa.
"Mag-ex tayo, ah." Sa tono ng pananalita niya ay parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya.
Napakunot ang noo ko, "What!? We are not!" I exclaimed and he raised both his brows before leaning towards me, "Ex fuck buddies."
-----------
a/n: noong una, akala ko si Code at Grey lang ang magpupuksaan dito, pati pala si Code at Louis? HAHAHAHAAH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co