Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 43

_Dominous_

Grey's POV

I watch as Code talks to his daughter, who's busy watching in the living room. I leaned on my kitchen island as I carefully listened to their conversation.

Code talked so calmly yet excited to his daughter. The moment he said they'll be staying here for the night, Chiara gasped, her face lit up, before she faced my direction.

"Really po, Doc Grey?!" sigaw nito, gumuhit ang maliit na ngisi sa labi ko bago tumango.

"If that's okay for you—"

"Of course po!!" sigaw nito bago agad tumalon pababa ng sofa at tumakbo papunta sa gawi ko. Agad akong lumuhod at sinalubong ito ng yakap bago binuhat nang tumayo ako.

"I really wanted to sleep here po! Your bedroom looks so comfy!" she excitedly said, her feet even kicking my legs slightly.

I chuckled before walking in the direction of her father, who's now sitting down on the sofa. I sat next to Code and gently placed Chiara between us.

"Then, tomorrow, we can go somewhere you want," I said, slightly pinching her cheeks, which made her giggle.

"What about Star City po? My friend went there last week and she keeps bragging about it!" She crossed her arms before pouting.

A smile grew on my lips. I was about to agree on going to Star City, but then I realized it's around Manila. Louis or Bianca might see us, which will lead me to go through an interrogation of those two.

My lips parted, "Uhm, Chiara, what about... outside Manila? Somewhere else? Malapit lang pero hindi sa Manila." Mungkahi ko at bahagyang kumunot ang noo ni Chiara bago napakiling.

Nag-angat ako ng tingin kay Code na bahagya akong pinanliitan ng mata.

"But where po, Doc Grey? I don't know other places po," she said innocently, which made me chuckle.

I fixed her little bangs, "Let's watch the movie muna, while we're watching, I'll search for some places, okay?" I said, and a smile grew on her lips before nodding.

"Okay po, any places are okay lang po for me, basta kasama po ikaw," she said before resting her back on the sofa.

I resumed the movie she's watching before picking up my phone from the coffee table. While I'm searching the internet for places to visit outside Manila, I saw Code looking at me from my peripheral vision.

I faced him, flashed an awkward smile, which he returned immediately. He raised both his brows at me before looking back at the television.

What does that look mean? Bakit parang may ibig sabihin yung tingin at ngiti niya sa akin?

I brushed it off and focused on my search for places for us to go. I first looked in Batangas, but I mostly saw places like beaches. I don't think going to the beach in early December is a nice idea since the weather has been really cold lately.

It wasn't easy for me to look for places to go tomorrow since it needs to be far from Manila, but also somewhere Chiara would enjoy. When we finished the first movie, Chiara wanted to watch the 2nd movie of the series. So her father prepared the movie while I prepared popcorn in the kitchen.

We're halfway through the movie when I feel Chiara lean on my shoulders, and when I turn to look at her, she's already asleep.

"Dadalhin ko na si Chiara sa kwarto," tumayo si Code na agad kong hinabol ng tingin.

"Aayusin ko muna yung kama," ani ko at tumango ito bago binuhat ang anak. Agad akong tumayo at pumasok ng kwarto para i-handa ang kama. Kumuha ako ng extrang unan sa cabinet at extrang kumot para sa mag-ama.

Inilagay ni Code si Chaira sa gitna ng kama, agad ko naman nilagyan ng kumot ang bata dahil malamig ang buong silid.

"Matulog ka na rin, huhugasan ko pa yung pinagkainan natin." ani ko kay Code na naka-upo sa tabi ng anak at tinatapik-tapik ito.

Nag-angat ito ng tingin sa akin bago umiling, "'Wag na, ako na, humiga ka na rito at magpahinga ka na." sagot niya at bahagyang nagparte ang labi ko.

"Sigurado ka?" tanong ko at agad siyang tumango, "Oo, kaya humiga ka na, tabihan mo na si Chiara at ako na ang bahala ng hugasan sa labas." ani niya at utay-utay akong tumango. Tumayo ito bago hinalikan sa noo ang anak at lumabas na ng kwarto. Napabuntong-hininga ako bago pumasok ng banyo para mag toothbrush, pagbalik sa kwarto ay nahiga na ako sa kama at tinabihan si Chiara.

Muli kong binuksan ang cellphone at naghanap ng mga pupuntahan namin bukas. Pero nakabalik nalang si Code sa kwarto ay wala pa rin akong maisip bukod sa Enchanted Kingdom.

"Hey," I called Code when he was already tucked under the sheets.

He hummed and turn to look at me, "Nadala mo na ba si Chaira sa Enchanted Kingdom?" tanong ko rito, kahit patay na ang mga ilaw sa kwarto ay nakita kong kumunot ang noo nito at bahagyang kumiling.

"Hindi pa, pero plano ko siyang dalhin doon, naging busy lang sa trabaho hanggang sa nakalimutan ko na." sagot niya at utay-utay akong tumango bago pinatay ang cellphone ko.

"Doon nalang tayo pumunta bukas, mukhang magugustuhan naman iyon ni Chiara." ani ko at nag-hum ito bago tuluyang humiga sa kama.

"Sure, kung sa tingin mo malayo na yun sa Manila, why not." bulong niya na agad ikina-kunot ng noo ko.

"Huh?" I asked confusedly.

Code chuckled before shaking his head, "Wala, wala, matulog ka na." ani niya habang nakapikit na. Napabuntong-hininga ako bago ipinatong sa bedside table ang cellphone ko at natulog na.

Nagising ako kinabukasan na nakayapos na sa akin si Chiara habang naka-unan ito sa braso ko. Una kong napansin na wala si Code sa kabilang tabi ng bata. Agad napakunot ang noo ko bago dahan-dahan na bumangon para hindi magising ang bata sa tabi ko. Nang tuluyang makababa ng kama ay napatakbo ako palabas ng kwarto at na-abutan si Code na papalabas ng condo.

"Aalis ka?" Gulat kong tanong, nilingon ako ni Code bago tumango, "Kukuha lang ako ng damit namin ni Chiara." sagot niya at bahagyang nagparte ang labi ko bago utay-utay tumango.

"Babalik ka agad?" tanong ko. Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya bago tumango.

"Yes, babalik din ako. May ipapabili ka?" tanong niya at bahagya akong napakagat sa labi bago sinaraduhan ang pintuan ng kwarto sa likod ko.

"Uhm... may nagtitinda ng pandesal sa katabing building, baka pwedeng... bumili ka para sa almusal natin." Pakisuyo ko at tumango siya.

"Sure, bibili ako. Babalik din ako agad." ani niya at tumango ako bago siya tuluyang lumabas ng unit.

Bumalik ako ng kwarto para maghilamos. Inayos ko rin ang pagkaka-unan ni Chiara para hindi sumakit ang leeg nito bago pumunta ng kusina para magluto ng almusal.

Nagluto ako ng omelette at scrambled egg, nagluto rin ako ng bacon at ng hotdogs. Naghanda na rin ako ng kape namin ni Code at gatas ni Chiara.

Sakto na nakahain na lahat ng pagkain ay nakabalik na si Code. May dala itong isang malaking duffel bag at isang supot na may lamang pandesal. Naamoy ko palang ito ay kumalam na agad ang sikmura ko.

"Gigisingin ko lang si Chiara," ani niya bago naglakad papunta ng kwarto. Naupo na ako sa hapag at hinintay ang mag-ama.

Paglabas nito ng kwarto ay buhat-buhat ni Code si Chaira na nagkukuskos pa ng mata. Agad akong napabungisngis habang pinanood nitong i-upo ang anak sa harap ng mga pagkain.

"We're having pandesal for breakfast, kumakain ka nun, diba?" tanong ni Code sa anak at agad naman tumango si Chiara.

Ipinaghanda na ni Code ang anak ng pagkain habang ako itong kumagat na agad sa isang pandesal. Napalingon ako sa kapeng tinimpla ko, "Ah, Code, ipinagtimpla kita ng kape." ani ko bago bahagyang inilapit sa kaniya ang mug.

Nilingon niya ito, bahagyang napangiti bago tumango, "Salamat, salamat," ani niya bago nagbalik ng tingin sa pandesal na pinapalamanan ng itlog at hotdog para sa anak.

Tahimik lang si Chiara habang kumakain na medyo ikinagulat ko. Siguro dahil na rin sa puyat nito kagabi lalo pa at halos alas dose na nang makatulog ito. Gumapang ang tingin ko kay Code na sumimsim sa kape na tinimpla ko. Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon niya, hindi ko naman alam kung ano ba ang gusto niya sa kape kaya tinimpla ko nalang ito sa paraan na gusto ko.

"Okay lang?" tanong ko rito, nag-angat siya ng tingin sa akin, bahagyang napangisi bago inilapag sa lamesa ang mug.

"I'll be honest," he started, which tensed me up a bit. I straightened my back and swallowed the food in my mouth.

"I'm not really a coffee person," he said, and my lips parted. "I'm more of a... juice or tea in the morning," he said, and my jaw dropped.

Agad akong napatayo mula sa bangko ko, "Sandali, ipagtitimpla kita ng tea—" Natigilan ako nang bigla ako nitong hinawakan sa pulso para pigilang maglakad paalis.

"Grey, it's fine, kumain ka lang. Besides, masarap naman yung kape na tinimpla mo." Pigil niya at muling nagparte ang labi ko.

"Pero sabi mo... hindi ka mahilig sa kape." ani ko at tumango siya.

"Oo nga, pero hindi mo 'ko kailangan ipagtimpla ng gusto ko. Hindi kita alila para pagsilbihin ako." ani niya at doon ay utay-utay akong umupo pabalik ng bangko ko.

Binitawan ni Code ang kamay ko bago muling dinampot ang mug at sumimsim dito. "See, masarap siya, hindi lang ako mahilig pero uubusin ko 'to." ani niya habang may maliit na ngiti sa labi.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti na rin. Dinampot ko ang pandesal sa pinggan ko na may palamang Nutella bago nginuya iyon habang pinipigilan ang sarili ko na ngumisi nang malaki.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Tama naman siya na hindi ko siya kailangan pagsilbihan. Pero... iyon ang gusto kong gawin. Hangga't maaari, gusto ko na... maging komportable silang mag-ama habang nasa tirahan ko.

Pagkatapos kumain ay pinaliguan na ni Code ang anak habang ako itong naglilinis ng pinagkainan namin. Sakto na pagkatapos kong maghugas ay natapos na si Code na paliguan ang anak. Habang binibihisan nito si Chiara sa kwarto ay ako naman ang naligo, at pagkatapos ko ay nakita ko si Chiara na naka-upo sa kama ko habang busy sa iPad niya.

"Chiara, where's your Daddy?" tanong ko rito habang nagpupunas ng buhok.

Nag-angat ito ng tingin mula sa iPad niya, "He's showering po sa outside bathroom." sagot niya at utay-utay akong tumango. Umupo na ako sa harap ng vanity ko at nagtuyo ng buhok bago naglagay ng toner, moisturizer, at sunscreen.

Maya-maya ay pumasok si Code sa kwarto at ang una nitong nilingon ay ako na nasa tabi lang ng pinto.

"Wow, ganda," ani niya at agad nanlaki ang mata ko at ganun din ang sa kaniya.

"Ha—"

"I mean... ang ganda ng... lapat sa mukha mo— nag make-up ka ba?" nauutal niyang tanong at napakunot ang noo ko bago umiling.

"Hindi, lipbalm lang." sagot ko at agad nagparte ang labi niya bago tumango.

Sumenyas ito sa mukhang niya, "Ang... ganda ng mukha mo, para kang may makeup." ani niya at nagparte ang labi ko bago tumang.

"I just applied my skin care, yun lang." sagot ko at agad siyang tumango.

"Ganda, ayos, ayos." ani nito bago nag-iwas ng tignin at naglakad na papunta sa anak niya.

Nagbalik ako ng tingin sa salamin at pinagmasdan ang hitsura ko. Naitikom ko ang bibig ko at mariin na inipit ang mga labi ko. Ilang beses ko pa na pinantay ang sunscreen sa bandang pisnge ko nang ma-alala ang sunscreen na binili ko para kay Code dati.

Nilingon ko ang mag-ama sa kama, "Naglagay ka ba ng sunscreen? Yung binili ko sa'yo dati?" Seryoso kong tanong kay Code.

Nag-angat ito ng tingin sa akin bago agad tumango, "Yes, naglagay ako, tingnan mo pa." ani niya bago ipinakita sa akin ang pisnge niya.

Napatawa ako nang pagak bago umiling at tumayo mula sa kina-uupuan ko. Lumapit ako sa kaniya at idinampi ang kamay ko sa pisnge niya.

"Wow, ha. Hindi ka na maraming maglagay." ani ko na ikinabungisngis niya.

"Si Chiara ba? May sunscreen?" tanong ko bago hinawakan ang pisnge ng bata na busy maglaro sa iPad niya.

Tumango si Code, "Meron 'yan, nilagyan ko kanina." sagot ni Code at tumango lang ako.

Naghanda lang ako ng mga gamit kong dadalhin at ganun din si Code sa mga gamit ng anak niya. Bago pa mag 9 AM ay naka-alis na kami ng condo at nagmaneho papuntang Laguna.

Sakto na tanghalian nang dumating kami sa Laguna. Kumain muna kami sa malapit na restuarant bago nakapasok ng Enchanted Kingdom.

Tuwang-tuwa si Chiara nang makapasok kami sa loob. Halos higitin kami nito sa lahat ng stalls na magugustuhan niya. Ang mga rides naman ay agad din namin nasasakyan lalo pa at Ekspress ticket ang binili namin kaya hindi kami gaanong natatagalan sa pila.

Nakaka-ilang stuffed din si Chiara dahil sa mga games na inipalaro nito sa ama. Nang mapagod si Code sa kakalaro ay ako naman ang pinalaro ni Chiara. Hindi ko nakuha ang main prize dahil hindi ko makita nang maayos ang target pero masaya pa rin naman si Chiara sa stuffed toy na nakuha niya.

Habang naglalakad-lakad kami ay malikot ang mga mata ko. Tinitingnan ko halos ang bawat taong makakasalubong namin at kinikilala sila. Natatakot ako na baka may katrabaho ako o kakilala na makasalubong kami. Worse, ay kung isa kay Louis o Bianca ang makasalubong ko lalo pa at day-off rin ng dalawang yun ngayon. Nagiging maingat lang ako dahil gusto kong umiwas na mahuli nila akong kasama si Code at paghinalaan ng kung anu-ano.

Paminsan-minsan ay sinusubukan ko rin na lumayo sa mag-ama pero pilit akong hinihigit ni Chaira palapit sa kanila. Minsan ay nakakalimutan ko rin na maging maingat sa paligid ko lalo pa kapag nag e-enjoy na kaming tatlo sa rides o sa paglalaro namin.

Nang makasalubong namin ang mascot ng EK ay agad nakatakbo si Chiara papunta sa kaniya. Ibinigay ni Code sa staff ang cellphone niya bago kami nagpapicture sa mascot. Nagulat ako nang mapagtanto na si Code ang katabi ko sa aking kanan habang si Chiara ay nasa kabilang gilid ng mascot at nakayapos pa rito.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong pinagpawisan bigla sa init ng pakiramdam ko nang dumampi ang dibdib ni Code sa balikat ko. Hindi ako halos humihinga habang kinukuhaan kami ng picture. Nang lumayo na si Code sa akin ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Tiningnan ng mag-ama ang pictures habang naka-squat si Code sa sahig para ipakita iyon sa anak. Bahagya akong napangiti sa hitsura nilang mag-ama kaya agad kong kinuha sa bulsa ang cellphone ko bago sila kinuhaan ng picture.

Muntik-muntikan pa akong mahuli ni Code, mabuti nalang at mabilis akong naka-react at nagkunyaring may tinitingnan sa cellphone.

Nang magutom si Chiara ay nag-aya itong magpabili ng ice cream at waffles. Habang kumakain ay nagkukulitan ang mag-ama sa harap ko at nagpapahiran ng ice cream sa mukha. Agad kong kinuha ang wet wipes sa bag ko at inilapag iyon sa lamesa. Nang tumigil sila sa pagkukulitan ay agad kumuha si Code ng wet wipes at pinunasan ang mukha ng anak na may mga pahid ng ice cream.

Napatawa ako bago nagbaba ng tingin sa kinakain ko,

Maya-maya ay nagsalita si Code, "Uy, Grey, may dumi ka sa mukha, akin na, punasan ko." ani niya bago inilapit sa mukha ko ang wipes, napakunot ang noo ko pero inilapit din ang mukha ko.

Hanggang sa naramdaman ko na mas unang dumampi ang daliri niya sa pisnge ko at ang malamig na ice cream, agad napatawa si Code at ganun din si Chiara habang ako naman itong napabuntong-hininga at napapikit ng marin.

Talagang isinali pa ako sa pagkukulitan nilang mag-ama.

Nag ala-ala akong walang pakialam at kukuha ng wipes, pero ang hinliliit ko ay naikuwit ko na ng ice cream at nang nailapit ang kamay sa pisnge ni Code ay agad ko iyong ipinahid sa mukha niya. Agad napasinghap si Code bago ako mabilis na nahawakan sa braso at agad napahiran ng ice cream sa mukha.

"Aba—!" Nagpahiran kami ni Code ng ice cream sa mukha habang si Chiara ay tumitiling tumatawa sa tabi. Nang mabitawan ako ni Code ay agad akong napatayo sa bangko ko at napatakbo palayo, masyadong mabilis si Code at agad akong nahabol.

Naabuutan ako nito at mahigpit na niyapos sa beywang kaya wala akong naging kawala sa kaniya. Kahit anong iwas ng mukha ko ay pilit ako nitong pinapahiran ng ice cream sa mukha, ikinakalat pa niya ito na para bang ginagawa niya itong facial cream.

"Code!" Napasigaw ako bago siya sapilitan na itinalak palayo.

Napaluhod ito sa sahig habang humahalaklak ng tawa, agad akong lumapit sa lamesa namin at sinalamin ang mukha ko gamit ang cellphone ko.

Shit, ang lagkit ko!

Mabuti nalang at may malapit na gripo sa amin, hindi na kinaya ng wipes ang ice cream sa mukha ko kaya kailangan ko na iyong hilamusan. Basang-basa tuloy ang mukha ko at ganun din ang ilang hibla ng buhok sa noo ko nang bumalik sa table namin. Si Code ay malinis na ang mukha ganun na rin ang anak niya.

"Masaya ka na?" Mataray kong turan kay Code na ikinahagikhik niya.

"Grabe ka naman, parang hindi ka nag-enjoy kanina." ani niya habang inuubos ang waffle niya. Napabuntong-hininga ako bago umirap at dinampot ang bote ng tubig na binili ko at uminom doon.

Pagkatapos namin kumain ay nilinis namin ang lamesa bago sumakay ng iba pang rides. Pilit kaming inaaya ni Chiara sa mga extreme rides. Ang ama niya ang ayaw sumakay dito dahil sa takot. Pinapayagan naman ni Code na ako nalang ang sumama kay Chiara pero ayaw ko rin sumakay doon kung hindi kasama si Code.

Sa huli ay mga less extreme rides nalang ang sinakyan namin. Pero exciting pa rin sa puntong maski kami ni Code ay napapasigaw. Nahihiya na ako sa aming dalawa ni Code. Ang tatanda na namin at ang lalaking tao pa pero nakikipagpalakasan kami ng sigaw sa mga kabataan na nakasabay namin sa rides.

Parehas kaming nahilo ni Code nang bumaba ng rides, agad akong napakapit sa pader na malapit sa akin habang si Code ay napaluhod sa sahig habang hawak-hawak ang anak sa kamay na parang wala lang kay Chiara ang ride at diretsong nakatayo habang ang ama niya ay mamatay-matay na.

"Nasusuka ako," ani nito sa garalgal na boses bago dumuwal. Natatawa akong nagpunas ng pawis ko.

Hindi na muna kami sumakay ng rides at pumasok nalang sa isang souvenir store. Natatawa ako tuwing magpapabili si Chiara ng kung anu-ano sa ama na mukhang hindi rin naman ma-hindi-an ni Code.

Pagkatapos namin mamili ay napadaan kami sa isang photobooth at hindi tinigilan ni Chiara si Code hangga't hindi kami nakapasok. Agad nag-avail si Code kaya naman naka-pwesto agad si Chiara sa tapat ng camera.

Nilingon ako ni Code na nakatayo sa may tabi ng photographer, "Sumama ka," Aya niya.

Nahihiya akong ngumiti bago umiling, "Huwag na, moment niyo 'yang mag-ama." ani ko at napakunot ang noo ni Code.

"Parang ama ka na rin naman ni Chiara." ani niya bago ako hinawakan sa pulso.

Bahagyang nanlaki ang mata ko, "Ha?" Naguguluhan kong turan, hindi na ako sinagot ni Code at hinigit na papunta sa harap ng camera para samahan ang anak niya.

Nahihiya akong tumabi sa kabila ni Chiara, may suot na silang mga headband at sunglases kaya dumampot ako ng pekeng bigote at isinuot iyon ganun na rin ang isang cowboy hat. Nang sa kasunod na picture ay bilis-bilis kaming nagpalit ng mga costume at ako naman nag nasuot ng wizard hard at bigote na mahaba. Habang si Chiara ang nakasuot ng princess crown at may hawak pa na wand — hindi ko na napansin ang suot ni Code.

Sa pangatlong picture ay wala na akong maisuot kaya dinampot ko nalang ang malaking salamin, kulot na wig at isa pang bigote.

Nasa pang-apat at panghuli na kaming picture nang magkagulo kami ni Code sa costume, nagulat ako nang bigla nitong isuot sa akin ang pulang kapa, korona na panghari, natameme lang ako habang itinatali nito sa leeg ko ang kapa. Napansin ko na ganun din ang suot niya pero kulay violet naman ang kapa niya at iba ang hitsura ng korona.

"Daddy, Doc Grey, kiss niyo 'ko sa cheeks! Dali!!" Tili ni Chiara, natauhan ako bigla at napatingin kay Chiara, nagsimula nang magbilang ang photographer habang ako itong parang estatwa sa tabi ni Chiara.

Nagulat ako nang bigla akong higitin ni Code sa kamay at inilapit sa anak niya, limang segundo nalang ang natitira ay nang lingunin ko si Code ay nakalapat na ang labi nito sa pisnge ng anak. Ginaya ko nalang ito at inilapat ang gilid lang ng labi ko sa pisnge ni Chiara bago tumingin sa camera.

Tuwang-tuwa si Chiara nang makita ang photostrips nang lumabas kami ng photobooth. Pinagmamasdasn nito ang dalawang strips ng picture at nagtatalon pa.

"Doc Grey, this is for you po." Ini-abot niya sa akin ang isa, agad gumuhit ang ngiti sa labi ko bago iyon tinanggap.

"Thank you, Chiara. Did you have fun today?" tanong ko rito at agad naman tumango ang bata.

"Super po! Thank you po for bringing me here today!" Nakangiti niyang turan.

Lumabas na kami ng gates at naglalakad na papunta ng parking. Magkatabi lang ang sasakyan namin ni Code kaya hanggang sa pagsara ng pintuan sa likod ay kumakaway at nagpapa-alam ito sa akin.

Napangiti ako, isasara ko na sana ang pinto nang hawakan iyon ni Code, "Masaya ka ba?" tanong niya sa akin.

Napawi ang ngiti sa labi ko nang makita kung gaano ka-seryso ang mukha niya. "Masaya ka bang itago kami ng anak ko?"

—------

a/n: ooof... this calls for another... erm... drama HAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co