Chapter 44
Code's POV
I saw how his expression dropped. How the smile on his lips fell, and how his eyes slowly grew wide.
His lips parted, "H-Ha?" he asked, confused. Or maybe he's not? Maybe he's not really confused, and he actually knows what I'm talking about. Maybe he's just acting as if he doesn't know what I'm saying.
I scoffed, placed my hand inside my pocket to look away. I took a deep breath, one that could calm me down.
I looked back at him, and he looked at me with his confused eyes. But I could also see the hint of guilt on his face, which just proves that I'm right.
I look at him straight into his eyes, "Kaya gusto mo na outside Manila tayo lumabas, diba? Kasi itinatago mo kami ng anak ko. Ayaw mo na may makakakita sa ating iba, tama ba?" Pinigilan ko ang sarili ko na magalit. Subalit alam ko na bakas na ito sa mukha ko at may halo pang pagkadismaya.
He blinked his eyes for few times, his lips opened, then closed again as if he wanted to say something. But he can't even defend himself, because it's true, ikinakahiya niya kami.
"Alam kong wala kaming papel ng anak ko sa buhay mo. Alam kong..." suminghal ako, "Alam kong abala lang kami sa'yo, pero... sana sinabi mo nalang sa akin na ikinakahiya mo kami para hindi na namin ipagsiksikan ang sarili namin sa'yo." Umigting ang panga ko. Nakita ko na mas gumuhit ang gulat sa mukha niya.
Bago pa man ako makapagbitaw ng kung ano pa man ay tinalikuran ko na siya. Tinawag niya ako ng isang beses subalit hindi ko siya nilingon at patuloy na naglakad papunta ng driver's seat.
Nang pumasok ako ng sasakyan ay tinanong pa ako ni Chiara kung ano ang pinag-usapan namin ni Grey pero hindi ko na siya sinagot. Nang buhayin ko ang makina ng sasakyan ay humigpit ang kapit ko sa manibela. Ilang buntong-hininga ang binunot ko sa kaloob-looban ko para pakalmahin ang sarili ko. Nang lumingon ako sa gawi ng bintana sa passenger seat ay nakita ko doon si Grey na nakatayo pa rin, nakatingin siya sa gawi ko pero hindi ko alam kung nakikita ba niya ako.
I can see the pure guilt on his face, which made me scoff. I was fucking right. I'm right about him hiding us from the public and the possibility of bumping into someone he knows. I'm right about him being ashamed of us. Tangina, ikinahiya pa kami.
Bago pa man dumating ang minuto na hindi ako makapagpigil at lumabas ng sasakyan para makipag-argumento sa kaniya ay pinatakbo ko na ang sasakyan at umalis.
Pakiramdam ko'y mangiyak-ngiyak ako habang nagmamaneho.
Saan ba nanggagaling ang galit ko? Saan nanggagaling ang nararamdaman kong ito? Bakit ako nagkakaganito?
Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Simula nang mapansin ko siya kanina na malikot ang mga mata at paligoy-ligoy ng tingin, nakikita ko kung paano siya lumayo sa aming dalawa at kung paano siya halos itago ang mukha niya sa likod ng kamay niya.
Kitang-kita ko kung gaano niya ka-ayaw na makasama kami. Kung gaano niya kami... ikinakahiya.
Hindi ko ito binanggit sa kaniya lalo pa at alam kong masaya ang anak ko. Ayaw ko namang sirain ang araw ni Chiara at mag-away pa sa harap ng bata. Tiniis ko ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman para sa ikasasaya ng anak ko.
Napasinghal ako, gusto kong magmura, kaso nasa likod ko lang si Chiara at kahit tulog ito ay natatakot ako na baka marinig niya ako.
Nang makarating kami ng bahay ay agad kong ipina-asikaso sa mga kasambahay si Chiara para paliguan at bihisan ng pantulog. Ganun din ang ginawa ko sa kwarto, naligo ako ng malamig na tubig at tumagal din ng ilang minuto sa banyo habang hinahayaan na umagos sa katawan ko ang tubig.
Nang masiyahan ay lumabas na ako at nagsuot ng ternong pajama bago nag-check ng email sa trabaho. Nang tawagin ako ng kasambahay para maghapunan ay isinara ko na ang laptop ko at bumaba ng bahay.
Mukhang napagod si Chiara sa pamamasyal namin dahil tahimik lang itong kumakain at halos pumikit na ang mga mata. Habang kumakain ay nag-vibrate ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa ko. Pa-simple ko itong tiningan para hindi ako mahalata ni Chiara. Akala ko pa noong una ay importante ito, pero nang makita ko ang pangalan ni Grey sa notification ay napasinghal ako bago ibinalik sa bulsa nag cellphone ko.
Hanggan sa paghiga ko sa kama ay nagme-message sa akin si Grey.
"Kulit," bulong ko nang mainis na sa notification niya. Ini-archive ko ang messages niya at pinatay na ang cellphone ko bago natulog.
Hanggang kinabukasan ay nag me-message sa akin si Grey. Hindi ko iyon binubuksan para tingnan manlang dahil ayaw kong basahin ang paliwanag o pagpapalusot niya. Ano nanaman kayang idadahilan niya? Ano nanaman kaya ang sasabihin niya? Itatanggi ba niya yung mga sinabi ko? O gagawin niya lang akong tanga at kung anu-ano ang sasabihin?
Inilagay ko sa silent mode ang cellphone ko nang um-attend ako ng isang meeting. Pero paminsan-minsan ay binubuksan ko ito para tingnan kung may message ba na bago si Grey.
Gusto ko lang makita kung hanggang saan ang pasensya niya.
Pagsapit ng alas quatro ng hapon ay natapos na ang meeting ko na tumagal ng dalawnag oras. Nag-stay muna ako sa opisina ko para mag-asikaso ng mga papers at kontrata na kailangan i-review at mga emails na kailangan kong reply-an. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay dali-dali akong umalis ng opisina para sunduin ang anak ko sa school. Pagkahatid ko sa kaniya sa bahay para sa tutoring niya ay dumiretso na ako sa bahay ni Lukas para magkwento.
"Ang swerte mo naman, talagang na-abutan mo pa ako rito, ha?" ani niya nang maupo sa harap ko sa may swimming pool ng bahay niya.
Napatawa ako nang pagak habang pinapanood ang kasambahay niya na maghain ng pagkain sa lamesa.
"May kwento ako," ani ko habang nakasandal sa bangko, pinagmamasdan ang pagkain sa harap ko at bahagyang ipinapatok ang daliri sa hand rest ng bangko.
Napatawa nang pagak si Lukas, "Ano nanaman yun? Si Grey nanaman? Problema ba 'yan o... mga labing-labing niyo?" Tumaas-taas ang kilay nito at nakuha pa talaga na mang-asar sa kabila ng seryosong ekspresyon sa mukha ko.
Napabuntong-hininga ako bago napatawa nang pagak, "Problema, pre, masakit." ani ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakita kong kumunot ang noo nito bago bahagyang ngumuso.
"Masakit? Bakit?" tanong niya at napabuntong hininga ako, "Magkasama kami kahapon sa Laguna, Enchanted Kingdom. Akala ko noong una... masaya siya na kasama kami. Kaso... noong naglilibot na kami sa EK, napansin ko na... paligoy-ligoy siya ng tingin." ani ko at mas lalong kumunot ang noo ni Lukas.
"Sa unang tingin, akala mo may hinahanap. Pero nung inusisa ko ang ekspresyon niya, napagtanto ko na... para siyang may iniiwasan. Tapos... naisip ko... 'ah, punyeta, natatakot siya na may makakita sa amin'. Ikinakahiya niya kaming mag-ama, pare." Dagdag ko pa bago dinampot ang baso na may lamang juice sa lamesa bago muling sumandal sa bangko.
Nang lingunin ko si Lukas ay kunot-noo itong nakatingin sa akin, nakangiwi ang labi at hindi halos maipinta ang mukha.
"Hindi ba... masyado kang... nag o-overthink?" ani niya at napakunot ang noo ko. "Hindi ako nag o-overthink, pare. Kilala ko si Grey. Kilala ko ang galaw ng kilay, ng mga mata, at ng labi niya. Nababasa ko siya, ganun ko siya kakilala—"
"Noong college, oo, kilalang-kilala mo siya. Halos isang dekada na ang nakalipas, Code. Nagbago na si Grey. Hindi na siya ang dating Grey na kilala mo." Putol nito sa akin,
Napasaltik ito ng dila, "Kahit ako na ilang beses din na nakasama si Grey pagkatapos grumaduate, hindi ko na rin gamay ang ugali niya." Dagdag pa niya.
Napabuntong-hininga ako bago napasapo sa noo gamit ang kamay ko na walang hawak.
Umiling ako habang nakatingala sa langit, "Hindi talaga, Lux. Alam ko yung hitsura sa mukha niya, alam ko yung hitsura niya na yun, yung ekspresyon niya, hindi ako pwedeng magkamali, nahihiya siya na kasama niya kami." ani ko at narinig kong bumuntong-hininga si Lukas na nilingon ko.
Dumampot ito ng pretzel na nasa board, "Naghahanap ka ng sarili mong problema, Code." ani niya at napatawa ako nang pagak bago muling umiling.
"Tapos ngayon, nangungulit siya sa messages." ani ko at napakunot ang noo ni Lukas.
"Oh? Anong sabi?" Naging interesado siya bigla. Umalis ito sa pagkakasandal sa bangko at bahagyang lumapit sa akin.
Humagikhik ako bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng blazer ko at inilapag iyon sa lamesa,
"Hindi ko alam, hindi ko pinapansin, masama nag loob ko." ani ko at napangiwi si Lukas bago dinampot ang cellphone ko sa lamesa.
Pumindot-pindot ito sa screen, maya-maya ay nanlaki ang mata nito, "Gago, Code! Si Grey!!" Taranta nitong turan, nanlaki ang mata ko, lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang makita kung gaano kataranta ang mukha ni Lukas. Bago pa man ako makapag-isip nang maayos ay agad akong nakatayo sa tabi ni Lukas at sinilip ang cellphone ko.
"Yieee, joke lang, hindi ko alam password mo, gago!!" Inihampas ito ni Lukas sa dibdib ko.
Umigting ang panga ko, sinamaan ko ito ng tingin bago kinagat ang loob ng pisnge ko. "Bwisit ka!" Marahas kong binawi sa kaniya ang cellphone ko bago nag-marstsa pabalik ng bangko ko.
Humagalpak ng tawa si Lukas, yung tipong nakatingala na ito sa langit habang sapo-sapo ang tiyan niya.
"Bakit hindi mo kasi tingnan?! Basahin mo! Nag-aalala ka rin naman! Paano kung importante nga yung messages ni Grey? Edi nagsisisi ka sa huli?" Pang ga-gaslight nito sa akin. Naglayo ako ng tingin sa kaniya, gustong-gusto ko talagang umirap kagaya ng ginagawa ni Grey pero hindi ko kaya.
Dinampot ko ang baso ko sa lamesa bago inubos ang natitirang juice dito, "Alam mo, salamat nalang, wala talaga akong makuha sa'yo na matino." ani ko bago tumayo mula sa bangko.
Agad naman akong tiningala ni Lukas, "Oh? Aalis ka na?" Taka nitong turan,
Bumuntong-hininga ako, "Wala naman akong makuha na matino sayong advice. Tinatarantado mo lang ako." ani ko at muli itong humagikhik.
"Eh, gago ka kasi! Basahin mo na yung messages! Malay mo mali ka! Akala mo naman kasi lagi kang tama." Suminghal ito bago pinag-cross ang mga braso niya.
Napabuntong-hininga ako bago muling naupo sa bangko, "I'm upset, okay?! I'm upset that's why I'm being like this. Masama bang ma-dismaya sa nangyari kahapon?" turan ko at bumuntong-hininga si Lukas bago ako tiningnan nang diretso sa mata.
"Hindi ko naman sinabi yun. That's your feelings, bro. Of course, it's valid. What I'm trying to say is, you know to yourself you still care for Grey. And we both know that if something bad happens to Grey, you'll regret it in the end. Ang akin lang, gawin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo at hindi ng pride mo," he seriously explained. I sighed, leaning on my hand as my elbow rested on the armrest of the chair.
I looked on the other side. Damn, he's right. If those messages from Grey are important or if he was asking for help and I didn't bother reading them, I'll regret it for my whole life. But I know he's fine, I know he's doing well, right?
I didn't stay much longer at Lux's place. After eating a few biscuits and him giving me some advice as if he's some kind of lovelife pro, I left his place.
While driving, I took a glance at my watch and realized that Chiara's tutoring session was probably still going on. I decided to take a turn and drive to Binondo. I slowed down as I was driving past Grey's workplace. I was driving slowly to see if he was around somewhere outside, or if I would see him. I just want to make sure he's safe and working.
As I was about to reach the end of the hospital, I saw Grey inside the Emergency Room, and my heartbeat immediately started pounding.
I'm glad he made it to work safely today. I was worried Lukas might be right and something bad might happen to him.
I went home after having the slightest glance at him. The fear and worry in me vanished the moment I confirmed he's fine and doing well. When I got home, I was just on time, and Chiara's tutor had just left. We had dinner while she told me how her day went. I can really tell she's having fun at school. I just hope she's not having any trouble.
"Daddy, have you booked our trip to China na po?" she suddenly asked while I was tucking her to bed.
I forced a smile, "Not yet, sweetie, but I will work on it tomorrow, okay?" I said softly before kissing her forehead. I bid her goodnight before leaving her bedroom.
"Maze? Can you book me a flight to China this... uhm... maybe around December 21?" Paki-usap ko kay Maze habang may inaasikaso akong trabaho sa laptop ko.
"Sure sir, ilang ticket po?" tanong niya at bigla akong natigilan. Nag-angat ako ng tingin mula sa laptop ko at nilingon si Maze.
Shit, si Grey pa nga pala. Gusto siyang kasama ni Chiara, pero gusto niya kaya kaming makasama?
Nagparte ang labi ko, "Uhm, huwag na muna pala. Ako nalang ang mag bo-book ng flight namin." sagot ko kay Maze bago nagbalik ng tingin sa laptop ko.
Buong araw akong binabagabag ng bakasyon namin sa China. Gusto ko na sanang makapag-book ng flight habang maaga pa pero hindi ko rin naman magawa lalo pa at iniisip ko si Grey. Siguradong ma-di-dismaya si Chiara kapag nalaman niya na hindi namin makakasama Grey lalo pa at nagka-usap na silang dalawa. Wala rin naman alam ang anak ko na may hindi kami pagkakaintindihan ngayon ni Grey kaya magtataka ito kung bakit hindi namin makakasama si Grey sa pasko at bagong taon.
Kagaya ng kahapon ay dumaan ako sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Grey. Pero hindi gaya ng kahapon na napanatag ako, ngayon ay mas kumulo lang ang dugo ko nang makita na magkasama sila ni Louis sa labas ng ospital, naglalakad at nagtatawanan na para bang mga kabataan na walang pake sa paligid nila.
Pero noong kami ni Chiara ang kasama, halos ilang metro ang layo sa amin?
Napasinghal ako bago nagmaneho paalis. Pagkauwi ng bahay at pagkatapos ng hapunan ay nagpakalunod ako sa trabaho. Kahit ang mga bagay na matagal ko pa naman kailangan matapos ay sinimulan ko na at muntik-muntikan pa na matapos ang iba doon.
Lumipas ang mga araw at mas papalapit na nang papalapit ang pasko. Nakapag-Christmas party na rin si Chiara sa school nila at nagawa ko pa na um-attend dahil required na kasama ang mga magulang doon. Ilang beses akong may nahuling mga nakatingin sa aming dalawa ng anak ko. May ilang magulang din na mukhang natutuwa kay Chiara at tinanong pa ako kung nasaan ang nanay nito. Hindi ko sila magawang masagot at nginingitian nalang.
Two weeks away from Christmas and I still haven't booked our trip. Alam kong malapit na kaming maubusan ng plane tickets kung patatagalin ko pa. Pero hindi ko magawang pilitin ang sarili ko na mag-message kay Grey. Hindi na galit ang nararamdaman ko ngayon kundi hiya na. Nahihiya akong mag-message sa kaniya lalo pa at ilang message niya ang hindi ko binabasa. Nakakahiya kung bigla akong magpaparamdaman sa kaniya matapos hindi pansinin ang mga message niya sa akin.
Maaga akong pumunta ngayong araw sa grocery para mamili ng mga ipamimigay ko sa mga kasambahay ko. Isinama ko rin si Kuya Top sa grocery para katulong sa paglalagay sa sasakyan ng mga pinamili.
Nagtatawanan kami ni Kuya Top habang namimili. Wala rin naman akong budget sa pamimili para sa mga kasambahay at mga boy sa bahay kaya kahit ano nalang ng makita ko ay inilalagay ko sa cart. Si Kuya Top ay pinipigilan pa ako na bumili ng kung anu-ano pero para akong bata na lagay lang nang lagay sa cart namin.
Umaapaw na tatlong cart ang dala namin sa counter at halos walolng kahon ang dala namin nang lumabas ng grocery. Ilang staff ng store ang tumulong sa amin sa pagbubuhat at pagsasakay ng mga kahon sa sasakyan. Naunang pumasok si Kuya Top sa loob ng sasakyan lalo pa at nagsimula nang pumatak ang ulan. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya bago pa man ako pumasok ng kotse ay tiningnan ko muna ito.
Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Grey sa screen. Ilang segundo ko itong pinagmasdan, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang ulan at pumatak ang mga ito sa screen ng cellphone ko.
"Code," Nag-angat ako ng tingin, nakita ko si Grey na nakatayo ilang metro ang layo sa akin, hawak-hawak nito ang cellphone sa may tenga niya habang ang buhok nito ay nagsimulang mabasa dahil sa ulan.
Ibinaba nito ang tawag, sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay mas lumalakas ang kalabog ng dibidb ko. Para akong nakakita ng multo.
Pero tangina, may ganito palang kagandang multo?
He stopped in front of me, our bodies a few inches apart.
I couldn't explain how I'm feeling right now. I couldn't explain how happy yet surprised I am.
Sino ba ang niloloko ko noong mga araw na galit ako sa kaniya? Paano ako magagalit sa lalaking 'to? Kung ang bawat araw na hindi ko siya nakikita o nakaka-usap manlang ay para akong pinaparusahan.
Nanuyo ang lalamunan ko sa kabila ng ulang pumapatak sa mukha ko, diretso ko siyang tininingnan sa mga mata niyang mamasa ng hindi ko alam na dahilan? Sa ulan ba? O umiiyak ba siya?
Walang nagsalita sa amin sa ilang minuto na nagtititigan kami. Tanging ang malakas lang na ulan ang naririnig ko at ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
His lips parted, "I'm... sorry," he gave me a faint smile. Before I knew it, he was already crying in front of me. His eyes turned red in no time before he lowered his head.
I could finally hear something else aside from the rain and the beating of my heart, but it was his soft cries that just kept on echoing in my head.
My heart sank the moment he broke down in front of me. My eyes grew wide as he slowly dropped to his knees. I froze in my spot as he knelt in front of me. And in no time, watching him break down in front of me made my eyes watery until I started crying with him.
Almost a week, a week of not seeing him. A week of us not seeing each other, and this is how we both look the moment our eyes met.
I slowly dropped to my knees. I didn't care that my pants would be soaking wet the moment I dropped to the ground.
With shaky hands, I reached for his shoulder, he lifted his head, and that's when I saw how red his eyes and nose were.
"I'm sorry, I'm really sorry," his voice cracked.
I don't know what he's sorry about. But I could hear and feel the sincerity in his voice.
He slowly shake his head, "H-Hindi ko kayo ikinakahiya, it's just..." he hiccuped. That's when I know he's talking about the incident a week ago.
"I tried contacting you, I messaged you almost a hundred times, pero hindi ka sumasagot. Naiintindihan ko na galit ka sa akin. But I really want to... make it up to you, I really do. I feel bad for acting that way. Gusto kong magpaliwanag sa'yo. Gusto kong... magkaintindihan tayo. Because Code, I—" we both jolted up when my car honked at us.
Shit, Kuya Top is inside the car. Baka makita niya kami, or worse, baka makilala niya si Grey at gawin niya ang ginawa niya dati.
I swallowed the lump in my throat. I reached for Grey's shoulder, both my hands gripping his wide shoulder blades. I sniffled, looked at him straight in the eyes, and said, "Umalis ka na."
I saw how his eyes widened in shock, his lips parted, and how it quivered, "Code, let me explain—" I let go of his shoulders and stood up, where he immediately chased me with his eyes.
"I said umalis ka na. Aalis na ako." With a heavy heart, I turn my back on him. I was about to take a step towards the car when he suddenly hugged me from behind, burying his face on my nape as he sobbed behind my ears.
"Please, Code, please, listen to me, just a few minutes, please. Ayaw ko na ng ganito, ang hirap, nahihirapan ako." he cried, I could feel his hot tears streamed down my nape. A new batch of tears started building up in my eyes, and just within a few seconds, I couldn't hold them back.
He was having a hard time, too. Shit, he's hurt because of me. It's all my fault. Nasaktan ko nanaman siya.
I looked towards my car, from the side mirror, and I saw Kuya Top looking at me.
Shit.
Even though it was against my will, I pushed Grey away from me. He almost lost his balance and almost fell on the ground.
I faced him, tears streaming down my cheeks. "Umalis ka na," pumiyok ang boses ko.
"Umalis ka na, please." Pagmamaka-awa ko sa kaniya.
Agad siyang umiling, kahit umiiyak ay pilit siyang lumapit sa akin. Parehas na kaming basang-basa sa ulan. Ang buhok niya ay basa na sa puntong tumutulo na ang ulan mula sa mga hibla nito. Ang salamin niya ay natatakluban na rin ng ulan subalit nakikita ko pa rin kung kapula ang mga mata niya.
Hinawakan ako nito sa magkabilang kamay, "Makinig ka lang, please, magpapaliwanag lang ako. Ayaw ko na ng ganito. Please, listen to me, Code." he begged and I slowly shook my head.
I'm tired of pushing him away. I'm sick of this. I can't do this anymore.
I held his cheek, my other hand pushing his glasses up to his head, pushing his bangs upwards.
I wiped the tear under his eye using my thumb. I sniffled, "Magkita tayo sa condo mo, pupunta ako doon. Uuwi lang ako tapos pupuntahan na kita. Mag-uusap tayo, okay?" Malumanay kong turan. Kahit gaano kabigat ang pakiramdam ko ngayon, kailangan kong kumalma.
Tumango siya, sinapo nito ang kamay ko na nasa pisnge niya at mas idiniin ito, "Hihintayin kita," ani niya at tumango ako.
Hinalikan ko ang hinlalaki ko bago iyon inilapat sa labi niya. Nang paalis na ako ay halos hindi niya bitawan ang kamay ko. Kahit masakit ay naglakad ako papasok ng sasakyan. Hindi ako tinanong ni Kuya Top buong biyahe pauwi. Hindi ko ininda ang lamig ng aircon na tumatama sa akin. Hindi ko na rin inalala ang bangko ng sasakyan ko na nabasa dahil nagtutulo ako.
Sa segundong makarating kami ng bahay ay agad akong bumaba ng Alphard na sinasakyan namin bago pumasok ng Land Cruiser ko. Ilang beses kong narinig na tinawag ako ni Kuya Top pero hindi ko siya nilingon. Pinaharurot ko ang sasakyan palabas ng gate at hindi inalintana ang lakas ng ulan.
Halos 20 minutes lang ay nakarating na ako sa tapat ng condominium building ni Grey. Bago lumabas ng sasakyan ay nag-message na ako sa kaniya na nasa baba na ako. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob.
Ilang minuto lang akong naghintay doon, nang marinig na tumunog ang elevator ay agad ko iyong nilingon. Nang iluwa nito si Grey na suot pa rin ang basang-basa niyang puting t-shirt ay lumakas ang kalabog ng dibdib ko.
Agad akong napatakbo papunta sa kaniya at ganun din siya, at sa isang iglap ay agad naming nabalot ang mga braso namin sa isa't-isa.
Humagulgol si Grey, habang ako naman ay tahimik na umiyak habang mahigpit siyang niyakap.
"I'm sorry, I'm really sorry," he chanted behind my ears. I shushed him, brushing his hair using my fingers while shaking my head.
"Sshh~ it's fine, I'm sorry too. I'm sorry for ignoring you and for not reading your messages. I didn't know you were hurting too." I said as tears rushed down my cheeks, my throat felt like it was closing up, and I was running out of breath.
The whole time, I was feeling cold from being drenched in rainwater. But the moment our bodies crashed against each other, that's when I felt the warmth I've been longing for, not for days, not for weeks, nor months, but years. I've been yearning for this warmth for almost a decade. It was the same warmth I'm familiar with. The warmth he gave me years ago, which I failed to protect and cherish.
His arms that are wrapped around my neck loosened, he slowly pulled away from the hug before wiping his tears, "Let's talk? Sa condo?" Pag-aaya niya, agad naman akong tumango bago napakagat sa labi ko.
Tahimik kami habang nasa loob ng elevator lalo pa at may dalawa kaming babae na kasabay. Ilang beses kaming nagnanakawan ng tingin ni Grey hanggang sa parehas kaming napapabungisngis. Nakatingin ako sa sahig at tinatapik ang sapatos sa sahig nang maramdaman ang mainit na kamay ni Grey na utay-utay lumalapit sa kamay ko.
Agad akong nag-angat ng tingin at nilingon siya. May nakaguhit na maliit na ngiti sa labi niya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin na agad kong hinabol ng tingin. Utay-utay niyang inilapat ang kamay niya sa palad ko bago tuluyang pinagkabit ang mga kamay namin.
I felt like I was being electrified. The moment our palms pressed against each other, I couldn't help but feel hot inside. I couldn't control the smile that grew on my lips. I tried to suppress it by biting down my lips, but when Grey took a step closer to me and our arms bumped against each other, I couldn't help but release the smile threatening to grow on my lips.
Naunang lumabas ang dalawang babae, pero sa kasunod lang din na floor ay muling bumukas ang pinto at lumabas na kami ni Grey.
Hindi kagaya kanina ay mas kalmado na kami ni Grey na naglalakad papunta ng unit niya. Isinasayaw pa namin ang mga kamay namin na magkahawak at iniindayog iyon sa hangin.
Nang pumasok kami ng unit niya ay nilingon ako nito, namumugto pa rin ang mga mata niya subalit may malawak na ngiting nakaguhit sa labi niya.
Sa tingin palang niya ay kumalma na ako at kung may anong pakiramdam sa loob ko na parang ang ginha-ginhawa na ng nararamdaman ko.
Binitawan nito ang kamay ko na agad kong ikinataranta at agad siyang nilingon.
Ngumisi ito, "Maupo ka lang diyan, ikukuha lang kita ng tubig." ani niya at nagparte ang labi ko bago utay-utay tumango.
Pinanood ko siyang pumunta ng kusina at kumuha ng tubig. Nilingon pa niya ako at nagtagpo ang mga mata namin ay agad gumuhit ang ngisi sa labi niya bago naglakad palapit sa akin dala-dala ang baso.
Naupo ito sa tabi ko, bumuntong hininga bago ipinatong ang palad niya sa tuhod.
He looked at me straight in the eyes, there's still a hint of sadness in his eyes, but unlike a while ago, his face looks a little more relaxed.
"Bakit hindi mo binabasa mga messages ko?" Pauna niyang tanong. Agad namilog ang mata ko at nagbaba ng tingin sa kamay ko.
"Uhm... kasi... nagtatampo ako sa'yo." Pag-amin ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Akala mo ba na... nagtatago ako kasi ikinakahiya ko kayo?" tanong niya at utay-utay akong tumango bago nag-angat ng tingin sa kaniya.
Ngumiti ito, pero ngiti na hindi masaya, "Hindi ka nagkakamali." ani niya at doon ay bumagsak ang magkabilang balikat ko.
"H-Ha?" Nanginig ang boses ko.
"Oo, nag... nagtatago ako noong nasa Laguna tayo. Iniiwasan ko na may makakita sa atin lalo na sila Bianca at Louis." Dagdag niya at pakiramdam ko'y bumagsak ang sikmura ko.
Sinubukan kong hindi pangunahan ng emosyon. Nanatili akong naka-upo doon habang nakatingin sa mga mata niya at hinihintay ang mga kasunod niyang sasabihin.
Kinagat nito ang pang-ibaba niyang labi bago inabot ang magkabilang kamay ko at hinimas-himas iyon gamit ang hinlalaki niya.
Ngumiti siya, "Pero hindi ko kayo ikinakahiya, Code. Natatakot lang ako na baka... may makakita sa atin. Ang sabi ko kasi kila Louis at Bianca ay iiwasan na kita. Natatakot lang ako na baka... makita nila tayo at kwestyunin nila ako." Ang kaninang ngiti sa labi niya ay utay-utay napawi.
"Pero kung... kung kaya ko, ipagmamalaki ko kayong dalawa. Sabi mo nga, para na akong ama ni Chiara." Kuminang muli ang mga mata niya, at agad-agad ay namuo ang mga luha rito.
Huminga siya nang malalim, "Code, sana nga, sana nga ama nalang din ako ni Chiara. Sana nga... anak natin siya. Sana nabuo natin ang pamilya na plinano natin dati." Nag-unahang tumulo ang mga luha sa pisnge niya.
Para akong kinapos ng hininga sa pang-ilang pagkakataon. Nanikip ang lalamunan ko at agad namuo ang mga luha sa mata ko nang makita ang pagtangis niya sa harap ko.
"Ilang beses kong hiniling na sana... sana hindi tayo naghiwalay. Na sana... natupad natin ang mga plano natin. Hiniling ko na sana... hindi mo 'ko ginamit at niloko." Humikbi siya, lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang muli siyang humagulgol. Agad kong binawi ang mga kamay ko sa kaniya at mabilsi siyang siniil ng yakap.
Mas lumakas ang hagulgol niya, ang mga luha sa mata ko ay mas dumami at animo'y baha na rumagasa sa pisnge ko.
"Hindi ko kayo ikinakahiya, Code. Natatakot lang ako. May mga... kinatatakutan lang akong bagay. I'm sorry if... I made you feel like I am ashamed of you," he apologized, tears won't stop streaming down his face, as I felt my shoulder start getting wet. I wiped the tear that streamed down my cheek as I cried on his shoulder.
He pulled away from the hug, which shocked me for a bit, for the sudden absence of warmth.
He gave me a faint smile while his eyes shone from the tears. I felt like my heart broke into pieces as I saw how red his nose was.
I sniffled, "I'm sorry, too. I'm sorry for ignoring your messages on purpose. I didn't know you were hurting too. Pinangunahan lang ako ng pride at emosyon ko. Nagsisisi ako na ginawa ko yun. Kasi sa isang linggo kitang hindi pinapansin, binabagabag ako ng kunsensya ko at... araw-araw kang laman ng puso't-isip ko." Napahikbi ako bago napatungo at humagulgol.
Naramdaman ko ang maiinit na palad ni Grey sa pisnge ko at ini-angat ang mukha ko. Pinahid nito ang luha sa pisnge ko gamit ang hinlalaki niya.
"Can we... can we start all over?" he asked. I felt like my heart skipped a beat.
I stared straight into his eyes with my eyes wide open.
He smiled, he leaned forward for a peck on the lips, which I was too shocked to register that he just kissed me.
He chuckled, flashed me a smile that just melts my heart. "Or maybe... we can continue wherever we stopped before? Hmm? Is it too much to ask... if we could just... continue what used to be us?"
—---------
a/n: ito na guys HAHAHAHAH may chapter 45 pa!! Pupunta pa sila ng China!!! anyways, follow me on tiktok @dominous_wp ksksksj and add me on Facebook @Dominous WP heheheh
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co