Chapter 51
Code's POV
"Are you ready na, anak?" Nag-angat ako ng tingin mula sa cellphone ko at nilingon si Chiara na dala-dala ang lunch bag niya.
Nagulat ako nang makitang nakasimangot ito, "Oh? What happened, Chiara?" Nag-aalala kong tanong bago dinampot ang bag niya na nasa tabi ko at nilapitan siya.
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ito sa magkabilang kamay, "What's wrong, anak?" I worriedly ask,
She pouted, "I don't feel so good, Daddy," she replied, which made my brows furrow. I reached for her forehead and gently pressed my palm against it.
"You're not hot naman, Chiara. Ano pang nararamdaman mo?" Nag-aalala kong tanong.
She sniffled, "I can't breath properly, sa nose po." She replied, and my lips parted.
"Sinisipon ka? Don't worry, after your class, let's cancel your tutoring muna, then we'll visit Doc Grey and have you checked, okay?" I replied, and her face immediately lit up.
"Really, Daddy?!" she exclaimed, which made me chuckle and gave her a nod.
I picked up her bag from the floor and reached for her hand as we left the house. I drove her to school and sent her to her classroom before bidding my goodbye and driving to the office.
I immediately sent Grey a message to inform him I'll be bringing Chiara to his clinic after her class for a check-up.
From: Rafael Grey
Why? Anong nangyari?
To: Rafael Grey
Sinisipon lang, pero ipapa-general check-up ko na rin. It's been almost a year since she had her last one.
From: Rafael Grey
Okay, okay, let me know agad kapag papunta na kayo.
I let out a sigh and placed down my phone. I looked up at Maze, who was standing in front of me, a thick pile of papers in her arms.
"Sir," she called. I sighed and stood up before picking up the papers in her hand.
"Ako na ang bahala rito, sige na." Tinanguan ko siya bago naupo pabalik sa bangko ko. Tumango lang si Maze bago bumalik sa lamesa niya.
Hanggang ngayon ay inaasikaso pa rin namin ang mga policy rito sa kumpanya. Halos linggo-linggo ay nag-e-email sa amin ang secretary ni Dad o hindi naman kaya ay kausap namin ito sa isang Zoom meeting para pag-usapan ang mga proposal namin.
Pero kahit anong gawin naming adjustments at suggestions ay tinututulan niya. Ang gusto talaga niyang mangyari ay gawin naming impyerno ang kumpanya. Gusto niyang alisin ang ibang benefits ng mga empleyado rito na si Mr. Villanueva ang nagbigay sa kanila.
Gusto niyang maging kasing strikto ng kumpanya niya sa Canada ang kumpanya rito sa Pilipinas. Pero kung gagawin niya iyon ay baka mawalan ng gana ang mga empleyado na magtrabaho rito at umalis.
Doble kayod kami nila Anthony at Mr. Villanueva na gumawa ng paraan at makipagkasundo kay Dad sa mga gusto niya. Pero dahil walang puso ang tatay ko, ang gusto lang niya ang dapat namin gawin at wala ng iba.
"Sir, may meeting po kayo ng 1 PM with Mr. Villanueva and other investors. Remind ko lang po kayo." Nag-angat ako ng tingin kay Maze nang magsalita ito.
Tumingin ako sa relo ko at utay-utay tumango, "May... 11 minutes pa ako." ani ko at tumango siya.
Nagbalik ako ng tingin sa laptop ko at ganun na rin sa papel na hawak-hawak ko.
Napahilamos ako sa mukha ko bago muling tinitigan ang laptop ko.
Typa, bura, type, bura ako sa keyboard ko. Para bang walang magandang pumapasok na paraan sa utak ko dahil ubos na ubos na rin ang mga ideya rito. Ilang linggo na ba namin itong inaasikaso? Halos isang buwan na rin siguro o lampas pa.
"Code? Meeting," I lifted my head from my laptop and glanced at the door where Anthony stuck his head in.
A chuckle escaped my lips before I closed my laptop and stood up from my seat. "I'll be going, Maze. Ingat ka rito," Paalam ko sa secretary ko bago lumabas ng opisina ko kung saan naghihintay na si Anthony na nakasandal sa pader.
"Another one?" he asked as we walked towards the elevator.
A deep sigh escaped my lips before nodding, "Yep, another one." I said as we entered the lift.
Just like last time's meeting. It's a never-ending pitching of ideas about the changes in the company. It was mostly other executives suggesting this time. Anthony and I just sat there, arms and legs crossed, while listening to everyone's ideas since we two have already run out of thoughts.
We would speak up sometimes if the suggestion that was pitched seemed off or impossible to do. But overall, we were just listening almost the whole time. I'm really tired today and just don't have the energy to participate, but I need to.
It was past 4 PM when the meeting ended. A deep sigh escaped my lips as I stood up from my seat and left the meeting room.
I was walking through the hallway when Anthony chased after me. "Hey, wanna grab coffee?" he asked. My face turned at his direction before a small smile grew on my lips, and I slowly shook my head.
"Can't. Work, plus I have to pick up my daughter from school and bring her to Grey's clinic." I replied, and his brows furrowed.
"Grey? As in... Doctor Chua? Your ex?" he asked, and a bigger smile grew on my lips.
"Yep, Doctor Chua, my boyfriend." I corrected him. His eyes grew wide, his lips parted, and he slowly nodded.
"Oh, okay, enjoy. And... I hope your daughter's fine," he replied, and I just gave him a nod before walking towards the elevator.
I spent the last 30 minutes in my office still trying to figure out the proposal. When the clock struck 5 PM, I cleared my table, packed my things, and bid goodbye to Maze before picking up Chiara from school.
We stopped by a flower shop on the way to the hospital to buy Grey a bouquet. I also bought Chiara once since she loved the bouquet of red, white, and pink roses.
"I'm sure Doc Grey will love this bouquet, Daddy," Chiara said while caressing Grey's bouquet that she's hugging in the backseat.
I glance at her from the rear mirror, a smile printed on my lips. "You think?" I asked and she nodded.
"A teacher in our school received a flower from her boyfriend, and she jumped in joy when she saw it. She was so happy!" she replied, and a smile appeared on my lips.
"Daddy, if you have a girlfriend, will you give her flowers too, just like what you do to Doc Grey and me?" she suddenly asked.
My eyes grew wide before glancing at her again in the rear mirror.
I pursed my lips, my grip on the steering wheel tightened, before glancing back and forth between Chiara and the road.
"Uhm..." I swallowed a lump in my throat.
"Chiara," I called her. She hummed, her eyes focused on the bouquet.
"Daddy has to tell you something, pero mamaya na sa parking lot ng hospital, okay?" I said, and she just hummed, not even glancing at me.
When we parked at the hospital, I messaged Grey that we're already outside the building. I told him it would take us a while since I'll tell Chiara about us.
From: Rafael Grey
Goodluck
From: Rafael Grey
Love you
A small smile crept on my lips before I turned off my phone. I blew out a huge amount of air before stepping out of the vehicle. I opened Chiara's door and helped her step out of the car.
"Anong sasabihin mo, Daddy?" she asked as she hugged Grey's bouquet.
I knelt in front of her, I held her arm and let out a sigh, "Daddy... and Doc Grey are... boyfriends. You know... we're... we're a couple." I confessed. No more wasting of time, no more introduction or whatnot, I went straight to the point.
I swallowed a lump in my throat. "Is that okay? Daddy won't have a girlfriend. So... you..." I let out a heavy sigh.
My heart just won't stop pounding. I felt like my throat was closing, and I was running out of air. Coming out of the closet to other people is hard. But for some reason, coming out to your daughter who's just 7 years old is harder.
"So, if Daddy and Doc Grey get married, you will have two Daddies. But that also means... no mommy." I said, and her eyes grew wider. Her jaw dropped, and she stared at me with that reaction for a few minutes, which I must admit scared me.
"Is that okay? Daddy is... gay, and I like boys too? And that boy is Doc Grey?" I asked and she immediately nodded.
She nodded aggressively, and she almost dropped the bouquet. "Doc Grey will be my daddy too?!!" she shouted.
A smile grew on my lips before I nodded, "Yes, pero hindi pa ngayon, pag-uusapan pa namin ni Doc Grey 'yan." sagot koo at muli siyang tumango-tango na baka ikasakit pa ng leeg niya.
"That's okay! That's okay! Basta Doc Grey will be my daddy too!!" she exclaimed, and I chuckled before nodding. I stood up and reached for her hand. She jumps as we walk towards the entrance of the hospital.
She's humming a song as we walk through the hallway. I could tell she's happy about my sudden confession since she would bounce on her feet while we were inside the elevator.
When I knocked on Grey's clinic, he immediately responded. I twisted the knob and the moment we stepped in, Grey welcomed us with a warm smile.
"Hey," he greeted.
Nagulat ako nang biglang bumitaw si Chiara sa kamay ko at nagtatakbo papunta kay Grey, "Daddy Grey!!" she shouted.
Parehas namilog ang mga mata namin ni Grey nang marinig iyon. Nagkatinginan kami, gulat na gulat ang hitsura niya na halos lumuwa na ang mata niya.
Chiara pulled away from Grey, "You're Daddy's boyfriend? That means you're my Daddy too!!" Chiara started jumping in front of Grey.
I saw how a big smile grew on Grey's lips before he knelt down in front of Chiara, "That's okay to you?" he asked, and Chiara nodded like she did a while ago.
"Yes, po!! That's very okay to me!!" she excitedly said.
Grey looked up, and he smiled at me before looking back at my daughter.
He began checking up on Chiara. I told him about Chiara's cold and her trouble breathing. Grey just gave me a nod while focused on checking up on my daughter.
After almost an hour, he finished checking up on Chiara. He prescribed her a medicine and new vitamins that is suitable for her age.
"Hindi mo pa pinapansin yung bulaklak na binigay ko." Ngumuso ako nang matapos siyang magreseta kay Chiara.
Napatawa siya bago nilingon ang bulaklak na nakapatong sa isang drawer, "Pinansin ko naman kanina, ah? Mas na-excite lang ako sa pagtawag si Chiara sa akin ng Daddy Grey." sagot niya at gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa labi ko.
"Yiee, kinilig, Daddy na rin siya." Pang-aasar ko at agad niya akong inirapan.
"Ewan ko sa'yo. Umuwi na kayong mag-ama para makapagpahinga na ang anak mo." Pananaboy niya sa amin.
Muli akong napangisi bago tumayo mula sa bangko, "Anak natin," Pagtatama ko sa kaniya bago nilapitan si Chiara na nilalaro ang mga stuffed toy.
We bid goodbye to Grey, who still have an hour left for his shift. We were about to leave the clinic when I remembered something.
I glanced back at him, "Don't forget, this Monday, family day nila Chiara sa school nila." Pa-alala ko sa kaniya.
Ngumiti ito, "I know, nakapag-file na rin ako ng leave." sagot niya at tumango ako bago tuluyang lumabas ng clinic niya.
Grey's POV
"Balita ko andito yung ex mo at anak niya kahapon?" Nag-angat ako ng tingin kay Louis nang magsalita ito.
Isinara ko ang folder na binabasa ko bago tumango, "Uh... yeah, he brought Chiara for a check-up." I replied, and Louis tilted his head.
His jaw moved, "Sa'yo? Sa'yo dinala yung anak niya?" tanong niya at utay-utay akong tumango.
Suminghal ito, "Kapal din ng mukha, 'no? Edi nandiri ka naman? Nakita mo nanaman pagmumukha niya?" tanong nito. Bahagyang nagparte ang labi ko bago nagpilit ng tango.
"Uhm... okay lang," sagot ko at tumawa ito nang pagak. "Sa susunod, kapag dinala nanaman yung anak niya para ipa-check-up o anuman, ibigay mo sa'kin. Ako na ang bahala para hindi mo na makita yung mag-ama na yun." sagot niya. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago tumango.
"Uhm, Louis," dinampot ko ang folder, "Una na muna ako, may aasikasuhin pa akong pasyente." Paalam ko bago dali-daling umalis sa station.
Hindi ko alam kung saan iyon nalaman ni Louis lalo pa at nasa operation siya noong mga oras na iyon kahapon. Siguro ay may nakapagbanggit na nurse o di naman kaya ay nalaman niya lang kung saan.
Pagkauwi ko ng condo ay agad kong inihanda ang yellow pants and coat ko na isusuot ko bukas sa family day nila Chiara. Nakangiti akong pinaplantsa iyon at sinasabayan pa ang kanta na nanggagaling sa record player ko.
Habang kumakain ng hapunan ay kausap ko ang mag-ama na nanonood ng bagong labas na Disney movie. Sa tuwing matutulala ang dalawa sa palabas ay pinagmamasdan ko ang mga mukha nalang walang pinagkaiba ng hitsura.
Hanggang sa paghuhugas ng pinggan at pag to-toothbrush ay dala-dala ko ang cellphone ko at kausap pa rin ang dalawa.
Natapos lang ang call namin nang antukin na ang bata at natulog na kaming tatlo.
Maaga akong nagising kinabukasan. Mabilis lang akong nag-almusal bago naligo na at naghanda sa pag-alis.
Wala pang 7 AM ay nasa labas na ako ng school nila Chiara. Nag-message ako kay Code at tinanong kung nasaan na sila. Maya-maya lang din ay nag-reply ito na nasa school gymnasium na raw sila. Pumasok na ako sa loob ng school at nagtanong kung saan matatagpuan ang gymnasium.
Pagpasok ko ay nagulat ako sa dami ng tao sa paligid. Sa dami ng mga batang tumatakbo at magulang na nakatayo sa gilid at hindi ko alam kung paano hahanapin ang mag-ama. Napakunot ang noo ko at hinanap sila Code.
Nagulat nalang ako nang biglang sumigaw si Chiara at nang lingunin ko ito ay tumatakbo na siya palapit sa akin.
"Daddy Grey! Daddy Grey!! Let's sign the attendance na po!" Chiara held my hand, and before I could even greet Code, she had already dragged me to the registration table.
"Chiara Denisse Frances Costa po," she excitedly said to the woman at the table.
The lady smiled and looked for her name in the folder labeled 'Grade 1'. She flipped the papers inside before handing it to Chiara.
"Who are you with today, Chiara?" The lady asked with a smile on her face as Chiara wrote down her name on the paper.
"I'm with my Daddy Code and Daddy Grey today po," Chiara replied. When she lifted her head, I saw how shocked the lady was.
Her eyes shifted at me, her lips parted before she straightened her back.
Nagulat ako nang biglang gumapang ang kamay ni Code sa likod ko, "Hey, you made it in time." he said before planting a kiss on my cheek.
I felt my face heat up. I don't know if it's because I was surprised by his sudden kiss or because I got shy that he kissed me.
"Daddy, write your name po." We both looked at Chiara, who was handing Code the pen. Code reached out for the pen in his daughter's hand before leaning down on the table to write his name.
"Oh, ikaw naman." Ini-abot nito sa akin ang ballpen.
Pagtingin ko sa attendance, nagulat ako nang makita na maliit ang pagkakasulat ni Code sa pangalan niya at may space pa sa ilalim nito. Ang katabing cell ng pangalan niya ay may label na 'Mother' kaya hindi ko alam kung saan ko isusulat ang pangalan ko.
"Ayun, sa ilalim ng pangalan ko." Turo niya sa akin, nagparte ang labi ko bago tumango at isinulat ang pangalan ko sa ilalim ng pangalan niya kung saan may naka-label na 'Father'.
Agad akong inaya ng mag-ama na sumama sa mga kapwa nakadilaw na mga bata at magulang. May malaking signboard din sa unahan kung saan nakasulat ang Grade 1.
Maya-maya lang din ay nagsimula na ang program. Matapos ang ilang minuto at ilang mga tao na nagsalita sa unahan ay nagsimula na ang palaro.
Ang unang laro ay sack race, akala ko noong una ay gusto iyong salihan ni Chiara pero ayaw raw niyang pawisan at mapagod kaya naman nanatili kaming naka-upo habang nanonood. Ang kasunod na laro ay ang magbuo ng pyramid gamit ang mga baso. Kahit sinong magulang daw ang pwedeng isama ng bata, nagulat ako nang bigla akong higitin ni Chiara papunta sa unahan.
Kahit nahihiya na ang daming nanonood sa amin ay pinilit kong manalo lalo pa at ang lakas ng sigaw ng mag-ama para sa akin. Si Chiara na nasa tabi ko ay walang tigil sa kakatalon nang matapos siyang mag-buo ng pyramid niya at ako naman ang nagbubuo.
Nanalo kami ni Chiara sa huli, ang bata ay walang tigil sa kakatalon sa tabi ko lalo pa nang makuha na nito ang prize.
"Ang galing niyo naman," ani ni Code nang makabalik kami ng bangko. Agad nitong pinunasan ng pawis ang anak habang ako itong nagpupunas din ng pawis gamit ang panyo ko.
"Ang int pala dito," ani ko habang nagpupunas ng pawis.
Napatawa si Code, "Alisin mo kaya yung coat mo?" tanong niya at napatawa ako nang pagak. "Hindi pwede, kulay puti yung polo ko." sagot ko at napatawa si Code.
"Okay lang 'yan, kaysa naman mainitan at pagpawisan ka lalo." sagot niya at umiling lang ako habang patuloy sa pagpupunas ng pawis.
Ilang laro pa ang lumipas. Kapag ang laro ay kakailanganin ng lakas o di naman kaya ay masyadong nakakapagod ang laro ay hindi ito sinasalihan ni Chiara. Nang bumili pa si Code ng hotdog sandwich ay nanatili lang kaming naka-upong tatlo at tahimik na kumakain.
"For our next game, we need 10 fathers from Grade 1 and Grade 2 to play the game of tug of war!!" The host screamed into the microphone. Fathers of Grade 1 pupils started standing up, and so are fathers from Grade 2 area.
One father tapped Code's shoulder and signalled him to join. Code didn't refuse and just stood up, showing a thumbs up to me and Chiara before walking in front.
Chiara climbed onto my lap so she could see her father clearly. We both cheered as everyone around us cheered.
"Kulang pa po ng isa ang grade 1 daddies. They need one more big and strong daddy to represent their grade level!" Anunsyo ng host sa unahan.
Napalingon ako sa babaeng katabi ko nang bigla ako nitong tapikin, "Sir, kayo na ang sumama, ang tangkad-tangkad niyo, oh." ani nito, napakunot ang noo ko habang ang ilang mga nanay sa paligid ay sumang-ayon sa kaniya.
"Join them, Daddy Grey! Para manalo tayo!!" Tinapik-tapik ako ni Chiara sa braso.
"Pero sinong magbabantay sa'yo?" tanong ko sa kaniya.
"Ay, ako na sir, ako na ang bahala kay Chiara. Best friend naman sila ng anak ko." ani ng isang pang nanay.
Bumaba si Chiara mula sa pagkakakalong sa akin bago ako tumayo na at lumapit kila Code. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Code nang lumapit ako sa kanila. Siya pa ang nagsilbing anchor sa likuran kaya naman pumwesto ako sa harapan lang niya.
"Are you sure about this?" he whispered behind me.
I quickly glanced at him, "For Chiara," I replied, and he hummed, "For our daughter?" he asked, and a smile grew on my lips, "Yeah, for our daughter." I replied.
It was a very short and easy fight that we won in just a few seconds. Code immediately hugged me, which shocked me a bit. I gave him a slight push as I saw the other fathers glancing at us.
When we went back to our chairs, Chiara kept on cheering and jumping. I grabbed my handkerchief while watching Code and Chiara bicker with each other.
My eyes accidentally glanced in the direction of three fathers standing at a distance. It was clear they're looking in our direction and talking to each other.
I locked eyes with one of them before a smirk grew on his face. I brushed it off and looked back at Chiara and Code before sitting down on the chair.
Lunch break came, and they distributed food for each family. We stayed in our seats as we ate silently while other kids played around.
"Grabe yung ibang family 'no? Tatlong anak," turan ni Code habang kumakain.
"Oo nga po, Daddy, they have a very big family po, eh." sagot naman ng anak nito na kumakain sa pagitan namin.
"How 'bout you, Chiara? Would you like siblings in the future?" Code asked.
I slowed down from chewing my food before glancing at Code, who was looking at me with a teasing smirk printed on his face.
"Yes po, Daddy! I would love a baby sister and baby brother po!" sigaw ng anak niya. Nahiya ako bigla dahil ang ibang nanay ay napatingin sa amin. Naitikom ko ang bibig ko bago nagbaba ng tingin sa pagkain mo.
"Okay, anak, pag-uusapan namin 'yan ni Doc Grey sa susunod—"
"Daddy Grey!" Pagtatama ng anak niya sa kaniya. Narinig kong tumawa ng pagak si Code, "Yes, Daddy Grey," ani nito. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya at nakitang may nakaguhit pa rin na ngisi sa labi niya.
Nauna akong matapos kumain sa mag-ama dahil nagdadaldalan at nagkukulitan pa ang mga ito. Nagpaalam muna ako sa kanila na magbabanyo lang ako saglit at umalis ng bangko.
Pagpasok ko sa banyo ng mga lalaki ay okupado lahat ng urinal kaya naman pumasok ako sa isang cubicle. Narinig kong lumabas na ang mga tatay na nasa labas subalit may mga agad din pumasok.
"Pare, nakita mo yung baklang kasama nung attorney?"
Napakunot ang noo ko habang umiihi.
"Oo naman, jusko, kitang-kita sila ng lahat na naglalandian doon. Laging magkasama, laging magkadikit, baklang-bakla talaga— lalo na yung isa! Yung maputi! Halatang-halatang bakla, eh."
Napakagat ako sa labi ko bago dahan-dahan na sinaraduhan ang zipper ng pantalon ko.
"Paniguradong hinuhuthutan lang nun ng pera yung tatay nung bata."
"Oo naman! Ang gara-gara pa manamit. Nakita mo naman, mukhang mamahalin ang suot pati sapatos. Ang mukha, malinis pero halatang naka make-up."
"Baklang-baklang nga, pare. Mula ulo hanggang paa, bakla."
"Kakaiba rin talaga 'yang mga baklang 'yan. Ilang lalaki na kaya ang nahuthutan niyan? Siguro kapag ganiyang bakla, kahit matatanda, basta mayaman pinapatulan, 'no?"
"Siguro. Kahit kanino naman nagpapatira ang mga ganiyan. Sarap na sarap naman sila dun. Tapos babayaran pa sila pagkatapos, saan pa sila?"
Umigting ang panga ko. Bumunot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nag-flush at binuksan ang pinto ng cubicle.
Napatingin sa akin ang tatlong lalaki na kanina pa kami tinitingnan. Hindi ako nagsalita, ilang segundo ko silang sinamaan ng tingin bago naglakad na papalabas ng banyo.
Napamasahe ako sa noo ko habang naglalakad. Ilang buntong-hininga ang binunot ko bago binalikan ang mag-ama na parang walang nangyari.
Ilang minuto na akong naka-upo doon habang ang mag-ama ay nagkukulitan sa tabi ko. Paminsan-minsan ay nakikisali ako sa kanila at nakikitawa.
Maya-maya ay tinawag si Chiara ng kaibigan niya para makipaglaro. Dahil hindi pa ulit nagsisimula ang event ay pinayagan ito ng ama.
"Anong problema?" Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Code.
Napa-igtad ako at agad lumayo sa kaniya, "Nakakahiya," bulong ko at kumunot ang noo niya bago naglibot ng tingin sa paligid.
"Kanino? Saan? Bakit ka nahihiya?" Taka niyang tanong. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago bumagsak ang mga balikat.
"Basta. You're showing too much affection in public. Nakakahiya." sagot ko at kumunot ang noo niya.
"May mga mag-asawang magka-akbay kanina pa. May mga magka-holding hands at kung ano pa. Tapos ikaw, mahihiya ka?" tanong niya at napabuntong hininga ako.
"Code, iba yun, normal sila—"
"Tayo hindi?" Putol agad niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako bago kinuha ang kamay niyang nakabalot sa balikat ko at dahan-dahan siyang hinawakan sa kamay hanggang sa tuluyang magka-konekta ang mga daliri namin.
"It's not that, it's just... 'wag na rito." Malumanay kong turan.
Bumuntong-hininga si Code, bumagsak ang balikat bago tumango, "Fine. But tell me if there's a problem, okay?" he said, and I just gave him a smile and a nod.
Maya-maya ay nagsimula na ulit ang event. Sumali silang dalawa sa isang game na pagkatapos ay pawis na pawis ang dalawa. Sinabihan ko si Code na palitan muna ng damit ang anak dahil basa na ang likod ni Chiara.
Ayaw naman akong iwan doon mag-isa ni Code kaya pinasama ako hanggang sa banyo.
Nakatayo ako sa labas ng banyo ng babae habang sinamahan ni Code ang anak sa loob. Nakasandal ako sa pader at tinitingnan ang mga messages sa trabaho. Ilang mga nanay rin ang naglabas-pasok sa loob na hindi ko gaanong pinansin.
"Nakakapag-alala yung anak ni Mr. Costa 'no? Masyadong... close dun sa lalaki niya. Hindi ba siya nag-aalala?"
"Oo nga, babae yung anak niya tapos magtitiwala siya basta-basta sa baklang yun?"
"Naku, kung ako si Mr. Costa, hindi ko papalapitin yung anak ko sa lalaking yun. Obvious naman na hinuhuthutan siya ng pera nun. Paano kung sa sobrang pagkagamahan sa pera ng lalaking yun, may kung anong gawin sa anak niya para makuha lahat ng pera niya? Naku, naku!"
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang marinig ang usapan ng mga babae sa loob. Humigpit ang kapit ko sa aking cellphone sa puntong namatay iyon nang mapindot ko ang button sa gilid.
Maya-maya ay nakarinig ako ng pintong tumaklab sa loob. Kasunod ay si Chiara na nagtatakbo palabas mula sa banyo.
"Daddy Grey!" Agad ako nitong niyakap sa binti.
Namilog ang mga mata ko. Masyado akong nag-focus na makinig sa usapan ng mga babae sa loob na nakalimutan kong nasa loob din pala si Chiara at Code.
I immediately kneel on Chiara's level, who seemed to be on the verge of crying, "Hey, what's wrong? Anong nangyari?" I asked as I held her in both arms.
She pouted, "Daddy si mad po, nasa loob siya. He's mad, Daddy Grey," she replied, which made my lips part.
Parehas kaming napalingon sa gawi ng banyo nang marinig ang galit na boses ni Code.
"How dare you disrespect my boyfriend like that?!"
Maski ang mga tao na nasa labas lang din ay napatingin sa gawi ng pinto. Kahit may malakas na music sa paligid, rinig na rinig ang galit na boses ni Code mula sa loob.
My lips quivered. I want to walk inside the bathroom and stop Code from whatever he's doing, but at the same time, I don't want to leave Chiara here or even bring her back in.
"Ano pong nangyayari?" May isang teacher na lumapit sa amin.
"C-Can you look after Chiara, please?" I left Chiara with her before rushing inside the bathroom and saw Code standing in front of the two mothers inside.
"Code—"
"Ito ba? Ito ba yung bumabagabag sa'yo? Ilang pangungutya ang narinig mo ngayong araw, Grey?" Putol sa akin ni Code. Ang mga mata nito ay nanlilisik habang nakaturo ang daliri sa dalawang babae sa harapan niya.
Nanuyo ang lalamunin ko bago napatingin sa gawi ng dalawang babae na masama ang tingin sa amin.
"Code, that's enough—"
"No! I won't let them talk shits about you! I want them to apologize!" Code looked at the two women in front of him.
"Mag-sorry kayo, yun lang ang hinihingi ko." Mariin nitong sabi.
Suminghal ang isang babae, "Nag-aalala na nga kami para sa anak mo, kinakampihan mo pa 'yang baklang 'yan?!" sigaw ng babae. Pakiramdam ko ay nanghina bigla ang tuhod ko at sumikip ang paghinga ko.
Tumawa nang mapait si Code, "Nag-aalala? Wow. You two aren't concerned but rather being judgmental! You're shaming Grey just because he's gay?! And now you're accusing him of doing something to my daughter?! Nag-aalala ba talaga kayo?!" sigaw ni Code, napahilamos ako sa mukha bago nilapitan si Code.
I gently reach for his wrist, "Code, tara na, please. Let's not make a scene." I whispered in his ear.
"No—"
"Code, please. Let's not ruin your daughter's day. Naghihintay siya sa labas, natatakot na siya kasi galit ka. So please, let's go." I begged him. As much as I also wanted to defend myself, as much as I wanted to speak up, I can't and I must not.
We're not in the right place. Baka kung anong isipin ng mga tao na nasa labas. Baka sugurin pa kami ng mga asawa ng dalawang babae at mas lumala pa ang gulo. Pipiliin ko nalang manahimik at hayaan silang sabihin ang gusto nilang sabihin 'wag lang masira ang araw ni Chiara at 'wag lang malagay sa alanganin si Code.
He scoffed, gritted his teeth and his jaw even clenched. "Itong tatandaan niyo, ha. Tigil-tigil niyo ang panghuhusga sa mga tao sa paligid niyo. At kung masama ang tingin niyo sa boyfrined ko, sa'kin, o sa'min dahil bakla kami, tatandaan niyo na lalaking mabuting tao ang anak namin. Dahil wala siyang magulang na kagaya niyo!" Mariin nitong turan bago ako hinawakan sa pulso at hinigit palabas ng banyo.
Nagulat ako dahil paglabas namin ay may mga taong naka-abang sa labas. Binuhat ni Code ang anak gamit ang libre niyang braso bago kami dinala palabas ng gymnasium.
"Uuwi na tayo, Daddy?" tanong ni Chiara sa ama. Kita ko kung gaano ito ka-aepktado sa nangyayari base palang sa hitsura niya. Malikot ang mga mata at mukhang nawala na rin sa mood ang bata. Bakas pa rin ang takot sa mga mata niya at nginunguya rin ang labi.
"Yes, Chiara, Daddy is not feeling well. Is it okay if we go home na?" Code tried to sound as calm as possible while talking to his daughter.
Tumango si Chiara, "It's okay, Daddy, I'm tired na rin po, eh." ani ni Chiara.
Inihatid lang namin si Chiara sa bahay. Kahit ang pumasok sa gate ay hindi na ginawa ni Code at ipina-asikaso nalang ang anak sa mga kasambahay nila.
Dumungaw ito sa bintana ng sasakyan ko na medyo ikinagulat ko pa. Kung kanina'y kalmado ang ekspresyon niya habang kaharap ang anak, ngayon parang pumapatay nanaman ang mga tingin niya.
"Sa condo tayo. Condo ko." Seryoso nitong turan bago naglakad pabalik ng sasakyan niya.
—----------
a/n: may ibang events pa dapat sa story na 'to, huhuhu, kaso nahahabaan na me sa kaniya so next chap nalang hehehe, plus masama ang pakiramdam ko habang sinusulat 'to huhuhu, medyo mabigat yung next chapter/scenes and need ng heavy braincells. Hindi kaya mag produce ng utak ko ng ganun rn huhuhuhu
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co