Chapter 55
Code's POV
"Sir, ito na po yung mga papers and reports na pinapakuha niyo." Inilapag ni Maze ang makakapal na envelope sa lamesa ko na laman ang mga reports at kontrata na pinaggagagawa ko nitong nakaraang taon.
Nag-angat ako ng tingin mula sa laptop ko at dinampot ang isa para buksan.
Narinig kong bumuntong-hininga si Maze, "May ipapakuha pa po ba kayo, Sir?" tanong niya. Nilingon ko siya, ngumiti bago umiling, "I'm fine, Maze. Magpahinga ka na muna. Alam kong nabigatan ka sa mga 'to." sagot ko at tumango-tango ito.
"Ako na po kaya ang gumawa niyan, Sir? Sanay naman na po akong gumawa ng completion reports." Alok niya, tumaas ang isa kong kilay bago kumawala ang isang hagikhik sa labi ko.
"It's fine, Maze. Trabaho ko 'to. At isa pa, ako naman ang running for promotion. Mapapagod ka lang sa bagay na hindi naman ikaw ang mag be-benefit sa huli." sagot ko at bahagya siyang napanguso.
"Pero Sir... yung ibang secretary, sila ang gumagawa ng completion reports ng mga boss nila." ani niya na agad ikinakunot ng noo ko.
"Maze," bumuntong-hininga ako, "Hindi ako kagaya ng mga yun na tamad at inaalila ang secretary nila. Kaya sige na, maupo ka na, kumain ka, mag-relax ka, dahil kaya ko na 'to." Malumanay kong turan.
Utay-utay siyang tumango bago napakamot sa ulo at naglakad pabalik ng table niya. Hindi ko siya gaanong napansin noong una lalo pa at nakatutok ako sa laptop ko. Ilang papel rin ang nahulog na sa sahig na pinupulot ko lang kung sakaling kakailanganin ko.
Napansin ko nalang si Maze na nakatayo na sa gilid ng lamesa niya, naglilinis subalit nagsasayaw. Napahagikhik nalang ako at napa-iling lalo pa at mukhang nae-enjoy rin naman niya ang sarili niyang mundo.
Maya-maya ay tinanong ako nito kung nagugutom raw ba ako at may gustong ipabili. Nagpabili ako sa kaniya ng milktea at burger bago siya lumabas ng opisina.
Bumalik ito na may dalang isang malaking supot ng pagkain. Dahan-dahan din ang paglalakad nito at halatang nahihirapan at gustohin ko man na tulungan siya ay napapalibutan ako ng mga papel.
Hindi ko napansin na lumapit na pala siya sa akin, "Sir, may bisita po kayo." ani niya. Nag-angat ako ng tingin bago napakunot ang noo.
"Sino raw?" Taka kong tanong.
Could it be Grey? But he went to his shift this morning? He even sent me a picture? May problema ba? Emergency?
"Lux Conde raw po," Napapikit ako nang mariin.
Agad akong sumandal sa bangko ko bago napamasahe sa noo, "Papasukin mo na." Buntong-hininga ko.
Narinig ko ang yabag ng takong ni Maze na naglakad palayo sa akin. Narinig kong bumukas ang pinto, naghintay ako ng maingay na boses ni Lukas pero nang hindi ito marinig ay napakunot ang noo ko bago nagmulat.
Nakita ko si Lukas na nakasuot ng madalas niyang suot na puting button-up at coat na may kasama pang necktie.
Nang pagmasdan ko ang mukha niya ay hindi ito maipinta, "A-Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
Madalang 'to. Madalang na bumisita si Lukas sa opisina ko— parang first time nga ito, eh. At madalang kong makita na malungkot si Lukas.
Bumuntong-hininga ito bago hinila ang isang bangko palapit sa lamesa ko bago naupo roon.
"Busy, ah? Anong ginagawa mo?" tanong niya pabalik.
Nagparte ang labi ko bago naglibot ng tingin sa magulo kong lamesa, "Uh... completion report? Baka ma-promote na ako sa CEO position." sagot ko at utay-utay tumango si Lukas.
"Ibibigay na sa'yo?" tanong niya. Kahit ang boses nito ay halatang walang gana.
Tumango ako, "Titingnan pa siguro pero... mukhang ganun na nga." sagot ko at muli siyang tumango.
"Sabagay, may anak ka na. Secured na ang tagapagmana mo." sagot niya bago tumingala sa kisame.
Napakunot ang noo ko, "Anong problema, Lukas?" Seryoso kong tanong sa kaniya.
Umiling ito bago ikinumpas ang kamay sa ere, "Wala naman... ano lang... problemang... problemang only child. Alam mo na, nag-iisang tagapagmana, bakla pa. Tapos wala rin akong anak kaya nagdadalawang-isip si Lolo kung deserve ko ba ang kumpanya." Walang gana niyang sagot.
Agad nagparte ang mga labi ko bago bumagsak ang balikat. First time 'to. First time magkwento si Lukas tungkol sa problema niya o sa trabaho niya. Siguro'y ganun na iyon kabigat sa puntong kailangan na niya ng sandalan.
Bumuntong-hininga ako, "Hinihingan ka na ng anak?" tanong ko at tumawa ito nang mapait bago tumango.
"Ano pa nga ba? Kailangan ko ng anak para makuha ang CEO position. Pero saan ako kukuha ng anak?" Singhal niya.
"Lukas... do you really want that position—"
"Of course! Heck, of course I do! All my life, I was told that one day I would take over our whole company and all our businesses. I worked my ass off for this company, I spent years and years trying to prove myself! Then what? Dahil lang wala akong anak, pwedeng mawala ang lahat sa'kin?!"
Natigilan ako sa biglang bugso ng galit ni Lukas. Napalingon pa ako kay Maze na mukhang nagulantang din sa biglang pagsagot ng kaibigan ko. Sinenyasan ko siyang umalis muna para hindi makita ang galit ni Lukas.
Napahilamos ito sa mukha, "Tangina talaga. Okay na sana, eh. Tanggap na ako ng magulang ko. Si Lolo nalang, si Lolo! Lintik talagang matandang yun!" Singhal niya bago hinampas pa ang armrest ng bangko inuupuan niya.
Napatawa ako nang pagak, "Ipa-dispatsa mo." Biro ko.
Nilingon ako nito, suminghal bago umiling. "Kaya yun. Kaya ko naman sanang gawin yun. Kaso palibot ng bodyguard yung matanda. Mahirap na, baka sumala ang bala." Biro niya pabalik na ikinahagikhik namin parehas.
Nagtagal pa ito ng ilang oras sa opisina ko. Nagkwento ito nang nagkwento habang nagpapakalunod ako sa completion report na ginagawa ko. Sinisigurado ko pa rin naman na nakikinig ako sa mga kwento niya lalo pa at mukhang seryoso rin talaga ang pasan-pasan niyang problema.
Nang sumapit ang tanghalian ay inaya ko ito sa malapit na restaurant sa kumpanya habang si Maze ay sinolo na muna ang opisina.
"Mabuti hindi nagseselos si Grey sa secretary mo?" tanong nito habang kumakain kami.
Napa-ismid ako, "Hindi sila magkakilala. At isa pa, hindi naman yun pagseselosan ni Grey dahil alam niyang hindi ko talaga tipo ang mga babae. Kung lalaki pa, baka ako na mismo ang umiwas para hindi magselos si Grey." sagot ko na ikinahagikhik ni Lukas.
Ilang segundo kaming natahimik, hanggang sa maya-maya ay may biglang tumapik sa balikat ko. "Hey, kamusta ang future CEO?" Bati sa akin ni Anthony.
Muntikan pa akong mabulunan sa kinakain ko at agad napa-inom ng tubig, "Thank you," pumiyok pa ako.
Humagikhik si Anthony bago napalingon kay Lukas, "Oh, hello Mr. Conde," bati nito. Parehas namilog ang mga mata namin ni Lukas nang batiin siya nito.
Agad inilahad ni Lukas ang kamay niya, "Hello, do I know you?" Takang tanong ni Lukas habang nakikipagkamay kay Anthony.
Napangisi si Anthony, "Not really, but I applied to your company years ago. I just didn't get in." Anthony replied.
Lukas's eyes grew wide, and his lips even parted. Anthony just chuckled before he bid us goodbye and went to the counter to probably order.
"Ganun ba? Mga ganung klaseng lalaki ang dapat pagselosan ni Grey?" tanong ni Lukas at napahagikhik ako.
"Fool, Anthony and I are just friends and co-workers. Grey shouldn't worry about him, he's cool." I replied, and Lukas just nodded before continuing to eat.
He left after we had our lunch since he needed to drive to Laguna to visit a warehouse there. I just went back to my office to continue working on my completion report. Gladly, I don't have any schedules or meetings set this afternoon, and I was able to work continuously without any disruption except bathroom breaks and the need to stretch my limbs from time to time.
I was able to compile everything today. I was able to write down all the completions and projects I worked on this past year. But I still have to proofread and check for revision and editing. I decided to call it a day since it's also past 5 and I badly want to go home.
Chiara showed me her accomplishment for the day. The maids helped her color some of the paintings I brought her, which actually turned out great.
"Daddy, I think I want to be a painter when I grow up," she said while we were looking at her painting.
A smile grew on my lips before I nodded, "Sure, be whatever you want. I will buy all the paints for you." I replied, and her head snapped at me.
"The pretty brushes, too?" she asked, and I chuckled before nodding, "Even the pretty brushes," I repeated. A squeal escaped her lips before she jumped down from my lap.
I just took a quick nap in my bedroom, and after around an hour or two, one of our maids called us for dinner.
I was spending some time at my room's balcony, letting the cold breeze brush against my skin while I held a glass of whiskey in my hand, when I heard my phone buzz. I glance at the device on a small table on the balcony before picking it up.
A smile immediately grew on my lips when I saw Grey's name on my screen. I answered the call and pressed the phone against my ear.
"Hey, how's your day?" I softly asked as I leaned on the railing.
[I miss you,] the sulking is obvious in his voice.
A chuckle escaped my lips before I chugged the remaining whiskey in my glass, "Already? We just saw each other two days ago?" I asked, and I heard him whimper from the other line.
[Can you please come here? Saglit lang. I'll just hug you, I'm really tired.] he demanded. I chuckled before walking back inside my bedroom, closing the sliding door behind me.
"Hug lang?" I teased as I placed down the glass on my table.
He chuckled, [Hug lang, pagod din ako at kumain ako. Hindi ako pwede ngayong gabi.] sagot niya at nag-hum ako habang nagsusuot ng jacket.
[So ano na? Pupunta ka ba? Naghihintay ako rito, oh.] Pagmamaktol niya sa kabilang linya na ikinahagikhik ko.
"Ito na nga, palabas na ng kwarto. Pupunta ako, give me few minutes." I replied and he hummed.
[Okay, see you, bilisan mo ha?] Request pa niya na ikinahagikhik ko bago binaba ang tawag.
Nang makarating ako sa unit niya ay agad ako nitong hinila papasok at dinala sa kwarto niya. Natatawa nalang ako habang hinihila niya ako na parang laruan at hinigit pahiga ng kama.
"Akala ko ba hug lang? Bakit sa kama?" Biro ko nang agad niyang ibalot ang braso sa katawan ko.
Sinmaan ako nito ng tingin, "Bakit? Saan mo gusto mag cuddle? Sa banyo? Sa terrace? Sa kusina?" Masungit niyang turan na ikinahagikhik ko bago ibinalot na rin ang braso ko sa katawan niya.
"Biro lang, ito naman, ang sungit-sungit." Bulong ko na ikinahagikhik niya.
"Alam kong pagod ka rin. Tapos ka na ba sa completion report mo?" tanong niya at nag-hum ako.
"Na-compile ko na lahat, ipro-proofread at revise ko nalang." sagot ko at nag-hum siya.
"Baka nagpapakapagod ka masyado, ha? Magpahinga ka rin, report lang 'yan, mas importante ang kalusugan mo." Pa-alala niya sa akin, bahagya akong napahagikhik bago mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.
"Siyempre naman, chill nga lang ako sa opisina, eh." sagot ko at nag-hum siya.
Nabanggit ko rin sa kaniya ang tungkol kay Lukas at ang pagbisita nito. Maski si Grey ay nag-alala rito lalo pa at naging close rin silang dalawa noong mga panahon na nasa Canada ako.
"Biniro ko nga kanina na baka posible pa na palagyan niya ng matres si Cairo para magka-anak siya sa taong mahal niya." ani ko at napahagikhik si Grey bago ako pabiro na hinampas sa tiyan.
"Sa tingin ko... mas posible pa na malagyan ng matres ang isang lalaki kaysa sa magkita sila ni Cairo." sagot ni Grey na mas ikinatawa namin.
Maya-maya ay humupa na ang pagkekwentuhan namin at ang pagtawa. Napagtanto ko nalang na tulog na si Grey nang marinig ang mahina niyang paghilik. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo nito bago ipinikit na rin ang mga mata ko.
Nagising ako ng bandang ala una ng madaling araw dahil kailangan kong magbanyo. Dahan-dahan kong inalis ang braso ko sa katawan ni Grey para maiwasan siyang magising lalo pa at alam kong pagod ito sa trabaho. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at bumaba ng kama para maglakad papunta ng banyo.
Natagalan din ako doon lalo pa at uminom ako ng alak kanina kaya marami-rami akong kailangang ilabas.
Pagbalik ko ng kwarto ay aksidente akong bumangga sa bangko niya sa harap ng vanity mirror. Ang bag na nakasabit doon ay nalaglag sa sahig at nagkalat ang mga laman nito.
"Shit..." I muttered under my breath when I heard Grey squirm on his bed. I hurriedly picked up everything on the floor that was inside the bag. Sunscreen, powder, lip gloss, gums, mints, earbuds, charger, powerbank— and many more!
"Ano 'yan?" Napalingon ako kay Grey na nakabangon na ngayon sa kama. Nagkukusot ito ng mata at halatang inaantok pa.
"Anong nangyari?" Mas lalo akong nataranta nang buhayin nito ang lampshade sa tabi niya na isinuot ang salamin niya.
Dinampot ko ang kung ano man na nasa sahig habang nakalingon pa rin sa kaniya, "Wala, wala naman, nahulog lang yung..." Napalingon ako sa hawak kong maliit na kahon.
Kulay pula ito at kamukha ng madalas na lagayan ng singsing.
Namilog ang mata ko, paglingon ko pabalik kay Grey ay halos lumuwala na ang mga mata nito.
"Code...!" Bigla siyang tumalon pababa ng kama at tumakbo palapit sa akin. Nataranta ako at biglang tumayo para itaas sa ere ang kahon.
"Give it back! Akin na! Akin na!!" May panggigil sa boses ni Grey habang pilit na inaabot ang kahon sa kamay ko na nakataas sa ere.
Nakatayo lang ako doon, gulat siyang pinagmamasdan habang nanggigil sa harap ko.
"Code! Ano ba?! Give it back!!" He held my shoulder tightly, trying to push himself upwards just to reach the box.
With a single beat from my chest, I finally understood what was happening. "Is this... an engagement ring—"
"Code!! Akin na!!" Putol niya sa akin.
Utay-utay gumuhit ang ngiti sa labi ko bago nasundan ng hagikhik. "You were planning to... propose to me?" My eyes lit up.
Grey stopped from jumping and just lowered his head before letting out a deep sigh, "Code, just give it back," he said in defeat.
I lowered my hand, and he immediately snatched the box from it. "But— But... you're gonna propose, right?" I chased him when he walked towards the bag and put the box inside.
I stood behind him like a hopeful puppy, wagging my tail with my eyes sparkling.
Grey let out another sigh before facing me, "Yes, I was... planning to make it big too, and definitely a surprise. But... wala na, eh. Nakita mo na." Kalmado niyang turan.
Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y lalabas na rin ang puso ko sa sobrang tuwa.
"P-Pero— Pero hindi ko kailangan ng malaking engagment party! Kahit ngayon na, ayain mo 'ko—"
"No! Definitely not, Code! You deserve a big celebration! Hindi yung basta sa kwarto lang. Malaki, magarbo, engrande, ganun!" Putol niya agad sa akin.
Bumagsak ang balikat ko subalit nanatili ang malaking ngiti sa labi ko.
"So... you'll really do that for me?" I asked.
I can't believe this! Ako ang dating naghahabol sa kaniya! Biro lang naman ang mga parinig ko tungkol sa malaking diamond ring sa kamay ko pero hindi ko inaakala na totoohanin niya!
He hummed, "Yes, so please have a little more patience. Nagpaplano pa ako." sagot niya at agad akong tumango na parang sirang laruan.
"Sure! Sure! Gusto mo tulungan pa kita?!" Adilantado kong turan. Napahagikhik si Grey bago ako pabiro na hinampas sa dibdib, "Paano magiging surprise kung tutulong ka sa pagpaplano?" ani niya bago naglakad pabalik sa kama.
Hinabol ko siya ng mata ko habang may mas malawak na ngiti sa labi.
Magpro-propose siya? Bibigyan niya ako ng singsing?! Ikakasal na kami?! Magiging asawa ko na siya?!!
Kinilig itlog ko dun...
Grey's POV
Isang nakakainis na hagalpak ang kumawala sa labi ni Cairo habang nagmi-miryenda kami sa kalapit na burger stall sa ospital.
Napasinghal ako bago kumagat sa siopao ko habang siya itong halos matumba na sa bangko niya.
"Edi hindi na surprise ang proposal? Alam na niya?!" ani nito at napanguso ako bago tumango.
"Gusto nga niya na lumuhod na ako kagabi sa condo. Hindi pwede 'no! Bayad na ang venue! Bayad na ang designers! Bayad na ang banda na tutugtog! Catering nalang ang kulang, at pwede na! Tapos gusto niya mag propose ako sa condo ko?!" Singhal ko bago muling kumagat ng siopao kahit hindi ko pa nalulunok ang kani-kaninang kinagat ko lang.
Napasapo si Cairo sa dibdib niya habang bahagyang kumakalma mula sa pagtawa, "Simpleng... Simpleng engagement naman pala ang gusto." Hinihingal nitong turan na ikina-irap ko.
"Siya 'man ang aakitin kong magpakasal, pero ako pa rin ang nagpaplano. Gusto ko na engrande yung engagement namin." singhal ko bago dinampot ang pineapple juice ko.
"Edi ano nang plano mo ngayon?" tanong ni Cairo habang ngumunguya ng burger niya.
Napakunot ang noo ko, "Tuloy ang engagement. Like I said, bayad na ang mga bagay-bagay, catering nalang ang hinahanap ko. Aasikasuhin ko yun bukas lalo pa at day off ko." sagot ko at tumango si Cairo.
"Tapos? Kailan ang engagment? Siyempre maghahanda rin ako ng isusuot ko 'no." ani niya na ikinahagikhik ko.
"Sa Wendnesday next week. Tsaka 'wag kang mag-alala, wala pa rin akong isusuot. Baka bukas ko na rin asikasuhin." sagot ko at humagikhik si Cairo bago tumango.
Maaga akong pumunta sa catering service kinabukasan. Natagalan ako sa pamimili ng mga pagkain na ihahanda at ganun din sa pag-iisip kung pang-ilang packs ba ang ia-avail ko. Nagpasigurado na ako at kumuha ng 50 packs kahit alam kong wala pa sa sampo ang iimbitahan ko. Mabuti na rin iyon para hindi sila bitin sa pagkain at pwede pang magbalot pauwi.
Nagtanghalian ako sa mall at namili na rin ng isusuot ko. Bigla pa akong tinawagan ni Code at pilit pina-amin na namimili ako ng damit na isusuot ko.
[Ano bang color theme para makapamili na rin ako?] Pang-aasar nito, napa-irap ako habang naglalakad sa loob ng store.
"Bahala ka, kung anong gusto mong isuot." sagot ko rito habang naglalakad-lakad sa shoes section.
[Paano kung... maghubad nalang—]
"Code!" Sita ko rito na agad niyang ikinahagalpak ng tawa.
"Umayos ka, ipapalunok ko sa'yo yung singsing." Pagbabanta ko sa kaniya na ikinahagalpak niya ng tawa.
[Kailan ba 'yan? Baka may meeting ako niyan. Sabihin mo na para ma-clear ko schedule ko.] Pang-aasar nanaman nito.
Napabuntong-hininga ako bago inilapag sa sahig ang basket na hawak ko at tiningnan ang sapatos na naka-akit sa atensyon ko.
"Basta, malalaman mo nalang. Kapag busy ka ng gabing yun, edi hindi na ako magproprose, bahala ka." Pagbabanta ko ulit na ikinahagalpak nanaman niya ng tawa.
Bumili ako ng panibagong pares ng sapatos na babagay sa pants and top kong binili. Bumili rin ako ng bagong pabango na gagamitin ko sa gabing iyon at ilang mga bagong alahas na ipapares ko sa damit.
Pagbalik ko ng unit ay saka ako naglinis at nag-asikaso ng ilang papeles sa trabaho. Bandang alas tres ay bigla pa akong tinawagan sa ospital para asikasuhin ang pasyente ko kaya naman dali-dali akong nagmaneho papunta roon.
Gabi na nang makabalik ako ng unit. Ang day off na pahinga ko sana ay talagang may pahabol pa na trabaho.
Tinamad akong magluto ng hapunan at saglit na nagpahinga sa sofa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nakalimot nang kumain.
Alas nuebe na nang magising ako. Magluluto na sana ako ng hapunan nang biglang sumulpot si Code sa condo ko at nag-aaya ng date sa isang food bazare malapit sa Makati. Dahil gutom na rin at tinatamad magluto ay agad din akong pumayag sa aya niya at kahit tinatamad lumabas ay sumama ako sa kaniya.
Amoy palang ng mga pagkain ay natakam na ako. Sunod-sunod tuloy ang pag-aaya ko kay Code sa mga food stalls at hinihigit ito kung saan-saan para lang bumili. Para akong bata na first time sa isang theme park.
Habang kumakain ay kinukulit din ako ni Code tungkol sa engagement. Hindi ko ito sinasagot at subo lang nang subo ng pagkain na medyo ikinaasar pa niya.
"Sabi ko diba, patience? Patience lang, malapit na kaya hintayin mo na." sagot ko rito bago sumimsim ng milktea na binili namin.
Pagkatapos ubusin ang mga pinamili namin ay muli kaming naglakad-lakad. Kahit nakarami na ako ng pagkain ay natatakam pa rin ako sa mga itintinda rito at mukhang kaya ko pa kahit mga tatlong uri pa ng pagkain.
"Nahihilo na ako sa sobrang dami ng pagkain," Namomroblemang turan ni Code habang nagpupunas ng pawis gamit ang likod ng kamay.
Napatawa ako nang bahagya habang kinakain ang buttered corn na binili niya para sa akin kanina.
Naglalakad-lakad pa kami at liliko sana nang biglang may humarang sa amin.
"Well, well, ano 'to? Date?" Tanong ni Louis habang naka-cross ang mga braso sa dibdib.
Agad nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay kinapos ako bigla ng hininga bago napahakbang paurong at hindi napansin na napakapit na sa pulsohan ni Code.
"Uhm, yeah, iyon ang sabi ko kay Grey." Sagot ni Code na lalong ikinaiskip ng dibdib ko. Napalunok ako ng laway habang nagpapabalik-balik ng tingin ka Louis at sa sahig.
Namilog ang mata ni Louis at ganun din ang bibig nito, "Oh— I didn't know FUBU's do dates now? Is this also part of your plan—"
"Louis," I cut him off. I swallowed the lump in my throat, trying to compose myself despite the fact that I could feel my knees weakening. I could feel a heat rising up my body and a pee forming in my bladder.
Louis raised a brow at me.
Nilingon ako ni Code, nakakunot ang mga noo nito at halatang nagtataka na. "What plan?" He sternly asked.
I once again swallowed the lump in my throat before opening my lips to respond, but Louis got in the way.
"His plan to take you down. You know, use you, fuck with you, take videos of you two having sex—"
"Louis!"
"So when your Dad hands you down the CEO position, Grey can reveal to everyone—"
"Louis, tama na!" I shouted, tears rushing down my cheeks.
"Specially to show your Dad that you're gay and won't give you the CEO position—"
"I said enough!" I let go of Code's wrist before stepping forward to push Louis. He almost lost his balance was unfortunate since I actually wanted him to fall on the ground.
"Will you stop interfering in my life?! Ano bang alam mo?! —"
Galit akong nilingon ni Louis, "Marami! Marami akong alam tungkol sa'yo, Grey! I know how you fucking hate that man!" He shouted, pointing at Code.
My lips trembled, and I badly wanted to speak up. I badly wanted to talk back and argue with him, but nothing came to my mind.
Code scoffed, "So... all this time, you were just... doing this for your plan?" I slowly turn around to look at Code, who has a confused yet broken expression printed on his face.
Mapait siyang tumawa, "Ginagawa mo 'tong lahat dahil... gaganti ka?" Nanginig ang boses nito.
Agad akong napalunok ng laway bago humakbang palapit sa kaniya. Akmang hahawakan ko na ang kamay nito na agad siyang humakbang paurong.
"So... it was all a lie? It was all... an act? Yung pagiging mabait mo, yung pag-aalala mo, yung pagtulong mo— noong sinabi mong mahal mo 'ko?! Pati yun... parte ng plano mo?" Tumaas ang tono ng boses nito.
"Sa China... noong... noong pasko? Nagkapatawaran tayo, diba? Nagpaliwanag na ako? Ano yun— parte rin ng plano mo?!" Dagdag pa niya. May panggigil sa boses niya na ikinahikbi ko.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago sunod-sunod na umiling habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisnge ko.
"Code, no, it's not like that. Totoo lahat yun—"
Humalakhak ito, "Kaya mo lang... ginagawa lahat ng 'to? Para gumanti?" Nanggigil ang boses niya.
Umigting ang panga nito, "Kailan pa?! Kailan pa nagsimula ang plano mo?!" Sigaw nito. Kung kanina ay malungkot ang ekspresyon sa mukha niya, ngayon ay balot na balot na ito ng galit.
"Code, wala na, wala ng plano—"
"Kaya ba mabait ka sa anak ko? Kaya ba... kung ituring mo si Chiara ay parang tunay mong anak para makuha ang loob ko—"
"Code, hindi—"
"Tangina! Grey!" Sigaw nito. Napahilamos ito sa mukha bago ako tinalikuran.
Muling nanginig ang mga labi ko. Kahit may takot at tinatamaan na ako ng kunsensya ay humakbang ako palapit sa kaniya upang hawakan ito sa balikat.
"Mahal ko si Chiara—"
Marahas nitong inalis ang kamay ko sa balikat niya. Agad akong napa-urong at ininda ang sakit sa brasong hinampas niya.
"Dinamay mo pa yung bata! Dinamay mo pa yung anak ko!" Sigaw nito, nakita ko kung paano dahan-dahan na umagos ang luha sa pisnge niya. Kung paano umigting ang panga niya habang malalim ang bawat paghinga.
"Diba sabi ko sa'yo... naki-usap ako, Grey! Na huwag na huwag mong idadamay yung anak ko! Ako nalang! Ako nalang ang gantihan mo! Pahirapan mo 'ko! Alilain mo 'ko! Patayin mo 'ko— WAG LANG SI CHIARA!" Galit na galit niyang turan. Ang mga mata nito ay nanlilisik na sa galit.
Sumikip ang pakiramdam ko sa aking lalamunan bago panibagong mga luha ang umagos sa labi ko. Napatungo ako, hinahayaan na pumatak sa semento ang mga luha habang umiiling.
"H-Hindi ko siya... d-dinamay—
"Bullshit, Grey! Bullshit! Bakit ganun ka kabait sa anak ko?! Anong dahilan mo? —"
"Dahil gaya ng sabi ko sa'yo, minsang sumagi sa isip ko na kung hindi tayo nagkaletse-letse dati ay baka may anak na rin tayo! Na kung hindi ka umalis ay baka may sarili na tayong pamilya! At nakikita ko si Chiara bilang anak nating dalawa! At alam ko kung gaano mo kamahal ang anak mo! Alam ko kung gaano kahalaga si Chiara sa'yo kaya ganun ko nalang din siyang mahalin at alagaan! Dahil mahal kita, Code!!" Kahit nanghihina, kahit nahihirapan huminga at parang sumisikip ang lalamunan ay pilit akong sumigaw. Pilit kong ibinuhos ang nararamdaman ko para lang malaman niya ang dahilan ko na hinihingi niya.
Suminghal ito, "Kalokhan." Mariin nitong tanong.
Napahikbi ako, pinahid ang luha na umagos mismo sa labi ko bago umiling.
"T-Totoo 'yun," pumiyok pa ang boses ko.
Umiling si Code, suminghal bago napahilamos sa mukha bago sunod-sunod na tumango. "Gaganti ka pala, ha? Gaganti ka." May kasiguraduhan sa boses nito.
Agad akong umiling, nagbabadya pa rin na lapitan at hawakan siya habang siya itong patuloy ang paglayo.
Nanlisik ang mga mata niya, "Sige, gumanti ka. Anong gagawin mo dun sa sex video natin? Ikakalat mo? Ipo-post mo? Sige, gawin mo. Ipakita mo sa buong mundo kung gaano ka ka-puta pagdating sa lalaki—"
Agad lumapat ang palad ko sa mukha niya.
Ilang malalim na hininga ang kailangan kong bunutin sa kalaman-lamanan ko bago marahas na pinahid ang luha sa pisnge ko.
"If you don't want to believe me, fine, don't. Kung galit ka, sige, magalit ka. I deserve it. Magalit ka sa'kin." Pinahid ko ang luhang umagos sa pisnge ko.
"Pero kung mag-aaway lang tayo, kung magsusumbatan lang tayo imbes na mag-usap nang mahinahon, itigil na natin 'to. Dahil nasasaktan lang ako. Nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan mo sa'kin." Nanginig ang labi ko. Ilang patak ng luha ang hinayaan kong umagos sa pisnge ko habang diretsong nakatingin kay Code na halos patayin ako ng mga mata niya.
A sob escaped my lips, which I even tried to suppress by biting my lip. "I was wrong for planning revenge on you," I admitted.
My lips quivered, "And maybe I was wrong for opening my heart again, too. Maybe I was wrong to think that we could get back... what used to be ours."
—-------
a/n: epilogue next? KIMMY, kimmy lang bhie HAHAHAHA, let me know your thoughts ksksks, nakaka-motivate kapag nag co-comment kayo hheheheh
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co