Chapter 56
Code's POV
"Sir, andito na po yung pinapa-print niyong proposals. Hinihingi na rin po pala ito ni Mr. Villanueva, i-diretso ko na po ba sa kaniya?" Nag-angat ako ng tingin kay Maze na may hawak-hawak na folder.
Itinuwid ko ang likod ko habang pinaglalaruan ang ballpen sa daliri at nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Umiling ako, "'Wag muna. Pag-iisipan ko pa." sagot ko at napakunot ang noo ni Maze.
"Pag-iisipan? Ang alin po sir?" Taka niyang tanong.
Napapikit ako nang mariin bago umiling, "Wala, basta ilagay mo lang 'yan diyan. Ako na ang bahala." sagot ko, utay-utay itong tumango at kahit mukhang naguguluhan pa ay sinunod nalang nito ang sinabi ko.
Was Dad causing all this trouble and making us do all these things because he was soon going to hand me the CEO position?
But what if I rejected the position? What if I told him that I didn't want to be the CEO and just... be a company lawyer? Will we have to stop changing the company's system? Can we finally stop trying and trying and coming up with new rules and bullshit?
Kaya lang naman kami naghihirap nang ganito dahil sa lintik na CEO position na 'yan! Pero kung walang turnover na magaganap, kung walang CEO-CEO position na 'yan, edi hayahay sana ang buhay namin ngayon!
Isang malalim na buntong-hininga ang binunot ko bago tumayo mula sa bangko ko. Walang paalam ay lumabas ako ng opisina ko at dumiretso sa opisina ni Anthony na nasa floor lang din ng opisina ko.
I knocked first despite my temper reaching its limit. When I stepped inside his office, I saw he was busy typing on his computer, his eyes glued to the screen.
Sumandal ako sa pader sa harap ng lamesa niya bago pinag-cross ang mga braso. "Itigil mo na 'yan. Hindi na natin itutuloy 'to." Seryoso kong turan.
Nakita kong kumunot muna ang noo niya bago nag-angat ng tingin sa akin, "What do you mean?" he adjusted his glasses.
I let out a sigh, "Dad only wants us to do this because he's so called preparing the company for me because he will soon hand me the CEO position. But I don't want it. Hindi ko kukunin ang posisyon sa kaniya kaya hindi na natin kailangan gawin lahat ng 'to." Paliwanag ko sa kaniya.
Muling kumunot ang noo niya bago bahagyang itinulak nag sarili palayo sa lamesa niya.
"Why? What happened?" he asked. I can't define whether his tone of voice was concerned or rather annoyed.
I let out another sigh, "I don't want it. I just... don't. Hindi ito ang pakay ko noong bumalik ako ng Pilipinas." sagot ko at nanliit ang isa niyang mata.
"Edi anong pakay mo?" tanong niya.
Umangat ang isang gilid ng labi ko. Isang singhal ang kumawala sa labi ko bago napatawa nang pagak.
This guy, he should've just become a psychiatrist rather than a lawyer when he's gonna make his way into people's minds like this.
I cleared my throat, "I was hoping I could see Grey and fix our relationship. But turns out... his grudge on me was so strong that I couldn't do anything about it." I explained and I saw his lips parted.
His brows furrowed, "What did he do this time?" he asked,
I sighed, "Well, he planned on gaining my trust, which actually worked. And then he will—"
"Wait..." I paused.
This time? What did he do this time? So there was... a different time he did something?
My brows furrowed, and I stood up straight on my feet before removing my arms from my chest. "He has done something before?" I suspiciously asked.
I saw how Anthony's eyes grew wide and how his lips parted.
Tangina...
I gritted my teeth, "You know something about this, Anthony?" I sternly asked. His eyes even grew wider before shaking his head.
"No! I don't—"
"Kasabwat ka ni Grey?! Alam mo rin 'to!!" Nang humakbang ako papalapit sa kaniya ay agad niyang itinaas ang magkabilang kamay sa ere.
"Hindi! Hindi ako kasabwat ni Grey! At hindi ko alam kung anong nangyayari!" sigaw niya pabalik.
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa galit. Kinuyom ko ang kamao ko at nanginig ang mga ito.
Anthony slowly shakes his head, "Wala akong alam, Code. Wala akong alam sa mga ginagawa ni Grey." Kalmadong turan ni Anthony.
Napasinghal ako bago nginuya ang loob ng pisnge ko, "Pero may alam ka?" Mariin kong turan.
And the fuck? He calls Grey so casually? I don't remember them two being this close?! Surely, they've spent time with each other.
Muling namilog ang mga mata niya bago bumagsak ang balikat, "Meron..."
Bumagsak ang balikat ko, kumawala ang isang mapait na tawa na nasundan pa ng ilang pagpalakpak.
Tumingin ako sa pader sa tabi ko bago nagpameywang, "Pinagtulungan niyo 'ko—"
Tumayo ito mula sa bangko niya, "That's not it, Code! Gagamitin niya lang din sana ako!" Putol sa akin ni Anthony.
Nagbalik ako ng tingin sa kaniya bago napakunot ang noo, "What do you mean... gagamitin ka lang din sana niya?" Taka kong tanong.
Utay-utay umiling si Anthony bago bumuntong-hininga, "I... it's better if you ask Grey," he replied, which made my brows furrow.
"You expect me... to talk to that guy?! After what I found out?!" I shouted and Anthony shuts his eyes before shaking his head.
"Code, 'wag kang magpadala sa galit mo. I'm sure he has his reason—"
"Oh heck, he does! Of course, he fucking does! And that's because he was mad at me that he gained my trust and my daughter's trust so he could break us in the end!" I cut him off before facing my back at him as I stormed out of his office.
I was furious when I came back to my office. Maze flinched when I slammed the door as I marched towards my table.
Fuck... they're all... against me! They teamed up just to pull me down! They all planned this! They were in this together!!
Sino-sino pa sila?! Ilan pang tao na malapit sa akin ang pinagpaplanuhan ang pagbagsak ko?! Ilang tao pa ang kasabwat ni Grey sa plano niya?! Ilan sila?!
Sino pa sa mga taong malalapit sa akin ang sisira sa tiwala ko?! Una, si Kuya Top, tapos si Grey, tapos ngayon, si Anthony! Sino pa?! Sino pa ang taong malapit sa akin ang sisira sa tiwala ko?!
Si Lukas? Tangina... si Lukas?!
Agad akong napatayo mula sa bangko ko. Dinampot ko ang cellphone, susi, at wallet ko bago humaripas palabas ng opisina. Narinig ko ang ilang pagtawag at paghabol sa akin ni Maze. Hindi ko ito pinansin at agad pumasok ng elevator.
Si Lukas? Kasabwat din niya si Lukas?! Malamang! Noong mga panahon na nasa Canada ako ay magkasama sila. Nagkakasama silang dalawa. Kasal nila Yago, paglipat-bahay nila Yago, hanggang sa mga birthday ng kambal. Magkasama sila! Hindi impossible na magkasabwat din sila!
Sila Yago... si Hades at Yago!
Pati ang mag-asawang yun... kasabwat din sila!
"Tangina talaga!!" Napasipa ako sa pinto ng elevator sa sobrang galit. Nang bumukas ang pinto ay agad kong naitulak ang kung sinong tao na nakaharang sa pinto bago tumakbo papunta ng sasakyan ko.
Ilang beses akong bumusina nang walang dahilan sa kalsada. Ilang beses kong hinampas ang manibela at pinanggigilan ang gas ng sasakyan sa puntong humaharurot na ang kotse ko sa kalsada.
Walang paligoy-ligoy ay agad akong sumakay ng elevator pagkarating ng kumpanya ni Lukas. Hindi ko pinansin ang mga taong bumabati o nagtatanong sa akin kung saan ako papunta lalo pa at alam ko kung anong floor at saan ang opisina ni Lukas.
Pagkabukas ng elevator ay pakiramdam ko'y susungaba ako sa sahig sa sobrang pagkasabik ng paa kong maglakad. Hindi ko nagawang kumatok sa pinto ni Lukas at binuksan nalang ito basta sa sobrang galit.
"Code...!" Gulat na bati ni Lukas nang makita ako.
Parang umusok ang ilong ko at nagsarili ang mga paa kong lumapit sakaniya. Sa segundong tumigil ako sa harapan ng lamesa niya ay agad ko itong na-kwelyuhan at hinila patayo.
"Code! Pare! Ano ba?!" sigaw nito habang mahigpit ang kapit sa kamay ko.
"Sabihin mo, kasabwat ka ni Grey!? Kasabwat ka niya sa pagganti sa akin?! Umamin ka, Lukas! Umamin ka!!" sigaw ko sa kaniya habang inaalog ang katawan niya.
Marahas ako nitong naitulak palayo, muntikan pa akong matumba at umikot ito palabas ng lamesa niya.
Ako naman nag kinwelyuhan nito, "Anong kasabwat?! Anong pagganti?! Nababaliw ka na ba?!" sigaw nito sa akin, napasinghal ako bago mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
Nangilid ang maiinit na luha sa mata ko, "Pinagplanuhan niyang gaganti siya sa akin. Kinuha niya ang loob at tiwala ko, pati tiwala ng anak ko para sa huli, iiwan at sasaktan niya kami. Plinano niyang siraan ako sa mata ng tatay ko para hindi sa akin ibigay ang kumpanya, pero hindi iyon ang ikinagagalit ko!!" Sigaw ko. Kahit naninikip na ang lalamunan ko at ang mga luha ay utay-utay nang umagos sa pisnge ko, mas nangingibababaw pa rin sa akin ang galit.
"Galit ako sa kaniya dahil... dahil idinamay niya si Chiara. Idinamay niya ang anak ko, Lukas. Masasaktan si Chiara kapag nalaman niya 'to." Sunod-sunod na umagos ang luha sa pisnge ko.
Nanginig ang labi ko, "Yung... Yung kasamahan ko sa kumpanya, akala ko... akala ko kaibigan ko siya pero... kasabwat din siya ni Grey. May alam din siya sa... sa pinaplano ni Grey, magkaswabwat sila!" Dagdag ko pa habang ang lalamunan ko ay sumasakit na.
Napasinghot ako, "Bakit ba... bakit ba lagi nalang akong pinagtataksilan? Bakit ba... walang kahit sino ang kumakampi sa akin? Bakit lahat kayo... lahat kayo tinatraydor niyo 'ko?" Lumuwag ang pagkakakapit ko sa kamay ni Lukas na nasa kwelyo ko at agad itong itinakip sa mukha ko habang sunod-sunod na paghikbi ang kumawala sa labi ko.
"Bakit niyo 'ko... pinagkaka-isahan? Bakit niyo... ginagawa sa'kin 'to?" Utay-utay nanlambot ang tuhod ko.
Dahan-dahan akong bumagsak sa sahig habang ang kamay ni Lukas ay pinakawalan na ang kwelyo ko.
"Karma ko na ba 'to? Dapat ko ba talagang... pagdaanan lahat ng 'to?" Umiiyak kong turan. Ilang paghagulgol ang umalingawngaw sa buong opisina ni Lukas habang ang mga luha ko ay patuloy ang pag-agos sa pisnge ko.
Hindi nagsalita si Lukas subalit alam kong naka-upo na rin ito sa sahig katabi ko. Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa kabila ng pag-iyak ko.
"Code..." Utay-utay lumapat ang palad nito sa balikat ko.
"Code kakampi mo 'ko. Hindi ako...— wala akong alam sa plano ni Grey." Malumanay nitong turan.
Nang alisin ko ang kamay sa mukha ko ay nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Nakita ko kung gaano siya na-aawa sa akin. Nakakunot ang noo subalit magkaparte ang mga labi.
"Wala akong alam sa sinasabi mo na tinatraydor kita dahil... hindi ko kayang gawin yun sa'yo, Code. Hindi kita kayang pagtaksilan." Dagdag pa niya habang ang kamay ay patuloy ang paghimas sa likod ko.
"At tungkol sa plano ni Grey, alam kong galit siya, alam kong... kinamumuhian ka niya at minsan niyang nabanggit sa akin na dadating ang araw na ikaw naman ang luluha sa inyong dalawa, pero wala siyang sinabi kung paano at kailan." Dagdag pa niya, ang noo nito ay parang ginusumot na papel sa sobrang pagkakunot.
"K-Kaya wala akong alam sa... sana plano niya. Maniwala ka," Nagsusumamo hindi lang ang boses niya kundi pati na rin ang ekspresyon niya.
Napalunok ako ng laway habang pinipigilan ang sarili na muling bumuhos ang luha. "S-Sila Yago? Si Hades? Wala silang... alam? Hindi nila alam ang tungkol sa plano ni Grey?" Para akong bata na nagsusumamo sa harap ni Lukas.
Nakita kong naitikom nito ang labi niya bago utay-utay umiling, "Hindi ko alam, Code. Pero... kung gusto mo... kung gusto mo pupunta tayo sa kanila? Sasamahan kita, tatanungin natin." sagot niya at agad akong tumango.
Dinala ako ni Lukas sa sofa sa opisina niya. Pinakalma ako nito at pinadalhan pa ng maiinom at pagkain sa secretary niya. Nagsabi ito na may aasikasuhin lang daw siyang papeles bago kami umalis. Hindi ko namalayan na sa paghihintay ay tuluyan na akong kumalma at nakatulog sa sofa.
Noong una ay ayaw akong pagmanehohin ni Lukas mag-isa. Pinipilit ako nitong sumakay sa sasakyan niya at sabay na kaming pumunta kila Yago. Pero sa huli ay napagod siyang makipagtalo sa akin at hinayaan na ako.
Sa pinto palang ng bahay nila Yago ay hindi na mapakali si Hades. Agad nitong dinala ang kambal sa kwarto bago sumama sa amin sa baba.
"May alam ka?" Tanong agad ni Yago sa asawa nang tumabi sa kaniya.
Hinuhuli ko ang mata ni Hades subalit masyado itong malikot, "Hades," Kalmado kong tawag dito.
"May alam ka? Sa plano niya?" tanong ko. Nakita kong kinagat nito ang pang-ibabang labi bago umiling, "Wala, wala akong alam." sagot niya.
Narinig kong sumaltik ang dila ni Yago bago hinarap ang asawa at hinawakan ito sa kamay, "Hades, magsabi ka ng totoo. May alam ka sa plano ni Grey?" Malumanay na tanong ni Yago.
Biglang napasaltik si Hades ng dila bago marahas na napakamot sa ulo, "Basta sabi niya dati... gaganti siya! Pero hindi ko alam kung anong plano niya, wala siyang sinabi. Sorry, Code, hindi ka namin pinagkaisahan! Galit din ako sa'yo dati nun, eh! Kaya... sinuportahan ko si Grey noong sinabi niya na gaganti siya. Pero matagal na yun, wala pa yung kambal, promise!!"
Maksi ako ay nagulat sa sunod-sunod niyang pagsasalita. Nakita ko na nakunsensya siya sa sinabi niya pero hindi naman iyon ang ikinasasama ng loob ko.
Alam kong gaganti si Grey, simula palang. Inihanda ko rin ang sarili ko doon. Hindi ko lang inakala na... sa ganoong paraan.
Nanghihina akong ngumiti bago inabot ang kamay ni Hades, "Alam ko, Hades. Alam kong... galit kayo sa akin noon. At naiintindihan ko na sinuportahan mo si Grey noong sinabi niyang gaganti siya. Tanggap ko naman iyon, alam kong gaganti siya." sagot ko at halos sabay kumunot ang noo ng mag-asawa.
"Kung ganun, edi... anong... anong ikinagagalit mo?" tanong ni Yago.
Binatawan ko ang kamay ni Hades at itinuwid ang likod ko, "Idinamay niya si Chiara. Kasama sa plano niya ang kunin ang loob ng anak ko para saktan kami sa huli." sagot ko at nakita kong nagparte ang labi ni Yago.
"Totoo ba? M-Magagawa ni Grey yun?" Nag-aalinlangan na tanong ni Yago.
Isang malalim at nanginginig na buntong-hininga ang kumawala sa labi ko bago tumango. "Mukhang kaya niya. Muntikan na nga siyang magtagumpay kung hindi ko lang nabuking." May panlulumo sa boses ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kaya niya iyong gawin sa anak ko.
Napakamot si Yago sa ulo, "Nag... Nagka-usap na ba kayo? M-May sinabi na ba siya tungkol dito?" tanong ni Yago.
Ilang segundo akong natigilan at nakaparte ang mga labi na pinagmasdan ang mag-asawa.
Tumawa ako nang pagak bago napahilamos sa mukha, "Para saan pa? Magsisinungaling siya? Magpapalusot? Wala na akong tiwala sa kaniya. Mahihirapan na siyang... kumbinsihan ako sa kung ano man ang sasabihin niya." sagot ko bago sumandal sa sofa at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"Code, hindi ba mas mabuti na... mag-usap manlang kayo? Makinig ka? Hayaan mo siyang magpaliwanag?" Nilingon ko si Hades na may nag-aalinlangang ekspresyon sa mukha. Nakakapit ito sa asawa at halos magdikit na ang magkabilang kilay.
Tumaas ang gilid ng labi ko, "Ayaw ko na siyang makita pa. Sapat ng dahilan ang nalaman ko para... para tapusin na ang kung anong relasyon namin sa isa't-isa." ani ko at may narinig akong suminghap na isa sa tatlo.
"Pipiliin ko ang anak ko. Pipiliin ko si Chiara. At hindi ko na hahayaan pa na lumapit ulit ang anak ko sa tao na minsan siyang pinagbalakan ng masama." Dagdag ko pa bago muling napahilamos sa mukha.
"Edi... anong balak mo ngayon?" Tanong ni Lukas sa tabi ko.
Inalis ko ang palad ko sa aking mukha bago ito nilingon, "Sasabihin ko sa tatay ko na hindi ko tatanggapin ang posisyon. Magtatrabaho nalang akong bilang abogado ng kumpanya namin habang nagiging mabuting ama sa anak ko." sagot ko at utay-utay tumango si Lukas.
"Nasa sa iyo 'yan. Desisyon at buhay mo naman 'yan. Basta kung kailangan mo ng kausap, andito kami. Pwede mo kaming lapitan kahit kailan. Kapag masyadong mabigat na ang trabaho mo, tumawag ka, ilang minuto lang makakapunta kami—"
Kumawala ang isang pagak na tawa sa labi ko na ikinakunot ng noo ni Lukas.
"Bakit?" Taka nitong tanong, umalis ako sa pagkakasandal sa sofa bago tumingin sa mag-asawa, tapos kay Lukas.
Bumuntong-hininga ako bago napa-iling at tumawa nang mapait, "Sinong nagsabi na dito ako sa Pilipinas magtatrabaho?"
Grey's POV
"'Wag mo na munang pansinin si Louis—"
"Of course. Hindi talaga. Sa tingin mo ba papansinin ko siya matapos ang ginawa niya kagabi?!" Singhal ko kay Bianca nang lapitan ako nito sa station.
Umigting ang panga ko, huimigpit ang kapit ko sa papel na hawak ko bago nagpakawala ng isang nanginginig na buntong-hininga.
Umirap ako bago nagbalik ng tingin sa papel, "Baka hindi ako makapagpigil at masuntok ko pa siya." singhal ko bago naglakad paalis.
Si Bianca palang ang napagsasabihan ko ng nangyari kagabi. Maski siya ay nagulat nang malaman na matagal na kaming nagka-ayos ni Code at mag-boyfriend na. Pero hindi gaya ni Louis ay hindi ito nag-alburuto sa galit.
Nang malaman niya ang ginawa ni Louis kagabi ay maski siya'y nagalit kay Louis. Muntikan pa niyang gatungan ang galit ko at suportahan akong sugurin si Louis na nasa kalagitnaan ng operation.
Dahil nasa iisang department lang naman kami ni Louis ay hindi imposible na hindi kami magkakitaan o makasalubong ang isa't-isa. Ilang beses kaming wala ng isang metro ang layo sa isa't-isa pero ni minsan ay hindi ako nito sinubukang kausapin.
Siguro'y ramdam pa rin niya ang galit ko. At ang kapal naman ng mukha niya kung sakaling kakausapin niya ako matapos ang nangyari noong isang gabi.
Sayang at wala rin si Cairo rito kaya naman wala akong mapagsabihan. Tanging si Bianca lang ang nakakausap ko at hindi rin naman ako makapunta kila Hades dahil sa trabaho.
Alas nuebe na natapos ang shift ko ngayon, muntikan pa akong mag-OT kung hindi lang sinalo ng ibang doktor ang batang kakapasok lang ng ER.
"Grey?"
I stopped in my tracks. I was about to reach for my car door when a voice called me.
"Can we please... talk?" My blood boil.
The moment I turned around, I saw Louis panting and sweating heavily. His brows furrowed not from anger but rather from... guilt.
"Magpapaliwanag ako—"
"'Wag na. Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo." Putol ko agad dito. Nakita kong namilog ang mga mata niya.
Tumayo ito nang maayos mula sa pagkakatuon ng kamay niya sa tuhod, "Please, makinig ka sa'kin—"
"Bakit kita papakinggan?! Pinakinggan mo ba ako noong pinapatigil kita sa pagsasalita?! Pinakinggan ba ako ni Code noong sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya matapos mong sabihin lahat ng dapat ay atin-atin lang?!"
Sa tingin ko'y kahit sa kabilang kalsada ay narinig ang lakas ng sigaw ko.
Naramdaman kong sumikip ang lalamunan ko at namasa ang mga mata ko. Ang pagkakahawak ko sa aking cellphone at susi ay lumuwag na pwede nitong ikahulog sa kalsada.
Napalunok ako ng laway habang pinipigilan ang sarili ko tuluyang umiyak. "Dahil sa'yo... dahil sa'yo tuluyan kaming nasira. Dahil sa'yo... dahil sa'yo tuluyan siyang nawala sa'kin." Sunod-sunod ang hikbing kumawala sa labi ko na nasundan ng mga luhang umagos sa pisnge ko.
"Okay na, eh. Okay na kami! Nakapagpaliwanag na siya at... nawala na yung galit ko sa kaniya. Nakalimutan ko na rin ang dating plano ko dahil... dahil napagtanto kong mahal ko pa rin siya." Marahas kong pinahid ang mga luhang nasa pisnge ko.
"Pero dahil sa'yo," Umigting ang panga ko, "Dahil sa'yo kinamumuhian na niya ako ngayon! Dahil sa'yo, sa paningin ni Code ay masama akong tao dahil idinamay ko ang anak niya na kahit kailan ay hindi ko kayang gawin kay Chiara!!"
Sa gilid ng mata ko ay may nakita akong mga tao na lumingon sa gawi namin. May ilang mga guards na tumigil sa hindi kalayuan at tinanaw kami.
Humikbi ako bago pinahid ang luha sa baba ko, "Masaya ka na? Masaya ka nang wala na kami ni Code?" Singhal ko,
Pinahid ko ang luha sa pisnge ko, "Bakit ba parang... parang mas apektado ka pa kaysa sa'kin tungkol sa mga nangyari na taon na ang nakakalipas? Ikaw ba ang iniwan sa ere? Ikaw ba ang nagmaka-awa at lumuhod sa harap ni Code?" tanong ko rito.
Tumungo si Louis bago utay-utay umiling, "Code, hindi—"
"Edi bakit kating-kati kang gumanti ako kay Code?! Bakit gustong-gusto mo na magkasira kami?! Anong bang gusto mo—"
"Ikaw! Ikaw ang gusto ko, Grey! Med school palang! From the moment I laid my eyes on you, I want you! Gusto kita! Pero dahil hindi ka handang pumasok sa isang relasyon noong mga panahon na yun, nag-settle ako sa kung hanggang saan lang tayo! At FUBU yun, Grey! Pumayag lang akong maka-FUBU ka dahil gusto kita!"
Nakarinig ako ng ilang hiyawan at palapakpakan sa hindi kalayuan. Paglingon ko sa mga guard na malapit sa warehouse ay sinamaan ko ito ng tingin na agad nilang ikinatigil sa pagpalakpak at isa-isa nang umalis.
Nagbalik ako ng tingin kay Louis na ngayong diretso nang nakatingin sa mga mata ko habang may pailan-ilan na luhang umaagos sa pisnge niya.
"Gusto kong... gumanti ka kay Code dahil... gusto ko na tuluyan mo siyang kamuhian at itakwil. Gusto ko na mawala na siya sa ala-ala at buhay mo para... para ako naman. Ako naman ang susubok, ako naman ang papalit sa puwesto niya sa puso mo."
Isang singhal ang kumawala sa labi ko na nasundan ng isang pagak na tawa. "Papalit? Sa puwesto ni Code?" Muli akong suminghal bago napatingala sa langit.
Akala niya talaga...
Nakuyom ko ang kamao ko. Gustong-gusto kong pakawalan ang suntok na nagbabadyang lumapat sa mukha ni Louis subalit pinipigilan ako ng kunsensya ko at ng lisensya kong natatakot na baka mabawi kung sakaling gumawa ako ng gulo sa parking lot ng ospital.
Nang bumaba ako ng tingin kay Louis ay nakaluhod na ito sa harapan ko at umiiyak.
Gumuhit ang mapait na ngisi sa labi ko. "Sa tingin mo talaga mapapalitan mo si Code? At sa tingin mo papalitan ko si Code?" Singhal ko. Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita ko ang naguguluhan niyang ekspresyon.
Tumawa ako nang mapait, "Louis... kung hindi si Code, 'wag nalang. Dati ko nang sinubukan na hanapin sa ibang lalaki ang mga bagay-bagay na ipinaramdam sa akin ni Code pero bigo akong mahanap yun. Kaya napagtanto ko na... na walang ibang lalaki ang mag mamay-ari ng puso ko kung hindi si Code lamang." Pinahid ko ang luhang umagos sa labi ko bago siya tinalikuran.
Nabuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ko nang bigla itong magsalita, "Grey, please. Just... one chance. Give me a chance. 'Wag na si Code, ako nalang." Nanginig ang boses niya.
Imbes na maawa, imbes na malungkot at maluha sa pagmamaka-awa niya ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko at pakiramdam ko'y pumitik pa ang litid sa sintido ko.
Itinapon ko sa loob ng sasakyan ang bag at mga gamit na hawak ko bago malakas na itinaklab ang pinto at muling hinarap si Louis.
Lumuhod ako sa lebel niya at dinakma ang kwelyo niya gamit ang magkabila kong kamay na siyang ikinagulat at ikinalaki ng mga mata niya.
Nangilig ang panga ko sa sobrang panggigigil. Halos mapunit na ang kwelyo ng scrub niya at halos bumaon ang sarili kong kuko sa aking palad.
"Kung gusto mong... irespeto pa kita bilang doktor at bilang tao, tigilan mo na ako, Louis. Dahil simula noong gabing sumawsaw ka sa relasyon ko, nawala na ang respeto ko sa'yo bilang kaibigan."
Marahas ko siyang itinulak sa sahig sa puntong bumagsak ang buong katawan niya rito. Marahas kong binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok. Nakita kong tumayo pa ito ngunit hindi na sumubok na katukin o kausapin ako bago ako tuluyang nagmaneho paalis.
Pagdating ko sa condo ay para akong patay na utay-utay naglalakad palapit sa sofa. Ibinagsak ko sa sahig ang gamit kong dala bago itinapon ang sarili sa sofa. Sinipa ko ang Crocs ko paalis ng paa ko at napatingala sa kisame. Gustohin ko man na umiyak ay parang wala ng luha ang mailalabas ang mga mata ko.
Simula noong gabing yun ay iyak na ako nang iyak. Hindi rin ako nakatulog noong gabing yun dahil umiiyak lang ako habang sinusubukan na tawagan si Code. Pero matapos ang ilang ring ay pinapatay nito ang tawag at matapos ang ilang subok ko ay hindi ko na ito matawagan dahil naka-block na ako sa kaniya. Si Bianca lang din sa trabaho ang nangamusta sa akin noong makita na namumugto ang mata ko.
Pakiramdam ko ay wala akong kakampi ngayon. Wala akong mapagsabihan ng problema lalo pa at si Cairo lang naman ang nakaka-alam ng plano ko maliban kila Bianca. Natatakot din akong magsabi kila Hades dahil baka magalit lang sila sa akin dahil kung titingnan naman talaga ang sitwayson, ako ang nasa mali.
At kung hihingin ko ang awa nila ay magmumukha pa akong katawa-tawa dahil kasalanan ko naman talaga tapos ako pa ang may ganang humingi ng suporta at awa nila.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa cellphone ko. Noong una ay inakala ko pa na alarm ito kaya sinubukan ko itong patayin. Pero nang makilala ang ringtone at mapagtanto na may tumatawag pala sa akin ay agad akong napabangon mula sa pagkakahiga sa sofa at sinagot ang tawag.
"Hello?" Paos kong sagot sa tawag.
[Hello? Grey? Nasaan ka?!]
Napakunot ang noo ko nang marinig ang humahangos na boses ni Cairo.
"Uhm... nasa condo? Bakit? Ikaw? Nasaan ka—"
[Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko na ang nangyari sa inyo ni Code, sinabi sa akin nila Hades at Yago.] Putol niya sa akin.
Agad nagparte ang labi ko habang lumakas naman ang kalabog ng dibdib ko. "Listen, Cairo, alam kong mali ako—"
[I-reserve mo na yung paliwanag mo. Kailangan mong pumunta sa bahay ngayon nila Code!] Putol niya sa akin. Agad napakunot ang noo ko bago napakusot ng mata.
Nag-ayos ako ng pagkaka-upo ko sa sofa. "B-Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
Si Chiara ba? 'Wag naman sana! Wala sanang masamang nangyari sa bata o kay Code!
Suminghap si Cairo, [Grey, makinig ka. Naka-schedule ng flight sila Code at Chiara ng 11 AM. Babalik sila ng Canada! Kung ayaw mo na tuluyang mawala sa'yo ang mag-ama, pumunta ka sa bahay ni Code bago mahuli ang lahat!]
—-------
a/n: feel ko talaga 1-2 chaps nalang huhuhuhuhu, let me know your thoughts, guys!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co