Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 7

_Dominous_

Grey's POV

To: Nicodemus Ace

I'm coming!

Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko na siya namang ikina-agaw ng attensyon ng lahat.

"Shit, Louis, I have to go!" I said in a hurry.

I walked back towards the room and heard some of them calling me while I packed my things.

"Hey... what's with the hurry?" Nang lumingon ako sa gawi ng pinto ay nakasandal rito si Louis at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

I sighed before picking up my bag, "There's something wrong with Chiara, isusugod daw ni Code sa ospital." sagot ko bago naglakad sa gawi niya.

Papalabas na sana ako ng pinto ng kwarto nang hawakan ako nito sa braso, "But it's still your day-off, bukas pa ang shift mo." Pigil nito sa akin.

Tiningnan ko ito sa mapupula niyang mata, napabuntong hininga ako bago inalis ang pagkakakapit ng kamay niya sa braso ko.

"Code specifically wants me to take care of his daughter." I calmly respond despite the need to rush.

Louis's lips parted but then closed a second after, "Okay, take care, drive safe." he softly said, and I nodded before giving him a smile, "I will, thank you, happy birthday ulit." ani ko bago lumabas na ng kwarto.

Nagpaalam na rin ako kila Bianca at sa ibang kaibigan ni Louis na sinubukan pa akong pigilan. Tinawanan ko lang ang mga ito bago nagmaneho paalis.

Nang makalabas na akong subdivision at makarating ng main road ay tinawagan ko si Code.

Ilang ring palang ay sumagot na ito.

[Hello–]

"Hello, nasa ospital na ba kayo?" Hagas kong tanong rito. Sinusbukan kong magmabilis magpatakbo pero dahil may mga intersection akong nadadaanan ay kailangan ko pa rin mag dahan-dahan.

[Wala pa, nag-iimpake pa kami ng mga gamit. Ipapa-admit ko na siya. Nasa ospital kaba ngayon?] Sa tono palang ng pananalita nito at bigat ng paghinga sa pagitan ng bawat salita ay alam kong hindi na rin ito mapakali.

"Shit, Code, I'm not in Manila, nasa Tagaytay ako. Pero pabalik na ako! Don't worry, papunta na ako!" Wala pang isang minuto iyon pero ilang sasakyan na ang na overtake-an ko.

[Shit...] bulong nito sa kabilang linya.

I've been in situations like this. Minsan nga ay kalagitnaan ng pagtulog ko'y may tumatawag sa akin dahil may pasyenteng manganganak na at ako ang kinuha nitong pedia.

But it feels different this time. Mas kinakabahan ako. Mas natataranta ako.

"Hey, Code," I tried to sound as calm as possible, trying not to fuel the fear inside him.

"Tell me what's wrong, anong nararamdaman ni Chiara?" I'm trying to distract him and calm him down a bit while trying to make a diagnosis at the same time.

[I-I... I see small red spots all over her body. She... she's also having a very high fever. She said her head hurts and she kept on crying and crying— malayo kapa ba?] Though it didn't work, as he started to panic.

I pursed my lips before honking at the vehicle in front of me.

Shit, bulutong yata 'yan.

"Okay, Code, I'll... I'll be there as fast as I can, dalhin mo na siya sa ospital–"

[No, hindi ko siya dadalhin hangga't wala ka. Gusto ko, ikaw ang mag-aasikaso sa kaniya!] Halos sumigaw na ito sa kabilang linya.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko, "Fine, fine, I'll call you kapag malapit na ako." ani ko rito at nag-hum ito.

[Si-Sige, sige, maghihintay kami.] Nauutal nitong turan,

Napakagat ako sa pang-ibaba matapos marinig ang kaba at takot sa boses nito.

"Code," Malumanay kong tawag dito.

[Ano yun?]

"Kumalma ka. Kapag nakita ka ng anak mo na nagkakaganiyan, lalo siyang matatakot. You need to calm down." I said before taking a turn to take the express way.

He hummed, [Yes... right, I'll calm down but please... bilisan mo.] He pleaded, he sounded so weak and defeated, and I felt a sudden pounding in my chest after hearing him plead.

I cleared my throat before nodding, "I will, don't worry." I said before ending the call.

The travel was supposed to be an hour and a half long, but I was able to reach Manila within 50 minutes after overtaking various vehicles and almost making the car fly.

"Hello, Code? Malapit na ako, I'm 15 minutes away from the hospital, magkita tayo doon." ani ko agad dito nang sumagot ito sa tawag.

[Sure, sure, papunta na kami.] Nakarinig ako ng ilang ingay sa kabilang linya.

"Code, kamusta siya?" tanong ko rito,

Bumuntong hininga si Code sa kabilang linya, [She stopped crying and she's asleep right now.] he said, which was such a relief that it made me relieved too.

"That's great, see you sa–" I paused. Fuck.

"Bye," I immediately ended the call before stepping on the gas.

The moment I arrived at the hospital, some nurses where shocked to see me. Agad akong napatakbo ng elevator para pumunta ng clinic ko. Kinuha ko ang coat ko, nagsuot ng face mask at ng ID ko bago muling bumaba. Sakto naman dahil pagdating ko ng ER ay kararating lang ni Code na dala-dala ang anak.

"Her fever went down a bit pero mataas pa rin." Hagas na turan ni Code nang isakay namin sa stretcher si Chiara.

Maya-maya ay nagising ang bata, at ilang segundo lang ay nagsimula nanaman itong umiyak.

The moment Chiara was brought to the ward and nurses started checking her vitals, I gave her a quick look all over her body. And I wasn't wrong that it's chickenpox.

"Hey," the moment I faced Code, I saw how sweaty and stressed he was.

But the first thing that came to my mind is to give him a face mask since chickenpox is airborne, and he might catch it too.

Agad akong kumuha ng facemask na dala ng nurse bago ito hindi sinasadyang isuot sa kaniya.

"Kumalma ka nga," ani ko rito, bahagyang naiinis dahil maski ako ay natataranta na rin habang pinapanood siya.

Bahagya pang namilog ang mata nito bago inayos ang face mask na ako pa mismo ang nagsuot sa kaniya.

Shit. Ako ang nagsuot nun sa kaniya!?

Huminga ako nang malalim, "You're daughter is having chickenpox, normal 'yan ngayon lalo na at summer. Mabuti at nadala mo agad siya rito para matingnan ang lagay niya." Kalmado kong turan dito.

Tumango ito, malalim pa rin ang paghinga at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa anak.

Agad nitong inasikaso ang admission ng anak sa ospital. Pagkadala nito sa kwarto ay agad ko itong sinundan para muling tingnan ang lagay ni Chiara.

Mugto na ang mata nito sa kakaiyak, mataas pa rin ang lagnat at balot na ng bulutong sa katawan.

"Doc Grey, it hurts po." Mangiyak-ngiyak nitong turan. Pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan si Chiara.

"I know, Chiara, but I promise you, I will do everything para gumaling kana agad. In four to seven days, gagaling kana." I said in an assuring tone.

She faintly smiled, which almost broke my heart. "Promise po, Doc Grey?" she innocently asked before reaching out her pinky.

I smiled and nodded, "I promise," I made a pinky-promise with her, which made her giggle.

Gosh, I love kids. They're so precious and innocent. Bakit mga bata pa ang kadalasang nagkakabulutong? Why do they have to suffer like this? It pains me to see kids in pain.

After staying beside Chiara for almost half an hour, I decided to head to my clinic after realizing I'm still wearing my shorts that I usually wear when working out, paired with my grey shirt that I wear when I sleep.

I don't look like a doctor from any angle right now.

The good thing is that I have spare clothes in my clinic. And thankfully, they are way more presentable than my shorts and grey shirt.

I took a quick yet good shower. Kahit anong pagod ko ay hindi rin naman ako makakatulog ngayon dahil may pasyente ako. Sa tuwing may mga ganitong kaso sa ospital ay hindi ako nakakatulog nang maayos dahil maski ako ay nag-aalala para sa mga pasyente ko.

Saktong kalalabas ko palang ng bedroom sa clinic ko at nagpupunas ng basa kong buhok nang magkagulatan kami ni Code na nasa loob ng clinic ko.

Agad kumunot ang noo ko, "Bakit ka andito?" Inis kong turan bago naglakad palapit sa kaniya.

Nagbaba-taas ang tingin nito sa akin bago inilabas ang cellphone ko, "Naiwan mo sa kwarto ni Chiara, ibabalik ko lang." ani niya at napabuntong hininga ako bago naglakad papalapit sa kaniya at kinuha ang cellphone ko.

"Akala ko naman kung ano. Next time, kapag hindi naman importante, 'wag ka nang pumunta rito." ani ko bago siya tinalikuran at naglakad sa gawi ng lamesa ko para ipatong ang cellphone ko.

Narinig ko itong suminghal, "Alam mo... napakasungit mo." Tumaas ang isa kong kilay bago siya nilingon.

"Ano–"

"Ang sungit–sungit mo. Ang init-init lagi ng ulo mo. That's your fucking phone. Paano kung may tumawag sa 'yo? Paano kung tawagan ka dahil may pasyente kang kailangan puntahan?!" singhal nito na ikinatawa ko nang pagak.

"Alam mo—"

"Do you usually ignore your patients? Cause gosh, I was panicking awhile ago tapos ikaw kina-cancel mo lang yung tawag ko?! What if it was a worse case? Paano kung hindi na makahinga nang maayos yung anak ko!? Tangina, doctor kana niyan–"

I couldn't hold it any longer. He pressed a switch he shouldn't even be touching in the first place. In a split second, I grabbed him by the collar, spun him around, and shoved him into my table. Some of my things even fell on the ground.

"How dare you question my passion for my work? Eh tangina, binuhos ko lahat ng oras ko rito noong umalis ka! Mahal na mahal ko yung trabaho ko at ang ginagawa ko!" Nanggigigil kong turan sa kaniya. Iilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa at kaunti nalang ay masusuntok ko na ito.

"Hindi ko naman alam na may emergency si Chiara! Kung alam ko lang, edi sana unang tawag mo palang sinagot ko na!" Sigaw ko rito, malalim ang tingin sa mga mata niya at nanginginig ang kamay sa sobrang galit.

Tumawa ito nang mapait bago bahagyang umigting ang panga, "Nakalimutan mo na ba? Hindi ba sabi ko, hindi na kita aabalahin maliban nalang kung tungkol kay Chiara. Bakit? Inaakala mo ba na tatawagan kita nang walang dahilan?" Singhal nito na ikinaparte ng labi ko.

Fuck, ang tigas talaga ng isang 'to!

"All I care is about my daughter, that's it. Wala ng iba. At alam kong... alam kong hindi mo naiintindi yung nararamdaman ko dahil hindi ka naman magulang, pero tangina, Grey, 'wag mo naman sanang dalhin yung personal nating problemang dalawa sa trabaho mo!" Inilapit nito lalo ang mukha niya sa akin at halos magdikit na ang mga ito. Agad napa-urong ang mukha ko. Natauhan ako bigla at bumagsak ang galit na eksprsyon. Nawala ang tensyon sa noo at panga ko.

Shit, we're too close.

My grip on his collar loosened, my eyes softened, my breath hitched. And in a few seconds, I took a step backwards.

Nag-ayos ng tayo si Code mula sa pagkakasandal sa lamesa ko. I clasped my hands together and rubbed it with each other.

I heard Code let out a sigh, "I want you to be Chiara's doctor, not because I want to be closer to you. I'm not doing all this because we had a history with each other, but because I know my daughter loves you," he calmly said. The grimace on his face disappeared just like mine.

Now I can clearly feel the coldness of the room. I was so full of emotions a while ago, and I couldn't feel or think properly. I was burning mad that I forgot I just got out of the shower, and my hair is still dripping wet.

He grabbed something from my table, "Salamin mo, muntikan kong matuunan kanina." Ini-abot nito sa akin ang salamin ko na agad ko rin isinuot.

"I know you love kids, Grey. I know how much you adore them. And I... I appreciate how you treat my daughter. But I am asking you to treat her a little more special. I know I said don't bring up the past, but... baka kahit kaunti, treat her different than other kids kasi anak ko siya." He softly said with desperation in his voice. My breath hitched for the second time. I know he can clearly see the movement on my chest with every breath I take.

Why do I feel like I'm running out of breath after the last part of what he said?

Parang ang bigat... parang... parang masakit.

Silence took over us for a minute. The only thing I can hear is the sound coming from the air-conditioner and a bit of Code's heavy breathing.

He cleared his throat, "Aalis na ako," he said before walking towards the door. He reached for the knob and twisted it when I spoke.

"Code," I called. He paused and turned his head to face me. "Call me when Chiara needs something," I said, a small smile printed on my lips. He smiled at me before nodding and leaving the room.

As usual, I couldn't sleep properly. I could barely sleep at least 30 minutes straight without waking up at any sound I hear because I always think there's something going on with my patients.

Para tuloy akong lantang gulay na naglalakad sa hallway ng ospital para mag-rounds.

"Good morning, Doc Grey!" Bumungad ang boses ni Chiara nang pumasok ako ng kwarto niya.

Nginitian ko ito bago naglakad papalapit sa kaniya na pinapakain ng ama niya.

"Hello Chiara, good morning, how's your sleep?" I asked, squatting down a bit to her level.

She pouted, "I couldn't sleep properly po, it hurts everywhere," she replied, and I nodded before taking a look at her arms.

"Bakit dumadami lalo?" Nag-aalalang tanong ni Code,

Nilingon ko ito bago nag-ayos ng tayo, "Ganun talaga kapag bulutong. Hindi kapa ba nagkakabulutong noong bata ka?" tanong ko rito,

Tumango ito, "Nagkabulutong ako noong elementary pero hindi ko na masyadong tanda." sagot niya at tumango ako,

"Dumadami talaga 'yan, pero titigil din 'yan sa pagdami at mawawala rin after a week." sagot ko at tumango ang mag-ama.

Nang pinagmasdan ko si Chiara ay napansin kong mapula at mamasa-masa ang mga mata nito, maga rin ang mga ito dahil siguro sa kakaiyak. Pero habang kinakausap ko naman ito ay makulit at madaldal pa rin siya.

Hindi muna tuloy ako umalis dahil alam kong nalilibang ang bata at nakakalimutan ang mga sakit-sakit sa katawan niya. Nang tumunog ang pager ko ay saka lang ako nagpaalam at umalis.

I have patients to attend in the ER same goes in the ward. Natagalan din ako doon at inabot na ng tanghalian.

Umuwi rin ako saglit matapos mag-rounds nghapon. Naligo lang ako sa bahay at nag-impake ng mga panibagong damit na dadalhin ko sa ospital. Hindi na ako nagtagal sa bahay at bumalik na rin agad sa trabaho.

Kinabukasan ay nakabalik na si Louis at Bianca mula sa Tagaytay. May dala pa itong mga tirang handa mula sa birthday ni Louis na kinain namin ng tanghalian.

"Balita ko naka-confine yung anak ng ex mo." ani nito habang kumakain.

Tumango ako, "Oo, may bulutong." sagot ko at tumango si Louis.

"Pa-alala lang, ha, yung anak ang dapat alagaan, hindi yung tatay." Pang-aasar nito, napahagalpak ng tawa si Bianca habang ako itong natigilan sa pagnguya ng pagkain bago umirap.

Hindi na ako halos umuuwi ng bahay. Kahit gabi ay binibisita ko ang mga pasyente ko. Lagi kong hinuhuling bisitahin si Chiara dahil alam kong mapapatagal ako kapag siya ang bibisatin ko.

"Hey, bakit hindi ka pa tulog?" Bati ko rito nang utay-utay kong buksan ang pinto ng kwarto niya at nakita itong mulat na mulat.

"I was asleep po, Doc Grey, but I had to pee po so I went to the bathroom by myself." sagot nito at napakunot ang noo ko bago nilingon ang ama nitong tulog sa sofa.

Dahil sa tangkad at haba ng binti nito ay hirapan itong pagkasyahin ang sarili niya sa maliit na sofa. Kahit hindi ako ang nakahiga doon ay alam kong nakakangalay ang posisyon niya doon.

"Doc Grey," Nagbalik ako ng tingin kay Chiara nang tawagin ako nito,

"Yes?" I gave her a smile before walking towards her.

"Can you give my blanket to Daddy po? He was shivering po kanina, eh." She softly requested.

My lips parted before looking to Code, then back to Chiara, "You need your blanket too. Don't worry, I'll get another blanket for you daddy, okay?" I gave her a smile, a smile grew on her lips before she cutely nodded.

Pagdating ko sa nurse's station ay sakto naman na nasa laundry raw ang mga kumot at ide-deliver palang bukas ng umaga. Wala akong naging choice kundi ang pumunta ng clinic ko para kunin ang ginagamit kong kumot.

Pagbalik ko ng kwarto ni Chiara ay mulat na mulat pa rin ito at hinihintay ako.

"Daddy is very tired po, nakaka-awa siya. He's always taking care of me but he don't take care of himself po." ani nito pagkapasok ko.

"That's because your daddy loves you so much, Chiara." ani ko bago naglakad sa gawi ni Code at dahan-dahang ipinatong sa kaniya ang kumot para hindi ito magising.

"I love Daddy so much too, ayaw ko po siyang mapagod super and magkasakit din po." ani ni Chiara.

Nilingon ko ito at napangiti, naglakad ako papalapit sa kaniya bago yumuko, "Your daddy is very strong, I know he won't get sick." I said and she smiled.

I stayed with her until she fell asleep. I took a last glance at Chiara and Code before leaving the room.

Kinabukasan ay pumunta ako sa malapit na 7/11 para bumili ng kape at almusal. Naghilamos din muna ako sa clinic ko bago nakaharap ang ilang pasyente at pumunta ng ward pagkatapos.

Nagpahinga lang ako saglit bago nag-rounds. Sakto pa dahil na-abutan kong nag-iimpake na ang isa kong pasyente na napamahal na rin sa akin. Binigyan pa ako ng chocolate ng magulang nito na siyang ikinataba ng puso ko.

"Hello Chiara, how's you sleep?" Bati ko rito nang pumasok ng kwarto niya.

Kumaway ito habang bahagyang nakanguso, "I'm hungry na po, Doc Grey." ani nito at napakunot ang noo ko bago nilingon si Code na nag-aayos ng mga gamit ng anak.

"Bakit hindi pa siya kumakain? May gamot siya ng 8 AM, ah? It's almost 9." tanong ko rito, bumuntong hininga ito bago humarap sa akin.

"Parating na yung mga katulong namin, na-traffic lang daw." sagot niya at tumango ako bago nagbalik ng tingin kay Chiara na nakanguso na.

Hindi ko kayang tiisin ang ganiyang pagpapa-cute ni Chiara. At hindi ko rin matiis na nagugutom na ang bata.

"Ako na ang bibili. Wait for Doc, okay, Chiara?" I gave the kid a smile, her face lit up before nodding and putting on a thumbs up with both her hands, which made me chuckle.

I ran to the nearest 7/11, where I bought my coffee a while ago. I also asked the cashier to heat up the rice bowls and sandwiches before running back to the hospital.

"I'm back," ani ko nang pumasok ng kwarto. Napapalakpak si Chiara nang makita ako, "Thank you, Doc Grey!" Masaya nitong turan.

Lumapit ako rito at ipinatong sa katabi nitong lamesa ang supot bago kinuha rito ang pagkaing binili ko para kay Chiara.

"Do you like this?" Ipinakita ko sa kaniya ang binili ko, agad naman itong tumango at kinuha sa akin ang pagkain.

"I can eat by myself na po," ani nito na ikinangisi ko.

Naramdaman ko si Code sa gilid ko na kinuha ang supot sa lamesa.

"Sandwich mo," Inilahad nito ang sandwich.

Napakunot ang noo ko. Bumili pa pala ako ng sandwich? Hindi ko napansin.

"Hindi para sa 'kin 'yan, I had my breakfast na, sa 'yo nalang kung gusto mo." sagot ko at tumango ito bago binuksan ang sandwich.

Hindi na ako nagtagal doon at ipina-alala lang kay Chiara ang gamot niyang iinumin bago umalis na rin para asikasuhin ang mga pasyente sa ward.

"'Yan naman, lumalambot na ang puso mo dunsa ama. Alam kong napamahal kana dun sa anak, pero tatandaan mo, tinarantado ka nung tatay ng batang yun." Bulong ni Louis habang nasa nurse station kami.

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang mga records ng pasyente, "Kung anu-ano nalang ang sinasabi mo, Louis." singha; ko rito na hindi manlang siya tinitingnan.

"Aba, pinapa-alala ko lang. Napapansin ko kasi, kanina ka pa tulala. Alam ko namang may pagka-sabaw ka minsan, pero simula kasi nang bumalik 'yang Code Costa na 'yan, napapadalas ang pagiging sabaw mo." sagot nito na ikinatawa ko bago umiling.

"I am fine, Louis, don't worry." sagot ko rito bago nag-angat ng tingin at ipinatong na sa counter ang clipboard.

Bumuntong hininga si Louis bago sumandal sa counter habang nakatingin sa akin, "You're mad at him, okay? Baka madala ka ng damdamin mo. Don't let your guards down. Maghihiganti kapa sa kaniya." Pa-alala nito na ikinatawa ko bago tumango.

Pagsapit ng tanghali ay may mga pailan-ilan na bata ang isinugod dahil sa iba't-ibang klaseng sakit. Ang iba rito ay dahil sa sobrang init, ang iba ay ubo't-sipon, ang iba naman ay tigdas at bulutong din.

Hanggang kinabukasan ay patuloy ang pagdagsa nito. Hindi ko nalang namamalayan na napupuno na pala ang ward at may mga ibang nakatayo na sa tabi. Maski si Bianca at Louis ay natataranta dahil sa dami ng bata na andito.

Kapag mga ganitong uso talaga ang sakit, kadalasan ay mga bata ang pinakang-apektado at kaming mga pediatrician ang laging abala.

Hindi ko nagawang umuwi ng bahay gaya ng plano ko. Pagsapit ng gabi ay bumaba ako ng parking para kumuha ng damit sa sasakyan.

Dinampot ko rin ang vape sa compartment box ko at nagsalin dito ng vape juice. Pumunta ako sa likuran ng sasakyan at naupo sa likod habang nakabukas ang tailgate nito.

Tahimik ang paligid, kahit papaano ay malamig rin ang simoy ng hangin. Dahil nasa tabing-kalsada ang ospital ay rining na rining ko rin ang ugong at busina ng mga sasakyang dumadaan.

It's not so peaceful, but somehow, it made me feel relaxed from the stress this workplace is giving me. It's a very tiring day, not the usual day, since I had to attend to almost a hundred patients today.

I deserve a little rest, me time, and a bit of puff.

"I didn't know you smoke." My brows furrowed after hearing the voice. I looked to my side and saw Code opening the tailgate of his car.

I chuckled before looking at my vape, "I don't smoke." I said with a smirk printed on my face.

He chuckled while rummaging through some stuff in his car.

"Si Chiara? Kamusta? Sinong kasama niya ngayon?" tanong ko rito bago humithit sa vape.

"Yung yaya niya, tatlo sila doon ngayon." sagot niya habang busy pa rin sa mga gamit sa loob ng sasakyan.

Maya-maya ay may ibinaba itong bag sa sahig.

"Stressed?" he asked before closing the back of his car, crossing his arms, and leaning on his car.

I chuckled and gave him a nod, "Ang daming pasyente, buong araw akong halos nakatayo. Nakalimot din akong magtanghalian." sagot ko at tumango siya,

Napakamot ito sa sintido, "Kumain kana?" tanong niya at tumango ako, "Yep, ito na nga dessert ko, eh." Ipinakita ko sa kaniya ang vape.

"Ang stressing pala talaga ng adulthood 'no? I have lots of things to work on at the company right now. But I'm not choosing them over my kid," he said, which made me chuckle while playing with my vape.

"Hindi ko tinatanong," maikli kong sagot bago nag-angat ng tingin sa kaniya na agad niyang ikinatawa.

Silence took over us for a few seconds. I glanced at him and saw him looking up at the sky.

I like this. I like it when we're just chill and not fighting. I like it when we're not arguing or getting on each other's nerves.

I'm too tired and drained right now that I have no power to be mad and argue with him. Next time nalang ulit kapag hindi na ako pagod.

I hummed, "Oh, you want?" Inalok ko ito ng vape.

Napalingon ito sa akin bago nagbaba ng tingin sa vape, "Isn't it unhygienic to share a vape?" he asked, looking at the vape with a slight disgust printed on his face.

A chuckle escaped my lips, "Wow, you've kissed me before and done way nasty things with me, ngayon ka pa mandidiri sa 'kin?"

—----------

a/n: puksaan na 'to mga teh, tingnan niyo, HAHAHAH nagsisimula na sila HAHAHAH, magkagalit sa umaga, friends sa gabi HAHAHAH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co