Chapter 8
Code's POV
We stayed in the hospital for a few more days. Thankfully, Chiara's chickenpox cleared up within a week, and we stayed in the hospital for another week to wait for her scabs to fully heal.
I was relieved when Chiara was no longer in pain. She was finally able to move and play like she used to before.
On the day she got discharged, Grey told me not to bring Chiara to the hospital again for the next days or weeks due to the high levels of cases of chickenpox and other diseases in the hospital.
Chiara was not happy about it.
"But Doc Grey!!" She ran towards Grey before hugging his legs.
I saw how Grey's eyes widened for a bit before smiling, looking down at Chiara while caressing her hair.
"It's for your own good, Chiara. It's not safe for you if you're always here." Grey softly said, I crossed my arms, leaned on the wall while watching the two of them.
Chiara stomped her feet, which made me faintly chuckle, "Then you're not safe here rin po!!" she argued.
Napatawa si Grey, nag-angat ng tingin sa akin bago agad nagbalik ng tingin sa anak ko matapos mapawi ang ngiti sa labi.
"You gave me the safety box, diba? I'm using it, so that means I'm protected and safe here." He softly said. Kahit siguro ako, kung kakausapin niya sa ganung tono ng boses ay mapapaa-amo niya.
"Pero it's not enough po! Baka maubusan ka!" Nagpapadyak ulit si Chiara sa sahig na ikinatawa ko habang umiiling pa.
"Tinitipid ko," sagot ni Grey at umiling si Chiara.
"I will make you another one po! I'll ask Daddy to bring it here again!" Chiara replied, and I saw how Grey's lips parted and eyes widened a bit.
Nag-angat ito ng tingin sa akin, malalambot ang ekspresyon nito at mukhang na-alala pa ang nangyari noon.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. Agad itong nagbalik ng tingin kay Chiara bago tumango, "Sure, hihintayin ko 'yan, ha? Basta 'wag ka munang pupunta rito, okay?" ani ni Grey at tumatango-tango si Chiara.
Despite Chiara's agreement with Grey, she still wanted to visit him almost every day after she got back home. There were mornings she would cry at me, begging me to bring her to the hospital.
She was testing my patience.
I must admit that I was never good at kids before. All I do is tease and make them cry– it makes me feel fulfilled whenever I make a kid cry. But not like this, not when my own kid is crying and begging for something that could bring her to danger.
"Is this your new safety box for Doc Grey?" I asked as she handed me another shoe box.
She pouted before nodding, "Yes, Daddy, I included other things too inside to make Doc Grey happy," she said, sulking, pouting, and even giving me the puppy eyes.
Napatawa ako nang pagak bago binuksan ang kahon, "Oh," Nagparte ang labi ko nang makita ang laman nito.
"That's my favorite pen, I'm giving it to Doc Grey, and he can use it to work too. And that's my favorite hair clip, he can use it somewhere, too. This naman, it's my favorite keychain given by my friend in Canada, I want him to have it too," she explained about some things in the box. There were many more, but I guess those are some of her favorite things too.
Napakunot ang noo ko nang may mapansin sa gilid ng kahon, agad ko iyong dinampot, "It's your baby picture, why are you giving this to Doc Grey?" Taka kong tanong dito.
Kung ako ang masusunod, hindi ko iyon ibibigay kay Grey lalo pa at isa rin yun sa mga paborito kong picture ni Chiara. Isa pa, wala namang pake si Grey sa picture na iyon.
A smile grew on her lips before reaching for the picture, "So Doc Grey can look at it when he misses me," she proudly said,
I chuckled at her cuteness before reaching back for the picture and putting it back inside the box.
"Bibili ba ulit ako ng chocolate for Doc Grey?" tanong ko sa kaniya at agad siyang tumango.
"Yes, Daddy!" she aggressively nodded, which made me chuckle.
Sa 7/11 na malapit sa ospital ako bumili ng chocolate para kay Grey. Nang makapasok ako ng ospital ay agad akong naupo sa gang chair bago kinuha ang cellphone ko para i-message si Grey.
To: Rafael Grey
Delivery from Chiara, andito ako sa lobby sa mga gang chair.
Akala ko'y magre-reply agad ito pagka-send ko o kahit mag-seen manlang. Pero nang makalipas na ang halos kalahating oras at wala pa rin siya ay muli akong nag message.
To: Rafael Grey
I have something to do in the company, pull your pranks some other time, I really need to leave immediately.
I placed my phone on top of my leg, that is bouncing uncontrollably. I would glance from left to right and even look at each male doctor who would pass by.
Not now, Grey. Kailangan kong magtrabaho ngayon. Sa ibang araw kana gumanti.
I looked at my watch, flicked my tongue, and shook my head.
Mamaya ko nalang ulit idadaan ito kay Grey. Dadalhin ko nalang muna ito sa opisina at kapag may oras pa ako mamayang hapon ay saka ko nalang dadalhin sa kaniya.
Napakamot ako sa ulo ko bago tumayo mula sa pagkaka-upo at nag-ayos ng polo.
Saktong hahakbang na ako paalis nang biglang dumating si Grey, tumatakbo, tinatawag ako at pawis na pawis pa.
"Code! Code!!" Nang makarating ito sa harap ko ay hinihingal ito. Napatungo pa at napahawak sa tuhod niya habang naghahabol ng hininga.
"Shit... I'm sorry... I..." Nag-angat ito ng ulo, "I was... in a surgery and... I don't have my phone, I didn't—"
"Magpunas ka ng pawis mo." Inilahad ko rito ang panyo na galing sa bulsa ko.
Nagparte ang labi nito bago naglipat ng tingin sa panyong nakalahad sa harap niya. Mukhang wala pa itong balak kunin kaya mas inilapit ko sa kaniya ito na kinuha rin niya kalaunan.
Pinanood ko itong magpunas ng pawis habang hinihingal pa rin.
"I didn't mean to make you wait. I was in the delivery room, and I didn't have my phone with me," he explained in his hoarse voice. I swallowed the lump in my throat before giving him a nod.
"It's fine, I didn't wait that long," I said before handing him the box that he immediately reached out for.
I cleared my throat, "I'm sorry too," his face snapped up. "I'm sorry for rushing you, alam kong nasa trabaho ka at buhay ng tao ang nakasasalay. Hindi dapat kita ini-istorbo. Susubukan kong kausapin si Chiara para hindi na magpadala pa ng kung anu-ano sa 'yo." Malumanay kong turan dito.
Namilog ang mga mata niya bago agad umiling, "No, no, it's fine. Hayaan mo lang siya. Kung... gusto ng bata, okay lang naman. Isa pa, natutuwa rin naman ako sa mga binibigay niya." Nakangiti nitong turan.
Wow, ngumiti siya sa akin.
Naitikom ko ang bibig ko para pigilan din ang sarili na mapangiti. "So... una na 'ko, may trabaho pa ako." Paalam ko rito,
Tumango lang siya habang inuusisa ang kahon nang may ma-alala ako, "Uhm, Grey," Tawag ko rito at nag-hum lang ito, tutok na tutok pa rin sa kahon.
"Chiara put her baby picture inside, para kung sakali raw na ma-miss mo siya, pwede mong tingnan yun." ani ko at nag-angat ang ulo nito, bahagyang namilog ang mga mata bago napangiti.
"Talaga?" Hindi makapaniwala nitong tanong at agad akong tumango, "I actually love that picture of her and personally, I don't want to give it away but she really wanted you to have it so... makiki-ingatan nalang." ani ko rito at agad siyang tumango.
"Sure— oo naman." sagot niya at tumango ako habang bahagyang nakangiti bago tuluyang umalis.
Pagkarating ko ng opisina ay agad akong sinalubong ng secretary ko. Mukhang problemadonhg-problemado ito at humahangos pa.
"Sir, your dad has been calling you kanina pa. Hinahanap ka po niya kasi gusto ka raw po niyang maka-usap about the contracts." Bungad sa akin nito nang pumasok ako ng opisina ko.
Napabuntong hininga ako at dire-diretsong naglakad papunta ng bangko ko.
"Don't worry, tatawagan ko na. You may leave the office for now." sagot ko rito at tumango ito bago umalis ng opisina.
Binuksan ko ang laptop ko at isang buntong hininga nanaman ang kumawala sa labi bago tinawagan si Dad.
Mukhang naghihintay na rin ito dahil hindi tumagal ng ilang segundo bago nito agad sinagot ang tawag.
"Hey—"
[What happened to the contracts that you were supposed to do!? Naka-usap ko si Mr. Villanueva at ang sabi niya ay wala pa rin daw hanggang ngayon ang kontrata!? Ano bang mga pinaggagagawa mo diyan!? You're supposed to be working!] Sunod-sunod ang sermon nito na hindi ko na ikinagulat.
Napapikit lang ako nang mariin bago bumunot ng isang malalim na buntong hininga.
"Dad, Chiara got sick and I had to bring her to the hospital. Dalawang linggo rin kami sa ospital kaya hindi ko na-asikaso lahat ng papeles." Malumanay kong paliwanag dito. Pinipigilan ko ang sarili ko na sagutin ito nang pabalang.
[What!? That's two weeks! Ang daming oras na nasayang! You could've finished those papers!? Bakit hindi mo ginawa!? Ano naman kung may sakit yung batang yun!?] singhal nito at napasapo ako sa noo ko.
Fuck, heto nanaman tayo.
"I was with her sa hospital. Siyempre kailangan ko siyang bantayan—"
[Bakit ba kasi isinama-sama mo pa 'yan diyan sa Pilpinas!? Nagiging sagabal pa sa trabaho mo! You should've been working on that two weeks! Look what happened! Sabi ko naman kasi sa 'yo, pabayaan–]
"Dad! I won't do that, okay!? If you don't care about her, well I do! Cause she's my kid!" I was easily pushed through my limits. Not with this. Not with this kind of conversation. Not with this topic.
Narinig kong suminghal si dad, [You're making me think that you don't deserve the CEO position–]
"Well, maybe I don't! Maybe I don't deserve to be a CEO! Maybe I will just be a company lawyer who works from day to night while also being a father! Baka hindi ko kayang maging kagaya mo dahil mahal ko ang anak ko! Unlike you!"
Someone, please, shut this old man up. Everything that is coming out from his mouth is bullshit. Wala na yata siyang maisip na maayos. Dahil 'yan sa kakatrabaho, alak, at pakikipag-sex niya kung kani-kanino.
Heck, maybe he has AIDS already. Buti nga sa kaniya.
Ilang segundong natahimik si Dad. Hindi ako lumilingon sa gawi ng laptop ko dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Heck, baka hindi rin muna ako tumingin sa salamin lalo pa at kamukhang-kamukha ko siya. Baka kapag tumingin ako sa salamin, siya ang makita ko at masuntok ko pa yung salamin.
[I will have another meeting with Mr. Villanueva next week. By that time, all the contracts, all the papers should be complete and finished. Do you understand?] Dad said firmly.
I took a deep breath, composed myself, and gave him a nod.
"Yes, I'll do that," I said. He didn't even react, not even nod or raise a brow. He just ended the call a second after, which made me clench my jaw and fist.
I badly wanted to punch my laptop. I badly wanted to throw it onto the wall to release my frustration. But I can't, I won't. That would be too childish.
Instead, I started working on the papers and contracts he wants me to finish. I distracted myself and allotted all the time I have to work, so I won't remember how much I hate and despise that old man.
Tangina, kailan kaya yun mamatay?
But heck, he's still young to die. He doesn't even look that old. He barely gets sick. That old man still works out and does sports. He could even pull women in their early and late twenties!
Bakit ba kasi siya nag-anak nang maaga!? We're only 22 years apart! Impossibleng mamatay na 'to dahil sa katandaan!
At may kasabihan sila, matagal mamatay ang masamang damo. Mukhang matagal pang maghahasik ng lagim sa mundo at buhay ko ang matandang yun.
I spent my whole week working on those damn contracts and papers. Ilang baso ng kape rin ang nainom ko at ilang bote ng energy drink ang naipon sa opisina at kwarto ko. Halos hindi ko na rin makalaro ang anak ko dahil gustong-gusto ko na talaga iyong tapusin.
Nilulunod ko nalang ang sarili ko sa trabaho dahil iniiwasan ko talagang ma-alala ang napag-usapan namin ng tatay ko. Pero habang mas tumatagal ang paggawa ko ay mas nanunuot ang galit ko sa kaniya.
Kaya naman laking ginhawa sa akin nang matapos ko na ito ng Sabado ng gabi. Nai-send ko na rin itong lahat kay Mr. Villanueva matapos ang ilang oras na pag pr-proofread at pag-aayos ng mga ito.
Sa wakas. Tapos na ang kalbaryo ko.
Kahit lampas alas diyes na ng gabi at patay na ang mga ilaw sa bahay ay bumaba ako papuntang pantry para tumingin ng alak. Beer lang sana ang gusto ko pero mukhang naubusan na kami dahil iniinom ko rin ito noong mga nakaraang araw.
Kahit gabing-gabi na ay lumabas pa rin ako para pumunta sa 7/11 dahil pakiramdam ko'y mangingisay ako kapag hindi ako naka-inom ng beer ngayong gabi.
Nag-park ako sa tabi ng itim na Montero sa labas ng 7/11 bago pumasok sa loob at agad kumuha ng tatlong can ng beer na gusto ko at isang malaking bag ng potato chips.
Agad din akong nagbayad sa cashier, pag-ikot ko ay laking gulat ko nang makita si Grey sa maymga cup noodles at naglalagay ng mainit na tubig.
"Oh, ngayon ka palang uuwi?" tanong ko rito, napansin ko na nakasuot pa ito ng scrubs niya at ng ID.
Nag-angat ito ng tingin, base palang sa mga mata nito ay halatang pagod na pagod ito.
"'Wag ngayon, Code, wala ako sa mood makipag-away." ani nito sa garalgal at malalim niyang boses bago dahan-dahan na naglakad papunta sa mga lamesa dala-dala ang tray na laman ang malaking cup ng noodles.
Wala sa sarili ko itong sinundan, nang tabihan ko ito sa lamesa ay nilingon ako nito at sinamaan ng tingin.
"Ano ba?" Galit pero pagod nitong singhal. Nakakunot pa ang noo at masama ang tingin sa akin.
Napatawa ako nang pagak, "Relax, I'll just have my drink here. Ayaw ko nang i-uwi pa sa bahay." ani ko bago buksan ang isang can ng beer.
Nakita ko ito sa gilid ng mata ko na ilang segundong pinagmasdan ang iniinom ko, "Mag-iinom ka, tapos magmamaneho ka pauwi?" Inis na turan nito na muli kong ikinatawa matapos sumimsim ng beer.
"Oo. Bakit? Ihahatid mo 'ko pauwi?" Pang-aasar ko rito at umirap siya bago sumubo ng kinakain niya.
"Hahayan kitang mabangga o mahuli." sagot nito na ikinatawa ko ulit. Binuksan ko ang bag ng potato chips at sumubo ng ilang piraso bago siya inalok.
Agad itong umiling, "Hindi ako kumakain ng chitchirya para sa hapunan." sagot niya na ikinataas ng kilay ko.
"Pero noodles para sa hapunan, oo? Doktor ka pero hindi healthy kinakain mo." sita ko rito na ikinahagikhik niya nang bahagya.
Wow. Ganito pala siya kapag wala sa mood makipag-away? Nagiging... mabait bigla?
"Tinamad na akong magluto. Gusto ko, pag-uwi ko, maliligo at tutulog nalang ako." sagot niya bago inayos ang salamin.
Utay-utay akong tumango, "Lagi ka bang ganiyan? Noodles?" tanong ko at umiling ito.
"Madalang, minsan... fast food, minsan canned goods, minsan sandwich, at kung anu-ano pa na madaling kainin." sagot niya at utay-utay akong tumango bago sumubo ng potato chips.
"But isn't it... unhealthly?" tanong ko rito at nilingon niya ako habang ngumunguya na bahagya kong ikinangisi.
Naningkit ang mga mata niya, "Anong magagawa ko? Nakakapagod sa trabaho, iilang oras nalang din ang tulog ko, paano pa kapag magluluto ako?" Sarkastiko nitong turan na ikinatawa ko bago muling sumimsim ng alak.
"Sa 'yo 'tong itim na Montero, diba?" Turo ko sa sasakyan sa harap namin. Sakto at naka-upo kami sa harap mismo ng mga sasakyang nakaparada sa labas.
Nag-hum ito habang ngumunguya, "Paano mo nalaman?" ani niya na ikinatawa ko nang bahagya,
"Yung plate number, na-alala ko lang." sagot ko at tumango siya.
Binalot kami ng katahimikan ng ilang minuto. Siya itong kumakain ng noodles at sandwich niya habang ako itong nag-iinom sa tabi niya.
"Kailan ka nagpalit ng sasakyan?" Tanong ko bigla, na-alala ko kasi ang luma nitong sasakyan noong college na regalo sa kaniya ng tatay niya.
"After med school," Maikli nitong sagot at utay-utay akong tumango.
"Regalo ng Dad mo?" tanong ko, nilingon ako nito habang nakakunot ang noo.
"No, I bought it with my own money." sagot niya na para bang na-offend siya sa tanong mo.
Utay-utay akong tumango, "Nasaan na yung sasakyan mo noong college?" tanong ko bago sumubo ng chips.
Nakita kong bahagya itong ngumisi, "Nasa bahay, naka-stock lang. Ayaw kong i-benta, attached na ako dun sa sasakyan. May attachment issued pa man din ako." sagot niya na ikinatawa ko nang pagak at muntikan pang masamid sa beer.
Nilingon ako nito, "Wow ha, tuwang-tuwa ka naman." Inis nitong turan na ikinatawa ko lalo.
Alam ko namang may attachment issues siya. Kahit hindi niya sabihin ay halata ito. Napansin ko na rin iyon noong college pero ni-minsan ay hindi ko iyon binanggit sa kaniya. Nakakatawa lang marinig na siya mismo ang nagsabi sa akin.
"Na-alala ko noong college, siksikan tayo sa loob nun." ani ko at napatawa siya nang pagak bago tumango.
"Kayo lang, wala kaming problema ni Cairo sa unahan. Kayo nila Lukas, Yago, at Hades ang nagsisiksikan sa likod." ani nito habang ngumunguya ng sandwich niya.
Napangisi ako. Wow, na-aalala pa niya yun?
"Bakit ba kasi ayaw mo akong pa-upuin noon sa passenger seat?" Pabiro kong tanong, hinihintay ko siyang kumunot ang noo o mapikon pero hindi ito nagpakita ng kahit anong inis sa mukha.
Nag-angat ito ng ulo bago nagpahid ng labi gamit ang tissue, "Hindi sa ayaw kitang pa-upuin sa passenger seat, paborito kasi ni Cairo ang pwesto sa unahan kaya hinahayaan ko nalang siya." sagot nito at bahagyang nagparte ang labi ko.
Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko bago napatikhim, "So... kung hindi uupo doon si Cairo, papa-upuin mo ako?" Nangangapa kong tanong dito.
Kunot-noo ako nitong tiningnan, "Oo naman," Maikli niyang sagot.
Pero kahit ganun iyon kaikli ay hindi ko napigilan ang ngiti na gumuhit sa labi ko. Agad akong sumimsim ng beer para matakpan ang ngiting hindi ko maalis.
Hindi kalaunan ay naubos na niya ang sandwich niya. Saktong pagka-ubos naman niya ng noodles niya ay siya ring ubos ng pangalawang lata ko ng beer.
Tumayo ito mula sa pagkaka-upo na agad kong sinundan ng tingin. "Aalis kana?" tanong ko, tumingin ito sa relo niya bago tumango.
"It's almost 12PM na, inaantok na rin ako." sagot nito habang dala-dala ang tray na naglakad sa may basurahan.
Agad kong dinampot ang mga basura ko bago siya sinundan para magtapon na rin.
Nagulat ito nang makita ako sa likuran niya, "Uuwi kana rin?" tanong niya at tumango ako.
"Oo, ano pa ba ang gagawin ko rito?" Sarkastiko kong turan na ikina-iling lang niya.
Bumalik kami sa mga lamesa para kunin ang mga naiwan naming gamit bago lumabas ng 7/11.
"Anong oras ang pasok mo bukas?" tanong ko rito habang pinapanood siyang maglakad papunta sa sasakyan niya.
Nilingon ako nito, "Off ko bukas," sagot niya bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya.
"Ah, ganun ba? Mabuti yun para makapagpahinga kana." ani ko bago naglakad papunta ng sasakyan ko.
Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at akmang papasok na nang tawagin ako ni Grey, agad akong napalingon sa gawi niya, "Drive safe, 'wag kang magpapahuli at 'wag ka rin ma-aaksidente. Pero don't worry, kapag namatay ka, aakuin ko si Chiara." sigaw nito habang nakadungaw sa bintana niya.
Napangiwi ako pero utay-utay napalitan ng ngiti. Nakita ko ang ngising nakaguhit sa labi niya habang sinasaraduhan ang bintana ng kotse niya at nagmaneho paalis.
Napa-iling ako. Wow, may progress. Hindi na niya ako inaaway. Pero parang gusto niya akong mamatay.
—---------
a/n: change of heart naba ito? HAHAHAHAH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co