Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 20

heartlessnostalgia

Kabanata 20

TAHIMIK na kami sa buong byahe and it was the most awkward time of my life. Halos may marinig na akong kuliglig sa paligid at wala rin naman siyang imik habang nakasandal sa upuan niya at nakapikit.

He looks tired at panigurado'y antok na rin. It's... I think one or two in the morning at talagang nakakaantok na ang oras na 'to.

I wonder what happened to the party. Gayong nagkagulo sa parking. Did they evacuate?

I sighed.

My Mom, sana ay naroon sina Trece sa bahay. Pagkatapos kong gamutin si Zeijan ay uuwi ako kaagad kay Mommy.

Nananakit na rin ang katawan ko. Nakagat ko ang labi at naghanap ng mas maikling daan patungo sa building ng condo niya. I drove there within ten minutes at nang makarating ako sa parking ay kaagad kong ginising si Zeijan.

"Zeij?" I called him softly. He slowly opened his eyes, umayos siya ng upo at nakita ko ang pamumungay ng mata niya.

"Hmm?" aniya.

"Uh, we're here..." mahinang sabi ko. May sumalubong sa sasakyan na guard. Nakita kong ibinaba ni Zeij ang bintana ng sasakyan at sumilip.

"Kuya," aniya.

"Sir Zeijan! Nandito na po pala kayo."

"Pasok na po kami..." ani nito. The guard nodded, nakita kong sumaludo siya kay Zeij at ganoon din ang ginawa ni Zeijan.

I parked pagkapasok namin ng parking lot at pinatay ko kaagad ang makina pagkatapos at sumandal.

"Are you tired?" Mabilis akong sumulyap kay Zeij at umiling.

"Ayos lang," I smiled. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tumango.

"Dapat ako na ang nag-drive..." he sighed. Hinawi niya ang buhok niya at lumingon sa akin. "Stay there," aniya.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya nang lumabas siya ng sasakyan dala ang hinubad niyang suit. Umikot siya at nagtaka ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Come on," aniya sa akin. I stared at him at nang inilahad niya ang kamay sa akin ay napalunok ako pero tinanggap ko iyon.

Inalalayan niya ako palabas. Kaagad niyang isinara ang kotse paglabas ko at nagulat ako nang hawiin niya ang buhok ko at inilagay ang suit niya sa balikat ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryoso lamang siya sa ginagawa habang kunot ang noo.

"Let's go..." aniya. He held my waist at naglakad kami pero napangiwi lang ako nang manakit ang paa ko.

It was probably because of that man at sa heels ko rin.

"Are you alright?" he asked. Nag-angat ako ng tingin at tumango sa kanya.

"Hmm, I'm just..." tumingin ako sa paa ko. Nakita kong napatingin din siya roon at binitawan ang baywang ko.

Dumukwang siya at nakita kong sinipat niya ang paa ko.

"Uy, ano, that's fine... Halika na..." sabi ko. Hindi naman siya nagsalita at napasinghap ako sa gulat nang sakupin niya ang likuran ng paa ko at mabilis na binuhat ako.

Napakapit ako sa leeg niya sa biglaang ginawa.

"Zeij..." mahinang sabi ko.

"Kumapit ka," aniya.

"I can walk... Ayos lang 'yong paa ko," gulat ko pang turan, mabilis ang kalabog ng puso.

"Let me carry you," he said. Ibinaba niya ang tingin sa akin habang buhat ako at nabakas ko ang lambot sa mata niya.

"Hindi ba sasakit 'yong braso mo? Baka magdugo," pagkausap ko sa kanya habang naglalakad kami.

"It's alright. I let you drive 'till here, so, hayaan mong ako naman." Hindi ako nakapagsalita roon at kumapit pa ako sa balikat niya.

Inayos niya ang pagkakabuhat sa akin at huminga ako nang malalim bago sumiksik sa may dibdib niya.

It still feels different, to be on his chest during tough days. Kahit nanghihina ako ay nagkakalakas ako dahil ganito kaming kalapit dalawa.

I can feel his heart beating fast, probably, imitating mine. Ipinikit ko ang mata ko at inamoy siya.

I still can't understand why I feel like I'm home now that he's here. I'm confused.

Tahimik lang ako habang nakakapit sa kanya. The guard chose the right floor for us bago kami iniwan sa elevator.

We went to the hidden elevator here at hindi roon sa maraming tao.

Mabigat na masaya ang pakiramdam ko ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit. Sumiksik lang ako sa kanya at wala naman siyang imik habang buhat ako.

I felt like it was the slowest elevator ride dahil pakiramdam ko ay napakatagal namin doon.

The elevator opened. Kaagad akong tumingin sa may elevator at nakita ang pintuan niya roon. Lumapit kami roon at kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin.

"Baba mo na ko, uh, para mabuksan na," mahinang sabi ko.

"No need..." aniya sa akin. "Just touch the lock with your finger para mabuksan."

That stopped me.

"Huh?" takang tanong ko.

Paanong nangyari 'yon?

"You input your fingerprint there years ago," aniya at naalala ko iyon.

I remembered him telling me to input my fingerprint there, matagal na iyon but why...

"H-hindi mo tinanggal?" gulat kong sabi. He cleared his throat and shook his head.

"No..." Napakurap ako. "I... don't have time."

Nagtatakang inilapit ko ang daliri ko sa lock ng pintuan at nang magbukas 'yon ay umawang ang labi ko. Oh, my god! Talagang nandoon pa rin!

We entered the room and it suddenly feels nostalgic, kumalabog ang dibdib ko. It still feels the same—the warmth of this place and the warmth that this man gives me, parehas pa rin. Ibinaba niya ako sa sofa at nang makaupo ay kaagad kong inayos ang coat niya sa balikat ko para iyakap sa sarili ko.

Umalis siya at nanatili lang akong nakatingin sa paligid. It was still the same, his interiors, the floor, the things... Walang binago kahit ano.

"Here..." inilahad sa akin ni Zeij ang baso ng tubig.

"Salamat..." mahinang sabi ko at uminom. Nagulat pa ako nang lumuhod siya sa harapan ko at tinanggal ang heels ko bago ilagay sa gilid at tumayo ulit.

Napasulyap ako sa kanya at nakitang nakatitig lang siya sa akin.

He looks tired, mapungay ang mga mata niya at magulo ang buhok. Nakabukas na rin ang butones ng damit niya at nang mapasulyap ako sa braso niya ay humugot ako ng hininga.

"Come here," marahang hinila ko siya kaya naupo siya sa tabi ko. "Saan 'yong medicine kit mo?"

"CR..." sagot niya. I nodded. Sa muling pagsulyap ko sa kanya ay nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Why?" I asked.

"Wala..." mahinang sabi niya at tumikhim. I nodded.

"Uh, sige, kunin ko muna roon."

"Change your clothes first..." aniya sa akin. "Baka nilalamig ka na."

"I don't have any clothes here, sa bahay na lang siguro mamaya," sagot ko.

"Upstairs, sa kwarto ko," aniya na nagpatigil sa akin.

"Anong susuotin ko roon?" takang tanong ko.

"Pili ka na lang..." tumayo siya at kinalas ang butones niya kaya napakurap ako roon. "I'll go clean myself first, magbihis ka na muna."

"'Yong sugat mo?"

"Later, ayos ka muna." I nodded. Nang mawala siya sa paningin ko ay 'tsaka lamang ako umakyat.

I still remember this place too well, like I was here just yesterday. Ni walang ipinagbago miski ang ikalawang palapag. It remained untouched, still the same. Sa may bandang dulo pa rin ang kwarto ni Zeij at pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng pabango niyang gamit.

Something tugged inside my chest.

Napahawak ako sa dibdib ko at naglakad papasok doon. I suddenly remembered the things we did here, and I missed it so much. Kung pwede nga lang ibalik but that's impossible by now.

Once I cleaned his wound then, I need to go.

Naglakad ako palapit sa cabinet doon, this is where I once kept my clothes.

Binuksan ko iyon para makakuha sana ng pamalit pero natigilan ako nang makita ang mga gamit doon. It's my clothes!

Napakurap ako at nakagat ko ang labi ko.

Bakit nandito pa 'to?

Lumapit ako para halukayin iyon at lahat nga ng naiwan ko noon ay narito pa rin! Some of my perfumes are also here! My clothes are still hanging there, untouched.

Lumapit ako roon para hawakan iyon at kumalabog ang dibdib ko.

He kept it all for all those years. Why? I mean... We're already off so bakit...

No, baka naman hindi lang nagalaw? Maybe... I'll just tell him na kukunin ko na ang mga gamit ko. Baka inaantay niya lang na ako mismo ang kumuha.

I chose a simple shirt and shorts. Naligo ako sa banyo niya at nakitang wala pa sa kalahati ang mga shampoo at shower gel niya roon. I fixed myself and cleaned my wound. Sa may paa ko kasi ay may sugat at bahagyang may kalmot ang pisngi ko dahil nga sa lalaki kanina.

Those dimwits deserved to die, anyway. Hindi na naman ako makakasabak sa shoot agad dahil dito.

Nang matapos ay kaagad akong nagbihis at ibinalot ang buhok ko sa tuwalya ni Zeijan. I smelled like him, ginamit ko kasi ang shower gel niya at napangiti ako roon.

Ang problema ko naman ngayon ay si Antonio. He probably knows I failed the mission, kaya kailangan ko talagang makauwi at mabantayan si Mommy. I can't risk it again if he touches her, baka may gawin siya... ayokong mapahamak ang Mommy.

Nagsuklay ako ng buhok at bumaba ng sala. Wala siya roon kaya naglakad ako sa may teresa at nakitang naroon nga siya at may kausap.

"I'm safe, how about you?" aniya at mas lumapit ako roon. "Good, Kuya is worried about his princess. Nasaan sina Kuya Raf? Sina Reah? Are they safe?"

Napangiti ako sa lambing ng boses niya. He's probably talking to his sister.

"Are there any casualties?" aniya sa kausap at nakita kong umayos siya ng tayo at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.

He's only wearing his faded maong pants. Wala siyang suot na pang-itaas na damit at nakahubad doon kaya napailing ako.

Ang lamig ng hangin, baka magkapulmoniya siya niyan?

"Good, sorry, if Kuya ruined your party, princess," aniya at napakurap ako.

He did not ruin the party! I did! Kung wala lang akong plano roon, e di sana hindi ako makikita ni Zeij at hindi kami magkakagulo roon sa parking!

I started it first so, it was my fault why the party was ruined.

Magsasalita sana ako pero napatalon ako sa gulat nang may dumampi sa paa ko.

"My god!" napahawak ako sa dibdib ko.

Nakita kong napatingin si Zeijan sa akin kaya mabilis kong ibinaba ang tingin ko at umawang ang labi ko nang may makitang dalawang maliliit na huskies sa paa ko!

"God..." gulat kong sabi at nakitang umiikot-ikot 'yong dalawang puppies sa paa ko. Napangiti ako roon at mabilis na dumukwang.

OMG! Kailan pa siya nagkaroon ng aso?

I smiled. Mabilis akong naupo para haplusin ang ulo ng dalawa at napatawa ako nang sumiksik ang isa sa may hita ko at ang isa naman ay nagpumilit umakyat sa hita ko.

"Hi, babies!" I cheered.

They barked a little, I chuckled and carried them. Naupo ako sa lapag at inilagay ang dalawa sa hita ko.

"Ang cute niyo!" tuwang-tuwa kong sabi.

"They like you..." Mabilis na nawala ang atensyon ko sa dalawang aso at napatingin ako kay Zeijan na nakadukwang na rin sa harapan ko ngayon.

"Aso mo?" nakangiting tanong ko at binalikan ng tingin ang dalawang cute na aso. Nagtatatalon 'yong isa kaya nanggigil ako at binuhat iyon sabay yakap.

"Cute mo!"

"Hmm, bigay ni Dash..." aniya sa akin at napatingin ako sa kanya.

"'Yong brother mo?" he nodded.

"It was Skye's baby huskies. Binigay nila sa akin 'tong dalawa para 'di naman daw tahimik dito," he said.

"Tahimik ba rito?" I asked pero hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang isang aso sa lap ko at binuhat kaya kinarga ko 'yong isa at tumayo rin.

"It's been three years since the last time this place became lively," sagot niya nang hindi tumitingin at naglakad paalis kaya umawang ang labi ko.

Sumunod ako sa kanya at nakita ko siyang naupo sa sofa at ibinaba ang aso roon. Hindi naman ako nakasagot. My heart was beating faster like a playing drum.

Nakita ko ang medicine kit sa lamesa kaya inabot ko iyon at naupo sa tabi niya. He's touching the dog's head. Ang puppy naman na hawak ko ay bumaba at tumakbo palapit kay Zeijan.

"Uh, 'yong sugat mo..." mahinang sabi ko. Lumapit naman siya at inabot ang shirt niya para suotin.

Inabot ko ang braso niya at mabilis siyang sumunod. He moved closer, ang dalawang aso naman ay inalalayan niya pababa ng sofa at napangiti ako nang tumambling 'yong isa at nagsitakbuhan sila.

Inayos ko ang shirt niya paakyat sa may braso niya. He remained looking at the dogs at napalabi naman ako roon.

"Uh, what are their names?" I asked him.

"That one with an almost white head is a girl..." aniya sa akin. "Si Didith..." pakilala niya. Napatawa naman ako roon at napasulyap sa aso.

"Really? Didith is her name?" Sumulyap siya sa akin ng bahagya at tumango.

"Hmm..." he hummed.

"Eh, 'yong isa, anong name?" I asked. Binuksan ko ang betadine at inilagay sa cotton habang sinusuri ang sugat niya.

It's not that deep pero medyo malaki ito at kung hindi lilinisin ay baka maimpeksyon.

Hinaplos ko nang marahan ang braso niya at bahagyang idinampi ang cotton.

"What's that?" napatalon siya roon.

"Betadine lang," napatawa ako. "Hindi alcohol, don't worry."

Ngumuso siya at tumango. Para maayos ang pagtingin ko sa braso niya ay nag-indian sit ako sa sofa habang siya nama'y nakaupo sa tabi ko.

Para mawala ang awkwardness ay nagdaldal ako.

"Anong name no'ng isa?" ulit ko.

"You won't like his name..." Nakita kong nakagat niya ang labi. Napasulyap ako roon at napalunok nang makitang namumula na iyon.

"Huh? Bakit naman?" tanong ko. Ipinatong ko ang kamay niya sa may hita ko para ma-check ng maigi ang sugat niya.

"I ran out of ideas kaya 'yon na lang ang pangalan na ibinigay ko." He glanced at me.

"What is it?" I asked. "Baka mamaya kalokohan lang 'yan, huh."

"Uh, that puppy..." turo niya roon sa mas maraming black na kulay sa may ulo. "That's Duduth..."

Nabulunan ako ng laway at napaubo. Napatawa naman siya at nilingon ako.

"What the fuck?" I hissed. Tumawa siya at nanliit ang mata sa akin.

"I told you, wala na akong maisip." Pinalo ko ang braso niya.

"Marami namang ibang pangalan bakit..." natigilan lang ako nang nakitang napapangiwi na siya. Muli akong napatingin sa sugat niya at mabilis na umayos ng upo.

"Oh, my god! I'm sorry!" I exclaimed.

Napalo ko ang braso niya!

Nakangiwing humawak siya roon at tiningnan ako.

"Akala ko ba concern ka? Then, why are you hurting me?" he whined.

"Nadala lang..." I chewed my lips. "Kasi naman, bakit Duduth?" reklamo ko at napatingin doon sa aso na walang kamuwang-muwang sa ipinangalan sa kanya nitong lalaking 'to!

"Wala na nga kong maisip," aniya at inagaw sa kamay ko ang cotton. "Akin na nga, baka baliin mo 'tong braso ko."

"Ako na!" Inagaw ulit sa kanya ang cotton at hinawakan ang braso niya.

"Kawawa naman 'yong aso sa pangalan niya. Medyo katanggap-tanggap 'yong Didith pero 'yong Duduth? What the hell?" Napatawa siya roon at sumulyap sa akin.

"I was bored that time when Dash gave it to me. Sabi niya, ako na ang magpangalan kaya 'yon. Habang nakatulala sa hangin, naisip ko 'yon."

"You should have thought of better names," natatawa kong sabi. "Kawawa 'to kapag laki."

"Then should I name the dog Alyx? Gusto mo, siya na si Alyx ngayon?" Sumimangot ako at sinipa ang paa niya. Napatawa siya at inabot ang buhok ko para guluhin.

"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago, are you taking meds? May amats ka pa rin," nakatawa kong sabi at nakita kong binasa niya ang labi at sumulyap sa akin.

"They say change is the only permanent thing in the world pero wala 'yon sa bukabolaryo ko. I still couldn't change like how people expected me to do. Palagi pa rin akong bumabalik sa nakasanayan ko." Nakangiti niyang sabi.

Napatitig naman ako sa kanya at may kung anong humaplos sa dibdib ko sa sinabi niya.

Is that double meaning or what?

"They say, addictions are bad, but I keep on coming back to those addictions kasi roon ako masaya. In that bad addiction, kahit gaano kasama, kahit gaanong ka hindi pwede. I am who I am at kahit pilitin ko mang baguhin ang sarili ko, ang nakasanayan ko, palagi kong nakikita ang sarili ko na nasa tabi ng taong 'yon, kahit bawal..." aniya at napalunok ako.

"Lahat naman nagbabago, 'di ba? Ewan ko lang sa akin kung bakit hindi." Sumulyap siya sa akin at nag-iwas lang ako ng tingin at pinakiaalaman ang bandage roon para iikot sa braso niya.

"Uh, ano, ayos na 'to..." mahinang sagot ko.

Tumango naman siya at sa muli pagsulyap ko ay nakita ko ang malamlam niyang mata. His blue eyes mirrored sadness and longing at habang nakatingin doon ay hindi ko maiwasang masaktan.

How I missed those deep blue eyes, those eyes that I missed seeing in the three years we're apart.

Wala sa sariling inabot ko ang pisngi niya. Nakita kong nagulat siya roon pero unti-unting lumambot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"H-how have you been?" mahinang tanong ko sa nanginginig na boses.

"Fine," sagot niya at tumikhim. "I told myself I should be fine," he said weakly.

My tear fell. Napatungo ako roon at pasimpleng pinunasan ang luha ko.

"S-sinong kasama mo rito?" tanong kong muli. Nanatili siyang nakatitig sa akin at nakita kong namumungay ang mata niya at inabot ang kamay ko sa pisngi niya para marahang hawakan.

"Ako lang..."

"Wala kang kasama?" I asked softly.

I am breaking, naninikip ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya. Umiling siya at mas lumapit.

"Hmm, doon ako madalas sa mansyon, I-I seldom come here, it feels like it was big enough for just my presence. It... feels so empty here so..." nakagat niya ang labi at bumuntonghininga.

"I-I'm sorry..." I whispered, trying my best not to cry with the sight of him, looking like a lost boy.

Hindi siya umimik, nakita kong mariin siyang nakapikit habang hawak ang kamay ko at sa muling pagmulat niya ay nakita ko may nakaambang luha na roon.

"Why... Why did you have to leave me?" mahinang tanong niya. Doon ako napasinghap at mabilis siyang niyakap.

Sumiksik siya sa leeg ko at yumakap sa baywang ko kaya napaluha ako at nakagat ang labi ko.

"I-I'm sorry, Zeij... I'm really sorry..." bulong ko.

"I-I don't understand why. Masakit kasi tapos... iniwan mo akong mag-isa." His voice broke. "W-what's wrong? M-may mali ba sa akin?"

"W-wala, walang mali sa 'yo." Umiling ako at mas napaluha. Narinig ko ang pagsinghap niya sa leeg ko at maya-maya'y suminghot na siya at mas nagsumiksik sa akin.

"S-Sorry, if I did not do what I told you," he whispered softly. "W-we're still married, I can't bear processing it alone. I can't do it... I'm sorry," bulong niya. Kumalabog ang dibdib ko at mas napahagulgol ako ng iyak at mas niyakap siya.

I can't do it too, Zeij...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co