Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 21

heartlessnostalgia

Kabanata 21

WHY did you have to lie?

That was my only question while staring at my husband's sleeping face. Kanina pa malalim ang tulog niya sa tabi ko habang ako'y nanatiling gising at tahimik siyang pinagmamasdan.

He fell asleep after he cried, I couldn't say anything, hindi pa rin ako makapaniwalang kasal pa rin kami. In those three years we're apart, I never tried checking if we're still married or not sa takot kong makitang hindi na.

That's why, I kept it all myself. Naisip ko nga noon, kaya siguro walang nag-me-message sa aking abogado ay nagawan na ng paraan ni Zeij ang annulment pero 'yon pala ay hindi niya ito ginalaw kahit kailan.

I stared at his face and smiled. I missed him so much, inabot ko iyon at hinaplos.

Still handsome as ever, life's never been this unfair... Napanguso ako at mas sinilip ang mukha niya.

His face was in the combination of his strong and soft features. Kahit anong tapang at seryoso nang mga ito ay bakas mo pa rin ang lambot.

He looked like those hollywood actors I've seen, more handsome and attractive, in fact. Wala ata akong makikitang lalaki na mas higit sa kanya.

I know I am being biased because he's my husband pero siya talaga ang para sa akin.

A grip on my waist stopped me from staring at him. Bumaba ang tingin ko at nakitang inaabot niya ang baywang ko at tumagilid pa ng higa para mas malapitan ako.

Humiga ako nang maayos at hinayaan siya sa gustong gawin. Dumikit ako sa dibdib niya habang siya'y, pinagkasya ang ulo sa leeg ko.

I felt his deep breaths. I know he's now awake kaya lumapit ako para bumulong.

"Zeij, uwi ako mamaya," bulong ko sa kanya. He hummed and I shivered when I felt his lips on the side of my neck.

"Dito ka lang sa tabi ko," bulong niya. Napalabi ako at hinaplos ang buhok niya.

"I can't..." bulong ko pabalik. "My Mom needs me."

"She's safe," bulong niya sa akin pabalik. "I made sure of that."

I stopped. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang sinilip ang mukha niya at nakitang may maliit na ngiti sa labi niya kahit nakapikit ang mga mata.

"How..."

"Trust me... Please, h'wag mo na ko iwan," he whispered and moved closer. Isiniksik niyang muli ang ulo niya sa leeg ko at napapikit ako at kalauna'y nakatulog din.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

I woke up and saw the rays of the sun sneaking from the white curtains. Sumulyap ako sa tabi ko at nakitang tulog na tulog pa rin si Zeijan.

Nakayakap pa rin siya sa baywang ko kaya umangat ang labi ko para sa isang ngiti.

Sa pagsulyap ko sa orasan ay nakita kong alas-syete na nang umaga at doon na ako nagdesisyong umalis mula sa tabi niya.

I quietly and slowly removed his arm on my stomach at matapos ay marahang umalis ng kama. I saw him moved a bit pero muling ngumuso at dumapa sa kama. Lumapit ako para ayusin ang kumot sa hubad niyang dibdib bago inabot ang telepono para tawagan si Trece.

"Oh, my god, Vipe! Where the hell are you?!" sa lakas ng boses niya ay nahalata ko ang pag-aalala.

"I'm safe," mahinang sagot ko at tumungo sa teresa.

"Nasaan ka?! We've been looking for you everywhere! Namatay nga 'yong Congressman yet you're not here? We're worried!" Natigilan ako kaagad.

My forehead creased.

"Patay? What? I did not kill him..." mahinang sabi ko.

"Huh? Stop lying, Vipe..." aniya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"I swear!" sagot ko. "He escaped from me! Nagkagulo sa parking kagabi kaya paano..."

"His car crashed, Vipe. Wala raw preno tapos ayon," sagot niya kaya napaisip ako.

"No..." sabi ko. "I failed."

"Are you sure it wasn't you?" gulat niyang sabi.

"Yes," sagot ko. "I swear, Trece, wala akong nagawa sa kanya kahapon."

"Then, that's luck, I think. Ang tadhana na ang nagwala ng landas niya sa 'yo." Hindi naman ako nakasagot sa kanya at nanatiling nakatulala sa hangin.

I didn't remember doing anything last night. Basta ang mga bodyguard lang ang nakalaban ko at wala akong nagawang kahit ano sa sasakyan niya.

Unless...

"And who are these people in your unit?" kaagad akong naalerto sa sinabi niya.

"Tao? Huh? Ang Mommy?" Kumakalabog ang dibdib ko habang sinasabi ko iyon.

Sino ang mga 'yon?

"Tita's fine, nandito siya kasama ang therapist," aniya. "When we got here last night, mayroon ng mga lalaki rito. They were in black suit, nasa labas ng unit."

"Who are they?" I asked. "Anong ginagawa nila r'yan? Did they hurt my Mom?" kinakabahan kong tanong.

"No..." sagot niya. Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntonghininga.

"Hindi nga kami pinansin nang pumasok kami sa unit. Miski 'yong Doktor hinayaan nila. They seemed harmless, kinausap nga 'yon ni Hawk kanina at sabi inutusan lang daw sila," sagot niya sa akin.

I sighed. Sumilip ako sa pintuan ng terrace pabalik sa kama kung nasaan si Zeij at nagsalita.

"I'm fine, Trece. Pasuyo naman si Mommy. Uuwi ako r'yan ngayon," sagot ko.

Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana ng mga taong 'yon and the Congressman's death. May hinala ako kung sino ang posibleng may kagagawan.

"Okay, take care."

I turned my phone off. Bumalik ako sa kwarto at napatitig kay Zeijan.

Was it you, then?

Sa huli ay dagli akong naglinis ng katawan at nagbihis para makauwi. I need to see my Mom, hindi ako mapapalagay habang hindi siya nakikitang ligtas.

Sa paglabas ko ng banyo ay tulog na tulog pa rin si Zeij. I walked near him, was about to wake him up when I saw how deep his sleep was. I didn't have the heart to wake him up while resting kaya hindi ko na ginawa.

I wrote a letter on a sticky note, saying I'll be back instead at iniwan iyon sa side table. Dumukwang ako at humalik sa noo niya bago ako umalis.

Paglabas ko ng unit niya ay kaagad akong pumasok ng elevator at bumaba. I was looking at my phone. The Congressman is dead, probably why Antonio isn't searching for me.

May pumasok na mga tao sa isang floor kaya nagbaba ako ng tingin. I covered my face with my hair at umatras para hindi nila makita.

May iilang napapatingin sa akin pero mukhang hindi naman ako masayadong napapansin kaya mas tumungo na lang ako.

The moment we reached the ground floor ay pinauna ko sila palabas. Lumabas din ako pagkatapos at ipinalibot ang tingin sa paligid.

Everyone seems busy with their task at mukhang wala namang makakapansin sa akin kaya diretsong naglakad ako.

Narinig ko ang pagtunog ng elevator katabi ng pinaglabasan ko pero hindi ko ito nilingon. I walked towards the exit, lowering my head but almost jumped in shock when I felt a grip on my wrist.

I felt someone pulled me, nagulat na lang ako nang maramdamang tumama ako kung saan. Nagulat ako, natulak ko ito pero hindi ako nakawala dahil sa pagkabig nito sa baywang ko.

I was disoriented, lalo na nang makita ko ang takot at nagingintab na mata ni Zeijan. My mouth parted.

"Z-Zeij?" hindi makapaniwalang tawag ko.

I saw how a tear fell down on his cheek. Hahawakan ko sana ang pisngi niya para punasan pero hindi ko nagawa nang tumungo siya at sumiksik sa leeg ko.

My heart ache, seeing him looking like a lost boy who just found his home.

"H-h'wag mo na akong iwan..." That broke me. Nawala ako sa sarili nang marinig iyon.

"I won't..." bulong ko.

"P-please, h'wag... Dito ka lang." He hugged my waist tightly at binalot ako para hindi makawala. Kaagad ko siyang niyakap pabalik at inabot ang buhok niya.

"Zeij..." bulong ko. He hummed and kissed my ear, kumalabog ang dibdib ko.

"Hindi ko na kaya..." aniya. I caressed his soft hair, mas tumungo siya sa akin.

"Babalik din ako," I hummed softly. He shook his head.

"H-hindi ako naniniwala," aniya sa akin. "You'll leave again tapos..."

"Zeij," marahang tawag ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

Nabakas ko ang pangingintab ng mata niya kaya hinawi ko ang luha sa kanyang pisngi.

"Akyat tayo?" marahang sabi ko. Hindi siya sumagot at nagbaba lang ng ulo.

I sighed. Natigilan lang ako nang may narinig na tunog ng camera kaya napalingon ako.

I saw someone taking a photo of us, umawang ang labi ko nang ma-realize na nasa gitna kami ng lobby!

"Damn..." Zeijan held my arm kaya napatingin ako sa kanya. "Let's go," aniya at tinakpan ako mula doon sa babaeng kumuha ng litrato at inakay ako paakyat.

Tahimik kami habang paakyat pabalik sa unit niya. Panaka-naka lang akong sumusulyap sa kanya habang siya ay nakatulala kung saan habang hawak ang palapulsuhan ko.

Lumabas kami kaagad at nakarating sa unit niya. He opened the door and we entered. Nang makitang tahimik pa rin siya ay inabot ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Upo tayo?" I asked him. Nakita kong napatitig siya sa akin at napakurap.

"Diyan?" turo niya sa sofa. I chuckled and nodded. Kaagad naman siyang tumango at ako na ang humila sa kanya paupo roon habang siya'y nakatitig lang sa akin.

Nang bumaling ako sa kanya ay napansin kong napakagulo ng buhok niya kaya napanguso ako at lumapit sa kanya.

"Bumaba ka roon nang hindi man lang nagsusuklay?" I asked. Lumuhod ako sa may sofa sa tabi niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.

"I... woke up without you beside me so I panicked," aniya at tiningala ako.

"Babalik naman ako..." I muttered.

"But I was scared, that's exactly what happened the last time." Humina ang boses niya at natigilan ako. Bumaba ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya at inabot ang kamay ko.

"Can we not talk about that?" he asked. Umayos ako ng upo at tumango sa sinabi niya.

"I'm sorry..." mahinang sabi ko. "I just want to go home."

"Ihahatid kita," he offered.

"No need," sagot ko. "I can do it naman and you have to get your wound check, baka maimpeksyon."

"I'm fine," sagot niya sa akin. "This is just nothing."

"Anong nothing?" kumunot ang noo ko at hinawakan ang braso niya. I checked his wound and sighed when I saw that it's all fine.

"I want you to take more care of yourself the next time. You just can't just barge in and get yourself shot. Paano kung hindi lang daplis 'yan?" sabi ko at ibinaba ang sleeve ng shirt niya.

"I'd catch a bullet for you..." Natigilan ako roon at napatingin ako sa mukha niya. Nakita kong may maliit na ngiti sa labi niya.

"Stop joking..." I said but my heart's been thumping wildly.

"Do I look like I'm kidding?" seryosong tanong niya. "Who's on their right mind will go out there and save a troublesome girl in a parking lot? Ako lang, 'di ba?"

"So, you mean..." tinitigan ko siya.

He stopped when he realized something kaya napangiti ako.

"You came to save me?" I smiled.

"Huh?" Nag-iwas siya ng tingin at namula. Napatawa ako at sinilip siya.

"You said, may atraso 'yon sa 'yo? Tapos ngayon..." napatawa na ako nang tumikhim siya at hinawi ang buhok niya.

"You just misheard things," tikhim niya. "May atraso talaga sa akin ang—"

"Weh?" I chuckled when he stood kaya hinila ko siya at napaupo siyang muli sa tabi ko. "Seriously, Zeij? You saved me? Really?"

"Hindi nga..." kumunot ang noo niya. I smiled.

"Pero sabi mo ngayon lang..." I teased.

Sumimangot siya. I giggled and stared at him.

"H'wag ka nga, you missed me, didn't you? Umiyak ka pa nga kanina." Namula lalo ang mukha niya. Pumirmi ang labi at tumalim ang tingin sa akin kaya mas napatawa pa ako at inabot ang pisngi niya.

"Right, you missed me?" I pinched his cheek.

"No..." sagot niya. Tumaas ang kilay ko.

"Talaga? Then, should I go now?" I asked.

"Subukan mo, I'll lock you up in this house," banta niya. Nakagat ko ang labi ko.

"I'm scared..." I mimicked him, jokingly. Mas tumalim ang tingin niya.

"Ang cute naman ng baby Zeij ko," I teased.

Parang bigla siyang naging kuting sa sinabi ko.

I laughed. His cheeks flushed at maya-maya'y ibinaon niya ang mukha sa leeg ko at hinablot ang baywang ko.

"I'd fucking kill for you..." he whispered at niyakap ko ang leeg niya.

"Ikaw ba ang may gawa ro'n sa Congressman?" bulong ko.

"No," he answered. "Phoenix did something to his car. That fucker, you almost got killed because of him, good riddance."

Napailing ako pero napabuntonghininga rin. Nang marinig ako ay humiwalay siya sa leeg ko at sinilip ako.

"You alright?" aniya. Hinarap ko siya at tumango.

"Hmm, but Zeij, I-I really have to go." Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya sa sinabi ko.

"But... you told me you won't," mahinang sabi niya.

"We..." Kumirot ang dibdib ko at nakagat ang labi ko. "We can't be together. We can't be seen together. Hindi pwede..."

"Are you ashamed of me?" Nabakas ko ang hinanakit sa boses niya.

The moment I stared at his eyes, I saw sorrow and pain. Mas sumikip ang dibdib ko.

"No!" umiling ako kaagad. "I-it's just that...we were too different from each other, we can't..."

"Kailan ko ipinaramdam sa 'yo na magkaiba tayo?" Natahimik ako. "I should be mad at you for leaving me that day, three years ago. I should be mad at you, pero hindi ko magawa."

"Dapat wala na akong pakialam sa'yo pero hindi ko magawa. I tried moving on, I keep on seeing someone better than you pero bawat babaeng makikita ko, ikaw ang naaalala ko. I was fucking stuck at you for those years, kahit ang sakit, hinayaan kita. I've never bothered you. I watched you reached your dreams. Kahit na kahit anong oras, kaya kitang hilahin na umuwi sa akin..."

"Hindi ko ginawa kasi..." humugot siya ng hininga at inabot ang kamay ko. I froze when he placed my hand on his chest that I can feel his heart beating against mine.

"Kasi...kahit anong pigil ko, this heart only beats for you. Na kahit, gaano tayo ka-hindi pwede, na kahit gaano tayo kalayo sa isa't isa, ikaw lang ang gusto nito," bulong niya.

"I am fucking in love with you, Alicia," he said. Kumalabog ang dibdib ko at napaluha.

He... knows my name.

"That even if you're Viper, my enemy, the one I have to get rid of, I can't deny that you're the reason why this is still beating. Na kahit anong pilit kong mawalan ng pakialam at gawin ang misyon ko, nakikita ko pa rin ang sarili kong pinoprotektahan at inuuwian ka," bulong niya.

"Even if it hurts a lot, I have to keep you because I love you... Despite of everything, my heart keeps on fighting for you," aniya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

It feels surreal and magical. How can someone say my real name while confessing his feelings? Halos marinig ko na ang pagkalabog ng dibdib ko.

My tears are falling from my eyes, non-stop. I've never felt this welcomed. I thought napakasama kong tao, na wala nang magmamahal sa akin. I kill for a living. I kill for my Mother and that makes me a bad person, but I can't believe...

"P-please accept me again, I promise... I promise to be a better person for you. I will do anything to keep you, kahit ano." He held my cheek closer and put his forehead against mine.

"B-but you lied to me... Your whole self," puno ng hinanakit kong sabi.

"I will not lie anymore, I will tell you everything, I promise... Please." Hinanap niya ang mata ko at mas humigpit ang hawak sa akin.

"You're Archer and..." I stopped when he brushed his lips softly against mine.

"And I'm yours..." he whispered softly, napapikit ako at napasinghap.

"Z-Zeij..." he held me and hugged me tight. Mabilis ko rin siyang niyakap pabalik at isiniksik ang ulo ko sa leeg niya.

"Alicia, Alyx, Viper... My Ree... Whatever your name is, I'm in love with you, deeply and madly and you can't stop me from feeling this way," he whispered as he held me tight, caging me on his arms.

"I want to have my wife back, please, baby. Keep me, own me, please... I want to have my home back." Nakagat ko ang labi ko at mabilis na yumakap sa leeg niya at suminghot.

"Zeijan Sandejas..." bulong ko at humawak sa buhok niya.

"I love you, Ree. I keep on falling in love with you and each time is harder than the last time." Lumayo ako at pinakatitigan ang asul niyang mga mata.

I stared at him. Those eyes that keeps on drowning me for years now, those eyes that keeps on haunting me. Those soulful eyes that I've always loved.

As he looked at me with those blue menacing eyes, my heart won't calm down. Those eyes that dances, ignites, and shines with so much emotion I cannot bear. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.

While he's looking at me, I feel breathless, it was as if every ounce of my breath was taken out of my lungs floating in the air like a midnight smoke.

I traced his lips lightly with my finger. It pouted lightly and I suddenly have the urge to kiss it, to bite, and make him feel that I feel the same. I wanted to wrap us up in a quilt and listen to our gentle breathings.

"Do you..." I gazed at his eyes. "Want to have a war with me?"

"Gladly..." sumulyap siya sa labi ko pabalik sa mata ko.

"I want a bloodless war with you, baby..." he breathes as he leaned in and gave me a sweet peck on the lips. Isang dampi pa lang pero nawala na ako sa sarili. Bumaba ang hawak ko sa balikat niya at muling idinampi ang labi ko.

His mouth parted. I saw how his lips reddened, nagpigil siya ng ngiti at hinawakan ang kamay ko.

"Magbalikan na tayo," bulong niya. Natawa ako pero sa huli ay ngumisi at pinitik ang noo niya.

"You still have a lot to explain, Mr. Sandejas," I said and touched his lips again.

"And you still have a lot to make up with me, Mrs. Sandejas," bulong niya matapos ang isang ngisi.

He stole a kiss, pinalo ko ang hita niya at napatili ako nang buhatin niya ang baywang ko at pinaupo ako sa hita niya.

I towered him, humawak siya sa likod ko at tinagilid ang ulo niya.

His hand interlocked with mine as we kissed, tentatively, passionately and tenderly. We kissed all the sadness away, all the longing and regrets. The time wasted, and the war that has started in between us.

Damn, you made me so damn head over heels in love with you Zeijan Sandejas. You fucker.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co