Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 22

heartlessnostalgia

Kabanata 22

"ARE you out of your mind?!" And for the nth time, I am ignoring him again.

It was our Director, dahil nga kumalat ang picture namin ng asawa ko sa social media last time roon sa may lobby ng unit niya. Pinagpyestahan ito ng mga reporters, not just because I'm an artist, but because it was Zeijan Sandejas.

Mas pinag-usapan pa nga siya kaysa sa akin!

"It was nothing..." sagot ko sa kanya at sumandal pa sa sofa.

"Nothing?! Alyx! May movie kayo ni Brandy! How could you?" sikmat niya.

Lumipat naman ang tingin ko kay Brad na matiim na nakatingin lamang sa akin. Seryoso siya at halos husgahan na ako sa tingin kaya tumaas ang kilay ko at binasa ang labi ko.

"Let's just forget about it..." sagot ko. "Gossips will stop soon, don't worry."

"Ang love team mo! Hindi mo ba naisip 'yon?!" sikmat niya.

As much as I want to tell him that it's my husband I am hugging in the photo ay hindi ko ginawa. Ayokong lumaki pa ito. Noong isang araw pa may pumupunta sa opisina ng asawa ko sa firm nila para interviewhin siya at kung makikisawsaw ako ay gugulo ang lahat.

And, I don't want this to reach Antonio.

Hindi maaari, Zeij might get hurt kapag nalaman niya.

"At sa shoot natin noon! Bakit magkasama rin kayo ng lalaking 'to?" patuloy niya. I almost rolled my eyes in annoyance.

He's been talking for an hour at naiinis lang ako makinig. Palagi siyang movie, love team, whatever...

"Nagkakilala lang kami noon..." sagot ko.

Ang hindi ko lang alam ay kung saan nahugot ng mga reporter ang picture namin sa isla noon ni Zeij. It was like...three years ago, so bakit pa nahalukay 'yon?

"That man is a tycoon, Alyx! Hindi mo man lang ba naisip na maaapektuhan siya? And, si Brad! What will others think?" Tessa suddenly blurted out.

This woman! Dati pa nga, nilandi mo ang asawa ko! You talked to him the last time in the island!

"So? What will others think?" sikmat ko.

"That you cheated on me..." biglang sagot ni Brad na nagpatahimik sa lahat.

"What?" Kumunot ang noo ko at biglang natawa. "We're not in a relationship anyway, so they won't mind," sagot ko.

"Everyone thinks we're together," sagot niya sa akin at hinawi ang buhok niya.

"That's what they're just thinking," sagot ko. "Assumptions will be always there, Brad. Let's not talk about this," sagot ko at bumuntonghininga.

"Just don't see that man again. Naaapektuhan tayo lahat dito. Mag-focus ka na lang sa trabaho at sa akin dahil tayong dalawa ang involved dito," aniya at doon na ako nairita.

"Don't tell me what to do," mariing sabi ko. "I rule my life and I will see whoever I want to see."

"Shut up, you two! We'll start at five! Get ready!" he dismissed us.

Brad looked at me, disappointed. Kumunot naman ang noo ko at sa umiling siya sa akin bago umalis doon.

"Alam mo ang yabang mo," I stopped when I heard Tessa's irritating voice.

Ikaw na naman?

She lost her shine, almost three years ago, too. May kumalat kasi siyang scandal sa isang sikat na pulitiko at doon din kami nakitang dalawang nagkasama ni Brad kaya sa aming dalawa nalipat ang atensyon nila.

They shipped us, me and Brad, instead of Tessa because of the issue at simula noon ay kadalasang extra na lang si Tessa at sa ngayon ay nagkataong kontrabida siya sa movie.

How ironic, isn't it?

"If you don't have anything good to say, mas mabuting busalan mo na lang 'yang bibig mo," sagot ko sa kanya. I saw how her face flushed kaya tinalikuran ko siya pero nahila niya ang braso ko kaya napalingon ako.

"Ang kapal ng mukha mo! Sumikat ka lang ang yabang-yabang mo!" sigaw niya. Napatingin sa amin ang mga staff.

"Did I do something?" malamig kong tanong. "Wala pa akong ginagawa sa 'yo, Tessa."

"Ang yabang mo! Sa bagay, sabik na sabik ka sa kasikatan! Kasi extra ka dati, 'di ba? Hindi pinapansin? Hindi sinasamba? Kaya ngayon ang kapal mo na! Akala mo maganda ka? Akala mo gusto ng mga tao sa 'yo? Malandi ka lang naman, eh! Sumisikat ka kasi kumakapit ka sa mga koneksyon mo!" she shouted angrily.

What? Halos mapamura ako at nangangati na hablutin ang buhok niya pero pinigilan ko ang sarili.

"You're a slut! Hindi ka na lang makontento kay Brad! You even seduced a Sandejas! If I know—" I slapped her.

My hand stung. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya sa sampal ko at nakita kong nag-uunahan palapit sa akin ang mga staff para kalmahin ako.

"H'wag mong ibintang sa akin kung ano ka," I told her. May humawak sa braso ko para pumigil pero hinawi ko lang ito at malamig na tiningnan si Tessa na hawak ang pisngi niya at nanggigilaiti sa galit.

"You better not speak another word to me again, kung ayaw mong pantayin ko 'yang marka sa mukha mo." I turned my back and walked out.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

I was irritated the whole shoot, halos bulyawan ko na ang tao sa paligid ko pero hindi ko ginagawa. Lalo na at nahuli ko pa si Tessa na sine-search sa google si Zeijan.

"Kalma, Lyx." Jana hand me a bottle of water.

"How could I? That woman keeps on getting into my nerves." Tumungga ako at hinayaan ang make-up artist na ayusin ang mukha ko.

"She's just insecure," aniya. "Kasi dati siya ang tinitingala, tapos biglang bagsak. Ikaw ang pinagtutuunan kasi ikaw ang pumalit sa kanya."

"I don't care about the fame, I caught her looking for Zeij on google," sagot ko at masamang tumingin sa mahadera.

Jana laughed.

"Kaya pala, oo nga pala, nag-usap na kayo?" he asked.

I looked at him and nodded.

"Oh, my god, really?! Ano, kayo na ulit?" he almost screamed kaya tinakpan ko ang bibig niya at tumawa.

"Secret muna," ngisi ko.

"Asus, 'di ka natiis!" asar niya sa akin kaya napatawa ako at sinilip ang phone ko.

"Anyway, he's a Sandejas pala, kaya familiar siya sa akin noon. Hindi ko sila actually kilala since they're not into showbiz naman but I saw him once on a magazine, kaya pamilyar."

"I didn't know him too," sagot ko.

"Then, he lied?" he asked.

I nodded, naramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng dibdib ko roon pero ngumiti ako.

"Hmm, we'll talk," I said.

The shoot started again after a five-minute break. Now, we'll shoot the ending scene, where Brad and I will kiss in the middle of the crowd.

"Stand-by!" I stood in front of Brad, seryoso siya habang nakatingin sa akin.

"Sino 'yong lalaki?" he suddenly asked.

"Let's not talk about that, we're in the middle of the shoot," sabat ko.

"Gusto kong lumayo ka sa kanya," aniya.

"Okay! Take one!" ani ng Direktor at mula sa naiiritang mukha ay pinaamo ko ang ekspresyon.

Brad held my face, marahan ang naging paghaplos niya sa pisngi ko at diretso ang titig niya sa mata ko.

"I am in love with you since we were kids..." he whispered softly.

"I-I don't know..." I acted like I am shocked and amazed. Mula sa pisngi ko ay bumaba ang kamay niya sa panga ko.

"So, I will tell you now..." he smiled. "I am in love with you, Tiana."

"I..." I bit my lip and stared at his black eyes. "I am in love with you too, Blake."

I saw how his lip twitched at nag-iwas ako ng tingin para kunwaring nahihiya.

"Hey, don't be shy," masayang bulong niya. "Come on, babe, look at me."

Hinawakan niya ang pisngi ko para muling magtagpo ang mga mata namin.

Our eyes met, nakita ko ang pagsulyap niya sa labi ko at binasa ko iyon. He smiled, I smiled back at him.

"I wanna kiss you right now." He moved closer, bahagya akong tumingkayad at inilapit ang mukha sa kanya.

"Then, kiss me..." bulong ko.

He held my cheek, I closed my eyes and readied myself for the ending kiss pero bago pa man magtagpo ang mga labi namin ay nabulabog ang lugar sa isang malakas na alarm.

The alarm filled the whole room. Tinulak ko si Brad at nagkatingin kaming lahat.

"Go out, guys! Labas!" sigaw ni Direk.

It was the fire alarm! Nagsilabasan ang mga nasa may unahan at sa takot siguro ng iba ay nagsitakbuhan sila palabas.

"Let's go..." Brad held my wrist pero hindi niya ako nagawang hilahin nang salubungin siya ng mga palabas. Napasama siya sa kumpulan ng mga tao.

Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon at wala man lang naramdamang takot sa alarm.

Is there a fire?

Habang naglalabasan sila ay nanatili akong nakatingin sa paligid. Halos ako na ang naiwan roon sa hall. Nothing's wrong here, so why...

"Gosh!" I screamed in shock when someone jumped in front of me from upstairs. Sa gulat ko ay nasipa ko ito kaya napaupo ito sa lapag.

"Sadista!" reklamo nito habang nakangiwi at hawak ang tuhod niya.

My mouth parted when I saw who it was.

"Zeijan?!" I hissed. "What the fuck?!"

"Hey, baby..." ngisi niya pero napasimangot at napahawak sa tuhod niya. "But fuck, it hurts!"

Muli akong napatingin sa second floor ng lugar pabalik sa kanya sa lapag habang nakaupo at hawak ang tuhod niya.

"What..." tinuro ko ang second floor at siya. "What the hell are you doing there?"

Hindi niya ako sinagot at nakangusong hawak ang tuhod niya habang nakasalampak sa lapag.

Nang mapagtantong malakas nga ang pagkakasipa ko sa kanya ay kaagad akong dumukwang palapit sa kanya.

"Oh, my god, I'm sorry!" Lumapit ako at inabot siya.

"Sakit..." ungot niya.

The alarm is still ringing! Damn it!

"Bakit ka kasi tumalon galing do'n? Tsaka, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Inabot ko ang tuhod niya at hinawakan.

"One... Two... Three..." aniya at miski ako ay nagulat nang tuluyang mawala ang alarm sa lugar.

My mouth parted again. Hinarap ko siya at nakitang nakanguso pa rin siya sa akin.

"Umamin ka," nanliit ang mata ko. "What are you doing upstairs?"

Sumeryoso siya. He shook his head at umayos ng upo sa lapag.

"Wala po," aniya.

Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Wala, promise..." iling niya. Hindi ako naniniwala.

This man, ang daming alam!

"Isa, Sandejas," banta ko. Maya-maya'y napalunok siya at sumulyap sa second floor.

"Uh, I just played with the fire alarm's wires." Nanlaki ang mata ko. Tumawa siya at kinagat ang labi.

Umawang ang labi ko, hindi alam kung matatawa o ano.

"What?! Ikaw ang may pakana sa alarm?!" I exclaimed. He nodded at napasapo ako sa noo at pinalo ang hita niya.

"What the heck, Zeij? Why did you do that?" His lips protruded and his jaw clenched.

"Because I was annoyed..." reklamo niya.

"Annoyed? Kanino?" tanong ko. Naupo siya ng ayos sa lapag, tumingin naman ako sa hall na walang katao-tao at napailing.

"Tingin ka sa akin," aniya at naramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko siya sinunod at hinanap ang mga CCTV sa paligid.

Patay kami nito kapag nakitang may kinalaman kami sa alarm.

"Misis, look at me." Inabot niya ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh?" I asked.

"Ayaw mo na ba sa akin?" aniya. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "Kasi sabi ko tingin ka tapos 'di ka naman tumitingin, hindi mo na ko love?"

I sighed and glared at him. Napalabi siya.

"Alam mo, gutom lang 'yan..." napailing ako. "Why did you do that to the alarm? The people panicked, Zeij. Pa'no kung may nasaktan doon palabas?"

"I came here to fetch you, but I saw you with an asshole, so, I was annoyed," reklamo niya. "And ayos sana kung 'yon lang, but you're about to kiss!"

Ngumiwi siya. His pouty lips formed a thin line, nagsalubong ang kilay niya at nang makitang nagdidilim na ang ekspresyon niya ay natawa ako at pinitik ang ilong niya.

"We're on the shoot, so, that's normal," sagot ko.

"Hindi normal 'yon!" reklamo niya. "Tang ina, ang lapit na ng labi buti nakapagpigil ako, kundi magkakagulo sa set niyo!" aniya.

"Is that why you went there?" turo ko sa second floor. He nodded.

"I know you'll get mad if I punch him so, I just did the alarm." My heart melted. "Selos ako, matagal na kong gigil d'yan sa pahalik-halik niyo..." I chuckled.

"Sorry, Zeij. Trabaho lang." Ngumiwi siya, mas natuwa ako sa ekspresyon niya at akmang magsasalita nang makarinig kami ng mga yapak.

Nagkatinginan kaming dalawa. Wala pang ilang segundo ay nakatayo na si Zeijan at mabilis akong inalalayan patayo.

"Let's hide..." mahinang sabi niya at inabot ang kamay ko. Kaagad kaming nagtago sa may gilid ng pader patago sa hall at nakita ko ang pagsilip niya roon sa may mga tao.

"Alyx's still here! Baka anong nangyari do'n..." I overheard. Napatingin ako kay Zeij at nakitang masama ang tingin niya roon.

"Baka naman lumabas na? You know, the place isn't clear, Brad. We have to get out!" Bumilog ang bibig ko at akmang sisilip pero mabilis akong nadiin ni Zeij sa gilid kaya tumama ako sa pader.

Kaya pala masama ang tingin. Napangiti ako.

"Pasilip..." bulong ko.

"You stay there, woman," iritang sabi niya. Natawa ako, medyo malakas ang boses ko kaya nanlaki ang mata ko at nanliit ang mata sa akin ni Zeij.

"Sorry..." bulong ko at ngumisi.

"We really have to get out, Brad! This place is creeping me out, kanina nag-alarm nang wala namang sunog tapos ngayon..." Zeijan bit his lip. Napasulyap ako roon at binasa ko rin ang labi ko.

"Pero si Alyx—"

"Just go out, asshole!" bulong ni Zeij. He's towering me, nakasandal ako sa pader habang siya nama'y nasa may harap ko habang sumisilip doon, his hand is just above my head.

Sumulyap ako sa damit niya at napailing. He's wearing a plain white shirt and a black coat, naka-slacks din siya na itim at leather shoes.

Ngumuso ako.

How can he play with the wires and jumped from the second floor wearing these? I mean, he looks so damn good that I couldn't imagine him jumping from up there with this.

Kahit nakakapanibago pa rin na ang pormal ng suot niya kumpara sa dati na pang-alis at pang-kusina, he still smells musk.

Nag-uusap pa rin ang dalawa roon sa may hall pero ang atensyon ko ay na kay Zeijan lang na nakikiusyoso roon sa dalawa.

I gently wrapped my arms on his waist, sa ginawa ko ay napatingin siya sa akin.

"Mister..." bulong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin kaya mas yumakap ako sa baywang niya at sumandal sa dibdib niya.

"Hmm?" bulong niya. I shook my head, naramdaman ko ang haplos niya sa buhok ko kaya napangiti ako.

"Naglalambing ang Misis ko, gusto mo kiss?" I nodded.

Narinig ko ang mahinang tawa niya at maya-maya'y inilayo niya ako sa kanya at hinaplos ang pisngi ko.

Napapikit ako sa ginawa niyang haplos.

That's the touch that I love, the touch that could soften my insides, the one that can make my heart pound. That touch that can make me feel something.

"I don't want anyone kissing my wife but me..." he touched my lips softly.

"It's part of my work..." mahinang sabi ko na nakapikit pa rin.

"Ako na lang trabahuhin mo," napamulat ako sa sinabi niya. He smiled wickedly. "You'll be very busy if you do me, oras-oras tayo..."

"Your mouth!" I hissed.

"Sa kama, sa sofa, sa..." My cheeks flushed.

"Isa, Zeij, susuntukin kita," banta ko.

Humalakhak siya. Tinakpan ko naman ang bibig niya nang mag-ingay siya at nanahimik 'yong dalawang nag-uusap.

"Let's go, Brad! It's getting creepy in here!"

He kissed my palm, sumimangot ako at tinanggal iyon at nakitang sumasayaw ang mata niya sa tuwa.

"I love you, Misis ko." My heart thumped like crazy. Animo'y sasabog iyon sa halo-halong pakiramdam kaya kumapit ako sa leeg niya.

"I wanna kiss you..." bulong ko at sumulyap sa labi niya.

"Then, it's yours," he whispered before claiming my lips for a sensual kiss. "Your kisses are just for me, hmm?"

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

"PHOENIX, can you get rid of the CCTVs from the site?" ani Zeij habang hawak ang kamay ko at naghahanap kami ng daan paalis sa venue kanina.

The entrance was blocked and the exit too. Nalaman ata ng hotel na may nangialam sa alarm kaya inaalam at binlock nila ang daan para mahuli.

"Thanks," aniya at nilingon ako. Mas humawak naman ako sa kamay niya at maya-maya'y napunta kami sa may tagong lugar sa hall.

There was a barrier there where we can go ouside kapag nabuksan. I don't know where it is connected pero mukhang maayos naman. Zeijan took a stool at nakita kong umakyat siya roon at sinilip ang butas.

"Parking lot 'to diretso." aniya sa akin. I nodded. I watched him as he removed it at nang mailapag ang harang ay sumilip siya roon at sumulyap sa akin.

"Baby, I'll go down first," aniya. "Then, when I call you, go down here, I'll catch you." I nodded.

I watched him as he jumped from here at nang tawagin niya ako ay mabilis akong umakyat sa stool at sinilip siya roon sa baba.

"Careful, misis. Medyo masakit siya." Ngiwi niya habang pinapagpag ang coat. Umakyat ako roon pero hindi pa man ako nakakatalon ay may narinig akong boses.

"Ayon! Tumatakas!" My eyes widened.

"Fuck, Ree! Go down!" he exclaimed. I heard footsteps, patakbo na iyon kaya sa panic ay tumalon ako.

Good thing Zeijan caught me. Mabilis akong umayos ng tayo at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Zeij at mabilis akong hinawakan.

"Nakatakas! Habulin niyo!" Nagkatinginan kami at napatawa.

"Come on, baby!" He grabbed me as we ran.

Kaagad kaming nakarating sa Ducati niya at nagulat pa ako roon pero hindi ko na nagawang mag-react nang suotan niya ako ng helmet.

"Let's go..." mabilis siyang nakasakay at nang marinig ko ang mga mabibilis na yapak mula sa likuran ay mabilis akong sumampa at mabilis na pinaandar niya ang Ducati paalis.

They screamed as we go, sabay kaming napatawa ni Zeij at yumakap naman ako sa baywang niya habang mas binibilisan niya ang paandar ng motorbike.

Dahil napagod ay dumiretso kami sa isang resto ni Zeij pagkatapos. Nang bumaba ako mula sa likuran niya ay ngumisi siya sa akin.

"That was cool, 'no?" he smiled.

"Hmm!" I gave him a thumbs-up. "But mabagal ka magpaandar ng bike, Zeij! Mas mabilis ako." I laughed.

"You drive?" he asked. I nodded.

Tumaas ang kilay niya at tinanggal ang helmet niya. I watched as his hair fell on his forehead. May pawis din ang gilid ng noo niya kaya inabot ko iyon at pinunasan.

"I was slow because you're with me, I'm a racetrack champion, Misis," pagmamayabang niya.

"Uh-huh?" tawa ko. "Then, let's race some time, hmm?"

"Ayoko, baka mapa'no ka..." iling niya kaya lumabi ako.

"Hindi, ah! I can drive better than you, akala mo."

He shook his head and get his cap from the bike. Inilagay niya iyon sa ulo ko bago hagilapin ang daliri ko.

"You can drive me in our house instead." Ngisi niya kaya hinampas ko ang t'yan niya at sinipa ko ang paa niya.

"Perv!" I hissed.

"Harsh mo, Misis!" reklamo niya habang tumatalon sa tabi ko.

We ate in silence when we reached the resto. I did my best not to be seen by those people at mukhang nag-iingat din si Zeij. I saw him observing the people around us at matapos ay titingin sa akin.

"Hey, baby..." hinarap ko siya at nakita kong tumaas ang kilay niya at may tinuro ang labi niya kaya pasimple akong sumulyap doon.

Hindi kalayuan sa amin ay may isang lalaki akong nakitang nakaitim. He's wearing a cap and shades, kanina pa ito nakatitig sa menu pero hindi naman nag-o-order.

"What about it?" I asked.

"He's been looking here, you know him?" I shook my head. Sumimsim ako sa juice pabalik doon sa lalaki.

"You feel something bad?" I asked. Nakita kong kinagat niya ang labi at tumango sa akin.

"Don't look at him again, baka malamang nakita natin siya. I'll send you home safe, so, don't worry," aniya at tumango lang ako pero sinusulyapan pa rin ng palihim ang lalaki.

Whose man is this?

Nawala rin ang atensyon ko roon sa lalaki dahil sa nag-agawan kami ni Zeij sa balat ng manok. I wanted it but he wants it too kaya nagsisipaan kami ng paa kung kanino mapupunta ang balat.

"Akin na lang, baby, I'm craving for it," nguso niya.

"No, akin yan," sagot ko. He pouted. Hinawi niya ang buhok at halos masipa ko siya nang makitang teary-eyed pa siya habang nakatingin sa balat.

"Aren't you touched? Your husband wants that," nguso niya.

"Why don't we order again? Para 'di tayo nag-aagawan." Umiling siya at inabot ang tinidor pero tinapik ko ang kamay niya.

"Wala na kong pera, Ree..." he whined.

I rolled my eyes. Napatawa ako at inilagay ang plato ng manok sa gitna namin.

"Oh, ayan, Mr. Sandejas. Nakakahiya naman sa wala ka ng pera," tawa ko at ngumisi siya at mabilis na inabot ang tinidor.

I was really happy as I was walking inside the building. My husband brought me here pero hindi na ako nagawang ihatid sa loob dahil sa may emergency raw sa bahay nila.

I am starting to think about telling Zeij about me and asking him for help to help us get away from Antonio. Ayoko na roon, I just want my Mom safe, that's why I'm staying.

Balak kong humingi ng tulong, maybe I'll surrender to them, for my Mom's safety. Kahit ano, gusto ko rin namang magkalinawagan kaming dalawa.

I wanted to live in peace, hindi na ako bata at kailangan ko ng solusyonan ito. I can't go and just kill anyone for our sake, my conscience is killing me.

I can't do this anymore, killing for some demon. Gusto kong gawin ang mga bagay na mabuti, para sa akin at sa Mommy ko.

Minsan ay nananaginip akong naliligo ako sa dugo, I can hear gunshots, see men in black and even now, kahit sanay na ako ay hindi ako hinihiwalayan ng mga panaginip na iyon.

The moment I stepped on our floor ay biglang kumalabog ang dibdib ko. Napahawak ako roon at biglang binalot ng takot ang puso ko at hindi ko alam kung bakit.

My Mom was with the doctor kanina, tapos may guard doon na ipinadala ni Zeijan.

I walked, trying to calm myself. Mabilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan kung bakit.

As I gazed on our place ay natigilan ako. There are no guards in here!

I ran. Mabilis kong natulak ang pintuan papasok at mas kumalabog pa ang dibdib ko nang makitang hindi iyon naka-lock.

Tinakbo ko ang loob papasok at halos manghina ako nang makita ang dalawang tauhan ni Zeij na nakabulagta sa sahig.

My mouth parted. Kaagad akong tumakbo roon at pinakiramdaman ang pulso ng isa pero wala. He's dead!

I panicked. Mabilis akong tumayo at tumakbo.

"Mommy! Mommy!" I screamed. Halos mapatid na ako sa kakatakbo pero mas binilisan ko.

I don't care! I just want to see my Mom!

I was welcomed by an empty, cold room. Napaupo ako sa lapag at nanginig ang kamay ko.

"N-no, Mommy, no..." my tears fell, nangangatog ang katawan ko at napatitig sa wheelchair ni Mommy. It was on the floor, lying. Magulo rin ang gamit doon kaya mas napaiyak ako.

"M-mommy... M-mommy, no..." shaking, I fished my phone out of my bag to contact Zeij.

"Z-Zeij..." my voice broke.

He's not answering his calls, nanatili lang itong nag-ri-ring at mas nanghina ako roon.

"Z-Zeij, please, answer me..." nanginginig kong pakiusap. "I-I need you, please."

But there was no answer. Sinubukan kong tumayo pero napaupo akong muli sa panghihina.

"H-help me..." bulong ko.

The telephone rang. Mabilis akong napatingin doon at halos gumapang maabot lang iyon.

"H-hello?" nanginginig kong sagot.

"It's been a long time since I last heard your voice, my daughter." Nanginig ako sa galit at humigpit ang hawak ko sa telepono.

"Where's my Mom?! Ibalik mo siya!" sigaw ko.

He laughed hysterically.

"Oh, sorry..." he laughed again. "I was just bored so, kinuha ko muna ang Mommy mo."

"Don't you dare touch her!" I said sharply. "You lay a finger and I will fucking kill you!"

"Then go, kill me, hindi ko lang alam kung makita mo pa ulit 'tong Nanay mo." Umikot ang sikmura ko. Patuloy na tumutulo ang luha ko at sumisikip ang dibdib ko.

"You think you can fool me, Alicia?" aniya sa malamig na tono.

I felt uneasy.

"You think you can hide your lovely Archer forever?" he said, and my jaw dropped.

"W-what are you saying?"

No way! He can't be possibly...

"What a good actress!" narinig ko ang halakhak niya. Mariing naipikit ko ang mata at humugot ng hininga.

"Ang kapal ng mukha mo, ano?" aniya. "After I took care of you and your Mother, ito ang ipapalit mo sa akin?"

"You never took care of us! You never even treated me like a person! You treated us like shit! Like some toys you can play in your fucking games!" mariing sabi ko. "Kaya h'wag mo sa aking isusumbat ang bagay na 'yan!"

"Sa bagay," tumawa siya. "I fooled you too, anyway. Ikaw naman itong uto-uto. I married your useless Mom for your business which is unfortunately, bankrupt now. Wala ng kwenta, kaya ikaw ang naging alas ko. Because of you, I gained a lot of money."

"You heartless bastard!" I screamed. "Give me my Mom back!"

"Do your mission, Viper..." tawa niya. "Kill your lovely Archer and you'll have your Mom."

Umiling ako at humigpit ang hawak ko sa telepono.

"No?" tawa niya. "Look at your screen."

I saw the screen lit, lumingon ako roon at halos mapadausdos ng upo nang makita ang litrato ng Mommy ko habang nakaupo sa upuan at nakatali. She's crying, nakatitig sa camera at nakita kong may luha sa pisngi niya.

"Mommy! No!" umiling ako at mas napaiyak.

"Your Mom or that asshole? You choose Alicia," he said evilly.

"D-don't touch her!" sigaw ko sa telepono.

"Oh, we have bonus here, look..." aniya, may video call akong natanggap. Mabilis kong in-accept iyon at nanginig nang makita nang aktwal ang Mommy ko.

The camera shifted at nanginig ako nang makita si Trece at Hawk na nakatali rin sa isang upuan. They were struggling, nakita kong nagpupumiglas sila at umawang ang labi ko nang makitang hinila ng isang lalaki si Trece sa lapag.

"No! Trece!" I screamed. I saw Hawk trying his best to reach her, almost screaming.

"See them? Ayan ang kapalit ng buhay ni Archer, Alicia."

"N-no, please..." bulong ko at umiling-iling. "H'wag mo silang sasaktan, pakiusap."

"Then kill him, Viper. Kill the man you fucking love," he chuckled. "How ironic, loving your enemy? That sucks. That will kill you and your family, Alicia."

"Go to their site, kill his members, their leader," aniya sa akin.

"I will give you a day to kill him, bring his head here and you'll have your Mom and friends back."

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

I was pacing back and forth. Hindi ako mapakali at halo-halo ang nararamdaman ko. I am scared, hindi ako makapagdesisyon.

I was crying, I wanted to die instead. Sana ako na lang ang naroon sa kanila. Mas ayos pang ako na lang ang saktan!

My phone rang. Tinakbo ko iyon at napaupo ako nang marinig ang boses ni Zeijan sa telepono.

"Misis, did you reach home safe? Sorry, sinugod kasi sa hospital si Zid," mahinang sabi niya. My heart constricted and found myself lying.

"Let's break up," malamig kong sabi.

"H-huh?" aniya. "Come on, Ree, that's not a good joke."

"Do I sound like I'm joking?" I told him, almost shaking. "I want you to leave. Ituloy na natin ang annulment."

"What the fuck, Alyx? Are you still sane?" mariing sabi niya. "If this is a joke then, it isn't funny..."

"I am not joking, Zeijan," mariing sabi ko.

I'm sorry, Zeij... Sorry...

"Ree, come on..." he sighed. "Do we have a problem? 'Di ba, dapat pinag-uusapan natin 'yan, so we can solve--"

"You're my problem." Sagot ko. Natahimik siya roon.

"You know I was doing fine when you're gone pero ngayon? Nagugulo mo lang ako ulit. I always get in trouble because of you!" I screamed and I heard his deep breaths.

"Mas mabuting wala ka, hindi ako namomroblema. But now, you're here again and you're—"

"Do you have a problem?" I stopped. "I know what you're doing, Alyx," malamig niyang sabi.

Kumirot ang dibdib ko at bumagsak na ng tuluyan ang mga luha ko. I sobbed.

"You keep on running away when you could have talk to me." Mas napaiyak ako at nasapo ko ang bibig ko.

"Where the fuck are you?" Umiling ako at suminghap.

"Z-Zeij, no, stay there. H'wag mo 'kong hanapin," I said.

"What the hell, Alyx?! I will go there!" mariing sabi niya.

"No!" I screamed. "I-iwan mo na lang ako, Zeij. Please, ayokong... ayokong pati ikaw..."

"Damn it, just fucking tell me where you are!" narinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan niya sa kabilang linya. Mabilis akong tumayo sa kama.

"No! Don't follow me!" Nagmamadaling kinuha ko ang baril ko sa may banyo.

"Don't you fucking dare leave!" he said hardly. "Don't try me, Alyx. Stay there!"

"Zeij, no. Umalis ka na lang. Let's break up, pumunta kang ibang bansa para ligtas ka tapos iwan mo na lang ak—"

"I am your husband so I will decide for us!" aniya. "If I tell you that we won't break up then we won't! Understood?"

Hindi ako nakasagot at patuloy lang na lumuha.

"Now, stay there and talk to me." He said. I cut the line.

Nang marinig na tumunog ulit ang phone at makita ang pangalan ay mabilis kong sinagot.

"Twenty-three hours left, Viper. Time is running," mapanuyang sabi ni Antonio sa kabilang linya. The screen projected again, and I saw my Mom there, tied and crying, with Hawk full of bruise and a crying Trece.

Humigpit ang hawak ko sa baril at mabilis na tumakbo palabas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co