Kabanata 4
Kabanata 4
"WHAT are we going to do now?" I sighed exasperatedly while looking around me.
"I don't know," Zeijan answered me. Sabay kaming humugot ng hininga.
We were both hiding behind a big rock near the shore. Halos kuyugin kasi ako nang makaagaw ng pansin ang dalawang teenager matapos isigaw ang pangalan ko.
I grabbed him by the hand, and we ran 'til we're both tired. Nakita ko ring pinaghahanap ako ng ilan kanina na sa tingin ko'y paparazzi kaya hindi kami makaalis ni Zeijan dito sa batuhan.
"Malas!" I shrieked.
This is my last movie project for this year at ito pa ang kahihiyan ko! Damn!
Hindi ba ako matatapos sa mga issue na 'to?!
Napatingin ako sa tabi ko at halos kumulo ang dugo ko nang makita si Zeijan na nakaupo na sa may buhangin at naglalaro ng mga seashells.
I groaned. This is his fault!
"This is all your fault!" I hissed. Nakita kong natigilan siya at napatingin sa akin.
"Me?" he pointed himself.
"Yes, you!" I hissed. I saw how his mouth parted.
"I didn't do anything!" iling niya.
"Because of your shirt!" Turo ko sa suot ko. "Napag-usapan na naman ako!" maktol ko.
"I did not tell you to wear that," aniya at ngumuso.
"You did!"
"I didn't!" aniya. "You just opened the closet and wore the shirt!" Natigilan naman ako nang ma-realize ang sinasabi niya at nahila ang buhok ko.
I groaned.
Damn it! He's right!
Pabagsak na napaupo ako sa buhangin katabi niya at napasigaw. Napatawa siya roon kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong tinatawa-tawa mo r'yan?!" I asked him sharply.
"You're adorable," he smiled. His eyes shined when the rays of the sun reached it, sumabay ang kabog ng puso ko sa paghampas ng alone kaya nagbaba ako ng tingin.
Tumikhim ako at tiningnan na naman ang shirt na suot ko at nakagat ang labi ko.
"Were you in your right mind when you bought this shirt?" tanong ko. Sumulyap siya roon at nakita ko ang pagngisi niya at ang pagsuklay niya sa buhok.
"My brother gave me that," tawa niya.
"Really?" My eyes widened. Ngumuso siya bago muling sumulyap sa akin.
"I don't usually wear that, minsan lang kapag nasa bahay but then, you wore it and see what happened..."
"So, kasalanan ko pa?" nanliit ang mata ko.
"I didn't say anything." Ibinaon niya sa buhangin ang shells at nilingon ako.
"Tara na? It's already eight. Kain tayo," aniya.
"I can't," sabi ko at ipinalibot ang tingin ko. "Hindi ako makakapaglakad nang normal sa lagay na 'to and what if they see you? Another issue na naman?"
"Ganyan ba talaga kapag artista? Konting galaw lang may issue na?" aniya. I nodded.
"Hmm, unfortunately," sagot ko. "Kahit anong gawin ko, may issue so this isn't new." Kibit-balikat ko.
He nodded. I saw him licking his lower lip at maya-maya pa ay tumayo siya at nakita kong sumilip siya sa may batuhan.
"I know a way para makabalik tayo sa hotel," aniya sa akin.
"Sa hotel ko na lang ako," sabi ko.
"Where is it?" aniya. Tumayo rin ako para makisilip sa kanya at itinuro ang hindi kalayuan hotel.
Nakita kong nangunot ang noo niya at nilingon akong muli.
"What's your whole name again?" he asked.
"Alam mo kagabi ka pa, kasal na tayo lahat-lahat 'di mo pa rin maalala pangalan ko," reklamo ko.
"Sorry," he laughed. "I'm really not good with names."
"Alyx Riadna Alarcon," I answered.
"Ree," he bit his lip.
"Oh?" tanong ko.
"Aside from being a celebrity, ano pang trabaho mo?" aniya at napaisip naman ako saglit bago nagkibit-balikat.
"Pag-arte, modelling, that's my only job," sabat ko naman. He nodded. Nakita ko na naman ang mapanuring tingin niya sa akin kaya bigla akong na-conscious.
Napahawak ako sa pisngi ko at nilingon siya.
"M-May dumi ba?" I asked him. He lifted his hand and I was startled when he wiped my cheek before putting my hair behind my ear.
"Wala," he said and towered me. Napahugot naman ako ng hininga at napatikhim.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nang magtagpo ang mata namin ay bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kagabi.
I am staring at his eyes again that took my attention but with a different view behind him this time. Kung kagabi ay mga tao at ang makukulay na ilaw ang nasa likod niya, ngayon naman ay ang magandang silaw ng haring araw ang nasa likuran.
Behind him now is the peaceful waves, and the clear blue sea that is same as his piercing eyes.
"W-Why?" nangangatal kong sabi. He moved a little closer, pushing my body on the rock as he lowered his head and kissed the tip of my nose.
"We'll be having trouble if we go to your hotel, may nagbabantay sa lahat ng exit," aniya.
Namumungay pa ang mata ko nang nag-angat ng tingin sa kanya at matapos nito ay marahang tinulak ko siya.
"U-Uh, paano mo nalaman?" I asked.
Damn, Alyx! It was just a kiss on the tip of your nose!
"I know everything here," aniya na parang wala lang. I saw him pinching the bridge of his nose before looking at me.
"What now, Misis? Should we go back there?" Turo niya sa hotel kanina kung saan kami nanggaling.
"I-I have to talk to my manager too, baka nag-aalala na kasi 'yon," sabi ko.
"You can call him when we reach my place, it's safe there," aniya kaya napatango na rin ako nang wala sa sarili.
I can now imagine the headlines. Simula pa lang kahapon ang dami ko ng issues! Kainis!
I walked past the rocks but before I can walk away from him ay nahawakan ni Zeijan ang braso ko kaya napabalik ako sa kanya at tumama ang likod ko sa dibdib niya.
I shifted my gaze at him and cursed myself when I found out how close our faces are.
"W-Why?" I stuttered.
He let go of my arm. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at gano'n na lang ang gulat ko nang hilahin niya ang shirt pababa sa likuran ko.
"B-Bakit?" naguguluhan kong sabi.
"Your underwear's showing, you wouldn't like to walk with your undies showing, right?" irita niyang sabi kaya napatawa ako at napairap sa hangin.
"You know, Mr. Cueno..." I said. He stopped and bit his lip afterwards.
"I always walk in my bikinis, so this is really not a big deal," sabi ko naman at halos magsalubong ang kilay niya roon.
"Well, I'm sorry to tell you, Mrs. Cueno..." My smile froze. "But you can't walk with your underwear around the sight of other people anymore," he said.
"H-huh? Bakit sino ka ba..."
"I am not stopping you to wear bikinis, but you know, I'm quite possessive. If your husband says no, then you won't," he said in finality. My jaw dropped.
"That's impossible! 'Tsaka 'di ba magpapa-annul na rin naman tayo agad so there's no use—"
"Atleast, while we're still married," he shrugged.
"You're bossy!" I hissed. He laughed and ruined my hair.
"Not really, Misis. Just being protective," he said. "I can't stand seeing other man drooling over my wife."
Hindi na ako nakapagsalita at halos mabingi na sa tambol ng puso ko nang hawakan niya ang baywang ko palapit sa kanya bago ako itago sa mga tao.
We entered through the emergency exit. Ni hindi ko alam kung saan ang parte ang exit sa mga hotel pero siya ay alam na alam niya.
He expertly opened the door with just a hairpin he found on my head.
How amazing was that?
Pagkaakyat pa lang namin sa kwarto niya kanina ay kaagad akong naupo sa sofa at nagmukmok habang siya naman ay may kinakausap sa telepono.
Kinuha ko ang phone ko at halos masapo ang ulo nang makita ang sunod-sunod na text galing sa manager ko at sa direktor.
They were asking about my whereabouts at kay Jana lang ako nag-reply, na manager ko rin, I told him I'm fine and all.
Halos lumubog pa ako sa sofa nang mabasa ang headline ng mga article tungkol sa akin.
"Alyx, nagpakita na naman ng attitude sa set!"
The comments are just too much, minsan nga napapaisip ako, why did I enter showbiz in the first place?
Mas marami nga ata akong haters kaysa sa fans so what's the use?
"Alyx, wearing JUST GOT FUCKED shirt. Exclusive!"
What the heck? Pati ang shirt na 'to?!
Pinindot ko ang link ng article at nakitang naroon nga ang mukha ko habang suot ang shirt na 'to. Wala pang isang oras 'to pero libo na ang likes at comments.
May isa ring litrato roon na kita si Zeijan pero mabuti na lang ay nakatagilid lang ito at hindi maayos ang kuha.
Jasmine Azcaragga: Who's the guy? Bf niya?
TeentalkPH replied: Not confirmed.
Rida Solis: Bitch! Talagang nagsuot ng ganyang damit para magpapansin? Palibhasa kasi nalalaos na!
Kitsy Escueva: How desperate is she? Baka ni-reject ni Brandy kaya ganyan? Hahaha!
"Just turn it off," natigilan ako nang may magsalita sa harapan ko kaya naibaba ko ang phone ko.
I was shocked when I saw Zeijan in front of me. Dumukwang siya at kinuha ang telepono ko mula sa akin at inilagay sa lamesa.
He looked up at me, hindi ako nakagalaw nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin ito sa labi niya.
"I don't know what you're facing now but stressing about it will just ruin you more," aniya at nabakas ko ang sinseridad sa kanya.
My heart pounded.
Nakagat ko ang labi ko at napatungo. He smiled at me and caressed my hand.
"Just keep on nagging, Misis ko. Mas ayos pa sa aking susungitan mo ako kaysa sa tahimik ka lang d'yan," aniya at napanguso ako.
"Ano, mas gusto mong inaaway kita?" He chuckled and nodded.
"Hmm, I prefer it that way." Tumayo siya at tumabi sa akin.
"Come on, take a bath, napa-dryer ko na kagabi ang mga damit mo so you can wear it again," aniya at iniwan ako roon para lumabas.
Sinundan ko siya ng tingin pagkalabas niya at ang tagong ngiti sa labi ko ay lumabas.
He's not bad after all, then.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
I took a bath and changed my clothes. Pinakialaman ko rin ang shower gel niya sa bathroom at sa amoy at brand pa lang nito ay alam ko ng mamahalin.
Hmm, rich kid siya?
Pagkalabas ko ay tinutuyo ko pa ang buhok ko at halos mapaatras ako sa gulat nang makita ang iba't ibang pagkain sa kusina.
Napakurap ako. Wait, may fiesta?
"Uy, sorry, Miss, ah! Ngayon lang kasi naayos 'yong pinahandang pagkain ni Zeijan!" Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaki roon sa loob.
"H-Huh?" Gulat kong sabi.
"Hindi naman kasi nasabi kaagad sa amin ni Zeij na ikinasal na siya! Malay ba namin?" He laughed. Naguguluhan pa ako pero nakita ko ang pagpasok pa ng isang lalaki bitbit ang litro ng coke.
"Uy, Miss! Nand'yan ka na pala!" ani noong gwapong lalaking kapapasok pa lang. "Ikaw si Alyx Riadna, 'di ba? 'Yong artista?"
"Y-yeah?" naguguluhan kong sagot.
"Uy, weh? Artista 'tong asawa ni Zeij?!" ani ng lalaking nakaupo kanina.
"Oo nga, napapanuod ko siya sa TV!" sabi naman ng isa.
"Talaga! Wow! Kaya pala familiar!" he exclaimed. "Ang swerte ni pareng Zeijan, ah!" aniya.
Muling napabaling ako sa lamesa na puno ng pagkain at bumuka ang bibig ko para sana magtanong nang may maramdaman akong kamay sa baywang ko.
Napalingon kaagad ako sa tabi ko at nanlaki ang mata ko nang makita si Zeijan na bagong paligo habang hawak-hawak ang baywang ko.
He was wearing a plain black shirt and pants. Nakapatong pa ang t'walya sa ulo niya at nagulat pa akong lalo nang halikan niya ang pisngi ko bago bumaling sa mga kasama niya.
"Thanks for this, Phoenix, Marz," he thanked the two.
"Sige lang, pre. Biglaan naman ata ang kasal mo? Kaninang umaga ka lang nagsabi na maghanda?" tanong ng nakaupong si Marz sa pagkakaalala ko.
"Hmm, biglaan," he smiled. I can almost smell his aftershave.
"We never know you had a girlfriend?" ani ni Phoenix."
"Now, you know?" inakay ako ni Zeij at pinaupo sa may upuan roon sa lamesa bago umupo sa tabi ko.
"Let's eat, baby," aniya.
"P-para saan 'to?" I asked at tinuro ang mga pagkain.
"For our late reception?" he grinned foolishly.
"What?" nanliit ang mata ko. Lumapit naman siya para bumulong.
"Marriage without celebration is not good, hindi raw magiging prosperous at abundant ang family," aniya.
"Ganoon?" he nodded and wiggled his brows. Nalaglag pa sa noo niya ang tubig galing sa basa niyang buhok kaya tumagilid ako para abutin ang t'walya at punasan ang ulo niya.
"Matuto ka ngang magsuklay," sita ko habang pinupunasan ang buhok niya. He was just staring at me with those blue eyes again.
Tumungo pa siya ng bahagya para maabot ko ang ulo niya at natigil lang kami sa kantyaw ng kanyang mga kaibigan.
"Zeijan is whipped," ani Marz. Natigilan din ako roon.
"Shut up," Zeijan hissed at akmang tatanggalin ko na ang kamay ko sa ulo niya ay hinawakan niyang muli ang kamay ko at ibinalik sa ulo niya.
"Zeijan?" tanong ko.
"Please?" he said kaya napailing na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
We ate after that, si Zeij ang naglagay ng pagkain sa plato ko at hindi ko nahindian iyon.
Isa pa, I missed eating like this a lot. Sa trabaho ko kasi ay dapat akong naka-diet para sa figure ko kaya kaunti at pili lang ang pwede kong kainin.
The foods were the typical celebration food: spaghetti, kutsinta, puto, palabok and the likes kaya takam na takam ako.
"Zeij, hinahanap ka ni chef kanina. Hindi ka ata nagpaalam na absent ka ngayon?" ani noong Phoenix kaya napatingin ako sa kanila.
"I forgot, I was with my wife earlier," aniya. "I'll just make up tomorrow, overtime na lang ako," aniya.
Ano ba talagang trabaho niya? He's a DJ the first time we saw each other than now, ano naman?
"Maraming masasawi at magugulat kung nalaman nilang ikinasal ka na, sa isang artista pa! Lakas ng karisma mo 'tol!" Tawanan nila.
"Uh, can you please not tell the others na kasal kami?" I told them. Nakita kong natigilan sila roon.
"Bakit naman?" tanong ni Phoenix.
"Kasi ano," napatingin ako kay Zeij na nagseryoso at tumitig sa pagkain sa plato niya. "S-Secret muna kasi 'to," sabi ko.
They both nodded na parang nagegets ako at nakagat ko naman ang labi ko bago sumulyap na naman kay Zeijan na kinakagat ang pang-ibabang labi niya.
Why are you quiet now, hmm?
Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya sa may hita at isiningit ang daliri ko sa nakakuyom niyang kamay kaya napatingin siya sa akin.
He was shocked. Nakita ko ang pagtataka sa mata niya kaya maliit akong ngumiti at bumaba ang tingin niya sa kamay namin at pinagsaklop ito.
"Keep it a secret first, please," aniya sa mga kasama matapos ay ngumiti at hinaplos ang kamay ko.
They left just after we ate. Tinulungan ko si Zeijan na mag-ayos muna ng pinagkainan namin bago inilagay sa ref ang mga natirang pagkain.
Pwede pa naman itong makain dahil sa marami pang natira, isa pa, busog na busog din ako sa dami ng kinain ko kanina.
I texted Jana first na h'wag muna akong hanapin ngayong araw at ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat kapag nagkita kami.
Isa pa, hindi ako kailangan sa set ngayong araw na 'to dahil scenes lang naman ng dalawang bida ang kukunan.
'Tsaka, paki ko ba kung hindi ako kasama sa scenes? Kung tutuusin mas maganda akong umarte kaysa ro'n kay Tessa!
Sadyang lapitin lang ako ng issues kaya 'di ako nabibigyan ng lead role!
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"ANONG trabaho mo?" tanong ko kay Zeijan nang mapag-isa kami sa terrace. Mabuti na lang at tahimik ang dalampasigan ngayon kaya wala marahil ang aaligid sa akin.
"Hmm, marami." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.
He was leaning his arms on the barricade. I can see how his muscles ripped with every push of his arms.
Ang kanyang suot shirt pa ay medyo hapit sa kanya kaya kita ko ang muscles niya.
Taong-gym ito, ano? His arms and body are just in right place, hindi gaanong kalakihan pero kita ang kanyang katikasan. His black hair is disheveled, his jaw complimented the way his eyes pierced on the sea near us.
"Paanong marami, 'di ba DJ ka sa bar?" tanong ko.
"Yeah, part time ko lang 'yon," aniya. "Kapag free, magdi-dj ako tapos kapag regular day naman, assistant chef ako o kaya waiter sa hotel." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"R-really?" He nodded and grinned.
"Hmm, minsan, housekeeper." That made my jaw dropped. Napaayos ako ng tayo at nanlalaki ang matang tiningnan siya.
"Seriously?!" I exclaimed. He laughed before nodding.
"Yeah, If I won't do extra jobs then I won't live," aniya. "Ako rin kasi bumubuhay sa pamilya ko."
"P-pero itong," Tinuro ko 'yong hotel room. "Sa 'yo 'to, 'di ba?" I asked.
Paanong mag-e-extra jobs siya kung mayaman siya? His shower gels costs thousands! Paano pa kaya ang lugar na 'to?
"This isn't mine," biglang sabi niya kaya nilingon ko siya.
"What?"
Wait, all along nag-i-imagine lang akong mayaman siya?
"This was my friend's. Nakatira siya rito kaso nagpuntang States so ako muna ang nandito," aniya.
"But your shower gels! May jacuzzi pa sa loob! It costs—"
"Sa kanya lahat 'yon, pinapadala lang sa akin para gamitin ko." Sumandal siya sa terrace at nilingon ako.
So, I was expecting all along? Hindi naman sa nag-papaka-materialistic ako pero sa ngayon kailangang praktikal na, 'di ba?
Naisip ko kasi kanina na, kung mayaman siya at kasal kami, hindi na masayadong mahihirapan sa pagpapa-annul o hindi kaya ay ang buhayin ako.
Pero kung wala siyang pera...paano naman ako? Sa annulment fee pa lang lugi na ako? Kung sakali namang 'di kami magpapa-annul, paano ako?
I mean, sa trabaho ko ngayon, hindi maiiwasang maging dahilan iyon ng pagkamatay ko, paano ako malilibing?
"If you're thinking that I won't be able to support you, stop it." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"H-Hindi naman sa gano'n, naisip ko lang 'yong annulment," sabi ko.
"Wala pa ngang isang araw na kasal tayo, 'yan na iniisip mo?" Napalabi ako.
"Of course, may career akong nakasalalay rito! 'Tsaka, ayokong madamay ka pa sa gulo sa buhay ko," sabi ko.
He sighed.
Nang muli ko siyang lingunin ay nakita ko ang paglamlam ng mata niya. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa terrace at napaatras ako nang maglakad siya palapit sa akin.
I gasped when he pushed my body towards the railings and stared at me.
He ran his fingers on the side of my eyes and it was so slow, I found my eyes closing.
"If you're worried about the annulment, it'll be hard," bulong niya at dinampian ng halik ang noo ko.
"H-hard?" Nagmulat ako ng mata.
"Hmm..." he nodded.
"Hindi kayang ilihim sa media?" He shook his head and pouted. Hinawi niya ang buhok ko at mas sumiksik sa katawan ko.
"Annulment has grounds, Misis. What are your grounds?" bulong niya sa akin.
"U-Uh, na bakla ka?" I said. I saw how the side of his mouth lifted.
"Come on, Misis. Have you forgotten how smitten you are last night?" Nakagat ko ang labi ko at pinalo siya.
"Kainis 'to! I was just drunk!" I hissed.
"Think, wife," aniya. Napaisip naman ako roon.
Nanatili naman siyang nag-aabang ng sagot sa tanong niya habang nakatitig sa akin. Marahan pa niyang hinahaplos ang batok ko kaya nadi-distract ako.
"Uh, ano," tinanggal ko ang kamay niya sa batok ko at pinirmi sa balikat ko. "How about impotence?"
Nang sabihin ko iyon ay napatawa siya. Naaaliw ang mata niya habang tinitingnan ako at mapailing siya sa akin at inabot ang pisngi ko.
"Seriously, Misis ko?" I pouted. "I can make you pregnant right here, right now!" He exclaimed kaya tinampal ko ang bibig niya.
"Zeijan nga! Bastos mo!" I shouted. Mas napatawa siya.
"Hay, Ree. Give up. H'wag na tayong magpa-annul," aniya.
"Akala mo ba madali lang sa akin 'to?" sita ko.
"Then why, what's making it hard for you?" Tinagilid niya ang ulo at tinitigan ako. "Why don't you want to just accept the fact that we're married? Is it because of the state of my life?" Natahimik naman ako roon.
"Hey, look at me..." He lifted my chin, making me look at him. Seryoso niya akong tiningnan at matapos ay nagsalita.
"If you're worried about the money, then don't be. I can support you, hanggang sa apo pa natin sa talampakan." He licked his lips.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co