Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 10

frezbae

Nanay

Parang hindi ako makatitig habang papalapit ako. Ramdam' ko ang lamig ng hangin nang pang gabi. Dahil sa kakataranta ko sa presensya ni Faustino ay ang ballpen ko na pilit konh sinisiksik sa aking bag ay nahulog mismo sa harapan ni Faustino. Dahil nga sa isang linya lang nakaparking ang sasakyan nilang dalawa.

Pinulot iyon ni Faustino at ibinigay sa akin. Binuksan niya ang kanyang pintuan. Nilagay ko naman sa aking bag ang ballpen.

"Uh, Thanks!" tipid akong ngumiti at nilagpasan siya bago tumungo kay Austin na seryosong nakatingin sa amin.

Naramdaman ko ang pagkaalarma ni Faustino.Pumasok ako sa nakabukas na pintuan ng sasakyan ni Austin tsaka binalikan ng tingin si Faustino.

Unti-unti niyang sinarado ang pintuan ng kanyang Mustang habang nakatingin parin sa sasakyan ni Austin.

Ewan ko. Parang may kung anong humiwa sa aking puso. Ramdam ko ang pagtutol ng puso ko sa nagawa.

"I didn't expect that." Umpisa ni Austin habang binabaybay na namin ang iilang bukas pa na restaurant papuntang Himamaylan. Gabi na at nakatitig nalang ako sa mga ilaw ng bahay o di kaya'y poste.

"Na?"

"Na sa akin ka sasabay."

Ngumiti ako. "Bakit ayaw mo ba?"

Tumawa ito ng malakas. "Don't ask me that dahil alam mong gusto kita." Bigla itong natigilan pagkatapos niya iyonh masabi. Umubo siya at nakita kong niliko niya ang sasakyan sa Harry's Restaurant dito sa Himamaylan. Simple lang ito at may kukunting kumakain.

Dahil nga lulutuin pa 'to kaya nagkaroon na naman ako ng awkward moment kay Austin.

"So dinner ulit bukas?"

Tumawa ako. "Hindi. Flight ko pa Manila kasi namatay 'yung kaibigan ko."

Tumango siya. "Oh! Magkasunod pala tayo. Sunday ako. Will attend some party."

"Mahilig ka talaga sa party no?"

"Not really. Just my family. Kung ako papipiliin ay mas gusto ko dito sa probinsya."

Totoo. Mas gusto ko rin dito. Nasanay narin ako sa pamumuhay dito. Nagustuhan ko ang bangus nila doon at lomi. Maraming gulay ang lomi nila.

Dahil malayo ang Himamaylan sa Kabankalan ay ginabi ako sa pag uwi. Nakatulog agad ako ng makauwi sa bahay. Sanay na ako mag isa dito kaya hindi narin natatakot.

Nakaempake na ako ng mga gamit ko na nasa maliit na bag lang. Naeexcite rin akong makita ulit si Ginger. Balak kong doon na bumili ng mga pasalubong para hindi ako mahirapan sa airport.

Kinabukasan ay alas nuebe ang aking flight kaya alas singko palang ay umalis na ako dahil tatlong oras pa ang biyahe pa Bacolod.

Marami akong iniisip habang nasa biyahe. Wala ring alam si nanay na balak kong umuwi. Doon ako didiretso bago pumunta kina Vicco. Nailibing na raw si Chelsea.

Halos alas dose ako nang makarating sa simpleng bahay ni nanay. Simple man pero ibang iba na ito' sa bahay namin noong una. Napangiti ako ng tinulak ko ang gate namin. Gumawa iyon ng ingay.

Nakita kong mas naging malinis at ang mga damo sa malawak na lupa sa harapan ng bahay ay maayos ang pagkakatrimmed.

May sari saring bulaklak sa ang nakapaligid sa bahay namin na nag bigay ng preskong hangin dito. Magaling si nanay mag alaga.

Kinakabahan ako ng pumasok at nakitang nagmamop si nanay ng sahig. Kumalat rin sa sala ang tawa ni Ginger na nasa upuan nito.

Humataw pa si nanay sa pagsayaw! Humalukipkip ako at nakangiti silang tiningnan. May tumakas na luha sa aking mga mata dahil sa sobrang saya.

"Salvage love! Did sambade did sambade brek yur hart!"

Hindi ko na napigilan at tumawa ako ng malakas. Tumigil si nanay at namaywang ng makita ako. Nilapitan ko si Ginger at binuhat.

"Na-miss kita baby." niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap ko ang magtatatlong taon kong anak.

"Mam-ma!" sunod sunod na sambit ni Ginger. Tinitigan ko siya. Bawat sulok wala akong pinalagpas lalo na nang makita sa mga mata niya ang mga mata ni Faustino. Sumikip ang dibdib ko.

Ba't ba kamukhang kamukha niya ang kanyang ama? Paano ko maitatanggi kapag nakita siya ni Faustino? Lalo na sa mga mata niyang kakurba at kakulay ng mga mata nito.

"Napadalaw ka? Akala ko ayaw mo ng umalis doon sa hotel ng Faustinong iyon?"

Napapikit ako at hinagod ang buhok ni Ginger na nasa mga bisig ko. Hindi ako nagkamali dahil alam na pala ni nanay.

"Nay, hindi ko alam iyon ng una."

"E' bakit hindi ka umalis? Oh siya! Wag' na natin iyong pag usapan kumain ka muna at akina ang apo ko. Jusko! Ang payat mo Ava! Sinabi ko naman may Pena na alagaan ka ah!"

"Hindi naman ako payat nay." Binigay ko sa kanya si Ginger na ngumingiti sa akin.

Nagkukulitan kami ni Ginger sa kusina habang hawak siya ng kanyang yaya. Isa lang pala ang yaya dito ni nanay.

Hindi kasi siya sanay na ganun, siguro kinuha niya lang para may hahawak kay Ginger kung may gagawin siya.

Huminga ako ng malalim at nabuo sa isipan ko na kukunin ko nalang si Ginger pero hindi ko pa alam kung paano sisimulan.

Nakita ko si nanay na naglilinis ng kisame. Gulo gulo ang buhok nito. Kahit maayos na ang buhay niya hindi siya naging maarte sa kanyang sarili.

Nang matapos akong kumain ay kinuha ko si Ginger sa yaya niya. Ang taba ng kanyang pisngi! Nakakagigil.

"Miss na miss kana ni mama anak. Ang taba taba mo na!" hinalik halikan ko siya sa leeg at tumawa ito ng matamis.

"Mabuti naman hindi mo naisipan na sabihin sa ama ni Ginger ang totoo?" si nanay na nakapamaywang na ngayon sa harapan ko.

Napawi ang ngiti ko. "N-Naisip ko rin po 'yan pero.Hindi ko alam nay."

Umirap si nanay at umupo siya kanina sa inuupuan ko.

"Duda ako sa Faustinong' yan Ava. Sa rami ng pera niyan baka napasundan kana at alam na may anak kayo."

"Nay! Wala siyang alam. Si Faustino nay pag alam niyang may anak siya.Magwawala iyon."

Nanahimik ako ng matandaan ang mga reaksyon noon ni Faustino nang buntis si Genevive at akala niya siya ang ama.

Nang mga panahong pinasampal niya sa akin ang katotohanang hindi kami kailanman lalagpas sa kama. 'Ang mga panahong.Nasaktan niya ako ng pisikal.

Kumudlit ang sakit sa akin dibdib kaya binaling ko nalang ang aking tingin kay Ginger.

"May party tayong dadaluhan mamayang gabi. Invited ako doon sa mga party ng mayayaman. Ang daming arte e! Clothing lang naman ang napatayo ko ngayon."

Ngumiti ako. "Di'ba nay mga bigatin ang mga costumers mo? Atsaka magaganda ang mga styles ng damit na ginagawa niyo nay."

May sarili na ngayong clothing line si nanay. Nakikita ko iyon online ang mga bumibili sa kanya at mga laman ng boutique niya.

Nagpahinga ako buong araw sa bahay ni nanay. Mayroon rin akong kuwarto doon kaya doon kami nagkulong ni Ginger hanggang sa makatulog kami.

Magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ang aking anak. Lalo na kapag dito sa puder ni nanay.

Nang gumabi na pinakain ko muna si Ginger at nilinisan bago iniwan sa kanyang yaya.

Namamangha ako sa ayos ni nanay. Daig niya pa ako! Parang hindi ko siya nakita kanina na parang walis ang buhok at parang walang ligo!

May mga ibang designers rin na imbetado. Sa tagal ko sa Negros ang dami kong hindi alam sa mga nangyari sa buhay ni nanay.

Naninibago ako lalo na nang makita ang itim na SUV ni nanay.

Ngumingisi nalang ako ng pumasok at kinagat ang labi. Ganito pala ang pakiramdam.

"Ano bang mukha iyan Ava? Para kang tanga!" singhal ni nanay sa akin.

Tumawa ako ng malakas. "E' nay! Hindi talaga ako makapaniwala na mayaman kana e."

"Anong mayaman? Wala akong pakealam sa yaman na iyan. Kailangan natin ng masasakyan! Kaya bibili talaga ako nito! Kung mayaman ako bibili na akong eroplano!"

Tumahimik nalang ako at hindi na nakipagtalo pa. Marami kaming dapat pag usapan ni nanay pero mukhang hindi ko iyon maisingit ngayon kasi may party pala na dadaluhan.

Si nanay ay nakasuot ng itim na dress at labas ang likod. Nakapuyod rin ng diretso ang buhok niya kaya mas lalong nadepina ang kanyang mukhang mataray.

Ako naman ay nakasuot ng pulang dress na labas ang parte ng aking tiyan. Maiksi ang palda nito at tube. Mabuti nalang sanay ako dito lalo na s heels. Naka diretso ring' puyod ang aking buhok. Wala akong nilagay na kahit anong kolorete kundi lipstick na pula lang.

Maraming nagkikislapan na camera bago kami pumasok. Jusko, nakita ko pang marami palang kakilala si nanay at ang iba ay kanyang ka batch pa noong high school at college!

Mayayaman rin ang mga ka batch niya! Nahinto rin ang mga tingin nila sa akin pero hinila na ako ni nanay papasok.

"Wag' na tayong magtagal sa mga iyon! Maarte ang mga yon!" Bulong ni nanay sa akin.

Dahil nga papasok kami, ang mga mata nang nasa loob ay nag aabang. Kuryuso kung sino ang papasok. Halos mapasinghap ako ng makita sa isang bilugang mesa ang hindi ko inaasahan!

Di'ba nasa Negros lang siya?

Si Austin at Faustino ay nasa isang mesa. May kasama pa silang iba ma hindi ko kilala. Tahimik na nagtagpo ang aming mga mata.

Hinagod niya ako ng tingin kaya umiwas ako. Kumapit ako ng mabuti kay nanay na halos walang tinitingnan.

Taas noo ito at tila naghahanap ng mesang mauupuan namin. Ang masama pa ay maraming nakatingin sa amin.

"Ladies and gentlemen let's welcome Mrs. And Ms. Pojas!"

Nagulat rin ako dahil may pa ganon pa? Umirap si nanay sa nagsabi nun sa stage.

"May crush iyon sakin." sabi ni nanay.

Umawang ang labi ko at kinabahan dahil dadaan pa kami mismo sa mesa nila Faustino! At, andoon si Paulino Grey! Ang papa ni Faustino na ex ni nanay!

Tila naestatwa ito na nakatingin kay nanay habang si nanay ay taas noong dumaan at walang pinansin kahit sino.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co