Truyen3h.Co

Beautiful Liar

Chapter 11

frezbae

Mr. Grey

Gulat ako ng matawag si nanay sa entablado dahil sa ka tanyagan ng kanyang clothing line. Kahit si nanay nagulat rin pero naitagpi rin ang sarili bago pumunta doon sa gitna.

Pumalakpak ako at nakangiting tinitigan si nanay. Kanina habang papalapit kami dito sa aming mesa ay may mga nagtanong kung anak ako ni nanay. Maraming puri ang narinig ko lalo na kay nanay.

Totoo nga talaga na dating modelo si nanay at sa totoo lang ay pinipilit siya mula pa kanina ng isang bading na mag shoot ng daring sa isang cover magazine.

Parang walang sakit sa baga ito dati ah! Dinaig pa'ko! Hindi ko talaga ngayon maisalarawan kasi noon, hindi ganito si nanay! Sanay akong makita siyang parang gusgusin hinding ganito na parang modelo nga!

Kung noon ay isa ako sa mga nagseserbisyo sa mga ganitong event, ngayon isa na ako sa mga panauhin dito. Tinitingnan ko ang mga katulad ko dati na nagnagpupunas ng sahig. Huminga ako ng malalim at umiwas at hindi sadyang nasagi ng aking tingin si Faustino.

Nakatingin siya sa akin pero may katabi siyang babae. Ang babae ay nakaputing hapit na eleganteng dress. Napatingin rin ako sa mukha ng babae. Ang ganda niya.

Ang kanyang kamay ay nasa hita ni Faustino at bumubulong ito sa kanya. Si Faustino naman ay nakatingin lang sa akin.

Nakaramdam ako ng galit. Gusto ko siyang sigawan na may anak siya! Bwesit.

Sa mga ginagawa niya mas mabuti pa ngang hindi siya makilala ng anak niya. Isa siyang malaking gago.

Pumalinlang ang isang lumang musika. Naghiyawan ang mga businessman na mayayaman at niyaya ang kanilang mga partner. Hindi ko na nakita si nanay! Kanina e' pababa na iyon ah!

Nasa punto na ako na tatayo nang biglang may mabangga ako sa aking gilid. Mabuti nalang nahawakan agad ako ni Austin!

Tumawa siya at mahigpit akong humawak sa kanyang braso para hindi mabuwal.

"Easy woman."

Napasinghap ako at bahagyang tumawa. "Nakakagulat ka naman!"

Umayos ako ng tayo nang naglahad siya ng kamay sa akin.

"May I have this dance?" inabot niya ang kanyang kamay sa akin. Napatingin ako doon. Alam kong may napapatingin sa amin kaya hindi na ako humindi.

Hinila ako ni Austin sa gitna. Ang ilaw ay bahagyang dumilim. Hindi ko rin nakakalimutan na dapat hanapin ko si nanay mamaya!

"May clothing line pala ang mama mo at mayaman. But you chose to work in province?"

Magkadikit ang aming katawan. Ramdam ko ang init na hatid nito sa akin. Ang aking kamay ay nasa kanyang leeg nakakawit.

"Sa nanay ko naman iyon. Kailangan kong magtrabaho para sa akin-" Shit! -sa aking sarili."

Tumango ito. "You're a good example of a daughter. Hindi nakadepende sa pamilya."

Nak! Kung alam mo lang Austin!

"Come on Faus! You being so cold to me! What happened?"

Sa tabi lang namin ay narinig kong may nagsalita. Nang lumingon ako doon ay nakita ko si Faustino at iyong babaeng kasama niya kanina!

Umiling lamang si Faustino at inalis ang tingin sa akin. Nakita yata iyon ng babae kaya tinitigan rin ako nito. Ngumiti ito sa akin ng mahinhin.

"Faus! Come on." narinig kong dagdag pa nito.

Umiling iling nalang si Austin. "Matinik talaga 'yang si Faustino sa mga babae. Kahit umupo lang iyan ay pagkakaguluhan na."

Umismid ako. "Ah ganon ba?" walang ganang sagot ko.

Tumawa siya. "Basagulero rin siya noong college kami. Pate yata prof namin nakarelasyon niyan."

Pokpok na lalaki!

Ilang sandali pa ay nakumbinsi ko si Austin na huminto sa pagsasayaw. Kailangan kong hanapin si nanay.

"Gusto mong samahan kita? Hindi mo kabisado dito."

Umiling ako. "Hindi. Okay lang! Dala ko naman cellphone ko. Tatawagan ko nalang si nanay kung hindi ko makita."

"Are you sure?"

"Oo."

Umalis ako agad at naghalungkat sa aking cellphone. Ilang beses kong kinontak si nanay pero hindi niya sinasagot!

Pinili kong pumasok sa isang pasilyo. May mga nakita akong nag uusap doon at ang iba ay tumitingin sa mga naglalakihang frame sa dingding.

"Nay naman! Ba't ka nawala?"

Naiinis na ako dahil hindi niya sinasagot ang tawag! Pawis na pawis na ako kakaikot nang biglang nabangga ako sa isang dibdib. Halos matapon ang aking cellphone.

Nahawakan ako nito sa baywang at braso kaya hindi ako natuluyang bumagsak pero iyon lang.Lumagapak at nagpira piraso ang aking iphone sa sahig. Nakalas ang ilang nasa katawan nito at nakita ko ang maraming basag sa screen. Naka on pa naman ito pero ang lcd ay mukhang malaki ang damage.

Napalunok ako. Naghalo ang paghihinayang para sa aking iphone .

"A-Ang cellphone k-ko!" halos maiyak ako sa inis. Matalim ko siyang tinitigan. Gusto ko siyang sampalin pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay nakikita ko ang anak ko kaya imbes na sumibol ang galit ko ay natutunaw lang ito.

Napapikit ako at napamura. Nakakainis!

Nakaawang ang labi nito habang nakatingin sa aking labi.

"Papalitan ko iyan. Hindi ka nakatingin sa dinadaaanan mo."

"Kasalanan ko pa ngayon? Hinahanap ko si nanay kaya tumabi ka." malamig kong aniya.

"No need. Nandoon na siya sa labas kasama si ama."

Napamulagat ako. Magkasama sila ni Mr. Grey?!

Tumalikod na ako at hindi na siya tinitigan pero batid ko ang kanyang pagsunod sa akin. Bumalik ako sa kung saan nakaparking ang aming SUV ni nanay at nakita ko siya doong lasing na lasing!

Nakita ko ring inalalayan ni Austin at Paulino Grey si nanay. Nagpupumiglas ito sa hawak ni Mr. Grey!

"You! You do note!!" tinuro turo ni nanay si Mr. Grey. Wala namang naging reaksyon si Mr. Grey at inalalayan si nanay papasok ng aming sasakyan.

Nagmamadali rin ako para tulungan sila.

"Ba't mo ba kasi ako sinusundan ha?! Noon parang aso ka ngayon asong buldog ka parin!!" sigaw ni nanay dito.

Napapikit ako at nasapo ang tenga. Nakakahiya!

"Ngayon? Patay na patay ka sakin e' noon halos hindi mo'ko tingnan? Ha! Maglaway ka sa legs ko!" hinila pa pataas ni nanay ang hibla ng kanyang dress para pakita iyon pero nagmadali akong pigilan siya.

"Nay!! Nakakahiya! Nakakahiya kina Faustino at Austin!"

Saway ko sa aking inay na halos hindi makapasok sa sasakyan sa sobrang kalasingan.

"Ano?! Anong fostiso at oten? Anong oten?"

Nasapo ko ang noo at yumuko.

"Pasensya n-na po. U-Uuwi na kami."

Malamlam ang mga mata ni Mr. Grey sa akin. Tila may kung ano siyang emosyon na gustong iparamdam sa aking inay.

"It's okay."  ngumiti ito sa akin tsaka tinawag ang aming driver at sinabihang mag drive ng maayos.

Nakapamulsa naman si Faustino habang tinititigan akong nakapasok na sa aming sasakyan. Nakita kong bahagya pa siyang tinapik ni Austin para lang makagalaw sa kinatatayuan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co