Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 2
Kabanata 2
HINDI ko alam kung anong gagawin ko matapos kong makitang lumagapak siya sa ibaba.
Tutulong ba ako...o magpapanggap na wala akong nakita?
Lumapit ako pero nakanganga lang siya sa akin doon, mukhang nakakita ng multo.
"A-ayos ka lang?" nag-aalangan kong tanong.
"Y-yeah? May nangyari ba?" parang walang alam niyang tanong, sumubok pang tumayo kaya halos takbuhin ko siya at tulungan.
I held his arm. He groaned and cursed.
"Tang inang hagdan 'yan," he spat.
I lowered my body, dinungaw ko siya at kumalabog ang puso ko nang magtagpo ang mata naming dalawa.
"Ayos ka lang?" I asked again.
"Y-yeah." He licked his lips, ngumiwi nang sumubok tumayo pero biglang ngumisi sa akin.
"May nakita ka, Lia?" he asked. I blinked, still confused.
"Huh?"
He shot his brow up and stared knowingly. I gasped and shook my head.
"W-wala naman, mayro'n ba?" maang ko.
I saw his lips twitched. "Good girl, secret lang natin, ha?" he muttered, his eyes dark and wicked, may ngisi ang labi na para bang isang dark secret ito sa aming dalawa.
"O-okay," I said. "Wala nga akong nakita, e."
Nagkatinginan kami ulit at tumaas ang sulok ng labi niya. He suddenly laughed and I found myself laughing with him, amused.
Tawang-tawa ako sa kalokohan, biglang nag-flashback ang pagtalbog ng pwet niya sa hagdan kaya mas napahagikhik.
Huli na nang matanto kong tumigil na sa pagtawa si Atlas. My shoulders squared when I caught him watching me intently, his lips twitching.
"B-bakit?" tumikhim ako.
"Nothing." He tilted his head. "You're beautiful."
Natigil ako, napakurap at hindi na alam ang gagawin bigla. Natulala lang ako sa kanya, dinig na dinig ko ang kalabog ng puso ko, tila hinahalukay ang tiyan ko kaya napalunok ako.
"Oh, Atlas! Kanina ka pa—"
"Shit!" I almost screamed when Atlas cursed, bigla niyang hinatak ang baywang ko kaya nahulog ako sa kanya.
My eyes widened when my chest fell against his. Napahiga siya habang nakadapa ako sa dibdib niya, ang hagdan ay nasa may likod lang. Nagkatitigan kami, tila may humahalukay sa sikmura ko.
Napalunok ako, nagdikit pa ang ilong naming dalawa at para na akong hihimatayin. Natulala rin siya sa akin at nanlalaki ang mata.
"O-oh...anong mayro'n?" May narinig akong halakhak at bago pa man ako atakihin sa kaba ay humawak ako sa dibdib ni Atlas at iniangat ang sarili ko.
Mabilis kong inayos ang palda, nahihiya pang nag-angat ng tingin sa dalawang ka-basketball team ni Atlas.
"Ayos ka lang?" Napasulyap ako sa lalaking lumapit.
"Yeah." Tumikhim si Atlas at nagkatinginan kaming dalawa.
"Bakit ka nand'yan sa lapag?" Josh asked, isa sa ka-team niya.
"Ah, natumba kasi si Lia, tinulungan ko lang," palusot niya at nagkatinginan kaming ulit.
Ako? Ang natumba?
"Ayos ka lang, Miss?" Ted asked, tumango ako, medyo gulat pa rin sa pagkakadikit naming dalawa ni Atlas kanina.
"Oo." I licked my lips. "Nawalan ako ng balanse tapos tinulungan ako ni Atlas."
"Oh." Tumango pa ang dalawa.
Tinulungan ni Josh si Atlas na makatayo at napuno ako ng pag-aalala nang ngumiwi siya. Magsasalita sana ako pero bumaling siya sa 'kin.
"Ayos ka lang?" he asked. Kinuha niya ang saklay niya roon at nangingiwi pa pero pumunta sa akin.
Ted was looking at me curiously and worriedly.
"Lia—"
Nawala ang boses niya nang biglang humarang sa harapan ko si Atlas at natakpan ako.
"Sorry," he said in a low voice, only the two of us could hear.
Tumango ako bago sumulyap sa may paa niya.
"Ayos..." I looked at his eyes and his lips protruded.
"Kasalanan ng hagdan, sana nag-slide na lang muna siya para hindi ako tumalbog." He smirked.
Hindi ko alam pero bigla akong natawa, ngumuso siya at nakita ko ang aliw sa mga mata niya.
"Pumunta tayong clinic?" anyaya ko.
"Hoy, Atlas, nuod ka na ro'n, hinahanap ka ni coach," ani Josh.
"Mamaya, wait," aniya na hindi sumusulyap at halos hindi na ako nakahinga nang mas inilapit ni Atlas ang bibig sa may tainga ko at bumulong.
"I'm fine, Lia." he whispered hoarsely. I shivered when his breath touched my ear. "Sorry too, babawi ako."
"Hoy, mamaya na 'yan!" Napahiwalay siya sa akin nang hilahin ni Ted ang shirt niya kaya napaatras siya.
He frowned. "What?"
"Hinahanap ka na ni coach, tara!" he said.
Nagkatinginan pa kami muli ni Atlas, nakita kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi na nagawa at napaatras na.
"Bye, Lia." He flashed a handsome smile.
Ang gwapo talaga...
"B-bye." Lumunok ako at nakagat ang labi.
Tinulungan siya ni Josh paalis pero nagtagal ang tingin niya sa 'kin.
"Una na kayo," ani Ted kaya napabaling ako sa kanya. Kapitbahay namin siya kaya minsa'y nagkakausap kaming dalawa at nagkakasabay sa tricycle patungong eskwela.
"Bakit?" Josh asked.
"Check ko lang si Lia—"
"Akala ko ba hinahanap na tayo ni coach?" Atlas scoffed, his tone quite aggressive. Binalingan siya ni Ted.
"Mamaya na, Atlas, susunod—"
"Let's go." His playful eyes turned a bit dark and annoyed.
"Mamaya na nga—"
"Mamaya na 'yan, Ted! Magagalit na si coach!" pasubali pa ni Josh kaya suminghap si Ted at tumango.
Nakita kong nagtagisan sila ng tingin ni Atlas. Ayaw patalo ng huli at iritado na kaya nailing si Ted at bumaling sa 'kin.
"Ayos ka lang, Lia?" mabilisan niyang tanong.
"Oo," mahinang sabi ko.
"Tara na!" Mas kumunot ang noo ni Atlas, parang muntik pa atang magkamilagrong biglang makakalakad na walang saklay pero napangiwi sa sakit.
"Oo, nand'yan na!" Biglang tumalikod si Ted at humabol.
I saw Atlas' last glance before he faded from my sight.
Doon na ako nagpakawala ng malalim na hininga, sumulyap sa smart watch ko at nagpasalamat sa hindi nito pag-iingay.
Naglakad ako sa booth pabalik, inabot ang tumber para uminom at humawak sa dibdib.
Hindi ko akalaing mararanasan ko pa lang maging gano'n kalapit sa kanya.
Dinama ko ang masarap na sakit sa dibdib ko at unti-unting ngumiti.
A dream come true!
Nang matapos ang paglilinis ko sa booth ay nagdalawang-isip ako kung manunuod pa ba ako ng game kahit patapos na iyon o uuwi na?
'Di naman maglalaro si Atlas pero nando'n siya...p'wede naman 'no? Hindi, support lang sa team! 'Yon lang!
Sa huli ay nanalo pa rin ang gusto at malakas na sigawan sa gym ang sumalubong pagkarating. Nagwawala na ang mga nanunuod dahil mukhang close fight. Pagkapasok ay sumulyap ako sa score board at lamang ang amin ng anim na puntos.
Nahanap kaagad ng mata ko si Atlas na naroon sa may bleacher, nanunuod, kunot na ang noo. Mas napangiti ako nang makitang napapatayo siya pero mauupo kaagad nang matantong may bandage ang paa at mapapakamot sa batok, nakanguso.
I chuckled. Hindi ko alam kung ano ba ang ipinunta ko rito.
Ang game o...si Atlas?
Nang mag-countdown na ay hindi kami nabigo. We won! Everyone was so happy!
Nagtaasan sila ng banner, nagpatuloy sa pag-che-cheer ang mga nasa bleachers at halos magyakapan na ang mga estudyante.
Sinugod ng team si Atlas na dumaing pa noong una pero natawa rin.
"Para sa 'yo to, Cap!" they exclaimed at nagtawanan pang lalo.
Gusto ko sanang lumapit para i-congratulate siya pero nang may umupong ka-batch niya sa tabi niya at humawak sa may braso niya ay nawala ang ngiti ko.
I gulped, glanced at them again and sighed. Tumungo na lang ako at sumabay sa paglabas ng mga estudyante pauwi.
"Oh, Argueles? Nandito ka pa? Ano, mag-che-cheer ka rin?" Tawanan ng mga seniors ang narinig ko, lalo na si Catherine na leader ng cheer dance.
"Sayang, tapos na ang laban..." tawa ng kaibigan niya pero hindi na ako sumagot. Inayos ko ang bag ko at tahimik na umalis patungo sa sakayan ng tricycle pauwi.
Kahit hindi na rin kami nakapag-usap ni Atlas ay masaya na rin naman akong nakausap siya. Nakakagulat iyon! Hiling ko lang noon ay kahit papano'y mapansin pero ngayon, ngumiti siya at kinausap ako.
May secret pa kami!
Natawa ako nang maalala ang pagmumura niya nang tumalbog siya pababa ng hagdan, nag-alala pa nga ako pero mukhang maayos naman siya kanina sa gym. Napangisi nang ma-imagine ang itsura niya.
Napatingin ang katabi ko sa akin. Nawala ang ngisi ko at tumikhim, kumunot naman ang noo ng babae na animo'y nawe-weirduhan sa akin.
Pagkarating ay inayos ko ang backpack ko at naglakad papunta sa bahay pero natigilan nang makitang may sasakyan sa may gilid ng kalsada.
I saw a familiar man walking towards a car, galing siya sa bahay. Pagpasok ay kaagad ding umalis ang sasakyan kaya ipinagsawalang-bahala ko na lang.
Sa pagpasok ko ay naabutan ko si nanay na nag-aayos ng pagkain sa hapag.
"Nay?" I called. Lumingon siya't lumaki ang ngiti.
"Oh, Amalia! Anak, tara at kumain ka muna." Nagulat ako nang makitang maraming pagkain sa hapag.
"Dami, Nay, ah?" pansin ko at ngumisi siya at umiling sa akin.
"Basta, tara at kumain ka na!" Lumapit siya, kinuha ang bag ko sa likod kaya natatawang nagmano ako bago nagtungo sa hapag para kumain.
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
I didn't know why but I was extra excited looking forward to another day tomorrow. Nakita ko ang sarili na nag-aayos at nagsusuklay ng maayos.
Tumitig ako sa sarili sa salamin at napapatitig sa itsura ko. Maputi ako pero iyong maputlang type. My eyes were kind of small, matangkad din, medyo may katangusan ang ilong at hanggang likod ang itim na buhok, medyo kulot ang dulo at may bangs. Nakuha ko ang mukha ni nanay, naalala kong nakita ko noon ang mga litrato niya, at ang tangkad ko raw ay kay tatay.
Matagal na ring wala ang tatay ko, ni hindi ko na nakilala. Wala ring sinasabi ang nanay kaya in-assume ko na lang na wala na talaga siya. Masaya naman kami ni nanay kaya hindi ko na siya hinahanap pa. Kontento na ako sa kung anong mayro'n ngayon.
Minsan kasi ang mga tao, hindi nagiging masaya kasi hindi nakokontento. May mga gusto silang hindi makuha kaya namomroblema, imbis na maging masaya at ma-appreciate ang mayro'n sila at ayaw ko naman ng gano'n kaya thankful ako palagi.
Sinuklay ko ang buhok at ngumiti sa salamin. I didn't look like my age. Ang sabi ng mga kapit-bahay ay mukha akong mature sa edad ko at napapansin ko nga iyon. Halos kasing-tangkad ko na rin kasi ang ibang seniors.
Nang makontento ay dali-dali kong hinablot ang bag ko at lumabas ng bahay.
"Lia, ang gamot mo!" sigaw ni nanay nang maabutan ako.
"Opo, Nay! Ingat!" Kumaway ako at nangingiting pumunta sa tricycle.
Pagkarating ko pa lang sa eskwela ay malaki na ang ngiti ko. I was extra excited today! Masaya ang pagbati ko sa guard at naabutan pa ang cheering squad na nag-eensayo ng routine bago ang laro mamaya.
Tinawag ako ng iilang seniors pero hindi ko na sila pinansin dahil ayaw kong masira ang kasiyahan ko ngayong araw.
Kipkip ko ang bag na nagtungo ako sa quadrangle, wala pa masyadong tao ang mga booth dahil ten pa ang bukas at nine pa lang, gusto ko sanang maupo muna roon sa may bench sa gilid pero kaagad na napako ang tingin ko kay Atlas na naroon sa may malapit sa booth namin.
He was looking around. Nakaupo siya sa may hagdan na pinaghulugan niya kahapon, may saklay pa rin sa gilid niya at naka-bandage ang paa. He was wearing a gray body shirt and white and black jersey shorts, magulo ang kanyang buhok na nahuhulog pa ang ibang hibla sa noo.
Nakagat ko ang labi, pumipilantik na naman ang bata kong puso.
For years, I watched him from afar, tamang silip lang noon sa classroom nila kapag kunwari'y mapapadaan kahit sadya talaga, tahimik na nag-che-cheer sa mga laro nila.
Hawak niya ang kanyang cellphone, may tinitipa roon. Nakita ko ang mga juniors na ka-batch kong sumusulyap sa kanya at naghahagikhikan.
"Atlas! Hello!" naglakas loob ang isa na tawagin siya at kawayan.
He almost jumped when he heard his name pero nag-angat ng tingin at tumaas ang sulok ng labi bago tumango.
Nakita kong nagtulakan sila, ma-swerte siguro ngayon dahil walang umaaligid kay Atlas dahil maaga pa at mamaya pa magbubukas ang booth.
Binasa ko ang labi ko, pinalakas ang loob at pupunta na sana sa kanya nang humarang kaagad sa akin sina Mark kaya napatalon na ako.
"Huli ka, Argueles!" ngisi niya.
Napairap na kaagad ako roon. Bakit palagi na lang ako?
"P'wede ba, kayong dalawa, wala nga kasing pa-piyansa sa akin! Pinagtitripan n'yo lang ako!" reklamo ko na pero nang-aasar lang talaga sila.
"Hindi, ikaw ulit ang una naming preso," tatawa-tawa nilang sabi.
Kumunot ang noo ko, sumulyap sa requirements nilang huli ngayong araw at napailing.
"Wala naman akong mayro'n d'yan sa requirements, ah?" tanong ko.
"Anong wala, ayan, o! Relo!" turo nila sa kamay ko kaya umiling ako.
"Hindi nga 'to relo—" Pero hindi na nila ako pinatapos at hinila na ako papasok sa jail booth kuno nila.
Nakamot ko na lang ang kilay bago sumilip na lang kay Atlas ay kinakausap na ng mga juniors, pinapalibutan siya sa may hagdan at tinitingnan ang paa niya.
Humaba ang nguso ko.
Nakakainggit!
Naupo na lang ako sa upuan doon sa loob habang naghahanap ng ikukulong ang dalawa, ang aga namang magbukas ng booth ang dalawang 'to! Scammer yata! Para maraming kita sa huli, ano?
Halos kinse minutos akong tulala at pasulyap-sulyap kay Atlas. Nakita ko ang pagtayo niya, may umabot pa ng saklay sa kanya. I saw his manly smirk while saying his thanks kaya nagbaba na lang ako ng tingin at tumitig sa kamay ko.
Aalis na siya?
Magla-library na lang siguro ako.
"Hanap ka ng pa-piyansa sa 'yo," tatawa-tawang silip ni Ray doon kaya umiling ako.
"Ang kulit n'yo, wala nga sabing magpa-piyansa sa akin,"
"Anong wala? E, pinyansahan ka nga ni Monte—"
"Lia?"
My heart jumped out of my throat when I looked and saw Atlas outside the booth! Gulat din siya nang makita ako.
"A-Atlas," I muttered, nangingiti na hindi ko maintindihan.
Lumapit siya, kumunot ang noo at sumulyap kina Ray.
"Bakit palagi n'yong hinuhuli?" Kumunot pa ang kanyang noo, mukhang iritado na.
"E, may relo!" turo sa akin at umiling ako.
"Sabing hindi nga relo," paliwanag ko pero hindi nila ako pinakinggan.
"Lia." Tinawag ako ni Atlas kaya sumulyap ako sa kanya. "May—"
"Uy, 'tol, bawal makipag-usap sa preso," hagalpak ni Mark doon at lumalim lang ang gatla sa noo ni Atlas. He licked his lower lip, staring at the requirements at nakita kong may dinukot siya sa bulsa at inangat ang isang puting panyo.
"Oh, may panyo ako, hulihin n'yo na rin," he said at nanlaki ang mata ko.
Nagtawanan sina Ray, pinapasok si Atlas at nang magtagpo ang mga mata namin ay halos mag-palpitate na lang akong muli.
He immediately grinned when he went to me, tumayo naman ako at mabilis na inasikaso siya at tumulong para makaupo siya sa upuan.
"Thank you," magaang pasalamat niya.
His scent immediately invaded my senses. Pagkaupo niya't nagsalubong na naman ang mata namin ay tila hinahalukay ang sikmura ko.
He lifted his hand, tucking my wild hair behind my ear. Nag-init ang pisngi ko at halos 'di na nakahinga.
"Palagi ka bang hinuhuli rito?" he asked at paulit-ulit akong tumango, 'di na mahagilap ang mga salita.
"O-oo," I answered shyly.
Kumunot ang kanyang noo, bumaling kina Ray at Mark na paikot-ikot sa quadrangle at umiling.
"Grade ten 'yan, 'no?" he asked. I nodded. "Sabihan ko nga."
"Huh? 'Wag na...ayos lang, sa susunod hindi ko na lang susuotin itong..." Tumikhim ako at pasimpleng ibinaba ang kamay ko.
He glanced at it but he didn't say anything.
"Nando'n ako sa booth n'yo kanina pa, inaantay ka," aniya at kung may iniinom lang ako'y baka nabulunan na.
"T-talaga?"
"Well, yeah..." He smiled cheekily. "I just wanted to thank you for yesterday, akala ko talaga hindi mo nakita na nahulog ako."
Muling bumalik sa utak ko at magkahulog niya kaya sabay kaming natawa. I saw his eyes smile too, placing his finger on his lips.
"Secret lang, Lia," tawa niya.
"Okay, secret lang." I placed my finger on my lips and chuckled too.
Muli kaming nagkatitigan, kita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya at namula ang tainga niya kaya mabilis siyang nag-iwas. Sumulyap siya sa may harapan at nagulat ako sa biglaan niyang pagmumura.
"Shit, tago mo 'ko, Lia!" Nagitla ako nang nagsumiksik siya sa gilid ko, nagdikit ang braso namin at isiniksik ang ulo niya sa may likod.
Nanlaki ang mata ko, marahas akong napalunok nang maramdaman ang hininga niya sa may likod ko.
"Sabihin mo wala ako!" aniya at napansin kong naroon ang coach nila sa may quadrangle at nag-iikot, mukhang hinahanap siya.
"S-si coach..." I murmured.
"Ayokong manuod, gagala lang ako ngayon," reklamo niya.
I saw Ray and Mark talking to the coach, tinuro nila ang jail booth at huli na nang masabi ko kay Atlas dahil naglakad na palapit si coach.
"Hoy, Montezides!" kinalampag niya ang lamesa.
Nanlaki ang mata ko at tuwid pa ring nakaupo, kumapit sa braso ko si Atlas at mas nagsumiksik.
"Shit..." he cursed. "Wala ako rito, coach!" he exclaimed.
Nagkatinginan kami ni coach at napangisi siya bigla.
"Hoy, Montezides, kitang-kita kita r'yan. Sa tingin mo makakatago ka sa laking tao mo?" his coach hissed.
Slowly, Atlas pulled away. Bumusangot siya.
"Coach!" he whined.
"Oh?" Tumaas ang kilay nito. "Lumabas ka r'yan at manuod ng practice game para mamaya! Aba, porket injured ka, lalayas ka?"
"E, sige na..." he whined again. "Sa susunod na lang—"
"Sus, para-paraan para makaporma kay crush?" Biglang sumulyap sa akin si coach kaya natigilan ako.
"C-coach!" Halos mapatayo si Atlas doon pero hindi nagawa at bumagsak ng upo, nanlalaki ang mata at namula.
"Bakit, toto—"
"O-oo na! Sabi ko nga manunuod na!" Biglang kinuha niya ang saklay, hindi na makatingin sa akin at tumitikhim. "B-bye, Lia, uh, sa sunod na lang..."
"O-okay..." I nodded and watched him leave, inunahan pa paalis ang coach.
Naguguluhan ako. I saw his coach smirking. Nang magkatinginan kami ay natawa siya at umiling.
"Joke lang, alam mo namang weirdo ang batang 'yon," iling niya. "P'wede ka na lumabas, Ms. Argueles, na-piyansa na rin kita."
"Po?" Nanlaki ang mata ko. "Salamat po."
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
SAGLIT akong naglibang sa booth at nagtungo sa library, pero sa kasamaang-palad ay sarado dahil gusto ng office na mag-enjoy muna kami sa foundation.
Mamaya pang hapon ang game, wala rin akong kaibigan na pwedeng samahan kaya nagtungo na lang ako sa may garden at doon na lang nagbasa.
Dito ay may mga upuan at lamesa, mabango ang mga halaman at mahangin pa, wala nga lang silong kaya medyo mainit. Nang mawalan ng gana ay umub-ob ako sa lamesa, sumulyap sa sinag ng araw na tumatama sa akin at napangiti.
Panginoon, salamat sa bagong umaga.
Hinayaan ko ang sinag na tumama sa mukha ko, ipinaling ko ang ulo at nakaramdam ng antok. Napapapikit na ako roon at hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
"Shh, 'wag kang maingay! Alis na!" nagising ako sa isang baritonong boses.
Iminulat ko ang mata, napansing malilim na. Wala nang liwanag ng araw na tumama sa akin. Sumulyap ako sa kabilang parte, may araw sa lapag at siguradong mainit kaya imposibleng...
Mabilis kong ipinaling ang ulo ko, nanlaki ang mata ko nang makasalubong ang mata ni Atlas na nasa tabi ko. Ang kamay niya ay nakaangat sa ere at may jacket doon na pinoprotektahan ako sa araw.
Nanigas ako sa pwesto. Namilog ang mata niya nang masalubong ang tingin ko, namula na ang pisngi.
"A-Atlas?" tawag ko. "Bakit..."
"Uh, ano...pinapainitan ko lang jacket ko, n-nabasa kasi..." he explained at hindi ako kaagad nakasagot.
He lowered the jacket, hilaw na ngumisi at binasa ang labi niya.
"Mukhang tuyo na, ano, una na ako. Bye, Lia!" he exclaimed at nagkukumahog siyang patayo. Kinuha niya ang saklay at halos tumakbo pabalik sa university, namumula at bumubulong sa sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co