Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 10

heartlessnostalgia

Kabanata 10

MY watch made a loud sound. Nagkatitigan kami ni Atlas at nanigas ako.

"Lia!" he called but I was too preoccupied, damang-dama ko ang kalabog ng puso ko.

Gusto niya raw ako!

"Lia! Are you okay?!" Doon lang ako natauhan, bumaba ang tingin ko sa relo ko at natantong malakas ang tunog nito. I panicked, mabilis kong pinindot para mawala ang ingay at napasulyap kay Atlas na mukhang kinakabahan.

"Lia, answer me!" he demanded, cupping my face, hinanap niya ang mata ko at nagsalita. "A-are you okay? D-does your chest hurt? I..."

I found my voice. "A-ayos lang..." Mabilis pa rin ang kalabog ng puso ko. "Ayos lang."

"No." His forehead creased. "We have to go back, ang gamot mo? Are you..."

I took his hand on my cheek and gently squeezed it, natigilan siya roon at mas lumambot ang mga mata.

"Lia, we have to—"

"I-I'll calm down," bulong ko. "B-baba tayo maya-maya, k-kakalma lang ako."

He was hesitant at first. Alam kong gusto niyang ipilit na bumaba na kami pero parang 'di ko pa yata kaya hinayaan na lang niya ako. He slowly pulled me to his chest, napapikit ako at isinandal ang mukha roon, kumukuha ng init niya.

"S-sorry," he muttered. "D-did that scare you?"

"H-hindi naman," sagot ko at hindi na siya sumagot at hinayaan na lang ako.

After a few moments, I calmed down. Kumalma ang puso ko. Doon na ako nag-ayang bumaba at halos mag-panic na siya para maibalik ako.

He was too quick to get down the rocks and caught me, inalalayan niya rin ako pagkarating namin sa tubig at hindi ko na siya napigilan nang bigla na lang niya akong buhatin pagkarating namin sa mga may lupa para dalhin sa malaking bato at paupuin.

Medyo nanghihina ako, naririnig ko ang boses nina Heart pero 'di ko na masyadong makuha.

"Wear this first." Nang imulat ko ang mata ko ay nakita kong inilalahad niya ang shirt. Hindi na ako nakapagsalita nang isuot niya iyon sa leeg ko at inangat ko ang braso ko at doon na ako niyakap ng init.

"Water, Heart," he called at maya-maya'y nahuli ko na ang pagtakbo ni Heart hawak ang plastic cup at inabot sa akin.

"Here," she said, mabilis na tumabi at pinagmasdan akong umiinom. "Lia, are you okay?"

"Anong nangyari?" Josh asked, kasunod na si Yui at si Ted na kakaahon lang sa falls.

Nagkatinginan kami ni Atlas, lumapit pa siya ng bahagya sa akin at hinawi ang buhok ko, marahang sinusuklay.

"Ayos na ako," sabi ko bago bumaling sa mga kaibigan.

"Lia, are you really..." Nasalubong ko ang mata ni Atlas bago marahang tumango at ngumiti, kumalma na.

"Oo, ayos lang," sagot ko. "M-medyo nagulat lang..."

"Ano bang nangyari?" Yui suddenly asked, hinahawi pa ang buhok at dumudungaw sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot, nakita ko rin si Atlas na nakatitig sa akin, tila inaantay kung sasabihin ko ba kung ano kaya nag-init ang pisngi ko.

"U-uh, wala, medyo nag-panic lang ako," sabi ko na lang.

Nakatitig sa akin si Heart, alam kong 'di naniniwala sa palusot ko pero 'di siya nagsalita.

"Uh, gano'n ba?" Yui smiled. "'Yon lang pala, can we eat for lunch na?"

Kumunot ang noo ni Heart, umawang ang labi para magsalita pero umiling ako nang magtagpo ang mata namin. I saw Josh pull her wrist a bit, si Atlas ay 'di na gumalaw at nanatiling pinagmamasdan lang ako.

"Lia—" Ted called pero tinawag ni Yui ang pansin niya.

"Come on, Ted. Help me fix the food, busy pa sila." She said and walked away, nakalagay pa ang t'walya sa balikat.

"Lia," Ted called worriedly.

"Ayos lang ako, promise,"

He nodded and sighed, sumunod kay Yui at si Heart ay mabilis na lumapit sa akin.

"Anong nangyari, Amalia?" aniya. "Kailangan mo na ba uminom ng gamot o ano?"

"We should visit a hospital," dagdag pa ni Atlas doon kaya mabilis akong umiling sa kanila at humugot ng hininga.

"Ayos lang talaga." I smiled to assure them that I was really okay pero mukhang hindi sila naniwala. "Seryoso."

"Ang gamot mo?" humalukipkip pa si Heart sa harapan ko.

I bit my lip, sumulyap kay Atlas na mukha talaga 'di kumbinsido.

"Anong oras na?" I asked.

He sighed, glanced at his watch and spoke, "Twelve-thirty."

"Oh." I nodded. "Hindi pa oras, mamaya pang ala una."

Pahirapan pero nakumbinse ko silang ayos lang ako pagkaraan kaya pinakawalan na ako. Magkakapit kami ng braso ni Heart habang naglalakad patungo kay Ted na nag-aayos na ng pagkain. Yui was resting on the rock, naka-shades at tahimik na nakatingin sa amin.

"Nice one, anong feeling na suot ang shirt ni crush?" Natigilan ako sa biglaang sabi ni Heart kaya nilingon ko siya.

"Huh?" I asked.

She smirked, nginuso ang damit ko kaya unti-unting bumaba ang tingin ko sa shirt na suot at nakitang puting shirt iyon ni Atlas.

My eyes widened, nag-init ang pisngi ko, mukhang kikiligin na naman kaya suminghap ako at kinurot si Heart na humahagikhik sa tabi ko.

"H-huwag ka maingay..." I hissed.

"Yie." Tinusok niya ang baywang ko. Napatalon ako.

"H-Heart!" Pinalo ko ang kamay niya pero tatawa-tawa lang siya. "H-huwag ka maingay, baka ano...tumunog na naman 'to." Ipinakita ko sa kanya ang smart watch.

"Uh-huh." Tumaas ang kilay niya sa akin kaya natigilan ako. "Tell me, anong dahilan ng panic mo?"

"Huh? Wala?" Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Binitawan ko siya, iiwan na sana pero muli niya akong hinila.

"'Wag mo 'ko takasan, Lia," ngisi niya. "Okay ka naman kanina, ah? Tapos no'ng nagsarili lang kayo ni bobo..."

"W-wala nga," iling ko.

"Weh?" She grinned. Nag-init ang pisngi ko kaya tumawa na siya.

"Sige, mamaya sabihin ko." I sighed and glanced at her. "Pero ipangako mo na secret lang, ah?"

I saw the glint of wickedness in her eyes, handa na namang mang-asar pero ngumisi at tumango.

"Mamaya, ah?" She giggled. "Mukhang may ginawa si boplaks, ah?" she even hummed teasingly and went with me to the boys.

"Balatan mo naman ako ng hipon, Atlas," Yui called him habang nag-aayos siya ng plato namin.

"Uh, sure." Atlas nodded, glancing at me kaya ngumuso lang ako at nagbaba ng tingin.

"Luh, walang kamay?" Napalingon ako kay Heart na biglang nagsalita kaya ngumuso siya at pinakita sa akin ang phone niya. "Look, Lia, walang kamay."

Naguguluhan akong sumilip at nang walang makitang kung ano sa phone niya ay kumindat siya sa akin.

"Uh...wala nga. Kawawa," pagsakay ko sa kanya at sabay pa kaming ngumisi sa isa't- sa.

"Kita ko 'yon," Josh said kaya sumulyap kami sa kanya at umiling lang siya. "Oo nga, walang kamay."

Natawa na ako sa kakulitan ng dalawa.

"Oh, I want another one, dagdagan mo," Yui said, tugging Atlas' shirt again kaya nawala ang titig nito sa akin at bumaling sa babae.

"Here, Lia." Lumipat ang tingin ko sa kaliwa at nagulat nang makita si Ted na may hawak na plato at inilahad sa akin.

"Salamat, Ted. Nag-abala ka pa."

"It's alright." He even filled my plastic cup with soda.

Nagsimula na kaming kumain at marami ngang baon kagaya ng sabi nila, nakita ko ang plastic kung saan nakalagay ang pagkain na pabaon ni nanay kaya kukunin ko sana, pero bago ko pa man maangat ang kamay ay nakita kong kinuha iyon ni Atlas.

Hinayaan ko lang no'ng una pero no'ng nakita kong pasimple niyang tinatago sa likod niya ay nanlaki na ang mata ko.

"A—"

"Uy, nasaan na 'yong pabaon ng nanay ni Lia?" ani Josh na parang napansin at nakita ko kung paano lumunok si Atlas, nag-iwas ng tingin at pasimpleng uminom ng soft drinks.

"Oh, nand'yan lang..." turo ni Ted pero nangunot ang noo. "Hala, nasaan na?"

Nanahimik kami bigla, napasulyap ako kay Atlas na biglaang may tinuro.

"Uy, ang ganda ng butterfly," aniya kaya napasulyap kami roon at nakitang may lumipad ngang paru-paro.

"Uh-huh! Ilabas mo na, boplaks!" Muling bumalik ang tingin namin kay Heart nang magsalita siya. She was grinning and pointing at Atlas who only creased his forehead.

"Oh? Inaano ka?" aniya at tumikhim.

"May itinatago ka ano?" Heart grinned.

"Anong tatago ko? Bakit ko na naman itatago ang ulam galing kay Lia?" aniya kaya kumurap lang ako dahil huling-huli ko siyang pasimpleng tinatago sa likod niya ang plastic. "Right, Lia?"

"Huh?" Nagulat ako sa biglang pagtanong niya. "Well..."

"Oh, it's here, oh," biglang nagsalita si Yui at sabay-sabay kaming napalingon sa kanya nang kunin niya ang plastic sa likuran ni Atlas.

"That..." Nahulog ang panga ni Atlas, mukhang na-offend.

"Sabi na, e," Heart hissed at doon na kami nagtawanan.

"Share-share din, Cap," biro ni Ted sa tabi ko na nangingisi pa.

"'Di ko nga tinatago, malay ko bang nand'yan sa likod." Umirap pa siya sa hangin, he looked so handsome and adorable.

Nagseryoso si Yui, nahuli ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin pero 'di nagsalita kaya nag-iwas na lang ako.

Bumusangot ang mukha ni Atlas nang buksan ni Josh ang plastic at kinuha ang Tupperware. He rolled his eyes and drank his soda.

"Alam mo, Cap, kakatago mo ng ulam ni Lia baka ma-tae ka," ani Josh at nang mabuga ng bahagya ni Atlas ang soda na iniinom ay bigla akong natawa.

My laugh was a bit louder that everyone glanced at me. Atlas' face reddened, unti-unti namang napawi ang tawa ko at nakagat ang labi ko.

"B-bakit?" I asked innocently.

"Hmm, fishy, don't tell me..." Heart grinned.

Nanlaki ang mata ko, napasulyap kay Atlas na nanliliit na ang mata sa akin. "W-wala ah, wala 'kong sasabihin," I said, napainom pa.

"Uh-huh, na-impatso ka na, Cap—"

"Fuck you, Josh, tirhan mo ako no'ng ulam ni Lia!" he hissed and wrestled with him to take his large share.

Naging masaya ang outing na iyon, never in my life na maiisip ko na makakaranas ako ng ganito. I was alone since I was a child, ayaw makipag-kaibigan sa akin ng mga bata dati dahil daw may sakit ako at KJ.

Hindi ako makasali sa laro no'ng maliit pa ako dahil mabilis akong kapusin ng hininga at mapagod. No'ng paglaki naman ay taong clinic na dahil sa stress, ang huli kong naging mga kaibigan ay dati pa, akala ko totoo.

Jusko, naalala ko no'ng sabi nila na may pogi raw kaming titingnan at ako namang uto-uto, bata pa at mahilig sa gwapo ay sumunod pero tutulak lang pala nila ko sa kanal.

Grabeng iyak ko no'n, ni hindi ko sinabi kay nanay kung sino ang mga nanulak kaya galit siya, pero wala na ring nagawa. I was really embarrassed and crying really hard that time habang naghuhugas ng paa sa banyo.

Naalala ko pa nga paano nagreklamo ng mga kasabay ko pauwi sa traysikel kasi amoy kanal daw kami ro'n sa loob kaya grabe ang tago ko sa paa ko, mas naiyak pa kasi amoy-kanal daw ako.

Kaya ngayon talaga ay masaya ako't binigyan ako ng Panginoon ng chance na magkaroon ng mga kaibigan. 'Yong totoo. Akala ko ganito na ako habang-buhay but He had plans for me, He had plans for all of us.

Habang may buhay, may pag-asa. That was what I kept thinking every night before I fall asleep and every time I wake up in the morning.

Bawat gising ko, alam kong may purpose pa ako, may balak pa sa akin ang Panginoon dahil binigyan niya ulit ako ng panibagong umaga.

Bumaling ako sa may batuhan kung nasaan ang mga lalaki, balak yatang tumalon mula sa bato papunta sa tubig.

Si Yui ay naroon din, nakikisali at nagkakatuwaan sila kaya ngumiti ako.

Kami ni Heart ay nasa gilid, nagpapalutang-lutang lang at nanunuod sa kanila. Sabi ko nga ay sumama na siya roon pero ayaw niya, pagod na raw siya at sasamahan lang ako kaya narito kami ngayon.

Unang tumalon si Josh at napatili si Yui at humagikhik.

"Grabe, 'di ba sila natatakot? Malalim doon, ah?" tanong ko kay Heart na natawa lang.

"Boys are daredevils, mas mapanganib gusto nila. Ewan ko ba d'yan sa mga 'yan," tawa niya sa akin. "May thrill daw."

I nodded, nakitang si Atlas na ang tatalon. Josh was in the water, cheering for him, nasa likod ni Atlas ay si Yui at Ted.

"Go, Cap!" aniya.

Sumulyap sa pwesto ko si Atlas. 'Di ko alam kung ako ba ang tinitingnan niya o ano, kung 'di lang sumigaw si Josh.

"Uy, Lia, good luck naman daw d'yan, o!" he shouted.

My cheeks flushed, tumawa si Heart sa tabi ko at kinurot ako nang mahina. "Go, nag-aantay si lover boy, batiin mo!"

"U-uh, ingat ka!" sigaw ko. "Dahan-dahan lang."

"I will!" he said back, smirked and winked at me at kinalma ko ang sarili kahit gusto ko nang sumayaw at mag-Waka-Waka dance sa kilig.

I watched how Atlas moved a bit to the rocks and prepared to dive, tatalon na sana siya pero halos mapasinghap ako sa gulat nang madulas siya, lumagapak ang pwet sa bato.

"Oh my God!" I exclaimed and the boys laughed harder.

"Shit, ilang isda nahuli mo, Cap?!" Halos mamatay na sa kakatawa ang mga kaibigan namin at natulala lang ako kay Atlas na nakatingin sa pwesto ko.

"Shit, kaya siguro ganyan kapalpak si boplaks, ayon sa tarot card ko kasi 'di tugma ang pangalan n'yo," ani ng humahagalpak na si Heart sa tabi ko.

"Huh?"

"Amalia love Atlas equals? Amalas!" aniya at umawang lang ang labi ko nang mas humagalpak siya at pinalo-palo ako.

Sa biyahe ay pagod na pagod kaming lahat. Si Ted ang nagpresintang magda-drive kaya hinayaan na namin. Hindi rin makakapag-drive si Atlas dahil masakit daw ang pang-upo.

I glanced at him on the side, dapat magkatabi kami kaso 'di natuloy dahil nagpagitna si Yui kaya wala na rin akong nagawa.

Si Atlas ay nakasandal lang sa may salamin ng sasakyan, nakapikit at napabuntonghininga ako.

Kawawa naman ang bibi ko.

Pagbalik namin sa mga Montezides ay 'tsaka lang nagising. Nauna na sina Yui at sina Heart papasok, tumulong naman ako sa pagkuha ng mga kalat namin kanina at si Atlas ay tumabi sa akin.

Napalunok ako when I felt our elbows touched. May kuryente pa 'kong naramdamang dumaloy kaya nagkatinginan kaming dalawa at bigla akong nahiya.

"Are we okay?" he suddenly asked kaya tumango ako at pinagmasdan siya.

The skies were bright because of stars, bilog na bilog din ang buwan. I admired how the moon gave light to Atlas' shadow as it did to his face, tila magandang mundo nang mahagkan ng liwanag.

"Y-yes, bakit naman hindi?" I asked softly. He sighed, his eyes softening, at halos lumipad na ako sa ere nang marahang ipinatong niya ang kamay sa pisngi ko.

He caressed it softly, medyo napatawa pa ako nang kalabitin niya ang ilong ko at marahang inilagay ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Nothing, I just feel like I did something bad today." His forehead creased and he licked his lower lip. "Nabigla ba kita?"

Naalala ko na naman ang sinabi niya kaya marahan akong umiling.

"'Di naman masyado," I said. His lips twitched, pinching my cheek.

"My beautiful Lia consoling me kahit ikaw na ang nahirapan kanina," he murmured and sighed.

"Sige, ano, I admit medyo...medyo nagulat nga." I smiled at him.

"Can we talk?" he asked me. "If you like, gusto kong—"

"Hey, Atlas, tawag ka ni Kuya Dame!" Yui suddenly called. Sabay kaming napatalon at napalingon sa may pintuan ng mansyon nila.

"Later, Yui—"

"Bilis na, ngayon daw!" she said.

"But—"

"Oh, come on, 'di ako aalis dito habang 'di ka pumapasok," ani Yui na namaywang pa kaya bumaling ako kay Atlas at ngumiti.

"It's okay, usap na lang tayo kapag may oras na," I told him.

He sighed, tumango muling kinurot ang pisngi ko. "Alright, Lia."

Magkakasama kaming mga babae sa isang kwarto kaya no'ng mapag-isa kami ni Heart ay nangulit na siya at wala na akong naisip na paraan kung hindi ang sabihin sa kanya ang nangyari.

"Kasi 'di ba, pumunta kami do'n sa may likod ng waterfalls?" panimula ko.

"Hmm, and?" She giggled.

"Ano...usap lang kami, gano'n, until he said something. No'ng una 'di ko ma-gets kaya inulit niya tapos sabi niya..." Nabitin ang boses ko at napatingin sa kanya.

"Anong sabi?" she wiggled her brows, beaming excitedly she couldn't stop her grins.

My cheeks flushed, tumikhim ako at sumulyap sa kanya. "S-sabi niya ano...gusto niya raw ako," I finished.

Her eyes widened at nagulat ako nang tumili siya. Hinila niya akong patayo at doon na ako natawa. Sabay kaming tumili at nagyakapan.

"N-nagulat ako, Heart!" I exclaimed, yakap siya habang tumatalon.

"Shit, OMG, 'di na torpe si boplaks!" tili niya kaya mas nagtawanan kami.

"Ingay naman." Natigil lang kaming dalawa nang bumukas ang pintuan ng kwarto, at sa paglingon namin ay nakita namin si Yui na pumasok, nakapantulog.

Naghiwalay kami ni Heart at tumikhim ako. "Uh, sorry..."

"Okay lang." She smirked. "Ang happy n'yo, ah?"

"Ah, wala naman, 'di na kasi torpe ang pinsan ko—" Pasimple kong siniko si Heart kaya natahimik siya.

"Hmm?" Yui asked, raising her brow.

"Wala, wala," Heart said and I caught her frown a bit.

"I see." Yui smiled again. "Anyway, mauuna na ako matutulog, ah? If magke-kwentuhan kayo, okay lang ba if you lower your voice or better sa labas muna kayo?"

"Sure, sure," ngiti ko.

"Thanks, Lia." She smiled at me. "I like you, you're good. Sana ganyan palagi."

"Bakit naman hindi?" ani Heart pero nagkibit-balikat lang si Yui at umiling.

"Nothing, anyway, mauuna na ako. Sorry, I was a bit tired from my flight kaninang umaga kaya ayon."

"Okay lang," ngiti ko.

Tipid siyang tumango at unti-unting humiga sa kama kaya nagkatinginan na lang kami ni Heart at sabay na nagkibit-balikat.

Pagtapos ng halos isang oras naming kwentuhan ni Heart sa terrace ay napagod din kami, natulog kaming magkatabi dahil dalawa lang naman ang kama sa guestroom na nasa amin. Si Yui ang sa kabila kaya magkatabi kami sa isa.

Pagod ako pero sa dami ng naiisip ay 'di ako makatulog. I kept on thinking about Atlas' confession, I couldn't seem to take it off my head. Parang isang magandang panaginip iyon na pagkagising ko pala ay 'di totoo.

I kept on turning on the bed, 'di ko alam kung saan haharap. Halos trenta minutos yata akong gano'n at no'ng nauhaw ay nagdesisyong bumaba na lang sa kusina para uminom ng tubig.

Inayos ko ang pantulog kong ibinigay ni Heart para match kaming dalawa, kulay asul iyon at pink sa kanya.

I smiled. Heart was so sweet. I was happy I found a best friend in her.

Nagtungo ako sa kusina pero natigilan nang makitang nakabukas ang refrigerator nila, may tao roon kaya kumunot ang noo ko.

"Good evening po," bati ko. "Makikiinom—"

Nawala ang boses ko nang magsara ang ref at bumungad sa akin si Atlas na umiinom sa baso niya. Halos lumuwa ang mata ko nang makitang wala siyang pang-itaas kaya exposed ang mouthwatering body niya. Naka-pajama lang siya na itim at magulo ang buhok.

"Lia," he said in surprise. Ibinaba niya ang baso kaya mula sa katawan ay nag-focus ako sa mukha niya para 'di ma-distract.

"H-hello, ano, makikiinom lang sana..." I muttered.

"Sure," he said. "You like warm milk?"

"Kahit tubig lang," I answered. He shook his head, at halos mapanguso ako nang mabilis niyang nasuot ang shirt niya kaya balot na ulit.

"No, I insist. Warm milk would be good. Ako na ang magtitimpla para sa 'yo."

Of course, tatanggi ba naman si Lia sa bibi niya? No.

I nodded, putting a few strands of my hair behind my ear. "Sige."

He smiled, naupo ako sa stool habang gumagawa siya ng mainit na gatas. It seems like he couldn't sleep too. Ngumuso ako at nagtanong.

"'Di ka makatulog?"

"No." He chuckled and glanced at me. "I keep on thinking about what I said at the falls."

Nawala ang ngiti ko roon at nahulog ang puso. "B-bakit...'di ba totoo?"

"No! Not that," agap niyang mabilis. "What I said is true, Lia. That's what I feel."

Natigilan ako, napahawak ako sa damit ko at pasimpleng kinuyom iyon para pigilan ang sariling magwala.

"Then...why?" I asked.

"I just feel bad when I made you..." he started, taking a deep breath. "'Yong sa watch mo."

"I was just shocked, Atlas, pero okay lang. In fact...ano, gusto ko rin." My cheeks flushed when his mouth parted he almost dropped the mug.

"You mean..." Lumunok siya't humigpit ang hawak sa tasa.

"A-ano...okay lang na ano, sinabi mo 'yon." Wala nang mapagtaguan ang hiya ko na kinagat ko na ang labi. "Na-overwhelm lang ako masyado sa sinabi mo kaya medyo kinabahan."

He smiled, nang bahagya siyang lumapit sa akin at inusog ang gatas na natapos na niyang gawin ay napangiti na rin ako ng maliit.

"Uh, do you want to talk? While...watching the stars?" he offered. "I know matagal ubusin 'yang gatas kasi mainit, if you like...pwede kitang samahan habang inuubos."

"Usap na tayo sa...tungkol kanina?" nahihiyang tanong ko. Tumango siya at bahagyang sumandal sa counter at nilingon ako.

"Yes, you want to?"

"Sure." I smiled when he took the cup of hot milk, hawak niya ang baywang ko habang naglalakad kami palabas ng mansyon.

We settled in the pavilion, sa may upuan doon, at mula sa pwesto namin ay kitang-kita ang maliwanag na mga bituin at buwan sa malalim na gabi.

Atlas sat beside me. Nagdikit ang braso namin at inilahad niya sa akin ang gatas na kaagad kong tinanggap.

"Salamat."

"Lia," he called. Sumimsim ako ng mainit ng gatas at inantay siyang magsalita. "I've liked you for a long time now."

I froze, nanlaki ang mata ko at napakurap. "H-huh?" Nilingon ko siya.

"I've liked you since grade nine." He chuckled and glanced at me sideways. Hindi naman ako nakapagsalita dahil parang gano'n din ako.

Just that...I liked him since grade seven! Oh my God. No'ng tinulungan niya ako dati at nag-try-out siya sa basketball, crush ko na siya!

"T-talaga?"

"Yeah." He smiled shyly, brushing his hair, biting his lower lip. "Ano...I saw you no'ng tinulak ka ng mga kaklase sa kanal."

My eyes widened more and he chuckled and scratched his head. "Well, I helped you but you didn't seem to notice, umiiyak ka kasi no'n tapos 'di na kita nakita. I thought you went home, so..."

"Oh my God," I muttered and closed my eyes, napainom ako ng gatas, 'di na napansin ang init at mas mainit ang pisngi. "N-nakita mo?"

"Well." He hid his smile.

"Nakakahiya!" I exclaimed, biglang natawa naman siya at napailing.

"It's okay, Lia. They were bullies. That was the first time I saw you kaya tinulungan kita," aniya.

"Hindi ko alam na ikaw 'yong tumulong..." Nag-init ang pisngi ko kaya tumawa siya, hinuhuli ang tingin ko.

"Look at me, Lia," he ordered softly, so I did.

When our eyes met, butterflies started fluttering and doing their happy dance.

"Hmm?"

"It doesn't matter anymore, okay? Let's just forget I saw you being pushed like that, like uh...like a secret?" he negotiated kaya natawa ako.

"Uh, kagaya no'ng secret natin na nadulas ka sa hagdan at na-tae?" I asked.

He glared at me, mas natawa ako. Nailing siya at kinurot ang pisngi ko.

"Yes, my adorable Lia. A very dark secret. Kagaya no'ng tumalbog ang pwet ko sa hagdan at na-impatso dahil sa melon mo."

I cackled. He rolled his eyes cutely but then ended up laughing with me.

"It'll be our secret, kung ako na-tae, ikaw nahulog sa kanal," aniya at mas lumakas ang tawa namin, sumasakit na ang tiyan at iba na ang tunog.

"Sige, secret lang. Sa ating dalawa lang, ah?" I asked. He nodded.

"Yeah, sa ating dalawa." He smirked.

Saglit kaming natahimik dalawa. No'ng maubos ko ang gatas ay ipinatong ko sa tabi ko ang baso bago inilapag sa gitna naming dalawa ang kamay ko.

"And um, about what I said," aniya. Unti-unti kong naramdaman ang paggapang ng daliri niya sa kamay ko kaya hinayaan ko siya.

When his finger touched my pinky finger, hinarap ko ang palad ko at hinayaan siyang pagsaklupin ang kamay naming dalawa.

"Anong...tungkol doon?" I asked, pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak.

"Um, I don't know, baka sobrang bilis, but I'm tired of looking at you from afar. If you'd allow me." He swallowed hard kaya tinitigan ko siya at sinalubong ang mata niya.

"Pwedeng manligaw?" he asked.

I was stunned. Nanlaki ang mata ko, nakagat na ang labi para 'di mangiti. I was so tempted to say a big yes pero naalala ko bigla ang nanay.

"O-okay lang sana kaso..." My voice softened.

"Kaso?" he urged, forehead creasing, a lone expression on his eyes.

"Kaso ano...kapag eighteen pa," I muttered and he just stared at me.

"Then I'll—"

Natakot akong baka bawiin niya ang sinasabi kaya pinisil ko ang kamay niya at nagsalita. "P-pero eighteen naman na ako sa birthday ko this year!" halos with conviction kong sabi at nakita ko ang paglitaw ng ngiti niya. Halos tumalon ang puso ko nang i-angat niya ang kamay kong hawak niya at dinala sa labi niya.

He kissed the back of my palm and I felt like dancing right now.

Oh...my...God! Oh my God!

"Alright, I can wait." He smiled at me.

"T-thank you," I said, gulping hard. "K-kasi ano, si nanay, okay lang sana ngayon kaso..."

"I understand." He chuckled and kissed my hand again. "It's okay to wait."

"Salamat." I smiled. He slowly stroked my cheek.

"Because you're worth it," aniya.

Hindi ko na alam ang sasabihin, nakagat ko ang labi ko at muling ngumiti siya bago biglang nailing.

"Bukod kay tita, feeling ko factor din na palpak ako kaya medyo nag-aalangan ka," biglang naisip niya kaya natawa na ako.

"Hala, 'di nga!" I exclaimed. "'Di ka naman lampa, ano...medyo lang."

Ngumuso siya, mukhang nagta-tantrums. He sighed dramatically.

"Don't worry, I'll try my best not be that clumsy with you around. Hindi naman talaga ako sablay, Lia, sa totoo lang. Kasalanan lang talaga—"

"Sus, nanisi ng bagay." Pinisil ko ang ilong niya kaya natigilan siya at napaawang ang labi sa akin, bigla siyang namula at binasa ang labi niya.

"I hope you weren't turned off...? Medyo palpak, ano, sana okay lang. Hiyang-hiya na ako sa 'yo, parang may karatula sa noo ko na nakalagay na maging palpak kapag nand'yan si crush."

Ang lakas ng tawa ko. Pinanuod niya lang ako, namumungay ang mata.

"Okay lang talaga," ulit ko. Hinuli ang daliri ko ko hinaplos.

"Talagang-talaga?" he asked again. I nodded, staring at him.

"Oo, 'wag kang mag-alala, ikaw pa rin ang bibi ko," I said and froze when I realized what left my mouth. My cheeks flushed, at umawang din ang labi niya sa sinabi ko pero unti-unting ngumisi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co