Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 11
Kabanata 11
I spent my childhood in a hospital because of my condition. Na-delay ako sa aral. It was sad, pero noon ay mayro'n kaming ari-arian, just that kailangang isangla at ibenta nina nanay para makabayad sa hospital bills ko.
The doctor said I was suffering from Congenital Heart Disease, simula pa noong pinanganak ako. I got it from my mother who was also suffering from that. I just think she was stronger than me.
I was too weak as a child, dahilan din kaya 'di ako nakapag-aral kaagad. Nakalabas lang ako ng ospital no'ng sinabi ng doctor na kaya ko na raw, and luckily, nakaya ko nga.
Nga lang, I had rules to follow. Bawal ako mapagod, ma-stress at tumakbo, miski nga sa P.E. at C.A.T. 'di ako nakakasama dahil sa kondisyon ko. Madalas lang din akong nasa clinic kaya siguro wala rin akong nagiging kaibigan.
Well, sa tingin ko almost lahat ng ka-year level or upper batch ko alam na may sakit ako. Minsan nakakalungkot nga lang kasi gusto kong sumali sa kasiyahan nila pero ayaw nila ako ipasali at baka kapusin na naman ako ng hininga.
But anyway, despite that, masaya pa rin ako sa buhay ko.
Some people with terminal illnesses were begging for their lives, na gagawin nila ang lahat para mabuhay, kahit magkano. Surgery man o kung ano—kaya ang swerte ko, dahil kahit may sakit ako ay nagigising pa rin ako kada umaga. That was beautiful and I couldn't be any more thankful.
I smiled and touched my chest.
What a brave heart you have, Amalia.
Noong dumating ang pasukan, ang saya-saya ko. The time we spent in Peñablanca was one of a kind, I'd never been that happy. Ni minsan kasi ay 'di ko naisip na magkakaroon ako ng mga kaibigang kagaya nina Heart...'tsaka si Atlas...
Who would have thought na magiging bibi ko ang crush ko lang, right?
Atlas was really persistent. 'Di pa niya talaga ako nililigawan kasi nga 'di pa ako eighteen, pero palagi kaming nagkikita. Kapag kaya sa schedule ay sabay kaming kakain kasama ang barkada.
Yui was with us sometimes, may barkada din kasi siya rito. Isa pa, she was popular, a transferee from Manila. Boys and juniors looked up to her.
She was pretty famous too.
"Magandang umaga, Lia!" bati sa akin ni Kuya guard pagkalabas ko ng traysikel sa university.
"Magandang umaga po!" I smiled brightly and waved at him.
"Bumu-blooming ka lalo, hija, ah?" pansin niya kaya nanlaki ang mata ko, natawa at umiling.
"'Di naman po," tanggi ko, nahihiya.
"Asus! Sige na nga, pasok ka na. Ingat!"
"Ingat din po! Sana maganda ang araw n'yo!" bati ko bago tumalikod sa kanya at pumasok na sa mismong university namin.
Niyakap ko ang mga libro na kailangan ko ngayong araw para ibalik sa library. Kinuha ko ito dahil may research kami at ngayon ang schedule ko para maibalik ito.
Diretso ang tingin ko sa may gate, nakangiti pa, marahil siguro ay naroon si Atlas dahil nitong mga nakaraan ay palagi siyang nag-aantay d'yan para ihatid ako sa classroom.
Naalala ko no'ng una ay kunwaring 'di ko siya nakita pero deep inside, kinikilig na ako nang sobra.
Nagulat ako at hindi nakapag-react kaagad nang may kung anong humarang sa paa ko at natalisod. Huli na para matauhan dahil nadapa at nagkalat ang librong hawak ko.
Nanlaki ang mata ko, narinig ko ang tawanan at nang lingunin ko ang bench ay may grupo ng seniors na natatawa pa.
"Oh, Lia!" Yui covered her mouth. "Sorry, ikaw pala 'yan?"
Hindi ako kaagad nakapag-react. Napakurap ako at dali-daling tumayo, sumasakit pa ang tumamang tuhod sa semento.
"Yui..." I called at nakita kong siniko niya ang mga katabing senior.
"'Wag n'yo nga tawanan, kitang nadapa na," she said, at nakita kong unti-unting tinago ang paa na naka-extend at ngumiti sa akin. "Sorry, Lia, 'di ko napansin."
"O-okay lang," I told her and glanced at the books scattered on the ground.
Naririnig ko pa ang mahinang bulungan nila pero 'di ko na nilingon. Dali-dali kong kinuha ang mga libro sa lapag, inayos ang palda ko at walang lingong naglakad papasok.
I was still confused. 'Di ko alam kung dapat ko bang tanggapin na 'di niya sinasadya or iisiping sinadya niya talaga?
Maybe aksidente lang, right? It happened all the time, nagkataon lang sigurong sa akin sumakto kaya napatid ako.
Sabi ni nanay sa akin, masama ang mag-isip ng masama sa kapwa and I truly believed it too, kaya marahil ay aksidente lang talaga ang nangyari.
All the confusion vanished when I entered the university and saw Atlas sitting on the stairs sa malapit sa gate. May hawak siya na bola ng basketball at nagdi-dribble roon nang kaunti, nakauniporme pa at medyo magulo ang buhok.
Bagay na bagay sa kanya ang long sleeves na uniform na nakatupi sa siko, necktie at itim na slacks. Sa amin naman kasi ay blue and white na parang checkered.
I cleared my throat and spoke, "Uh...morning, Atlas."
Mukhang natauhan siya, tumigil sa pagdi-dribble at nilingon ako. His eyes brightened, at mabilis siyang tumayo at humakbang patungo sa akin.
"Morning, bibi ko." He smirked.
I froze, nang samaan ko siya ng tingin ay bigla siyang natawa. "A-ano ba!" I smacked his arm. He winked at me, kinurot ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko.
"What? Masama bang batiin ang bibi ko ng good morning?" asar niya kaya ngumuso ako.
"J-joke nga lang kasi 'yong bibi!" I exclaimed. "Noong nakaraan pa 'yan pero hanggang ngayon—"
"I was just kidding." He laughed and messed with my hair, dahil matangkad siya ay tumingala pa ako ng bahagya para salubungin ang mata niya.
"Sus, kidding daw pero mamaya mag-aasar na naman," sikmat ko.
"Nah, alright, I won't call you that anymore," he said. "Bibi ko," hirit niya.
Sinapok ko na ang balikat niya, ngumisi lang siya at mabilis na kinuha ang libro ko.
"Hindi na, Lia." He winked. "Pero we can use that as an endearment."
"Endearment?" Natigilan ako at sinulyapan siya. "Bakit naman..."
"Kapag tayo na, or nah, kahit ngayon na. I'll call you my bibi at bibi mo rin ako," tatawa-tawa niyang sabi.
"Advance ka naman masyado." Ngumuso ako pero nakisabay sa kanya sa paglalakad. "Pero sige."
Nagkatinginan kami. He had that amused smile on his face and I smiled shyly too and shook my head.
"P-pero 'di ba ano, 'di pa nga pwedeng manligaw," I reminded him. Tumango siya, inilagay sa kabilang braso ang libro kasama ang bola niya bago hinuli ang kamay ko.
I watched his fingers fill the spaces in between mine as he slowly pulled me closer to him.
"Oo nga pero MU na tayo," aniya.
"MU?" Kumunot ang noo ko.
"Mut—" Natigilan ako nang pag-akyat namin ng hagdan ay humapdi na ang tuhod ko.
"O-ouch." Kumunot ang noo ko at napabitaw sa kanya, bahagya kong inangat ang palda ko at nakitang may sugat doon.
"What happened?" ani Atlas at huli na nang ibaba ko ang palda dahil nakita na niya iyon.
"Huh?"
"You have a wound, what happened?" he asked, mabilis na ibinaba ang libro ko sa may hagdan kasama ang bola at akmang luluhod kaya umiling ako at itinago ang sugat.
"Wala lang 'to," agap ko.
"Amalia," he said firmly, touching my elbow and looking into my eyes.
"Okay lang, ano, natalisod lang ako kanina no'ng papasok," alo ko pero mas nangunot lang ang noo niya.
"No, may dugo, Lia," he insisted worriedly, akmang sisilipin ang sugat sa tuhod ko pero hinila ko siya patayo.
"I swear, okay lang."
"We could at least go to the clinic, Amalia," seryosong sabi niya. Hindi sana ako papayag dahil male-late ako sa unang klase ko, pero nang makitang 'di niya papalagpasin ay nagpaubaya.
"Sige,"
He took my books and his ball before taking my hand again and assisting me to the clinic. Nakita ko ang tingin ng mga dinadaanan namin. They had frowns on their faces, sina Catherine sa cheerleader at ibang mga ka-batch ni Atlas ay naroon din sa may malapit sa clinic, nakaupo sa bench.
Sinusundan nila kami ng tingin pero walang sinabi na laking ipinagpasalamat ko.
Nurse Anna was so glad when she saw us both, kaagad niya kaming dinala sa may bed doon at tumingin sa sugat ko.
"Anong nangyari, Lia?" she asked softly. Si Atlas ay nakatayo sa gilid ng kama, nakapamaywang pa at mukhang nag-aalala.
"Uh, natisod lang po, Nurse," I answered her softly. "Kanina lang."
She nodded, inangat ng bahagya ang paa ko at nangiwi ako nang muli itong humapdi.
"Mabuti at pumunta ka rito kagaad, may mga kaunting buhangin at dumi itong sugat mo, baka maimpeksyon kapag tumagal," aniya.
"'Yon na nga, Nurse, e. Ang kulit," biglang sumbong ni Atlas kaya napabaling si Nurse sa kanya.
"Ayaw ba magpadala, Atlas?" Nurse asked, a hidden smile on her face.
Atlas brushed his hair with his fingers, kunot ang noo at tumango. "Yeah, okay lang daw pero 'di ayos sa akin," he muttered and he didn't know it was very adorable for me.
Natatawa na ako pero kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting lilitaw.
"Hmm, mabuti ay dinala mo rito." Nurse glanced at me and she caught me smiling and probably blushing. She grinned, muling sumulyap kay Atlas pabalik sa akin kaya tumikhim ako at umayos ng upo. "Hmm, in any case are you two—"
"Hindi, Nurse!" I exclaimed, cutting her off.
"Hmm?" Atlas asked, confused.
"I said, in any case, are you two a thing or—"
"Yes—"
"No po!" ulit ko at natigilan ang dalawa, Nurse only grinned, ngumuso si Atlas.
He glared at me sideways. I bit my lip.
"U-uh, wala, Nurse," I muttered.
"I see." She smirked, tumayo pa at natatawang napailing. "Dito muna kayo, kukunin ko muna ang first aid."
When she left, doon na ako hinarap ni Atlas, nakabusangot.
"Pangit ba ako, Amalia?" he whined, surprising me.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" natawa ako.
"Kinakahiya mo ba ako? Sabi ni Nurse are we a thing tapos sabi mo..." Bumagsak ang balikat niya at bumusangot.
"Tara nga." I chuckled. I took his wrist, pulled him closer until he's sitting beside me in the bed. "Ganito kasi iyan, bibi ko."
Doon na siya napalingon sa akin, attentive at namumungay ang mga mata. Nahihiya ako pero siyempre, ayaw ko namang nagtatampo ang bibi ko?
"Kasi 'di ba...hindi pa alam ni nanay?" I reminded.
Tumango siya at nagbaba ng tingin. Sinapo ko ang pisngi niya.
"Atlas," I called and met his eyes. "'Di ba, usapan natin, secret munang ano...na may ano tayo tapos sasabihin lang natin kapag ano, pwede na? Sina Heart at Josh lang naman ang nakakaalam ngayon, 'di ba?"
His lips pursed. Sa gigil ko ay kinurot ko ang pisngi niya. Namula siya pero 'di lumayo.
"Kapag eighteen na ako, pwede na. Natatakot lang ako na ano, baka malaman ni nanay tapos pagalitan tayo," I explained.
He sighed, hinuli niya ang kamay kong nasa pisngi niya at dinala sa labi niya. My heart skipped a bit and I felt much better.
"Sorry, I understand." He smiled sincerely. "I'll wait for you, Amalia."
Love really comes when you least expected it. It comes in a heartbeat, in a blink of an eye. Hindi mo mapapansin, like a quick lightning. 'Di mo alam until tamaan ka na.
We both stopped when we heard a giggle, at sa paglingon namin ay naroon si nurse at nakasilip sa may kurtina.
Napaayos kaming ng upong dalawa. Sa gulat ko ay natulak ko ang mukha ni Atlas at muntik pa siyang mahulog kung 'di ko lang napirmi.
Nag-init ang pisngi ko at kinabahan pero ngumisi lang si Nurse at pumasok, nang buksan ang kurtina ay nahuling nando'n din si coach na nakangisi likod niya.
"C-coach?" Tumikhim si Atlas.
"N-Nurse," tawag ko.
She grinned and shook her head. "Don't worry, secret lang."
Doon ako nakahinga nang maluwang, I glanced at coach who was laughing beside Atlas at tinapik ang balikat nito.
"Nice one, 'di na torpe ang alaga ko kay crush," malisyosong ani ni Coach at sumambakol ang mukha ni Atlas at napatawa na lang ako. "Manang-mana ka sa mga Kuya mo, ganyan din sila no'ng edad mo."
Atlas took me to my class after. Na-excuse ako sa first subject dahil sa nangyari sa akin at dahil sa excuse letter na ibinigay ni nurse sa teacher ko.
"Bibi, 'di ako makakasabay sa lunch mamaya," ani Atlas kaya nilingon ko siya, sumimangot pa sa tawag niya pero kumindat lang siya at nang-aasar na naman.
"Bakit?" I asked. "Hindi pasok sa schedule?"
"Hmm, we have research paper to pass kaya abala pa. Mamayang uwian na lang?"
"Ayos lang." I smiled at him. "Mas importante ang school work. Kasama ko naman si Heart mamaya, 'tsaka kapag uwian, ayos lang, kaya ko naman umuwi mag-isa."
"I insist." Umakbay siya sa akin habang paakyat kaming hagdan. "Ihahatid ko ang Amalia ko sa kanina, right, bibi?"
Gusto ko rin namang ihatid niya ako kagaya ng mga ginagawa niya palagi, pero siyempre kapag may importanteng gagawin, kailangan pa ba 'yon?
"Sige pero naiintindihan ko naman kung hindi, mas importante ang gagawin mo. Graduating ka na rin, 'di ba?"
"Hmm..." He smiled and nodded. "After this, balak ko medicine related na course."
"Ako rin!" I beamed. Nagliwanag ang mukha niya.
"We're the same, kaya compatible talaga tayo, Lia," aniya at natawa na ako at naalala ang sinabi ni Heart.
"Alam mo ba binu-bully tayo ni Heart," sumbong ko tumikwas ang kilay niya.
"Ano pa bang bago?" He frowned. "Kapag magkasama kami palagi 'kong inaaway, bibi ko," lambing niya.
"Anong sabi?" Natawa na ako.
"Bobo raw ako," he hissed. "'Di niya naisip magkamag-anak kami. Kung bobo 'ko, bobo rin siya."
Nagkatawanan kami. Naalala ko iyong sinabi ni Heart.
"'Tsaka loko si Heart, alam mo anong sabi niya? Ayon daw sa tarot card niya 'di raw compatible ang pangalan natin," I said and Atlas stopped. Nilingon niya ako at kumunot ang noo.
"Huh? Bakit daw?" mukha na siyang handa makipag-away.
"Amalia love Atlas down equals Amalas," I told him and his shoulders fell. Lumisik ang mata niya.
"Yari sa 'kin 'yang Puso na 'yan," he scoffed.
Pagkarating namin sa classroom ay natigilan ako nang makita si Heart na kausap si Matt, ang ex niya. Nakabusangot ang huli habang si Matt ay pilit na hinahawakan ang braso niya.
"Si Heart," I muttered, sumulyap kay Atlas na madilim na ang ekspresyon. Sabay kaming naglakad palapit. Nang makita kami ni Heart ay medyo nag-relax siya.
"Atlas, Lia," tawag niyang alanganin.
Lumipat ang tingin ni Matt sa amin. He stared at Atlas. "Cap, I don't want any trouble, I just want to fix things with my girlfriend—"
"Ex, Matt. Ex," Heart corrected.
"I know, I just..." He sighed. "Anya was just persistent kaya pinagbigyan ko lang—"
"Stop your bullshit, Assuncion," mariing sabi ni Atlas. "Leave now before I punch you, durog sa akin 'yang mukha mo."
"But..."
"One more time, kapag nakita pa kitang aaligid sa pinsan ko..." Atlas threatened and Matt surrendered, naiiling na tumalikod siya, sinipa pa ang basurahan at nagdabog paalis.
Lumapit ako kay Heart. I took her hand and she squeezed it. Atlas glanced at the both of us.
"Take care, girls, okay?" He sighed. "Heart, tell me if that asshole comes here again."
"I will." She sighed. "Pinagbigyan ko rin na kausapin kasi makulit. It's just so annoying he is trying to justify his nonsense cheating."
Tumigas ang ekspresyon ni Atlas.
"Fucking cheaters, ang lalakas ng loob. Kakapal ng apog," sikmat niyang nanggigilaiti kaso naalala niyang nando'n ako kaya bumuntonghininga siya't bumaling, kalmado na.
Napangiti na ako nang hawakan niya ang buhok ko at marahang ayusin. He tucked my hair behind my ear and fixed my bangs.
"Take care, Lia, hmm? I'll see you later."
"Alright." I smiled at him.
"Don't worry, boplaks, ako bahala kay Lia. Amalas for the win!" she cheered. Bumusangot naman si Atlas at inirapan siya.
"Kapag ako nakasakto aasarin din kita, Puso," ngiwi ni Atlas doon at nailing. "Anyway, bye!"
He turned his back to us, paalis na pero sumigaw si Heart.
"Hey, boplaks! Patanong na rin kay Josh kung galit pa siya!" Heart exclaimed. He only nodded and waved at us before disappearing.
Napag-usapan namin ni Heart ang nangyari kung bakit ako late sa klase, at naalala ko rin ang sinabi ni Atlas kaya naitanong ko kay Heart. In fact, she had experiences with boys kaysa sa akin kaya siya lang pwede kong pagtanungan.
"'Tsaka Heart, may tanong ako,"
"Hmm?"
"Uh..." Tumikhim ako. "'Di ba, 'di pa ako nililigawan ni Atlas?"
"Yes, and?" Her lip twitched.
"P-pero sabi niya ano...MU kami? Anong MU?" I asked.
She suddenly laughed. Nag-init ang pisngi ko at kinurot siya nang medyo napapalingon na sa amin ang mga kaklase kasi maingay na siya.
"Heart!" I hissed, mas natawa siya at halos takpan ko ang bibig niya sa laki ng bibig niya kakadaldal.
"Shit, sana all may ka-MU!" I covered her mouth. Tumawa siyang lalo. Pinalo-palo ko kaya humahalakhak na tumango. "Sige...'di na." She smirked.
"So, ano nga kasi?" halos bulong ko ng tanong dahil sina Anya sa likuran ay umiirap-irap na.
"MU, ano 'yon, mutual understanding," aniya at mas kumunot ang noo ko.
"Paanong mutual?" I asked.
"I mean." She chuckled, umayos ng upo at mukhang tuwang-tuwa pang pinapaliwanag niya sa akin 'to ngayon. "Gusto mo siya at gusto ka niya pero 'di pa kayo."
Bumilog ang bibig ko at napatango, naiintindihan siya.
"In short, malanding ugnayan ang mayro'n kayo, Lia," biglang hirit niya kaya natigilan ako.
"Malanding...ugnayan? You mean, m-malandi na ako?" I asked, shocked.
Napahawak ako sa dibdib.
Hala, gano'n 'yon?
"Hindi naman, pero parang gano'n na nga." She smirked. "Welcome to the club, Amalia! Welcome sa samahan ng malalandi pero walang jowa."
Days passed and I was looking forward to my daily dose of Atlas Montezides. I had fun with him and my friends. We had formed a dynamic throughout the past weeks. Ako, si Atlas, Heart, Josh at Ted.
Pero no'ng dumating ang exam week ay naging abala kaming lahat, madalang na kaming magkita ni Atlas dahil sa thesis na kailangan din nilang ipasa.
Sa library na lang kami nagkikita paminsa-minsan. Nakikita ko siya palaging kasama si Yui na kagrupo niya. Minsan kapag abala ay 'di na ako nagpapakita sa kanya sa library.
I didn't have a phone kaya 'di kami masyadong nakakapag-usap but if we had time, we always spent it wisely together kahit minsan ang oras na 'yon ay ang paghahatid niya lang sa akin sa bahay.
"Ang balak ni nanay sa sunod na linggo, sa eighteenth ko, may simpleng kainan lang sa bahay," I told him habang magkatabi kami sa traysikel, hawak niya ang kamay ko at marahang hinahaplos.
"That's good, mag-aayos ako para pogi points kay nanay!" aniya kaya natawa ako.
"Maka-nanay naman!"
He smirked at me. "Why not? Kapag sinagot mo naman na ako magiging nanay ko na rin."
My heart jumped but I managed to stay calm. "Ni hindi ka pa nga nanliligaw? Sure ka bang sasagutin kita?"
He froze. Nahuli ko kung paano nahulog ang panga niya, gulantang.
"H-hindi mo ba ako sasagutin?" he stammered. Medyo namumutla na.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
"Siyempre ano..." nahihiya kong sabi at sumandal sa balikat niya, pinagmasdan ko ang kamay naming magkahawak. "Ano...bakit ko sasabihin?"
He chuckled in my ear, nagpigil na rin ako ng ngiti at malalim ang hugot ng hininga nang maramdaman ang labi niya sa buhok ko.
"Alright, gagalingan ko talaga manligaw para oo kaagad," aniya na may conviction pa.
"Pero ano, ah? Punta ka sa birthday ko?" I glanced at him. He nodded and reached for my hair.
"Of course, bago ka pa mag-imbita nando'n na ako," aniya kaya nagkatawanan kaming dalawa.
It was really hard having what they were calling MU pero masaya naman, napapasaya ako ni Atlas. With him, I was always looking forward for another school kilig session. Just that, dahil walang nakakaalam ng sa amin ay 'di maiwasang magka-rumor.
"Look at them, bagay ano?" I stopped fixing my things sa loob ng locker nang marinig ang dalawang senior na nasa may tabi ko.
"Sino?"
"Si Atlas at 'yong transferee! 'Yong Yui!" sagot ng isa.
Natigilan ako pero nanatiling nakatitig sa locker ko.
"Sila na ba? Palaging magkasama, e. Nakikita ko nga mga 'yan palaging nasa library, nag-aaral pa, ang sweet, right?" They giggled.
Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang mga librong kailangan ko sa klase ngayon.
"Oh, look, ayon sila, o!" aniya.
Pasimple akong sumulyap at natigilan nang makita silang magkasama. Atlas was holding a few folders. Sa tabi niya ay si Yui, nagke-kwentuhan pa. Atlas smiled when she said something funny pero no'ng kumapit na si Yui sa braso niya ay natigilan na ako.
Nag-iwas ako ng tingin at tumitig sa locker ko.
"Sila na ba? 'Di ko na masyadong nakikita si Atlas kasama 'yong babaeng isa? 'Yong medyo maputla? 'Yong junior?"
"Ah, 'di naman yata 'yon sila? Baka pinagti-tripan lang?" ani nila na nagtawanan na kaya kumunot na ang noo ko at malakas na isinarado ang locker.
Napasulyap sila sa pwesto ko, natigilan kaya hinarap ko na sila at nagsalita.
"'Di totoo 'yon," I said. "Kaibigan niya si Yui," tipid kong sabi at bago pa man sila makapagsalita ay niyakap ko na ang libro at tahimik na umalis.
I was having a bad day but it vanished when Atlas appeared outside my room after my last class and offered to take me home, saying na naipasa na nila ang pangalawang revision ng thesis.
All the pain subsided, realizing I was just overreacting. Magkaibigan lang naman sila talaga! Sa akin pa rin naman ang punta ni Atlas palagi!
I smiled and put my hand on his arm. Kinuha niya ang bag ko at sabay kaming naglakad papunta sa labas ng university para kumain muna bago umuwi.
Days passed and I was really looking forward to my eighteenth birthday, nagpa-lechon ang nanay. Simpleng salo-salo lang naman, ang mga bisita'y sina lolo at lola, iilang mga kaibigan ni nanay at ang mga kaibigan ko.
"Excited na akong makita mo itong gift ko!" Heart giggled while showing me a pink paper bag, nasa CR kami ngayon dahil aayusan daw muna niya ako bago kami tutungo sa bahay para sa simpleng kainan.
"Ano ba 'yan?"
"Secret!" She winked at me. "Magugustuhan mo 'to, isa pa, you need this, lalo na kapag mag-jowa na kayo ni boplaks!"
I chuckled, pumikit nang lagyan niya ako ng light eyeshadow. Hinihintay din namin kasi na matapos ang klase ng mga lalaki para sabay-sabay na kami patungo sa bahay namin.
"Anong susuotin mong damit, Lia?" she asked kaya nagmulat ako ng mata. Pinakita niya sa akin ang blush on kaya tumango ako.
"May red dress ako sa bahay," I answered and watched her open the blush. "Manipis lang, Heart, ah? Para 'di masyadong halata."
"No worries, kahit wala kang makeup naman maganda ka, just let me emphasize your soft features." She smiled.
I nodded, hinayaan lang siyang ayusan ako. In fact, gusto kong pagbigyan ang sarili kong maging maganda ngayon dahil kaarawan ko na.
Isa pa, I am legal now!
"Kapag eighteenth ko next year talaga mag-ga-gown ako," ani Heart kaya natawa ako at tinitigan siya.
"Bagay 'yon sa 'yo panigurado, ikaw pa ba?" I smiled at her.
"Sana! Ikaw din, ang ganda-ganda mo, Lia. Nganga ka kaunti." I opened my mouth and she put a light pink lipstick on my lips. "Ayan!"
I smiled at her and glanced at the mirror. Natulala pa ako sa gulat pagkakita sa itsura.
"Wow," I breathed and looked at her with teary eyes. "Thank you, Heart!" Singhap ko sabay yakap sa kanya.
"No worries, Lia! Happy Birthday! Thank you for being my best friend! Love kita!" she cheered, squeezed me into a tight embrace, and kissed my cheek.
"Thank you rin, Heart, kasi naging kaibigan kita," I whispered.
Magkakapit kaming lumabas ng banyo. I was so happy and excited when I saw Josh and Ted near the exit of the university, nag-uusap pa ang dalawa roon.
My smile widened, naglakad kami palapit sa kanila at ngumiti ako.
"Hi, Lia!" Josh smiled when he saw me. "Happy birthday! Naks naman, legal na!"
"Salamat." I chirped and glanced at Ted.
He seemed a bit bothered yet he smiled at me. "Happy birthday, Lia. You're beautiful by the way."
"Thank you! Uh, ano...si Heart lang 'yang nag-ayos sa akin!" Turo ko sa kaibigan.
"Ganda ni Lia, ano? Manginginig ang tuhod niyan ni bobo!" hagikhik ni Heart. "Anyway, nasaan siya?"
Kumunot ang noo ko at pinagmasdan sila at wala ang huli. "Nasaan si Atlas?"
Doon na bumalik ang reaksyon nila. Ted's forehead creased more. Josh was bothered, nagtinginan sila bago humugot ng hininga at nagsalita.
"The thing is...hindi na raw siya makakasama, Lia," ani Josh kaya natigilan ako.
I felt the pain strike my chest but I managed to ask. "H-huh? Bakit daw? Sabi niya..."
"We don't know too, Lia," ani Ted. "Basta pagkatapos ng klase nagmamadali, sabi niya pasabi na lang daw sa 'yo na sorry, 'di na siya makakasama."
"Huh? What do you mean?" ani Heart bigla na mukhang nalilito na rin. "E, handang-handa na nga 'yon kagabi pa? Paanong hindi?"
"We really don't know." Josh sighed.
"Nasaan siya?" I asked calmly, sumasakit na ang dibdib ko pero naisip na baka makausap ko pa si Atlas. Kung emergency ay maiintindihan ko naman...o kaya kung may tinatapos siyang research o ano.
"We separated in the quad, hindi sinabi kung anong gagawin, e," ani Josh kaya kinagat ko ang labi ko at nagsalita.
"Sandali, ah," I said and immediately ran back inside.
"Lia!" I heard them call me pero 'di na ako lumingon at dire-diretsong nagpunta sa quadrangle. I looked around and saw a couple of seniors sitting on the bench.
Nakita ko sina Catherine at ibang mga kaklase ni Atlas doon. Hindi ko sila kinakausap pero dahil gusto kong malaman kung nasaan si Atlas ay lumapit na ako.
"Uh, good afternoon," bati ko.
"Nice one, naka-make-up si Argueles," sipol no'ng lalaki at nagtawanan sila.
Napalunok ako at nakita ang ngisi ni Catherine sa akin. "What brings you here, loser?"
"Uh, nakita n'yo ba si Atlas?" I asked.
"Yes." Catherine immediately smiled, and her face brightened as if something interesting happened.
"N-nasaan siya?" Medyo nanginig pa ang boses ko.
"Oh, he's there." She pointed at the other exit. "Ihahatid ang nililigawan niya."
Natigilan ako at muling kumirot ang dibdib. Nililigawan?
Pero nandito ako...
"Sino?" I asked, tumapang pa ang boses.
"Oh, his best friend? Yui? Nililigawan niya raw 'yon, sabi niya sa 'kin, right, guys?" Lumingon siya sa mga kasama na tumango, may ngisi pa.
I bit my lip, humugot ako ng hininga at tumango. Baka pinagtitripan lang ako!
Impossible naman e, nandito nga ako?
"O-okay, salamat."
Umalis ako sa harapan nila at mabilis na nagtungo sa sinasabi nilang exit. I saw Anya and her friends near the guard. She smirked at me pero 'di ko siya pinagtuunan ng pansin.
Sumilip ako at kaagad na natigilan nang makita si Atlas sa labas, may kausap sa telepono. I was about to call him when Yui stepped beside him and touched his arm, tila may sinabi.
Atlas nodded, maya-maya'y may pumaradang sasakyan sa harapan nila. He opened the door to the backseat at kaagad na pumasok si Yui roon. Sumunod siya at nang isarado niya ang pinto ay siya ring panghihina ng katawan ko.
My knees wobbled. My eyes stung it began to hurt and water. Umatras ako pero natigilan nang masalubong ang tingin ng nakangising si Anya.
"Oops?" Anya smirked. "Does it hurt, Lia? Ano, dadalhin ka na ba sa clinic?"
"Aray, 'di ako makahinga!" Umakto pa ang barkada niyang hawak ang dibdib at 'di makahinga. "Aww..." She touched her chest more.
Nangilid na ang luha ko, suminghap ako at mabilis silang nilagpasan at narinig ko pa ang tawanan nila. I ran past the seniors who were grinning, at si Catherine ay nahuli ko pang kunwaring nagpupunas ng luha.
"Aww, iyak na siya! Tawagin si nanay 'di makahinga si baby Lia!" she mocked loudly at 'di ko na sila pinansin at mabilis lang na tumakbo paalis.
I was sprinting, trying to hold back my tears because I didn't want them to see how I was making myself believe I was brave when I was weak all along.
I was doing a good job in it pero nang mawala na ang tao sa daanan ay naramdaman ko ang basa sa pisngi ko, ang mga luha'y 'di na kinaya at kumawala na. I ran towards the nearest restroom at laking pasalamat ko nang walang makitang tao.
Tinungo ang isang cubicle at pagsara ko ng pinto ay siya ring pagkawala ng hikbi sa labi ko. I covered my mouth, suppressing the sobs, but I kept on failing.
I could feel the tightening of my chest. How it hammered painfully against my ribcage. I calmed it by thumping my chest but I couldn't.
No...no, Lia. 'Wag kang iiyak. Huwag.
You're brave! Don't cry, Amalia, come on!
Nalukot na ang damit ko sa higpit ng hawak ko. I bit my lip and closed my eyes, hinayaan na ang mga luhang basain ang pisngi ko.
"S-stupid..." I whispered. "You're so stupid, Lia..."
I wished for the pain to stop but I was afraid that if I stopped hurting, I would stop breathing too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co