Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 9

heartlessnostalgia

Kabanata 9

"MAG-IINGAT kayo roon, Lia, Heart," ani Nanay na pinapaalalahanan muna kami bago pumayag sa pag-alis.

"Opo, Nay." I smiled.

"Sure na sure po, Tita! Don't worry, ako po ang bahala rito kay Lia." Heart beamed happily. Lumambot ang tingin ni nanay, malambing ang ngiti.

"Masaya talaga ako't nagkaroon ng kaibigan itong anak ko," aniya. "Nakikita ko namang mabuti kayo. Alam mo ba, Heart, no'ng huling nagkaroon ng kaibigan iyang si Amalia, tinulak lang siya sa kanal."

"Nay!" Nanlaki ang mata ko at namula. Nagtawanan sila.

"'Di niya sa akin ki-nwento 'yan, Tita!" hagikhik ni Heart kaya nanliit ang mata ko. Pinalo ko ang braso niya at tatawa-tawang kumapit siya sa 'kin.

"Pero seryoso, Tita, don't worry. Akong bahala rito kay Lia, 'tsaka promise po, behave lang kami sa sleepover!" she said.

Mas na-excite ako, hindi ko akalaing balak nilang mag-sleepover sa mga Montezides kung 'di lang sinabi ni Heart kanina, kaya nadagdagan tuloy ang mga dala kong damit na para lang sana sa pagligo namin sa falls.

"Sige, basta ba, 'wag kayong pasaway, ha? First time ko pinayagan si Lia mag-sleepover,"

"Siyempre, Nay, wala naman akong kaibigan, saan ako mag-i-sleepover?" nakangusong sabi ko.

"Sabi ko nga, 'nak," tawa niya at bumaling kay Heart. "Basta, Heart, no boys, okay?"

"Yes, Tita!" Sumaludo siya kay Nanay.

"Saan ba kayo mag-i-sleep over? Sa inyo, Heart?"

"Ah, no po, kina Montezides," she said and I saw how my mother's smile faded.

"O-oh?" nagulat siya. "Sa kanila Atlas?"

"Opo, malaki ang mansyon, maraming kwarto." Heart smiled. Pansin kong may iba kay nanay pero bumaling siya sa 'kin at tumango.

"S-sige." She smiled. "Basta mag-iingat kayo, ah?"

"Okay, Nay. Mag-iingat po kami,"

She let us go after a while. Nakita ko kaagad ang mga sasakyan ng mga Montezides. I was excited to see Atlas na 'di pumasok sa bahay pero nakita ko ang paglabas ni Josh.

"Oh, si Josh pala." I waved at him. "Good morning, Josh!"

"Good morning, Lia!" Sumaludo siya sa akin at bumaling kay Heart. "Tara na ba, Puso?"

"Jerk." Heart frowned and glanced at me. "Si Atlas?"

She caught me off guard kaya tumango ako at ngumiti sa kanya. "N-nasaan?"

"Something came up today, a guest came." She smiled. "Nakabihis na nga 'yong loko, nauna pang magising but something came up."

"Pero...sasama naman siya sa atin 'no?" tanong ko. She grinned and pinched my cheek.

"Cute mo talaga, Lia, siyempre naman! Nagpaluto na nga 'yon ng kakainin natin sa falls, 'di 'yon papayag na 'di makakasama." She chuckled.

Doon na ako nakahinga ng maluwag at sumama sa kanila.

Pumwesto kami sa likod at nakita ang pag-nguso ni Josh at sumilip.

"Saan tayo mga ma'am?" He frowned at do'n ko natantong nagmukha siyang driver.

"S-sorry, hala!" Nanlaki ang mata ko, palabas na sana ng sasakyan para lumipat sa harapan pero hinila ako ni Heart pabalik.

"Drama mo, Josh," ngiwi ni Heart at ngumisi si Josh sa unahan at natawa.

"Lipat na lang ako, Heart o kaya ikaw? Para 'di—"

"Sus, Lia, hayaan mo 'yan. Ma-drama lang 'yan, sasakay naman si Ted mamaya kaya d'yan sa unahan 'yon."

"Oh? Nandito si Ted?" Na-excite akong makita ang kaibigan.

"Oo, kakauwi lang kahapon, sama raw sa falls," tawa ni Josh kaya napangiti ako at tumango, mas na-e-excite dahil dumami na kami sa pagpunta sa falls.

Nadaanan namin ang bahay nina Ted. Binuksan ko ang bintana nang makitang naglalakad siya palabas ng bahay, may sukbit na bag at plastic na hawak.

"Ted!" I called.

Napabaling siya sa akin, nanlaki ang mata niya at mas lumaki ang ngiti.

"Amalia!" tawa niya at napangiti akong lalo nang ipasok niya ang kamay sa sasakyan at ginulo ang buhok ko. "Na-miss kita!"

"Ako rin," tawa ko. "Mabuti at umuwi ka? Akala ko sa Tuguegarao ka lang."

"Biglaan lang din, nag-aya si tatay. Mabuti na lang din na umuwi ako kasi nandito ka." He smiled.

Naubo si Heart.

"Ayon, RIP, boplaks..." biglang sabi ni Heart kaya sabay kaming napasulyap sa kanya. Ngumisi siya.

"Ano 'yon?" I asked.

"Wala." Nagtinginan sila ni Josh. "Sabi ko, baka bored na si boplaks sa mansyon, tara na."

Sumakay na si Ted at naging maingay ang biyahe namin patungo sa bahay nina Atlas. Ipinakita sa amin ni Ted ang mga dalang pagkain niya para kakainin namin mamaya.

"Ayan, gusto ko sa 'yo, Ted, maraming food!" Heart giggled. "Marami ring dala si bobo, don't worry! Goodbye diet talaga!"

"Marami rin akong dalang pagkain, puso. Gusto mo na rin ba 'ko?" Josh asked.

My eyes widened, umawang ang labi ni Heart at biglang humagalpak ng tawa si Ted.

"Charot lang." Josh smirked, sinilip kami roon at tinuro si Heart. "Ay, namula..."

"You asshole!" Heart hissed, blushing. Sinipa niya ang likod ng upuan ni Josh kaya mas natawa kami sa kanila.

Pasimple na akong nagsuklay ng buhok ko gamit ang daliri nang matanaw ko na ang mansyon, at na-excite biglang makita si Atlas.

Kanina, akala ko kasama siya nina Heart pero 'di lang pumasok pero hindi pala talaga. May bisita raw, e, baka mga kaibigan ng mga kuya niya?

Ipinarada ni Josh ang sasakyan. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ng kotse ay sumalubong na ang sariwang hangin sa mukha ko. I sighed happily.

The trees were swaying, the air was fresh and moist, and the sun rays touched my face. I closed my eyes and sighed happily.

What a wonderful day! Thank you, God.

"Iwan mo na gamit mo d'yan, Lia. Sunduin lang naman natin si Montezides," ani Heart at sabay kaming pumasok.

Nakakapit siya sa braso ko. Binusog ko ang mata sa magandang tanawin sa malaking mansyon ng mga Montezides at matamis na napangiti.

Magsisikap talaga ako nang mabuti para maitira ko ang nanay sa malaking bahay.

Naabutan namin si Kuya Damon na nakaupo sa may pavilion, may kaharap na laptop at sumisimsim ng kape. Suot niya ang glasses niya at napangiti ako.

Workaholic! Sa bagay kasi ay deadline na ng grades ata sa school kaya busy siya.

Si Kuya Hunter naman ay naka-maong lang at hubad ang pang-itaas, nakahiga sa duyan, magulo ang buhok at abala sa pagte-text.

"Kuya Dame! Kuya Hunter!" Heart greeted.

The two glanced at us. I smiled.

"Magandang umaga po," bati ko.

"Good morning!" they both greeted and smiled. Bumati rin ang mga lalaki at tinuro ni Kuya Hunter ang mansyon at bumaling sa amin.

"Si pangit nando'n sa loob, may kausap," aniya at nagtaka pa ako pero hinawakan na ako ni Heart at sabay kaming pumasok sa loob.

Pumasok kami at tinuro ng mga kasama sa bahay kung nasaan si Atlas kaya do'n kami dumiretso. My heart was beating rapidly, excited to see Atlas, but my smile faded when I catch him laughing with a girl inside the kitchen.

Nakaupo ang babae sa stool, medyo kulot ang buhok. Si Atlas ay nakasandal sa counter, nagke-kwentuhan sila at nagtatawanan.

I suddenly didn't like the way I reacted. Bakit nawala ang ngiti ko pagkakita sa kanilang nagtatawanan? Bawal na ba silang magtawanan?

That was rude of you, Lia.

"Hey, boplaks!" Heart called. Natigilan ang dalawa. Dali-dali kong ibinalik ang ngiti sa labi.

"Magandang umaga," bati ko.

The lady turned her head and my heart dropped at how beautiful she was. She had small eyes and fair skin. Mahaba ang buhok at magaan ang ekspresyon pero mukhang sopistikada, mukhang laking siyudad.

"Lia!"

Nawala lang ang atensyon ko sa babae nang maglakad patungo sa akin si Atlas. I was shocked when he cupped my cheek. Nagkatitigan kami. Pumilantik ang puso ko.

"A-Atlas..."

"Sorry, something came up, hindi ako nakasama magsundo, pinayagan ka?" magaang tanong niya, may ngiti at kagaya ng madalas ginagawa ay inilagay sa likod ng tainga ang tikwas ng buhok ko.

"Oo," sagot ko habang marahang sinusuklay ang buhok ko ng daliri niya.

"That's good." He smirked and pinched my cheek. "Marami akong pinalutong pagkain mamaya," he said excitedly kaya natawa ako at tumango.

"Nagpadala rin si nanay ng ulam, hatian na lang natin mamaya."

"Oh, nasa'n?" aniya at sumulyap sa kamay ko pero umiling lang ako.

"Nasa sasakyan, e"

"Bigay mo kaagad sa 'kin, itatago ko. Dapat marami kong makain," angkin niya kaagad. Napailing ako.

"Madami 'yon, Atlas. Mamigay tayo baka mamaya ay tawagin ka na naman ng..." Nabitin ang sasabihin ko nang bumusangot siya.

"Amalia." He glared at me, namula na kaya napatawa ako.

"Oo na, secret lang," I teased in a small voice. "Pero mamigay ka, huh?"

"Okay." He sighed and pinched my cheek again. "Pero mas marami pa rin ang sa akin dapat."

Magsasalita pa sana ako pero nawala nang tumayo ang babaeng maganda sa tabi ni Atlas at ngumiti.

"Atlas, pakilala mo naman ako." The beautiful lady smiled. Nahiya ako sa sariling ang sama ng iniisip kanina. Ngumiti ako pabalik.

"Hello," marahang sabi ko.

"Hello rin, you're pretty." She smiled.

"Ah? Um, ikaw din." Mas nahiya ako at ngumiti na lang.

Kumapit si Heart sa braso ko at bumaling kami kay Atlas na tinawag ang pansin ko.

"Lia, I want you to meet Yui. My childhood friend," he said. "Yui, this is Lia."

"Uh-oh," I heard Heart say in a low voice kaya nilingon ko siya at ngumiti lang siya at umiling.

"Uh, hello, Lia," pakilala ko at in-offer ang kamay ko sa kanya.

"Yui," she introduced and accepted my hand, her eyes intense now.

"Tara na, excited na akong lumangoy!" biglang putol ni Heart.

"Lia—" Atlas called pero 'di ko na siya nalingon dahil nahila na ako ni Heart palabas kung nasaan ang mga lalaki at nag-aayos na sa sasakyan.

"Si Atlas daw magda-drive," ani Josh pagkakita sa amin kaya tumango ako at ngumiti. Pinagmasdan ko si Atlas na naglalakad, kasabay niya si Yui.

Hinawi ko ang buhok nang tumama ang malakas na hangin at nasalubong ko ang mata ni Atlas na nakatitig sa akin. The side of his lips lifted the moment he caught me staring at him.

The butterflies in my stomach danced. Nakagat ko ang labi.

Lumaki ang ngisi niya. He jogged towards me and immediately placed his arm on my shoulder.

"Ako mag-da-drive, gagalingan ko,"

"Siyempre, ikaw pa ba?" I beamed.

"Tabi tayo, ah?" aniya at tumango ako, papunta na sana kami sa sasakyan nang makita namin ang paglapit ni Yui sa front seat at mabilis na pumasok at dumungaw, kumaway pa kay Atlas.

"Ikaw daw mag-da-drive, e! Galingan mo, Atlas, I'll watch you." She smiled sweetly. "Faster!"

Atlas glanced at me and I saw hesitation, alam kong about 'yon sa front seat kaya bago pa man siya magsalita ay umiling na ako at nagsalita.

"Don't worry, okay lang. Katabi ko naman sina Heart." I reassured.

His forehead creased, mula sa balikat ko ay bumaba ang kamay niya sa braso ko pababa sa daliri ko at marahang humawak doon.

"Sorry." He sighed.

"Okay lang, ano ka ba," I said softly. "Basta galingan mo pa rin, ah?"

His lip twitched. He nodded at me happily. Mas tumama ang sinag ng araw sa mukha niya at mas nagliwanag siya.

"Para sa 'yo, I will." He winked and my cheeks flushed, hinatid niya ako sa sasakyan at nakaabang na sina Heart. I saw Josh and her smirking, si Ted ay seryoso at kunot ang noo habang nakamasid.

"Careful." Atlas helped me up, naupo ako sa tabi ni Heart at dumungaw muna siya bago isinara ang pinto.

"Alagaan n'yo si Lia, kapag bumaba 'yan ditong may galos," he warned but smiled when he looked at me. "Lipat na ako ro'n, Lia."

Umamo ang boses niya.

I smiled and nodded.

"Daming arte, Montezides. Kung may makakasugat man kay Lia baka 'yong pagda-drive mong lutang," Heart muttered and we all laughed, ngumuso si Atlas at bumaling sa 'kin, naghahanap ng kakampi.

"Lutang ba akong mag-drive, Lia?" he asked, kumurap-kurap pa. He showed me a cute puppy look.

Medyo lutang, bibi ko...

"Ay, 'di sumagot si Lia, oo raw!" tawa ni Josh kaya ngumuso si Atlas at bumagsak ang balikat, nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling.

"H-hindi ah!" I exclaimed and he smiled.

"I knew it!" he said.

"Tara na, Atlas. Excited na ako sa falls!" Biglang dumungaw sa likuran si Yui na may ngiti sa labi kaya natigilan kami. Tumango si Atlas.

"Yes, Ma'am," aniya at pumunta sa harapan.

Sa buong biyahe ay maingay ang mga lalaki. I noticed na kilala na nila si Yui. Josh and Ted were talking to her, miski si Atlas na nag-da-drive ay natatawa rin sa kwento ng mga babae.

Turns out, magkaklase sila no'ng elementary at magkababata pa, sa Maynila kasi sila nag-aral dati. Si Atlas ay no'ng high school lang lumipat sa CSU kagaya ni Kuya Hunter. Bumibisita lang sila minsan dito sa Peñablanca tuwing bakasyon. Si Kuya Damon lang ang narito na talaga simula pagkabata.

May bahay din daw sina Yui rito sa Cagayan at tuwing bakasyon ay nasa Montezides siya.

"And guess what? Sa CSU na ako this coming grade twelve! Magka-klase yata tayo!" she announced. I smiled when Atlas laughed and glanced at her.

"Really?"

"Yes!" She giggled. "My parents wanted to focus on their business here. Kapag college, 'di ko pa alam, but in the mean ime, dito muna ako mag-aaral! Kaklase ko kayo!"

"That's good," Josh said.

Lumingon sa amin si Yui at ngumiti. "Baka magkakaklase tayo!"

"Grade ten pa lang kami sa pasukan." I smiled at her.

"Oh!" Her eyes widened. "But it's okay, see you around CSU!"

Ngumiti ako at tumango. "See you around!"

It was my first time sa falls na pupuntahan namin kaya wala akong ideya sa itsura pero alam kong maganda ang lugar, wala naman hindi maganda sa Cagayan Valley. There were a lot of hidden treasures here na hindi pa masyadong nakikilala pero deserving.

Nakapunta na ako sa mga falls pero ngayon lang ako makakapunta sa Lapi. Tumigil ang sasakyan nang marating namin ang Lagum.

"Yehey! I'm excited!" Heart danced in excitement.

Napasulyap ako kay Atlas na nakatitig sa akin. I smiled at him and he smiled back, nang kinalabit siya ni Yui ay napabaling siya roon at kinausap ang huli.

"Lakad lang tayo tapos sakay sa bangka patawid," ani Heart.

"Mababasa ba tayo kaagad?" I asked, napababa ang tingin sa suot kong sapatos. "Akala ko kasi maglalakad muna kaya..."

Natawa si Heart at dumungaw din sa paa niya. "Actually, Lia, same tayo."

Sumulyap ako at nakasapatos din siya kaya sabay kaming natawa.

"Don't worry, doon pa naman sa unahan tayo maglalakad, 'di rin kayo mababasa kaagad. May bangka naman patawid." Ted informed when he heard us.

"Mabuti na lang naka-tsinelas lang ako!" Yui chuckled kaya bumaling kami sa kanya. She showed us her slippers at ngumiti ako.

"Sana nag-tsinelas ako, nasa backpack lang naman," ngiti ko.

"Palit na lang kayo mamaya." She beamed and glanced at the back. "Atlas, look, I am wearing slippers!"

"Tss..." I glanced at Heart when I caught her frowning.

"Heart?" I called. Bigla siyang ngumiti ng hilaw.

"Wala, tara na."

Anong mayro'n?

Dala ng mga lalaki ang mga pagkain namin, magkahawak kami ni Heart at nakita ko pa si Yui na kausap ang bangkero habang hawak ang braso ni Atlas.

My lips pursed and moistened it.

Bagay sila...

"Let's go, girls," Ted called. Tinuro niya ang bangka. "Mabilis lang, tatawid lang tayo tapos lakad ulit papunta sa Lapi Falls."

I was so thrilled and amazed, nang mahuli ko ang tingin ni Atlas ay nginitian ko lang.

"Careful," ani Ted na hinuli ang kamay ko para alalayan ako papasok sa bangka.

"Salamat." I smiled.

Naupo kaagad ako sa gilid katabi ni Heart and felt a burning gaze on me. It was Atlas. Kunot ang kanyang noo, seryoso at mariin na ang titig kay Ted na mabilis na naupo sa tabi ko.

While in the boat para makatawid sa kabilang banda ay tahimik kong pinagmamasdan ang paligid, ang mga puno at ang maaliwalas na langit. Si Heart ay abala sa kaka-picture at nahuli ko pang kumukuha ng video sa aming mga kasama sa bangka.

"Hi naman kayo r'yan!" Heart giggled, extending her selfie stick in the air. "Lia, say hi!"

"Hi?"

Natawa na lang ako nang bumusangot si Heart at kinurot ako. "'Yong mas may buhay!"

Pagkababa ng bangka ay maglalakad na raw kami papunta mismo sa falls. Ito na ang advantage ng running shoes ko, kapag may basa na sa daan 'tsaka 'ko magpapalit ng tsinelas. Nasa backpack lang naman.

Kasabay ko si Ted sa paglalakad. Si Heart ay nauuna para sa video niya pang-Instagram at nakasunod sa kanya si Josh na bumubulyaw na dahil sa kakulitan ng kaibigan.

Sa likod namin ay si Atlas at Yui pero 'di ko nililingon at baka makita pa silang magkahawak na pala.

"Lia, bayabas, oh." Biglang may kumalabit sa akin sa likuran kaya nilingon ko at nakita si Atlas na may hawak na bayabas. Medyo maliit lang.

"Saan mo..."

"Here." He smiled and pointed to the tree. Muli siyang tumalon at may nakuhang dalawa pa at muling inilahad sa akin. "Tatlo para—"

"Atlas, I want one too!" Yui cheered kaya napabaling sa kanya si Atlas at tumango.

"Alright."

"Salamat," sabi ko bago bumaling na kay Ted na nakatitig lang pala sa akin.

"Hugasan natin saglit?" he offered and I nodded, kinuha niya ang bayabas na hawak ko, hinugasan ng kaunting mineral water bago ibalik sa akin.

"Thank you, Ted. Sa 'yo na 'to," bigay ko sa kanya ng isa na masaya niyang tinanggap at kinagatan.

"Thanks, Amalia."

Narinig ko ang marahas na tikhim sa likod pero 'di ko na nilingon at nahiya na.

No'ng malapit na kami sa unang talon sa Lapi falls ay medyo pumitik na ang daan, ayaw ko namang ilakad ang sapatos ko roon kaya bahagya akong gumilid para magpalit kagaya ng ginagawa ni Heart.

"Mauuna na ako, I have slippers, oh. Look!" Yui said and smirked, at nauna na siyang maglakad, nilagpasan kami.

Kinuha ko ang backpack ko, I glanced at Atlas who was just staring at me. I moved a bit.

"Sige, daan ka na," I muttered and offered him the path.

"What are you doing?" he asked, lumapit pa sa akin. Naamoy ko ang pabango niya kaya nag-init ang pisngi ko at bumaling sa bag.

"Ah, ano, papalit lang ng tsinelas. Maputik na kasi," sabi ko.

"No need," he said kaya sumulyap ako at nangunot ang noo.

"Huh?" Hindi niya ako pinansin, nakita kong inabot niya ang hawak niyang paper bag at plastic kay Ted na nakatayo rin sa may gilid.

"Anong gagawin ko—"

"Hold it," he said and walked towards me again. Bahagya siyang dumukwang at nangunot ang noo ko.

"Atlas, anong—" Napatili ako sa gulat nang bigla niyang sinakop ang hita ko at iniangat ako. My eyes widened when I found myself on his arms. Sinilip niya ako at ngumisi.

"Anong—"

"I'll carry you," he announced. Umawang ang labi ko.

"H-huh?" I couldn't even find my voice. "B-bakit? Kaya ko naman, papalit lang akong tsinelas—"

"Nah, let me carry you." He insisted and glanced at our friends looking at us with wide eyes. "Tapos na ang telenovela. Abangan ang sunod na kabanata! Maglakad na kayo ulit."

"Nice one, boplaks!" biglang humagalpak si Heart na kakatapos lang magpalit ng tsinelas at nakakapit na kay Josh.

"Baliw, sige na, go. Susunod kami ni Lia," aniya.

I saw Yui continue walking, si Josh ay humagalpak. "Nice one, Cap!"

Ted glanced at us and shook his head, smiling a bit.

Nang maglakad na muli ang mga kasama ay napabaling ako kay Atlas na nakamasid sa akin, he had that hidden smile on his lips.

"K-kaya ko naman maglakad." Nag-init ang pisngi ko nang mas napadikit ako sa dibdib niya dahil sa pag-ayos niya sa akin sa braso niya.

"Why walk when I can carry you?" He smirked and started walking. "Put your arms on my neck, alam mo namang may pagkalampa ako at baka madulas tayo. I don't want you hurt."

Doon na ako natawa. I locked my arms around his neck and let him carry me while we walked past the muddy path.

'Di ko yata maitatago ang ngiti ko at kilig habang buhat niya ako. I was positive na namumula na ako kaya pasimpleng isinandal pa ang ulo sa braso niya para magtago.

"You're blushing, Lia."

Nanlaki ang mata ko at binalingan siya. He had that playful smile on his lips kaya mabilis akong umiling.

"M-mainit lang kasi!" I protested, halos lumaki na ang butas ng ilong, lalo na no'ng tumawa siya. "Totoo nga kasi!"

"Oo nga." He chuckled again. "Wala naman akong sinasabi, ah?"

I smacked his chest, natatawang kumindat lang siya at nagpatuloy sa lakad. Noong makalagpas na kami ay 'tsaka ko lang siyang napilit na ibaba ako.

Nang marating namin ang unang falls ay namangha na kaagad ako, hindi pa raw 'yon ang main ay maganda na! Paano pa kaya kung sa main falls na?

Hindi na ako napilit ni Atlas magpabuhat no'ng tatawid na kami sa unang falls. He let me sit on the rock, kinuha ko ang tsinelas para magpalit pero hindi na ako nakagalaw sa gulat nang kinuha ni Atlas ang sapatos ko at mabilis na lumuhod sa harap ko.

"Atlas..."

"Let me," he said and removed my foot from the shoe. Pinagmasdan ko siya at dinama ang malakas na pagkabog ng puso ko. Ipinasuot niya sa akin ang tsinelas bago kinuha ang plastic para ilagay ang shoes ko.

I found myself lifting my hand as I placed it on his hair. Napabaling siya sa akin at ngumiti ako at marahang sinuklay ang magulong buhok niya ng daliri ko.

"Salamat." I smiled.

"Anything for my Lia." He smiled and stood, offering me his hand.

Sabay kaming tumawid sa unang falls at punong-puno ng paghanga ang puso ko habang nakamasid sa lugar. The birds were loud as it flew and chirped at the top part of the rock formations, ang lagaslas ng tubig ay musika sa pandinig.

When we reached the main falls, I didn't think words were enough to describe the beauty hidden in them. There were trees and green plants all over the falls, malinaw at parang kristal ang tubig na nahuhulog mula sa tuktok pababa, kumikislap na parang diyamante kapag natatamaan ng ilaw.

I heard nothing but amazement from my friends, the chirping birds, and the sound of the water falling. The fresh air touch my skin, nilipad ang buhok ko at kaagad ko iyong sinakop at napangiti.

"Wow..." I blurted.

Ang tubig mula sa falls ay nagiging halong kulay berde at asul kapag nahuhulog sa ibaba.

"OMG! Swim na!" Heart exclaimed. "Guys, picture!"

"Come on." Atlas touched my hand. Bumaling ako sa kanya. "Do you like it?"

"It's...amazing," I answered. He chuckled, inangat ang isang kamay at ginulo ang buhok ko.

"I am glad you liked it," aniya at pumunta kami kina Heart para kumuha ng litrato.

Inayos ng mga lalaki ang pagkain at si Heart ay walang pasabing hinubad na ang shirt at lumitaw ang bikini niya.

"Lia, hubad na!" she cheered at nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling sa kanya, unti-unting niyakap ang katawan ko.

"A-ayaw ko, shirt lang ako, Heart," I said in a small voice.

Nahuli ko si Yui na naka-two-piece na, nasa may gilid lang at naglalagay ng lotion yata 'yon.

"Hala, kaya nga kita binilhan ng bikini! Tapos 'di mo ipapakita?" she exclaimed and I pouted, napalunok at tumikhim.

"J-joke lang, 'di ko pala kaya suotin," I muttered, pero ang totoo ay suot ko ang itim na bikini sa ilalim ng itim na shirt ko.

"Weh?" Binaba niya ang shirt ko sa balikat kaya napasinghap ako nang makita niya ang bikini.

"Suot mo, e!" tawa niya.

"O-oo nga, pero nakakahiya—"

"Come on, be confident, Lia. You got the body, sinukat mo na ang swimsuit, 'di ba? And I know it would look good on you, come on!"

"P-pero..." Tumikhim ako, napasulyap sa mga lalaki roon, lalo na kay Atlas na nakamasid pala sa amin ni Heart.

Tumayo siya at hinila mula sa likod ang shirt na suot para hubadin at nakita kong lumitaw ang katawan niya kaya marahas akong lumunok at bumaling sa kaibigan ko.

"H-Heart..."

Ayoko na, uuwi na lang ako. Nakakahiya! Nand'yan pa si Atlas, oh!

"Sige na, sige, magtatampo ako," ungot ni Heart, nakanguso. "Maganda naman, Lia? Please? Ang ganda-ganda mo kaya! Mahiyain ka lang."

"S-sige...pero pwedeng 'yong bra lang ang ipakita? 'Di pa kasi ako komportable sa panty," bulong ko. Tumawa si Heart pero laking pasalamat nang tumango siya.

"Sige na nga, basta, ah?"

"O-okay."

She winked at me. Hinila na niya si Josh na kakahubad pa lang ng shirt sa tubig at sinabuyan ng tubig kaya suminghap ang huli at nagbasaan sila.

I chuckled, muli akong napabaling kay Atlas na nakatitig sa itaas ng falls. He was only wearing his shorts, kitang-kita ko magandang hubog ng muscles sa braso niya! I mean, nakikita ko naman palagi ang braso niya kapag basketball pero...bumaba ang tingin ko sa tiyan niya.

May abs din!

Jusmiyo!

Napahawi ako sa gilid ng labi at baka may laway.

"He's hot, right?" Nawala ang atensyon ko kay Atlas nang may magsalita sa tabi ko kaya napabaling ako at nakita si Yui na nakangiti, nakamasid din kay Atlas.

"Ah, oo." Ngumiti ako.

She smiled, hinawi ang buhok niya. "Kaya gusto ko 'yan, e."

Natigilan ako. She smirked at me, placed her finger on her lips and said, "Secret lang, ah?" Hindi na ako nakapagsalita nang iwan niya ako at tinakbo si Atlas.

"Atlas!" I saw her pull him to the water and they laughed.

I sighed, tumayo ako, nahihiya mang maghubad at ayaw na sana pero nahuli ko ang titig ni Heart kaya ngumuso ako at unti-unting hinubad ang shirt.

Halos kilabutan ako nang ang bra ng bikini ang natira sa akin at shorts ko. Napalunok ako, halos mayakap ang sarili pero nahuli ko si Ted na ngumiti sa akin.

"You look good," he said and stared at me. "Bagay sa 'yo, tara?"

He offered his hand at ngumiti ako at biglang naging confident sa sinabi niya. I took his hand, sumama ako sa kanyang papuntang falls at halos mapasinghap ako sa lamig ng tubig na tumama sa balat ko.

"Lia! Tara!" Heart called me, nasa gitna na at malalim na parte ng falls.

"Huh? H-hindi na," I said.

"Tara, do'n tayo sa kanila?" Ted offered pero mabilis akong umiling at naglakad sa may gilid, sa hindi pa masyadong malalim na parte.

"'Di na." I smiled. "Ano, dito lang ako. Ayaw ko kasi sa malalim, 'di 'ko marunong lumangoy," I explained.

He looked shocked but then smiled and nodded. "Samahan na lang muna kita rito."

"Huh?" My eyes widened.

"Hmm, para 'di ka mapag-isa. Mamaya-maya, lalangoy na rin kasi 'ko. Gusto mo ba pumunta roon? Aalalayan na lang—"

"'Di na!" Mabilis akong umiling sa kanya. "Ayos lang."

Tumango siya at sinamahan muna ako, lumubog ako saglit at nang mabasa ang mukha ay hinawi ko ang buhok at inilagay sa balikat. I caught Atlas' eyes, kausap siya ni Yui pero nakatingin sa akin kaya ngumuso na lang ako at sumandal sa may bato at tumitig sa tanawin.

"Babalik ako rito," nakangiting sabi ko at hinawi ang basa sa pisngi.

"Beautiful, right?" ani Ted. Tumango ako.

Saglit kaming nag-kwentuhan, tinawag pa ako at pinuntahan ni Heart pero 'di ako sumama dahil natatakot ako sa malalim kaya hinayaan na lang nila ako sa gilid.

I was not bored anyway, nag-e-enjoy ako sa tanawin, sa tunog ng pagbagsak ng tubig at sa ganda ng kulay berdeng mga halaman. I stared at the water and touched it. It was so soothing and relaxing.

No'ng nagpaalam si Ted na lalangoy saglit ay hinayaan ko siya. I watched him swim towards our friends and I rested my back on the rock, medyo nagpo-floating pa kahit 'di naman talaga gano'n kagaling.

Yui swam towards the rock, kung saan nahuhulog ang tubig. Napabaling ang tingin ko kay Atlas at nakitang nasa kabila lang siya, nakatitig.

Napalunok ako, biglang nagbaba ng tingin at naglaro na lang ng tubig.

After a moment, I glanced again at his place and didn't see him there. Kumunot ang noo ko pero nang sumulyap ako kay Yui ay wala na rin doon at ayaw ko man isipin ay may kung anong naisip.

Baka magkasama sila...

I felt the painful throb of my heart. Okay, I was jealous. Hindi naman dapat pero kasi...gusto ko siya.

But who was I to be liked by him back, right?

I sighed.

I was just Amalia...I had nothing to offer.

Isang hawak sa baywang ko ay napatili na ako, sa gulat ko ay halos masipa ko ang kung sino sa tubig nang biglang may umahon sa harapan ko.

Nagitla ako nang may umahon at nakitang si Atlas iyon. Our eyes met, his eyes were black and mesmerizing, ang buhok niya ay bagsak dahil sa tubig. I saw how the water fell on his jaw down his naked chest. I gulped.

"A-Atlas..."

"Nagtatampo na ako, Lia," he muttered and my eyes widened. Ramdam ko pa rin ang kamay niya sa baywang ko.

"H-huh?" I swallowed thickly. "B-bakit?" My voice even quivered.

"Hindi na tayo nagkakausap," he whined. "Si Ted na lang palagi..."

"Paano tayo mag-uusap, e, kausap mo si Yui?" marahang tanong ko, kunwari'y 'di distracted sa katawan niya.

"She's a friend," he said. Inangat niya ang isang kamay niya at hinawi ang buhok ko. He placed my wet hair behind my ear and brushed it slowly.

"Kaibigan ko rin si Ted," I told him.

He sighed and licked his lips. Nahulog ang buhok niya sa noo dahil sa tubig kaya hinawi ko iyon at muli kaming nagkatinginan.

"Who bought you that?" he asked, glancing at my bikini kaya nag-init ang pisngi ko at tumikhim.

"Si Heart," sagot ko. "Bakit, p-pangit ba?"

His forehead creased, akala ko ay tatango pero mabilis siyang umiling at bumalik ang tingin sa mga mata ko.

"No, bagay sa 'yo...I just..." He sighed.

"Ano?"

"Ang dami ko nang kaagaw sa 'yo," aniya kaya nanlaki ang mata ko. Namula ang mukha niya, umawang lang ang labi ko pero mabilis niyang nahuli ang daliri ko at tumitig sa akin.

"Punta tayo ro'n." Tumikhim siya at may tinuro.

"Huh?"

"There's a place behind the water," aniya. "Aakyat tayo d'yan sa may batuhan tapos sa likod may pwedeng upuan, maganda do'n, wanna see?"

"Uh, sure..." I nodded, hindi pa rin maka-get-over sa narinig ko.

"Saan kayo?!" Heart called when she saw us both.

"D'yan lang," ani Atlas na hindi muling lumingon at hinawakan ang baywang ko.

We only walked to the side dahil ayaw ko nga sa malalim, kaso pagkatapos, wala lang kaming choice kung hindi ang lumangoy. Inalalayan niya ako, halos malunod na nga para lang 'di ako lumubog papunta sa gitna para makaakyat sa batuhan.

Nang marating namin ang sinasabi niya ay nakita ko nga ang siwang sa may likod ng falls, kung saan pwedeng maupo.

"Wow..." I muttered. "Pwede rito?"

"Yes." He smiled and brushed his hair. "Come on, Lia, I'll help you up."

I was hesitating at first but he touched my waist again.

"Just climb on the rocks tapos pag-akyat mo, okay na. Just be careful, okay? Madulas ang bato," paalala niya.

"Okay." I nodded and he helped me up. The rocks were kinda slippery like he said, pero nakaya ko naman. Medyo nadulas nga pero nakaakyat din ako kaagad at naupo sa may gilid.

"You good?"

I nodded.

"Oo, akyat ka na rin, dahan-dahan lang," paalala ko pabalik.

He nodded. I saw how he brushed his wet hair with his fingers as he glanced up at me, ngumiti naman ako at nag-thumbs-up.

"Tara!" I called.

He nodded, humawak siya sa bato at umakyat din pero pangalawang hakbang pa lang ay dumulas kaya medyo nahulog pabalik.

Namilog ang mata ko.

"Fuck!" he cursed.

"O-okay ka lang?!" I exclaimed, dinungaw siya pero ngumuso siya bago tumango.

"Y-yeah, madulas kasi." He laughed awkwardly.

"Dahan-dahan, baka masugatan ka."

He cursed again when he almost slipped, parang lalabas ang puso ko sa kaba sa kanya pero ang saya lang no'ng finally ay nakaangat na pero frustrated siya at namumula.

"Okay na?" I asked, tumikhim siya at napahawak sa batok niya.

"Y-yeah." Hinuli niya ang daliri ko at marahang pinagsaklop ang kamay namin at hinila. "'Di ako lampa, ah? M-madulas 'yong bato kasi, right, Lia?"

Alam kong nahihiya na naman siya kaya tumango ako at ngumiti.

"Oo, madulas nga," pakikisakay ko kasi malakas siya sa 'kin.

"Kasalanan no'ng bato," he whined. "Kitang aakyat ako..."

Natatawa ako pero 'di ko na pinakita at hindi na ako nang-asar. No'ng pagkarating namin sa mismong likuran ng falls ay mas lumakas ang lagaslas ng tubig, halos 'di ko na marinig ang sinasabi niya dahil sa ingay ng pagbagsak.

"Here," malakas niyang sinabi bago ako dalhin sa may siwang ng bato kung saan kami pwedeng maupo.

Hinawakan niya ang braso ko, marahan akong inalalayan paupo at habang pinagmamasdan ang tubig na nahuhulog ay mas napayapa ako.

Ang ganda nga talaga!

A few drops of water from the current were touching our skin, napapikit ako ng mata sa ginhawa hanggang sa naramdaman ko na lang ang braso ni Atlas sa braso ko.

Nagmulat ako ng mata at nahuli ang kamay niyang nakahawak na sa balikat ko.

"Baka nilalamig ka," medyo malakas niyang sabi.

Tumango ako sa kabila ng naghaharumentadong puso, nagpipigil ng ngiti.

"O-oo, medyo malamig nga," sagot ko at ayaw siyang lumayo.

Ilang sandali pa kaming gano'n, hindi ako nakuntento at umusog ulit sa katawan niya at naramdaman ko ang pagtigil niya.

Nag-panic ako.

"U-uh, ano kasi...medyo malamig talaga," medyo malakas kong sabi at sumandal nang bahagya.

"How about this?" he asked, mas binalot ng braso niya ang balikat at likod ko at naramdaman ko ang init niya kaya tumango ako.

"O-okay na...salamat," I said.

Tahimik naming pinagmasdan ang talon mula sa likod. Atlas took my hand and played with it, he drew circles on my skin. It made me feel happy and elated.

Ganito pala 'yon? The power of youth and the feeling of happiness and being in love. I liked it very much.

"...you."

Saktong paghuli ko sa daliri ni Atlas ay ang narinig ko boses niya kaya natigilan ako at mabilis siyang nilingon.

"Hmm?" I asked dahil 'di ko nakuha.

He smiled a bit, his eyes soulful.

"You didn't hear it?" he asked, and confused, I shook my head.

"Sabi ko," aniya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin, hinawi niya ang basang buhok at nilagay sa balikat bago tumitig sa akin.

"Sabi mo?" takang tanong ko.

He cleared his throat, nagtaka ako nang mamula siya at halos manlaki ang mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin, akala ko'y ano na pero lumapit sa tainga ko at may sinabi.

"Sabi ko, gusto kita," aniya at kahit anong lakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig, walang nakatalo sa lakas ng kalabog ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co